Chapter 12

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 12

When did you first feel that you are fooled by your family?


Kinabukasan, tulad ng sinabi ni Helene, ay namasyal silang dalawa ni Serene.

Masayang-masaya si Serene dahil sa wakas, magkakaroon na ulit sila ng bonding na magkapatid. Ito 'yung mga bagay na gusto niya, e.h 'Yung kasama niya ang kapatid niya, na nakikipag-bonding siya kay Helene para kahit papaano, makalimutan niya ang iniisip niya.

She was so happy. She used the clothes that Helene gave her last Christmas. Pero nang makita niya ang kaniyang nakatatandang kapatid, parang ito ang may problema. She doesn't seem to be her usual self. Para kay Serene, parang may pino-problema ang kaniyang kapatid.

Dalawang linggo na simula noong umuwi si Serene galing Bohol. Mas nakita ni Helene ang senyales ng mga pagbabago ng kapatid, kaya naman kahit na ayaw niya, kinailangan niyang gawin ito.

Matapos nilang mamili sa mall at kumain sa restaurant, sumakay sila ng taxi.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Serene.

Napalunok si Helene sa kaba, bago nag-iwas ng tingin. "Ahh, basta. Hintayin mo na lang, Serene."

Ilang minuto lang ang nagdaan, nakita na ni Serene kung saan talaga sila pupunta. Nag-alab ang galit sa damdamin ni Serene nang mapagtanto kung nasaan sila.

"S-Serene..."

Masama ang mga tingin ni Serene nang lumingon siya kay Helene. Bakas na bakas ang takot sa mga mata nito, ang guilt... ang lungkot.

"Hindi ako papasok d'yan," matigas na sabi ni Serene sa kaniyang kapatid.

Nagbayad na ng taxi si Helene bago hinila palabas si Serene. Ilang beses siyang nagpumiglas pero wala siyang nagawa kung hindi ang lumabas na lang ng sasakyan.

"Ano ba, Ate?!"

"Para sa 'yo 'to, Serene! Kailangan mo nang magpakunsulta ng doctor!"

Hindi nagpatalo si Serene. Paulit-ulit siyang nagpumiglas sa bawat hila sa kan'ya ng kapatid papalapit sa clinic na 'yon.

"Ate naman!!! Hindi ako nababaliw! Ano bang pumasok sa kukote mo at dinala mo ako sa isang Psychiatrist? Ako ba ang nababaliw o ikaw? Ate, napakaayos ng pag-iisip ko!"

"Maayos?!" hinila ni Helene ang braso at itinaas ang long sleeve ng damit na suot niya. "Tingnan mo nga 'yan, 'yan na ang maayos ang pag-iisip?!"

In her arms are scars and fresh wounds. Ang iba naman ay pagaling na. Up until now, she still doesn't know that she's doing it. Nagugulat na lang talaga siya na may sugat siya.

Ang dami... at hindi niya namamalayan 'yon.

Para kay Serene, hindi 'yon sapat para masabing nababaliw na siya o may sakit siya sa pag-iisip. She's just not aware of what she's doing. She's been like that for so many years. Kaya nga sobrang nipis na ng buhok niya, eh. Hindi siya aware na nagbubunot siya ng buhok. Noon pa nila alam iyon, pero bakit ngayon pa nila siya dadalhin sa eksperto?

Bakit ngayon pa?

"I told you I wasn't aware!"

"Kaya nga tayo nandito, eh! Para malaman natin kung ano ang mali sa 'yo!"

She scoffed as she took a step back, away from Helene. "Hinding-hindi ako papasok d'yan, Ate. Kahit na anong mangyari. Mamamatay muna ako bago maisip ng mga taong nababaliw na ako."

Helene sighed in frustration. "Hindi naman por que kumunsulta ka ng doctor, nababaliw ka na!"

"Pero hindi mo dapat gawin sa akin 'to!" she shouted. "You could've asked me! You could've told me in a nicer way, pero anong ginawa mo? You fooled me, Ate. Alam mo ba na ang saya saya ko kasi sa wakas, magkaka-bonding na ulit tayo? We used to be this close before kaya umasa ako na gano'n ulit, na magiging bonding ulit natin 'to. I never thought that you could do this to me!"

Nakita ni Serene kung paano umagos ang mga luha mula sa mata ng kaniyang kapatid. Nasaktan siya sa nakitang 'yon at gusto niya rin na umiyak pero tila wala na siyang tubig na mailalabas pa sa kaniyang katawan.

