Chapter 29
TRIGGER WARNING!
This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.
Read at your own risk.
Chapter 29
Have you ever witnessed someone lost their life in front of you?
Mabagal, at paunti-unti na binabalik ni Helene ang mga aklat na inialis at itinago ni Serene pabalik sa bookshelf nito. Nag-uumapaw sa sakit at pangungulila ang puso niya matapos niyang mabasa ang sulat na iniwan ng kaniyang pinakamamahal na kapatid.
Tila wala na ring luha ang kaya pang pumatak sa kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya,tapos na niyang iiyak ang lahat kaninang madaling-araw, at ngayong hindi nila alam kung saan nagpunta ang nakababatang kapatid, hindi niya alam kung ano ang unang dapat niyang maramdaman.
Dapat ba siyang masaktan muna dahil muli na namang umalis si Serene nang walang paalam? Dapat ba siyang magalit sa sarili dahil siya ang nagpumilit noon dito na kumunsulta ng Psychiatrist? O dapat siyang matakot dahil base sa sulat ay lalayo ito at babawiin ang sariling buhay?
Kinuha niya ang aklat na unang binili nilang magkasama ni Serene at nakita na hindi na ito gaanong maganda tingnan dahil sa pagkaluma nito, ngunit itinabi pa rin ito ni Serene na parang isa sa mga aklat niyang bago.
Nang buklatin niya ang mga pahina ay nakita niya ang litrato nilang dalawa ng kapatid habang hawak ang aklat na iyon. Muling nangilid ang mga luha ni Helene nang ibalik niya ito sa pagitan ng bawat pahina ng aklat, tsaka muling isinarado.
"Serene..."
Niyakap ni Helene ang aklat na iyon at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak habang nasa kaniyang bisig ang aklat na minahal nang sobra ng kaniyang kapatid.
***
Kinabukasan, January 1, natapos na ang taon at ngayon ay panibagong taon na ang kahaharapin nila.
Wala pa rin silang tawag na natatanggap mula sa mga pulis kung ano na ang balita sa paghahanap kay Serene. Noong una ay ayaw pa sila nitong tulungan dahil base sa kanilang protocol, kailangang bente-quatro oras na nawawala ang isang tao bago ma-confirm na missing person nga ito.
Ngunit nang ipinaliwanag nila ang sitwasiyon ay pinagbigyan sila nito. Ayon sa imbestigasiyon, huling namataan si Serene sa isang bar sa Ortigas.
Bandang 8:30 a.m. nang makatanggap sila ng tawag sa telepono sa kanilang sala mula sa mga pulis at nakatanggap sila ng balita tungkol kay Serene.
"Ma'am, good morning po."
"Good morning, Chief," sagot ni Helene dito.
"Ma'am, nakatanggap kami ng tawag mula sa hospital sa Bataan..." Triple ang kabog ng dibdib ni Helene nang marinig iyon. "Ma'am, hindi raw alam ang apelyido ng babae dahil hindi naman siya kilala ng nagdala, pero Serene din daw po ang pangalan ng pasyente..."
Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ni Helene habang si Lerma ay nakatitig sa kaniyang panganay na anak na para bang naghihintay ito na makakuha ng ideya sa kung ano ang pinag-uusapan nila.
"Ma'am, punta na lang po kayo sa opisina para matulungan po namin kayo sa pagpunta sa ospital na iyon, upang makumpirma niyo rin kung siya nga po ba ang hinahanap niyo..."
Nanginginig na inihawak ni Helene ang isa pang kamay niya sa telepono. "S-Sige, Chief...salamat po..."
"Sige po, Ma'am. Happy new year po."
Matapos no'n ay nagmadali si Serene na pumunta kay Lerma sa kusina.
"Ma, nasa Bataan si Serene."
Nagkaroon ng kaonting pag-asa si Lerma nang marinig iyon. Hindi pa man din sigurado kung si Serene nga iyong nandoon, pero malakas ang kutob niyang kapatid niya nga ang nasa sinasabing ospital.
Hindi na sila nag-abala pang mag-ayos at magpalit ng suot na damit. Mabilis silang umalis ng bahay, dala ang mga pera at ilang mahahalagang kagamitan, bago tuluyang dumiretso sa police station.
