Chapter 30
TRIGGER WARNING!
This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.
Read at your own risk.
Chapter 30
Did you finally found the path that you wanted to take?
"Serene, nakikita mo kami?" tanong ng doctor sa kaniya nang magdilat siya ng mata, ilang minuto matapos siyang i-revive ng mga ito. "Okay, good."
May ilaw na itinutok sa kaniyang magkabilang mata, at pagkatapos ay ipinaangat sa kaniya ang kanang kamay, tapos kaliwa. Maraming obserbasiyon ang ginawa sa kaniya noong oras na imulat niya ang mga mata niya at ang pinakamagandang nakita niya ay parehong naroon si Helene at Lerma.
Nang matapos na ang obserbasiyon ay umalis na ang mga nurse at doctor. Mabilis na lumapit si Lerma sa kaniya, kasunod ni Helene.
"Serene, anak..." umiiyak na tawag sa kaniya nito. "Mabuti naman at gising ka na..." Hindi siya makasagot dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. "Anong nararamdaman mo, anak? Maayos ka lang ba?"
Ibinuka niya ang kaniyang bibig upang magsalita, ngunit tila ba walang salita ang lumalabas sa kaniyang bibig. Nakita niya ang pagtataka kay Helene, bago ito mas lalong lumapit sa kaniya.
"Bakit, Serene? May masakit ba?"
Ibinuka niyang muli ang kaniyang bibig upang sumagot, ngunit walang salita na naman ang lumabas mula rito.
"Tawagin kaya natin si Doc? Bakit hindi siya makapagsalita?"
Nangingilid ang mga luha ni Serene habang pinapanood ang kapatid niyang lumabas ng kaniyang kuwarto. Ilang saglit lang ay bumalik na ito, kasunod ng doctor at isang nurse.
Marami itong itinanong sa kaniya at ilang beses siya nitong sinubukang pagsalitain. Ngunit kahit na anong buka niya ng bibig niya ay hindi siya makagawa ng boses na lalabas mula sa kaniyang bibig.
Lumabas na ang doctor at pinasunod sa kaniya si Lerma. Naiwan si Serene kasama ang kaniyang kapatid sa loob ng kaniyang kuwarto. Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya.
"Huwag ka na munang mag-isip! Ang importante, bumalik ka na sa amin, Serene."
Hindi man maipakita ni Serene na sobrang nasasaktan siya sa nangyayari sa kaniya ngayon ay hindi niya rin kayang itago nanatatakot siya ngayon na hindi siya makalikha ng boses mula sa sarili niyang katawan.
Tama bang bumalik pa ako?
***
Kinagabihan ay umuwi si Helene sa kanilang bahay para kumuha ng gamit, habang si Lerma naman ay naiwan kasama si Serene. Mahigit 10:00 p.m. na kaya naman si Serene ay natutulog nang muli kahit na ilang oras pa lamang ang nakakaraan simula nang magising siya mula sa kaniyang isang buwang pagiging comatose.
"Anak, alam mo, sabi ng doctor sa akin, hindi naman daw permanente 'yung problema sa 'yo ngayon. Makakapagsalita ka rin daw kapag sinubukan mo araw-araw..."
Naalimpungatan si Serene nang marinig ang boses ng kaniyang ina, ngunit hindi niya iminulat ang kaniyang mga mata. Natatakot siya na kapag iminulat niya ang mga mata niya, makita niyang umiiyak na naman si Lerma.
"Anak, alam mo... sa totoo lang, natatakot na ako kapag nakapikit ka. Natatakot na ako kapag natutulog ka. Baka kasi...maulit na naman 'yung nangyari noon... baka matagalan na naman ang paggising mo..."
Ilang sandali pa, tulad ng inaasahan niya, tuluyan na ngang umiyak si Lerma habang hawak ang kaniyang kamay. Ramdam na ramdam ni Serene ang mga patak ng luha nito sa kaniya.