"Natatakot lang ako sa mga nangyayari sa 'yo, Serene. Ilang beses na kitang naririnig na may kausap kahit na kung titingnan ko, parang wala naman. Natatakot ako para sa 'yo kaya ko nagawa ito. I am so sorry."

Umiling nang umiling si Serene sa narinig.

"You think I'm going insane? Cody is my friend. Hindi ko alam kung bakit ka nagkaka-ganyan, Ate. I think, you're the one who's going insane here."

Mabilis siyang nakatanggap ng sampal mula dito. Nasaktan siya, oo. Pero mas nasaktan siya sa katotohanang nagawa siyang saktan ng kaniyang kapatid.

"Hindi ba masakit marinig? Wala pa 'yan sa ginawa mo sa akin ngayon, Ate. Tandaan mo 'to, Ate. I will never, ever, go to a Psychologist or Psychiatrist. Mamamatay muna ako bago mangyari 'yon."

Matapos niyang sabihin ang lahat ng iyon ay iniwanan na niya si Helene sa harap ng clinic na iyon at sumakay ng bus.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta.

Parang ang buhay niya. Walang direksiyon.

Tinawagan niya ang numero ng kaisa-isang kaibigan niyang nakakaintindi sa kaniya.

"Hi," he said.

"Let's meet."

"Saan?"

"I want to drink."

"Ohh, okay. Saan tayo magkikita?"

"Pag-iisipan ko. Text ko na lang sa 'yo ang address."

Matapos no'n ay pinagpatayan na niya ito ng tawag.

Muli niyang naalala ang pag-iyak ni Helene sa harap niya at ang pagsampal nito sa kaniya. Sobrang sakit sa damdamin niya no'n. Sobrang sakit para sa kaniya no'n. Ang bigat bigat na ng loob niya—ng pakiramdam niya. Pero kahit anong pilit niya, hindi siya maiyak.

She wanted to cry. What she hates the most is seeing Helene and Lerma cried... and it happened today. Serene saw how hurt Helene was. At sobrang sakit no'n para sa kaniya. Pero bakit hindi niya kayang umiyak?

Now, all she wants is to get drunk. Maybe it'll help her cry.

Nang makarating siya sa Seaside, kung saan muna sila magkikita, mabilis din na dumating si Cody.

"Ang bilis mo naman," she said.

"Siyempre," he answered before sitting beside her. "Ang aga naman natin magba-bar," Cody laughed.

"Of course not, mamamasyal tayo ngayon."

"Saan?"

"Around this place. I just want to unwind." She heaved a sigh. "Aaahhh, fuck this self. Bakit kasi hindi na lang mamatay, eh."

"Serene," Cody called her in his authoritative voice.

"What?"

"What the fuck is wrong with you right now?"

Serene chuckled. "What? This is the usual, helpless, me. Ano pa bang bago?"

He shook his head. "No way. You're way beyond that right now. You look so vulnerable. Ano bang nangyari habang wala ako?"

She laughed. "Wala! Anong mangyayari? Wala nga akong magawa sa buhay ko, eh. So, walang mangyayari."

"Then I think I should go. Ayaw mo namang magsabi."

Serene felt alone for that second. It hurts her... and she felt betrayed again. "Cody, pati ba naman ikaw?"

Tumingin sa paligid si Serene at nakitang pinagtitinginan siya ng mga tao sa hindi niya maintindihang dahilan. Tumayo siya at naglakad paalis doon. Sinundan siya si Cody.

"Alam mo kung bakit nag-e-exist ako sa mundong ito?"

"Hindi. Existence ko nga hindi ko malaman kung para saan, eh. Tapos itatanong mo pa sa akin kung para saan ka nabubuhay?" she scoffed as she walked away.

"Serene, will you fucking listen to me?" napatigil sa paglalakad si Serene at nakita ang kunot-noong si Cody na nasa harap niya ngayon. "I exist because of you."

She smirked. "What the hell are you saying?"

"Serene, why don't you feel thankful because someone exists because of you? I owe you my life, and I am more than thankful."

She laughed. "Kung sinasabi mo lang 'yan para i-comfort ako, tumigil ka na. Cody, I never treasured you for your sugar-coated comforting words. I want your hurtful words."

"I never sugar-coat anything, you must know that first and foremost. What I am saying is what I really feel. Now, please, tell me what's bothering you. At puwede bang tumigil ka sa pagtawa? Walang nakakatawa, Serene. If that's your defense mechanism to hide what you truly feel, then stop it. That's not fucking healthy."