***
It was a nightmare for the bartender to saw Serene dying in his arms.
He was so late. He promised himself that he won't fall asleep even for a minute together with her because he wanted to stop her, but he couldn't keep his own promise to himself...when he woke up, he just saw a letter beside him.
Bartender,
Thank you for that wonderful experience. I will never forget that, even on the last seconds of my life, I will always carry the feelings that you made me feel.
I felt the care of the way you wander with every inch of me...and it's the best feeling I've ever felt. For a second thought, I wonder what it feels like to make love with someone you truly love. I wonder if it feels the same if I did it with someone I loved, not with a stranger...
But I could care less anymore, because you made me feel like you're making love to me with all the care you made me feel...I never felt that care from a guy before.
Though, it wasn't just that thing that made me not to forget you.
I will always remember the way you made me laugh at your car. I never laughed that way before, and I couldn't even remember the last day I genuinely laughed like that anymore. It feels like it's the first time. I don't know if it's the alcohol that made me laugh but still, I appreciate those last hours of my life. I appreciate that you were the one I am with by those times.
I will certainly not forget the moment you took photos of me, like I was your favourite scenery. I am never the pretty woman that everyone loves to photographed, but you made me feel like I am with the way you look at the polaroids after it was fully developed. I don't know if it's just me, but I always saw sincerity in your eyes. And I am happy that you were the one I am spending my last day with.
I will also never forget the last thing you told me after having sex with me. You complained that I never looked at you even once...I never opened my eyes... but you told me to live...
To choose to live...
I would have chosen it if you came in to my life earlier, but I don't have anything to hold onto anymore.
Still, thank you for believing.
I hope you find someone to spend your nights and days with, and to make her feel the careful caress that you made me feel.
I was happy.
I am glad that I am happy before I finally give up. And I am glad to have met you in this lifetime.
Your Tranquility
Nang oras na mabasa ng bartender ang sulat ay mabilis siyang nagsuot ng damit at tumakbo palabas ng hotel room nila. Tumakbo siya paikot sa kabuuan ng resort ngunit hindi niya ito nakita. Paulit-ulit niyang isinisigaw ang pangalan nito, nagbabakasakaling marinig siya at makita niya. Halos mawalan na siya ng pag-asa nang bigla ay may natapakan siyang matigas sa buhanginan.
Nakita niya roon ang lighter niya. Sigurado siyang kaniya iyon dahil ang lighter na iyon ay galing sa bar kung saan siya nagta-trabaho. Mabilis niyang inikot ang paningin sa paligid no'n ngunit wala siyang makitang tao na puwedeng maging si Serene.
"Serene!" malakas na sigaw niya habang lumulusong sa dagat.
Alam niya talaga ang pangalan ng babaeng kasama niya. Bukod sa hindi naman siya gano'n katanga para hindi malaman na ang ibig sabihin ng tattoo nitong tranqulity ay calmness at serenity, minsan na niyang nagamit ang telepono ng babae at tinawag siyang Serene ng sumagot dito.
Hindi pa rin talaga siya sigurado kung Serene nga ba pero malakas ang kutob niya... at para sa kan'ya, tamang-tama ang pangalan na 'yon para sa dalaga.
"Serene!!!" muling sigaw niya nang mas lumalim na ang tubig na nilulusong niya.
Sobrang dilim. Mabuti na lamang at may kaonting ilaw mula sa party lights at sa mga pailaw para sa party na gaganapin mamaya.
Nang lumampas na sa kaniyang baywang ang tubig ay nagpasya na siyang lumangoy dahil malakas ang kutob niya na nasa tubig malapit sa kaniya si Serene.
Lumangoy pa siya sa mas malayong parte at kahit sobrang dilim ay naaninag niya ang babaeng parang kanina pa nandoon at matagal nang nakapikit. Mabilis siyang lumangoy papunta roon at hinila ang katawan ni Serene sa bandang kili-kili nito para maiahon siya mula sa malalim na parte ng dagat.
Nang makarating sa pampang ay tiningnan niya kung humihinga pa ba si Serene. Itinutok niya ang tainga sa tapat ng bibig nito ngunit walang kahit na kaonting hangin ang lumalabas mula rito. Kita niya rin na nangingitim na ang mga labi ng babae.
