CHAPTER 16

Napapikit ako noong marahang binuhat ako ni Adam paalis sa ilalim ng shower. Ni hindi ko nagawang magprotesta sa ginawa niya kahit na sobrang lakas na ang tibok ng lintek na puso ko. I stayed quiet and let him carry me.

Mayamaya lang ay pinaupo na niya ako sa gilid ng bathtub at inabutan ng tuwalya. "Lalabas na ako. Fix yourself. After that, we'll talk." He calmly said to me. Nakayuko pa rin ako at nanatiling tahimik sa puwesto ko. Hindi ko nagawang magsalita man lang kaya naman ay kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko. Ilang saglit pa'y narining ko ang pagbuntonghininga nito at walang ingay na lumabas ng banyo.

"Fuck," mahinang mura ko sa sarili at napapikit na lamang. What the hell just happened? Mahina kong tinampal ang noo at tumayo na mula sa pagkakaupo sa gilid ng bathtub. Maingat kong inihakbang ang mga paa at naglakad tungo sa may lababo kung saan naroon ang salamin ng banyo. Walang emosyon kong tiningnan ang itsura at napailing na lamang noong maalala ang ginawang pag-iyak at pagsigaw kanina. "This is so fucked up," mahinang turan kong muli at nagsimula nang ayusin ang sarili. Pinahid ko sa basang mukha ang hawak-hawak na tuwalya at napabuntonghininga na lamang muli.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay buong tapang akong lumabas sa silid ko at nagtungo sa kuwarto ni Adam. Hindi ko na pinansin ang mga mapanuring mga titig ng mga tauhan ni Adam at dere-deretso na lamang akong pumanhik sa pangalawang palapag ng mansyon. Noong nasa tapat na ako ng silid ni Adam, agad akong pinagbuksan ng pinto ng dalawang bantay na naroon at walang ingay na pumasok na sa silid ng taong pakay ko.

Nadatnan kong seryosong nag-uusap si Adam at Orly. Parehong nakatayo ang mga ito habang parehong seryoso sa kung ano man ang pinag-uusapan nila. Tumikhim ako upang makuha ang atensiyon ng dalawa.

Kunot-noong bumaling si Adam sa akin at noong namataan niya ako ay agad nawala ang pagkakaseryoso nito. "Make it fast, Orly. We can't afford to lose our men again," seryosong utos ni Adam sa kay Orly. Tahimik na tumango ito at tinalikuran ang amo. Nagsimula na itong maglakad patungo sa pinto at noong napadaan ito sa akin ay isang tango lang ang binigay niya sa akin at tuluyan na itong lumabas. Leaving us, Adam, alone. In this freaking room! Again. Napangiwi ako at umayos na lamang nang pagkakatayo sa puwesto ko. "So, you're done crying?" he asked then walked towards his bed.

"Kailan ka pa nakatayo at nakalakad nang ganyan? Hindi ka na ba nahihirapan sa pagkilos mo?" I asked him. Tumigil ito sa pagkilos at tumingin sa gawi ko.

"Just earlier," he simple answered.

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "You mean noong-"

"Yes." Putol niya sa dapat na sasabihin ko.

Napakurap ako at napailing na lamang sa narinig mula sa kanya. "What the hell, Mr. Zamora? So, pinilit mo lang makatayo kanina? Binigla mo na naman ang sarili mo! I thought you're fully recovered!"

"I am fully recovered, Miss Del Monte. Sadyang kanina lang ako tumayo at lumabas sa silid na ito," anito na siyang ikinatigil ko. What the hell? "I know I am healed now. Maayos na ang katawan ko at kaya ko nang maglakad ng hindi nahihirapan kagaya sa nangyari kanina." Hindi ako nakaimik. Nakatingin lang ako kay Adam habang nagsasalita. "I wanted to tell you about this, hindi lang ako makatiyempo. Alam kong nag-aalala ka pa rin sa kalagayan ko but, Belle, I'm fine now. I managed to stand and walk. I even carry you earlier. Now, I'm more convinced that I can handle myself."

