Chapter 15
TRIGGER WARNING!
This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.
Read at your own risk.
Chapter 15
When did you regret knowing the answers you've been looking for?
Ilang araw pa ang nagdaan, hindi pa rin tumitigil sa pag-search sa internet si Serene ng mga kasagutan sa mga tanong niya.
How to make someone not love you?
Hindi niya nagugustuhan ang mga resulta na lumalabas dahil kadalasan ay puro tungkol lang sa mga magkasintahan ang nakikita niya tulad ng—
How to make him unlove you?
How to make someone fall out of love for you?
How to make him love you more and more each day?
"Gusto ko na lang itapon ang cellphone ko sa mga cringe-worthy articles na 'to," reklamo niya matapos mabasa ang mga resulta.
Pinagtawanan siya ni Cody sa sinabi niyang 'yon. "Grabe ka naman, Serene. Hindi por que hindi 'yan ang kailangan mo, sasabihan mo na ng masama. Naglaan ng oras ang mga tao sa paggawa ng article na 'yan, oh?"
Napairap na lang si Serene. "Wow, sorry, ah? Sorry naman! Tss."
Tinawanan lang siya ni Cody. Ibinalik na niya ang sarili niya sa paghahanap ng sagot sa Google.
"You had a boyfriend, right?"
Natigilan si Serene sa tanong ni Cody. Saglit siyang napalingon dito, pero mabilis ding ibinalik sa screen ng cellphone ang atensiyon.
"Had, yes." Sagot niya habang nasa cellphone pa rin ang atensiyon. "Bakit mo naitanong?"
Cody shrugged. "Wala lang. Lagi ko lang tinatanong sarili ko, bakit mo naiisip na hindi ka kamahal-mahal? May nagmahal naman pala sa 'yo bukod sa pamilya mo. May tumanggap sa 'yo sa kabila ng lahat ng mali na naiisip mo tungkol sa 'yo, which, I can't see, though."
Nagkibit-balikat si Serene. "Hindi niya ako mahal. Baliw lang iyon sa labi ko at gusto nang nahahalikan ako."
"Paano mo nasabing hindi ka mahal?"
Ngumiti nang mapait si Serene nang maalala iyon. "Niloko ako, eh. Paulit-ulit."
"Hinayaan mong gawin niya 'yon sa 'yo?"
Hindi na lumilingon si Serene kay Cody kahit na sinasagot niya ang mga tanong nito. Nananatili lang siyang nag-i-scroll sa kaniyang cellphone. Bukod sa naghahanap siya ng sagot sa mga tanong niya, ayaw niyang makita ni Cody na pagdating sa ganitong usapan ay hindi siya talaga matapang.
"Hindi ba't kapag mahal mo ang isang tao, paulit-ulit mo itong pipiliin at patatawarin? Kahit na nasasaktan ka na, kapag ayaw mong mawala sa 'yo 'yung tao, ibababa mo na lang ang pride mo at patatawarin siya. Kahit na alam mong may tsansa na lokohin ka niya ulit, kalilimutan mo muna iyon huwag lang siya mawala."
"Mahal na mahal mo siya..."
Napakibit-balikat si Serene bago itinuloy ang pag-scroll sa internet. "Well, dati. Kaso, napupuno rin ako, 'no?" she chuckled. "Nung hindi ko na kinaya, binitawan ko na. Ang guess what? Ang gaan sa pakiramdam noong nawala siya sa buhay ko," she laughed. "After that, I promised to myself, I will never, ever, be in a relationship ever again."
"Bakit naman?"
Lumingon si Serene kay Cody at ibinaba na ang cellphone nang hindi na makahanap pa ng magandang sagot sa tanong niya sa Google.
"Excess baggage lang ang lalaki sa buhay ko. Alam mo 'yun, bata pa lang ako, nakaplano na akong hindi magkaka-asawa. Ayoko rin magkaroon ng anak. Ngayon naintindihan ko na kung bakit ko naisip 'yon. Wala pala akong plano mabuhay nang matagal."
Napanguso si Cody sa bagong kaalaman na narinig kay Serene. "Bakit mo naman naisip na ayaw mo na mag-asawa at magka-anak? Dahil ba sa ex mo? Hindi lang siya 'yung tamang taong para sa 'yo. Alam kong mayroong isang taong nakalaan para sa lahat...para rin sa 'yo."
