CHAPTER 2

Sa may hardin kami ng ospital nagpunta. Tahimik at maingat ang bawat galaw ko at noong tumigil na kami sa paglalakad, pinagkrus ko ang dalawang braso sa aking dibdib at masamang tiningnan ang tatlong lalaking nais kausapin ako.

"Ano bang kailangan niyo sa akin?" matapang na tanong ko sa kanila.

"Narito kami para maningil ng utang," sabi noong lalaking kanina pa nakikipag-usap sa akin. Tahimik lang kasi ang dalawang kasama nito, tila nagbabantay lang sa bawat galaw na gagawin ko.

Napakurap ako sa narinig mula sa lalaki. "Utang? Mukha ba akong may utang sa inyo?" sarkastiko kong tanong dito. Wala akong ideya sa pinagsasabi ng lalaking ito. Utang? Kailan ako nagkautang sa kanya? At isa pa, ngayon ko lang nakita ang pagmumukha nito kaya naman ay imposible iyong tinuran niya kanina!

"Ikaw, wala... pero ang tatay mong nasa ospital na ito, mayroon." Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi niya. Napakalas ako ng brasong nakakrus sa aking dibdib at litong nakatingin sa kanya. No way.

"Stop talking nonsense," mariing sambit ko sa kanya. Si Papa magkakautang sa mga taong ito? No. That's freaking impossible! May pera pa naman kami! I still have my trust funds, kaya imposibleng manghiram si Papa sa mga taong ito!

"Hindi ako nagbibiro sa'yo, Miss Del Monte. Malaki ang utang ng ama mo kay Don Zamora kaya naman ay nandito kami para maningil sa'yo."

Napailing ako at pilit na ikinakalma ang sarili. Kahit na hindi alam kong totoo nga ang sinasabi ng lalaking ito, napagdesisyunan kong ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa kanila. "Magkano ba ang utang ni Papa sa inyo?" Hindi ko alam kung bakit ko naitanong iyon. Malakas ang kutob kong nagsasabi ng totoo ang lalaking ito. And he mentioned the name Don Zamora. Kilala ko kung sino ang taong iyon! Isa ito sa makapangyarihang tao ng Sta. Barbara. Malaking gulo pag magkaproblema kami sa kanya!

"Tatlong milyon," he declared.

Napamura ako sa narinig mula sa kanya. Tatlong milyon? Ang laking halaga iyon ah!

"Saan naman gagamitin ni Papa ang ganoong kalaking halaga!" inis na sambit ko habang naiiling na lamang. Mayamaya lang ay natigilan ako sa kinatatayuan ko. Don't tell me nangutang siya para mabawi ang kompanyang naiwan namin sa dating siyudad na tinitirahan namin? Oh God! This can't be happening to us right now! Damn it! "Kailan pa nanghiram si Papa ng pera kay Don Zamora?" mahinang tanong ko sa lalaki, nanlulumo dahil mukhang totoong gagawin nga iyon ni Papa para sa dating kompanya niya.

"Isang buwan na ang nakararaan, Miss Del Monte. At isang buwan lang din ang palugit na napag-usapan nila ni Don Zamora," mahinahong sambit nito sa akin. Napasabunot na lamang ako sa buhok ko. So, pagkarating namin sa bayan na ito, agad na nanghiram ng pera si Papa para maibalik ang kompanya namin. But what happened after that? Anong nangyari sa perang hiniram niya at sa kompanya?

"Hindi ko alam kung anong sasabihin sa inyo." I silently sighed. "Wala pang malay si Papa ngayon. Can Don Zamora wait till my father recover from his operation?" Napakagat ako ng pang--ibabang labi ko. I really don't know what to do. Alam ko na iyong kompanya lamang namin noon ang paggagastusan ni Papa ng ganoong kalaking halaga. And right now, wala akong magagawa kung hindi ang hintaying magising siya para malinawan ako sa lahat na nangyayari ngayon.

"Ilang araw na naming kinukulit ang ama mo, Miss Del Monte. Alam naming wala pa siyang pambayad kaya naman ay si Don Zamora na mismo ang nag-isip ng paraan para naman ay masimulan na niyong mabayaran ang utang niya." Natigilan ako sa sinabi niya. "Kahit paunti-unti, tatanggapin ni Don Zamora."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi maganda ang kutob ko sa inaalok nila. But... what can I do? Sabi pa nga niya kanina, wala na akong ibang pagpipilian pa. Sumama na nga ako sa kanila ngayon para lang hindi na nila gambalain pa si Papa at ang kapatid ko!

"Naghihintay ngayon si Don Zamora sa opisina niya. Siya na mismo ang kausapin mo tungkol sa pagbayad na sinasabi ko sa'yo ngayon," anito na siyang lalong nagpakaba sa akin. "Let's go."

