Chapter 16

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 16

Have you ever did something wrong that you almost regret doing it?


Ilang araw pa ang nagdaan, hindi pa rin nasisimulan ni Serene ang plano niyang pagbenta ng mga aklat niya. Hindi niya alam kung ano pa ang pumipigil sa kan'ya. Gusto na lang niyang tapusin ang lahat.

Isang gabi, niyaya ni Serene si Cody na umalis para lang mag-drive. Wala naman talaga siyang direksiyon at hindi naman niya talaga alam kung saan siya pupunta. Gusto niya lang mag-drive.

"So, saan mo ako balak dalhin?" natatawang tanong ni Cody na nasa tabi niya habang siya ay nagmamaneho.

"Hindi ko rin alam. Gusto ko lang mag-ubos ng gas."

"Hmm...let me guess. Nahihirapan ka kung paano mo gagawin ang plano mo, 'no?"

Umirap si Serene sa sinabi niya at huminto sa isang gas station, at nagpakarga.

"Gusto ko lang lumayo-layo, ano na namang pinagsasabi mo?"

"Wala lang. Kilalang-kilala lang talaga kita." Cody chuckled.

"Tara dito, lumapit ka. Let's take a selfie."

"Wow, bago 'yan, ah? Ngayon mo lang ako niyayang mag-selfie," natatawang sabi ni Cody bago lumapit sa kaniya.

Ni-click niya ang capture at nagpaiba-iba silang dalawa ng pose. Ilang sandali pa ay tapos na siyang magpa-gas. Kitang-kita niya kung paano siya titigan ng nagkarga ng gasoline sa sasakyan niya. 'Yung mga tingin na parang may ginawa siyang kakaiba. Umalis na siya sa gas station na iyon.

"Grabe naman makatitig 'yon, para naman akong criminal."

Cody chuckled. "Baka may ginawa kang hindi tama para sa kaniya?"

"Ano? Makipag-selfie kasama ka? What the hell is wrong with that?"

Cody shrugged his shoulder. Huminto sa pagmamaneho sa isang gilid si Serene para i-post sa Instagram ang kauna-unahang pictures nila ni Cody. Nilagyan niya ng caption na first selfies with cody.

Matapos niyang i-post 'yon ay nagtuloy-tuloy na siya sa pagmamaneho.

"You're going to regret posting that," Cody laughed.

Serene glanced at him. "Bakit?"

"People will ask you who the hell is Cody."

"Huh? Ano namang ka-regret regret do'n?"

Cody laughed. "Who the hell is Cody?" humagalpak ng tawa ito matapos sabihin iyon.

"Alam mo, para kang baliw, tumigil ka nga," pagsusungit ni Serene sa kaniya.

"Ewan ko sa 'yo. You seriously need help now, Serene," humupa na ang tawa nito. "This is getting so, so serious."

Hindi na niya pinansin ito at nagtuloy-tuloy na siya sa pagmamaneho.

Makalipas ang mahigit 30 minutes ng pagdi-drive ay alam niyang nakalayo na sila.

Narinig niya ang pagtunog ng kaniyang telepono at nakita mula sa screen nito ang pangalanni Helene. Sinagot niya ito.

"Oh, Ate?"

"Serene...where are you?"

"Nagdi-drive ako."

Diretso pa rin ang tingin niya sa daan habang kausap si Helene sa telepono.

"S-Sinong kasama mo?"

"Si Cody."

"Cody?"

"Oo, kaibigan ko. Hindi mo ba nakita ang p-in-ost ko?"

"W-Wala kang kasama sa litrato."

Bahagyang napakunot ang noo ni Serene sa sinabi ng kaniyang kapatid, pero mabilis na napalitan ng tawa.

"Tumigil ka nga, Ate. Sige na, mamaya na lang tayo mag-usap. Gusto ko munang magpahangin."

"Serene, it's three o'clock in the morning. Can't you just...come home?"

