CHAPTER 22

"Mukhang may hinihintay ka," muling sambit nito at marahang humakbang papasok sa hospital room ko. Nanuot ang takot sa buong sistema ko. What the hell is happening? Paanong nasa iisang lugar na kami ng lalaking ito ngayon? "How are you? Good to see you again," dagdag pa niya habang matamang nakatingin sa akin.

Hindi ako kumibo sa puwesto ko. Pinagmasdan ko lang ito nang mabuti. This is weird... something's off with him. He's wearing a patient's gown too! May bandage ito sa ulo at may mga pasa sa mukha. Napakunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa kanya. What happened to this man? Naaksidente ba ang isang ito?

"Don't look at me like that, Doc. Mukha ba akong kaawa-awa sa itsura ko ngayon?" tanong niya at mahinang tumawa.

Napangiwi na lamang ako at humugot ng isang malalim na hininga. "What do you want from?" I managed to ask him. Kita kong lalo itong ngumisi sa naging tanong ko. Isinara nito ang pinto sa likuran niya. Narinig ko pang ini-lock niya ito at nagsimulang nang maglakad palapit sa akin!

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Doc. How are you?" he asked me again.

"So far, buhay pa rin naman ako," walang buhay na sagot ko sa tanong nito. Ngumisi itong muli at mayamaya pa'y bahagyang itong tumawa. Napa-arko ang isang kilay ko at sinamaan na ito nang tingin. What's his deal, anyway?

"Calm down, Belle. I'm not gonna hurt you," aniya na siyang lalong nagpataas ng kilay ko.

"Then leave this room, Mr. Perez," mariing sambit ko sa kanya. "Wala tayong dapat pag-usapan kaya umalis ka na."

"It's Stanley, Belle. Stop being too formal. Still, we're old friends, right?" Ngumisi ito lalo sa akin.

Napakurap ako. "O-old what?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Anong pinagsasabi ng lalaking ito?

"So, you don't really remember anything?" Nawala ang ngisi nito at napalitan nang pagkakunot na ngayon ng noo niya. Naging seryoso na ito habang nakatingin nang mataman sa akin. "Tama pala lahat nang kutob ko. Noong nakita kitang muli sa mansiyon ng mga Zamora, alam kong ikaw si Belle Del Monte. I was happy to see you again after so long years but maybe you were so young back then kaya hindi mo ako maalala pa."

"Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi mo, Mr. Perez. And y-you knew me?" Napailing na lamang ako. I don't remember him. Pati ba naman ang isang ito ay parte rin ng nakaraan ko? Seriously?

"I was Adam's best friend, of course, I knew you." Napaawang ang labi ko sa mga narinig mula sa kanya. What the hell is this? Lahat ba na may kinalaman kay Adam Zamora noon ay hindi ko maalala? Adam, himself, Don Zamora, his grandfather and now, Stanley Perez, his freaking best friend, damn, I can't even remember a thing about them! Paano nangyari iyon? "What happened to you, Belle?" he asked me. Umiling ako sa kanya. Mayamaya lang ay napahawak ako sa ulo ko noong makaramdam ako ng kirot mula roon. Napapikit ako at bumigat bigla ang paghinga ko. Damn it!

"Are you okay?" rinig kong tanong nito sa akin. Nagmulat ako ng mga mata at nagulat noong nasa harapan ko na pala ito ngayon!

"Please leave," nakikiusap kong sambit nito. Pumikit muli ako at ininda ang lumalakas na kirot sa ulo. "Damn it!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili. Napamura na ako dahil sa sakit.

"Belle!"

Napamulat ako noong marinig ang boses ni Adam. Sunod-sunod na kalabog ang narinig ko mula sa may pinto ng hospital room ang siyang nagpatigil sa amin ni Stanley Perez at sinundan pa iyon nang malulutong na mura galing sa lalaking nasa labas ng silid.

"Damn this asshole. Talagang naamoy ng isang ito kung nasa iisang lugar lang kami," Napatingin ako kay Stanley at umatras ito palayo sa akin. Mabagal itong naglakad at kusang binuksan ang isinarang pinto kanina.

"Perez!" Malakas na sigaw ni Adam at agad na sinalubong ito ng isang suntok ang lalaki. "Damn you!" dagdag pa nito at sinuntok muli ang kaibigan.

"Stop," mahinang sambit ko at mariing napapikit muli. "Please, s-stop," muling suway ko sa dalawa. Walang masamang ginawa si Stanley sa akin. Hindi dapat ito sinasaktan ni Adam ngayon!

"What the hell you want, huh, Stanley?" ramdam ko ang galit sa tinig nito. "You fucking asshole!" At sunod na sunod na kalabog ang narinig ko na siyang lalong nagpakirot sa ulo ko.

"Fuck, Zamora!" angal ni Stanley noong dumapo na naman sa mukha niya kamao ni Adam. "Calm down, you fucking beast!"

Napaawang ang labi ko noong hindi ko iyong kirot na nararamdaman ngayon sa ulo ko. "H-help," mahinang sambit ko at pilit inangat ang kamay para makuha ang atensiyon ng dalawang lalaking halos magpatayan na ngayon sa loob ng hospital room ko. "A-Adam, help," pilit kong iginalaw ang katawan ngunit hindi ko ito magawa nang maayos. Tanging kamay ko lamang ang kaya kong igalaw ngayon. Damn! Adam Zamora! Help me!

