Chapter 32

Halos mabaliw na ako sa lakas nang tibok ng puso ko.

Tahimik lang kaming dalawa ni Adam na naglalakad pabalik sa mansyon habang magkahawak-kamay. Ni hindi kami umimik pareho noong napagdesisyunan na naming umahon na sa tubig kanina at umuwi na!

"Mauna na ako sa loob," paalam ko kay Adam noong makarating kami sa labas ng mansyon nila. Naroon kasi si Orly at nag-aabang sa pagdating naming dalawa. Mukhang may nais itong sabihin sa Young Master nila kaya naman ay inunahan ko na ito.

"Alright. Magpahinga ka rin muna. We'll call you when lunch is ready," anito at binitawan na ang kamay ko. Tipid akong tumango sa kanya at nagsimula nang maglakad papasok sa mansyon.

Noong nakapasok na ako sa kwarto ko ay agad akong nagtungo sa banyo upang magbanlaw. At habang naglilinis ako ng sarili ay hindi ko maiwasam ang pagngiti sa mga nangyayari sa amin ni Adam!

I really can't believe that this is happening! Me and Adam. Doing this sweet stuff together! Ni hindi ko naisip na posible pa lang mangyari ito dalawa sa amin! Dahil kung tutuusin, matagal na akong nawalan nang pag-asa sa kung ano mang nasimulan namin noong mga bata pa kami! Sumuko na ako noon nong nawala ang alaala ko tungkol sa kanya.

This was my hopeless dream when I was a child. But, looked where am I now. Kasama siya sa iisang isla... Kasama ko ngayon ang taong pangarap ng batang puso ko!

"Well... hindi naman sigurong masamang mangarap ulit ngayon, 'di ba?" tanong ko sa sarili habang nagpupunas ng tuwalya sa basang buhok. "Adam still likes me. Ganoon din naman ako." Napangiti akong muli dahil sa tinuran. Napatakip ako ng mukha dahil sa kilig na lumukob sa akin ngayon! Damn me! I feel like a damn teenager right now!

Hindi ko alam kong ilang oras akong nakatulog. Marahil ay dahil sa pagod kanina sa may falls kaya naman ay bagsak ang katawan ko!

Kinusot ko ang mga mata at dahan-dahang bumangon sa kinahihigaan ko. Kusang napabaling ako sa may orasan sa dingding at napakunot na lamang ang noo noong makitang mag aalas dos na ng hapon! "Akala ko ba'y gigisingin nila ako kapag magtatanghalian na?" mahinang bulalas ko at maingat na bumangon sa kama.

Inayos ko muna ang sarili bago ako lumabas ng silid.

Katahimikan ang bumabalot ngayon sa malaking mansyon ni Adam. Walang pakalat-kalat na mga taga-bantay na siyang ikinataka ko.

"Where are the people here?" mahinang tanong ko sa sarili at naglakad patungo sa kusina. Napataas ang isang kilay ko noong namataan ko ang nakahandang pagkain roon.

"Adam!" sigaw ko sa pangalan nito at lumabas sa kusina. Pumanhik muli ako sa pangalawang palapag ng mansyon at tinungo ang silid ni Adam. Maybe he's resting. Kagaya ko ay tiyak na napagod din ito sa ginawa namin kanina sa may talon!

"Adam?" Tawag kong muli dito sabay katok sa nakasarang pinto ng silid niya. Inilapit ko pa ang tenga dito upang marinig kung may tao ba sa loob ng silid o wala. Seconds later, ni paghinga sa loob ay wala akong mahunihan! Kunot-noo kong hinawakan ang doorknob nito at nanlaki ang mga mata ko noong mapagtantong bukas ito!

Mabilis kong pinihit ang doorknob ng pinto at hindi na nagdalawang-isip pa na pumasok sa loob ng silid ni Adam. "Adam?" mahinang tawag kong muli sa pangalan nito.

Inilibot ko ang mga mata sa kabuuan ng silid at napataas na lamang ang isang kilay noong mapansin ang magulong higaan nito. So, he did sleep here. Pero nasaan na ito ngayon?

Tinungo ko din ang banyo at maingat na binuksan iyon. Napanguso ako. Adam is not here either! If he's not in his room, so, where the hell is he?

Akmang isasara ko na ang pintuan ng banyo at lalabas na sa silid ni Adam noong biglang nakarinig ako ng mga mabibigat na yapak mula sa kung saan. Natigilan ako sa pagkilos at napatingin sa nakasarang pinto ng silid ni Adam.