Mabilis niya itong binigyan ng CPR para maalis ang mga tubig na nasa loob ng kaniyang katawan. Paulit-ulit na CPR at mouth-to mouth resuscitation, nagbabaka-sakaling magising ang babaeng kanina lang ay kasama niya.
"Tumawag kayo ng ambulansiya!" malakas na sigaw niya sa mga taong nakapaligid sa kanila. "Tangina!!!" sigaw niyang muli habang paulit-ulit na binibigyan ito ng CPR.
Nang nakikita niyang nangingitim lalo ang mga labi ng babae ay binigyan niyang muli ito ng mouth-to-mouth resuscitation at muli pang binigyan ng CPR.
"Serene!!!" malakas na sabi niya habang tinatapik ang pisngi niya. "Gumising ka, Serene!!!"
Halos umiyak na ang bartender nang makita niyang walang pagbabago kahit na ilang beses na niya itong binigyan ng CPR.
Nang subukan niyang muli ay lumabas ang tubig mula sa bibig nito, ngunit hindi nagising. Mabilis niya itong niyakap—napapikit nang makahinga nang maluwag.
Ilang saglit lang din ay dumating na ang rescue team at sinakay si Serene sa ambulansiya. Sumakay rin siya; hindi binibitawan ang kamay ng dalaga.
Pagdating sa hospital ay mabilis na dinaluhan ng mga nurse at doctor si Serene kahit na maraming mga pasyente na nasugatan sa paputok ang naroon sa emergency. Ipinasok si Serene sa isang kuwarto. Hindi na siya mapakali sa kung ano ang dapat niyang maramdaman. Naghintay na lamang siya ng balita tungkol kay Serene habang nag-aalalang naghihintay sa waiting area.
Halos isang oras na ang nakalipas nang lumabas ang doctor mula sa ward na pinagpasukan kay Serene. Mabilis siyang lumapit dito.
"Doc, kumusta na po siya?" mabilis na tanong niya, kinakabahan sa pwedeng marinig.
Tumingin sa kan'ya ang doctor. "Kayo po ba ang guardian?"
Napaawang ang bibig niya. "H-Huh? Hindi po, pero kaibigan ko siya. H-Hindi ko rin kasi alam kung paano ko ko-contact-in ang magulang niya. Pero puwede naman akong maging guardian niya, Doc. Kumusta na siya?"
Suminghap ang doctor habang tinitingnan ang hawak nitong clipboard na may papel. Tiningnan nito ang mga nakasulat.
"Maraming tubig ang nasa loob ng katawan niya. Base sa vital signs niya, ilang minuto na siyang unconscious sa tubig," muli itong tumingin sa kan'ya. "Ano ba ang nangyari?"
Nangilid ang mga luha niya bago ipinaliwanag sa doctor ang mga nalalaman niya, tutal, 'yon naman ang dapat niyang gawin. Alam niyang masiyadong pribado ang bagay na iyon pero kailangan niyang makipagtulungan sa mga doctor at sa kahit na sino pa na kailangan para mas maintindihan nila ang lahat.
"May asthma siya base sa obserbasiyon namin. Estimated din namin na nasa five to seven minutes na siyang unconscious sa ilalim ng tubig bago mo siya natagpuan at naiahon mula roon. Mabuti na lang din at nabigyan mo siya ng CPR sa tamang paraan. Dahil kung magtagal pa siyang ganoon, maaaaring namatay na siya around that time."
Halos manlamig siya sa narinig. Hindi niya kilala si Serene pero sapat na ang isang buong araw na magkasama sila, para malaman niya na karapat-dapat pa itong mabuhay.
Gusto pa kitang makilala.
Lumunok siya bago nagsalita. "W-What are her chances of living?"
The doctor pursed his lips. "Since you told us that she intended to do it, her consciousness will be on her own will. Nakita rin namin na marami siyang scratches and scars from harming herself, so, she probably really intended to do it on her own. She's still unconscious and... drowning for that long have a high probability of permanent neurological damage."
Hindi na siya makapagsalita pa nang marinig ang sinabi ng doctor na iyon.