"Anak ko. 'wag mo na ulit gagawin 'yon, ha? Please, nagmamakaawa ako sa 'yo, huwag mo na ulit gagawin 'yun. Gagawin ko lahat, anak. Gagawin ko lahat huwag ka lang ulit magkaroon ng dahilan para gawin ulit 'yun... please anak... please..."
Napalunok si Serene nang marinig ang pagmamakaawa sa kaniya ni Lerma. Pinigilan niya ang sarili niyang umiyak dahil ayaw niyang gumising muna. Gusto niyang manatiling tulog sa paningin ng ina nang sa ganoon ay masabi nito ang lahat ng nararamdaman niya.
"Anak, hindi ko kayang mawalan ng anak. Please, huwag ka na ulit aalis nang ganoon. Hindi ko kayang mawala ka, anak... kaya please, 'wag mo nang uulitin 'yun. Please, anak, please..."
Humagulgol pa nang ilang segundo si Lerma bago itinuloy ang mga sinasabi.
"Mahal na mahal kita, anak. Kahit anong mangyari, hindi magbabago ang pagmamahal ko para sa 'yo, ha?"
Ilang minuto pang nanatili ang kaniyang ina bago lumabas ito ng kaniyang kuwarto. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta, pero ngayong mag-isa na lamang siya sa kaniyang kuwarto ay iminulat na niya ang kaniyang mata.
Oras na bumukas ang kaniyang mga mata ay sunud-sunod na tumulo ang mga luha na para bang hindi nauubos ang tubig sa kaniyang katawan. Sinubukan niyang magsalita ulit, para masabi ang mga salitang una pa lang ay sinabi na dapat niya oras na magmulat siya ng mga mata.
"S-s... ssss..."
Puro huni lamang ang lumalabas sa kaniya at hindi siya makabuo ng mga salita. Tanging isang letra lang at hindi isang salita.
"M-Mmm... mmm..."
Napaiyak siya nang malakas nang muli ay mabigo siya sa pagsambit ng mga salitang gustung-gusto niyang banggitin. Hanggang sa makaramdam siya ng sobrang sakit ng ulo, dahilan para mapasigaw siya.
Ma... I'm sorry...
Iyon lang naman ang gusto niyang sabihin, pero bakit hindi niya magawa?
"Aaahhh!!!"
Mabilis na pumasok ang isang nurse at tumawag ng doctor nang makita siyang nakahawak nang mahigpit sa ulo at sigaw nang sigaw.
"Anong nangyayari?"
"Sa trauma po na natamo niya habang matagal sa ilalim ng tubig, Ma'am. Magiging okay rin po siya."
Sigaw nang sigaw si Serene at iyak nang iyak habang hawak hawak ang ulo na para bang maghihiwalay ito kapag binitawan niya. Alalang-alala si Lerma sa kalagayan ng kaniyang anak, pero pinili niyang magtiwala na lang sa mga doctor dahil alam niyang alam ng mga ito ang ginagawa nila.
Nang matapos turukan ng gamot si Serene at ng pampakalma ay bumalik ito sa pagkakahiga niya nang maayos, bahagyang nakadilat ang mga mata. Kaonti na lamang ay muli na siyang makakatulog.
Mama...
Ilang saglit lang ay nakatulog na ulit siya.
***
Makalipas ang isang linggo ay na-discharge na si Serene mula sa hospital. Nakauwi na siya sa bahay niya at aminado siya na parang ang tagal na panahon na noong huling beses siyang umuwi rito. Parang bago lang ang bahay na iyon para sa kaniya.
"Serene, binalik ko 'yung mga aklat mo sa dating ayos. Alam ko naman 'yung format mo kung paano sila ayusin, kaya gano'n lang din ang ginawa ko."
Tumango siya rito bilang tugon.
Mula sa kaniyang wheel chair ay lumipat siya sa kaniyang higaan. Tinulungan siya ni Helene na makalipat kaagad rito at pagkatapos ay nilagyan siya ng kumot.
"Gutom ka na? Gusto mo nang kumain?" Umiling si Serene bilang tugon. "Mamaya, babalik ako rito, ha? Sa ngayon, magpahinga ka na muna."
