CHAPTER 13
Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at tahimik na nakinig na lamang sa dalawa.
Why the hell Alison escaped? Kung alam nitong mapapahamak siya sa sariling pamilya niya, bakit pa siyang tumakas at umalis sa mansyon ng mga Zamora?
"Call Perez," mariing utos ni Adam kay Orly na siyang nagpabaling sa aking muli sa puwesto niya. Perez? Iyong lalaking pumunta rito sa mansyon noon? That man? Oh my God! Not him, please. Mukhang mas delikado ang taong iyon! Damn! "Tell him to send someone inside Santiago's Clan."
"And what about Alison, young master?" tila nag-aalangang tanong ng lalaki sa amo nito.
"Let her be. Alam niya kung ano ang ginagawa niya," he said coldly then looked at me. Napapitlag ako dahil sa ginawa niya. Wala sa sarili akong napatikhim at umayos na lamang sa pagkakatayo. "Bumalik ka muna sa kuwarto mo, Belle. Take some sleep. Mukhang naistorbo ka pa dahil dito."
Napalunok ako. Gusto kong bumalik sa kuwarto ko ngunit may kung anong pumipigil sa akin ngayon. Muli akong umayos nang pagkakatayo at sinalubong ang matamang titig nito sa akin. Dahan-dahan akong umiling kay Adam. "I'll stay here," sambit ko sa kanya at binalingan si Orly. "Gawin mo na ang inuutos niya sa'yo, Orly. I'll take care of him. Sasamahan ko siya hanggang sa maging maayos nang muli ang sitwasyon dito sa mansyon."
Kita kong tumango muna ito sa akin bago nagpaalam sa young master nito. Mayamaya lang ay tinalikuran na niya kami ni Adam at lumabas na sa silid nito. Humugot ako ng isang malalim na huminga bago ibinalik kay Adam Zamora ang buong atensiyon. "Hindi maaring pabayaan mo na lang si Alison, Mr. Zamora," pormal na wika ko sa lalaki. Mataman ko itong tiningnan at hinintay ang susunod na sasabihin nito sa akin. "Find her, Mr. Zamora."
"So, you're back with your formality now, huh?" Nagtaas ito ng kilay sa akin. Bahagya pa akong natigilan sa narinig mula sa kanya. Really? Talagang binigyan pansin pa niya ang tungkol sa bagay na ito!
I silently sighed then look at him intently. "Adam," banggit ko sa pangalan nito at muling napabuntonghininga. "Hindi mo maaring pabayaan si Alison."
"And why is that?"
"Dahil delikado!" bulalas ko sa harapan niya. "Ikaw na rin ang nagsabing mapapahamak ito sa sariling pamilya niya!"
"She was the one who kicked herself out here. That was her decision," walang buhay na sambit nito habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Huwag mo na siyang alalahanin pa, Belle."
"But she helped you! Dapat ay tulungan mo rin ito!" mariing sambit kong muli sa kanya.
"I never asked her to help me, Belle. It was her decision to stick around while I was on coma," malamig na turan nito na siyang ikinailing ko na lamang.
"I can't believe you!"
"She's not my business, Belle. Not anymore. So, kung ano man ang mangyari sa kanya dahil lang bumalik na siyang sa pamilya niya, labas na ako roon."
Napakuyom ako ng mga kamao dahil sa tinuran nito. "Kahit na ikaw ang dahilan kung bakit siya nasa panganib ngayon? Kahit ikaw ang dahilan, huh, Adam? Wala ka pa ring pakialam sa kanya?"
"Yes," matamang sambit niya na siyang ikinaawang ng mga labi ko. What? Paano niya nasasabi ang mga ito? Ganoon na ba katigas ang puso ng lalaking ito? Kahit na mag-alala man lang sa babaeng tumulong sa kanya ay hindi niya gagawin? He's unbelievable!