"Para ano? Sabihin na magpakunsulta sa doctor?" she joked. "Biro lang. Hindi ako makatulog, eh. Uuwi rin ako. Sige na."

Pinatay na niya ang tawag kahit na narinig pa niya mula sa kabilang linya ang boses ng kaniyang kapatid. Pinatay na rin niya ang cellphone nang sa gano'n ay hindi na siya maistorbo sa pagpapahangin.

"Ang sabi nila, kailangan kong kumunsulta ng Psychiatrist. Pero sila naman itong parang mga baliw na nagsasabing wala raw akong kasama sa litrato, kahit na nandoon ka naman."

Tumingin siya sa nasa passenger seat na si Cody at nakita niya ang seryosong mukha nito.

"Anong akala nila sa 'yo? Multo?" hinawakan niya ang braso ni Cody. "I can touch you. And you're warm. Imposibleng multo ka."

Cody smiled a little. "What if hindi naman pala multo ang ibig nilang sabihin?"

Lalong kumunot ang noo niya sa narinig mula sa lalaki. "Kung gano'n, ano?"

"Paano kung...imahinasiyon mo lang pala ang lahat ng 'to?"

She smirked. "Alam ko ang ginagawa ko. Alam ko at aware ako sa lahat ng ito. Ano, imahinasiyon lahat ng 'to? Pati ikaw?" napailing siya habang tumatawa. "Hindi pa ako nababaliw, Cody. Hindi ako nababaliw para gumawa ng imaginary friend."

"Hindi ka nababaliw...pero kailangan mo ng tulong."

Napabuntonghininga na lang si Serene at bahagyang binagalan ang pagdi-drive.

"Pati ba naman ikaw? Cody, tigilan mo nga ako tungkol sa bagay na 'yan, puwede ba? I escaped home to feel relieved from the stress and pressure they are putting in me. Huwag ka nang dumagdag."

Hindi na lang nagsalita pa si Cody at pinanood ang daan na tinatahak nila patungo sa kung saan sila dalhin ng pagmamaneho ni Serene.

***

Makalipas ang isang linggo matapos ang araw na iyon ay nakapag-desisyon na si Serene na ituloy ang plano.

"A-Ano 'yan?"

Napalingon si Serene sa kapatid na pumasok sa kaniyang kuwarto.

"I am going to sell these books," she answered while taking photos of it.

Nanlaki ang mga mata ni Helene sa isinagot sa kaniya nito. "Ano? Nababaliw ka na ba, Serene?!" bulyaw sa kaniya ni Helene. "Alam mo ba kung gaano na katagal ang mga aklat mong 'yan? Bakit bigla mo na lang ibebenta?"

Napabuntonghininga si Serene bago ibinaba ang cellphone, tsaka tumingin sa kapatid. "Ate, tumatanda na ako. At 'yung mga aklat na 'to, wala na rin naman silang silbi. Kung magiging pera 'to, malaki ang maiipon ko."

Kitang-kita ni Serene ang pangingilid ng mga luha ni Helene habang nakatitig sa mga aklat na nasa sahig at kama niya na kinukuhaan niya ng litrato.

"Serene, hindi lang sila aklat para sa 'yo," lumapit si Helene sa kaniya at kinuha ang cellphone na ipinangkukuha ng litrato sa mga ito. "Kailangan mo ba ng pera? Pahihiramin kita! Huwag mo lang ibenta ang mga 'to!"

Mabilis na hinila ni Serene ang cellphone mula sa kamay habang masama ang mga tingin niya sa kan'ya. "Ate, hindi ko kailangan ng pera, ano ba?!" naupo si Serene sa kama at pinagpatong-patong ang mga aklat na nakakalat sa kaniyang kama. "Ang laki ng space na nakukuha nito sa kuwarto ko at mas magiging maluwag at maaliwalas ang kuwarto ko kapag nawala sila."

Napapikit siya nang mariin nang marinig ang sariling sinabi.

"Eh 'di akin na! Ako na lang ang bibili! Ilalagay ko lahat sa kuwarto ko nang sa gano'n, hindi na sa iba mapunta!"