Tumango si Serene at pinanood niya ang kapatid niyang lumabas ng kuwarto.
Inikot niya ang paningin niya at nakita ang kaniyang kuwarto. Malinis pa rin ito at walang pinagbago. Tanging pinagbago lang ay nakalagay ulit sa bookshelf ang kaniyang mga aklat. Napangiti siya nang makitang mukhang masigla na naman ang kaniyang kuwarto dahil sa mga aklat na muling nakalagay doon.
Tumingin siya sa side table at nakita ang cellphone doon. Kukuhanin na sana niya iyon ngunit napansin niya ang isang pamilyar na maliit na envelop na may sticker ng sunflower. Kinuha niya iyon at binuksan. Nakita niya roon ang mga litrato niya suot ang dress na binili niya s Vigan. Kita rin doon ang ganda ng mga ngiti niya at ang magandang pagkakakuha dahil sa maayos na anggulo nito. Bigla niyang naalala ang bartender na hindi niya nakilala ngunit nakasama niya nang isang buong araw sa Bataan.
Kumusta na kaya siya?
Ibinalik ni Serene ang mga litrato sa loob at inilagay sa loob ng drawer ng kaniyang table ang envelop na iyon. Kapag mas maayos na ang pakiramdam niya ay ilalagaya niya 'yon sa malaking frame at ico-collage, gagawaan ng disenyo tsaka idi-display sa kaniyang kuwarto.
Sana okay lang siya.
Hindi na muli pang inisip ni Serene ang tungkol sa bartender at kinuha na lang muli ang cellphone. Binuksan niya ang kaniyang Facebook at Messenger at nagulat nang makita ang maraming mensahe na ipinadala sa kaniya ng mga college friends, classmates; maging ang mga propesor niya noon ay nagpadala sa kaniya ng mensahe.
Ang karamihan na pagkakahalintulad sa mga mensaheng nababasa niya ay nagsasabi na sana magising na siya, at sana maging maayos na ang pakiramdam nila. Maraming ibang tao pa ang nagso-sorry sa kaniya dahil sa mga kasalanan ng mga ito sa kaniya.
Nangilid ang mga luha ni Serene kasabay ng kaniyang pagngiti habang binabasa ang mga mensahe ng mga ito sa kaniya. Ngayon na lang niya ulit naramdaman ang ganoong pakiramdam, na maraming nag-aalala sa kaniya at maraming humihingi ng tawad sa mga kasalanan ng mga ito sa kaniya. Ngayon niya lang naramdaman na may nagdarasal para sa kaniya. Kahit papaano ay naaantig ang puso niya sa kabila ng lahat ng sama ng loob niya sa mga taong 'yon noon.
Hindi na niya nireplyan ang mga 'yon dahil nahihiya siya; hindi siya sanay na nakakakuha siya ng ganoong atensiyon mula sa mga tao. Nag-post siya sa kaniyang timeline ng picture ng kaniyang hinlalaki, na nagsasabing okay na siya, at nakauwi na siya. Hindi na niya nilagyan ng kahit na anong caption ito. Halata naman na sa litratong nakauwi na siya.
Gusto niyang magsalita, ngunit dahil hindi niya pa magawa sa ngayon, pakiramdam niya ay nag-uumapaw sa saya ang kaniyang puso.
Hindi man siya makalikha ng salita gamit ang bibig, ramdam niya na ang bawat ngiti niya ay mas totoo na ngayon.
***
Makalipas ang mahigit isang buwan matapos niyang ma-discharge sa ospital, nagpunta sila ng mall ni Helene. Tulad ng ipinangako sa sarili, bumili siya ng frame na paglalagyan niya ng limang polaroids at isang maliit na sulat at mga pandisenyo tulad ng sunflower stickers at mga pang-scrapbook.
Matapos mabili ang mga gusto ay dumiretso siya sa kaniyang kuwarto upang simulan na ang gagawin. Idinikit niya na muna ang limang litrato nang magkakahiwalay at iba't-ibang anggulo. Sa ibaba nito ay ang maliit na papel na pinagsulatan niya ng I was happy. Don't worry.