"If you still have questions, the nurse can answer it for you. For now, cooperate with the nurse for the patient's basic information."
Umalis na ang doctor at iniwan siyang tulala sa kinatatayuan niya. Hindi siya makapaniwala na nangyari ang lahat ng iyon sa kaniya bago matapos ang taon. Wala siyang pinagsisihan na sinubukan niyang tulungan ang babaeng ngayon ay nakaratay na sa ospital.
Kahit na katiting na pagsisisi... wala. Mas naging desperado lang siya na iligtas si Serene dahil pakiramdam niya... ang laki ng mawawala sa buhay niya kung sakali.
Inilipat na sa isang kuwarto si Serene. Mabilis siyang pumasok sa loob nang sinabing pwede na nga niya itong bantayan at lapitan. Lumapit siya rito at hinawakan ang kamay na may nakaipit sa isang daliri. Kinuha niya ang kamay nito at hinawakan nang mahigpit, sapat para maramdaman niyang muli ang babaeng ngayon ay halos wala nang buhay sa harap niya.
Nakita niyang muli nang mas malinaw ang braso nito at nakita niya kung gaano karami at kalalim ang mga peklat doon, kasama ang tattoo nitong Morse code.
Tumulo ang mga luha ng bartender nang mabasa ang mga nakasulat sa palapulsuhan nito.
Save me...
"I'm sorry. I failed... I'm sorry I couldn't save you."
Hindi maintindihan ng bartender kung bakit siya umiiyak at nasasaktan, gayong hindi naman talaga sila personal na magkakilala ng babaeng isang araw niya lang namang nakilala at nakasama.
"I'm sorry..."
Hindi na nagawa pang matulog ng bartender dahil inaantay niyang gumising ito. Alam niya, at ramdam niya, na matagal pa bago ito gumising dahil nasa sa kaniya kung gigising pa siya o hindi.
Pero kahit na gaano pa katagal 'yon... gusto ng bartender na piliin ni Serene ang bumalik at mabuhay.
Gusto niyang marinig ulit ang mga tawa nito at gusto niyang makita ang mga ngiti nito. Gusto niyang makita ulit itong nakamulat ang mga malulungkot na mga mata... kahit na hindi na sila magkakilala pa.
Gusto niya lang talaga ngayon ay ang mabuhay siya... makilala man siya nito paglipas ng panahon, o hindi na.
***
Bandang 8:00 a.m. nang humingi siya ng tulong sa isang nurse para tumawag sa police station kung saan nakatira si Serene. Ibinigay ni Serene ang buong address ng bahay ng pamilya niya sa kaniya, ngunit walang contact number o pangalan, kaya ang tanging nagawa niya lang ay hanapin ang hotline ng police station sa lungsod nila Serene para ipaalam kung nasaan ang anak nila.
Umalis muna sandali ang bartender sa hospital at nanghingi ng pabor sa nurse na bantayang maigi ang pasyente dahil babalik naman siya. Kailangan niya lang kuhanin ang mga gamit niya sa hotel room nila, tutal, kaonting oras na lang ay matatapos na ang 24 hours stay nila sa hotel room na 'yon.
Nang makarating sa hotel, nagpasiya siyang maligo na muna. Mabuti na lang at lagi siyang may dalang extrang damit palagi.
Nang matapos maligo at magbihis, kinuha niya ang gamit niya maging ang bag ni Serene. Nakita niya sa side table ang isang envelop na pinaglagyan kahapon nito ng mga polaroids ng solo niya, at isang maikling sulat.
"Kanino ko naman ibibigay 'yan?" tanong ng bartender sa kaniya.
"Ikaw ba ang magbibigay? Puwede naman ipadala mo na lang."
"Tss. Wala ka ngang nilagay na pangalan ng pagbibigyan, eh!" reklamo niya rito.
Serene chuckled which made him smile.
"O sige, kahit iwanan mo na lang. May mailbox naman doon."
Nakita niyang kumuha ito ng envelop mula sa bag na dala at isang papel na kulay brown na may design na sunflower.
Pagkatapos isulat ni Serene iyon ay itinupi niya ito at inilagay sa loob ng envelop tsaka nilagyan ng seal na sticker na sunflower.
