Chapter 17

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 17

When did you stop believing in humanity?


Serene scoffed as she remembered the disappointment she felt before.

"You want me to fucking ask for people's help? Sa tingin mo hindi ko pa nagagawa 'yan?" Serene asked with disgust in her face.

Bakas ang galit sa tono ng boses ni Serene at walang kahit na anong nabago sa reaksiyon ni Cody nang marinig at makita ang galit na Serene sa harap niya.

"I fucking called every suicide hotline to ask for fucking help. At ano ang sagot na nakuha ko? Sorry, the system is currently busy? Ano pa? Sorry, business hours are only 6 fucking a.m. to 8 fucking p.m.? Ano pa? Sasabihin nilang magdasal ako? Makinig ako sa sermon ng pari sa simbahan at kung anu-ano pang ka-bullshit-an na hindi ko naman talaga kailangan? Na kailangan kong mas maging malapit sa Diyos dahil baka raw kulang ako sa putanginang pananampalataya?!"

Sunud-sunod na tumulo ang mga luha ni Serene nang maalala ang mga araw at gabing desperado siyang makahingi ng tulong sa tao noong hindi pa siya nawawalan ng pag-asa. Ilang beses siyang tumawag sa suicide hotline pero lagi siyang bigo. Sa tuwing natatapos ang tawag ay mas lalo lang bumibigat ang loob niya, na para bang kasalanan niya pang nagkakaganoon siya ngayon.

Philippine's system for mental health is fucked up, she thought. Ilang beses nang natawag na kaartehan lang ang kung ano man na nararamdaman niya at ng mga taong katulad niya. Ilang beses nang pinagtawanan sa social media ang mga article na nagsasabing nagpakamatay ang isang tao dahil sa depresiyon nito at ilang beses ininsulto na hinding-hindi mapupunta sa langit ang kaluluwa ng mga taong nagpapatiwakal—that was the least thing a person could hear... and read. Especially for the people who was left behind by the person who killed themselves.

"That is fucking bullshit, Cody!" Serene shouted.

Sa tuwing may nababalitaan ang mga tao tungkol sa mga taong sinasaktan ang sarili nila, madalas pinagtatawanan sila. Sa nababasa niya pa, kung talagang may balak daw na magpakamatay ang mga ito, bakit hindi ituloy? Bakit malayo sa palapulsuhan ang mga laslas kung talagang balak nitong magpakamatay?

"We are often fucking called attention seeker! Naiintindihan mo ba? Sa tuwing may nakakakita ng mga laslas ko, ng kung anu-anong klaseng sugat mayroon ako sa katawan ko, anong sasabihin nila? Na kailangan kong magbasa ng bible? Na kung talagang suicidal akong tao, bakit ang layo ng hiwa ko sa lugar kung saan mamamatay ako? Bakit parang kasalanan ko pang nararamdaman ko lahat ng ito?!" malakas na sabi ni Serene, wala nang pakialam sa mga makakarinig sa kan'ya.

Nag-iwas siya ng tingin kay Cody at marahas na pinunasan ang mga luhang walang tigil sa pagdaloy sa kaniyang pisngi.

"Ano pa ba? Kapag tuluyang namatay, magsisisi sila sa social media?! Magbibigay ng napakahabang mensaheng puno ng kaplastikan? Na sana nakinig sila? Na sana naniwala sila? Na sana, hindi nila ito binalewala? Hindi pa ba sapat na patunay 'yung mga namatay... t-that this mental fucking illness is real and damn serious?! Cody, there's so many people out there who are killing themselves because of the bullshit society!

"Hindi pa ba sapat lahat ng namatay na 'yon para makinig sila at maniwala? Para hindi nila balewalain ang taong humihingi lang naman ng makikinig sa kanila? Ng maniniwala? Hindi pa ba sapat lahat ng balitang narinig nila tungkol sa mga taong nagpakamatay para magbago 'yung pananaw nila?!"

This is the first time that she cried out loud after few months of being silently breaking inside. Maybe because she just can't contain it to herself anymore—initially because of what she did to Helene.