Napairap si Serene sa narinig mula sa kaibigan. "Cody, hindi ako gano'n kababaw para magpa-apekto ng gano'n sa ex ko. Ako na mismo ang umayaw sa buhay ng may pamilya. Gusto kong ako na lang mag-isa hanggang sa dulo ng hininga ko. Labas na ang ex sa desisyon ko kasi, even before I met him, ayoko naman talaga magkaroon ng pamilya. Siguro, expected ko na rin na hindi kami talaga magtatagal no'n. Hindi ko lang talaga in-expect ay 'yung paulit-ulit akong magpapaloko," she chuckled.
"Iniisip mo ba na...lolokohin ka lang din ng mga taong susunod na mamahalin mo? Kaya pinigilan mo na kaagad ang sarili mong... pumasok sa relasiyon at mangarap ng pamilya?"
Niyakap ni Serene ang mga binti nang umihip ang malamig na hangin.
"Oo. Tulad ng sinasabi ko, hindi naman ako kamahal-mahal. There are a lot better girls than me and no man would settle for less. Of course, it will always be looks over anything else. Men could never show off their girlfriends if they're not pretty."
Nagbuntonghininga si Cody.
"You know what? I hope you see yourself...the way we see you."
"I already did."
"You see yourself so much less than what you actually are; I saw you more than what anyone can ever see you. Serene, you're like an Iceberg. Ang kaonti ng puwedeng makita at ng nakikita, but there's always this big, deep, lovable thing in you. You are way more than what you think you are. You are a work in progress, Serene—a masterpiece when done. I hope you get to see the real end of you before you could end it yourself..."
Serene couldn't felt anything, but she felt so calm. Like those were the words she needed to feel so appreciated.
"And I am still looking for the day you drop the subject and plans of killing yourself."
Tears started pooling on the side of her eyes but her emotions are not enough to make them fall.
"You'll be a great help to other people, Serene. Your words can save other people, if you would let yourself. I hope you know that."
Nag-iwas ng tingin si Serene at tumingala. Humiga siya sa bubungan at muli niyang nakita ang nagniningning na mga bituin na, ayaw man niyang aminin, ay binibigyan siya ng kaunting pag-asa. Na sa bawat kadiliman ay mayroong liwanag na mananaig. Na sa bawat lungkot at pagdurusa, mayroong isang bagay na magbibigay sa atin ng kaunting pag-asa... ng liwanag.
"You can't just say that. Hindi ka time traveller para malaman kung ano ang future."
Cody chuckled as he lay down beside her.
"Hindi nga. Pero alam kong magiging tama ako."
Serene smiled even though she felt how her heart shattered whenever she imagined herself dying in her own hands.
"I planned everything. Hindi na ako aabot ng 25, Cody. That's what I planned. Hindi na rin gumagaan ang loob ko sa mga magagandang salita mo. Do you think... you can still save me?"
She looked at him, only to find him already staring at her. It was one of her favourite things; it always feels like she's appreciated whenever someone does that.
"You can always save yourself if I couldn't. Serene, you only need to ask for your own help, in order to save you."
Muli, nag-iwas ng tingin si Serene kay Cody.
"Ayoko na rin namang mailigtas. Hindi ko rin alam kung bakit nandito ka pa, Cody. Wala ka nang mapapala sa akin."
Bumangon si Cody mula sa pagkakahiga at itinapat ang mukha sa mukha ni Serene.
"I am not giving up on you."
Naglakad palayo si Cody, akmang aalis na. Pero muling lumingon sa kaniya at binigyan siya ng sinserong ngiti.
"I promise."
***
Sa walang tigil na paghahanap ni Serene ng sagot sa internet tungkol sa kung paano siya mamamatay nang hindi makakasakit, isang sagot ang hindi niya inaasahang makikita niya. Maikling sagot, ngunit ang maikling sagot na ito ang nagbigay sa kaniya ng lahat ng kailangan niya.
How to lose someone's love for you
In order to make someone fall out of love from you, or in order to make them loathe you, you just have to fucking do whatever they don't want you to do and you'll be fucking free from their love that's caging you from doing whatever the fuck you wanna do. Amen
It was like an answer from a site wherein people can answer questions and edit the information, just like Wikipedia.
Ang bilis ng tibok ng puso ni Serene matapos mabasa iyon. Sa kalagitnaan ng pagbasa niya ng sagot na iyon ay may nag-text sa kaniyang unregistered number.
Good day, Ms. Serene Villanueva!
