Chapter 06

TRIGGER WARNING!

This book contains content that some may find disturbing. Hallucinations, depression, pessimism in every chapter, suicidal thoughts and suicide will be tackled in this story.

Read at your own risk.


Chapter 06

When did you first realize that you need a help?


Lumabas ng CR si Serene matapos maligo ngunit mababakas sa kaniyang mukha ang pamumula ng kaniyang mga mata dahil sa sobrang pag-iyak habang siya ay naliligo.

"Oh? Bakit gan'yan ang itsura mo?" tanong ng kaniyang ina na si Lerma. "Nakasimangot ka na naman."

Oras na pag-upo niya sa hapag-kainan ay iyon ang una niyang narinig mula sa kan'yang ina. Hindi ba puwedeng batiin muna siya nito ng magandang umaga bago pagalitan?

"Wala po."

"Tsk, sabi ko naman sa inyo, ayokong nakikita kayong nakasimangot, eh. Ano na naman ba ang problema mo?"

Napatingin siya sa kaniyang kapatid na si Helene na ngayon ay nakatingin lang din sa kaniya at hinihintay ang kaniyang sagot.

"Wala po, 'Ma. Okay lang po ako."

"Okay lang pero hindi maipinta 'yang mukha mo? Tingnan mo nga ang mga mata mo, halatang kagagaling lang sa iyak!"

Hindi nakasagot si Serene dahil tama naman ang kaniyang ina; bakas na bakas mula sa kaniyang mga mata sa tuwing malungkot siya o kagagaling lang niya sa iyak.

Ang mga mata ni Serene ay masasabi mong isa sa mga pinakamalungkot na matang makikita sa isang tao. Hindi ito katulad ng mata ng ibang mga tao na, makikita ang kinang, ang saya sa tuwing ngumingiti, ang mahabang guhit sa gilid ng mga ito...dahil ang sa kaniya ay sobrang lungkot, na kahit masaya siya at okay siya, aakalain mo sa kaniyang mga matang may problema siya.

Kaya naman ngayong halos wala na siyang pakiramdam, ngayong bumibitaw na siya sa mundo, makikita mo sa kaniyang mga mata ang kawalan ng pag-asa. Makikita mo sa kaniyang mga mata ang paghingi ng tulong... ng makakausap... ng isang mabuting kaibigan na babaliktarin ang kaniyang paniniwala.

"Sorry po, 'Ma."

"Alisin mo 'yang simangot sa mukha mo. Ayokong nakikitang nakasimangot kayo. Umayos ka, Serene. Ayusin mo ang mukha mo."

Hindi na nagawa pang sumagot ni Serene, dahil lagi namang ganoon. Sa tuwing nalulungkot siya, nasasaktan, gustong umiyak, dismayado o nagagalit, hindi niya puwedeng ipakita sa kaniyang pamilya 'yon dahil lagi siya nitong pinagsasabihan.

Wala man lang siyang kalayaan na ipakita sa kaniyang pamilya ang nararamdaman niyang negatibo sa buhay niya. Gusto niya lang malaman ng mga itong hindi siya palaging okay...pero bakit hindi pa rin puwede? Hindi ba't hindi naman laging masaya ang buhay? Hindi ba't sa araw-araw ay may kinakaharap ang bawat tao ng kani-kaniyang pagsubok?

Kung alam lang ng kaniyang pamilya ang tumatakbo sa isipan niya, malamang ay dinala na siya ng mga ito sa Psychiatrist dahil, kahit siya ay alam niyang hindi na normal ang mga naiisip niya, maging ang nararamdaman niya.

Kailan siya makakahanap ng taong makakaintindi sa kaniya? Kailan siya makakahanap ng taong mauunawaan siya at bibigyan siya ng kalayaan sa lahat ng nararamdaman niya?

***

Makalipas ang isang linggo, nagising siya nang sobrang sakit ng kaniyang ulo. Marahil iyon siguro ay dahil madalas, hindi siya nakakatulog sa gabi sa sobrang pag-iisip, puyat, pagod na nararamdaman sa buong katawan sa hindi niya malamang dahilan...

