CHAPTER 3

Isa-isa kong tiningnan ang laman ng folder na ibinigay sa akin kanina. Tila nanginginig pa ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang laman nito.

Mga larawan ito ng apo ni Don Zamora. Maging ang medical records nito ay nasa loob ng folder! Tahimik kong binasa ang mga nasa papel at noong may napansin kang hindi normal sa mga records niya, napakunot ang noo ko. "Anong klaseng aksidente ang nangyari sa kanya?" mahinang tanong ko habang matamang tiningnan ang bawat pahina. Grabe naman kasi ang dinanas ng taong ito! Ilang surgeries ang ginawa sa kanya? At ngayon ay mukhang na-coma pa!

"Hindi mo na kailangan pang malaman, Miss Del Monte," mariing sambit ni Don Zamora na siyang nagpaangat ng tingin ko sa kanya. "Just be his personal aid. When he recovers, you're done. Bayad na rin kayo sa utang niyo sa akin."

Napaayos ako nang pagkakaupo sa tinuran ng matanda. Seryoso si Don Zamora habang sinasabi ang mga katagang iyon. Mukhang totoong mawawala na ang utang ni Papa kapag pumayag ako sa kondisyong ito nito! I took a deep breath and tried to concentrate. Base kasi sa medical records ng pasiyente, matatagalan ito bago tuluyang makarecover. And it only means na matatagalan ako sa trabahong inaalok ni Don Zamora sa akin.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi. "Paano ang pamilya ko?" I asked him without losing an eye contact.

"My men will take care of them. Hindi sila mapapahamak hangga't ligtas at buhay ang apo ko," mariing wika nito na siyang nagpalunok sa akin. Hindi ako nakakibo at nag-iwas na lamang ng titig kay Don Zamora. "We have a deal now, Miss Del Monte. Bukas ay darating na si Adam. Ayusin mo na ang dapat mong ayusin sa pamilya mo. Pero dapat mong itatak diyan sa isipan mo na dapat ay walang makakaalam sa gagawin mo. Kahit ang pinakamamahal mong ama at kapatid. Afterall, this is our little secret, Miss Del Monte."

"Hindi po ba illegal ito, Don Zamora? Hindi po ako totoong doktor. Paano kung-"

"I told you already, Miss Del Monte. We don't need a real doctor here."

Tulala lang ako at walang imik hanggang sa makabalik kami sa ospital. Kasama ko pa rin ang dalawang lalaki na siyang nagsilbing taga-bantay ng bawat kilos ko. I silently sighed. Kinalma ko muna ang sarili bago pumasok sa kwarto ni Papa. Naabutan kong tahimik na nakaupo sa tabi nito si Harold. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila. I smiled when Harold saw me. Agad na tumayo ang kapatid ko at tumakbo palapit sa akin.

"Ate!" ani Harold sabay yakap sa bewang ko. Hinawakan ko ito sa ulo at marahang hinaplos ang buhok nito.

"How's Papa?" maingat na tanong ko sa kapatid at naglakad palapit sa aming ama.

"Hindi pa rin siya nagigising, ate," sagot ni Harold na siyang ikinatango ko na lamang. Naupo kami sa upuang nasa gilid ni papa. Malungkot ko itong pinagmasdan at hinawakan ang kamay nito.

"Harold, aalis muna si ate," wika ko habang hindi inaalis ang tingin sa walang malay na ama. "Ikaw lang muna ang bahala kay Papa habang wala ako sa tabi niyo."

Hindi ko alam kong ano ang magiging set-up ko habang inaalagaan ang apo ni Don Zamora. Hindi ko alam kung puwede akong umalis sa mansyon para dalawin ang pamilya ko.

"Saan ka pupunta, ate?" takang tanong ni Harold sa tabi ko. Binalingan ko ito at malungkot na nginitian.

"Gagawa ako ng paraan para maging maayos ulit ang buhay natin. I'll do everything for our family, Harold. Take care of Papa and just trust me. Can you do that, hmm?" Hinaplos ko ang mukha ng kapatid ko. Seryoso itong nakatingin sa akin at bumaling sa pintuan kung nasaan ang dalawang lalaki.

"Sila ba ang dahilan kung bakit aalis ka, ate?" mariing tanong ni Harold habang masamang nakatingin sa dalawa. Umiling ako sa kapatid at hinawakan ang baba nito para bumalik sa akin ang buong atensyon nito.

