CHAPTER 12

Five months.

This must be the worst five months of my life. Sa loob ng limang buwan na pagtratrabaho ko bilang doktor ni Adam Zamora, ngayon lang talaga ko napagod nang husto ko. He's recovering, yes, pero dahil nakakakilos na ito, kung anu-ano na lamang ang ginagawa niya. Panay ang meeting din niya kasama ang mga tauhan niya at kapag naiisip ko kung anong kapahamakan na naman ang sunod na mangyayari sa amin dito sa mansyon nila, parang gusto ko na lamang magkulong sa kuwarto ko at hindi na lumabas pa! How I wish na matapos na ito! Sana'y gumaling na nang tuluyan ang lalaking iyon. Para naman hindi na ako matakot sa mga maaaring mangyari sa akin habang nasa puder ako ng mga Zamora! Damn it!

"What are you doing?" Napaangat ako nang tingin noong may nagsalita. Mabilis akong bumaling dito at bahagyang natigilan noong mamataan kung sino ito. It was Orly, one of Adam Zamora's loyal men. Kunot-noo itong nakatingin sa akin, mula sa mukha ko patungo sa basong hawak-hawak ko na nakapatong ngayon sa may mesa.

Nasa kusina ng mansyon ng mga Zamora ako ngayon. Hindi ko alam kung anong masamang espirito ang sumapi sa akin at lumabas ako kanina sa silid ko. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin ni Adam kanina, hindi na natahimik ang isip ko. I tried to take a nap, but sadly, I failed. Mas lalo lang ako nairita noong paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang mga katagang binitawan nito kanina sa akin. Kaya naman ay asar akong nagtungo rito at hinanap ang tanging makakatulong sa akin ngayon. Buti na lamang ay nakahanap ako!

"Hi, Orly!" Nakangiting bati ko sa bagong dating. Inangat ko ang hawak na baso at inalok ito. "Nakita ko lang ito sa isa sa mga kabinet dito. Want some?"

Hindi ito kumibo at nanatili lang nakatayo sa puwesto niya. Nakatingin lang din ito sa akin. Mayamaya lang ay humugot ito ng isang malalim na hininga at sinamaan ako nang tingin. "Dapat ay hindi ka umiinom, Belle Del Monte," anito at nilapitan na ako. Kinuha niya ang baso na hawak-hawak ko na siyang mabilis na ikinasimangot ko na lamang.

"Pati ba naman ito ay pinagbabawal sa mansyong ito?" iritang tanong ko sa kanya. Seriously? I need to drink right now! Mas lalo akong 'di makakatulog kung walang alak sa sistema ko ngayon! Damn!

"It's not like that. Doktor ka. Hindi magandang humarap ka kay young master na lasing, Miss Del Monte," matamang sambit niya at kinuha na rin ang bote ng alak sa ibabaw ng mesa. Inilayo niya ito sa akin kaya naman ay napatayo na ako at ginantihan ang galit na titig nito.

"Hindi naman ako maglalasing, Orly. I just need something para makatulog ako!"

"Kahit na," malamig na turan nito sa akin. "Bumalik ka na sa kuwarto mo at matulog," he said with an authority in his damn voice!

Napailing na lamang ako at inirapan ito. "Whatever," asar na wika ko at padabog na umalis sa kusina. Hindi ko na ito tiningnan pa. Dere-deretso akong naglakad hanggang makarating ako sa hagdan ngunit agad din namang natigilan at wala sa sariling napatingin ako sa pangalawang palapag ng mansyon.

I like you.

Oh, great! Hanggang ngayon talaga ay hindi mawala sa isipan ko ang walang mga kuwentang mga salitang iyon! Nakakainis talaga! Saan ba kasi nakuha ni Adam ang ideyang sabihin sa akin ang mga iyon?

Wala sa sarili kong inihakbang ang mga paa paakyat sa may hagdan ng mansyon. Walang ingay akong pumanhik at tinungo ang kuwarto ni Adam Zamora. Kagaya ng araw-araw kong nadadatnan, dalawang taga-bantay ang naroon. Tumango ang isa sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. Hindi na ako umimik pa hanggang sa makapasok na ako sa loob. Gabi na kaya expected kong tulog na ang mahal na young master ng mga Zamora. Lumapit ako sa kama niya at tahimik na pinagmasdan ito.