Lumabas siya ng k'warto at nakitang wala doon ang kaniyang kapatid. Malamang ay nasa tindahan na nila ito, at nagbabantay. Nakita niya ang kaniyang ina na nasa puwesto nito, ginagawa ang kaniyang trabaho bilang mananahi.

Nahiga siya sa kanilang sofa at pumikit, hawak-hawak ang kaniyang ulo na sobrang sakit, na pakiramdam niya ay sasabog na ito any time.

"'Ma, ang sakit ng ulo ko..." pagtawag niya rito.

Tumigil sa pananahi ang kaniyang ina nang marinig niya nito.

"Anong oras ka na kasi kung matulog! Adik na adik ka na sa cellphone, akala mo naman hindi mo magagamit 'yan kinabukasan!"

Hindi na pinansin ni Serene ang mga sinabi ng kaniyang ina, at sa halip, ay nagsalitang muli.

"'Ma, pahinging gamot!" malakas na sabi niya, hindi pasigaw, pero sapat para marinig ng kaniyang ina. Tumulo ang luha niya matapos iyong sabihin.

Narinig niya ang pag-andar muli ng makina nito, na para bang wala itong narinig mula sa kaniya. Lalong dumami ang mga luhang lumalabas mula sa kaniyang mga mata nang mapagtanto iyon.

Alam niyang narinig siya nito, dahil malakas ang pagkakasabi niya no'n. Pero bakit pinili pa rin ng kaniyang ina ang balewalain siya?

Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa couch at bumalik sa kaniyang k'warto nang masakit ang kaniyang ulo. Malayo kasi sa kaniya ang first aid kit nila, kaya hindi niya kakayaning kuhanin iyon dahil sa bigat ng pakiramdam sa ulo niya.

Nang mahiga siya sa kaniyang higaan ay tuluy-tuloy siya sa pag-iyak, hindi dahil sa sakit ng ulo, kung hindi dahil sa sakit na naramdaman nang binalewala siya ng kaniyang ina.

"'Ma... gamot..." mahinang bulong niya sa sarili niya.

Ngunit bakit siya nanghihingi ng gamot? Paano kung iyon na pala ang paraan para iwanan niya ang mundong ito? Hindi ba't gusto na niyang umalis? Hindi ba't gusto na niyang mamatay? Hindi na dapat siya nanghihingi ng gamot dahil wala na dapat siyang pakialam sa sakit na mararamdaman niya.

Ilang minuto, matapos niyang humiga sa kaniyang kama, ay narinig niya ang pagbukas ng pintuan, ngunit hindi niya ito tiningnan dahil nahihirapan siya sa sobrang sakit ng ulo, at basang-basa pa ang kaniyang mga mata sa pag-iyak.

"Anak..."

Napatigil siya sa paghikbi nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina. Bahagya niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakitang nakaupo ito sa harap niya, may dalang baso at platito na mayroong mga gamot.

"Inumin mo na 'to."

Ibinaba nito ang platito at baso sa side table ng kaniyang k'warto at hinawakan siya sa noo. Kitang-kita sa kaniyang ina ang pag-aalala nito sa kaniya.

"Sorry, anak. Sige, magpahinga ka na."

Hinalikan siya nito sa kaniyang noo bago tuluyang lumabas ng k'warto.

Nang mawala na sa kaniyang paningin ang kaniyang ina ay napahagulgol siya. Hindi niya alam kung bakit iniiyakan niya ang kaunting pangyayaring 'yon, pero pakiramdam niya ay hinaplos ang puso niya sa ginawa at sinabi nito sa kaniya.

"'Ma... sorry..."

Hindi pa nga pala puwedeng umalis ng mundo si Serene dahil may pakialam pa sa kaniya ang kaniyang pamilya. Hindi pa puwede dahil mahal pa rin siya ng mga ito. Hindi pa puwede... kasi masasaktan ang mga ito kung aalis kaagad siya.