"I don't see any humanity anymore, Cody. Lahat ng humanity na nakikita natin sa social media, peke ang lahat ng 'yon! They were just showing off for the likes, for attention. Pero 'yung totoo, outside that fucking internet and social media... wala talaga silang pakialam sa mga taong hindi naman nagbibigay ng importansiya sa mundong ito. Wala talaga silang pakialam sa mga taong katulad ko!"

Mahabang katahimikan ang namagitan kay Serene at Cody. Walang ibang nagawa si Cody kung hindi ang makinig sa lahat ng sinigaw na 'yon ni Serene. Hindi niya ito masisisi kung bakit talagang nawawalan na ng pag-asa si Serene.

The world is really cruel.

People misused, and often, overused social media—to extent that some people are suffering from things like what Serene have been suffering from.

The good outcome of Serene being angry is, finally, Cody really understands her more and more. She's slowly opening her book and letting him read her in detailed, at hindi na lang basta pag-oobserba ang ginagawa niya.

Also one great thing that happened at her sudden outburst is, she cried—out loud. She needs to let go all the lumps and the sobs she's been keeping to herself. That way, she'll feel better than she was. She'll feel lighter.

"I'm glad you said all those things to me," Cody said, few minutes after Serene's sudden outburst.

Serene glanced at her but didn't talk. She's still sobbing and tears are still silently falling from her eyes.

"I was waiting for that outburst, honestly. I really wanted to know what's keeping you from asking anyone's help. To think that you also refused to ask for Psychiatrist's help, when we both know that you really need it."

Serene's right lip twitched at the mention of that profession she despised now. "Hindi ako baliw para pumunta ro'n."

"Hindi lang baliw ang nagpupunta do'n. Your mind is chaotic—you need something that will calm you. Psychiatrists have ways to treat you. They can prescribe you medicines and conduct a psychotherapy for you to feel better. Y-You're not really fine, Serene. You're million miles far from being fine," Cody calmly said.

The calmness he has right now was like an angel, Serene thought. With Cody's calmness, mas lalo nyiang naramdaman na gusto niyang umiyak.

Serene heaved a deep sigh. Ibinalik na niya ang atensiyon niya sa kalangitan. "I don't need all those things. I'm over and done with asking for help."

"You're depressed."

"I am not."

Cody sighed. "Bakit ba hindi mo aminin sa sarili mong may depression ka? You also have a severe anxiety. Gusto mo pa bang malaman kung ano ang napansin ko sa 'yo? You're...schizophrenic and—"

Mabilis na binaling ni Serene ang galit niyang mga tingin sa kaibigan matapos marinig ang mga sinabi nito.

She hates people trying to diagnose her, like Helene. Hindi siya nababaliw! Normal lang siya at hindi masamang sumuko na lang sa humanity at sa mundo mismo! She hates those people who's diagnosing her; hindi rin siya isang bagay para pag-eksperimentuhan!

"Are you a fucking doctor to diagnose me with those kinds of illness that we both know that you don't have knowledge enough?" galit na tanong ni Serene.

Cody sighed, looking down and feeling so guilty because he knew that Serene's right. Mali ang ginawa niyang pagsabi ng mga bagay na 'yon.

"I am not and I'm sorry. This is just based on my observation. Pero anong gagawin ko? Ayaw mong magpatingin. Might as well, just tell you all the things I've observed from you. It might knock some senses in you. Who knows?"

Napairap na lang si Serene sa kawalan. Hindi pa rin naaalis ang bakas ng luha sa mga pisngi niya, pero nagpapasalamat siya na humupa na ang pagluha niya ngayon.

"Wala ako ng lahat ng sinasabi mo. I am totally fine, and wanting to die doesn't mean I have an illness or something. This is just fucking normal. To not want to live anymore is just normal. To get tired of life is fucking normal and you can't convince me the otherwise."

Napabuntonghininga na lang si Cody sa katigasan ng ulo ni Serene. "I, still, am not giving up on you."

Serene smirked as they both became silent for the next few minutes and hours.