Umiling nang umiling si Serene habang inaalala ang lahat ng nangyari kanina. She wanted to cry pero hindi niya magawa.

"Alam mo kung ano ang gusto ko ngayon? Gusto kong umiyak."

"Eh 'di gawin mo."

She started walking again. "'Yun na nga, eh. Hindi ko magawa, Cody. I want to... cry. 'Yun lang, then I can breathe fine again. Ang sakit sa damdamin na hindi ko magawang umiyak. Iyakin akong tao. Pero bakit ngayong gusto kong umiyak, hindi ko magawa?"

"Gusto mong umiyak?"

"Oo."

"Bakit hindi ka umiyak?"

Serene glared at him. She's annoyed. "Hindi ko nga magawa, bakit ba paulit-ulit ka?"

He smirked. "You don't want to cry. That's the truth."

Umirap si Serene kay Cody at nagmadali na sa paglalakad.

"Hindi mo na rin ba ako naiintindihan?"

"Naiintindihan nga kita kaya nga nasabi ko 'yon, eh."

"Gusto ko ngang umiyak!" tumataas na ang boses ni Serene, at mas dumarami na rin ang tumitingin sa kan'yang mga tao.

At hindi niya pa rin alam kung bakit.

"Ayaw mo nga, kaya nga ayaw lumabas ng luha mo, eh."

"Alam mo, paulit-ulit na lang tayo."

Cody laughed. "Okay, okay. Saan na tayo?"

"I wanted to drink. Alagaan mo ako kapag nalasing ako, ha?"

Cody chuckled at Serene's cute remark. "Sure, Ma'am."

Nagsimula silang maglakad-lakad sa paligid ng Seaside. Maraming tao ang tumitingin sa kanila, at kahit nagtataka si Serene, hindi na niya ito pinapansin.

Siguradong hinuhusgahan na naman nila ako sa paningin nila... tanging naisip ni Serene.

Nang magdilim ay kumain si Serene at Cody sa isang restaurant, pero sabi ni Cody, busog pa siya kaya inorder na lang niya ito ng drinks. Kitang-kita sa mga mata ng waiter kung paano siya tingnan nito, na para bang napaka-weird niyang tao, nang ibinaba nito ang drinks sa harap niya.

"What's wrong?" Serene asks the waiter.

Mabilis na nag-iwas ng tingin sa kan'ya ang waiter. "W-Wala po."

Tumango na lang si Serene at sinenyasan si Cody na huwag na iyong pansinin at inumin na lang ang drinks na inorder ni Serene para sa kaniya.

"Aren't you scared?" Cody asked her.

"About what?"

"People are staring at you like you were something so... weird. Kanina ko pa napapansin 'yon."

"Tss. Hayaan mo sila. Lumuwa sana ang mga mata nila. Mga bwisit sila."

Cody laughed. "You really are in trouble like now."

"Bakit?"

"We get to hangout on public and not during on midnights."

Napakunot ang noo ni Serene. "And... what so wrong with that?"

Cody smiled. "Everything is wrong, Serene. You'll figure out soon."

Hindi na pinansin ni Serene ang sinabing 'yon ni Cody at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos kumain ay kinuha na niya ang bill at inaya nang umalis si Cody.

"Kinikilabutan ako," rinig ni Serene sa isang tao bago sila tuluyang lumabas ng restaurant.

Tila wala na siyang pakialam sa lahat ng naririnig niya sa mga tao. Ang tanging gusto lang ngayon ni Serene ay ang makalimutan ang lahat ng nangyari kanina.

Sumakay sila ng taxi at nagpahatid sa driver sa bar na pupuntahan nila.

"It's been a while since the last time I went to a bar. Feeling ko tuloy first time ko ngayon," she chuckled.

"Magiging okay ka kaya?"

Serene smiled at him. "Oo naman. At... nand'yan ka naman."

Nakita ni Serene na sumulyap mula sa rearview mirror ang driver. Ilang saglit lang, ibinalik na nito ang tingin sa daan. Hindi man pansinin ni Serene ay nagtataka na rin siya.

Nang makarating na sila sa bar, binayaran na niya ang driver ng taxi tsaka lumabas. Pumasok sila sa loob ng bar kung saan siya magpapakalunod sa alak. Naupo siya sa isang high chair habang si Cody ay nakasandal lamang at nakatayo sa gilid niya.

Dinaluhan siya kaagad ng bartender at umorder siya ng dalawang shot ng Whiskey.