"Adam, listen to-"
"I'm tired, Belle. Huwag na nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito," mas malamig na turan nito sa akin. Napailing na lamang ako sa kanya. He's so damn cruel. Simula pa lang ay alam ko na ganito ang ugali ng lalaking ito pero nitong nagdaang mga araw ay nagbago ang tingin ko sa kanya! But I guess I was wrong. Kilala ko lang siya sa mga files na nabasa ko tungkol sa kanya. Other than that, wala na. Iyon lang ang basehan ko tungkol sa pagkatao nito!
"You used to love her, Adam." Hindi pa rin ako tumigil. Kita ko ang pagkunot ng noo nito at mayamaya lang ay muli niya akong tiningnan nang masama. Paniguradong galit na ito sa akin ngayon! "Alison is a good person. Kahit ilang buwan ko lang itong nakasama, I can feel something about her. Please, help her Adam. Kahit ito na lang ang magawa mo para sa kanya. Save her."
"You don't know anything here, Belle," mariing sambit nito na siyang ikinailing ko.
"Oo, wala akong alam," mahinahong sagot ko sa kanya. Sa totoo lang ay kinakabahan na ako nang sobra ngayon. Natatakot na ako sa pinapakita ni Adam sa akin. His eyes are cold. His voice is dangerous. And I'm freaking out! Alam kong napapansin na ito ni Adam pero nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa. Bahala na! "Wala akong alam pero hindi iyon sapat na dahilan para tumunganga na lamang ako at magkulong sa loob ng silid ko, Adam Zamora!" lakas loob kong sambit sa kanya. Damn it! My legs are shaking! Pakiramdam ko'y babagsak na ako dahil sa panginginig ng mga tuhod ko!
Mas lalong dumilim ang ekspresyon ni Adam. "Shut it, Belle. Hindi na magbabago ang desisyon ko. I won't help her. Period," he coldly said then closed his eyes.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Ikinuyom ko nang mabuti ang mga kamao at muling naglakas loob na magsalita. "You think deserve ni Alison ang mapahamak siya sa sariling angkan?" mahinang tanong ko at humugot ng isang malalim na hininga. Hindi ito kumibo kaya naman ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Dahil kung oo, fine, I'll stop here. Hindi na ako makikigulo sa inyo dahil wala nga akong alam," may diin kong wika. "But remember this, kung may mangyaring masama sa kanya, I will never forgive you. Kahit matapos ang trabaho ko sa'yo at sa lolo mo, kahit na makawala na ako sa lugar na ito, I'll definitely hate you for doing nothing to help her." Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago magsalitang muli. "Rest for now, Mr. Zamora. Babalik na lamang ako mamaya."
Akmang tatalikuran ko na sana siya noong biglang nagmulat ito ng mga mata niya. Natigilan ako dahil sa lamig ng mga mata nitong nakatitig sa akin. My hands are trembling right now. Gusto ko itong saktan dahil sa pagiging heartless nito. Gusto ko itong hampasin para naman matauhan ito at gumawa na nang hakbang para mailigtas si Alison! But I guess, I don't have the freaking right to do that to him. All I can do is talk... iyon lang ang kaya kong gawin sa lugar na ito.
"It's okay to hate someone like me, Belle," mahinang sambit nito habang hindi inaalis ang malamig na titig niya sa akin. "I don't even deserve her. Ganoon din siya sa akin. We both know that so just stop it already. Wala kang mapapala sa ginagawa mo. Hindi siya ang priority ko. And besides, I'm more concern about your safety while helping me. Dapat sarili mo lang ang iniisip mo sa ganitong sitwasyon, Belle. Hindi mo alam kung kailan may papasok sa lugar na ito na puwedeng ikapahamak mo. Forget about Alison, and just think about yourself," lintaya niya na siyang nagpagulo sa utak ko. Napailing na lamang ako at marahang iniling ang ulo.
No. This is not the right time to act selfish. May taong nasa panganib ngayon kaya naman dapat ay hindi ko isipin ang sariling kaligtasan lang. "Hindi ako kagaya mo, Mr. Zamora. Hindi ko kayang isipin lang ang sarili ko kung alam kong may isang taong nasa panganib. I'm... I'm not selfish and I really cared about her. Nag-aalala ako sa kanya, Mr. Zamora."
