CHAPTER 14

"Damn it! Belle!"

Napasigaw ako dahil sa biglang paghila sa akin ni Adam. He grabbed me then ready his gun. Napamura na lamang ako sa isipan at noong mamataan ko kung sino ang nasa may pintuan, natigilan ako sa paghinga.

"Young master!"

Damn, it was Orly! Fuck!

"Damn it, Orly!" galit na sigaw ni Adam sa lalaki. "What the fuck is happening?" Napapikit ako dahil sa galit na nararamdaman sa bawat salitang binibitawan ni Adam. Halos hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa takot na bumabalot ngayon sa buong pagkatao ko. I can even tell that my hands and knees are both trembling right now! Damn! Wala na bang katapusan ito? Ang kaba at takot yata ang papatay sa akin sa lugar na ito!

"They sent some assassins, young master. We managed to capture three of them," kalmadong sambit ni Orly at bahagyang yumuko sa young master niya. Natigilan kaming dalawa ni Adam. A-assassins? May assassins ngayon sa lugar na ito? Mayamaya lang ay naramdaman ko ang paghigpit nang hawak ni Adam sa braso ko kaya naman ay napatingin ako sa kanya. Segundo lang ay natigilan ako noong makita ang galit sa buong mukha nito. Now he's freaking scary! Ibang-iba ito sa Adam Zamora na kilala ko!

"Bring them in!" mabilis na utos ni Adam na siyang sinunod naman agad ni Orly. Naiwang muli kami ni Adam sa silid niya. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at tiningnan ang kamay nito sa nasa braso ko.

"It's fine now, Adam. Let me go," nanghihinang sambit ko sa kanya. Slowly, Adam looked at me. Without saying any word, marahan niya akong hinila palapit sa kanya. Taka akong napatingin sa kanya hanggang sa napaupo na rin ako sa gilid ng kama na kinauupuan niya.

"I won't let you go," he said, almost whisper.

"What?" halos walang tinig ko na ring tanong sa kanya.

"Stay still. Stay here. Hindi kita bibitawan, Belle," mariing sambit niya sa akin.

Napakurap ako at tiningnan lamang ang mapanganib na ekspresyon sa mukha ni Adam Zamora. Mayamaya lang ay napahugot ako ng isang malalim na hininga at tinawag ito. "Adam."

Magsasalita pa sana ako ngunit biglang dumating sila Orly, kasama ang apat na tauhan nila at tatlong lalaking nakatali at halos hindi na maidilat ang mga mata dahil sa bugbog sa kanilang mukha. Napahiga ito sa sahig habang tahimik na iniinda ang sakit ng katawan nila. I can even see bloods on their body. Agad akong napaayos nang pagkakaupo.

Blood!

Akmang tatayo na sana ako para lapitan ang mga duguang nasa harapan noong mas hinigpitan ni Adam ang pagkakahawak sa akin. Wala sa sarili akong napabaling sa kanya. "Adam, sugatan ang mga-"

"I said stay still, Belle." Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko.

"Pero sugatan sila," sambit ko at binalingang muli ang mga lalaki. Kusang napaawang ang mga labi ko noong makitang nakatutok ang mga baril ng mga tauhan ni Adam sa mga lalaking halos hindi na magawang huminga. "What are you doing?" wala sa sariling tanong ko sa kanila. "Put down your guns! They can't even move an inch!"

"Belle, stop-"

"No, Adam! This is wrong! Hindi na kayang lumaban ang mga taong iyan!" Tumayo na ako at pilit na tinatanggal ang kamay ni Adam sa braso ko. "I'll just check them. I can't just stay still here! Tao lang din naman sila. They're injured and as a doctor, hindi ko kayang manahimik na lamang habang may mga taong halos mamatay na sa harapan ko! Adam, please. Let me go!"

"They are enemies, Belle. Hindi mo kailangang gawin ngayon ang pagiging doktor mo!" mariing turan niya at inilingan ako. "Makinig ka sa akin."

"Enemies or not, it's my duty and responsibility to save people, Adam," sambit ko at buong puwersang winaksik ang braso mula sa pagkakahawak nito. Hindi na ako napigilan pa ni Adam. Mabilis akong naglakad at lumapit sa mas may malalang lagay sa tatlong assassin na nasa silid ngayon. Naging alerto naman sila Orly noong lumuhod ako at tiningnan ang sugat ng isang lalaki sa braso nito.

"This bleeding won't stop," seryosong saad ko habang hinawakan ang braso ng lalaki. May tama ito ng bala ng baril. Mabilis kong kinuha ang panyo sa bulsa at itinali ito sa sugat ng lalaki. It will at least lessen the flow of his blood from his wound. After checking the first guy, sinunod kong tingnan ang nasa tabi nitong lalaki. No blood. Pero wala itong malay. Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. At noong nasa panghuling lalaki ako, napakunot ang noo ko noong makita may dugo ito sa bandang ulo niya. Mabilis ko itong dinaluhan at tiningnan ang sugat na natamo nito mula sa mga tauhan ni Adam. "This one is a hella deep wound," mahinang sambit ko habang naiiling pa rin.