We read your online application and we've verified your online initial interview. You both passed initial interview and exam, and we are glad to invite you to our company for the final step before working on our company. Be sure to wear your best corporate attire!
Sinabi pa sa text kung saan ang address at kung kailan ang final interview, pero hindi na iyon pinansin pa ni Serene. In-exit niya ang iMessage application at muling binuksan ang Google tab kung saan nandoon ang sagot niya sa kaisa-isang tanong.
So I have to do these bad things... para mawala 'yung kung anuman na nararamdaman nila sa akin.
Naghalo-halo na ang tumatakbo sa isip ni Serene habang inililista sa utak niya kung anu-ano ba ang mga bagay na ayaw ng kaniyang Mama at Ate.
She used to be a role model for her cousins. Her Auntie loves her for being an outstanding student during college, which made her boxed into a personality where she can't do bad things. She was so afraid to do all the things that most of the youth are doing as of these days because she might disappoint them.
But right now, what she really want is to do all the things that will make them disappointed in her even more, to the point that they'll loathe her. She want her family to disown her so that... she can die peacefully.
2:34 a.m. came and they met again in the roof.
"So, what is it that you look so serene right now?"
She heaved a very deep sigh.
"I know what to do."
Cody's forehead creased. "Ano?"
"I know how to make my family loathe and disown me."
Napaawang ang bibig ni Cody sa sinabi niya. "What? All this time, 'yan talaga ang pinag-iisipan mong mabuti?" hindi makapaniwalang tanong ni Cody sa kaniya.
Niyakap ni Serene ang mga binti at ipinatong ang baba sa kaniyang tuhod bago lumingon sa kaibigan.
"Hindi ba't sabi ko naman sa 'yo? I've planned everything out and no words from you can make me withdraw from this..."
Cody pursed his lips as his hands turned into fist. "Fuck those plans, hindi pa rin ako susuko sa 'yo."
Serene chuckled.
"Sana 'wag ka rin sumuko sa sarili mo." Dagdag niya.
"Ngayon mo pa ba sasabihin sa akin 'yan, Cody? Really?" Serene laughed. "Ngayon pa na unti-unti nang nabubuo ang mga plano ko?"
Cody gulped. His friend looks determined more than ever. "Hangga't nakikita ko ang mga malulungkot na mga mata mo...alam kong may pag-asa pa na mailigtas ka."
Hindi na nagsalita pa si Serene. Nanatili na lang siya sa ganoong posisyon habang nakatingin sa kawalan.
"You looked calm but nothing ever changes in you."
Serene smiled as her eyes are still darted in the dark sky. "I am happy, Cody. I am happy that I finally found the answer to the question that's been going on with my mind."
Cody smirked. "You don't look happy at all. You're just... calm."
"Cody..."
Cody glanced at her only to find her in the same position. She doesn't even bother to look at him. She's just feeling the cold wind in her face and she's enjoying it.
"I'll be a very, very bad person from now on. Will you still stay?"
Cody scoffed. "Of course. And do you think I will let you do stupid things again without trying to stop you?"
Again, Serene smiled a little. She didn't understand why she felt so empty after knowing the answer to her question.
"Gusto kong gawin lahat ng bagay na hindi ko nagawa habang nabubuhay pa ako. Kaso...hindi ko naman alam kung anu-ano 'yon."
Cody sighed. "As long as you're not going to harm yourself, I will let you do everything you want."
"Are you going to be with me for that whole time?"
"Oo naman."
"Kapag ba tinakasan ko 'tong lugar na ito...sasama ka pa rin?"
Ipinatong ni Cody ang kamay sa ulo ni Serene at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok. "Hindi ko hahayaang mag-isa ka lang sa pagkilala sa sarili mo."
Ipinatong ni Serene ang ulo niya sa balikat ni Cody at ipinikit ang mga mata.
"I hope you'll stay with me until the end. I want you to be the last person I see before I took this life."
"And I will never let you took your own life, Serene."
Hindi na sumagot pa si Serene at nanatili na lang na nakapatong ang kaniyang ulo sa balikat ni Cody.
Sa totoo lang ay hindi naging masaya si Serene nang nalaman niya ang kaisa-isang sagot sa tanong niya. Gusto niyang ibalik ang oras; gusto niyang huwag na lang malaman. Gusto niyang bawiin ang ginawa niyang pag-alam sa kung paano mawawala ang pagmamahal ng pamilya niya sa kaniya.
Pero dahil sa kagustuhan niyang malaman iyon, hindi na niya mababawi pa ito.
