CHAPTER 28
Mabilis na lumipas ang mga araw.
Isang linggo na mula noong makabalik kami sa dating bahay namin. At isang linggo na rin akong nakakulong sa bahay na ito.
Pagkatapos nang encounter namin ni Adam sa mini-park ng village ay hindi na ako lumabas ng bahay. Idinahilan ko na lamang kay Papa na masama ang pakiramdam ko. Na gusto ko lang magpahinga. Pero alam kong hindi naniniwala ang ama ko sa mga dahilan ko sa kanya pero kagaya nang palaging ginagawa nito, he'll understands me. Kahit wala ng sense ang mga pinagsasabi ko, still, he believed it. Dahil sinabi ko, naniniwala si Papa.
I sighed for the nth times, and I was about to close the book that I was reading for today when I heard a strange noise on my room's door. Napakunot ako ng noo at tumayo mula sa kama ko. Nakapaa akong naglakad patungo sa pinto at maingat na inilapat ang tenga doon.
I know it's weird pero ginawa ko pa rin. Masyado na yata akong na-trauma sa nangyari sa akin sa mansyon ng mga Zamora sa Sta. Barbara. Nagiging ligalig tuloy ako ng wala sa oras!
Mayamaya lang y halos mapatili ako noong biglang kumalabog iyon sa kung saan. Nanlaki ang mga mata ko at hinawakan ang doorknob ng pinto at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi noong nasigurong naka-lock na ito. Mabilis kong hinawakan ang maliit na chain na nakasabit and I double locked it!
Napaatras ako palayo sa may pinto at kabang nakatitig lang doon. What the hell is happening? Kusa namang napabaling ako sa may orasan ko na nakasabit sa dingding ng silid at napanganga na lamang noong makitang alas tres pa lamang ng hapon. Papa and Harold are not yet around! Nasa school pa si Harold at tiyak kong hinihintay pa ito ni Papa roon! Oh my God!
Kung wala sila sa bahay ngayon... then, may ibang taong sa labas ng silid ko! Shit!
"Open the door, Princess."
Napako ako sa kinatatayuan noong makarinig ng isang 'di pamilyar na boses sa labas ng kuwarto ko. Napapikit ako at muling napaatras. Confirmed! May ibang tao nga ngayon sa bahay namin maliban sa akin!
Mabilis akong tumakbo pabalik sa kama ko at hinanap ang cellphone ko. I immediately dialed my Papa's number pero hindi ito sumasagot! It just kept on ringing! Oh my God! "Papa, please, answer my call!" bulalas ko at muling tinawagan ang ama.
Nanginginig na ako dahil sa kaba. I kept on dialing my father's number noong biglang isang malakas na kalabog sa pinto ang siyang nagpatigil at nagpatili sa akin. Nabitawan ko ang cellphone na hawak-hawak at takot na tumitig na lamang sa nakasarang pinto ng silid.
"Open this goddamn door, Belle Del Monte!" sigaw ng taong nasa labas ng kuwarto ko at pilit na binubuksan ang pinto.
Napapikit ako at mabilis na dinampot muli ang nabitawang cellphone. Akmang tatawagan ko na sanang muli si Papa noong mabilis akong natigilan. Napahawak agad ako sa ulo dahil nakaramdam ako bigla nang pagkahilo. Damn. Perfect timing! Ngayon pa talaga?
Muling kumalabog ang nakasarang pinto ng silid ko kaya naman ay pinilit kong kinalma ang sarili. I need to think a way para makalabas dito. I can't stay here! Kailangan kong makaalis dito! Mayamaya lang ay tiyak kong masisira na ng lalaki ang pinto ng silid ko!
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at mabilis na nag-isip nang paraan para makaalis sa silid. Napatingin ako sa bintana 'di kalayuan sa akin at wala sa sariling napatango na lamang. Naikuyom ko ang mga kamao at kahit nanghihina, tinakbo ko ang distansya nito mula sa kama ko. Napabaling ako sa pinto ng silid ko na ngayon ay halos gibain na ito ng kung sino mang nasa kabilang parte nito. Humugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling binuksan ang nakasaradong bintana.
I need to escape from here!
Napakagat ako ng labi noong makita kung gaano kataas ang kinaroroonan ko. Nasa pangalawang palapag lang ang kuwarto ko, but hell, ang taas pala nito! Napapikit ako at inangat na ang sarili.
"Belle Del Monte!"
"Oh my God!" bulalas ko noong mas lalong nilakasan nito ang pagsira sa pinto ng kuwarto. "Mababalian lang naman siguro ako kapag pagtumalon mula rito, 'di ba?" Parang baliw kong tanong sa sarili. Handa na sana akong tumalon noong biglang bumukas ang pinto ng silid ko. Napatili ako at pikit-matang tumuntong sa bukana ng bintana. At noong tatalon na talaga ako para makatakas ay doon naman may brasong biglang pumulupot sa bewang ko at inilayo sa nakabukas na bintana!
Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. No! "Bitawan mo ako!" sigaw ko at nanlaban sa kung sino mang humahawak sa akin ngayon. "Ano ba! Let me go!"
"Stay still, Belle! It's me! Calm down, please!"
"No! Ano ba! Bitawan mo ako!" naiiyak kong sambit dito.
Sinubukan kong iangat ang kamay ko para mahampas man lang ang humahawak sa akin ngayon ngunit hindi niya ako binigyan nang pagkakataong gawin iyon. Napamura na lamang ako sa isipan. No! Hindi nila ako makukuha ng walang laban man lang!
"Hey, calm down, it's me." Mabilis na pinaharap ako nito at natigilan ako noong makita kung sino ang may hawak sa akin ngayon. Napakurap-kurap ako para masiguro kung sino nga ba talaga ang nasa harapan ko. "It's me, Belle," muling wika nito sa akin. Biglang nanghina ang mga tuhod ko noong marinig muli ang boses nito. Mabilis na humigpit ang pagkakahawak ni Adam sa bewang ko at sinuportahan ako sa pagtayo. "It's okay now, Belle. It's me. It's okay now," mahinang sambit nito at niyakap na ako.
Napaawang ang mga labi ko. Kusang lumandas ang mga luha ko at napasubsob na lamang sa dibdib ni Adam.
Oh my God! Oh my God!
"Calm down now. You're safe. I'm here." Napatango na lamang ako at pinagpatuloy ang pag-iyak habang yakap-yakap niya ako.
Napahugot ako ng isang malalim na hininga at inilapag ang baso ng tubig na ibinigay sa akin kanina ni Adam. Nasa sala na kami ngayon. Dumating na rin si Papa at Harold. Don Zamora and his men are present, too. Nagkalat ang mga tauhan nila at ngayon ay tinitingnan ang lahat ng sulok ng bahay namin.
I closed my eyes then tried to calm myself down. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang takot sa nangyari kanina. I was just thankful noong dumating sila Adam at ang mga tauhan nito.
Dalawang assassins pala ang nasa bahay namin kanina. Luckily, nakita nila Adam ang isa sa mga nanloob sa bahay namin! At talagang nagpapasalamat ako na napigilan ako ni Adam sa pagtalon kanina! Damn! Tiyak na nasa ospital na naman ako kung hindi niya ako napigilan kanina!
"Bernardo, I think it's better to just agree on Adam's suggestion. More securities for Belle."
Napadilat ako at napaayos nang upo noong nagsimulang magsalita si Don Zamora. Napabaling ako sa puwesto nito at seryosong nakatingin sa gawi ni Papa. "I'm pretty sure na hindi papayag ang anak ko, Don Zamora," saad naman ni Papa at tumingin sa akin. Nanghina ako bigla noong makita ang takot at pagod sa mga mata ni Papa. "Hindi sanay si Belle sa ganitong bagay. It will only make her uncomfortable."
"Pero, sir, kagaya nang sinabi ko sa'yo noon, kilala na naman po ni Belle ang iiiwan ko sa kanya para mabantayan siya. Mapagkakatiwalaan po natin ang tauhang i-a-assign ko po sa kanya," sambit ni Adam at bumaling rin sa akin. Napakunot ang noo ko. So, talagang napag-usap na nila ang tungkol dito. At ayaw ni Papa dahil iniisip nito na hindi ako magiging komportable kung may magbabantay sa bawat kilos ko? "I'm really sorry for dragging your family to our mess, sir. I'm currently working on it. Please, bear with me," kalmadong sambit pa nito habang nasa kay Papa na ang buong atensiyon nito.
Bumuntonghininga si Papa at muling binalingan ako. I smiled weakly to my father. Trying to tell him that I'm fine. Trying to ease the burden he's having right now. "I trust you, Adam, but please, protect my daughter well. You know how precious Belle is. Alam kong alam mo ang nais kong sabihin sa'yo."
"Papa." Bigla akong kinabahan sa mga salitang binitawan ni papa.
Ngumiti lang ito sa akin at hinarap muli si Adam. "I'll take your first option, Adam. Take her back to Sta. Barbara o sa kahit saang lugar na mas ligtas. Iyong hindi siya mapapahamak. Iyong hindi siya masasaktan."
"What?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. What the hell? Ano bang sinasabi ni Papa? Aalis ako at lalayo sa kanila ni Harold? Iyon ba ang nais nitong mangyari ngayon?
"Sir." Mukhang hindi rin inaasahan ni Adam ang mga salitang tinuran ng aking ama. Napabaling ako sa kanya at halos hindi ako makahinga nang maayos noong maabutang nakatingin na pala ito sa akin.
"Take her away from here. Take her somewhere safer, Adam. Fulfill your promise now. Protect my daughter. Make her safe. Huwag mong hahayaang masaktan ulit ito." My father said with finality in his voice.
No. Hindi ito ang nais kong mangyari sa akin ngayon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top