Sa kagustuhan kong matakasan ang sakit na mayroon ako noon, kinalimutan ko ito. I totally forgot about it for five years and now that I remembered everything, hindi ko na alam kung kakayanin ng Belle ngayon ang sakit na ito.
"Open your eyes, Belle."
No! Hindi ko gagawin iyon, Adam. I don't want to do it, damn it!
"Belle, please," sambit muli nito.
I don't want to see you! Bahala ka riyan, Adam Zamora! Hindi ko imumulat ang mga mata ko hangga't nasa iisang silid kami ng lalaking ito!
Seconds passed; I heard him sighed kaya naman ay naging alerto ako. "Fine. I understand you. I'll leave you alone... for now," he gently said then finally leave the room. Narinig ko pagbukas-sara ng pinto kaya naman ay napanatag na ako. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko tuluyang imulat ang mga mata. Napatitig muna ako sa puting kisame ng silid bago magdesisyong bumangon at maupo.
"It's good to see you're doing fine now, Belle."
Nanlaki ang mga mata ko at marahas na bumaling sa pinanggalingan ng boses. Fuck! What the hell? Bakit nandito pa rin ito? Napakurap ako at wala sa sarili akong napatingin sa pinto ng silid. Napaawang na lamang ang mga labi noong makitang nakasara nga ito pero hindi siya lumabas kagaya nang inaasahan ko. Damn! Naisahan na naman ako ng lalaking ito!
"Leave. I want to rest." I coldly said then lay down again. Inayos ko ang kumot sa katawan at ipinikit muli ang mga mata.
"Belle, let's talk." Nagtalukbong ako ng kumot at hindi umimik. "Belle."
"Wala tayong dapat pag-usapan pa, Mr. Zamora. Ako ang kusang umalis sa mansyon, 'di ba?" pigil luhang sambit ko habang nakatalukbong pa rin ang kumot sa buong katawan ko. Mas mabuti na ang tungkol sa mansyon ang maging topic namin ni Adam. Hindi ko siya kayang harapin bilang Adam na parte ng nakaraan ko. Not now. Hindi ko pa kaya!
"Belle-"
"Stop it!" Nauubusan nang pasensiya kong sambit dito at naupong muli. Matapang kong sinalubong ang mga titig nito sa akin. Ikinuyom ko ang mga kamao para mapigilan ang mga emosyong biglang umapaw sa kalooban ko.
Memories from my past flooded my head.
The accident. My mom. And how I lost my memories and feelings towards this man. How I lost myself because of him. Lahat ng mga nawala sa akin noon ay biglang bumalik sa akin.
"I'm done with you, Mr. Zamora," matapang na sambit ko rito. "Leave me alone."
"I can't," mahinang sambit nito habang matamang nakatitig na rin sa akin. "I can't do that, Belle."
"What?" Napaawang ang labi ko sa narinig.
"I won't leave you again, Belle."
Say what? Napailing na lamang ako at humugot ng isang malalim na hininga. Akmang magsasalitang muli ako noong biglang bumukas ang pinto ng silid.
"Ate!" Mabilis na tumakbo papalapit sa akin ang kapatid ko. Sumunod dito si Papa at si Don Zamora. Napakagat ako ng labi para mapigilan ang sarili sa pag-iyak. Mabuti na lang talaga ay nandito ang kapatid ko. Agad ko itong niyakap at tinago sa ibang taong nasa silid ang emosyong mayroon ako ngayon. "Ate, hindi ako makahinga," angal ni Harold kaya naman ay pasimple akong natawa sabay punas ng mga luha ko.
"I missed you, Harold," mahinang sambit ko sa kapatid at ginulo ang buhok nito. Ngumisi si Harold at niyakap ako sa bewang.
"Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" tanong ni Papa at lumapit sa akin.
Tiningala ko ito at tipid na nginitian. "Medyo maayos na po, Papa. Nakakaupo na po akong mag-isa," imporma ko sa ama.
"That's good to hear, Belle," anito at binalingan ang dalawa pang kasama namin sa silid. "Adam and Don Zamora are here. They wanted to talk to you," maingat na dagdag nito.
"I'm done with my job, Papa. Wala na po kaming dapat pag-usapan pa," walang buhay na sambit ko habang sa ama ko pa rin ang buong atensiyon.
"Anak-"
I sighed. Binalingan ko ang dalawang Zamora at matamang tiningnan ang mga ito. "Our contract is done, Don Zamora. I can see that your grandson is fully recovered now. My job is over."
"What happened to you, Miss Del Monte?" biglang tanong ni Don Zamora sa akin. Hindi ko inaasahan iyon! "Why so cold, hija?"