Napabuntonghininga ang bartender nang maalala 'yon bago ito kinuha at lumabas na ng hotel room nila. Ibinalik na niya ang susi ng room sa front desk at saka umalis na. Kinuha niya ang sasakyan sa parking lot at nag-drive papuntang hospital.
Nang makabalik sa hospital ay muli siyang pumasok sa kuwarto ni Serene. Nakita niyang gano'n pa rin ito, may oxygen habang may mga apparatus na nakakunekta sa kaniyang katawan. Wala pa rin kahit kaonting pagbabago.
Lumapit siya rito at muling hinawakan ang kamay.
"Gising ka, ha?" sabi ng bartender habang hawak nang mahigpit ang kaliwang kamay nito. "Gumising ka, 'no? Hintayin kita na imulat ulit 'yung mata mo, ha? Kahit gaano katagal, please, gumising ka, ha? Hihintayin ka namin..."
He kissed her hand as he smiled while looking at Serene's calm face.
The bartender went out for a moment to eat. Simula pa kahapon ay wala pa siyang kinakain na kahit na ano. Ngayon niya lang naramdaman ang gutom. Sa canteen sana siya kakain ngunit medyo maraming tao kaya sumakay siya ng kotse niya at naghanap ng ibang puwedeng kainan niya.
Nang makakita ng isang tapsilogan sa hindi kalayuan, doon na niya napagpasyahang kumain ng agahan. Nag-order siya ng pagkain niya at doon napagpasyahang magpahinga nang sandali.
Sigurado rin siya na ilang saglit lang ay darating na ang pamilya ni Serene. Kapag nasigurado niyang nandiyan na ang pamilya niya, kailangan na niyang umalis.
Pero hindi ibig sabihin no'n, iiwan na kita, ha? Tulad ng sinabi ko, hihintayin ko hanggang sa muling dumilat ang mga malulungkot mong mata. Kahit doon man lang, mapanatag ang puso ko na kahit anong oras, pwede pa rin kitang makita.
Napabuntonghininga siya nang mapagtantong ang dami-dami na kaagad nangyari sa buhay niya sa maikling oras lang na 'yon na nakasama niya si Serene, pero wala siyang pinagsisihan sa lahat ng 'yon kung hindi ang pagtulog na ginawa niya matapos nilang gawin ang bagay na hiniling ng babae sa kaniya.
Inisip niya na kung hindi siya nakatulog noon, baka hindi nangyari kay Serene ang lahat ng ito ngayon...
Kung hindi siya natulog noong mga oras na 'yon... hindi sana siya nangangamba ngayon.
***
Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang mailipat sa Makati Medical Center si Serene, ngunit kahit na kaonting pagdilat man lang o kahit kaonting paggalaw ng daliri ay wala pa ring pagbabago mula kay Serene.
Nawawalan na ng pag-asa si Lerma pero hindi pa rin siya sumusuko. Wala na siyang pakialam kahit na maubos ang pera nila, ang importante para sa kaniya ay gumising ang kaniyang anak.
Hindi niya sasayangin ang ikalawang buhay na ipinagkaloob sa kaniyang anak ng Diyos. Maubos na ang lahat lahat, pero hindi niya susukuan ang anak niya.
Dahil para sa kaniya, may dahilan kung bakit hindi natuloy na bawiin ng anak ang buhay niya. May dahilan kung bakit nandito ngayon ang anak sa harap niya.
Gusto man niyang makilala kung sino ang nagligtas sa kaniyang anak, at kung sino ang nakasama nito sa mga huling oras bago gawin ni Serene iyon, hindi na niya magawa pa. Alam niyang darating ang araw na makikilala niya ang taong iyon, dahil kung sino man siyang nagligtas sa kaniyang anak, habang-buhay niyang tatanawin ang utang na loob mula rito. Sa ngayon, ang importante sa kaniya ay ang kaniyang anak.
Wala pa ring improvement sa kalagayan ni Serene, pero payo sa kanila ng doctor ay kausapin palagi ito kahit na wala itong malay.
At iyon ang palaging ginagawa nila ni Helene.
