Chapter 19
TRIGGER WARNING!
This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.
Read at your own risk.
Chapter 19
Did someone make you think that you've lost your Respect for explaining yourself to older ones?
Nagising si Serene mula sa mababaw na pagtulog nang marinig niya ang mga kasangkapang nababasag at sigaw ng kaniyang inang si Lerma. May kutob na siya sa kung tungkol saan 'yon, kaya naman ang kabang nararamdaman niya ay lumala, lalo na nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ng ina.
"Serene, bumaba ka dito!!!"
Natatakot siya sa puwedeng makita niya. Ang isa sa mga ayaw niya ay ang makitang galit na galit at nasasaktan ang kaniyang ina. Pero dahil kailangan niyang saktan ang pamilya para sa plano, kailangan niya rin 'yong makita bilang kapalit sa lahat ng ginawa niyang kasalanan.
Dahan-dahan siyang bumababa sa hagdan. Ramdam na ramdam niya ang malakas na kabog ng dibdib niya habang humahakbang siya. Nang tuluyan na siyang nasa ibaba ay nakita niyang nandoon na si Helene at ang ina niyang si Lerma ay bakas na bakas ang galit sa mukha.
"Ikaw lang ang inutusan ko noong isang linggo!" sigaw ni Lerma oras na makita siya. "Bakit sampong libo na lang ang perang nakita sa account na nakapangalan sa 'yo?!"
Hindi makasagot si Serene. Gusto niya na lang umiyak dahil sa hinanakit na nakikita niya sa mukha ng ina. Gustong ibalik ni Serene ang oras pero alam niyang hindi maaari at kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng iyon.
May tatlong bank account si Lerma. Isang account na nakapangalan sa kaniya, isa na nakapangalan kay Helene, at ang isa ay nakapangalan mismo rito. Sakto na sa passbook na nakapangalan kay Serene ang account na pagde-deposituhan niya kaya naman naisip niya ang bagay na ginawa niya noong nakaraang linggo. Sa kada-suweldo ng kaniyang ina ay iba't-ibang passbook ang dinedeposituhan nito. Sakto lang na noong oras na nag-iisip siya ng paraan para magalit sa kaniya ang kaniyang ina ay iyon ang iniutos sa kaniya.
"Sumagot ka!"
Nag-iwas ng tingin si Serene nang makitang nangingilid na ang mga luha ni Lerma. Kinurot niya ang sarili niyang braso dahil sa eksenang nakita niyang iyon, nang sa gano'n, maialis niya ang focus sa sakit na nararamdaman niya sa mga nakikita niya.
"I-I'm sorry, 'Ma."
Rinig na rinig niya ang sunod-sunod na buntonghininga ng kaniyang ina bago lumapit sa kaniya para sampalin siya nang malakas, dahilan para matumba siya sa sahig.
Right... I deserved it.
"Anong ginawa mo?! Saan mo dinala ang perang pinagtrabaho-an ko, Serene?! Anong ginawa ko para gawin mo sa akin 'to?!" umiiyak na sigaw ni Lerma.
She wanted to cry but she did everything for her tears not to fall. It's not going to help her at this moment. Baka masira ang plano niya kapag nagpakita siya ng ganoong emosiyon. Knowing her mother, she doesn't like seeing Serene in that state.
"Magsalita ka!" sigaw muli ni Lerma.
Napabuntonghininga si Serene bago yumuko at nagsalita habang nasa sahig, hawak ang pisngi na tinamaan ng palad ni Lerma.
"I'm sorry. Kailangan ko lang gawin 'to. The past months, I've been gambling, 'Ma. Natalo ako. Nagkaroon ako ng malaking utang sa isang tao na kailangan kong bayaran, kaya ninakaw ko ang pera mo."
Lalong nagalit si Lerma sa narinig.
"Nagsusugal ka?! Kailan ka pa natutong magsugal, Serene?!"
Hinawakan ni Lerma ang buhok niya at paulit-ulit na sinabunutan siya habang paulit-ulit siyang tinatanong kung anong nangyari sa kaniya, bakit siya nagkagano'n. Kung bakit natuto siya ng mga bagay na dati ay wala naman siyang ideya.
"Kaya ba binenta mo na rin ang mga aklat na inipon nating dalawa? Dahil sa pagsusugal mo?" tanong ni Helene, ngunit hindi na inintindi pa ni Serene iyon.
"I've been playing at the casino for the past months, 'Ma. Sorry, pero nalulong na ako. Kasama ko ang kaibigan kong si Cody sa paglalaro, 'Ma. Pareho kaming—"
"Tama na, Serene!"
