Chapter 11
TRIGGER WARNING!
This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.
Read at your own risk.
Chapter 11
When did feel very humiliated with yourself?
Days after ng naging island hopping nila ay namasiyal na lang sila sa paligid ng Alona Beach. Maraming pasyalan doon. May mga restaurants na nagluluto ng mga fresh seafoods na talaga namang nagustuhan ni Serene dahil seafood sang paborito niyang klase ng pagkain.
Hindi kayang itanggi ni Serene ang saya sa puso niya. Ang dami na niyang napatunayan sa sarili niya sa loob lang ng ilang araw na pamamalagi niya sa Bohol.
Lumipat na sila ng hotel. Nasa Blue Water Panglao Beach Resort na sila ngayon naka-check in kung saan gaganapin ang kasal ng kaniyang pinsan na lumaki sa ibang bansa. Kaya naman kahit mabait ito sa kaniya, hindi niya magawang kausapin dahil pakiramdam niya, ang baba niya kumpara dito.
"Tita, labas lang ako," pagpapaalam niya.
"Where are you going?"
"Beach lang po, magpapahangin."
"Okay. Be back agad, ha?"
"Yes po."
Nagsuot siya ng jacket dahil malamig naman talaga sa labas. Gusto niya lang din maramdaman 'yung beach nang siya lang mag-isa.
Pakiramdam niya rin kasi, kailangan niyang lumabas. Hindi niya alam kung bakit.
Naglakad-lakad siya sa gilid ng dagat habang maraming mga turista at mga foreigners na nakakasalubong. She doesn't care. Naririnig niya ang ingay ng mga ito at hindi niya iyon gusto, kaya naman nagpapasalamat siya na nasa bulsa ng jacket niya ang earphone niya. Isinaksak niya ito sa kaniyang cellphone at inilagay ang earbuds sa tainga tsaka nakinig na lamang ng mga kanta.
Nakikinig lang siya ng kanta na nagpi-play sa Spotify playlist na ginawa niya, at hindi niya maintindihan kung bakit mayroong kanta na nagpi-play sa playlist niya na hindi naman siya pamilyar.
"Wait a second,
Why should you care, what they think of youWhen you're all alone, by yourself Do you like you? Do you like you?"
Huminto siya sa paglalakad tsaka naupo sa buhanginan malapit sa dagat, pinakinggang mabuti ang sinasabi ng kanta. Hindi niya maintindihan kung bakit naririnig niya ang kantang iyon. Bakit mayroon siya no'n sa playlist na ginawa niya mismo? Sino kaya ang naglagay? May iba kayang gumagamit ng account niya?
"Take your make up off
Let your hair downTake a breath Look into the mirror, at yourselfDon't you like you? Cause I like you..."
Nang matapos ang kanta, may kung ano siyang naramdaman sa lalamunan na masakit, parang may bumara. Parang gusto niyang umiyak, pero hindi niya maintindihan kung bakit.
"Do you like it?"
Napalingon siya sa nagsalita sa gilid niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang taong iyon.
"Cody!" masayang pagtawag niya sa pangalan ng kaniyang kaibigan.
He chuckled. "Hi, Serene..."
Maganda at malawak ang mga ngiti ni Serene nang makita ang kaibigan. Hindi maalis ang mga titig niya rito kahit na natatakpan na paminsan-minsan ang mukha niya ng buhok dahil sa lakas ng hangin. Bakas na bakas din ang lakas ng hangin dahil sa kung paano tangayin ang buhok ni Cody.
"Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo sa Bohol?" masayang tanong ni Serene.
Cody smiled. "I think, my friend needs me."
"Your friend?"
Cody looked at her. "You."
Serene laughed. "Paano mo naman nasabi?"
He shrugged his shoulders. "Nararamdaman ko kasi 'yung kung anong nararamdaman mo."
Ibinalik ni Serene ang atensiyon sa dagat na tahimik na umaalon nang mahina.
