Chapter 31

Halos hindi ako nakatulog nang maayos.

I kept on thinking of who the hell I saw last night!Na-ireport na rin nila Orly sa amin ni Adam na walang ibang tao sa isla kung hindi kami lamang at wala ng iba pa!

But I can't be wrong! Hindi maaaring namalikmata lamang ako! It was a person! Sigurado ako roon!

"Do you have any plans for today?" basag ni Adam sa katahimikan naming dalawa habang nag-aagahan.

Tamad akong nag-angat nang tingin sa kanya at umiling. Tumango ito at bahagyang nag-isip. "Great, let's go for a swim," anito pagkaraan ng ilang segundo na siyang ikinatigil ko.

Pinaglaruan ko ang pagkain sa harapan gamit ang tinidor na hawak-hawak. "Ayaw ko," simpleng sagot ko sa paanyaya niya.

"Why not?" Adam asked while drinking his coffee.

"Someone might attack us." I said then finished my food.

Kita ko namang natigilan si Adam sa naging sagot ko. Ibinaba nito ang hawak na mug at matamang tiningnan ako. "Still thinking about the guy you saw last night?" Adam slowly asked me, tila tinitimbang nito ang mood ko ngayong araw.

Tumango naman ako sa kanya at bumuntonghininga. Hindi talaga ako napanatag kahit ikinumpirma na nila sa akin na walang ibang taong narito sa isla kung hindi kami lamang! I know what I saw!

At isa pa, iyong tungkol sa plano nitong gawin ngayong araw! I hate waters now! Nakalimutan na yata ni Adam na muntik na akong mapahawak dahil sa pagkakahulog ko sa barko!

I sighed and rest my back against the backrest of my chair. "I'm sorry. I just can't stop thinking about it." I honestly said to him then sighed again.

Naging tahimik naman si Adam at walang salitang tumayo sa upuan nito. Mayamaya lang ay natigilan ako noong lumapit ito at tumayo sa tabi ko. "Do you trust me?" biglang tanong niya na siyang ikinagulat ko. Kusang tumango naman ako habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Then, come with me," pahabol na sambit niya sabay lahad ng kamay sa akin.

"Ha?"

"Take my hand and come with me, Belle."

Napalunok ako habang nakatingin pa rin sa kanya.

Do I trust him? Of course! Hindi ako sasama dito kay Adam kung wala akong tiwala sa kanya! He promised me my safety, wala akong problema doon! Sadyang hindi lang ako komportable sa nakita kagabi kaya naman ay nagkakaganito ako! I'm being paranoid, yes! Aminado ako sa bagay na ito! Sa dami nang nangyari sa akin simula noong mapadpad ako sa mansyon nila sa Sta. Barbara, natural lang sa akin na magkaganito!

"At saan naman tayo pupunta?" I managed to ask him. Kita kong napangiti ito sa naging tanong ko sa kanya kaya naman ay tila tumalon ang puso ko noong makita iyon!

"Do you trust me?" tanong muli nito sa akin.

Napalunok akong muli at maingat na tumango sa kanya. "Tell me that you trust me, Belle." He demanded then smiled widely in front of me!

Seriously? Napairap na lamang ako sa kanya at tinanggap ang kanina pang nakalahad na kamay nito sa harapan ko. "Yes, Mr. Zamora, may tiwala ako sa'yo. Now, saan mo ako dadalhin?"

"Somewhere where you can forget about your worries." Lalong lumawak ang ngiti nito at maingat na hinila na ako patayo sa kinauupuan ko. "Change your clothes and bring some extra one," saad pa nito at tiningnan ang kabuuan ko.

Napataas naman ang isang kilay ko sa kanya at muling umirap. Hindi na ako kumibo pa at sinunod na lamang ang nais nito. Pumanhik na ako at nagbihis kagaya nang nais nito.

Isang puting shirt at maong short lang ang sinuot ko. Isinilid ko naman ang extrang pares na damit sa maliit na bag at gamit ang nag-iisang tsinelas na nasa loob ng silid, lumabas na ako.

