CHAPTER 27
Padabog kong sinalubong si Papa at Harold noong mapakasok sila sa bahay.
Nakangiti pa si Papa noong makita ako ngunit nawala agad ang ngiting ipinakita niya sa akin noong mapansin ang iritasyon ko sa mukha.
"Harold, go to your room first," ani Papa sa kapatid. Tumango si Harold at masayang binitbit ang mga paper bags na tiyak kong pinamili nila ni Papa kanina. He's spoiling him again! Ngayong maayos na ang lahat, natitiyak kong pati ang negosyong mayroon kami noon ay bumalik na rin sa amin! "What's wrong, anak?" maingat na tanong ni Papa at naglakad papunta sa kusina.
May dala itong plastik bag na mukhang groceries naman ang laman. Sinundan ko ito at namewang noong nasa tapat na ako ng mesa namin kung saan inilalabas ni Papa isa-isa ang mga pinamili nila ni Harold.
"The Zamoras are back!"
It was supposed to be a question, but damn, nagwawala ang buong sistema ko dahil pagkikita namin ni Adam kanina sa labas ng bahay! Natigilan si Papa sa paglabas ng mga pinamili niya at nag-angat nang tingin sa akin. "Yes," parang wala lang na sambit ni Papa sa akin. "A week before we left to Sta. Barbara, nandito na sila ulit sa village na ito."
"What?" gulat na tanong ko sa ama. "And you don't tell me a thing?" hindi makapaniwalang tanong ko pa sa kanya. Namataan ko naman ang pagkunot ng noo ni Papa sa naging tanong ko sa kanya. "Papa naman!" Napapadyak ako ng paa dahil sa inis. Paanong nangyari ito? Bakit kapit-bahay na naman namin ang mga Zamora?
My father sighed and looked at me intently. "Belle, anak, you don't remember a thing about the Zamoras kaya naman ay hindi ko na sinabi sa'yo ang tungkol sa pagbabalik nila," mahinahong sambit ni Papa at nanatili ang matamang titig nito sa akin. "At isa pa, I was busy thinking of ways to protect you and your brother. That was my top priority at hindi ang pagbabalik nila rito sa Pilipinas."
"Pero Papa, you remember them! Alam mo ang magiging epekto nito sa akin. Lalo na si Adam!" hestirikal na turan ko at napatampal na lamang sa noo.
"Belle, calm down." He sighed again. "The Zamoras are facing some problems, too. Hindi lang ang pamilya natin ang may pinagdaraanan noon. Naaksidente si Adam kaya naman ay hindi ko rin agad nakausap si Don Zamora noong tuluyang nakabalik na sila rito sa village natin. We just accidentally met when some men were following me."
Napaawang ang labi ko sa narinig. What the freaking hell? "Bakit may sumusunod sa'yo, Papa?" seryosong tanong ko sa ama.
"Belle-"
"Tell me the truth, Papa! Please. Huwag mo nang ilihim pa sa akin ang bagay na ito!"
I saw him sighed again. Tuluyan na nitong itinigil ang ginagawa at ibinigay sa akin ang buong atensiyon nito. "Kaaway ng mga Zamora," maikling tugon nito na siyang nagpakaba sa akin. "Matagal na pa lang nakabalik ang mga Zamora rito sa Pilipinas, Belle. Nalaman ko lang din ito noong nasa ospital ako at nakausap nang masinsinan si Don Zamora. Adam... He was silently following you, anak. Binabantayan ka mula sa malayo at hindi ito naglakas loob na lapitan ka man lang. He knew that you don't recognize him."
Napakurap ako. "What? Wait a minute, Papa. Isa-isa lang!" pigil ko dito. "Tell me about the Zamora's enemy first, Papa. Bakit tayo nadamay? Bakit ako nadamay?"
"It was because Adam cared so much about you. Nalaman ng mga kalaban nila na mahalaga ka sa buhay ng mga Zamora kaya naman ay naging target ka rin nila."