"Okay ako ngayon, Cody."
Cody chuckled. "Really?"
Serene nodded. "Fortunately, yes. Maybe travelling a million miles really do help me."
"What did you do here?"
Serene sighed as she felt the cold breeze, making her hug herself. "Well, I sort of...conquer some of my fears. Like... 'yung fear ko sa height. We went hiking in Chocolate Hills, we rode a boat, a ferry. You know, I was so afraid before we could even do it, and now...I realized, sarili ko lang pala ang tinatakot ko. That... there's nothing to be afraid of with experiencing new things. With... exploring."
Cody smiled a little. "If you're okay...then, why am I here?"
Tumingin si Serene kay Cody at nakita niyang nakahiga na ito sa buhanginan, ginagawang unan ang dalawang braso.
"I don't know. Ikaw ang pumunta dito, eh."
Cody laughed. "There are a lot of reasons on why we kept on meeting each other, Serene. And it's not my decision to be here—it's yours," he glanced at her. "You called me here."
Nanlaki ang mga mata ni Serene sa sinabi ni Cody. "W-What? I did not."
"You do. Now, tell me what's going on with your mind."
And with those words, she felt cornered again. Nag-iwas siya ng tingin bago nagbuntonghininga.
"Iniisip ko lang kung ano nang mangyayari pagkatapos nito. Pagkauwi ko sa bahay, alam naman natin na... back to normal na ulit. Na, ako pa rin 'yung Serene na nagkukulong sa bahay, tumatambay sa bubungan at gising sa gabi. Alam mo naman 'yon, 'di ba?"
He nodded. Bumangon ito mula sa pagkakahiga at naupo sa tabi niya. Ipinatong nito ang kamay sa ulo niya.
"Sobrang contradicting ng pangalan mo sa personality mo, alam mo 'yun?"
Serene chuckled. "Bakit?" kunot-noong tanong niya.
"Serene means calm—kalmado, while your mind is in chaos—ang gulo. Ang ingay. Ang hirap basahin."
Serene laughed again. "Don't you like it?"
"I don't."
"Then, what should I do?"
"Be fine—be genuinely fine."
She laughed. "How am I supposed to do that? Hindi ko nga alam kung bakit binuhay ako sa mundong ito, ano bang purpose ko? It's not like, magiging okay ako kapag sinabi mong maging okay ako. I can't do magic."
Cody smiled, na parang nakuha na ang hinahanap niyang sagot.
"What?" nagtatakang tanong ni Serene nang makita ang ngiti ni Cody.
"See?" he said. "You told me earlier that you're fine—"
"I am!" she cut him off.
"—but the fact that I am here right now, with you, means you really are not."
Napakunot ang noo niya. "I don't understand you."
"Serene, why don't you find yourself?"
Serene scoffed. "Fuck, Cody. Paano ko gagawin 'yon? Hindi ko nga alam kung saan magsisimula. Alam mo ba kung ano lang ang nasa isip ko ngayon? Ang takasan si Tita at manatili na lang dito habang-buhay. I want to escape the real world that's waiting for me. I want to stay here for good. 'Yun ang nasa isip ko, kasi, okay ako dito. Ramdam ko 'yung sarili ko dito."
Napabuntonghininga si Cody sa narinig mula sa kaniya.
"Sa tingin mo, masasagot lahat ng katanungan sa buhay mo kung maiiwan ka rito?"
Serene pursed her lips before she opened it again to answer Cody. "Hindi, but at least I know that I belong here."
"How did you say that you belong here?"
"Nobody judges me here."
"Okay, then. If you think that you belong here, then fine. But, will it really help you if you escape your real world? Serene, nandoon ka pa lang sa bahay niyo, tinatakasan mo na ang tunay na mundo mo. Sa tuwing kasama mo ako, tinatakasan mo na ang mga bagay na dapat kinakaharap mo."