Ilang minuto pagkatapos niyang uminom ng gamot na dala ng kaniyang ina at matapos kumalma, muli siyang nakatulog habang tahimik na tumutulo ang mga luha mula sa kaniyang mga mata, kasabay ng mga hikbi na lumalabas sa bibig niya.

***

Ilang linggo ulit ang lumipas, hindi pa rin pagod ang mga tao sa paligid niya na pag-usapan si Serene sa kung gaano ito ka-walang kuwenta at palamunin ng kaniyang ina.

Alam naman niya 'yon, kaya nga gusto na niyang mawala, eh. Sana lang kasi, hindi nagdo-double standard ang mga kumpaniyang pinag-aapply-an niya nang sa gano'n ay matahimik na ang mga ito sa panghuhusga sa kaniya.

Kung sana lang ay may magic ang mundo, na puwede niyang patayin ang pandinig niya sa tuwing may nanghuhusga sa kaniya, o kaya naman ay patigilin ito sa pagsasalita sa tuwing hindi maganda ang lalabas mula sa bibig ng mga ito.

Matapos nilang kumain ng hapunan ay pumunta siya sa kanilang bubungan, upang doon tumambay, magpahinga, at titigan ang kalangitang maraming bituin.

Nahiga siya at ipinikit ang mga mata. Hindi niya alam kung nagugustuhan niya ba ang nararamdaman niya, pero madalas na siyang antukin ngayon. Ngunit, mas lalo lang pinagtitibay ng antok na nararamdaman niya ang kawalan niya ng kuwenta dahil sa tuwing inaantok siya ay kailangan niyang matulog.

At kapag natulog siya, wala siyang nagagawa—ilan sa mga dahilan kung bakit totoo ang sabi-sabing wala talaga siyang silbi sa kaniyang ina.

Nagbuntonghininga siya habang nakahiga at nakapikit. Ginawa niyang unan ang kaniyang mga braso nang sa gano'n ay mas maging kumportable siya.

Minsan, iniisip niya, ang dami niyang naging kaibigan sa eskwelahan noong nag-aaral pa siya. Masaya naman siya noon, eh. Pagre-review at thesis lang ang problema niya. Bakit ngayon, ang dami na niyang iniisip? Bakit ngayon, sobrang kumplikado na ng lahat para sa kaniya?

Hanggang sa naisip niya na, kaya siguro wala na siyang nakakausap na kaibigan ngayon ay dahil nakuha na nila ang kailangan ng mga ito sa kaniya. Nagamit na ng mga ito ang kakayahan niya sa pag-aaral.

Naisip niya na siguro ay ginamit lang siya ng mga ito, at itinapon kasi hindi na kailangan.

Isang malalim na buntonghininga ulit ang pinakawalan niya nang dahil sa kaniyang naisip.

Kailan kaya siya magkakaroon ng taong makakasama niya sa mga pagkakataong siya naman ang kailangan ng tulong? Tulad ngayon?

She needs someone to give her a reason to keep herself alive, but she has nothing.

Nagdo-doubt na rin siya dahil, sa edad niyang 'yon, pakiramdam niya ay busy na ang mga tao sa kani-kanilang buhay. Kaya, para sa kaniya, ang imposible nang makahanap tulad ng tao na iniisip niya.

S'yempre, dadagdag pa ba siya sa isipin ng mga ito?

Maiisip niya lang lalo na pabigat siya sa lahat ng tao, at baka lalo lang madagdagan ang dahilan niya para iwanan ang mundo. Tama na ang mga nasa isip niya ngayon.

Pero sa kabila ng lahat, umaasa pa rin siya na... baka meron...

Baka mayroong isang taong ililigtas siya ngayon? Baka mayroong isang taong sasamahan siya sa mga ganitong pagkakataon.

Naghikab siya. Ilang sandali pa, tuluyan na siyang nakatulog sa kanilang bubungan, kung saan wala siyang nakikita kung hindi ang kalangitan at ang mga bituin nito. Walang mga kapit-bahay na mapanghusga, walang mga mga bagay na makapagpaparamdam sa kaniyang wala siyang kuwenta.

