CHAPTER 21
He left... without a word to me? Kailan nangyari iyon?
Napalunok ako. Hindi ito totoo, right? Hindi totoo itong mga sinasabi sa akin ni Papa ngayon!
"He left without a word, Belle. Actually, buong pamilya naman nila, umalis ng bansa. Naglaho ng parang bula ang mga Zamora." Napailing ako rito. Pilit kong inaalala ang mga panahong tinutukoy ni Papa sa akin. I was only seven years old that time. Dapat ay tanda ko pa ang mga nangyari noon. I remember my childhood days. It was full of memories with my happy family. Nalamatan lamang iyon noong maaksidente kami ni Mama. Pero... bakit wala akong maalala tungkol sa kanya? Adam Zamora was not on my childhood memories at all! Blanko! Wala talaga!
"I-I don't remember him, Papa," nahihirapang sambit ko sa ama. Mayamaya lang ay napakunot ang noo ko noong makaramdam ako ng kaunting kirot sa ulo ko. Mukhang napansin iyon agad ni Papa kaya naman ay marahan niyang hinaplos ang buhok ko. He smiled at me gently.
"It's okay, anak. Huwag mong puwersahin ang sarili mong makaalala. Baka makasama pa ito sa'yo. It's okay, Belle. Don't force yourself."
Lumipas ang mga araw at tuloy-tuloy na ang mabilis na recovery ko. I was treated very well. Naigagalaw ko na ang mga kamay ko. I can even talk properly! Ang pagtayo at paglakad na lamang ang kailangan kong pagtuonan nang pansin. Maybe a week from now, sabi ng doktor ko, kung tuloy-tuloy na mag-response ang katawan ko sa mga treatment na ibinibigay nila, tiyak na makakauwi na ako!
Nakangiti ako habang nakikinig sa kuwento ni Harold. Masaya ngayon ang kapatid ko dahil nakabalik na ito sa dating eskwelahang pinapasukan nito. His friends are there. Kaya naman ay tuwang-tuwa ito ngayon habang nagkukuwento sa akin. He talks nonstop kaya naman ay nagagalak ako ngayon para sa kapatid. My cheerful brother is back!
"And Ate Belle, alam mo bang sa bahay na ulit tayo titira pagkalabas mo rito sa ospital?"
Napawi ang ngiti ko at kunot-noong tiningnan ang kapatid. "Papa didn't tell me about that, Harold. Totoo ba iyan?" marahang tanong ko sa kapatid. Tumango-tango ito at masayang nagpatuloy sa pagkukuwento.
Lihim akong napabuntonghininga. I really need to talk to my father. Marami pa itong kailangang ipaliwanag sa akin. Marami akong tanong sa isipan. Now that I can talk properly, I can finally ask him questions! Lalo na ang tungkol kay Don Zamora at sa apo nitong si Adam! Alam kong hindi lang ang naging utang niya kay Don Zamora ang koneksyon namin sa pamilya nila. Base pa lamang sa naging kuwento nito, mukhang mula pagkabata ko ay magkakilala na ang pamilya naming dalawa!
And for Pete's sake, my father even mentioned that we, Adam and I, were supposed to get marry when the right time comes! That was insane! Paanong nangyari iyon? Ikakasal ako sa taong 'di ko man lang tanda kung sino ito? It's a big no. I won't allow that to happen!
Kinagabihan ay mag-isa lang ako sa kuwarto. Hindi nagawi si Papa sa ospital ngayong araw samantalang may sumundo sa kapatid ko para makapagpahinga na rin ito, and it was Don Zamora's men. Tiwala naman ako na magiging ligtas ang kapatid ko kaya naman ay hinayaan ko na lamang itong umuwi kahit wala si Papa.
I sighed. Muling bumulabog sa isipan ko si Adam. Ano ba talagang nangyari sa akin noon? Bakit hindi ko ito maalala man lang? Is he really a childhood friend? O baka naman pinagloloko lang ako ni Papa? Pero ano naman ang mapapala nito kapag ginawa niya iyon? Why lie and create a story like that? Yes, mayaman ang mga Zamora, pero hindi naman ako lolokohin ng sariling ama para lang dito, hindi ba?
Napasimangot na lamang ako. Sa dinarami-rami ng mga tumatakbo sa isipan ko ay gusto ko nang magdabog dahil sa inis. Nakakabaliw! Napailing na lamang ako at inayos ang kumot sa katawan. Mariin kong ipinikit na lamang ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog.