Serene sighed in frustration. "Cody, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam, naguguluhan na ako."
"Hindi mo kailangang manatili rito para takasan mo 'yung tunay na mundo mo."
Cody shifted from his seat so he can face Serene completely.
"Serene, ako. Ako 'yun. I am your escape. Since you were young, I have always been the escape that you are always running into. Believe me—I am."
***
Nagising si Serene nang masakit ng ulo.
Hindi siya nakatulog sa lahat ng sinabi sa kaniya ni Cody kagabi. Sobrang gumulo ang isip niya at dumagdag pa ang mga tanong niya sa existence niya sa mundong ito.
"Get ready, Serene. We need to be early for the wedding."
Tumango na lang siya bilang tugon sa kaniyang Tita bago bumangon at naligo. Pupunta pa sana siya sa buffet para kumain ng agahan kaso, tinatamad na siyang maglakad pa. Kumain na lang siya ng chips at nagtimpla ng kape na nasa hotel room nila.
When lunch came, pinaghatid na lang sila ng pagkain sa hotel ayon sa request ng Tita niya. 3:00 PM ang start ng kasal at kailangan nilang makapag-ayos na. Beach wedding 'yon, kaya naman kailangan talagang nakaayos sila para sa kasal.
Isinuot ni Serene ang dress na ibinigay sa kaniya ng Tita niya na kulay black sa bottom at glittery-pink naman sa top. Maganda ito at sakto sa kan'ya, maging ang haba ay tamang-tama lang.
Hindi niya alam kung paano mag-apply ng makeup kaya naman naglagay na lang siya ng kaunting powder at lipstick. Tutal, hindi naman siya kapansin-pansin doon, okay na rin siguro 'yong ayos niya. Hindi naman pangit tingnan; simple lang, kumbaga.
Bandang 4:00 p.m. ay nagsimula na ang kasal.
Tahimik lang siyang nanonood sa seremonyas. Minsan ay naiisip niya, paano kung kapatid na niya ang ikakasal? Will she be fine? Will she be there for her o baka patay na siya pagdating ng araw na iyon?
It's not negativity, though. It's just a thought of the possible things that might happen in the future, because we'll never know until when a person lives, right? Lalong-lalo na siya, na ilang beses nang naipapahamak ang sarili niya.
Few moments later, the groom finally kissed the bride.
Napangiti siya sa nakitang iyon at ang lahat ay nagpalakpakan at nagtayuan dahil doon. Looking at how the couple kissed, he suddenly missed the feeling of it.
When the wedding and pictorial is finally over, they head straight to the reception.
May mga binigay sa kanilang giveaways, tulad ng slipper with a golden print of guest's name, and a paper bag with a gift inside. It's a scarf. A beautiful, expensive scarf. Ngunit saan naman niya gagamitin iyon, 'di ba? Sa pagbibigti?
Natawa si Serene sa naisip na iyon.
Nagsimula na ang kainan, habang sumasayaw ang dalawang taong ikinasal. May host din na nagpapanatili ng pagiging entertained ng mga tao. Nagkaroon din ng sayawan ang mga magulang ng mga ikinasal, at ang father-daughter, and mother-son dance.
It's actually beautiful to watch, how her cousin's parents cried. Her cousin is an only child, so it's a given that the parents will be having a hard time, letting go of their only daughter. But, they need to. They will get over it soon.
Serene hope that when the time comes that her family needs to let go of her, they'll be fine sooner. They must get over her soon, right?
Ilang sandali pa ay inaya siya ng kaniyang Tita para ipakilala siya sa anak nito, na ngayon ay kasama ang bride na pinsan niya rin. Maid of Honor ang anak ni Raquel dahil ang dalawang 'yon ay parang magkapatid na kung magturingan sa sobrang lapit sa isa't-isa.
"Nads, this is Serene. Your cousin."
She smiled at her. "Oh, hello! Nice name!"