Naabutan kong prenteng nakaupo si Adam sa mahabang sofa. Nakabihis na rin ito. Isang puting tshirt rin ang suot niya at isang khaki short. Noong namataan niya ako ay agad itong tumayo. Ngumiti ito at dinampot ang isang basket na nasa tabi nito.

Napaarko ang isang kilay ko at tiningnan ang hawak-hawak nitong basket. "Hindi ka masyadong handa, huh?" puna ko at nilapitan na ito.

Ngumisi lamang ito at nagkamot sa batok niya. Napailing ako at tumigil sa paglalakad noong nasa harapan na niya. "Let's go," anyaya niya at hinawakan nito ang isang kamay ko gamit ang libreng kamay niya. Marahan na niya akong hinila at nagsimula nang maglakad.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Palaging ganito ang epekto sa akin ni Adam. Whenever he holds me, I felt so safe. Lahat nang pangamba ko ay biglang nawawala pag nasa tabi ko siya. Adam Zamora, you're still that Adam whom I knew before... Iyong Adam Zamora na minahal ng batang puso ko.

Ikaw pa rin ito kahit lumipas na ang mahabang panahon sa ating dalawa. Ikaw pa rin at mukhang hindi na iyon magbabago pa.

"Wow!"

Iyon lang ang nabigkas ko noong makita ang kabuuan ng ganda ng tanawin. "Adam! This is a paradise!" Nagtatatalon ako at mabilis na tumakbo patungo sa tubig.

It's a falls! A crystal blue one! Ang ganda! Sobrang ganda!

"You like it?" I heard Adam asked behind me. Bumaling ako sa kanya at napatango na lamang.

"Are you kidding me? I love it!" Hiyaw ko na siyang ikinatawa nito. Inilublob ko sa tubig ang kamay sa tubig at natuwa na lamang noong manuot sa balat ko ang lamig nito! Ang ganda talaga dito!

Bahagyang nawala ang takot ko sa tubig dahil sa ganda ng tanawin. How I wished I know how to swim! Kahit iyong simpleng paglanggoy na lang sana! I wanted to enjoy this moment with him!

Mayamaya lang ay natigilan ako at nawala ang masayang ngiti sa labi. Napakurap ako at mabilis na inalis ang kamay sa tubig. I sighed. Damn, Belle! Just for once, forget about your fear! Damn it!

Okay... Sa gilid lang ako. Hindi ako lalayo at ilulublob lang ang katawan sa tubig! This is a once a lifetime experience kaya naman ay susulitin ko na!

"I'll take a dip, Adam!" deklara ko at muling kinagat ang pang-ibabang labi. Dahan-dahan akong naupo sa gilid. May malaking bato roon kaya naman ay doon na ako naupo. Hindi na ako nag-abala pang maghubad ng shirt at short! Bahala nang mabasa at may dala naman akong extrang damit!

Inilapat ko ang paa sa tubig at napatili ako noong umakyat ang lamig sa buong sistema ko. "Oh my God!" bulalas ko at mabilis na bumaba mula sa kinauupuan.

This is so good! Ang lamig ng tubig!

Bahagya kong inilublob ang katawan habang nakahawak sa batong kinauupuan ko kanina. Pagkaahon ko mula sa pagkakalublob sa tubig ay siya naman ang pagtalon ni Adam sa tubig.

Napangiti ako at pinagmasdan ang direksiyon kung saan bumagsak ang katawan ni Adam kanina noong tumalon ito.

Kailanman ay hindi ko naisip na magkakaroon kami ng ganitong moment ni Adam! This is one of my childhood dream, iyong makasama ito sa mga ganitong pagkakataon! And it feels so amazing right now na nagkakatotoo ito! Napailing na lamang ako at muling inilublob ang katawan habang nakahawak nang maayos sa batong nasa gilid ko.

Mayamaya pa'y nawala ang ngiti ko sa labi. Napalingon-lingon ako sa paligid at napakunot ang noo noong hindi ko namataan si Adam. Bigla akong kinabahan at nagsimula nang umahon sa tubig. Mabilis akong naglakad at nagtungo sa parte kung saan ito bumagsak kanina.