"Good morning, bunso," bati ni Helene pagkapasok sa hospital room ni Serene. "Tingnan mo, ang Kuya Martin mo. Sabi niya, bilhan daw kita ng paborito mong bulaklak. Kaya nagpa-bouquet ako para sa 'yo."
Inilagay ni Helene ang mga bulaklak sa gilid ng table at nagulat nang makitang may envelop na nakapatong doon, katulad ng binili ni Serene noong nag-shopping silang dalawa ng mga regalo para sa Pasko.
Kinuha niya 'yon mula sa pinaglalagyan nito.
"'Ma, may pumasok ba kanina rito?" tanong ni Helene nang pumasok si Lerma mula sa kuwarto.
"Hindi ko alam, lumabas ako sandali, eh. Bakit?" Nagtatakang tanong ni Lerma.
"May envelop kasi, kanino kaya 'to galing?"
Mabilis na lumapit si Lerma kay Helene nang tinanggal niya ang pagkakapakat ng seal nitong sunflower. Nakita nila na ang laman nito ay ang mga solong kuha ni Serene sa polaroid.
"I was happy. Don't worry."
Binasa ni Helene ang maikling sulat na kasama ng mga litrato niyang 'yon. Tumingin siya sa mukha ng kapatid na wala pa ring malay at sunud-sunod na tumulo ang mga luha.
"Ang pangit talaga ng sulat mo," umiiyak na sabi ni Helene.
Isa-isa nilang tiningnan ang mga litrato ni Serene na nasa polaroids. Kita nila ang magagandang ngiti ng kapatid niya at ang magandang damit na suot nito. Masaya silang makita ang mga ngiti nito.
"Sino kaya ang kumuha niyan?" tanong ni Lerma habang hawak ang isang litrato na stolen ni Serene ngunit nakangiti. "Mukhang masaya si Serene kasama ang taong kumuha nito, ah?"
Helene chuckled. "Kung lalaki 'yung kasama niya rito, para namang may crush sa kaniya 'yun. Halos puro stolen shot na nakangiti si Serene."
Ibinalik ni Helene ang mga litrato at ang sulat sa loob ng envelop, at itinabi, inilagay sa loob ng bag. Gusto niya na ipaskil sa kuwarto niya o kahit sa kuwarto ni Serene ang mga polaroid na iyon, ngunit gusto niya rin na hintayin munang gumising ang kapatid bago magdesisyon.
Tama... pagkagising mo na lang.
***
Ilan sa mga kakilala at mga dating kaibigan ni Serene ang dumalaw sa kaniya nang mabalitaan ang nangyari.
"Alam mo, Ate, akala ko talaga dati, nag-iinarte lang siya, eh. Lagi ko pa siya dating sinasabihan na madrama. Pakiramdam ko tuloy, isa ako sa mga taong naging dahilan kung bakit siya nagkagan'yan ngayon," sabi ng isang college friend ni Serene na minsang naging madalas sa kanilang bahay.
"Nagi-guilty rin ako, Ate. Lagi kong sinasabi na maliit na bagay lang 'yung mga pino-problema niya. Wala akong idea na malala na pala ang mga problema niya no'n."
Nakikinig lamang si Helene sa mga kuwento ng mga nakakakilala sa kaniyang kapatid. At kahit na sumasama ang mga loob niya sa mga naririnig ay hindi na lamang niya pinapatulan at binibigyan na lang ito ng mga tipid na ngiti.
"Sana mas nakinig ako. Sana mas inintindi ko."
"Sana gumising na si Serene. Gusto ko pang mag-sorry sa lahat..."
Ilang mga kakilala ni Serene ang dumalaw ng ilang ulit pa sa kaniya. Kita ni Helene na sinsero ang mga ito sa bawat oras na inilalaan nila para sa kaniyang kapatid. Natutuwa siya na paulit-ulit na dumadalaw ang iba kahit na hindi pa naman gumigising si Serene.
***
Tatlong linggo nang walang malay si Serene, at sa bawat araw na dumaraan ay sumisikip ang dibdib ni Lerma at Helene dahil hindi pa rin nagbabago ang kondisyon nito.
Isang araw, may lalaki ang nakitang nakasilip ni Helene sa pintuan. Lumapit siya rito para pagbuksan.