Naglahad ito ng kamay sa kaniya na malugod niyang tinanggap.
"Hi. Thanks..."
Ilang sandali pa, may tinawag si Nads sa ibang table at pinapunta sa harap. Nakita niyang ang ibang mga pinsan nila iyon.
"Serene, can you take photos of us?"
Napatingin siya kay Nads na ngayon ay inaabutan siya ng camera.
"H-Huh?"
Inilagay ni Nads ang camera sa kamay niya bago ngumiti. "Please, for my scrapbook. Thank you!"
Lumapit na si Nads sa iba pang mga pinsan nila. Tumingin siya sa paligid at nakitang lahat ng mga "pinsan" niya ay kasama sa picture na siya ang kukuha.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Bakit siya ang magpi-picture sa kanila? Pinsan din naman siya, hindi ba? Pinsan din nila si Serene, kaya bakit siya pa ang napiling mag-picture sa kanila?
Nanginginig ang mga kamay ni Serene nang iniangat niya ang camera, pinipigilan ang paghinga.
"Ako na lang mag-capture."
Serene looked at her auntie and she seems so worried about her. She tried to fake a smiled before she positioned the camera in front of her cousins.
"No, Tita. It's fine."
Tumingin siya sa mga naka-pose sa harap niya at, muli, itinutok na ang camera sa mga ito. Ngumiti siya habang may kung anong sakit ang nabubuo sa kaniyang lalamunan.
"One, two, three..." her tears started pooling on the corner of her eyes. "Smile!"
And she took photos of them while her heart is breaking.
She felt humiliated with herself.
Parang noong isang gabi lang, iniisip niyang parte siya rito, kasi walang humuhusga sa kaniya. Akala niya lang pala 'yon.
Hiyang-hiya siya kay Cody.
Ang tapang-tapang niyang sabihin na gusto niyang maiwan dito sa Bohol dahil akala niya, ito ang mas makakabuti sa kaniya, not knowing that she never belong here.
She never felt this humiliated before.
At sobrang sakit para sa kaniya no'n.
She understands that they were all close to each other... that, she's just new to them. Pero hindi niya maialis 'yong sakit na naramdaman niya matapos niyang kuhanan ng litrato ang mga pinsan niya nang magkakasama.
She never really belong to anyone...anywhere.
This is why she doesn't want to be associated with her rich relatives. They are too far ahead of her, she thought. She feels so small with them, she thought. At napatunayan niyang tama siya sa lahat ng iyon.
***
Umuwi na sila Serene makalipas ang isang linggong pagbabakasiyon sa Bohol.
The first time she rode a plane, sobrang takot na takot siya. Pero ngayong pauwi na siya, wala na siyang pakialam. Wala na siyang maramdamang muli.
Buong akala niya, once na umuwi na siya mula sa kaniyang Bohol trip ay mas magiging okay na ang pag-iisip niya. Pero nagkamali siya. Lalo lang nadagdagan ang bumabagabag sa isip niya.
She's back to sleeping at day and awake by night.
She's back to thinking of how could she live in this world when she can't see her purpose. Ang daming taong hindi binibiyayaan ng buhay na maaaring maging malaking ambag sa mundong ito, pero heto siya, nananatiling palamuti sa napakagandang mundong ito.
"Serene, Serene, Serene. Nabibingi na ako sa dami ng iniisip mo."
Tumingin siya sa taong nakaupo sa tabi niya. Muli silang nakatambay sa kanilang bubungan, tulad ng dati.
"Para namang naririnig mo ang iniisip ko," she smirked.
Cody laughed. "Your silence is what makes you deafening, Serene. Just like your name, you look serene on the outside, but I can feel how much chaos is going on in your mind."
Serene sighed. "Cody, you can't stop my mind from thinking these things. Ako nga hindi ko mapigilan, eh. Ikaw pa kaya?"