"I'm sorry pero... 'di ko iiwan ang pamilya ko rito sa ospital," mariing sambit ko at napailing na lamang sa kanila.

"Walang mangyayari sa kanila, Miss Del Monte. Mas magiging ligtas sila kung sasama ka sa amin ngayon."

Shit! Ano ba kasi itong kamalasang mayroon ako? Ano ba itong gulong pinapasok ko ngayon? Damn me!

"Tara na," yaya niyang muli at tinalikuran na ako. Nanatili naman sa puwesto nila ang dalawang lalaki at nakamasid lang sa akin. I sighed and tried to think clearly. I can't risk my family's safety. But, damn, I'm not really sure about this! Kung ano man ang nais ni Don Zamora, tiyak na ikapapahamak ko ito. Hindi basta-bastang pera lang ang tatlong milyong hiniram sa kanya ni Papa!

Wala sa sarili kong sinundan ang lalaki samantalang ramdam ko ang pagsunod ng dalawa sa likuran ko. Tahimik akong naupo sa backseat ng sasakyan nila samantalang tumabi ang isa sa akin at nasa driver at passenger seat naman ang dalawa pa. I held my breathe. Doble ang kabog ng puso ko sa may dibdib ko. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam kay Harold! Malamang ay hahanapin niya ako!

Tahimik ang naging biyahe namin papunta sa opisina ni Don Zamora. Pamilyar sa akin ang dinaraanan naming daan. Hindi naman kasi kalakihan ang Sta. Barbara. Kahit papaano ay alam ko ang pasikot-sikot sa bayan na ito. Mayamaya lang ay napaayos ako nang pagkakaupo noong makitang pamilyar na pamilyar sa akin ang daanan. Napalunok ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. At noong tumapat kami sa isang malaking gate, doon ko lang nakumpirma ang mga ideya sa isipan ko.

Si Don Zamora ang may-ari ng mansyong ito? Itong masyong hinahangaan ko tuwing nadaraanan ko kapag pauwi na ako galing sa eskuwela? Siya ang may-ari nito?

Ang kaba ko ay napalitan ng pagkamangha. Sa hindi malamang dahilan ay naging kalmado ang kalooban ko. I've always dreaming of this mansion. I kept on wondering what it looks like and now, mukhang matutupad iyong pangarap ko! Ngunit ang kasiyahang naramdaman kanina ay biglang naglaho noong maalala ang tunay na pakay ko kung bakit ako naririto. Muli akong kinabahan lalo na noong tumigil ang sasakyan sa tapat ng main entrance ng mansyon. Isa-isang nagsibabaan ang tatlo samantalang hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

"Let's go, Miss Del Monte. Kanina pa naghihintay si Don Zamora sa pagdating mo."

Napapikit at napangiwi na lamang ako. Tama ba itong ginagawa ko? Tama bang kausapin ko itong si Don Zamora kahit hindi ko pa nakukumpirma mula kay Papa ang lahat-lahat? Pero kung iisiping mabuti, tiyak na tama ito. Iyong sinabi ni Harold sa akin na kausap ni Papa, iyong pumunta sa bahay namin. Malamang itong mga tauhan ni Don Zamora ang nakita ng kapatid ko. They know me too well, including my little brother!

Napamura na lamang ako sa isipan ko at bumaba na sa kotse. Tinanguhan ko ang lalaki at nagsimula nang maglakad papasok sa mansyon.

Hindi ko na na-appreciate pa ang ganda ng mansyong kinaroroonan. Kung dati ay gustong-gusto kong makita ang loob nito, ngayon ay parang gusto ko nang tumakbo palabas nito. Kung hindi lang dahil sa pagkakautang ng aking ama, tiyak ay kahit kailan ay hindi ako makakatapak sa lugar na ito!

Dere-deretso lang ang lakad ko. Hindi ako lumilingon sa kahit saang parte ng mansyon. I need to calm down, too. Grabe ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko mula sa aking dibdib! Mayamaya lang ay natigil na sa paglalakad ang lalaking nasa harapan ko kaya naman ay natigil na rin ako. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at napalunok na lamang noong makitang nasa harapan na kami ng isang malaking pinto.

Mariin kong naikuyom ang mga kamay noong kumatok ito at binuksan ang pintuan. Pumasok ang lalaki roon pero nanatiling nakabukas ang pinto. Napalingon ako sa lalaking nasa likuran ko noong marahang itinulak ako nito. Slowly, I took a step forward. Dahan-dahan ang paghakbang ko at noong tuluyan akong nakapasok sa silid ay isinara agad ng lalaki ang pinto sa likuran ko.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso itong nakatayo sa gilid at nakatingin ng deretso sa harapan niya.

I gulped. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hindi kumilos sa kinatatayuan.