Kung sakali man magkatotoo na mawala ang pagmamahal sa kaniya ng pamilya niya, iniisip niya pa lang ay sobrang nasasaktan na siya. Baka nga iyon na ang maging dahilan at magtulak sa kaniya para magpakamatay, tutal iyon naman ang gusto niya.
Pero bakit ngayon... nagdadalawang isip na siya?
***
Unang bagay na pumasok sa isip niya oras na imulat ang kaniyang mga mata ay kung paano niya idi-disappoint ang kapatid na si Helene.
Sa simula pa lang, siya na ang naniwala sa kaniyang kaya niya. Sa umpisa pa lang, ito na ang numero unong taong sumuporta sa kaniya sa lahat ng gusto niya. Sa tuwing kailangan o gusto niya ang isang bagay, lagi siyang tinutulungan nito at kung kailangan niya ng dagdag na pera para mabili ang isang bagay na gustong-gusto niya, binibigyan siya nito.
Serene looked around her room.
Napakaraming aklat ang nasa shelf niya. Ang lahat ng iyon ay nabasa na niya at kahit ang ibang hindi niya nagustuhan ay hindi niya pinamimigay o binebenta kasi para sa kaniya, ang bawat aklat ay mahalaga at may kani-kaniyang kuwento.
Ilan sa mga aklat nito ay tinulungan siya ni Helene na bilhin at ang ilan ay kusang ibinigay sa kaniya. May mga ilan pa nga rito na may sign ng author ng aklat. Pero kailangan na niyang ibenta ang lahat ng iyon. Baka sakaling mawala ang pagmamahal sa kaniya ng kapatid kapag ginawa iyon.
Pero hindi pa siya handa na gawin iyon sa ngayon.
Hindi niya pa kayang pakawalan na lang ang mga aklat na iyon na minsan niyang minahal nang sobra.
Hindi niya pa kaya na bitawan na lang nang basta ang mga ito, gayong naging malaking parte ng buhay niya ang pagbasa ng aklat na iyon.
***
"Hindi ko pa kaya..." sabi ni Serene bago ininom ang nilalamang alak ng bote na itinakas niya papasok sa loob.
"Ang alin?" tanong ni Cody na pinanonood lang siya.
"Ibenta ang aklat na inipon ko."
Nagbuga ng malalim na buntonghininga si Cody.
"Hindi mo naman kasi kailangang gawin 'yon."
Serene glared at him for going against her again. "Kailangan, Cody! Kailangan! Paano sila mawawala sa akin kung hindi ko gagawin 'yung mga bagay na ayaw nilang gawin ko? I need to become their greatest disappointment in order to fucking die in peace."
Bahagyang tumaas ang kanang labi ni Cody.
"Dalawang linggo mo nang pinag-iisipang gawin 'yan at hanggang ngayon, hindi mo pa rin nagagawa. You know, you can just fucking drop that thing and let yourself live. Hindi ba pwedeng ang paghahanap ng purpose mo sa buhay ang gawin mong dahilan para mabuhay?"
Serene laughed. "Habang buhay ko nang hahanapin ang purpose ko, Cody? Anong kagaguhan 'yon? Hindi ganoon ang buhay na gusto ko!"
Napabuntonghininga si Cody. "Serene, just... stop. Please. You're being too hard on yourself."
Marahas na umiling si Serene sa sinabi nito. "No. I need to. I need to disappoint them."
"But do you need to disappoint yourself too? Alam kong ayaw mo ring gawin 'yan. You know, books used to be your life. You earn all those books for more than a decade and now, you're going to let go of them like it's nothing? If you really want to die, at least, 'wag mo idamay 'yung mga aklat na 'yon. Let them live in the place na naging kumportable sila at minahal sila nang totoo."
Inirapan na lang niya ito, pagkatapos ay inubos na ang laman ng bote.
"As if you really want me to die."
Cody chuckled slightly. "I don't. Really. Pero sinasabi ko 'to para huwag mo nang idamay ang mga aklat mong wala namang kinalaman sa lahat ng 'to."
Hindi na siya pinansin pa ni Serene. Sa halip, nagbukas na lang ito ng panibagong bote ng beer at ininom ulit.
"Hindi ka man lang ba iinom?" tanong ni Serene kay Cody.
Mabilis na umiling ito sa kan'ya. "Ayoko. Ikaw na lang," he winked at her that made her face frown.
____
...
-mari
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top