"You're unbelievable, Belle!"
"And you're heartless, Adam!"
Pareho kaming natigilan dahil sa pagsigaw ko. Nawala ang lamig sa mga mata nito na siyang ikinagulat ko rin. For a second, nakakita ako ng ibang emosyon sa mga mata. Hindi ko matukoy kung namalik-mata lang ba ako pero ngayong tinititigan ko itong muli, bumalik na ito sa malamig na titig sa akin.
Akmang magsasalitang muli ako noong natigilan kaming pareho dahil sa putok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko at napabaling sa nakasaradong pinto. Isang putok na naman ang umalingawngaw kaya naman ay mabilis ang lumapit sa pinto ng silid at agad na ini-lock iyon.
"Belle! Damn it! Come back here!" rinig kong sigaw ni Adam kaya naman ay napatingin ako sa kanya. Hindi na ito nakahiga ngayon. Nakaupo na ito sa kama niya habang may hawak-hawak na baril. Mabilis akong bumalik sa puwesto ko kanina at tiningnan nang maagi ang nakasarang pinto ng silid ni Adam.
"What's happening?" Napabaling ako kay Adam noong magsalita ito. May hawak na itong cellphone at may kausap sa kabilang linya. "Damn!" malutong na mura nito at pinutol na ang tawag. "May nakalusot sa mga tauhan ko at ngayon ay nasa premises na ng mansyon," imporma nito sa akin.
Kinabahan ako sa sinabi nito. Paanong nangyari iyon? Masiyadong mahigpit ang security ng mansyon ng mga Zamora para may makapasok ang isang outsider! Damn it! Ano na ang mangyayari sa amin ngayon? Paniguradong kalaban ng mga Zamora ang nasa loob ng premises ng mansyon nila. At kung pagbabasehan ang mga sunod-sunod na pagputok ng mga baril kanina, paniguradong may nanlaban at sugatan sa kanila! Oh my God!
"Santiago... paniguradong isa sa kanila ang narito ngayon," mapanganib na wika ni Adam na siyang ikinalunok ko. Santiago. Iyong pamilya ni Alison! "Damn them! Ano pa ba ang gusto nila?" galit na turan nito na siyang ikina-alarma ko na.
"Calm down, Adam," pigil ko sa kanya. He's mad. Kung magpapatuloy ito, tiyak kong hindi ito makakabuti sa recovery niya! "Let Orly handle this one. Mahiga kang muli," wala sa sariling utos ko sa kanya.
"How can I be fucking calm down right now, huh? Hindi lang buhay ko ang nakasalalay dito, Belle. Pati buhay mo!" mariing sambit niya at ikinasa na ang hawak na baril. Napatanga ako sa sinabi niya.
Paano niya nasasabi ang mga salitang iyon? Kanina'y mariin niyang sinabi sa akin na wala itong pakialam sa kung ano man ang mangyari kay Alison, and now he's concern about my safety? Sa akin na doktor lang niya? Iyong totoo? Pinagloloko lang yata ako ng taong ito!
"Stop playing with your words, Mr. Zamora," walang buhay na wika ko rito. Kita ko ang pagkagulat nito dahil sa sinabi ko. Bahagya itong natigilan at kunot-noong tinitigan ako sa tabi niya. "Stop messing with me," ulit ko pa.
"I'm not messing with you, Belle."
"Adam Zamora!" mariing bigkas ko sa pangalan niya. Here we go again!
"I'm not messing with you! That's what I really feel right now. I'm more concern about your safety!" ganting sigaw nito na siyang nagpaawang na lamang muli sa mga labi ko.
Isang malakas na kalabog ang nagpatigil sa aming dalawa ni Adam sa pagtatalo. Sabay kaming napabaling sa saradong pinto ng silid at halos mapatili na lamang ako noong may buong puwersang nagbukas nito. "Fuck!" malutong na mura ni Adam sa tabi ko sabay higit sa akin palapit sa kanya.
Fuck it. Really. Pakiramdam ko talaga ay mahihimatay na ako sa mga nangyayari sa amin ngayon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top