I need to clean his wound. Kung hindi maagapan ang sugat nito, mas lalong malalagay sa alanganin ang buhay ng lalaking ito! Damn it!

Akmang tatayo na ako para kunin ang panlinis ng sugat noong bigla akong napatili dahil hinawakan ako sa kamay ng lalaking sinusuri ko. Nanlaki ang mga mata ko at halos hindi na huminga noong maramdaman ko ang matulis na bagay na nakatutok na ngayon sa leeg ko. I froze. Fuck. I'm fucking screwed again.

"Belle!" Napapikit ako noong marinig ang malakas na sigaw ni Adam sa pangalan ko. "Damn it!"

"Release us or else..." Nanghihinang sambit ng lalaking may hawak sa akin ngayon. "I will kill her," pagbabanta nito at inilapat pa lalao sa leeg ko ang patalim na hawak-hawak nito.

"Drop your weapon and release her," mariing utos ni Adam sa kanya. Nanatili akong nakapikit. Damn me! Wala na akong sapat na lakas para imulat pa ang mga mata ko! What the hell? I was just helping them! Bakit ganito pa ang nangyari sa akin ngayon?

"They are enemies, Belle."

Natigilan ako noong maalala ang sinabi ni Adam sa akin kanina. Enemies. Kalaban ng pamilya nila. Wala silang sinasanto kahit sino. Kahit ang tao na ang nais lamang ay ang matulungan sila!

"Don't take another step, Zamora. Tutuluyan ko talaga ang babaeng ito!" galit na sambit ng lalaki sabay diin sa pagkakatutok ng dulo ng patalim sa leeg ko.

"Ah!" daing ko at mas napapikit dahil sa sakit sa natamong sugat mula sa patalim nito. Damn!

"Belle!"

Nanginginig na naman ang buong katawan ko. I even wanted to cry pero pinipigilan ko lamang ang sarili ko. Fear is consuming my whole being now. Ni hindi na nag-fu-function nang maayos ang utak ko ngayon! Damn it!

"Open your eyes, Belle!" rinig kong sambit ni Adam. Natigilan ako. "Look at me!"

No! I can't do that, Adam! Ni paghinga ay hindi ko nga magawa nang maayos ngayon!

"Look at me!" ulit nito na siyang ikinalunok ko na lamang. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao ko at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Kusang umawang ang mga labi ko noong makitang nasa harapan ko ngayon si Adam Zamora. He's standing in front of us, in front of me... looking intently into my eyes. "Breathe, Belle," he commanded me. "Breath for me, please."

"Adam."

Paanong nasa harapan ko na ito ngayon? Nakakatayo na ito nang maayos ng wala ang walker niya? Kailan pa? Napakurap-kurap ako at napatili na lamang muli noong biglang bumagsak ang lalaki sa tabi ko. "Oh my God!" bulalas ko noong makitang nanginginig ang lalaki habang nakahawak sa ulo nito. Fuck! Ito na nga ba ang sinasabi ko! He's in danger! Akmang lalapitan ko na sana ito noong bigla akong hinila ni Adam at inilayo sa lalaki.

"Stop, Belle," mariing sambit ni Adam at hinila ako pabalik sa kama niya.

"Adam! Mamamatay siya!" bulalas ko at tiningnan ang kalagayan ng lalaki. Oh no. Mamamatay talaga ito!

"Serve him right!" sigaw ni Adam sa akin at puwersahang pinaupo ako sa gilid ng kama niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat noong hinawakan niya ako sa leeg at marahang hinaplos ang maliit na sugat na natamo ko mula sa patalim na nakatutok sa akin kanina. "Damn him!" mahina ngunit mariing sambit nito at mabilis na kumuha ng bulak at panlinis ng sugat ko.

"He's dead." Narinig kong sambit ni Orly sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mata ko at binalingan ito. Agad din naman akong hinawakan ni Adam sa pisngi at pinabaling muli sa kanya. Seryoso ang mukha nito at marahang pinahiran ang sugat ko.

"You take care of them, Orly," utos nito sa mga tauhan niya at walang ingay na lumabas ang mga ito sa silid. Napakurap ako at hindi na kumilos pa sa puwesto ko. Hinayaan ko na lamang si Adam sa ginagawa niya.

"Adam," mayamayang tawag ko sa kanya ngunit seryoso lang itong naglilinis ng sugat ko. "Adam-"

"You stay still, Belle," malamig na turan nito habang patuloy ito sa ginagawa niyang paglilinis sa sugat ko. "For once, makinig ka sa akin para hindi ka napapahamak." Napalunok ako. He sounds so dangerous right now. Pero parang may humaplos sa puso ko dahil sa ginagawa niya sa akin ngayon. Kusang nanghina ang katawan ko at ni hindi ko man lang namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

Kita kong natigilan si Adam sa ginagawa niya at umangat ang tingin sa akin. "I was scared," mahinang sambit ko sa kanya. "Adam, I was scared," ulit ko pa at napayuko na lamang.

Damn it! Ano ba itong nagawa ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top