"H-Hi..." bati ng lalaki kay Helene.
"Hello. Kaibigan ka ni Serene?" nag-aalangang tumango ang lalaki. "Pasok ka."
Wala nang nagawa kung hindi ang ilabas ng lalaki ang dalang isang pirasong sunflower na binili niya bago dumiretso sa hospital. Ibinaba niya ito sa side table.
"Saan mo nakilala si Serene?"
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng lalaki.
"A-Ano po?"
"Hindi kayo magkaklase, 'no?"
"Ahh... hindi po."
Bahagyang ngumiti si Helene nang makita na nakatitig ang lalaki sa braso ng kapatid na puro peklat, kasama ang tattoo.
"Hindi ko alam anong ibig sabihin ng tattoo niya, pero kung 'yung peklat 'yung tinitingnan mo, maniniwala ka bang matagal ko na siyang nakitang sinasaktan ang sarili niya?" pagkukwento ni Helene.
Lumingon sandali ang lalaki sa kaniya at nang makitang nakatuon ang atensiyon nito sa walang malay na si Serene ay ibinalik na rin niya ang mga tingin niya sa babae.
"Kung sinabi ko kaya kaagad 'yung tungkol doon, naagapan kaya? Feeling ko tuloy kasalanan ko kasi nanahimik ako at hindi siya pinansin," she chuckled a little. "Ako rin kasi 'yung pumilit sa kaniya noon na magpakunsulta ng doctor. Siguro na-pressure siya. Sabi ng doctor niya, she's not getting better yet even after all the therapy and treatments she received... baka kasi alam niyang hindi nga siya nagiging maayos? Baka na-pressure siya kasi akala niya mabilis lang dapat ang therapy at treatments..."
She sighed as the guy beside him listened to what she's saying.
"Hindi naman namin siya minamadali. Isang buwan pa lang naman siya kumukuha ng therapy at treatment sa Psychiatrist niya. Siyempre, hindi naman agad magiging okay ang isang tao in that short period of time, right?
"Maybe she thought that all the money that Mom and I earned were all going down to waste because she's seeing a doctor. Ganoon kasi 'yan mag-isip. Kilala ko 'yan, eh. Alam ko na gano'n 'yung iniisip niya. Pero pera lang naman 'yun. Madali namang makaipon ulit basta may trabaho. Eh siya, mahirap mawala ang isang katulad niya. Kaya sabi namin ni Mama, gagawin namin lahat maging okay lang siya at gumaling siya.
"Kaso, 'yun nga... nangyari 'to. Laking pasalamat ko lang talaga na may nagligtas sa kaniya. Kahit na medyo na-late 'yung nagligtas, okay lang. That person saved my sister and I will do everything to pay for what that person did."
The guy smiled, feeling happy that he's hearing all those words with his own ears. "Feeling ko naman po, choice niya ang iligtas siya. Hindi naman po siguro siya nanghihingi ng kapalit."
Helene slightly chuckled. "Sa tingin mo?" she sighed. "I wanted to meet that person badly. I wanted to thank that person for everything."
Ilang minuto pang nanatili ang lalaki sa tabi ni Serene bago umalis sandali si Helene para bigyan ng sariling oras ang lalaki kasama ang kapatid.
"Sana all three weeks ang tulog," panimula ng lalaki bago hinawakan ang kamay niya. "Tagal mo naman gumising..."
Itinaas niya ang kanang kamay ni Serene na hawak niya at idinikit sa kaniyang labi.
"Binabawi ko na 'yung sinasabi ko. Kailangan mo na palang gumising..."
Nangilid ang mga luha ng lalaki nang wala pa ring nakuhang kahit na anong reaksiyon mula kay Serene.
"Hindi ko alam kung bakit lagi na lang kitang nami-miss. Isang araw lang naman tayong nagkasama. Sa tingin mo, bakit? Dahil ba nagi-guilty ako sa nangyari sa 'yo? Kasi nangako ako sa sarili ko na ako 'yung gagawa ng nasa tattoo mo, eh. Sa tingin mo, nagi-guilty lang ba ako kaya hindi ka na nawala sa isip ko?"
Suminghap ang lalaki upang hindi mabasag ang boses kapag nagsalita siya.