"I don't want to be here, but I guess I am really stupid," mahinang sambit ko habang hindi inaalis ang paningin sa lalaki. "To be honest, I don't think I can really survive being here. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na magtatagal ako sa lugar na ito. But look at me... it's been five months. Still alive... still helping you." I sighed. "I chose to stay... I chose to finish what I've started." Napakagat ako ng dila para mapigilan ang sarili sa pagsasalita. This is crazy! Ano bang ginagawa ko sa silid na ito? Dahil ba ito sa alak na nainom ko kanina? Damn! Hindi na ako uulit kung ganoon! "I'm not afraid of dying," muli akong nagsalita. "May mga naging kasalanan na rin naman akong nagawa noon kahit papaano. Dying... doesn't scare me at all. But I'm afraid of not seeing my father and little brother anymore. They are my life... the reason why I'm still here. Hindi ko kakayaning may mangyari sa kanilang masama dahil lang sa mga naging desisyon ko sa mga nagdaang buwan." A tear escaped from my eye. Agad kong itong pinunasan at umatras ng isang beses palayo sa kamang kinahihigaan ni Adam Zamora. "As long as you're alive, recovering... they will survive from this cruel world."

Fuck! I mentally cursed when my tears won't stop from falling. Agad akong tumalikod at tumakbo palabas ng silid. Mabilis akong bumalik sa kuwarto ko at doon iniyak ng lahat ng hinanakit ko. At dahil na rin siguro sa pagod, sa ilang araw na halos walang tulog, tuluyan nang bumigay ang katawan ko. I slept, soundly... and almost forgot about the hellish place I'm living in right now.

Iilang mga kalabog ang nagpagising sa akin. Kunot-noo akong bumangon mula sa pagkakahiga noong makarinig ako ng isang malakas na kalabog sa labas ng silid na sinundan nang sigaw. Nanlaki ang mga mata ko at agad na tumayo. Tinungo ko ang pinto ng silid ko at ini-lock iyon. Maingat at walang ingay kong inilapat ang tenga sa may pinto.

"Gisingin niyo na si Belle Del Monte! Kailangan na nating maghanda!" It was Orly! Ano na naman ang nangyayari sa mansyong ito? Damn it! Agad kong binuksan ang pinto ng silid at bumungad na naman sa akin ang nagkakagulong mga tauhan ng mga Zamora.

Medyo madilim pa sa labas ng mansyon kaya natitiyak kong madaling araw pa lamang. Mabilis akong humakbang palabas ng silid at tinawag ang atensiyon ng isa sa tauhan ni Adam Zamora. "What's happening again?" tanong ko noong magtama ang paningin namin ni Orly. Hindi ito nagsalita bagkus ay lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa braso ko.

Nagulat ako sa naging kilos nito. Aangal na sana ko ngunit natigilan ako noong hilain niya ako patungo sa pangalawang palapag ng mansyon. Sa harap ng silid ni Adam kami natigil. "You'll take care of him, Bell Del Monte," seryosong utos nito sa akin. "No matter what will happen, don't you dare leave him."

"Ano ba kasing nangyayari?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nito!

"Just do what I said," anito at pinapasok na ako sa silid. Hindi na ako nakaimik pa at napatingin na lamang sa nakahigang si Adam na mukhang tulog pa hanggang ngayon. Nilapitan ko ito at napakunot ang noo noong makitang namumutla ang mukha nito. The hell? I'm sure na maayos ang itsura nito noong iniwan ko siya kanina!

Agad kong inilapit ang kamay sa noo nito. Napaawang ang labi ko noong maramdaman ang panlalamig nito.

"Adam," tawag ko sa pangalan niya at tiningnan ang monitor ng ventilator. Normal naman. What the hell is wrong with him? "Hey, Adam. Wake up."

Muli kong hinawakan ang noo niya ngunit nandoon pa rin ang panlalamig nito. Wala sa sariling hinawakan ko ang kamay nito. He's cold and I don't know what to do! Hindi ako makapag-isip nang maayos ngayon! Idagdag mo pa ang kaguluhang nangyayari sa labas ng silid na ito! Damn it! Napailing ako at muling itinuon kay Adama ng buong atensiyon. "Please, wake up. You're scaring the hell out of me," bulong ko at ginalaw ang balikat nito. "Adam, please."