***Few days have passed, Helene has been avoiding Serene.

Makalipas ang gabing nakita ni Helene na kinukuhanan ng litrato ni Serene ang mga aklat na pinagtulungan nilang pag-ipunan, sobrang nasaktan siya na para bang wala nang halaga sa kaniya ang mga bagay na minsang naging malaking parte ng buhay nilang dalawa.

Helene is not really the type of person to collect books, but since it was Serene's thing, she helped her buy the books she wanted to be in her shelves.

And now that Serene has been taking away all the things they both used to get bond together, she can't help but feel so disappointed. She doesn't know what's happening to Serene anymore. It's like, her younger sister is losing all her shits for an unknown reason.

On the other hand, most of the posted books of Serene on her online shop account has been marked sold. Unti-unti na rin nauubos ang mga aklat niya. Sa dalawang bookshelf na mayroon siya, ang isa doon ay wala nang laman.

"Marami ka nang naibenta?" tanong ni Cody sa tabi niya habang siya ay nagtitipa sa laptop at nagre-reply sa mga chats ng kaniyang buyers.

"Hindi pa ba halata sa bookshelf kong wala nang laman ang isa?" tugon ni Serene habang nasa laptop ang buong atensiyon.

Cody laughed. "Tss, okay."

"Huwag ka na lang magsalita, Cody."

"Okay, Ma'am," Cody teased her. "Dami mo na sigurong pera niyan. Imagine, isang bookshelf wala nang laman and most of your books are in very good condition and international novel pa."

Serene glared at him."Bakit ba nangingialam ka?" masungit na tanong ni Serene habang nagtitipa sa laptop. "Manahimik ka na nga lang," ibinalik na niya ang tingin sa laptop.

Cody sighed, laughing. "Serene. You can't fool me."

"Fuck off."

Cody laughed.

***Month after that, she cleared her bookshelves. Wala nang natirang aklat kahit na isa.

She looked around her room and it feels really empty to see that all the books she collected were all gone. It hurts her feelings...so much. But holding on to things like that will not make her plans succeed. She just wanted to leave this world without having any conflict.

It's her birthday in less than three months and she doesn't feel really excited anymore. It feels like it was an ordinary day for her. Kung tutuusin nga ay ayaw na niyang umabot pa sa 23 and edad niya bago siya mamatay. Kaso, magagawa ba niya ang mga plano niyang iyon sa loob lang ng isang buwan?

"I hate looking at your room now," biglang saad ni Cody na nakaupo sa bintana ng kaniyang kuwarto.

"Bakit?"

Cody shrugged. "Ewan ko, parang ang gloomy ng dating. Wala 'yung mga aklat mo."

"Tss. It's for the best."

"So, what's your next plan?"

Humiga si Serene sa kaniyang kama at nag-isip.

"Make my mom kicked me out of this house?" Serene chuckled. "Paano ko ba magagawa 'yon, ayaw nga no'n nang nawawala ako sa bahay kahit na isang buong gabi lang."

Cody laughed as he stretched his legs onto the window he was sitting at.

"Pero hindi niya alam na kung saan-saan ka nakakapunta kapag tulog na silang lahat."

She smirked. "My mom has been treating me like a kid since before. She wouldn't allow me to go overnight at a friend's house, always texts me whenever it's night already and I wasn't home yet. Always checks up on me...ewan ko na. Cody, what do you think I'll need to do for her to not be attached with me anymore?"

Cody laughed. "Do you really think na tutulungan kita r'yan? No, Serene. I didn't sign up for this, to make the people around you suffer. I am here to make you a better person."

Inirapan niya si Cody sa sinabi nito. "Wala kang mababago sa akin. My decision is final. I am going to die."

"Until you're here, hindi ako mawawalan ng pag-asang magigising ka sa katotohanan."

Cody gave her a reassuring smile.

Tumalikod na si Serene at inisip kung ano ang puwede niyang gawin para magalit sa kaniya si Lerma.

Kailangan niya bang umuwi palagi nang lasing? Kasi iyon ang laging nagpapagalit dito.

