Chapter 20
TRIGGER WARNING!
This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.
Read at your own risk.
Chapter 20
Did you ever wonder if something is worth risking for?
Serene lost it all.
She feels like nothing belongs to her anymore, except Cody.
Cody is the only one that Serene possesses, and Helene telling her always that Cody is not real, it's making her so angry.
That's bullshit. Ako ba ang may kailangan ng consultation o siya?
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Cody na nakaupo sa bintana ng kuwarto niya habang nasa study table siya at nagsusulat sa kaniyang notebook.
"To do list bago ako mamatay."
Cody laughed. "Hindi ko alam kung bakit nagtatanong pa ako sa 'yo."
Serene smirked. "Eh ikaw, eh. Gustong-gusto mo yatang naririnig na magpapakamatay ako, eh."
Cody chuckled. "What? No way. I just like asking you. It's like knowing more about you."
Serene looked at him. "Ano naman ang nakukuha mo sa mga sagot kong puro tungkol sa pagpapakamatay?"
Hindi na nakasagot si Cody nang may kumatok sa kaniyang kuwarto.
It's been three days since that day at ito ang unang beses na may kumatok muli sa kuwarto niya. Kinakabahan siyang lumapit sa pintuan para buksan iyon. Tumambad sa kaniya si Helene, Lerma, at isang lalaking may edad na; mukhang may propesiyon ito.
"Good morning, Serene," bati ng lalaki sa kaniya.
Tumingin si Serene sa dalawang kasama sa bahay. Umiwas ng tingin sa kaniya si Lerma habang si Helene naman ay diretso lang na ibinalik ang tingin sa kaniya.
"I am Doctor Ortalez from Ortalez Consultation Center. Ms. Helene made an appointment for your consultation today. May I come in?"
Masamang tumingin si Serene sa kaniyang kapatid. "Ate, ano ba?! Sinabi nang hindi ko kailangan ng Psychiatrist!" malakas na sigaw niya.
"Kung talagang hindi mo kailangan, patunayan mo sa amin ngayon, Serene. Kahit ito lang, kahit itong isang consultation lang, pagbigyan mo na kami. At pagkatapos, titigilan ka na namin."
Walang ibang nagawa si Serene kung hindi ang papasukin ang doctor habang ang dalawang kasama niya sa bahay ay naiwanan sa labas.
Hindi niya maisarado ang pintuan. Natatakot siya. Kinakabahan. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari.
"So, this is your room," tanong ng doctor sa kaniya.
"Yes," tumingin si Serene sa bintana kung nasaan nakaupo si Cody habang nanonood sa kanilang dalawa. "Cody, mamaya na lang tayo magkita. Uwi ka na muna, may gagawin lang ako."
"Okay. See you later!"
Pagkatapos sabihin iyon ni Cody ay umalis na ito. Pinanood siya ni Serene na kumapit nang mahigpit sa dinaraanan nito habang bumababa, saka tumalon at naglakad palayo sa kanilang bahay. Natawa na lang si Serene dahil sa ginawang iyon ni Cody.
Parang akyat-bahay lang, sabi niya sa isip niya.
Ibinaling niya ulit ang atensiyon sa doctor na ngayon ay iba na ang titig sa kaniya matapos makipag-usap sa kaibigan.
"T-Take a seat, Doc."
"Okay, salamat."
Serene smiled a little before looking away. "Pero, sasabihin ko sa 'yo, wala kayong makukuha sa akin. I am completely normal. 'Yung mga tao sa labas, sila ang dapat bigyan mo ng counselling."
"Okay, Serene," Doctor Ortalez calmly said which give her a feeling that she just wanted to cry, but she brushed it off. The doctor smiled at her. "So, sino 'yung kausap mo kanina? 'Yung Cody?"
Napalunok siya sa itinanong bago tumingin sa pinto ng k'warto. "Ahh, he's a friend of mine."
"Really? Saan mo siya nakilala?"
Serene couldn't look straight at the Psychiatrist. "Hmm, that one midnight na natutulog ako sa bubungan. Pagkagising ko, nandoon na siya. Sabi niya, siya 'yung bagong lipat sa subdivision. Medyo malayo rito 'yon, pero taga-rito rin siya."
"Ohh, so kumusta ang pagiging magkaibigan niyo?"
Serene smiled. "Hmm, minsan nakakainis siya. Ibang-iba kami ng mindset. Lahat ng sinasabi ko, kinokontra niya. It's like, he doesn't approve of everything I said but he, somehow, understands me well."
Napatango ang doctor sa nakuhang sagot mula sa kaniya. Inikot nito ang paningin sa loob ng kuwarto niya at lumapag ang mga paningin nito sa notebook na nasa study table niya.
"So, what are you writing before we even came?"
Muling nakaramdam ng kaba si Serene nang itanong iyon ng kasama niya.