"O baka dahil may iba pang dahilan?"
He chuckled but more tears started pooling on the side of his eyes.
"Ipapatikim ko pa sa 'yo 'yung bagong product ko sa bar. Ako nakaisip ng mga pinaghalo-halo no'n. Gusto ko, ikaw unang makatikim no'n bago ko ilabas sa bar."
He held her hand tighter.
"Please wake up...hmm? Wake up..."
Few minutes later, he decided to go home to prepare for his work. He kissed her forehead before leaving her room.
And still, there's no reaction from Serene's body.
***
Isang buwan nang naka-confine si Serene at habang tumatagal siya roon ay lalong tumataas ang kanilang hospital bill.
"Hindi pa rin po ba magigising si Serene?" tanong ni Lerma sa doctor na pumunta sa hospital room ni Serene para mag-rounds.
"Like I've told you, Ma'am, na kay Serene ang desisyon kung gigising siya o hindi na. Ang tanging maipapayo ko lamang sa ngayon ay ang patuloy na pagdarasal sa paggising niya, at kakausapin niyo siya. Hangga't maaari nga ay sabihin niyo sa kaniya ang mga salitang hindi niyo pa nasabi sa kaniya noon. Sigurado akong nakikinig siya," paliwanag ng doctor.
Marami pa itong ipinaliwanag bago lumipat ng hospital room para sa rounds.
"Lumalaki na ang bill natin, 'Ma."
Nagbuntonghininga si Lerma bago hinawakan ang kamay ni Helene. "Wala akong pakialam sa bill, Helene. Gigising si Serene, okay?"
Napatango na lamang si Helene sa sinabi ng kaniyang ina.
Kinagabihan, umuwi si Helene sa kanila upang magpahinga kaya naman si Lerma ang naiwan para magbantay kay Serene. Nagpapalitan silang dalawa ni Helene sa pagbantay dito at ngayong gabi, si Lerma naman ang nakatoka na magbabantay.
Lumapit siya sa anak at hinagod ang buhok.
"Anak... gising ka na..." Lerma started. "Miss na miss ko na ang mga mata mo, anak..."
Lerma's tears started falling.
"Anak, nalulungkot na si Mama kasi hindi ka pa rin nagigising. Miss na miss na kita, anak..."
Hinawakan niya ang kanang kamay ni Serene at hinalikan ito nang matagal.
"Anak, gising ka na, please. Gising ka na... nagmamakaawa si Mama... gumising ka na please... kailangan ka ni Mama, anak..."
Matagal pa siyang umiyak sa kamay nito bago niya nakitang may tumulong luha mula sa mata ng kaniyang anak.
"Serene?"
Pinindot ni Lerma ang pantawag sa mga nurse nang makitang gumalaw ang isang daliri ng kanang kamay nito.
"Serene, gigising ka na?" masayang sabi niya, ngunit laging may halong takot.
Ilang sandali pa ay biglang tumirik ang mga mata ni Serene at tumunog ang heart rate monitor kasabay ng pagdating ng mga nurse.
"A-Anong nangyari?" naguguluhang tanong ni Lerma.
Kita niya na naging abala ang mga nurse at doctor na pumasok lalo na noong marinig niya ang pagtunog ng machine na nagmo-monitor ng heartbeat ng anak niya.
Nanlamig si Lerma nang makitang unti-unting bumababa ang numero na nandoon hanggang sa dumiretso ang linya at tumunog nang malakas ang machine na 'yon na nakapagpabingi sa kaniya.
"Serene!!! Serene, anak!!!"
"Defibrillator!" narinig niyang sabi ng doctor.
"Serene!!!"
Ipinatong ang dalawang bagay sa katawan ng kaniyang anak at nakita niya kung paano sinubukan ng mga doctor at nurse na buhayin ang anak niya na alam niyang wala nang buhay ngayon.
"Serene, gumising ka, anak... kapit ka..."
"200 Joules..." the doctor said. "Clear!"
For the second time, tumunog ulit nang malakas ang machine na nagmo-monitor ng heartbeat ng kaniyang anak at nanlambot ang mga tuhod niya nang tuluyan na siyang mawalan ng pag-asa.
"Serene!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top