CHAPTER 23
FIVE YEARS AGO.
"Ang kapal talaga ng pagmumukha mong lalaki ka!"
Inis akong tumayo at lumayo sa harapan ng computer at nakasimangot na nahiga sa kama ko. Kinuha ko ang isang unan ko at doon isinigaw ang lahat nang inis na mayroon ako ngayon. "Oo, guwapo ka pero sinungaling ka rin! Nakakainis ka!" naiiyak na sambit ko at naupong muli. Galit kong tiningnan muli ang monitor ng computer ko at bumungad na naman sa akin ang picture na kanina ko pa kinaiinisan. "Kainis talaga! Mukhang anghel pa iyang kasama mo! Maganda, mayaman at mukhang kaedaran mo lang!" Naiyak na talaga ako. Ang sama-sama nang loob ko ngayon!
It's been five years since Adam and his family left the country. Kung tama ang mga impormasyong nakalap ko sa loob ng limang taon, nagkaproblema ang kompanya nila sa ibang bansa kaya naman ay lumuwas ang buong pamilya nito. Well, taga-roon naman talaga ang mga Zamora. Originally, they were from states talaga. At ngayong nakabalik na ang mga ito sa tunay na bansa nila, mukhang wala na silang planong bumalik dito sa Pilipinas. Mukhang nakalimutan na talaga ako ni Adam!
"Five years. Five years mo na akong pinapaiyak, Adam! I hate you!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko, umiyak na talaga ako. "Nakakainis ka! Hindi ka man lang nagpaalam sa akin noong aalis na kayo tapos ngayon, pagtapos mong magpa-miss sa akin, ito pa ang makikita ko?"
Nagpapadyak na ako sa kama ko. Galit na galit ako kay Adam pero mas matindi ang galit ko sa sarili. "Pucha, naman Belle! Hindi mo naman boyfriend iyang iniiyakan mo!" sermon ko sa sarili na siyang lalong nagpaiyak sa akin. This is insane! Frustrating! Nasisiraan na yata ako! "Kapag crush, crush lang dapat, Belle. Kaya ka nasasaktan, e!"
Napasubsob na ako sa unan ko at doon ipinagpatuloy ang pag-iyak.
I was only seven when I first met that guy. Adam Zamora. Ang nag-iisang anak at taga-pagmana ng Zamora's Empire na ayon kay Papa ay literal na empire iyon. Mayaman ang pamilya nila Adam. Mas mayaman sa kung anong mayroon kami ngayon. Bagong lipat ang mga Zamora sa exclusive village na tinitirahan namin. And my father, being the president of the homeowners, he prepared a welcome party for the Zamora.
"This is my eldest daughter, Belle." Pakilala ni Papa kay Mr. Zamora. Ngumiti ako sa matandang Zamora at kumaway pa. I'm good at this. Meeting people way older than me. I was trained by my parents to socialized. Mas mainam na daw na hangga't bata pa ako ay marunong na akong makisalamuha sa iba.
"Hello there, young lady. How old are you?" Magiliw na tanong ni Mr. Zamora sa akin.
Nginitian ko pa ito bago sumagot sa kanya. "I'm seven years old po," magalang na sagot ko sa kanya.
"Oh, seven? My son is only fifteen. Not bad for eight-year gap, huh?" Nakangising sambit nito na siyang ikinakunot ng noo ko. Hindi ko makuha ang ibig sabihin ng mga tinuran nito. Eight-year gap? What does even mean? Napatingin ako kay Papa at namataan ko ang pag-iling at pagtawa nito sa tinuran ni Mr. Zamora. Mayamaya lang ay nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na pinansin pa ang tinuran nito kanina.
"Oh, come on, love! They're still kids! Stop playing cupid. Your son will surely roll his eyeballs on you!" Natatawang suway ng asawa nito sa kay Mr. Zamora at marahang tinampal ang balikat nito. Maging sila Mama and Papa ay natawa rin kaya naman ay napangiti na lamang ako. Kahit na wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila, nanatili pa rin akong nakangiti habang nakikisalamuha sa kanila.
"This kid is a living sunshine, love. Adam will surely love this pretty young lady here," dagdag pa ni Mr. Zamora. Living sunshine? Ako ba ang tinutukoy nito?
"I think that's a compliment, Mr. Zamora. Pero tama ang asawa mo, they're still kids. We don't know what will happen in the next few years. They still have a long way ahead." Nakangiting saad ni Papa at marahang hinaplos ang mahabang buhok ko.
"I have a good eye on match making, Mr. Del Monte." Natatawa pa ring wika ni Mr. Zamora na sinabayang muli ng mga kasama ko. Hinayaan ko na lamang ang mga matatanda sa usapan nila at noong akmang magpapaalam sana akong mag-iikot muna sa loob ng venue noong may biglang dumating na lalaki. Seryoso ito at hindi man lang ngumingiti.
"Oh, Adam, darling, your done with your food?" Iyong asawa ni Mr. Zamora ang unang kumausap sa bagong dating. Adam? This must be the son that they were talking about.
Nawala ang ngiti ko at pinagmasdan lamang ang lalaki. The way he dressed up, masasabi kong mas matanda ito sa akin. Boys on my age doesn't look good on their coat and tux. But this one is different. He's different and that's the reason why he caught my attention.
