CHAPTER 17

Kanina pa ako palakad-lakad sa loob ng kuwarto ko.

Hindi ako makapaniwalang ginawa sa akin ito ni Adam! Damn that man! Pagkatapos ko siyang tulungang gumaling sa loob ng limang buwan, ikukulong niya ako sa silid na ito! Ayos ah! Napasabunot na lamang ako ng buhok at marahas na napahugot ng isang malalim na hininga. This is so fucking unfair!

Mayamaya lang ay natigil ako sa paggalaw at napaayos nang pagkakatayo noong makitang bumukas ang pinto ng aking silid. Segundo lang din ang lumipas ay bumungad sa akin ang mukha ni Orly at may dala itong tray ng pagkain. Humalukipkip ako at nagtaas ng isang kilay sa lalaki.

"Your meal, Miss Del Monte," kaswal na wika nito.

Napairap ako sa kanya. "What the hell is happening? Bakit niyo ako kinulong dito?" galit na tanong ko at sinamaan ng tingin ito. Hindi sumagot si Orly. Bagkus ay tahimik lang itong naglakad patungo sa mesang naroon sa silid at inilapag ang pagkaing dala.

"Eat, Miss Del Monte," aniya na siyang lalong nagpagalit sa akin.

"Where's Adam? Let me talk to him! Hindi niya ako puwedeng ikulong dito!" sambit ko, hindi pinansina ng pagkaing dala nito para sa akin.

"For once, sundin mo ang young master. Ito ang ma makakabuti para sa'yo, Miss Del Monte. Hangga't hindi ka pa magiging ligtas sa labas ng mansyon na ito, you'll stay here with him." What the hell? So, wala talaga siyang balak na palabasin ako sa lintek na lugar na ito! "Santiago's men are all over Sta. Barbara now. Kahit gustuhin man ni young master na umuwi ka na sa pamilya mo, he can't do that right now. You helped him recovered fast kaya naman ngayon ay siya naman ang tutulong sa'yo, Miss Del Monte," mahinahong paliwanag ni Orly sa akin. Napanganga ako at hindi nakapagsalita sa harapan ni Orly. "Don't think too much, Miss Del Monte. He's only doing this for your safety kaya naman ay sundin mo na lamang ito."

Napahugot ako ng isang malalim na hininga. "Is he always like this?" wala sa sariling tanong ko dito. Kita ko ang pagtataka sa mukha nito sa naging tanong ko sa kanya.

"Like what exactly, Miss Del Monte?" he calmly asked.

"I don't know. I... I just don't like him being around... me."

"You do?" he curiously asked me. "I bet you don't, Miss Del Monte. Those people who doesn't like young master are his enemy. In your case, you're not an enemy," marahang wika ni Orly. This time, ako naman ang napakunot ang noo. "He's a good man, Miss Del Monte. Otherwise, I won't serve him this long."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Nanatili lang akong nakatayo sa puwesto ko. Mayamaya lang ay nagpaalam na rin si Orly sa akin at lumabas na sa silid ko.

I sighed. Fine! I don't hate him, okay? I'm just not comfortable when he's around! My reason? Damn, fuck my reason! Bahala na nga!

Mabilis na lumipas ang araw. It's been two days simula noong hindi ako nakalabas sa kuwarto ko. At sa loob ng dalawang araw, tanging si Orly lang ang nakakasalamuha ko. Hindi na rin ako naglakas-loob na magtanong pa sa kanya ng kung anu-ano. Nagpupunta lang din naman ito sa silid ko para ibigay sa akin ang pagkain ko. I don't want to talk to him. I just stared at him blankly hanggang sa lumabas na itong muli sa silid na kinaroroonan ko. Ni banggitin nga ang pangalan ni Adam Zamora ay hindi ko na ginawa pa. Pakiramdam ko kasi ay mapagsasabihan na naman ako ng kung anu-ano ni Orly tungkol sa pinakamamahal na young master nila.

At sa nagdaang dalawang araw na lumipas, walang gulong naganap sa mansyon ng mga Zamora. I was even thinking na kausapin na si Adam tungkol sa pag-alis ko rito. Mukhangs ligtas na rin naman ako kung sakaling umalis na ako dito. At sana, sana pumayag na siya!

Wearing sa simple shirt and jeans, tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng higaan ko. Dahan-dahan akong nagtungo sa pinto ng silid at marahang pinihit ang doorknob nito. Kusang nanlaki ang mga mata ko noong mapagtantong hindi na ito naka-lock! Oh my God! It's freaking open! Kailan pa?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Agad ko itong binuksan at natigilan din naman noong makitang may dalawang lalaking nagbabantay sa labas nito. Napaayos ako nang pagkakatayo at seryosong binalingan ang dalawa. "I'm going to talk to Mr. Zamora," pormal na sambit ko.

Kita kong tumango ang isa sa kanila at iminuwestra sa akin ang daan paakyat sa silid ni Adam. Lumunok muna ako ng isang beses at nagsimulang maglakad papunta sa pangalawang palapag ng mansyon. Ramdam ko ang pagsunod ng mga nagbabantay sa akin ngunit hindi ko na lamang sila binigyan pansin. My mind is currently focus on how to deal Adam Zamora. Ayaw kong magkasagutan na naman kami. Kung kaya naman naming mag-usap ng walang sigawang magaganap sa pagitan naming dalawa, then I'll do it. If I need to beg for his approval, then fine, gagawin ko iyon! Kung iyon lang din naman ang tanging paraan para pahintulutan niya akong umalis sa lugar na ito!