I can't fully remember kung marunong ba itong lumangoy o hindi! Kinagat ko ang pang-ibanang labi at matiyagang hinintay ang pag-ahon nito. Ngunit ilang minuto na rin ang lumipas simula noong tumalon ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito umaahon! Oh my God!

"Adam!" sigaw ko sa pangalan nito habang patuloy sa pagmamasid sa tubig. Damn it! Saan nagpunta ang lalaking iyon? Ilang minuto na itong nasa tubig! "Adam!" sigaw kong muli.

Napaupo ako at inilublob muli sa tubig ang mga paa. Humugot ako ng isang malalim
na hininga at kinakabahan sa susunod na gagawin! Damn! I can't risk it! Hindi ako marunong lumangoy!

I kept on calling Adam's name when suddenly, someone grab my feet that makes me scream! Nahulog din ang katawan ko sa tubig kaya naman ay bigla akong kinabahan! Damn it!

"Adam!" Nahampas ko ang lalaki noong biglang lumitaw ito sa harapan ko habang tumatawa! Hinawakan niya ako at tinulungan para hindi lumubog ang katawan ko sa tubig. "You, jerk! Tinakot mo ako!" Galit na bulalas ko at muling hinampas ito. Damn him!

Unti-unting nawala ang tawa nito at humigpit ang pagkakahawak nito sa akin. Galit pa rin akong nakatingin sa kanya ngunit agad din namang nawala iyon noong maingat na lumangoy
ito. Mabilis naman akong nagpanic ngunit agad akong ipinirmi nito. Napatingin tuloy ako sa kanya.

Wala sa sarili akong napalunok at napahawak sa balikat nito. Seconds later, I felt that his left hand reached for my waist then pull me towards him.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya ngunit noong ngumisi ito sa akin, muli kong naalala ang ginawa niya kaya naman ay bumalik ang pagkairita ko sa nangyari kanina! "You fucking scared me, Adam Zamora!" mariing pagkakabigkas ko habang galit na nakatingin sa kanya.

"Hey, your words," suway nito at isinubsob ang mukha sa leeg ko. What the hell? "I'm sorry. I didn't mean to scare you, Belle. Forgive me," anito at bumuntonghininga habang leeg ko pa rin ang mukha nito! Fuck!

Napangiwi ako sa ginawa niya. Damn! I can't focus right now! Okay... Galit at inis ka ngayon sa kanya, Belle!

"Akala ko kung napano ka na!" Wala sa sariling saad ko at pilit na hindi binibigyan pansin ang malilikot na paru-paro sa tiyan ko dahil sa ginagawa ni Adam ngayon!

Sinubukan kong tanggalin ang mga braso nito sa bewang ko ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa akin! Damn! "I'm sorry," muling saad nito na siyang nagpangiwi sa akin.

I sighed and tried to remove his hand. "You're not forgiven. Now, let go of me, Adam Zamora!" Pagmamatigas ko pa rin kahit iba naman talaga ang nagpapagulo sa akin ngayon! Please, Adam. Let me go or else, damn, mababaliw na ako dito!

"I will never ever let go of you again, baby," mahina ngunit mariing sambit nito habang hindi pa rin inaangat ang ulo sa leeg ko. "I'm really sorry, baby. I won't do that again." I closed my eyes, trying to calm my nerves down.

Ilang minuto kaming ganoon ni Adam. Nakalublob ang parehong katawan namin sa tubig. Hawak niya ako sa may bewang at sinusuportahan ang katawan ko habang nakasubsob ang mukha sa may leeg ko!

Mayamaya pa'y naramdaman ko nang kumalma na ang sistema ko kaya naman ay napabuntonghininga na lamang ako. "Don't you dare to pull that stunt again on me, Adam, or else, ako mismo ang maglulunod sa'yo dito." I coldly said to him.

Hindi ako nagbibiro sa bagay na ito. I was really scared earlier! Na kahit hindi ako marunong lumangoy, handa akong tumalon kanina para hanapin at iligtas ito!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top