CHAPTER 15
Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak habang nakakulong sa yakap ni Adam Zamora. Hindi ko na rin alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko noong nailabas ko na lahat ng takot ko sa loob ng ilang buwang pananatili sa mansyon na ito. I just stay there, inside his arms, crying and showing him all my fears.
"You okay now?" I heard him asked. Hindi ako kumibo. Nanatili lamang akong nakayuko, trying to avoid his eyes. Nahihiya ako. Nakakahiya ako sa ginawang pag-iyak sa harapan niya at ang malala pa, niyakap pa niya ako at sinubukang patahanin! Damn, Belle! What have you done?
"Belle-"
"I'm fine now, Adam. T-thank you," mabilis na sambit ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama nito. I need to get out of here... I need to stay away from him! Damn it! Hindi dapat nangyari iyon! Dapat ay hindi ako umiyak kanina! It was my fault! Kasalanan ko ang lahat kaya dapat ay hindi ko na ipinakita sa lalaking ito ang kahinaan ko!
Napalunok na lamang ako at dinama ang masakit na pagtibok ng puso ko. I was scared. A man threatened me earlier. Dapat ay iyon ang nasa isipan ko ngayon ngunit may ibang gumagambala sa akin ngayon! This is not good. I need to stay away from him! Damn me!
Pinagpatuloy ko ang planong paglabas sa silid ni Adam ngunit bago pa ako makahakbang ay agad niya akong pinigilan. Napapitlag ako noong hawakan na naman niya ako sa braso. "I'm sorry," agad kong sambit noong makitang nagulat ito sa naging reaksiyon ko sa paghawak niya sa akin.
"Where are you going?" he asked me. Napaayos ako nang pagkakatayo at matapang na hinarap siya. But I know I'll fail... big time! Lahat ng lakas at tapang na mayroon ako ngayon ay biglang nawala noong magtamang muli ang paningin naming dalawa. I'm really in a big trouble right now! "Answer me, Belle. Saan ka pupunta?" muling tanong nito sa akin.
Napakurap-kurap ko noong marinig ko na naman ang boses ni Adam. Agad akong nag-iwas nang tingin sa kanya at humugot na lamang ng isang malalim na hininga. Pilit kong pinapakalma ang sarili... pati na rin ang masakit na pagtibok ng lintek na puso ko sa dibdib. Damn this feeling!
"B-babalik na ako sa kwarto ko," mahinang sagot ko sa kanya.
Nakita ko ang mabilis na pagbago ng ekspresyon nito habang matamang nakatingin pa rin sa akin. "No," he said with finality. "You'll stay here, Belle." Kusang napatingin ako sa gawi niya. His serious face froze me for a second. How come na ngayon ko pa talaga na-a-appreciate ang seryosong mukha nito? Damn me! I really need to get out of this room! Iniyakan ko lang siya kanina at naglabas ng mga sama ng loob tapos naging ganito na ako! I can't believe this!
"I'm sorry, Adam, pero I... I need to rest. At sa kuwarto ko ako magpapahinga. Ikaw din, baka nabigla ang katawan mo. Magpahinga na."
"You're not listening to me again, Belle Del Monte. You'll stay here."
"Adam-"
"Stay." Napaawang ang labi ko. His serious face becomes soft. His eyes, his pleading eyes... damn it! Ano ba! Bakit biglang ganito ang nangyayari sa akin?
"I can't," mahinang wika ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "I really can't."
Namataan kong natigilan saglit si Adam Zamora. Mayamaya lang ay nakita ko itong napabuntonghininga at ipinilig ang ulo pakanan. "Why?" he gently asked. Natigilan ako. Bakit? Bakit nga ba? Ano ba ang dahilan ko sa pagsuway sa utos nito sa akin? Dahil ano? Dahil sa lintek na pagtibok ng puso ko at dahil sa maraming paru-parong lumilipad sa tiyan ko ngayon habang nakatingin sa mga mata nito? Is that reason even valid? Of course, not! At hinding-hindi ko iyon sasabihin sa kanya! No! "Why, Belle? Tell me your reason then I'll let you go this time," muling tanong niya sa akin.
Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Bakit... bakit parang may ibang kahulugan ang mga katagang sinabi nito sa akin? Bakit... bakit parang kinurot ang puso ko?
"I'm tired," walang emosyong tugon ko sa kanya.
"Then take your rest here. With me. You're safe here," he said without breaking an eye contact. Sa tono pa lang ng boses niya ay alam kong hindi niya ako hahayaang lumabas sa silid na ito. But no... I can't stay here! Hindi man valid ang mga rason ko, still, kailangan kong umalis sa lugar kung nasaan siya. Kahit ilang oras lang... kahit ngayon lang!
"Being near to you is not even safe for me, Adam," wala sa sariling sambit ko. Mayamaya lang ay naatuhan ako at huli na noong mapagtanto ang mga katagang nabitawan sa harapan niya. Nanlaki ang mata ko at agad na tumalikod sa kanya. Inihakbang ko na ang mga paa at nakaka-dalawang hakbang pa lamang ang nagawa ko noong maramdaman ko na naman ang hawak nito sa braso ko. I froze again. Napaawang ang labi ko at hindi nakakilos muli.
"You're acting weird, Belle." He stated like I was fucking obvious right now. "Tell me the reason behind this." Damn me!
"I t-told you already." Biglang nanginig ang boses ko. "I'm t-tired, Adam."