Natameme ako. Kusang napatingin ako sa gawi ni Adam at biglang napaiwas na lamang nang tingin sa kanya noong magtama ang paningin naming dalawa. "Bayad na kami sa utang, Don Zamora," malamig na turan ko sa Don.
"Belle!" It was Papa. Napatingin ako sa gawi nito. "What are you saying, anak? Anong utang ang pinagsasasabi mo?" Naguguluhang tanong nito sa akin. Napakunot ang noo ko sa naging tanong ng ama. Mabilis na binalingan naman ni Papa ang kapatid ko. Hinaplos nito ang mukha ni Harold at nginitian. "Harold, sabi mo nagugutom ka na, anak, 'di ba? Can you go to the pantry for a while? Magsama ka ng isang kuyang nakabantay sa labas ng silid na ito."
Tumango na lamang ang kapatid ko at sinunod ang nais ng aming ama. At noong naiwan na kaming apat sa silid ay doon nagsimula ang tensiyon sa amin.
"Care to explain kung ano ang pinagsasabi mo kanina, anak?" basag ni Papa sa katahimikan namin.
"Explain what, Papa? Iyong sinabi kong bayad na ang utang natin? Well, it's true. Kaya nga nandoon ako sa mansyon ng mga Zamora ay dahil sa utang natin sa kanila."
"Utang?" Napabaling ito kay Don Zamora na ngayon ay tahimik at seryosong nakatingin lamang sa akin. "Don Zamora," tawag pansin nito sa matandang Zamora. "Is that what you told her?" Tahimik na tumango si Don Zamora. Bumaling muli sa akin si papa habang naiiling. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at matamang tinitigan ako. "Anak, I think we have a misunderstanding here," marahang sambit nito sa akin. Napakunot ang noo ko. "It was a bluff. Wala akong utang sa mga Zamora. Someone's after you, kaya naman ay nakiusap ako sa kanya na itago ka muna habang hindi pa ako nakagagawa nang paraan para maging ligtas ka."
Napaawang ang labi ko sa mga katagang sinambit ni Papa. "Minalas lang ako at inatake ako, Belle. And I was thankful that Don Zamora took you while I was almost a dead one."
"Teka... pero Papa iyon ang-"
"I'm sorry, Belle. Hindi ko gustong itago sa'yo ang tunay na kalagayan natin. I lied, anak. I'm so sorry. Hindi tayo nawalan ng pera. We still have it. Kailangan lang nating umalis dito sa lungsod at magtago sa Sta. Barbara pansamantala para sa kaligtasan mo, kaligtasan niyong dalawa ni Harold," muling wika nito na siyang ikinatanga ko na lamang. What the hell is happening? Ano itong sinasabi sa akin ni Papa ngayon?
Walang salitang nais kumawala sa mga bibig ko. I'm out of words! Damn it! Kakabalik pa lamang ng mga alaalang nawala sa akin tapos heto agad ang bubungad sa akin? Is this even legal? Bugbog na ang utak ko!
"It was my fault, sir." Natigilan ako at napabaling kay Adam noong magsalita ito. Napaayos nang tayo si Papa at napatingin rin sa lalaki. "I made a mistake. I know it was wrong decision to see your daughter on her medical school. I'm so sorry. Hindi ako nakapag-isip nang maayos. All I wanted was to see her again," matamang sambit nito at yumukod sa harapan ng ama.
"Adam-"
"Hindi ko naisip na maaring maipahamak ko ito sa naging desisyon ko. I admit, I was selfish and-"
"Adam, wala kang kasalanan. You suffered, too. Don't be too hard on yourself, hijo." Papa calmly said to him.
Hindi ko alam kung kanino ko itutuon ang paningin ko. What the hell is this? At ano raw? He went to my medical school just to see me. Really? "You followed me? Sa medical school ko?" I managed to ask him. Hindi ko maalis ang tingin kay Adam. Mayamaya lang ay umayos ito nang pagkakatayo at matamang tiningnan ako. "Why?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
His cold and stiff expression becomes soft. He looked at me with gentleness, pero hindi ako. Seryoso akong nakatingin sa kanya. Pilit pinipigilan ang pagsabog ng emosyon ko. "Why, Adam?" ulit kong tanong sa kanya. "Bakit ka bumalik sa panahong hindi na ako naghihintay sa'yo? Sa panahong ni pangalan mo ay hindi ko tanda. Bakit ka pa bumalik, huh? Para guluhin ulit ako? Iyon ba?"
"Naaalala mo na?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin.
Tumango ako rito at hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Namataan kong naging alerto si Adam noong makita ang mga luha ko. Akmang kikilos na sana ito noong mabilis akong umiling sa kanya. Napako ito sa kinatatayuan niya at nanatiling nakatingin sa akin.
"Yes, I remembered, Adam. Everything. And I don't think I can handle this pain over again."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top