CHAPTER 10
All I ever wanted was to save someone's life.
Nabigo ako noon... noong namatay si mama dahil sa kapabayaan ko kaya naman nangako ako na kahit anong mangyari, magliligtas at magliligtas ako ng buhay ng ibang tao. Hangga't kaya ko, gagawin ko ang ipinangako ko sa sarili ko. Ngunit sa sitwasyong mayroon ako ngayon, gusto ko na lamang sumuko. Hindi ko na alam kong kaya ko pa bang panindigan ang pangakong binitawan ko noon. Pangakong isinambit sa harapan ng nag-aagaw buhay kong ina.
Nanatili ako sa kuwarto ko pagkatapos kung i-print ang files na nasa flash drive na ibinigay sa akin ni Adam. Gusto ko mang itabi at hindi na basahin ang mga iyon, hindi ko pa rin napigilan ang sarili. Hindi ko hahayaang maging bulag sa mga nangyayari sa mansyong ito. Kailangan kong magkaroon man lang ng kahit konting ideya at impormasyon sa gulong pinasok ko!
At ngayon... pinagsisisihan ko na ang lahat. Mali yata ang naging desisyon kong pumayag at bumalik dito sa Sta. Barbara. Mali yatang tinanggap ko ang offer ni Don Zamora sa akin na maging doktor ng apo niya. At lalong maling-mali ang pagbitaw ko ng pangako kay Adam Zamora!
I sighed. Tamad kong binalingan ang mga papel na nasa ibabaw ng kama ko at bahagyang ginulo ang buhok. Dapat ay hindi na talaga ako nangingialam sa bagay na ito, but damn me, I'm already screwed anyway! I need to know things before deciding my next move here! Napailing na lamang ako sabay dampot sa mga papel sa kama at muling binasa ang mga iyon.
Sa papel na hawak-hawak ngayon ay mga impormasyon ito tungkol sa Santiago Clan. Isang kilalang clan... isang pamilya, sa kalapit bayan ng Sta. Barbara. Nakasaad dito lahat ng mga ilegal na transaksiyon nito sa mga nagdaang taon. May mga larawan din dito ng ilang miyembro ng pamilyang ito. Muli na naman akong natigilan noong makita ang larawan ni Alison sa hawak-hawak na papel. I sighed again.
She's a Santiago.
Nag-iisang babae sa clan ng mga Santiago. An enemy... Adam Zamora's enemy!
Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko. Kaya ba nandito ito sa mansyon ng mga Zamora? Is she a spy or what? Kaya ba natunton si Adam no'ng lalaking nagpunta dito kanina? Siya ba ang nagsabi sa lalaking iyon tungkol sa lugar na ito?
Maingat kong inayos ang mga papel sa ibabaw ng mesa ko. Ilang minuto muna akong naging tulala sa kawalan at noong napagdesisyunan ko nang kumilos muli, tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama ko. Mabilis akong lumabas sa silid ko at tinungo ang silid ni Alison. Nakahinga naman ako nang maluwag noong makitang walang bantay ito ngayon. Marahil ay nasa labas ang mga ito para doon na magbantay! Mukhang mas naging alerto ang mga ito dahil sa biglaang pagdating no'ng lalaki kanina sa mansyon na ito!
Dere-deretso na akong nagtungo sa pinto ng silid ni Alison at agad na pinihit ang doorknob.
Damn it! It's locked! Napamura na lamang ako sa isipan at napahugot ng isang malalim na hininga. Ano pa nga ba ang dapat na asahan ko? Kinulong nila ito kaya naman ay talaga naka-locked ang pinto ng silid nito.
Humugot muli ako ng isang malalim na hininga at maingat na kumatok sa pinto ng silid. "Alison," mahinang tawag ko sa pangalan niya at marahang kinatok muli ang pinto sa harapan. "Naririnig mo ba ako? Come on, Alison. Open the-"
Mabilis akong napatingin sa likuran ko noong makarinig ng mga palapit na mga yapak. Napamura na lamang ako at agad na kumilos muli. Mabilis akong tumakbo pabalik sa kuwarto ko at isinara na ang pinto. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at napasandal na lamang sa may pinto. Bigla akong nanghina kaya naman ay napaupo ako habang nakasandal pa rin dito.
Napahawak ako sa ulo ko habang unti-unting kinakain ng takot ang kalooban ko. Napapahid ako sa luhang nag-uunahang lumabas sa aking mga mata. Sa ilang araw ko sa mansyong ito, ngayon lang ako bumigay at umiyak. Hindi ko na kaya pang maging matapang. Hindi ko na kaya pang tiisin ang sakit, ang takot, ang pangamba sa mga susunod na mangyayari sa akin.