Iyong tauhan na kasama ko ang nagbukas ng pinto para sa akin. At sa hindi malaman na dahilan, bigla akong kinabahan noong makita ang loob ng silid nito. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at kahit bigla akong nanghina, inihakbang ko pa rin ang mga paa papasok ng silid ni Adam Zamora.

Isang seryosong Adam Zamora ang bumungad sa paningin ko. Prente lang itong nakaupo sa mahabang sofa na narito sa loob ng silid. The way he looked at me, alam kong hindi nito nagustuhan ang presensya ko ngayon sa silid niya. Marahas akong napalunok noong nagtama ang paningin naming dalawa.

"What is now, Belle?" he coldly asked me. Para akong binuhusan ng isang malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Iyong kabang naramdaman ko kanina ay mas dumoble pa! Naikuyom ko ang mga kamao dahil nanginginig na ito ngayon. God! This is too much! This feeling is too much for me. I can't even control myself right now! Damn it! Kung wala lang talaga akong pakay sa lalaking ito, hindi na muna talaga ako lalabas sa silid para harapin at kausapin ito!

Minutes passed, wala ni isa sa amin ni Adam ang nagsalita o gumawa man lang nang ingay sa loob ng silid niya. Nakatingin la mang kami sa isa't-isa. And when I finally decided to speak, saka naman din ito nagsalita.

"Mr. Zamora-"

"Belle, about the-" Damn! Namataan kong natigilan ito sa puwesto niya at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. Umayos nang pagkakaupo si Adam Zamora at nagsalitang muli. "Go, you talk first."

I sighed. "I want to go home," deretso kong wika ko habang hindi bumibitaw nang tingin sa kanya.

"You're still not over with that one, huh?" Adam said then stood up. Naging alerto ang katawan ko sa ginawa niya. Damn, please, huwag kang lalapit sa akin! Huwag kang lalapit! Please! "I told you already, Belle. You'll stay here."

"Pero wala na akong ginagawa dito," mahinahong sambit ko sa kanya. Humakbang ng isang beses si Adam kaya naman kusang umatras ang isang paa ko. Kita kong natigilan ito at napakunot ang noo habang nakatingin ng mariin sa akin.

He sighed. "Are you scared of me?" he slowly and coldly asked me.

Napakunot ang noo ko sa naging tanong niya. Mayamaya ay kusang nanlaki ang mga mata ko noong mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng naging tanong niya sa akin. What is this? Is that what he thinks of my action towards him? I'm scared of him... Iyon ba? Well... yes. A bit. But honestly speaking, I'm more scared of myself. Natatakot ako sa maaring gawin ko. Natatakot ako na kapag manatili pa ako sa mansyon na ito ay hindi ko na gugustuhin pang umalis o lumabas man lang sa lugar na ito. That's so scary and I don't want that to happened to me!

"No, Mr. Zamora. I just wanted to end my job here. Tapos na ang kung anong usapan na mayroon kami ni Don Zamora. You're okay na. Look, you can walk without any help from me or your men. Maayos ka na kaya naman ay dapat lang na umalis na ako at bumalik na sa pamilya ko."

"You think na magiging ligtas ka sa labas ng mansyon na ito?" tanong nito sa akin, ignoring my words earlier.

Napatango na lamang ako sa kanya. "Yes," I confidently answered.

"They already knew your existence, Belle Del Monte. And right now, my enemies will surely know your connection to me. Malalaman nilang prinoprotektahan kita."

"What?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. This talk is slowly getting on my nerves now. Wala na akong maintindihan sa pinag-uusapan naming dalawa! Prinoprotektahan? At bakit niya naman gagawin iyon? Doktor niya lang naman ako!

"And you really think na hahayaan talaga kita? Quit it, Belle. I won't risk your life. There's no fucking way I'll let you go again and just let you walk out here. I won't do that so let's drop this conversation already."

"What?" This time, napanganga na ako. Unti-unting naproproseso ng utak ko ang mga salitang sinasambit na ito. Let me go again? Teka nga! Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito?

"Belle." Napakurap-kurap ako noong tawagin ni Adam ang pangalan ko. Damn it! Hulin na rin ang lahat noong mapagtanto ko ang distansiyang mayroon sa aming dalawa ngayon. Bakit nasa harapan ko na ang isang ito? Agad akong napahakbang paatras ngunit natigilan din naman agad noong hawakan ako ni Adam Zamora sa siko ko. I froze. "Stop taking a step backward, Belle. Just..." He paused for a second then looked intently to me. "Just stay where you are now. Don't make a move or don't ever think of turning your back to me," mahina at tila may kung anong sakit sa tono ng boses nito. Lalong nanginig ang kamay ko. Damn it, Belle! Umayos ka! "Don't you dare leave me." Napaawang ang labi ko sa intesidad ng titig nito habang sinasambit ang mga salitang iyon. Mayamaya lang ay napabuntonghininga ito at kinagat ang pang-ibabang labi niya. "Don't leave me...again."

Again... Again? What the hell is he talking about? Ano naman ang pinagsasabi nito ngayon sa akin? Anong again?

"Huh?" gulong-gulong tanong ko sa kanya at wala sa sariling napatitig sa labi nitong ilang pulgadang layo na lamang sa akin.

"Damn it!" I heard him cursed under his breathe then pull me towards him and kissed me on my lips!

Oh my God! What the hell is happening?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top