"M-My... to do list."
"Really? Can I take a look?"
Napakunot ang noo niya. "B-But why? It's my private property."
Doctor chuckled. "It's okay, Serene. I won't judge you."
Kinakabahan man ay iniabot niya na ang notebook na iyon sa doctor na nakaupo sa couch ng kuwarto niya.
TO DO LIST
1. Jaywalking
2. Long drive with no destination
3. Ziplining three times in a row
4. Buy a white dress/gown
5. Lose my virginity
6. Wear the dress while at the beach
7. D
Muling tumingin ang doctor sa kaniya matapos ang list na ginawa niya.
"Para saan itong to-do list mo?"
She shrugged her shoulder. "Wala. Gusto ko lang gumawa ng list tungkol sa mga bagay na gusto ko gawin. Is it wrong?"
Doctor smiled as he stared at her fidgeting fingers and playing legs like she was really nervous.
"Care to tell me what you feel right now, Serene? You don't need to hold back. Just... tell me everything."
Serene smirked. "Ano po bang inaasahan niyo? I am perfectly fine. I am just having a hard time sleeping but I am totally fine. You don't have to give me some counselling because the only problem that I do have is a simple insomnia."
Tumango ang doctor sa narinig. "Okay. Sa tingin mo, ano 'yung mga bagay na nakita sa 'yo ng kapatid mo para magpa-appointment sa akin para makonsulta kita?"
Napahawak si Serene sa mga braso niyang natatakpan ng long sleeve niyang damit. Iyon ang unang bagay na napansin sa kaniya ni Helene, alam niya iyon. Bago pa man matuklasan ni Helene ang tungkol kay Cody, alam niyang pinanonood na nito ang mga kilos niya mula noong araw na makita ni Helene ang mga sugat at peklat niya.
"What's with your arms? Are you hurt? Let me take a look—"
Lalapitan na sana ng doctor si Serene para hawakan ang braso niya ngunit napatigil ito nang sumigaw siya.
"No! No, don't touch me!"
Nabigla ang lalaki sa biglaang pagsigaw nito, dahilan para mapalayo siya. "I-I'm sorry."
Nakaramdam ng sobrang kaba si Serene nang lapitan siya ng doctor na hindi naman niya talaga kilala. Bigla niyang naalala ang nangyari sa kaniya noong eight years old siya. Iyon ang araw na pinipilit niya sa sarili niyang hindi nangyari.
"Serene, if you have problems that you can't talk with anyone, you can talk to me. I will listen, and I will understand you."
Serene scoffed. "Sinungaling. Ang kaisa-isang tao lang naman na nakakaintindi sa akin ay si Cody. Lahat kayo, ginagamit lang ang mga salita ko laban sa akin. Lahat kayo... ginagamit lang ako!"
"A-Ano?"
Bigla ay parang bumalik sa katinuan si Serene nang magkaroon ng pagpa-panic matapos ang nangyari kanina. Nagbuga siya nang malalim na buntonghininga bago tumingin nang diretso sa doctor.
"Doctor Ortalez, with all due respect, but I don't really need a counselling from any Psychiatrist. Maayos po ako at maayos ang utak ko. Hindi pa ako nababaliw para maging pasyente niyo. I am reading facts about Psychology and forcing someone to have a Psychological counselling is making things worse. I swear, hindi ko po kailangan ng mga sasabihin at ng therapy niyo. Makakaalis na po kayo."
Napabuntonghininga na lamang ang doctor at ngumiti, bago nakipagkamay sa kaniya.
"Okay. It was nice meeting you, Serene."
Nakahinga si Serene nang maluwag matapos marinig iyon, bago tinanggap ang pakikipagkamay nito. Nasulyapan ng doctor ang ilalim ng dulo ng sleeve ng damit na suot niya at nakita nito ang sugat na sariwang-sariwa pa.
"But if you are ready for counselling... just come to my clinic."
Hindi na sumagot pa si Serene at pinanood na lang na lumabas ng kuwarto ang doctor.
Napaupo si Serene sa kaniyang kama at napahilamos sa mukha. Ramdam na ramdam pa rin niya ang malamig na pawis na lumabas mula sa kaniyang buong katawan, maging sa mukha.
No...fuck.
Walang nangyaring ganoon, Serene. It's all in your head. That thing didn't happen; it never happened, Serene.
***
"So, what happened? Kaninang umaga?" tanong ni Cody oras na magkita sila sa labas ng subdivision nila.
Nagkasundo na silang dalawa na hindi na sila gaanong tatambay sa bubungan ng bahay nila Serene dahil alam niyang may mga matang paminsan-minsan ay nanonood sa kanila.
"Psychological fucking consultation I've never asked for."
Nakuha nito ang atensiyon ni Cody. It was one of the things Cody wanted to happen.