"Coming up!" masiglang sabi nito habang nakatitig sa kan'ya, nakangiti.

Hinintay nila na dumating ang order nilang alak at nanood na lang sa mga taong lasing na nagsasayawan sa gitna ng dance floor.

Cody laughed. "I can't wait to see you dance there."

"Tss. Cody, malalasing ako pero alam ko naman ang mga gagawin ko after that,'no?"

Inikot pa nila ang kanilang paningin at tunay nga namang nandito na yata ang lahat ng klase ng mga tao.

May mga malapit sa kanila na umiiyak sa bar stool habang umiinom ng alak, may mga naghahalikan, o halos mag-sex na sa couch, mayroong mga naninigarilyo, at karamihan ay nagsasaya.

"Here's your order, Ma'am. Enjoy."

Ibinaba ng bartender sa harap niya ang dalawang shot ng Whiskey. Maganda ang mga ngiti nito sa kan'ya bago siya naunang nag-iwas ng tingin sa lalaki. Kinuha niya ang isa at hinintay si Cody para makapag-cheers sila.

"Ano? D'yan na lang 'yan?"

"Mamaya na ako." Cody smiled. "Gusto kong makasiguradong okay ka bago ako magsaya dito."

Serene rolled her eyes at him. "KJ mo."

"Hindi naman ako ang gustong uminom." Cody laughed. "At isa pa, 'yung fact na nandito ako kasama ka at ang maraming tao rito, sapat na para ma-enjoy ko ang gabing ito."

Inirapan na lamang ni Serene ang kasama tsaka ininom nang straight ang laman ng kupita. Napaubo at halos magsuka si Serene sa nalasap na lasa ng napakatapang na alak na kaniyang ininom nang diretso.

"Putangina!" malakas na bulalas niya pagkatapos ay marahas na pinunasan ang bibig. "Ang sakit sa lalamunan, tangina!"

Tumawa nang malakas si Cody sa nakita, at pagkatapos ay hinagod ang likuran niya.

"May lemon at asin, Serene. Bakit hindi mo ini-squeeze sa bibig mo?" natatawang sabi nito sa kaniya. Hindi niya ito pinansin. "Ano? Kaya pa?"

She glared at him. "This is nothing. I'm here to get wasted."

Napailing na lang si Cody sa lahat ng sinabi at ginawa ni Serene.

Um-order pa ng ilang shot ng iba't-ibang klase ng alak si Serene, at ilang sandali pa ay naramdaman na niya nang sobra ang tama ng mga ito sa kaniya.

"Another shot of Tequila, please!" Serene said in a tipsy voice.

"Ma'am, hindi niyo po ba ito iinumin?" tanong ng bartender sa kaniya, patungkol sa naunang Whiskey na in-order niya na para sana kay Cody.

"Ah...kay Cody 'yan!" she said, then chuckled. She glared at Cody, who's just laughing at her. "Ang arte arte, eh."

"Ahh, o-okay, Ma'am."

Umalis na ulit ito para gawin ang order niya. Maya-maya ay bumalik ito dala ang order niya.

"Ma'am, may kasama ho ba kayo? Mukhang sobrang lasing na kayo, ah?"

Based on Serene's judgement, the bartender looks like a boy next door who would easily play a girl's heart with just his pretty smile. She ignored it all and treated him the way she did earlier.

She hates this kind of men.

"Meron!" she answered, before drinking the Tequila straight, na para bang tubig na lang ito para sa kaniya. "He's just there, watching me. Hayaan mo siya."

Napatango na lamang ang bartender sa isinagot niya.

Nang maramdaman ang sobrang hilo at pagkabigat ng kaniyang ulo, ipinatong na niya ito sa table at ipinikit ang mga mata.

Narinig niya ang malalakas na sigawan ng mga tao nang mas lalong lumakas ang tugtugan at nang marinig niya ang tunog ng pausok sa stage. Nagtatawanan ang mga tao at nagkakasiyahan habang siya ay hindi maintindihan kung ano ang dapat na maramdaman.

"Buti pa sila..." she said in a tipsy, low voice. "Kilala nila ang sarili nila..."

A tear fell from her eyes and she didn't notice it.

"Buti pa sila...alam nila kung ano ang dapat na maramdaman nila..."

Another tear, and another, fell from her eyes again, and not one of it was realized by her because she felt numb. The alcohol she drunk made her numb.

"Sana kilala ko rin sarili ko..."

Ilang sandali pa ay iminulat niya ang mga mata niya at nakita niyang wala na roon si Cody, pero nandoon pa rin ang shot glass na may lamang Whiskey.