***

Madaling-araw nang magising siya mula sa pagtulog sa kanilang bubungan. Tiningnan niya ang oras sa kaniyang relo at nakitang 3:22 a.m. na. Napahaba ang tulog niya. Sabagay, lagi namang masarap ang tulog niya sa tuwing nasa lugar na 'yon siya.

Aalis na sana siya para pumasok sa loob ng kanilang bahay nang makita na hindi lang pala siya nag-iisa sa kanilang bubungan.

May isang lalaking sobrang puti ang nakaupo rin sa kanilang bubungan. Nakayakap nang maluwag ang kaniyang mga braso sa kaniyang mga binting bahagyang nakatupi. Nakahawak ang kamay niya sa isang braso nito bilang pagpigil sa pagkakayakap nito sa kaniyang braso.

"Uh, sino ka?"

Lumingon sa kaniya ang lalaki at nakitang singkit pala ito. Matangos ang ilong, at mapula ang mga labi. May suot itong kwintas na kulay itim, at nakasuot rin ito ng itim na t-shirt at maong na short.

Ngumiti ito sa kaniya. "Gising ka na pala. Akala ko mamaya ka pa gigising, eh."

Kumunot lalo ang noo ni Serene sa sinabi ng lalaki sa kaniyang harap.

"Sino ka? Kilala ba kita?"

Muli, ngumiti ito. "Baka kilala mo ako."

"Ano bang pangalan mo?"

"Cody."

Napakunot ng noo si Serene. Hindi pamilyar, kaya paano nasabi ng lalaking 'yon na kilala niya siya?

"Wala akong kilalang Cody."

"Then, hindi mo ako kilala."

Huh?

"Ako ba? Kilala mo ba ako?"

Tumango ito sa kaniya.

"Oo, sikat na sikat ka dito, eh."

Napaiwas ng tingin si Serene sa sinabi ng lalaking nasa harap niya ngayon. Naramdaman niya ang malakas na ihip ng hangin na dumampi sa balat nilang dalawa. Ramdam niya rin ang pagsayaw ng buhok niyang nakatali ang kalahati upang maitago ang bakas ng pagbubunot niya ng buhok.

"Ah, bakit?" nag-aalangang tanong ni Cody.

"Sikat akong walang kwenta, tama ka naman."

Kumunot ang noo ng kausap niyang si Cody.

"Hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin. Ang sinasabi ko, sikat ka dito dahil nagsusulat ka ng nobela."

Napaawang ang bibig ni Serene kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya nang marinig 'yon. Sa lahat ng bagay na maririnig niya, 'yun ang pinakahindi niya inaasahan.

"Ahh..."

Matagal nawala sa isip niya ang pagsusulat. Noong nagsimula kung paano maging nakakasakal ang college sa kaniya ay nakalimutan na niya ang tungkol sa pagsusulat. Nahihirapan na niyang ituloy ang mga nobelang isinusulat niya, kaya naman ngayong sinabi ng lalaking iyon na nagsusulat siya ng nobela, ngayon niya lang din naalala na nagsusulat nga pala siya.

Wala na rin namang nagbabanggit sa kan'ya no'n kaya pakiramdam niya ay nakalimutan na rin ng mga tao.

"Bakit? Hindi ka na ba nagsusulat?"

Bahagyang ngumiti si Serene.

"Nakalimutan ko na ang tungkol sa bagay na 'yon."

"Pero mahilig ka rin magbasa, hindi ba? Hindi mo ba naaalalang magsulat sa tuwing nagbabasa ka?"

Ngumiti siya nang tipid bago tumingin sa lalaki. "Hindi na rin ako nagbabasa."

"Bakit?"

"Parang...hindi ko na siya gusto. Magbasa at magsulat... parang hindi ko na siya kayang gawin ngayon."

Writing novels used to be her life. She remembered how she can finish a long novel in just few weeks. Many people read her stories and give her praises whenever they read the ending because she always give justice to all the stories she finished writing.

Writing novels used to be her comfort zone. Whenever she feels disappointed with her friends, family, school professors and everything, writing helps her ease the pain in her heart.