Napatigil sa pagsasalita si Serene nang marinig ang sigaw ng kaniyang nakatatandang kapatid. Naupo ito sa harap niya at hinawakan siya sa dalawang balikat at paulit-ulit na inalog.
"Walang Cody, Serene! Walang Cody!"
Tinabig niya ang mga kamay ni Helene na nakahawak sa kaniya at tumayo.
"Ano na naman ba, Ate? Pati sa harap ni Mama, pagmu-mukha-in mo akong baliw!"
"Bakit?! Totoo naman, ah?!" tumayo si Helene at hinarap si Lerma. "'Ma, nababaliw na ang anak mo! Paulit-ulit niyang sinasabi na may kasama siya, na may kausap siya—at si Cody iyon. Pero 'Ma, noong nakaraan, nakita ko siyang nagsasalitang mag-isa sa bubungan kung saan lagi siyang tumatambay. 'Ma, kailangan mo nang dalhin sa Psychiatrist—"
Sa mga minutong nagsasalita si Helene tungkol sa pagkabaliw niya, walang ibang ginawa si Serene kung hindi ang ipikit ang mga mata at takpan ang kaniyang mga tainga.
"Tumigil ka na!" sigaw ni Serene nang hindi na kayang tiisin pa ang mga naririnig kay Helene. "Tumigil ka, hindi ako baliw! Totoo si Cody at alam ko 'yon! Ako ang nakakasama sa kaniya kaya alam kong totoo—"
"Serene, walang Cody! Kailangan mo nang magpatingin sa doctor at gagawin natin 'yon sa ayaw mo at sa gusto!" galit na galit na sabi ni Helene sa kaniya.
"Wala kang karapatang diktahan ang buhay ko, Ate!" tumingin si Serene kay Lerma na ngayon ay hindi na makapaniwala sa mga naririnig. "Hindi ako nababaliw, 'Ma. Okay ako, at maipapangako ko 'yon sa 'yo."
Tumalikod si Serene sa dalawang kasama sa bahay at lumabas ng bahay nila.
"Saan ka pupunta?!" rinig niyang sigaw ni Helene pero hindi na niya ito pinansin. "Serene!!!"
***
Hindi na alam ni Serene kung saan pa siya dinala ng mga paa niya, pero nakita na lang niya ang sarili niyang nasa Seaside, umiinom kasama si Cody.
"Bakit ba tayo nandito? Mag-uumaga na. Hindi ba dapat nasa bahay mo na ikaw? Baka malaman nilang lumalabas ka nang madaling-araw."
Ngumiti si Serene sa sinabi ni Cody. "Alam na nila."
Napakunot ang noo ni Cody. "Ha? Paano?"
"Nalaman na ni Mama na ninakaw ko 'yung pera niya. Kinailangan kong gawaan ng lusot 'yon, kaya sabi ko, natalo ako sa sugal at kailangan kong bayaran ang utang ko. Sabi ko na tuwing tulog sila , lumalabas ako ng bahay kasama ka."
Nanlaki ang mga mata ni Cody sa narinig. "Ano?! Bakit mo naman sinabi na kasama ako? Sigurado akong iba na ang iniisip nila ngayon!"
Serene chuckled slightly. "Nababaliw na raw ako sabi ng Ate ko. Sinabi niya kay Mama 'yon. Sigurado akong by this time, nag-aalala na sa akin 'yon."
Napabuntonghininga si Serene bago uminom sa beer in can na hawak niya. Malakas ang hangin at malamig, pero ramdam na ramdam niya ang pag-init ng sulok ng mga mata niya ngayong iniisip niya na nag-aalala sa kan'ya si Lerma.
Hindi dapat ganito, eh.
"So, bakit ka pa nandito? Hindi ba't nandoon ka dapat sa inyo para tingnan ang Mama mo?"
"Kailangan kong ipakita na wala akong pakialam para naman mawalan na rin sila ng pakialam sa akin," Serene sighed as she drink the alcohol on the can she's holding. "Nakakainis kasi si Ate, akala ko tapos na siyang mag-alala sa akin. Pinipilit na naman akong magkaroon ng consultation sa Psychiatrist."
Cody smiled. "Kasi kailangan mo."
Serene, again, sighed. "Cody, pinapunta kita rito para makahinga ako sa mga bagay na nangyayari sa bahay. Puwede bang kahit ngayon lang, huwag mo muna akong kontrahin?"
Tila pagod na pagod na si Serene, ayon sa tono ng boses niya. Na para bang isinuko na niya ang lahat. Wala nang kahit na emosiyon ang mababakas mula rito, at iyon ang isa sa mga bagay na tunay nga namang nakakapangamba.