"Of course not. Nandito sila para bantayan kayo ni Papa habang wala ako sa tabi niyo." Ngumiti ako rito. "Someone offered me a job. Makakatulong ito sa bayarin natin sa hospital bills ni papa kaya dapat ay huwag mo nang isipin pa ang ibang mga bagay. From now on, you need to focus on Papa. Only him, Harold. Promise me to take care of him. Promise to take care of yourself, too."

"Ate naman!"

"Harold, please." I said then hug my little brother. Naiiyak na ako. Those words are familiar to me. Iyong mga salitang binitawan ko ay iyon din ang mga salitang sinabi ni mama bago siya mawalan ng buhay. Ang pinagkaibahan lang ay ang sitwasyong mayroon kami ngayon. Buhay ako pero hindi ko alam kung hanggang kailan lang ako hihinga.

"Promise me, please," mahinang pakiusap ko sa kapatid.

"I promise, ate. Aalagaan ko si Papa at ang sarili ko habang wala ka." Napangiti ako sa sinabi ng kapatid. Humiwalay ako sa yakapan namin at muling binalikan nang tingin ang walang malay na ama. Kinuha ko ang envelope sa bulsa ko inilagay sa kamay ng kapatid ko. Kita ko ang pagtataka nito kaya naman ay nginitian kong muli ito.

"Gamitin mo ito sa pang araw-araw na gastusin niyo dito. At kung may problema, sabihan mo ang mga lalaking nagbabantay sa inyo."

"Sino ba kasi sila, Ate?"

Napailing ako sa kapatid at marahang hinaplos ang pisngi nito. "Just trust me, Harold. Sundin mo lang ang mga sinasabi ko, okay?" Kita ko ang marahang pagtango ng kapatid at isinilid sa bag niya ang ibinigay kong pera. Tumayo na ako sa pagkakaupo at muling hinawakan ang kamay ni Papa.

"Please, magpagaling ka na Papa. I need you," mahinang pakiusap ko sabay halik sa kamay ng ama. Binalingan ko si Harold at ginulo ang buhok nito. "Be good, Harold. Huwag kalimutan ang mga bilin ko."

Pagkatapos kong bisitahin sila Papa sa ospital ay nagtungo naman ako sa bahay namin. Kasama ko pa rin ang dalawang lalaki na tahimik lang na nakabantay sa akin. I just ignored their presence and went to my room. Kumuha ako ng bag at isinilid ang mga importanteng gamit roon. Ilang pares ng damit ang dinala ko. Napatingin ako sa study table ko at dahan-dahan lumapit doon. Dinampot ko ang frame kung saan nakalagay ang family picture namin. Hinaplos ko ito at napagdesisyonang dalhin din ito. Siguro naman ay may silid ako sa malaking mansyon na iyon. I need this frame. Ito ang magiging lakas ko habang nasa mansyon ako at inaalagaan ang apo ni Don Zamora.

Noong makuntento na ako sa mga dala ko ay lumabas na ako sa silid. Agad namang lumapit sa akin ang isang lalaki at kinuha ang dala kong bag. Hindi na ako umangal pa at ibinigay ko na lamang iyon. Pagkapasok kong muli sa kotse, agad na tumunog ang cellphone ko kaya naman ay kinuha ko iyon.

May isang mensahe galing sa isang unknown number.

"Don't worry about your school. Naayos na namin. Now, proceed to the mansion, Miss Del Monte."

I sighed.

Lahat ng pangarap ko ang biglang gumuho dahil sa nabasa. This is it. Titigil na ako sa pag-aaral. Hindi na ako magiging isang doktor. Not for now. I made a promised to my dying mother. Magiging doktor ako kahit anong mangyari. Siguro ay hindi pa ang panahon na iyon. In my own perfect time, magiging doktor din ako.

Bumalik na kami sa mansyon.

Pagkapasok namin ay bumungad agad sa akin ang lalaking nakausap ko kahapon. Nakaupo ito sa pang-isahang upuan. Naglahad ito ng kamay at iminuwestra ang bakanteng upuan sa gilid niya. Tumango ako sa kanya at sinunod ang nais nito. Naupo ako at deretsong tumingin sa kanya.

May inabot na naman itong envelope na siyang tinanggap ko agad.

"Terms and conditions iyan nang pananatili ko sa mansyon na ito." Napa-arko ang isang kilay ko sa tinuran ng lalaki. Maingat kong binuksan ang envelope at napakagat ako ng labi dahil sa mga nababasa.

Hindi ako maaring lumabas ng mansyon ng walang pahintulot. So, ibig sabihin ay hindi ko mabibisita sila Papa at Harold? I was expecting this pero hindi matanggap ng isipan ko na talagang malalayo ako sa pamilya ko. And no using cellular phone, too! Seriously?