"Find the girl." Isang hindi pamilyar na tinig ang nagpatulos sa akin sa kinatatayuan ko. Biglang kumabog nang malakas ang puso ko at halos hindi na naman ako makahinga nang maayos!

Muli akong napatitig sa nakasarang pinto ng silid ni Adam at noong mapagtanto kong hindi ko iyon na-lock kanina noong pumasok ako, agad akong napamura sa isipan! Mabilis ngunit maingat akong kumilos at pumasok na sa loob ng banyo! Agad ko itong ini-lock at walang ingay na lumayo sa nakasarang pinto.

What the hell?

Sino ang narito ngayon sa loob mansyon? Damn! Did someone enter this mansion without anyone from Adam's men noticing it? Oh, jez! Where the hell are you, Adam Zamora?

"Walang tao dito." Isang hindi pamilyar na boses muli ang narinig ko. Oh my God! Nasa loob na ito ngayon ng kwarto ni Adam!

Napatras akong muli palayo sa nakasarang pinto hanggang sa natigilan ako dahil tumama na ang likuran ko sa dingding ng banyo! Fuck! Dead end!

Mayamaya pa'y napatakip ako ng bibig, preventing myself to make any noise, noong makitang gumalaw ang doorknob ng banyo.

"It's locked," ani ng lalaki sa labas ng banyo.

"Really?" saad pa ng isa at pinihit-pihit pa ito.

Damn! Adam Zamora! Nasaan na ba ito?

"Destroy it," utos ng isang lalaki, iyong unang boses na narinig ko kanina, at nakarinig muli ako ng mga mabibigat na yapak sa labas ng banyo.

Napapikit na lamang ako at pilit na ikinakalma ang sarili. The hell! Paano ako makakaligtas sa tatlong lalaking narito ngayon sa silid at halos gibain na ang pintuan ng banyo?

"I know you can hear me, little princess," malamig na sambit ng isa sa kanila. "Open this door."

Oh my God! No!

Napaupo na ako sa sahig dahil sa panghihina. Nakatakip pa rin ang mga kamay ko sa bibig, pinipigilan ang sariling huwag humikbi. My hands are shaking while my knees becomes jelly! Oh, great! Nasaan ba sila Adam?

Napapikit na lamang ako dahil sa takot. Sunod-sunod na kalabog ang narinig ko sa labas ng banyo kaya naman ay napahawak na ako sa dalawang tenga ko. Itinakip ko ang mga palad dito at napayuko na lamang. At when I was about to give up, mga putok ng baril ang umalingawngaw sa buong mansyon na siyang umagaw ng atensyon ko. Fuck!

"Stop," mahinang sambit ko noong nasundan pa ang putok ng baril na narinig kanina.

Ang panginginig ng katawan ko ay mas lumala kumpara kanina! "Pleas.. Stop." I cried as I covered my ears tightly.

Hindi ko na nasundan ang mga sumunod na nangyari! Nakaupo lang ako sa sahig, umiiyak habang hawak-hawak ang magkabilang tenga. But when I heard his voice calling my name, natigilan ako at kusang napaangat ng ulo.

Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha nito. Nasa loob na rin ito ng banyo at nakaluhod sa harapan ko! "Belle..."

Oh my God! He's here!

Mabilis akong kumilos at yumakap kay Adam. Bahagya itong natigilan sa pagyakap ko pero agad din namang nakabawi at gumanti nang yakap sa akin. "Akala ko makukuha na nila ako," umiiyak na sambit ko at humagulhol habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

"Hush it, baby," alo niya at hinigpitan na rin ang yakap sa akin. "I'm sorry for leaving you here alone. I'm sorry. May sinundan kaming lalaki kanina. Hindi ko naisip na baka hindi lang iisa ang narito sa isla. I'm sorry, Belle. Hindi ko na uulitin ito. I'm sorry."

Lalong akong naiyak at humigpit ang yakap kay Adam. He kept on saying things that will calm me down but hell, takot na takot ako ngayon na kahit na gusto kong humiwalay na sa yakap ni Adam ay hindi ko kayang gawin!

"Young Master." It was Orly's voice.

Nakapikit ako ngayon at nakayakap pa rin kay Adam. Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw nito pero hindi kinalas ang mga brasong pirming nakayakap sa akin. "It's confirmed, Young Master. They were from Santiago's Clan."

Fuck! Enemy alert!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top