Nilagyan niya ito ng kaonting disenyo upang mas gumandang tingnan ang itsura nito at pagkatapos ay isinabit niya ang frame sa dingding, sa tapat ng kaniyang kama. Gusto niyang ito ang una niyang makita kapag humiga siya at huling makikita kapag nakatulog na siya.
Sa nakaraang buwan ay may mga kaklase at kaibigan noong kolehiyo siya na dumadalaw sa kaniya. Nalulungkot man siya na saka lang siya naalala ng mga ito noong may nangyaring masama sa kaniya, naa-appreciate niya pa rin ang mga oras na inilalaan sa kaniya ng mga ito kahit na hindi naman nila siya makakausap.
Nagkusa na si Serene na pumunta sa Psychiatrist para kumuha ng therapy nang nakakaya na niyang lumabas ng bahay. Gamit ang sulat, nangako siya rito na makiki-cooperate siya nang maayos at mangangakong gagawin ang lahat para tuluyan nang maging maayos ang kondisyon niya, at mag-improve ang sarili niya.
Masaya siya sa naging desisyon niya, dahil kahit na gaano kahirap para sa kan'yang buksan ang damdamin niya at ipaalam sa Psychiatrist ang mga takot at laman ng isip, sa tulong nito, naramdaman niya ang paggaan ng loob niyang noon ay hirap na hirapsiyang dalhin.
***
"S-Sorry."
Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ni Serene matapos ang dalawang buwan at dalawang linggo niyang kawalan ng boses. Kumakain sila ng hapunan ngayon nang sabay-sabay sa kanilang dining area nang magawa niyang sabihin iyon.
Sa loob ng mahigit isang buwan ng pagte-therapy niya, nagawa niyang lumikha ng salita, na kahit isa lang, alam niyang malaking bagay na para masabing sinusubukan niya na ulit na mabuhay.
Bakas naman ang gulat kay Helene at Lerma nang sabihin iyon ni Serene. Iyon ang unang beses na narinig nila ang boses nito, kaya naman sabay pa silang dalawa na napatigil sa paggalaw ng kutsara at tinidor,bago tumingin nang hindi makapaniwala kay Serene.
"T-T-Thank you."
Serene smiled shyly before she continue eating.
Hindi naman napigilan ng dalawa ang pag-iyak kaya naman napayuko na lang sila habang kumakain at hinayaang tumulo ang mga luha.
Masaya si Serene. Masayang-masaya siya ngayon.
***
Since the day that Serene was discharge from the hospital, she became extra curious and interested with Psychology. She just realized that, if ever she'll get another degree, she'd gladly take BS Psychology as her second course.
Isa sa mga rason kung bakit, 'yon ay dahil gusto niyang maintindihan ang sarili niya. Tunay nga namang tumatanggap na siya ng tulong mula sa eksperto pero para sa kaniya, ngunit iba pa rin kung siya mismo ang makakakuha ng diagnosis para sa sarili niya. Siya ang nakakaramdam ng mga emosiyon na mayroon siya mula noon, at siya rin dapat ang unang makaintindi noon. Gusto niyang maintindihan ang sarili niya, at ang mga emosiyon niya. Gusto niya na siya rin ang tuluyang makapagpagaling sa kaniyang sarili.
Mahigit tatlong buwan na simula nang makauwi siya, at nararamdaman niya na nagiging maayos na siya. Hindi na nga siguro mawawala sa kaniya ang ibang mga iniisip niya at kung ano ang mga nakasanayan niya nang isipin, pero para sa kaniya, malaking bagay na at malaking pagbabago na para sa kaniya na hindi niya na nagagawa pang saktan ang sarili niya sa tuwing nalulungkot o nasasaktan siya.
Nakakapagsalita na siya ngunit isa, dalawa, o tatlong salita lamang. Nahihirapan pa rin siya dahil pakiramdam niya ay nalulunod siya sa tuwing susubukan niyang magsalita nang mas mahaba roon pero malaking improvement na rin 'yon, sabi ng kaniyang doctor.