Napakurap na lamang ako at mahinang humugot ng isang malalim na hininga. He can handle himself now. Maayos na ang lagay nito. Maayos na. "So, I'm done here," mahinang sambit ko, tamang maririnig lamang niya sa kinatatayuan nito. Segundo lang ay namataan ko ang pagkunot ng noo ni Adam Zamora. Mayamaya pa'y biglang nagdilim ang ekspresyon nito sa mukha habang nakatingin sa akin. Marahil ay ngayon niya lang naintindihan ang mga katagang sinambit ko. "Magaling ka na. Nakakalakad ka na nang maayos at mukhang hindi mo na rin kailangan pa ng taong aalalay sa'yo sa lugar na ito. My job is done here, Mr. Zamora."

"This is not the talk that I'm talking about, Belle," malamig na wika nito sa akin. Napalunok ako at umayos na lamang nang pagkakatayo.

"Iyon ang napagkasunduan namin ni Don Zamora, Adam. At kagaya nang sinabi mo kanina, you can handle yourself now. Wala na akong silbi sa lugar na ito."

Ito naman ngayon ang hindi umimik. Nakatingin lamang ito sa akin kaya naman ay nag-iwas na ako nang tingin sa kanya.

"Kanina pa ako naguguluhan dito, Belle. What the hell is wrong with you?" he asked then started moving. Naging alerto ako. Damn it! Hindi ba puwedeng manatili na lamang ito sa puwesto niya? "Tell me, Belle Del Monte. What's on your mind right now?" Napako ako sa kinatatayuan noong maramdaman ang lapit nito sa akin. "Look at me," he said that makes me want to ran away from him. Damn! "Look at me, Belle and tell me."

Ikinuyom ko ang mga kamao at pilit na ikinalma ang sarili. "I'm leaving this mansion, Adam Zamora. Babalik na ako sa pamilya ko," mariing sambit ko sabay tingin sa kanya. Matapang kong sinalubong ang mga mata nito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Gusto mong malaman kung anong nasa isip ko ngayon? Then fine, I'll tell you, Mr. Zamora! Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito. This place will be my grave if I stay another day here."

"Your what?" mahina ngunit mariing tanong nito sa akin.

"Huwag na tayong maglokohan dito, Adam. Alam mong maari akong mamatay sa lugar na ito."

"And you think I'll let that to happen? Huh? To you, Belle?" he asked without breaking an eye contact with me. Umigtang ang panga nito, tila nagpipigil lang ng galit sa akin. Really? He's mad right now? At me?

Napailing na lamang ako at matamang sinalubong ang galit na ekspresyon nito. "That's not impossible, Mr. Zamora," mariing sambit ko sa kanya.

"It won't happen as long as you listen to me! Kanina, bakit ka napahamak? It was all your doing, Belle. I warned you. They are my enemies! But you never listened to me! And now, you're telling me that this place might be your grave? A place where I am living with you? Belle, I can protect you, so just fucking listen to me!"

"Don't shout at me!" wala sa sariling sigaw ko sa harapan niya. Damn it!

"Then stop being irrational! Stop lying and tell me the reason why you are being like this!"

Oh, fuck him! Talagang gusto niyang malaman ang totoong dahilan ko! "I want to go home. That's my fucking my reason."

Pumikit ito at umatras ng isang beses palayo sa akin. Para rin akong nabunutan ng tinik noong nagkaroon kami ng distansyang dalawa. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at mas diniin pa ang pagkakakuyom ng mga kamao. Hindi na ito nagsalitang muli. Nakatingin na lamang ito sa akin. Maybe my reason was enough for him to shut up.

"What if I don't want you to go home? What will you do?" mayamaya'y tanong nito sa akin na siyang ikinagulat ko.

"There's no reason for me to stay here, Adam."

"Paano kung bigyan kita ng rason para manatili dito? Pagbibigyan mo ba ako?" he slowly asked me. Napakunot ang noo ko dahil sa mga tanong nito sa akin. What the hell is wrong with him?

I sighed and just looked at him intently. "Whatever reason you will give me, I won't stay, Mr. Zamora," maingat kong sambit sa kanya. "May pamilya akong dapat uwian at alagaan. Tapos na ang trabaho ko sa lugar na ito. I... need to leave this place and be with my family."

"I still need you," agad nitong sambit na siyang nagpatigil sa akin. "I still need you here, Belle."

"Para saan pa, Mr. Zamora? Hindi mo na ako kailangan dito. Magiging pabigat lamang ako kapag nagkagulo na naman dito."

"I'll protect you." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "I can protect you, Belle Del Monte."