"Kung tapos mo nang basahin, pirmahan mo na lang, Miss Del Monte. Tandaan mo, may isang salita si Don Zamora. Gawin mo nang tama ang pinapagawa niya at pagkatapos ay malaya ka na pati ang pamilya mo sa lahat ng pagkakautang sa kanya."

"And their security?" I managed to ask him. Kailangan kong makasigurong ligtas ang pamilya. Gagawin ko ang lahat ng nais nila basta alam kong ligtas nga talaga sila Papa habang nasa loob ako ng mansyong ito!

"Kami na ang bahala sa kanila, Miss Del Monte. Kung walang mangyayaring masama sa Young Master, wala ring mangyayaring masama sa kanila." Natigilan ako sa sinambit nito. Young Master? Teka nga lang, sino ba talaga itong babantayan kong pasiyente? Masyadong mahalaga ba ang buhay nito para ganito ang trato nila sa kanya? Damn it! Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi. Now, I'm starting to get curious about this man. I can't wait to see who's this Adam Zamora! Nakasalalay sa kanya ang kaligtasan ko at ng buong pamilya ko!

Wala na akong nagawa pa. Maayos naman ang mga terms and conditions na nakasaad sa papel maliban lang sa pinakaunang nasa listahan. Pakiramdam ko ay magiging isang bilanggo ako sa malaking mansyon na ito!

Noong matapos ako sa pagpirma, agad na kinuha ng lalaki ang papel. Tumayo na ito at matamang tiningnan ako. Mayamaya lang ay may babaeng dumating galing sa kung saan at tumabi sa lalaki. Tahimik lang ito at matamang tiningnan ako. Who is she? Doktor din bai to ni Adam Zamora?

Hindi ako nagpatinag sa titig ng babae sa akin. Mukhang hanggang ulo at paa ay nasipat na niya ako. Napakunot tuloy ang noo ko at noong magtatanong na sana ako, muling nagsalita ang tauhan ni Don Zamora at pinakilala sa akin ang bagong dating.

"This is Alison. Siya ang makakatulong mo sa pag-aalaga sa Young Master," anito at sinipat ang nakayukong babae. What? May atraso rin ba ang babaeng ito kay Don Zamora kaya naman ay narito rin siya sa mansyon ng matanda? "May mga tauhan kami na nakapalibot sa buong mansyon. Don't do something stupid. Alam niyo na ang mangyayari. Now, go to your respective rooms. Magpahinga kayo para sa pagdating ng Young Master ay magawa niyo nang maayos ang trabaho niyo."

Hindi na ako umimik pa. Nauna akong umalis sa sala at sinundan ang lalaking may dala ng bag ko. Nasa unang palapag lamang ng malaking mansyong ito ang kuwarto ko. At noong buksan ng lalaki ang pinto ng magiging silid ko, ibinigay na nito ang bag ko at mabilis na iniwan na ako. Tahimik akong pumasok sa silid at marahang isinarado ang pinto nito.

I sighed. Pinagmasdan ko kabuuan ng silid. Malawak ito. Kasing laki na ito ng bahay namin. I sighed again and started to move. Walang mangyayari sa akin kung hindi ako kikilos ngayon. I need to be occupied. Ngayong araw lang ang magiging pahinga ko at kapad dumating na si Adam Zamora, paniguradong hindi na ako makakapagpahinga nang maayos. Napailing na lamang ako at inayos na ang gamit ko at noong matapos na ako sa pag-aayos, nahiga na ako kama. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. I can't believe this! Sa dami nang nangyari ngayong araw, ngayon lang bumigay ang katawan ko.

I never thought na ganito ang mangyayari sa akin sa loob lang ng isang araw. Ang buhay nga naman. Hindi mo talaga malalaman kung ano ang susunod na mangyayari sa iyo. At bukas... bukas na magsisimula ang panibagong pagsubok ko. Sana nga lang ay tumupad si Don Zamora na napag-usapan namin. I'll do my best para maging maayos ang apo niya. Sana nga lang ay hindi niya pabayaan ang pamilya dahil kung hindi, kaya kong makipagpatayan para lamang sa kanila!

Mariin kong ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sariling makapagpahinga at makatulog.

Bukas ko na iisipan ang maaaring mangyari sa akin sa pananatili ko sa mansyong ito. Bukas ko na huhusgahan kung tama ba itong desisyon kong pumayag sa kondisyon ng matandang Zamora. Bukas ko na haharapin ang magiging kapalaran ko bilang tagapangalaga ng halos walang buhay na si Adam Zamora.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top