"Tired of what, Belle?" Naninigas ako dahil sa bulong nito sa akin. I can feel his breathe behind my ear! Sobrang lapit na nito sa akin! Fuck! Napalunok na lamang ako at sa maikling sandali, inipon ko lahat ng natitirang lakas na mayroon ako. Hindi na ako sumagot sa naging tanong ni Adam sa akin. Gamit ang natitirang lakas na mayroon ang katawan ko, mabilis kong binawi ang braso mula sa pagkakahawak niya at lumabas na sa silid nito. Hindi na ako muling pinigilan pa ni Adam at dere-deretso nang naglakad patungo sa silid ko.
Walang ingay kong isinara ang pinto at noong tuluyan ko na itong naisara, agad akong napaupo roon. Hindi ako makahinga nang maayos kaya ay napahawak ako sa dibdib ko. "What the hell?" mahinang bulalas ko. "Why him?" Napaawang na lamang ang labi ko noong mapagtanto ang kung anong nangyayari sa akin ngayon. I know this feeling. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano itong nangyayari sa akin ngayon! Pero ang tanong, kailan pa? Imposible namang kanina lang noong niyakap niya ako dahil sa walang tigil na pag-iyak ko!
"Ah!" sigaw ko dahil sa frustration. Napahawak ako sa ulo ko at mahinang inuntog sa pinto. "Damn you, Belle! Hindi mo dapat nararamdaman ang mga bagay na ito. You're here because of work... nothing more, nothing less. Dapat... damn!" Napasabunot na lamang ako ng buhok at muling inuntog ang uli sa may pinto ng silid.
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa sahig na kinauupuan dahil sa panghihina at pag-iyak ko kanina. Napakurap ako noong naalimpungatan ako at mahinang napabuntonghininga na lamang. Kahit mabigat ang pakiramdam, pinilit kong bumangon. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad patungo sa banyo. Mabilis akong tumapat sa ilalim ng shower at kahit na may suot pang damit, binuksan ko na ito. Dinama ko ang malamig na tubig sa katawan ko at mariing ipinikit ang mga mata. But I guess that was a wrong move. I saw his face. I saw his pleading and beautiful eyes. I saw him! Damn it!
"Ah!" I screamed on the top of my lungs. "Ah!" I screamed again... almost crying.
Patuloy ako sa pagsigaw hanggang sa sakit ang lalamunan ko. Napaupo ako sa sahig at napahawak na lamang sa may dibdib ko. Bakit? Bakit ako? Bakit ko ba ito nararamdaman sa kanya? This is wrong. Hindi dapat ito ganito. Wala dapat ito! I'm just here to save him! Not fucking like him or worst, fucking fall in love with him!
"Belle!" Natigilan ako sa pag-iyak dahil sa kalabog sa pinto ng banyo. Nanlaki ang mga mata ko noong sunod-sunod ang katok mula roon. "Belle! Are you okay? Damn it! Answer me! Belle!"
What the hell? "Adam?" I whispered his name. Anong ginawa niya rito? Bakit nasa silid ko ito? And he freaking leave his room and walked towards here? Nasisiraan na ba talaga ang isang ito?
"Belle, are you okay? Answer me!" muling sigaw nito sa may pinto ng banyo. Kusang napaawang ang labi ko. What the hell is he doing here? Umalis na nga ako sa silid niya para makapag-isa tapos siya naman susugod dito!
"Young master, here's the key." It was Orly! Nanlaki ang mga mata ko! Bubuksan na nito ang pinto ng banyo ko! Damn! Napatingin ako sa itsura ko at nakahinga ako noong mapagtantong hindi ko nga pala hinubad ang damit ko kanina noong tumapat ako sa ilalim ng shower! Napangiwi na lamang ako at hinina na nakagalaw pa sa puwesto noong muling narinig ang tinig ni Adam Zamora.
"Belle!" Napayuko ako noong tuluyang bumukas ang pinto ng banyo. He's here. Again! "God, Belle, what happened?" Mabilis na lumapit si Adam sa akin. "You were screaming! Are you okay? Damn it!"
Napakurap ako sa tinuran nito. So, narinig nila pala ako? Ganoon na ba kalakas ang pagsigaw ko kanina? Daman, nakakahiya!
Mayamaya lang ay natigilan ako noong lumuhod ito sa harapan ko. Napaangat ako nang tingin sa kanya at nakitang nababasa na rin ito ng tubig mula sa shower na binuksan ko kanina. "Umalis ka. Nababasa ka," nanghihina kong taboy dito.
"Yes, I'll leave but first, let me take you out of here. Baka magkasakit ka pa sa ginagawa mo." Concern is written all over his face. What the hell? Kailan pa nagkaroon ng ganitong emosyong ang mukha ng halimaw na ito? He's dangerous and cruel! Dapat hindi ito nag-aalala sa akin!
"I said leave, Adam. Hindi mo ba ako naiintindihan?" mariing tanong ko sa kanya na siyang ikinatigil nito. "I can handle myself. Pasensya na at narinig niyo pala ang pagwawala ko kanina. I'm fine. Nothing to worry about me." I coldly said to him.
"You're not fine. I can see that."
"You're wrong. I'm fine, Adam Zamora. Definitely fine," mas malamig na sambit ko at matapang na hinarap ang mga mata nitong nagpapahina sa buong pagkatao ko ngayon.
No, Belle, you are stronger than this! Kaya kong malagpasan ito. I just need time and space, away from him. Hindi ito bago sa akin kaya naman ay alam kong malalagpasan ko ito!
"Is it because of what happened earlier, Belle? That guy who hurt you. Is it because of him? Because you couldn't save him?" Natigilan ako sa mga tanong nito. "Or is it because of me? Huh?" he asked again, almost whisper. "Just tell me, Belle. What's your reason? Dahil kung hindi mo ako sasagutin ngayon, tiyak na mababaliw na ako kakaisip kung bakit ka biglang nagkaganito."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top