Napailing ako at mabilis na napahugot ng isang malalim na hininga. "This is absurd," mahinang bulalas ko at napapikit na lamang. Hinilot ko ang sintido at muling humugot ng isang malalim na hininga. Damn it! Tila bigla akong nahirapan huminga dahil sa mga impormasyong ibinabahagi sa akin ni Papa. Mayamaya lang ay napatingin muli ako kay Papa at sinalubong ang matamang titig nito sa akin. "What happened next?" I curiously asked my father. I wanted to know more! Gusto kong malaman ang lahat-lahat ng nalalaman nito tungkol kay Adam at sa pamilya niya!
"Did you already talk to him?" Papa asked me. Natigilan ako. Mayamaya pa'y umiling ako sa kanya. Alam ko kung sino ang tinutukoy nito. Kahit na hindi ito magbanggit ng pangalan, alam ko kung sino ang tinutukoy nito. "Kausapin mo siya, Belle. Adam can answer all your questions, anak."
Napailing ako sa ama. "Hindi ko siya kakausapin, Papa," pinal na wika ko.
He sighed again. Malungkot na itong nakatingin sa akin. "Why are you doing this, Belle?" tanong bigla ni papa na siyang ikinatigil kong muli. "Why are you running away again? Hindi ka ba napapagod kakatakbo palayo sa kanya?"
I froze. "Papa, hindi ako tumatakbo pa-"
"Hinayaan kita noon, Belle, dahil alam kong hindi mo pa kayang harapin ito. I let you escape your reality because I knew that you can't handle the pain. Bata ka pa noon at alam kong mas makabubuti sa'yo ang kalimutan ang tungkol sa kanya. But not this time, Belle. You've changed. You're strong now, anak, and you are better than this, more powerful than the pain you are feeling right now."
Napailing ako habang nakatingin kay Papa. "I can't-"
"Yes, you can. Stop turning your back, Belle. Talk to him. Mas maganda kung manggagaling lahat sa kanya ang mga sagot sa mga katanungan mo. Mas mapapanatag ka kung galing mismo kay Adam ang sagot na makukuha mo." Papa said then take a step forward towards me. Agad akong yumakap sa kanya at hindi na napigilan ang mga luha. Yumakap na rin sa akin si Papa at marahang hinaplos ang likod ko. "I love you, Belle, and all I ever wanted was for you to heal. To heal from all the pain from our past. To heal your heart. Iyon ang nais ko kaya naman sana'y hindi mo na ito muling takbuhan pa, anak."
Lalo akong naiyak sa mga katagang sinasambit ni papa. "I can't, Papa. Hindi ko pa kayang harapin si Adam. Tanging sakit lamang ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. And that pain... it will surely destroy me again. At ayaw kong mangyari iyon. Ayaw kong mawalan na naman ako nang lakas para labanan ang sakit." Napahagulhol na naman ako. "Ayaw kong maulit ang nangyari sa akin noon. Ayaw kong... kalimutan na naman siya."
Hindi na ako pinilit ni Papa na kausapin si Adam. Hindi na rin ako nagtanong ng kahit ano sa kanya dahil kung gagawin ko na naman iyon, tiyak na iiyak na naman ako.
My father was right. Adam is the only one who can answer all my questions. Siya lang at wala nang iba pa. But... I don't want to talk with him! Ni ayaw ko ngang makita muna ito sa labas ng bahay namin! Damn it!
Kinabukasan, maaga akong gumising. Madilim pa sa labas. It's only four-thirty in the morning. Mukhang tulog pa sila Papa at Harold. Nagkibit-balikat na lamang ako at maingat na lumabas sa bahay namin. Gusto kong maglakad-lakad sa village. I wanted to exercise pero hindi pa kaya ng katawan ko. A few meters of walk won't hurt me. Ligtas naman dito kaya naman ay kampante akong maglakad kahit mag-isa lang.
Isang oras ang ginugol ko sa paglalakad. Pinagpapawisan na rin ako kaya naman ay tumigil muna ako saglit. Binuksan ko ang bottled water na dala at uminom. Humugot ako ng isang malalim na hininga at natigil noong mapansin kung nasaan ako. Napangiti ako noong makitang nasa mini park na pala ako ng village. Agad akong naglakad papunta sa swing na naroon at maingat na naupo.