My heart is aching. For my family and for my own safety. I... don't know what to do anymore. Pakiramdam ko'y lahat ng desisyong gagawin ko ay maghahatid lamang sa akin sa kapahamakan. Kahit na saang anggulo ko tingnan, hindi ko kayang iligtas ang sarili ko sa sitwasyong kinakaharap ko ngayon. Damn it!
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako dahil sa pag-iyak. Nagising na lamang ako dahil sa katok sa pintong kinasasandalan ko. Dahan-dahan akong tumayo at hindi na nag-abala pang ayusin ang sarili, binuksan ko na ang pinto ng silid.
Tumambad sa akin ang mukha ni Orly. Pinagtaasan niya ako ng kilay at matamang tiningnan ang kabuuan ko. "Anong nangyari sa'yo?" he asked.
Hindi ko pinansin ang tanong nito sa akin. "Anong kailangan mo? May masakit ba sa amo mo" malamig kong tanong sa kanya. Tiningnan muli ni Orly ang kabuuan ko bago magsalita at naglahad ng kamay sa harapan ko.
"Iyong mga papel," mariin sambit niya. Walang emosyon akong tumango sa kanya at mabilis na tinalikuran ito. Kinuha ang mga papel sa ibabaw ng kama ko at binalikan si Orly sa may pintuan ng silid. Inabot ko ito sa kanya at hindi na nagsalita pa. "Kompleto ba ito?" muling tanong nito na siyang palihim na ikinairap ko.
"Lahat ng nasa flash drive ay na-i-print ko na," walang emosyong tugon ko sa tanong niya. Tinanggap naman niya iyon habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Binasa mo?" maingat na tanong nito na siyang ikinatigil ko.
Ano ba ang dapat na isagot ko sa tanong niya? Mukhang alam naman nito na may alam na ako tungkol sa young master nila. For sure, babalaan din sila ni Adam Zamora tungkol sa nalalaman ko tungkol sa pagkatao niya.
Napabuntonghininga na lamang ako at tumango sa kaharap. "Magpapahinga na ako. Tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan si Mr. Zamora sa akin," sambit ko rito at isinara na ang pinto ng silid. Muli akong napasandal sa may pinto at mariing ipinikit ang mga mata. Damn, Belle. You're really digging your own grave here!
Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi rin naman ako nakatulog nang maayos kaya naman ay mas minabuti kong magtrabaho na lamang. Agad kong tinungo ang silid ni Adam Zamora para i-check ang kondisyon nito.
Sa may pinto pa lamang ay napaawang na ang mga labi ko. Natigilan ako noong maabutan ko itong nakatayo sa gilid ng kama niya habang nakahawak sa walker bilang suporta nito sa katawan niya. "Nababaliw ka na ba?" mariing tanong ko sabay lapit sa kanya. "Huwag mong biglain ang katawan mo, Mr. Zamora!"
"I'll be fine, doc," anito habang ang isang kamay ay nakahawak sa tagiliran niya.
"Mas mahirap ang nabibinat, Mr. Zamora. Maupo ka nga!" sigaw ko at tinulungan itong maupo muli sa kama niya. Inilayo ko ang walker na siyang nagpangisi sa kanya. Sinamaan ko ito nang tingin kaya naman ay natawa na ito.
Natigilan ako habang nakatingin sa mukha niya. Mayamaya lang ay napairap na lamang ako at mabilis na tinalikuran ito. Lumapit ako sa may bedside table niya at dinampot ang monitoring chart nito. "Namamaga ang mga mata mo," puna niya na siyang nagpatigil sa akin. Ibinalik ko sa mesa ang chart nito at muling lumapit sa kanya. Maingat na kumilos si Adam at naupo nang maayos. Napailing na lamang ako at nag-iwas nang tingin ko sa kanya. Hindi ko ito kinibo hanggang sa maging komportable na ito sa kama niya.
"Sa susunod, huwag na huwag kang tatayo sa kamang ito na siyang ikakabinat mo, Mr. Zamora," wika ko habang hindi pa rin ito tinitingnan. Inayos ko ang kumot niya at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi ko.
"Belle-"
"Mas mahihirapan tayong pagalingin ang mga sugat at pasa mo sa katawan kung sasama na naman ang lagay mo, Mr. Zamora."
"Look at me, Belle."
"You need to recover fast, Mr. Za-"
"Belle Del Monte," mariing sambit nito sa pangalan ko kaya naman ay napatigil ako sa pagsasalita. Lumunok muna ako bago tumingin muli sa kanya. "I'm sorry," anito na siyang ikinalaki ng mga mata ko. Napaayos ako nang pagkakatayo at tahimik na napaatras palayo sa kanya. "You must be really scared," pahabol pa nito na siyang ikinailing ko.
"Ayos lang," simpleng sagot ko at humugot ng isang malalim na hininga. "Ako ang pumayag na tulungan ka. No need to say sorry, Mr. Zamora."