Pero bakit ngayon hindi na niya magawa? Bakit nawala sa loob niyang nagsusulat siya? Bakit hindi na niya gusto ang magbasa ng libro? Bakit hindi na siya napapangiti sa tuwing nakakakita siya ng libro sa bookstores, o kapag nakita niyang nakaipon sa bookshelf ang kaniyang mga libro?

Bakit parang wala na lang ang mga bagay na iyon sa kaniya ngayon? Samantalang dati ay hindi lumilipas ang isang araw nang hindi siya nakakapagbasa o nakakapagsulat man lang kahit na dalawang kabanata.

"Are you depressed?"

Napalingon siya at natigil sa malalim na pag-iisip nang magsalita ang estrangherong kasama niya.

"Ha?"

"Mukhang nagulat ka noong sinabi kong nagsusulat ka, na mahilig kang magbasa."

"A-Anong koneksiyon ng depresiyon doon?"

Ngumiti ito sa kaniya. "Depression is not loving the things you used to love. Depression is not doing the things you loved doing before. Well, that's depression for me," Cody shrugged.

Muli, ay nag-iwas ng tingin si Serene sa lalaki.

"I am not depressed. I'm fine."

"The fact that I am here with you means you're not okay."

Napakunot ng noo si Serene sa narinig. "Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti ang lalaki, at tumingin sa kalangitan. Hindi pa rin ito nagbabago ng posisyon; naging magkaharap lang silang dalawa ngayon. Napanood ni Serene kung paano gumalaw ang malambot na buhok nito dahil sa malakas na ihip ng hangin.

"People often told me that they knew me on the days that they need someone to save them," tumingin ito sa kan'ya nang may magandang ngiti. "You need me."

"No. I don't need anyone. I said I'm fine. Aalis ka rin naman sa buhay ko. Iiwanan mo rin ako."

Ngumiti ang lalaki sa narinig mula sa kaniya, dahil nakuha na niya ang sagot na hinihingi niya mula sa kaniya.

"I'll leave when you're fine."

Serene smirked with what she heard.

"Iiwan mo pa rin ako."

He chuckled a bit. "It's because you don't need me anymore."

Tumingin siya sa lalaki. "Bakit? Kapag ba naging okay ako mula sa slump na 'to, habang buhay na akong magiging okay? Hindi na ba ako malulungkot or masasaktan? Hindi ba ako made-depress ulit? What made you feel so sure that I won't need you anymore?"

He didn't answer—instead, he just smiled at her because heknew that Serene's not done talking, yet.

"But...is it worth risking for?" Serene added.

"Ang alin?" he asked.

"Ang kailanganin ka. Ang...tanggapin ang tulong na ino-offer mo."

Cody chuckled. "The fact that you're in front of me now, talking, means you already took the risk. It means, you really need someone who you can talk with about your problems."

Hindi sumagot si Serene; sa halip, pinakinggan niya ang mga sumunod na sinabi ng lalaki.

"And I did not offer a help for you—you asked."

Kumunot ang kaniyang noo sa sinabi nito.

"What?"

Cody chuckled at her.

"Everyone asks for help when they need it, right? You, basically, asked for my help. Maybe, I am God's answer to your needs. Baka kailangan mo ako para magkaroon ka ng kaibigan na makakasama mo sa lahat."

"Sa lahat?"

"Sa lahat."

____

AUTHOR'S NOTE:

Again, this is not a love story. Please, do not expect something about romance because it's not. Focus lang tayo sa main topic para everybody happy. :D

Thanks sa mga nagbabasa kung mayroon man! Hindi ko siya pino-promote unlike all the other stories I have na every update ay posted ang link sa Facebook and Twitter. This story is not suitable for people who's not open-minded kaya naman palaging may warning every chapter. This is to remind you that this story might be triggering for others.

It's so hard for me to write this. I swear. But this story is what will save me from the slump I am going through right now, so please, let me write this is peace. Hehe. (^__^)v

Thanks again!


-mari

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top