"Fuck you, too! Kung ano man ang plinaplano mo, tangina, Perez, itigil mo na! Labas si Belle sa gulo nating dalawa!"

Damn! Hindi ko na kaya ang sakit! Ibinaba ko na ang kamay ko at noong naibaba ko ito, doon ko lang naigalaw ang katawan ko. Nagawa kong maiusog ito nang kaunti ngunit mukhang wrong move iyon. Nawalan ako nang balanse sa katawan at hindi napigilan ang sariling katawang mahulog sa kamang kinalalagyan.

"Ah!" sigaw ko noong maramdaman ang sakit mula sa biglaang pagkahulog mula sa kama.

"Belle!" halos sabay na sigaw ni Adam at Stanley at mabilis na nilipatan ako. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Sumakit ang katawan ko dahil sa pagkahulog pero hindi ko na talaga kayang indahin pa ang sakit ng ulo ko! Para itong binibiyak ngayon dahil sa matinding sakit! At ang kaninang sigaw ko dahil sa sakit ay naging iyak na ito ngayon! I can't help it! It's too painful for me!

"Hey, calm down," mahinang boses ni Adam ang narinig kong bumulong sa tenga ko. Naramdaman ko ang pagbuhat nito sa akin at mabilis niya akong ibinalik sa higaan ko. "Call a fucking doctor, Stanley!" mariing utos nito sa kasama namin.

"Damn it," narinig kong mabilis na tugon ni Stanley sa utos ni Adam. Gusto ko sanang imulat ang mga mata ko pero hindi ko na talaga kaya. This pain is killing me!

"Belle, please, calm down. Parating na ang mga doktor mo," mahinang turan nito habang pinapahid ang mga luha ko sa mukha. "Calm down, please."

Nakapikit pa rin ako at nagpatuloy sa pag-iyak dahil sa matinding sakit. "H-help me... please," pakiusap ko sa kanya. "It hurts. A l-lot. Please. H-help me."

"I will. I will, Belle," ramdam ko ang sinseridad sa boses nito habang pinapatahan ako. Patuloy ako sa pag-iyak at mayamaya'y naramdaman ko na lamang na niyakap niya ako at kagaya noong nasa mansyon pa kami, naging kalmado bigla ang buong sistema ko dahil sa mainit nitong yakap sa akin. "Hush it already, Belle. I'm here. I'll help you."

"T-take away the pain. P-please," nanghihinang pakiusap ko sa kanya. "Help me, Adam."

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng ilang pamilyar na mga boses. They must be my doctors. Bahagyang lumayo sa akin si Adam at maayos na inihiga ako sa kama. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. They injected me something that calmed my nerves down at hindi nagtagal ay kumalma na ako at hindi ko na namalayan pang nakatulog akong muli.

"What's your dream?"

Nakangiti akong bumaling sa lalaking marahang tumutulak sa swing na kinauupuan ko. It was lovely Saturday's afternoon. Kagaya nang palagi naming ginagawa, after doing my homework, dito sa park ng village agad kami pumupunta.

"My dream?" Natigilan ako at nag-isip. "I don't know. Masyado pa yata akong bata para isipin ang dreams ko, Adam."

"Wala sa edad iyan, Belle. Now tell me, honestly. What's your dream?" tanong muli nito at itinigil ang pagtutulak sa swing. Napasimangot ako. How I wished na malaki na ako. Iyon kasing edad na niya ako. Kung ganoon lang ang sitwasyon namin ay tiyak na hindi ako mag-aalinlangang sabihin ang pangarap ko sa kanya.

"It's a secret for now, Adam." Ngumisi ako rito at nakita ko ang pagkunot ng noo nito. How I love that look of him! Iyong curious look niya, iyong wala itong alam sa isang bagay. It frustrates him, yes, but I loved it! Gusto kong matawa ngunit pinigilan ko ang sarili. Alam kong lalong kukunot ang noo nito pag ginawa ko iyon.

"Stop being grumpy, Adam. You looked old!" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili, natawa na ako.

"Well, I'm older than you, so yeah."

Natigilan ako. Nawala ang ngiti ko sa labi at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi noong makita ang seryosong mukha nito. Nag-iwas ako nang tingin dito. Bigla akong kinabahan. Kung gusto ko ang curious na expression nito, well, hindi ko gusto ang seryosong ekspresyon nito. Natatakot ako kahit harmless ito sa akin!

"And if you ask me if what's my dream," marahang sambit nito at pinagpatuloy muli ang pagduyan sa akin. Napalunok ako. He's not done with his topic! "To stay with you, to protect you." Napaawang ang labi sa mga katagang binibitawan nito ngayon sa akin. Is he for real? "And to give you my everything, even my last breath. That's my dream. And to make it short," aniya at itinigil muli ang pagduyan sa akin. Kusang bumaling ang ulo ko sa kanya at noong magtama ang mga mata namin, para akong biglang nanghina dahil sa intesidad ng tingin nito.

"You are my dream, Belle. You are."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top