Bago matulog ay dinalhan siya ng gatas ni Helene. Ininom niya naman iyon.
"Ang galing naman ng kapatid ko, unti-unti nang nagiging okay."
Pabiro siyang umirap dito bilang tugon na siyang nagpatawa kay Helene. Nang maubos ang gatas ay ibinalik na niya ang baso rito.
"O, matulog ka na."
Tumango si Serene bago binalot ang kumot sa kaniya.
"Good night, Serene," sabi ni Helene bago pinatay ang ilaw sa kuwarto niya. Pinatakan siya nito ng halik sa noo. "Sweet dreams."
Ngumiti si Serene. "G-G-Good night... A-Ate."
Nang tuluyan nang lumabas ng kuwarto niya si Helene, tumingin siya sa frame na nakasabit sa dingding ng kuwarto niya na nasa harap niya.
Ngumiti siya rito, iniisip na nasa puwestong iyon ang taong may kuha ng bawat litratong nasa loob ng frame na 'yon.
"Good night."
***
A year after, she totally recovered from not being able to make a voice. Ngayon, nagsisimula na siya sa ikalawang taon niya bilang isang Psychology student, habang ginagawa ang lahat para magkaroon ng organization para sa mga taong katulad niyang nakaranas ng depression, anxiety, nonsuicidal self-harming, at marami pang iba.
Naging isa siya sa mga tagapagsalita ng eskwelahan tungkol sa suicide-prevention at mental health awareness dahil isa siya sa mga survivor ng nasabing sakit. Ibinabahagi niya sa mga kapwa niya estudyante ang mga pinagdaanan niya, mga emosiyong nararamdaman niya na hindi niya naiintindihan at maging ang mga naging paraan niya para makatakas sa mga bagay na bigla niyang naiisip.
"I was once diagnosed with schizophrenia. Sa totoo lang, nakakahiyang aminin 'to para sa iba, pero dumating na ako sa point na... hindi ko na alam kung ano 'yung totoo at hindi sa mundo. Nagkaroon ako ng mga hallucinations at nabuhay ko pa nga ang imaginary friend ko na nilikha ko noong limang taong gulang ako.
"Iyon ang naging comfort zone ko. Noong mga panahong hindi ko pa nare-realize na, hallucination ko lang 'yung sinasabi kong kaibigan ko na iyon, sobrang okay ako kapag kasama ko siya. Baliw man pakinggan para sa iba, pero siya palagi ang kausap ko sa lahat ng bagay. Sa mga problema ko, nararamdaman ko, sa mga plano kong mangyari sa natitirang oras ng buhay ko...
"Siya ang naging sandalan ko sa lahat. Siya kasi 'yung taong total opposite ko pero sobrang naiintindihan ang lahat lahat sa akin. Gets niya dati kung bakit gusto kong magpakamatay... pero gets niya rin na ayaw kong mamatay. Alam niyo 'yung feeling na... takot akong mamatay pero ayaw ko nang mabuhay?"
Most of the students in front of her were really listening, but few of them were using mobile phones, sleeping, talking to their friends, etc. Serene let the student do what they want because she was once like them. She hated these boring talks.
"Those were the times that he made me realize... I was lost. I just wanted to be found. I don't want to live, but I really don't want to die yet. Pero noong nagising ako mula sa pagkaka-comatose ko, doon ko lang na-realize lahat lahat...
"Na ako 'yung comfort zone ko. Ako 'yung imaginary friend ko. Sa isip at sa puso ko nanggagaling lahat ng salitang binibitawan sa akin ng imaginary friend ko. Ako ang lahat ng iyon... at gamit ang imaginary friend ko na 'yon, nagagawa kong marinig lahat ng salita na gusto kong marinig mula sa isang tao."
Serene's tears started to fall as she reminisce all the things that happened to her. The students of the whole campus that attended the seminar for their Mental Health Awareness program silently listened to her stories and started weeping as they saw her crying now.