"Belle Del Monte." Mabilis akong napatingin sa nagsalita. Napaayos ako ng pagtayo noong makita ang isang matandang lalaki na prenteng nakaupo sa isang swivel chair. Maputi na ang buhok nito ngunit ramdam kong malakas pa rin ang isang ito. He looks old, but his aura is too strong and so intimidating!

"Don Zamora," maingat na sambit ko sa pangalan nito.

"Maupo ka, Belle," utos nito at inilahad ang kamay patungo sa bakanteng upuan sa harapan ng mesa niya. Napatinging muli ako sa lalaking nagdala sa akin kanina sa lugar na ito, but still, seryoso itong nakatingin sa harapan niya. Hindi ito gumagalaw. Humihinga pa ba ito?

Kahit nag-aalangan, sinunod ko ang utos ni Don Zamora. Nandito na ako. Kung ano man ang nais ng matandang ito, siguro naman ay may karapatan akong tanggihan iyon kapag labag na sa karapatan ko bilang babae. Hay, nako! Bahala na nga!

"I've heard about your father. Is he okay now?" panimula nito noong tuluyan na akong nakaupo.

"Yes po," magalang na sagot ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Nakatuon lamang ang paningin ko sa nakakuyom na mga kamay ko.

"Alam kong nasabi na ng mga tauhan ko ang tungkol sa utang ng ama mo," aniya na siyang nagpaangat nang tingin ko sa gawi niya. "And you are here because I need you."

"As a payment po ba? Ako po ba magiging kabayaran ng utang ng aking ama sa inyo?" deretso kong tanong sa kanya.

Natawa ito sa naging mga tanong ko. Lalo akong kinabahan. "You can say that pero mali ang nasa isip mo, Belle," sambit nito sa akin.

"Ano po ba talaga ang kailangan niyo sa akin? Oo nga't may nahiram si Papa sa malaking halaga sa inyo kaya naman po ay nakikiusap ako. Bigyan niyo pa po kami ng sapat na oras. Ibabalik ko po ang halagang nahiram niya," pakiusap ko rito. Ngunit bigla akong nanlumo noong makitang umiling ito sa akin.

"Ang usapan ay usapan, Belle. Hindi tumupad sa usapan namin ang ama mo kaya naman ay ikaw ang magbabayad ng kasalanan niya," anito at may isinenyas sa lalaking nagdala sa akin kanina. Mayamaya pa ay may inabot itong folder sa akin na siyang nagpakunot ng noo ko. Wala sa sarili kong binuksan ang folder na inabot sa akin at unang bumungad sa akin ang isang litrato ng lalaki. Napatingin ako ng wala sa oras kay Don Zamora. "That's Adam Zamora. My only grandchild. Dadalhin siya bukas dito para magpahinga at magpagaling sa mga sugat na natamo nito dahil sa isang aksidente," wika ng Don na siyang lalong nagpagulo sa isipan ko. "Based on our research, isa ka sa top student ng medical school na pinapasukan mo sa Manila. Graduating ka na rin ngayong taon."

"Hindi ho ako makaka-graduate ngayong taon," putol ko sa sinasabi nito. Natigilan si Don Zamora, tila nag-iisip.

"That's good to hear. Mas magkakapag-focus ka sa aking apo."

Hindi ako makapaniwalang napatitig sa matanda. Seriously? Hindi niya ba narinig ang sinabi ko? Napailing na lamang ako at maingat na isinara ang folder na nasa harapan ko. "What do you really want me to do, Don Zamora?"

"Be his personal aid, Belle Del Monte," seryosong sagot nito na siyang ikinaawang ng mga labi ko.

Ilang beses akong napakurap at noong makabawi ako sa gulat, muli akong nagsalita. "Ano po?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Aalagaan ko ang apo niyo?" tanong kong muli at tiningnan ang nakasarang folder na hawak-hawak ko. "Don Zamora, estudyante pa lang ako. Hindi pa ako doktor!"

"We don't need a real doctor here, Miss Del Monte. I just need someone who will look after my grandson. Someone whom I can trust."

"At nagtitiwala kayo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko sa matanda.

"Yes," agarang sagot nito sa akin. "Magtitiwala ako sa'yo at sa kakayahan mo kagaya nang ibibigay mong tiwala sa akin na hindi mapapahamak ang ama at kapatid mo sa mga kamay ko."

I froze for a second. Now I'm starting to feel uneasy. Hindi na talaga maganda ang pakiramdaman ko sa mga nangyayari sa akin ngayon. Walang kaso sa akin ang mag-alaga ng may sakit. Pero kung ang apo ng matandang ito ang aalagaan ko, hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito.

Baka mauna pa akong mapahamak at bawian ng buhay kaysa sa apo ni Don Zamora!

Damn me!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top