"Belle, calm down, anak. Your Mama will be fine," kalmadong sambit ni papa. Napailing ako. How can I calm down? Naaksidente kami ni Mama dahil sa kaartehan ko! I'm so stupid! Pinairal ko na naman ang emosyon ko kaya naman ay nataranta si Mama at hindi nakapag-focus sa pagmamaneho kanina! Damn! Damn! Damn!
"It was my fault, papa. I'm sorry," humagulhol na naman ako.
"Belle, anak-"
"Papa, I'm so sorry. I know it was so childish. I'm sorry po."
At my young age, tinuruan na ako ng mga magulang ko kung paano umaktong maging mature. They wanted me to be responsible sa lahat ng mga gagawin ko. Nagawa ko naman iyon. But this time, I failed. Big time. At napahamak pa si Mama dahil sa kapabayaan ko!
"It's okay, anak. It's not your fault. Your Mama will be fine. She'll be fine, Belle." Napailing ako. Kung may hindi magandang mangyari kay Mama, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Damn, Belle! Malala ka na! "Mabuti pa't magpatingin ka na rin, anak. May masakit ba sa'yo? Iyong ulo mo? Hindi ba tumama sa kung saan ito?" marahang tanong ni Papa at sinuri ako nang mabuti. Umiling ako. Kahit na nauntog ako kanina ay hindi ko na iyon sinabi kay Papa. Mas mahalaga ang kaligtasan ni Mama. Siya ang napuruhan kaya naman ay dapat nasa kanya ang buong atensiyon namin ngayon!
Napatingin ako sa tabi ko noong hinawakan nito ang kamay ko. Ang mainit at maliit na kamay ng aking kapatid ang lalong nagpaiyak sa akin. Harold, my little brother, is innocently sitting beside me. Hindi pa nito alam ang nangyari sa aming ina.
Lalo akong na-guilty. This is really my fault.
Napadilat ako. Kusang umawang ang mga labi ko at impit na napahikbi. Napahawak ako sa bibig at pilit na pinipigilan ang makagawa ng kahit anong ingay dahil sa pag-iyak. Why the hell I dreamt about that accident again? That was five years ago! Bakit bigla kong naalala iyong masakit na nangyari sa pamilya namin noon? Bakit ngayon pa talaga?
"Kakalimutan na talaga kita! Hinding-hindi ko na aalalahanin pa ang kung ano man ang tungkol sa'yo! I.... hate you! Ayaw na kitang makita o maalala man lang!"
Nanlaki ang mga mata ko noong biglang nag-echo sa tenga ko ang matinis na boses na iyon. That was my voice! Sigurado ako! What the hell was that?
Bigla akong napadaing at napahawak sa ulo ko noong bigla itong kumirot. Damn! Mukhang napuwersa ko na naman ang sarili ko!
Kinalma ko ang sarili ko at pilit inalis sa isipan ang mga bagay na gumagambala sa akin ngayon. I forced myself to sleep and I succeeded. And the next day, hindi ako makapaghintay sa pagdating ni Papa sa hospital room ko. I badly want to know something here! Alam kong may kulang sa akin and that was my memories with Adam Zamora! Kung paano ito nawala sa akin ay hindi ko alam! I know for sure na hindi ako nagka-amnesia noong naaksidente kami ni Mama. Nauntog lang ako. Hindi na ako nagpatingin sa doktor noon dahil alam kong ayos lang naman ako. Wala akong natamo na major injuries kaya naman bakit hindi ko maalala man lang si Adam Zamora? What happened to me back then is still a mystery to me. I need to know, and I need to remember everything!
Natigilan ako sa pag-iisip noong nakitang gumalaw ang doorknob ng pinto ng silid ko. Napaayos ako nang pagkakaupo at inihanda ang sarili. It must be Papa. Sa mga ganitong oras ito dumadating para bantayan ako.
I was ready to smile at my father when I froze from doing so. Biglang nataranta ang buong sistema ko. Napagilan ko rin ang sariling paghinga noong makita kung sino ang nagbukas at pumasok sa silid na kinaroroonan ko ngayon.
He smiled devilishly at me. Bigla akong pinagpawisan ng malamig kahit malakas naman ang air conditioner ng hospital room ko. Damn, bakit nandito ang lalaking ito? Paanong nakapasok ito sa silid ko? "Hello there, Miss Doctor," anito at lalong ngumisi sa akin.
What the hell?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top