"Okay, I'm sorry."
"Hindi ako nababaliw, Cody. Hindi," Serene kept on reminding Cody and herself.
Hindi pa ako nababaliw. Hindi.
"Of course not, hindi ka nababaliw. Na-misinterpret ka lang ni Helene at baka nadala lang siya ng emosiyon niya kaya niya nasabi 'yon."
Serene gulped as she felt the pain in her heart when she remember what happened earlier. "Pero bakit paulit-ulit niyang sinasabing hindi ka totoo?" kunot-noong tanong ni Serene. "Pero sabi mo sa akin noong isang araw, kilala ka ni Ate noon pa, hindi ba?"
Cody smiled. "Baka kailangan mong kausapin si Helene? Baka sakaling maliwanagan ka."
"Hindi ba puwedeng ikaw na lang ang magbigay ng linaw sa akin tungkol sa mga bagay na 'yan?"
Umiling si Cody bilang tugon. "Sorry."
Walang ibang nagawa si Serene kung hindi ang magbuntonghininga.
"Gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to. Paulit-ulit na lang."
Cody sighed. "To be honest, gustuhin ko man na huwag kontrahin ka, pero hindi ko kayang kimkimin 'to, Serene." Lumingon si Serene kay Cody nang sabihin iyon. "All the problems you have right now, is your own doing, right? Ikaw lang ang gumawa ng mga problema na mayroon ka ngayon."
Serene's right lip twitched before looking away. "Alam ko. Kasama ito sa plano ko bago mamatay."
"Bakit kasi kailangang mamatay kung puwede ka namang magsimula ulit?"
"Magsisimula nga ako ulit. Bagong buhay, bagong katawan, bagong pagkatao," Serene chuckled. "Paano kung ang taong mabubuhay sa mundong ito, kapalit ko, ay magiging magaling na Presidente ng Pilipinas, 'di ba? Paano kung ang taong mabubuhay kapalit ng buhay ko, ay magiging malaking asset ng mundo, o ng bansang ito? Alam mo 'yon, paano kung... siya pala ang dapat na nandito at hindi ako? He or she will be of big use to the people. Unlike me na walang silbi."
Cody smirked. "What if it's the other way around? Paano kung ikaw pala 'yung may malaking role sa mundo na ito at 'yung mabubuhay in replacement mo, will be so much worse than the you right now? You have a point right there, but, you can't judge a scenario being biased. You have to look on both sides—on the possibility of both sides."
Umirap si Serene sa sinabi nito. "I told you not to go against me just for now, Cody."
They both chuckled.
Nagbukas muli ng panibagong alak si Serene at tinungga niya ito. Napaisip siya sa sinabi ni Cody, pero sa lahat ng nangyayari sa kaniya ngayon, parang wala nang solusiyon sa mga problemang ginawa niya sa sarili niya.
Tumingin siya kay Cody at hinawakan ang kamay. Pinagsalikop niya ang kanilang mga daliri, at ramdam niya ang init ng palad nito.
"Totoo ka, Cody. Totoo ka."
"Totoo ako, Serene."
"Pero bakit pinipilit nilang hindi? Bakit pinipilit nilang hindi ka nag-e-exist sa mundong ito? Ikaw na lang ang mayroon ako ngayon, pero bakit pakiramdam ko... illegal pa rin na makasama ka? Ikaw na lang ang kaibigan na mayroon ako, pero bakit kailangang iparamdam nila sa aking nababaliw ako dahil lang mayroon akong ikaw na wala sila?"
Inalis ni Cody ang pagkakasalikop ng mga daliri nila; sa halip, hinawakan ang kamay niya ng dalawang kamay nito.
"Maraming tao pa ang naniniwala sa 'yo. Kailangan mo lang...buksan ang isip at puso mo sa kanila."
***
Bago tuluyang sumikat ang araw ay nakauwi na nga si Serene. May tama ng alak dahil sa pag-inom pero diretso pa rin ang pag-iisip.
Pagkapasok niya sa loob ng kanilang bahay ay nakita niya si Lerma na nakadukmo sa lamesa habang natutulog. Nangilid ang mga luha niya sa nakita, pero pinili niyang huwag ipakitang naapektuhan siya.
She doesn't deserve to live, lalo na ngayon.
Papunta na siya sa hagdanan nang magsalita si Lerma.
"Nakauwi ka na pala," hindi siya lumingon dito. Sa halip, pinakinggan na lamang ang susunod na sasabihin nito. "Wala akong ideya sa mga nangyayari sa 'yo at sa mga pinagdadaanan mo dahil lagi akong nagta-trabaho. Pero Serene, ina mo ako. Bakit hindi ka lumalapit sa akin kung may pinagdadaanan ka?"