"Adam, sorry but-"

"I'll protect you with my life," mariing sambit nito na siyang tuluyang nagpahina sa akin. Lakas ng lakas na mayroon ako kanina ay biglang nawala. Sa gulat ko sa sinabi nito ay wala na ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Nakatayo na lamang ako sa puwesto ko, gulat sa mga katagang narinig mula kay Adam Zamora.

Hindi ko alam kung paano ako nakabalik nang matiwasay sa kuwarto ko. Tulala akong nakatingin sa kisame habang nakahiga na sa kama.

"I still need you."

"I'll protect you with my life."

"What the hell was that?" mahinang tanong ko sa sarili. Kanina habang sinasabi ni Adam ang mga katagang iyon, alam at ramdam kong seryoso ito sa bawat salitang binitawan niya. Hindi ko na rin nakayanan ang intesidad ng mga titig nito sa akin kanina kaya naman umalis na ako sa silid niya. Alam ko na kung nanatili pa ako ng ilang segundo sa silid niya kanina, tiyak kong bibigay na talaga ako. And I don't want that to happened to me! Never! Damn it! "Adam Zamora," sambit ko sa pangalan niya at ipinikit na lamang ang mga mata.

Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang binitawan niya kanina. He wanted me to stay. He told me he'll protect me. But why? Bakit niya ako proprotektahan? Mas nasa panganib ang buhay nito kaysa sa akin. I'm... just a nobody. Kumpara sa kung sino talaga siya, walang mag-aaksaya ng bala sa akin. So, why waste his precious time on me? Why, Adam Zamora?

Dahil marahil sa pagod, nakatulog ako. At noong magising at imulat ko ang mga mata ko ay agad akong nagtungo sa kabinet kung saan naroon ang mga gamit ko. Kinuha ko ang bag na dala ko noon at mabilis na isinilid ang mga damit ko. I only brought few things kaya naman ay mabilis akong natapos sa pag-eempake.

My decision was final. Aalis na ako sa mansyong ito. Magaling na si Adam. Tapos na ang usapan namin ni Don Zamora. Bayad na si papa sa utang nito sa matandang Zamora. Makakauwi na ako at kung papalarin, makakabalik pa ako sa pag-aaral ko!

Noong naayos ko na ang mga dadalhin, tumayo na ako at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan ng silid. Ngunit bago ako lumabas, inilibot ko muna ang paningin sa kabuuan ng silid. This room witnessed my pain and sacrifices for this task. Naging saksi ito sa lahat ng hirap ko sa nagdaang araw... nagdaang buwan. I silently sighed. Somehow, ang bigat sa pakiramdam na aalis na ako lugar na ito. Alam kung hindi tama pero ito ang nararamdaman ko ngayon. I don't belong here. This place... it's not for me. Kahit na baligtarin pa ang mundo at hindi sa ganitong pagkakataon ako napunta rito, hindi pa rin ako mababagay sa lugar na ito. Just like what I've said... I'm just a nobody here. Walang makakaalala sa akin kapag tuluyan na akong umalis sa lugar na ito.

Napakagat na lamang ako ng pang-ibabang labi at humugot muli ng isang malalim na hininga. Malungkot akong ngumiti at humarap na sa nakasarang pinto ng silid. Segundo lang ay biglang napakunot ang noo ko noong hindi ko mapihit ang doorknob ng pinto. Ilang ulit ko itong pilit na binuksan pero nakasarado ito! What the hell?

"Locked." Napaawang ang labi ko noong mapagtanto ko kung ano ang nangyayari. What the hell is this? Am I stuck inside this freaking room?

No!

"Adam Zamora!" sigaw ko sa pangalan ng lalaki. For sure, siya ang nag-utos at may pakana nito! Kinalampag ko ang pinto at nagsisisigaw dahil sa inis sa ginawa niya. Damn that man! Akala ko pa naman ay tumino na ito! I was wrong... so fucking wrong! He's still the dangerous and cruel Adam Zamora whom I knew! He will never change! Kahit na naging maayos naman ang pakikitungo ko ito sa nagdaang mga buwan, Adam Zamora will always be Adam Zamora. Ruthless and damn, freaking jerk!

"Damn it! Adam Zamora!" sigaw kong muli at malakas na hinampas ang nakasarang pinto sa harapan. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top