"Are we not yet done here? I'm sleepy," he coldly said while still looking stiff and emotionless. Masyadong cold naman ang isang ito! Kabaliktaran sa personality na mayroon ako. Napaismid ako. Yeah, he's different. And I think I don't like to be around with him!
"Adam, it's only eight in the evening. Just enjoy the party or..." Makahulugang tumingin sa akin si Mr. Zamora at nginitian ako bago bumaling muli sa anak nito. "Talk to this little sunshine over here," anito sabay muwestra sa akin. Tumingin naman sa akin si Adam, walang emosyon pa rin ito. Pero kagaya nang nakagawian ko tuwing may ganitong pagtitipon, nginitian ko ito kahit alam kong hindi ito ngingiti sa akin pabalik. "Maybe she can give you a little spirit para naman hindi ka parang robot, anak."
"No thanks, dad. I'm tired. Really," ani Adam at nag-iwas nang tingin sa akin.
"Kuya Adam is masungit," wala sa sariling nasambit ko na siyang nagpatigil sa mga kasama ko ngayon. Napatingin ako kay Adam at agad akong nagtago sa likuran ni Mama noong makitang nakatingin na itong muli sa akin.
"You're scaring our little sunshine here, Adam. Stop that." Natatawang suway ng ina nito sa kanya. "Alright, if you're really tired, then mauna ka nang umuwi, anak. We'll stay here for a couple of hour and so."
Tumango lamang si Adam sa sinabi ng ina at umalis na rin.
And that was my first encounter with Adam Zamora. Isang linggo muna ang nagdaan noong magkrus muli ang mga landas naming dalawa. It was a fine Saturday's afternoon. I'm done with my school homework kaya naman ay pinayagaan na ako nila Mama na lumabas ng bahay. Safe naman ang lugar namin kaya okay lang sa aking magpagala-gala sa loob village.
Sa mini park ako agad dumeretso. Dala-dala ang sketchpad na regalo sa akin ni Papa noong seventh birthday ko, agad akong naupo sa silong ng isang puno at doon gumuhit. I love playing with my pencils. Gusto kong gumuhit ng kahit anong nakakakuha sa atensiyon ko. Sceneries, places and even a person! Hindi pa ito perfect since bata pa ako. Hindi pa masyadong detalyado, but it's fine with me. I just love wasting my free time with this one.
"You have a talent, I see." Natigil ako sa pagguguhit noong makarinig ako ng boses. Napatingala ako at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Adam Zamora. Tipid akong ngumiti rito, trying to calm down myself. Bakit nandito itong masungit na ito? "Can I sit?" he asked me. Tumango ako sa kanya kaya naman ay naupo ito sa tabi ko. Nagkibit-balikat na lamang ako at pinagpatuloy ang ginagawa kanina.
Noong matapos na ako sa pagguhit ay napangiti ako. How I loved the view in this particular spot here. Ilang beses ko nang naiguhit ang mga puno't halaman dito pero mukhang ito ang pinakamaayos na obra ko! I'm so proud of myself!
"That's beautiful," komento ng taong nasa tabi ko. Adam! Hala, I forgot about him! Akala ko ay umalis na ito kanina. Hindi ko kasi maramdaman ang presensiya nito kaya akala ko ay umalis na ito! Napangiwi na lamang ako at umayos nang pagkakaupo.
"Thanks, Kuya Adam," nakangiting pasasalamat ko sa kanya at tiningnang muli ang ginuhit. Mamaya ay lalagyan ko ito ng watercolor! Tiyak na mas lalo itong gaganda kung may kulay na! I smiled again and started to add some details to my drawing.
"You called me 'Kuya Adam' again."
Napatingin ako sa katabi. Bigla-bigla kasi itong nagsasalita! "Papa said you're older than me that's why I called you 'Kuya'," paliwanag ko sa kanya. Kita kong kumunot ang noo nito at sumandal sa punong sinisilungan naming dalawa. Humalukipkip ito at tumanaw sa malayo. I pouted and continue what I'm doing. What's wrong with him? Tama naman ang ginawa kong pagtawag sa kanya, 'di ba?
Napailing na lamang ako at inilapag na sa tabi ang hawak-hawak na gamit pangguhit. "Kuya Adam," tawag pansin ko rito ngunit hindi man lang ako pinansin. Hala! Is he mad at me? "I just want to be friendly, Kuya. We're neighbors. Kahit marami akong friends dito, I still wanted to be friends with you, Kuya Adam," marahang sambit ko habang nakatingin sa masungit na ekspresyon nito.
Dead air. Hindi ito kumibo! What's wrong with him? Wala naman akong ginagawang masama kaya bakit sobrang sungit nito sa akin ngayon?
"Hey, talk to me, Kuya-"
"Stop calling me like that then I'll talk to you."
Napakunot ang noo ko sa tinuran nito. What? Hindi ko siya tatawaging kuya? But he's older than me! Hindi ba parang rude iyon kung pangalan lang niya ang itatawag ko sa kanya? I'm not a rude person. Hindi tamang pangalan lamang nito ang gagamitin ko kapag kakausapin ko ito.
"Just Adam, Belle. Call me Adam then we'll talk."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top