Lumingon si Serene nang may mga luhang nagbabadyang tumulo. "Para saan? Para sisihin ako dahil kasalanan ko naman 'yun kung bakit nangyayari sa akin?"
Bakas na bakas sa mukha ni Lerma ang gulat sa sinabing iyon ng kaniyang anak.
"S-Serene?"
"Sa tuwing nasasaktan ako, anong sasabihin mo? Ikaw kasi 'di ka nag-iingat. Ikaw kasi, hindi ganito ganiyan. Nakakasawa, 'Ma, na ako na nga 'yong nasaktan, pero pinapamukha niyo pa lalo sa akin na dapat lang sa akin 'yon, na buti nga at nangyari sa akin 'yon kasi tatanga-tanga ako.
"Kapag umiiyak ako kasi mababa ang grades ko, ano sasabihin mo? Okay lang 'yan, 'di ka naman bagsak. Pero anong kasunod? Ikaw kasi, puro cellphone inaatupag mo. Kapag may mga hindi magandang nangyayari sa akin, sa akin palagi ang sisi. Mama, hindi 'yon ang kailangan ko sa tuwing may dinaramdam ako," Serene sobbed in between, even though her tears are not yet falling.
"Hindi ko kailangan ng sermon mo, 'Ma! Ang gusto ko, maramdaman ko na may kakampi ako sa 'yo. Pero kahit kailan, kahit na anong gawin ko, wala. Lagi mong ipinapamukha sa akin na—"
Hindi na naituloy pa ni Serene ang sinasabi nang sampalin siyang muli ni Lerma, dahilan para magbagsakan ang mga luha niyang kanina niya pa pinipigilan.
"Ginawa ko 'yon... at sinabi ko 'yon, para sa 'yo! Para hindi na maulit 'yung mga pagkakamali mo na dahilan kung bakit nasasaktan ka! Hindi mo ako maiintindihan kasi anak lang kita, at ako ang magulang mo! Alam ko kung ano ang tama para sa 'yo! At wala kang karapatang pagsalitaan ako nang ganyan dahil habang nananatili ka sa bahay ko at pinapakain kita, ako pa rin ang masusunod sa 'yo!"
Nakaramdam ng sobrang sakit sa kaniyang dibdib si Serene nang marinig niya ang salitang anak lang kita, at noong napagtanto niya sa huling linya nito kung gaano siya ka-tama, kung gaano siya ka-walang kwentang tao.
"Okay," she said as she calm herself. Pinigilan niya na ang mga luha na tumulo pang muli, at saka nagsalita. "Pero ito ang tatandaan mo, 'Ma. Gaano man kataas ang tingin mo sa sarili mo bilang magulang, lagi mong tatandaan, na hindi ka perpekto. Na nagkakamali ka rin, at minsan... mas tama ang anak mo lang kaysa sa mga ginagawa mo para sa kanila."
"Serene—"
Serene heaved a deep sigh. "Alam kong palamunin pa rin ako hanggang ngayon, walang kwentang anak, walang silbi. Pero 'Ma, alam ko kung ano ang kailangan ko at hindi.Hindi ko kailangan ang mga paninisi mo sa akin sa mga pagkakamali ko, dahil alam ko na ang lahat ng 'yon bago mo pa ipagduldulan 'yon sa mukha ko."
Matapos niyang sabihin iyon ay nagmadali na siyang umakyat papunta sa kuwarto niya. Ini-lock niya ang kuwarto niya, at pagkatapos ay doon umiyak nang umiyak. Iyon na ang pinakamasakit na bagay na ginawa niya sa buhay niya, ang mangatwiran sa magulang niya.
All her life, she was taught not to talk back with the people older than her, lalong-lalo na sa magulang niya. She never really explained herself whenever she made a mistake and gets confronted because of it. She always let it slide because in her memory, her family taught her that older people knows what's right... what's the best.
Lagi niyang iniisip na, nagkamali nga siya. At tama naman ang magulang niya sa tuwing pinangangaralan siya. Na, baka tama ang mga magulang niya kasi nagkamali siya.
Pero kahit isang beses sa buhay niya, hindi niya naipaliwanag ang sarili niya at hindi niya naipagtanggol sa mga maling paratang, dahil lumaki siya sa paniniwalang ang pagsagot at pangangatwiran sa mas nakatatanda ay tanda ng pagiging walang respeto.
Hanggang sa kanina...tuluyan na nga siyang nawalan ng respeto sa taong itinuturing niyang buhay niya.
At hindi niya matanggap 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top