He shrugged. "Choice mo kasing lunurin ang sarili mo sa mga ganyang bagay. Choice mong isipin ang lahat ng 'yan. Choice mo na pahirapan ang sarili mo."
Serene glanced at her and she saw how beautiful the way Cody's hair dances to the rhythm of the wind. Hindi na niya pinansin pa ulit 'yon.
"I know. Pero hindi ko na kayang pigilan. I've been this kind of a person my whole life. Sana noon ka pa dumating sa buhay ko para ayusin ang baluktot kong pag-iisip."
Cody laughed. "Noon pa ako dumating sa buhay mo."
Tumingin si Serene nang may pagtataka sa sinabing 'yon ni Cody.
"Hindi mo lang alam na kailangan mo pala ako nang ganito noong mga panahong iyon."
Serene rolled her eyes at him. "Hindi ko na alam ang mga sinasabi mo."
"Alam mo. Ayaw mo lang aminin."
Nagbuntonghininga si Serene sa narinig kay Cody. Hinampas niya bahagya si Cody na nakapagpatawa rito.
"Let's just stop talking about that, I don't really know, I swear. Dadagdagan mo lang ang iniisip ko, eh."
"Serene?"
Napalingon siya sa tumawag sa pangalan niya. Nakita niya ang ate niyang si Helene na nakasilip sa bintana, nakatingin sa kan'ya—sa kanila ni Cody, bakas ang pag-aalala.
"Oh, Ate? Bakit gising ka pa?" masiglang tanong ni Serene, kagagaling lang sa tawa.
"S-Sinong kausap mo?" nauutal na tanong ni Helene.
"Si Co—" napatigil siya sa pagsasalita nang makitang wala na pala siyang kasama roon. Tumingin siya sa ibaba at nakitang wala rin doon si Cody. "Huh?"
"Sinong... sinong kausap mo?" nahihigit na ni Helene ang paghinga niya, at hindi maintindihan ni Serene kung bakit ganoon ang kapatid niya ngayon.
Parang... takot na takot si Ate. Bakit kaya?
Serene erased her thoughts and just answered Helene's question.
"Ano, kapit-bahay natin 'yon. Si Cody. Kaso, wala na pala, umalis na pala."
"A-Anong pangalan ng kausap mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Helene. "C-Cody?"
Kitang-kita ni Serene kung paano manlaki ang mga mata ni Helene nang banggitin niya iyon. Bakas na rin ang pamumutla nito kaya mas lalong nagtaka si Serene.
"Oo. Kilala mo siya?"
Napatango na lamang si Helene sa kan'ya bilang tugon, hindi makapag-salita. Nananatiling nakatitig sa kan'ya ang mga matang takot na takot sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.
"Talaga? Paano?"
Sinubukang ialis ni Serene ang atensiyon sa mga nakikita niya, dahil baka namamalik-mata lang siya. Baka natural na lang na ganoon ang reaksiyon ng ate niya sa bawat kilos niya. Wala na siyang magagawa.
Helene heaved a deep sigh before answering her question. "H-He was... your... favourite—"
Hindi naging malinaw sa pandinig ni Serene ang huling sinabi ni Helene kaya naman itinanong niya ulit ito.
"Ano?"
Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya ngunit mababakas pa rin ang pangingilid ng mga luha ng kaniyang nakatatandang kapatid.
"Serene, s-samahan mo ako bukas, mamamasyal tayo."
Hindi siya makapaniwala.
Madalang ang beses na ayain siya ng kapatid na mamasyal at hindi niya mapigilang maging excited dahil baka pwede... baka pwedeng mabawasan ang iniisip niya.
Napatango na lang si Serene bago niya ito pinanood na umalis sa kaniyangpaboritong tambayan, habang siya naman ay nag-text sa kaibigan kung saan itonagpunta.
Serene:
Saan ka pumunta?!
Cody:
Sorry natatae ako.
Napahagalpak siya ng tawa sa ni-reply sa kaniya nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top