"Just call me Adam," seryosong wika nito na siyang ikinatigil kong muli. Napalunok ako at mabilis na umiwas na naman ako nang tingin sa kanya. Sa hindi malamang dahilan, kumabog ang dibdib ko na siyang ikinataka ko. What the hell? Napahugot akong muli ng isang malalim na hininga at tumingin na lamang sa pinto ng silid. No, Belle. This is nothing. Nothing... damn! "Belle, look at me," marahang utos niya sa akin na siyang ikinapikit ko na lamang.
Stop. Please, stop. Hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa kabog ng dibdib ko! Damn!
"Belle-"
"Stop it, Adam!" sigaw ko at hinarap itong muli. "Will you stop? Hindi na ako natutuwa!" inis na sambit ko. Inis... yes, I'm just pissed right now!
"I'm just calling you. What's wrong with that?"
"Call me anything you want. Huwag na ang pangalan ko," turan ko sabay iwas muli nang paningin sa kanya.
"That's your name," simpleng sambit nito na nagpapikit sa akin. Humugot ako nang malalim na hininga at kinalma ang nagwawalang dibdib ko. Calm down, Belle. Calm down.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at muling tiningnan si Adam Zamora. Segundo lang ay nagtagpo ang mga mata namin at noong magsalita itong muli, napangiwi ako. "So, you already know who Alison Santiago is," aniya na siyang nagpatigil sa akin. Hindi ako umimik at walang emosyong tumitig lang dito. "Belle-"
"She's your enemy, right?" tanong ko na siyang marahang ikinailing nito sa akin. Napakunot ang noo ko.
"I don't know," he answered then smiled weakly. "Maybe yes... maybe she's just not a foe."
"Bakit siya nandito kung ganoon? Kung kalaban ito, bakit tinutulungan kang maka-recover agad?" wala sa sariling tanong ko sa kanya.
"Because she felt sorry for what happened to me," walang emosyong tugon nito sa akin.
"Kaya ba siya nakakulong ngayon sa kuwarto niya?" Napaarko ang isang kilay ko sa kanya.
"Yes," agarang sambit niya na siyang ikinabuntonghininga ko.
Napailing ako at muling tiningnan ito. "Ganoon din ba ang gagawin niyo sa akin?" takot na tanong ko sa kanya. Hindi ito kumibo at tiningnan lamang ako nang seryoso. Lalo akong kinabahan habang hinihintay ang magiging sagot nito sa akin.
"Wala ka namang gagawing masama, 'di ba?" he coldly asked me. Napaawang ang labi ko sa naging tanong nito sa akin. Hindi ako nakakibo. "I don't give my trust to anyone easily, Belle Del Monte," pagpapatuloy nito sa pagsasalita habang nakatingin pa rin sa akin. "But you saved me... you already helped me. Maybe that's enough for me."
"Adam-"
I saw him smiled when he heard me say his name. Napakurap ako. "That's good to hear," he said, almost a whisper and smiled again. Napangiwi na lamang ako at hindi na nakakibo pa sa puwesto ko.
Sabay naman kaming napatingin ni Adam noong biglang may kumatok sa silid. Pagkabukas noon ay nakita namin si Orly at agad na yumuko noong tuluyan itong nakapasok sa silid. "She's not moving," imporma niya sa amin na siyang nagpakunot ng noo. At noong nakuha ko na ang nais nitong iparating, agad akong tumakbo palabas ng silid ni Adam Zamora at tinungo ang kuwarto ni Alison. Kaming dalawa lang ang babae sa mansyong ito at natitiyak kong si Alison ang tinutukoy ni Orly kanina!
Hindi ko na pinansin ang mga bantay sa kuwarto ni Alison at dali-daling pumasok sa silid. Segundo lang ay nanlaki ang mga mata ko noong makitang nakahiga si Alison sa kama niya. Agad ko itong nilapitan at hinawakan ang gilid ng leeg nito. Dinama ko ang pulso niya at napakagat na lamang ng labi noong maramdamang normal naman ito. Inalis ko ang kamay sa leeg ni Alison at marahang inilapat ito sa noo niya. May lagnat lamang ito at marahil ay nakatulog dahil masama ang pakiramdam niya.
Umayos ako nang pagkakatayo at lumabas muli sa kuwarto ni Alison. Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng malinis na palanggana. Naghanda ako ng maligamgam na tubig at inilagay sa nakahandang palanggana na siyang gagamitin ko sa pagpunas sa katawan ni Alison. Tahimik akong bumalik ako sa kuwarto ni Alison at marahang inilapag sa tabing mesa ang dala-dala. Nagtungo ako sa closet niya at kumuha ng bimbo pero agad din namang natigilan noong makakita ako isang envelope roon.
Napabaling ako sa walang malay na si Alison at pabalik sa envelope na nasa closet niya. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga at dinampot ito kasama noong bimpong sadya ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top