Kukuhanin na sana ni Helene ang mga aklat pero mabilis na inilayo ni Serene ang mga 'yon sa kan'ya. "Nabasa mo na rin 'yan at ayokong ibenta sa 'yo ang mga 'yan. Mainam na 'yung may ibang taong mag-aalaga sa kanila."

Napabuntonghininga na lang si Helene dahil nawawalan na siya ng pag-asa. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin sa kapatid.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?"

Hindi sumagot si Serene at itinuloy na lang ang pagsinop sa mga aklat na nakuhanan na niya ng litrato.

"Alam mo ba kung gaano katagal mong inipon ang mga aklat na 'yan? Ten years, Serene. Ten years! Tapos ibebenta mo lang na parang wala na lang silang halaga sa 'yo?"

Pinigilan ni Serene na kontrahin ang huling sinabi ni Helene dahil sa totoo lang, iyon na rin ang pinakamasakit na gagawin niya sa buong buhay niya. Pero hindi. She needs to disappoint her in order to start her plan on making them hate her.

"Serene, naaalala mo ba kung paano tayo magtulong sa pag-iipon ng pera para lang mabili natin 'yung aklat na gustong-gusto mo? 'Yung mga baon natin sa school na tinitipid natin para lang mabili natin 'yon. 'Yung... 'yung mga sale sa bookstore na pinupuntahan nating dalawa para mag-hoard ng mga murang books. Hindi mo ba naaalala 'yon?"

Napalunok si Serene nang marinig ang pait sa boses ni Helene. Ramdam na ramdam niya ang pag-init ng sulok ng mga mata niya, kasabay ng pagbara ng kung ano sa lalamunan niya.

Nasasaktan siya... pero wala nang ibang paraan kung hindi ito na lang.

"Naaalala ko. Hindi naman ako nagka-amnesia, Ate," walang emosyon na sagot niya. "And...it's all in the past."

Tumulo ang mga luha ni Helene sa sinagot niya.

"Ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo? You used to love reading! And selling these books is not fucking normal anymore, you can't argue with me!"

Galit na hinarap ni Serene si Helene sa sinabi nito. "Oh, ano? Sasabihin mo na namang magpakunsulta ako sa Psychiatrist?" matalim ang tingin ni Serene dito. "Normal lang na mawala ang pagmamahal mo sa bagay na minsan mong minahal, Ate. Umiikot ang mundo; tumatakbo ang oras. You can't just stay in love with something that doesn't make the same importance to you. Oo, mahal na mahal ko ang mga aklat na 'to, pero para saan pa ba na nandito sila? I can't fucking read a single page because I can't... I can't love them the same way I used to!"

Nag-iwas ng tingin si Serene kay Helene nang makitang nagtakip ng bibig ito upang hindi kumawala ang hikbi sa kaniyang bibig.

"I don't love reading anymore. Just... just let me let go of these."

Umalis na sa kuwarto niya si Helene habang siya naman ay kinuhang muli ang cellphone niya. Nanginginig ang mga kamay niya habang pinupulot ang mga aklat sa sahig at ibinabalik sa shelf. Ang mga luha niya ay hindi man lang umaabot sa gilid ng kaniyang mga mata—sa halip, umiinit lang ang sulok ng mga ito at parang naiipon lamang ang mga luha na dapat niyang iiyak sa lalamunan, na dahilan kung bakit sumasakit ito.

Binuksan niya ang laptop niya matapos niyang ligpitin ang mga aklat na tapos na niyang kuhanan ng litrato at inilagay roon ang mga litratong kinuhanan niya sa kaniyang cellphone.

"You're going to regret doing that thing, Serene."

Sumulyap siya sa bintana ng kaniyang kuwarto at nakita niyang nakaupo na naman doon si Cody na para bang kanina pa nandoon ito.

"Regrets have no room for me anymore. Mamamatay na rin naman ako."

"And you'll regret dying so soon. I swear."