She saw a faint view of the bartender in her peripheral vision that he's watching her but she ignored it all. Naisip niya na baka katulad lang ang lalaking ito ng mga taong humusga sa kan'ya.

Nakatingin siya kasi humuhusga siya. Tangina niya.

Dumodoble at tumitriple na ang paningin ni Serene sa sobrang kalasingan pero pinilit niya pa rin na hanapin si Cody, ngunit wala talaga, hindi niya makita.

Binayaran niya ang bill niya sa bar bago napagpasyahang umalis na roon.

Gumegewang siya habang naglalakad palabas ng bar, at nang tuluyan na siyang makalabas, nakaramdam siya ng kaginhawaan sa kaniyang pandinig. Mahina na ang mga tug nang siya ay makalabas na at wala nang mga tao ang naghihiyawan at nagtatawanan.

Muli siyang naglakad-lakad palayo sa bar na iyon habang gumagabay sa pader sa kaniyang gilid upang hindi siya matumba. Ilang sandali pa, nakakita siya ng isang waiting shed na walang tao. Naupo siya roon at ipinikit ang mga mata. Ngunit hindi na niya mapigilan ang sariling antok, gusto na niyang matulog. Tuluyan na niyang inihiga ang kaniyang katawan sa waiting shed na 'yon. Ilang sandali pa, narinig na niya ang malakas na tunog ng pagbuhos ng ulan.

She laughed.

Ang bait pa rin ng Panginoon sa kaniya, binigyan siya ng masisilungan na waiting shed bago tuluyang bumuhos ang ulan.

Ilang minuto pa siyang pumikit doon bago niya naramdaman ang lahat ng gusto niyang maramdaman.

Para sa kaniya, ang nangyari kanina kasama si Helene ay isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay niya. Maraming pangyayari sa buhay niya ang hindi na niya kayang kalimutan pa; mga dahilan kung bakit nagkakaganito siya ngayon. Pero iyon... isa iyon sa pinakamasakit... at hindi niya malilimutan.

"Hindi pa ako... nababaliw..." pahina nang pahina ang boses na sabi niya sa sarili niya.

Naniniwala siya sa sarili niya na maayos siya; na hindi talaga niya kailangang kumunsulta ng doctor dahil para sa kaniya, wala siyang ginagawang kakaiba.

Ang magkaroon ng suicidal thoughts, paminsan-minsang pananakit sa kaniyang sarili, para sa kaniya ay normal lamang. Para sa kaniya, walang mali ro'n dahil normal na nararamdaman lamang iyon ng mga kabataan ngayon.

Kaya't hindi niya matanggap kung bakit ginawa iyon sa kaniya ng kapatid niya.

Bakit? Ang tingin ba nito sa kaniya ay nababaliw na siya?

Bakit nilinlang siya nito? Bakit kailangan niya pa siyang paasahin na magbo-bonding lamang sila ngunit ang totoo ay lihim lamang siyang dadalhin sa Psychiatrist? Bakit hindi siya nito tinanong?

Sobrang daming tanong ang dumagdag sa iniisip niya, ngunit isa lamang ang nangingibabaw sa kaniya.

Gusto ko nang mamatay.

Ginaw na ginaw na siya, pero wala na siyang pakialam. Mas gusto niya ang pakiramdam ngayon sa kung nasaan siya kaysa sa nasa bahay siya.

Muli niyang naalala ang kanta na nagpapakalma sa kaniya sa tuwing dumarami lalo ang kaniyang naiisip.

"Just close your eyes, the sun is going down..."

Kumanta siya gamit ang kaniyang nanginginig ay lasing na boses.

"You'll be alright...no one can hurt you now..."

Ang mga luhang kanina niya pa gusto maramdaman ay nararamdaman na niya ngayong mainit na tumutulo mula sa kaniyang mga mata.

"Come morning light..."

Isa lang naman ang gusto niya sa buhay niya, ang malaman kung ano ba ang dahilan ng pagkabuhay niya.

"You and I'll be safe... and, sound..."

Ngunit dalawampu't dalawang taon na siyang nabubuhay sa mundo... at hindi niya pa rin alam kung ano ba talaga ang tungkulin niya. Kaya naman naisip niya, kung hindi niya malalaman kung ano ang mga 'yon at kung hindi niya rin makikilala ang sarili niya tulad ng pagkakakilala ng iba sa sarili nila, mas mabuti pa na mamatay na lamang siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top