"I was so lost—I didn't even realize that I intentionally hurt my parents just for the sake of them, loathing me. I wanted them to hate me, kasi gusto ko na kapag nagawa ko 'yung plano ko, hindi masasaktan ang pamilya ko sa pagkawala ko. I wanted to lose their love for me. I hurt them intentionally, but, a family's love is so unconditional. Kahit na anong gawin kong kasalanan noon, I couldn't lose their love. Nanatili pa rin ang pagmamahal nila sa akin hanggang sa huli.
"And when I woke up after a long sleep, I realized that everything I did makes things worst for me. The family is there so you can talk to them about something that makes your life hard to live, but I didn't realize it. Sinarili ko, eh. Tapos dinagdagan ko pa lalo 'yung problema kasi kung anu-ano iniisip ko."
She chuckled as she remembered how foolish she became because of the illness she had, and still has.
"Mental illness is not a joke. Siguro ngayon, pinagtatawanan niyo pa 'yung ibang tao kapag nakikita niyong may naglalaslas pero malayo naman sa pulso. No, that's serious already. That situation is called nonsuicidal self-harming. Some people do it to divert their attention from the pain they feel emotionally... because admit it or not, physical pain is more tolerable than emotional pain. One way to lessen or to prevent it from happening is, to always... always talk to your family and friends. Kung sa tingin niyo na okay ang isang tao o hindi, lagi niyo pa rin silang kukumustahin. Don't be selective sa kung sino lang ang gusto at dapat nating kumustahin kasi, aminin man natin o hindi, kahit na maayos tayo, ang sarap sa pakiramdam nang kinukumusta ka at tinatanong kung anong nangyari sa araw mo, hindi ba?
"Mental illnesses are mostly transparent. Madalas hindi natin nakikita 'yan, pero madalas, ang nagdadala niyan, 'yung mga tingin niyong okay at walang problema. Kaya wala dapat tayong sinisino sa pagkumusta sa isang tao. Hindi dapat tayo mamili ng taong kinukumusta natin... kasi lahat tayo, gusto natin 'yung kinukumusta tayo... right?"
The talk continued for few more hours, bago iyon natapos. Nakakapagod ang magkaroon ng talk about mental illness at sa kahit na anong seminar, nakakapagod naman talaga ang magsalita nang ilang oras. Pero kay Serene, wala 'yong problema. Kung isa naman 'yon sa mga paraan para makatulong siya na maging aware ang mga tao, lalo na ang kabataan, sa mental illnesses, walang pag-aalinlangan niyang gagawin iyon.
Kahit isang taon na ang lumipas, hanggang ngayon ay umiinom pa rin siya ng antidepressants. Hindi pa sobrang stable ang mental health niya, pero sa ngayon, kung ikukumpara sa dati, mas okay siya ngayon kaysa noon. At mas nakakapagsalita na siya tungkol sa mga problema niya ngayon kaysa noon.
Paminsan-minsan, kapag naiisip niyang saktan ang sarili niya, lagi niyang nakikita ang tattoo niya na pinagawa sa Vigan. Her classmates couldn't understand it, but whenever she saw it, napipigilan niya ang sarili niya.
Save me...
She smiled as she stared at her tattooed wrist. She, somehow, saves herself sometimes. Because of her tattoo, napipigilan na niya ang sarili niyang masaktan.
"Diretso uwi ka na?" tanong ng kaniyang propesor matapos ng talk niya.
"Opo, Prof. Wala akong dalang gamot ngayon, kailangan kong uminom sa tamang oras."
Ngumiti ito sa kaniya. "O sige, mag-iingat ka, anak."
She couldn't help but weep because this professor she's talking with right now is one of the few person who actually made her cry on a one-on-one session, just by asking how's the weather that day.
She smiled at her genuinely.
"Kayo rin po, ingat," she said before leaving the auditorium.
_____
AUTHOR'S NOTE:
Epilogue na lang huhuhu. I feel so happy, whyyy :<
-mari
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top