Serene looked at Cody, irritated. "How can I regret when I am already dead?"

"You don't believe in ghosts? 'Yung mga espiritung pagala-gala sa mundo na hindi matahimik dahil hindi naman talaga nila gusto ang pagkamatay nila? Hindi ka naniniwala?" Cody laughed, trying to lighten up the mood.

Napairap si Serene sa sinabi ni Cody at ibinalik ang atensiyon sa laptop. "Why the fuck would I believe in ghosts? It's just all in the books—purely imagination."

"Then why do you believe in me?"

Muling naibalik ni Serene ang tingin kay Cody. Nakaramdam siya ng kaba.

"What do you mean?"

"You know what I mean."

Serene looked away. "Tigilan mo ako, Cody. Can you just...leave? I need to post all these books online so I can sell it."

Cody chuckled. "You're really going to regret it."

"Wala akong pakialam. C-Can you just...leave me alone? For a moment?"

Napatitig sa kaniya si Cody matapos marinig ang kaniyang hiling. Sa huli, napabuntonghininga ito bago tumango at umalis sa kaniyang kinalulugaran.

Nagbuga ng malalim na buntonghininga si Serene nang sa wakas ay mag-isa na siya. Itinuloy na niya ang pagpo-post sa online market ang mga litrato ng kaniyang aklat na parang bago pa rin sa paningin dahil sa sobrang pag-iingat.

Ihinihiwalay ni Serene ang mga aklat na nai-post na niya nang sa gano'n ay may palatandaan siya at hindi na niya maiuulit na i-post ang iba.

Sa kalagitnaan ng pagpo-post niya ay nakita niya ang aklat na iniregalo sa kaniya ng kapatid niya noong 18th birthday niya. Ito ang paborito niyang aklat sa lahat, ang Thirteen Reasons Why. Binuklat niya iyon at nakitang may sulat iyon ni Helene.

Serene,

Happy 18th birthday! I know you want to have this book, so I saved some of my money to buy it brand new. I want the best for you, and I believe you'll be of great help to other people in the future. I believe in you in everything. I love you, Sis. Happy birthday!

-Helene

Hindi na naituloy pa ni Serene ang pagpo-post nang sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya. Ipinatong niya ang ulo niya sa kaniyang study table at hinayaan ang sariling umiyak nang umiyak.

She deserves all the pain she's feeling right now. After all, sinasadya naman niyang saktan ang kaniyang pamilya, might as well, double the pain that she's feeling.

She couldn't think of anything anymore. Ang gusto na lang niya talaga ay lisanin ang mundo. 'Yun lang ang paulit-ulit na naiisip niya.

Nang humupa ang mga luha niya ay binuksan niya ang pouch niya kung saan nakalagay ang mga pang-ayos niya sa tuwing aalis siya. Kinuha niya ro'n ang cutter na palagi niyang ginagamit sa tuwing sinasaktan niya ang sarili niya.

Gusto niyang maalis ang atensiyon niya sa sakit na nararamdaman niya, papunta sa sakit ng sugat na ilalagay niya sa sarili niya.

It has always been her reason on why she harms herself. She doesn't want to focus on the mental pain she's feeling—rather, focus on the physical pain or wound because she knows that it's going to heal soon. 'Yung sakit na nararamdaman niya mentally ay triple sa sakit na nararamdaman niya sa sugat na inilalagay niya sa sarili niya.

Itinapat niya ang cutter sa kaniyang braso malapit sa kaniyang palapulsuhan at mabilis na hiniwa ito nang ilang ulit. Sa sobrang dalas niyang gawin, hindi na siya nakakapag-react sa sakit na nararamdaman niya tuwing gagawin niya ito. Parang normal na lang sa kaniya lahat.

Ibinaba niya ang cutter sa kaniyang table. Napatitig siya sa mga sugat niyang nagdurugo.

Tama iyan...iparamdam mo lang sa akin ang sakit ng sugat mo nang hindi ko maalalang nasasaktan nga pala ako.

Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang mga dugong lumabas mula rito, at pagkatapos ay isinara na ang laptop at pumunta sa bubungan kung saan siya magiging payapa.

Oo nga't maaga pa para pumunta doon, dahil 8:3o p.m. pa lang, pero sa ngayon, kailangang-kailangan na niya ng lugar kung saan madarama niya ang kapayapaan at walang problema.

Gusto niyang mapag-isa... pero alam niyang kailangan niya si Cody.

"Does hurting yourself helps you in any way?" Cody asked when she sat beside him.

She sighed. "It's diverting my attention away from the real pain I am feeling."

"Ahh, escape," Napapatangong sabi ni Cody. "Pero alam mo... hindi ka natutulungan niyan. Dinadagdagan lang niyan ang pagdurusa mo."

Serene looked away as she gulped. "Wala akong pakialam."

Kinuha ni Cody ang kaniyang kaliwang braso at itinaas ang long sleeve na suot. Binilang niya kung ilan ang peklat na nakikita mula sa kaniyang braso. Ang lahat ng ito ay mula sa kalmot at paglalaslas niya ng cutter sa kaniyang braso.

"You've got 11 visible scars and 3 slightly visible scars here in your left arm. I'm sure 'yung iba naghilom na at hindi nagmarka. Pero ito, isa na itong patunay na hindi ka natutulungan ng self-harming mo."

Hinila ni Serene ang kaniyang braso palayo kay Cody.

"Wala ka na dapat pakialam d'yan. It's not like I'll be living in this world longer, anyway."

Matapos sabihin iyon ni Serene ay napalunok siya nang maramdaman ang pananakit ng kaniyang lalamunan. Tila ba naiipon na naman ang kaniyang luha sa lalamunan. Bigla niya kasing naalala ang itsura ni Helene nang malaman nitong ibebenta niya ang mga aklat na naging parte ng kabataan nilang dalawa. Ayaw na niya sanang maulit iyon, pero kailangan niyang magmatigas. At kailangan niyang gawin 'yon.

"I need to die," is the only thing that comes out of her mouth after reminiscing what happened earlier. "I fucking need to die earlier than what I've planned."

Cody chuckled. "You don't want to die."

Tumingin nang masama si Serene kay Cody. "Ginagago mo ba ako?"

Umiling si Cody bilang tugon, tsaka ngumiti nang bahagya. "You should've seen your face when you said that you need to die. You're hesitating. And you're slowly regretting the things that you're doing right now."

Umiling si Serene at magsasalita na sanang muli ngunit hindi na naituloy nang magsalitang muli si Cody.

"Serene, you don't want to die. You just want to be found because you're lost in your own thoughts."

Serene heaved a deep sigh because of the tension she's feeling."Fuck, no. I want to die!"

Cody smiled timidly after hearing those words. Ilang ulit na nitong sinabi ang mga salitang 'yon ngayong gabi pero hindi nawawala ang pagsisisi sa mukha ni Serene. Ang sakit... ang lungkot... ang pagkaligaw.

"Look at your face. Is that the face of the person who wants to die?"

Hindi muli nakapagsalita si Serene sa itinanong sa kaniya ni Cody. Ngumiti ito sa kaniya.

"You want someone to help you. That's your reality. You want to die, but you don't actually want to do it."

Serene pursed her lips as she glared at him. Hindi niya gusto ang paglaban ni Cody sa kan'ya ngayon dahil pakiramdam niya, nahuhuli siya nito.

"Hindi sa lahat ng oras, tama ang pagbasa mo sa pagkatao ko," matigas na sagot ni Serene.

Cody nodded before he sighed. He looked at her. "Hindi sa lahat ng oras, pero tama ako sa oras na 'to. Serene, it's not the end. There's so much ahead of you. Don't be so afraid to ask for help. I still believe that there is humanity. Ask for help, Serene. Ask for their help and they will lend their helping hands for that day you'll ask them to help you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top