"Really?" Cody chuckled. "So, anong nangyari?"
Naglalakad lang silang dalawa palayo sa subdivision nila. Lakad lang silang dalawa nang lakad, walang direksiyon; walang tiyak na patutunguhan.
"Pinalayas ko 'yong doctor. Pakialamero, eh."
Cody laughed at her remark. "Grabe ka naman. 'You should've let him try to give you some counselling."
"Para ano? Para mabigyan ako ng dahilan para mabuhay?"
"Oo." Simpleng sagot niya.
Serene sighed as she looked at Cody. "Ayoko na nga sabi, bakit ba ang kulit mo?" naiiritang sabi ni Serene kay Cody. "Paulit-ulit na lang tayo. Noon pa, sinabi ko na sa 'yo, na wala nang kahit na ano pa ang makakapagpabago ng desisyon ko."
"Oo, pero hindi naman ibig sabihin no'n, mawawalan na ako ng pag-asa sa 'yo. Maaaring sinukuan mo na ang sarili mo ngayon, pero ako, hindi. Hindi pa kita sinusukuan."
"Wala kang mapapala sa pagligtas sa akin."
"Wala akong pakialam sa kung may mapapala ako o wala! I just want you to live, Serene."
"For what? For more sufferings ahead of me?"
Huminto si Cody sa harap ni Serene upang mapigilan din ito sa paglalakad.
"Bakit ba palagi mo na lang pinangungunahan ang lahat? You have always been like that."
Serene pursed her lips before answering Cody. "This is me, you know that."
Cody sighed in defeat. Serene stepped his foot on the ledge on their way while walking.
"Careful, baka mahulog ka." Cody said as he life an arm to guide her.
"Wala naman ako pakialam. Galos lang ang matatamo ko rito sakaling mahulog ako." She chuckled.
He started walking on top of the ledge, and when she reached the end, she jumped to go down.
"Alam mo, noong bata ako, sa tuwing may nadaraanan akong ganyan, lagi kong nilalakaran. Alam mo 'yung pakiramdam na binabalanse mo 'yung katawan mo sa isang makipot na semento? And reaching the end is making me feel so satisfied."
Cody smiled a little. "Maybe that ledge can be something to give you lessons about life."
Napairap si Serene sa kawalan. "Ugh. What again, Cody?"
Ngumiti si Cody bago ibinalik ang tingin sa harapan nila. "Ang buhay natin, parang 'yung pasimano na nilakaran mo kanina. Sobrang sikip, pero minsan, gusto nating gawing tulay para sa mga paa natin, hindi ba? May mga pagkakataong mahuhulog ka o mawawalan ka ng balanse, pero dahil sabi mo nga, kapag nararating mo ang dulo, nasa-satisfy ka, hindi ba?
"Sa tuwing nagti-take ka ng risk, hindi mo na kailangang tanungin ang sarili mo kung worth it ba 'yong ginawa mo o hindi. That moment that you took the risk, it's all worth it."
"Why?" kunot-noong tanong niya.
"Serene, I'd rather take the risk and fail, or lost my balance, than not risking at all. Ayokong dumating 'yung araw na magsisi ako na hindi ako sumubok."
"Paano kung pagsisihan ko na sumubok ako?"
Cody smiled. "I knew you would say that," Cody chuckled. "Pero kung nagsisi ka na ginawa mo, you may lost something, but in return, you gained knowledge. You gained lessons. You learned. So if the same thing happened again in your life, you know what to do and you know what and to avoid it."
Serene didn't answer because Cody's words really have so much sense. Cody looked at Serene, who's now, just idling while walking beside him.
"Serene, don't you want to take the risk of walking on the ledge until the end?"
Serene looked at him, confysed. "Huh?"
"Don't you want to...be alive and see the real end? Not the end that you're planning."
Serene let out a deep sigh, na para bang nakukulitan na siya. "Kasasabi ko lang sa 'yo kanina."
Cody laughed. "Okay, okay. Sa susunod na lang ulit kita kukulitin."
Napailing na lang si Serene bilang pagsuko, dahil kahit na ano naman ang sabihin niya ay hindi siya lulubayan ng kaibigan sa pagpursigi na gustuhing mabuhay siya at magpatuloy.
"Pero alam mo kung ano ang napansin ko?"
Muling napalingon si Serene sa tanong ni Cody.
"Ano?"
Cody smiled. "You lived longer than what you've expected."
Serene didn't answer. She just felt so nervous at the next thing that Cody will told her.
"As long as I am persuading you to live, you will live longer. You don't want to die; you just want someone to make you realize that it's worth living in this world. You don't want to die; you're just afraid of what the world will give you as time goes by."
Serene felt uneasy, hearing all those words from Cody. "Stop," Serene said as she stopped walking.
"Serene, you're lost. You don't want to die; you just wanted to be found."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top