Natigilan ako noong gumalaw ang kamay nito na hawak ko. Mayamaya lang ay napaawang ang labi ko noong humigpit ang hawak niya sa akin. "Adam," bulong ko sa pangalan niya noong makitang dahan-dahang nagmulat ang mga mata nito. "Jesus! You're scaring me!" I exclaimed. Akmang babawiin ko na sana ang kamay ko mula sa kanya noong mas lalong hinigpitan nito ang paghawak sa akin.

"Don't," mahinang sambit nito sa akin.

"Pero-"

"Let me hold you," aniya at muling ipinikit ang mga mata. "I'm fine. You don't have to worry," pahabol na sambit nito at inayos ang pagkakahawak sa kamay ko. Napatunganga ako sa harapan niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Feeling ko lalabas na ito sa dibdib ko ngayon! Napakurap ako at napatanga na lamang sa kinatatayuan. My heart... damn! Sana ay hindi niya marinig ang kabog ng puso ko. Nakakahiya!

"Why are you here, by the way?" maingat na tanong niya sa akin. Nakapikit pa rin ang mga mata nito. Natigilan ako at muling napakurap. Doon ko lang naalala kung bakit sa ganitong oras ay gising na ako at nandito na sa silid niya!

"Something's happening. Pinapunta ako rito ni Orly." Agad na nagmulat ang mga mata nito at kunot-noo nitong pinagmasdan ako. "May narinig akong mga ingay kanina kaya lumabas ako sa silid ko. Noong magkita kami ni Orly, he ordered me to be with you," imporma ko sa kanya. "May kaaway ka bang parating? Ngayon pa lang sabihin mo na para handa ako, Adam! Hindi iyong magugulat na lamang ako at nagkalat na ang dugo sa mansyong ito!"

Mas lalong kumunot ang noo ni Adam sa akin. "I don't know what you're talking about," he said calmly. This time, ako naman ang nangunot ang noo sa kanya. "Kung may problema man, I'm pretty sure na ako muna ang makakaalam before my men."

"You were sleeping. Paano mo malalaman, aber?" Napailing ako sa kanya.

"I don't know," he said. "I don't feel any trouble right now," dagdag pa niya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Wala sa sariling napatingin ako sa mga kamay namin. He slowly intertwined our fingers na siyang nagpaawang ng mga labi ko.

Akmang magsasalita na ako para sawayin siya sa ginagawa niya noong biglang bumukas ang pinto ng silid. Agad akong napaayos nang pagkakatayo at pilit binawi ang kamay mula kay Adam.

"Young Master, you"re awake!" bungad ni Orly sa amin. Napangiwi ako at masamang tiningnan si Adam. Lumapit pa ako sa higaan niya para maitago ang magkahawak kamay naming dalawa. Damn, this man! Anong nasa isip nito at bakit ayaw niyang bitawan ang kamay ko?

"What's happening, Orly?" malamig na tanong ni Adam sa lalaki. Umayos ito nang tindig at seryosong hinarap ang amo.

"Alison managed to escape. Any time from now, we're expecting someone from their clan."

Nanlaki ang mata ko at napabaling kay Adam. Madilim at tahimik lang itong nakatingin kay Orly. Mayamaya pa ay binitawan nito ang kamay ko kaya naman ay napaatras ako at lumayo na sa kanya. Tahimik kong pinagmasdan si Adam Zamora. Galit ito. Sa uri pa lamang ng titig niya kay Orly ay alam kong galit ito dahil sa narinig mula sa tauhan niya.

"Are you sure about that?" he coldly asked Orly.

Tumango naman sa kanya ang lalaki at sinagot ang tanong nito. "Yes, Young Master."

"Damn that woman!" Nagulat ako noong biglang nagmura at nagtaas ito ng boses. Napalunok ako at hindi nakakibo sa puwesto ko.

Ang buong akala ko'y maayos na ang relasyon nilang dalawa. Simula noong hinayaan nilang lumabas si Alison sa silid nito, hindi na naging mahigpit ang pagbabantay nila sa kanya. She even helped me dealing with my duty as Adam's doctor! She was fine. Kahit na halos hindi ito kibuin ni Adam, naging maayos naman si Alison dito sa mansyon ng mga Zamora. Kaya naman... bakit kailangan niyang umalis at tumakas mula sa mga tauhan ni Adam?

"She knew that it will be her end if she returned to her clan!" muling sambit ni Adam na siyang lalong ikinatigil ko.

What? Nasa panganib ba ang buhay ngayon ni Alison? At talagang sa sariling pamilya pa niya? Oh God. I hope she's okay!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top