Memories flooded my head. Good memories.
I smiled bitterly.
How I wished I never experienced that pain from my past. Kung hindi sana nangyari iyon, tiyak na hindi ako magiging ganito. But who am I to decide my fate, right? I'm just a stupid and coward teenage little girl back then. All I ever wanted was to be happy and when pain started consuming me, I ran away. Away from everything.
"Deep thoughts, huh?"
Napabaling ako bigla sa katabing swing na kinauupuan ko. Nanlaki ang mga mata ko noong makita kong sino iyon. "Adam!" malakas na bulalas ko sa pangalan niya. Bumaling naman ito sa akin at tipid na nginitian ako. "Paanong-"
"I was sitting here for a minute now. Masyadong malalim ang iniisip mo at hindi mo man lang naramdaman ang presensiya ko." Ngumiti itong muli at umiwas na nang tingin sa akin.
Is he for real? Bakit bigla-bigla na lang sumusulpot sa kung saan ang isang ito? Napailing ako at nag-iwas na rin nang tingin sa kanya.
"Talk to him, Belle." Natigilan naman ako noong biglang nag-echo sa tenga ko ang boses ni Papa. Napangiwi ako at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. No! Hindi ko pa kaya. Magkakasakitan lamang kaming dalawa kung pag-uusapan namin ngayon ang tungkol sa nakaraan namin. Napailing na lamang ako at itinuon na lamang ang paningin sa magandang tanawin sa harapan naming dalawa.
Sunrise.
I smiled weakly.
Ito talaga ang hinihintay ko kaya ako maagang bumangon kanina. I wanted to witness the sunrise here. Again. At kahit gaano pa ka-awkward ito ngayon para sa akin, hindi ko na lamang pinansin ang presensiya ng lalaking nasa tabi ko.
Adam didn't say a word, too. Tahimik lang din itong nakatingin sa bukang-liwayway.
Napangiti ako noong tumama sa mukha ko ang sinag ng araw. How I loved sunrise! It symbolizes a new day, a new hope and a new life that all of us should be thank of!
"I'm sorry, Belle." Natigilan ako sa ginagawang pagtanaw sa harapan noong marinig ang mahinang tinuran ni Adam. Napabaling ako sa kanya at mabilis na natigilan noong mamataang nakatingin pa rin ito sa harapan namin. "I'm sorry for breaking my promises. I'm sorry for causing too much pain to you... And I'm sorry for leaving."
Napaawang ang labi ko sa mga salitang binitawan nito. Mayamaya lang ay tumayo na ito sa kinauupuan niya. Nanatili naman akong nakatingin sa kanya samantalang hindi pa rin bumabaling muli sa akin si Adam Zamora.
"I'll protect you with my life. That was my first promise to you before at hinding-hindi ko iyon babaliin kahit kailan," pahabol na sambit pa nito at nagsimula na nang maglakad palayo sa kinauupuan ko.
Hindi ko nagawang kumilos na lang sa puwesto ko. Tahimik kong pinagmasdan ang papalayong bulto ni Adam. At noong tuluyan na itong nawala sa paningin ko, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.
"I'm so sorry too, Adam. I'm sorry for forgetting about you, about us. For not remembering the things we've done together. I'm sorry at iyon lang ang kaya kong gawin para mabuhay noon. Dahil kung hindi, kung hindi ko ginawa iyon, ikamamatay ko ang sakit na iyon at natitiyak kong hindi na kita makikitang muli. I'm sorry, Adam."
I sighed and calmly placed my hand on my chest.
It hurts. Seeing him walking away from me hurts. Pero... hindi bai to naman talaga ang gusto ko? Ang lumayo at hindi muna ito makita at makausap? Ito 'di ba ang nais ko? Ito iyon ngunit bakit ganoon? Bakit... tila mas masakit pa ito sa sakit na naramdaman ko noon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top