Kailangan niya bang maging tulad ng ibang anak na rebelde? Pero sa paanong paraan naman siya magrerebelde? Magbibisyo? Magnanakaw? Ano pa? Hindi na niya alam.

The last thing she wanted to do is to disappoint her mom and make her angry. Maybe after this, she'll be free to commit a suicide.

"What are you thinking?" Cody asked her.

"Ways to make my mom loathe me."

"Tss. That won't work, really. Serene, a mom's love is unconditional. Hindi nawawala ang pagmamahal ng isang ina dahil lang gumawa siya ng malaking kasalanan. Tandaan mo 'yan."

"Gagawin ko pa rin ang lahat, Cody. I can't back out now, nagsimula na ako. I need to do this."

Cody scoffed. "Do you really think that killing yourself will solve all these issues? Ilang suicide article na ba ang nabasa mo? It prolongs the agony of the ones who were left behind. You're just making the things worse."

Serene smiled as she glanced at Cody. "And if I die, I will not witness all those hardships."

"Selfish."

Serene looked back at serious-faced Cody. She smiled a little.

"I know." Her smile vanished. "I am."

***

Few days after, inutusan siya ni Lerma na mag-deposit ng pera sa bank account nito.

"Serene, hindi ka naman busy, 'no?"

"Hindi, 'Ma. Bakit?" tugon niya.

"Paki-deposit mo nga itong suweldo ko sa saving's account ko. Nang sa gano'n, may nahuhugot tayo sa tuwing kailangan natin."

Her mom was a great money-saver. Lahat ng paraan para makatipid sila ay nagagawa nito, kaya naman alam niyang malaking pera na ang naitatabi nito sa dalas ng pagdeposito niya ng pera.

"Ah, sige, 'Ma. Gagayak lang ako."

Sa kalagitnaan ng pagligo niya ay may isang bagay siyang naisip, na alam niyang sobrang mali, pero kailangan niyang gawin.

Nagmadali siyang mag-ayos at lumabas ng kuwarto para kuhanin ang passbook at pera na ipade-deposit ni Lerma.

"Ito, 15 thousand 'to, Serene. Ingatan mo ang pera at matagal kong pinag-trabahu-an 'yan."

"Napalunok si Serene nang inabot sa kan'ya ni Lerma 'yon. "S-Sige, 'Ma."

Aalis na sana siya pero muli itong nagsalita. "Malapit na ang birthday mo. May gusto ka bang puntahan?"

Napatigil siya sa narinig. Nangilid ang mga luha niya dahil 'yon ang bagay na hindi niya naisip na maririnig niya ngayong araw, lalo pa at may naisip siyang kasalanan na hindi niya dapat gawin.

Serene looked away. "W-Wala naman, 'Ma. Ayokong mag-celebrate."

Ngumiti sa kaniya ang kaniyang ina. "Simula nung g-um-raduate ka ng college, hindi ka na rin nag-celebrate ng birthday mo. Kung may gusto kang hingin, o lugar na gustong puntahan, sabihin mo lang sa akin. Iyon na ang magiging regalo ko sa 'yo para sa tatlong taon na hindi ka nag-celebrate ng birthday mo."

Tumango na lang si Serene at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Nang nakasakay na siya ng tricycle ay ramdam niya ang pananakit ng lalamunan niya. Gusto nang lumabas ng mga luha niya pero pinipigilan niya ang mga ito. Ayaw niyang umiyak sa lugar kung saan maraming tao ang makakakita sa kaniya at huhusga sa kaniya.

Matapos niyang marinig ang lahat ng 'yon mula kay Lerma, gusto niyang umatras sa plano niya. Parang ayaw na niyang gawin pa ang mga plano niya buhat noong naisip niya 'yon noong naliligo siya.

Pero paano pa siya makakapag-back out kung nasimulan na niya ang mga plano niya at desidido na siya? Hindi na sapat ang mga kaunting liwanag na nakikita niya para huwag ituloy ang nasimulan.

It has all been planned. Nothing can make her back out from dying after making her family and other people loathe her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top