Prologue

   
  
Buong buhay ni Grace, hindi niya pinagtuunan ng pansin ang negatibo. Simula sa pagkabata, wala siyang naramdamang pagkukulang sa pamilya, kamag-anak, kaibigan--kumbaga, nasa kan’ya na ang lahat ng hinahangad niya.

Para kay Grace, madali ang magtiwala sa isang tao, lalo na kung nakasama niya ito nang matagal. Walang problema sa kan’ya ang magtiwala, lalo na kung nakasama niya ito sa halos kalahati ng buhay niya.

Para sa kan’ya, may magandang dahilan ang lahat ng nangyayari. Lumaki siya sa pamilyang positibo ang pananaw sa halos lahat ng bagay, kaya naman hindi naging mahirap sa kan’yang magtiwala sa bawat taong nakakapasok sa buhay niya.

Ang pinakamadaling bagay na gawin para sa kan’ya . . . magtiwala.

Pero hindi niya inakala na sa kabila ng tiwalang ibinigay niya sa bawat tao, kapalit pala nito ay ang kataksilan.

Sa kabila ng lahat . . . ng oras, panahon, na nakasama niya ang isang tao, magagawa pa rin pala nito ang pagtaksilan siya . . . lokohin . . . saktan . . . pagsamantalahan ang tiwalang kusang-loob niyang ibinigay.

Simula ng gabing nasira nang buo ang tiwala niya sa mga tao, hindi niya alam kung paano magsisimula muli.

Saan siya nagkamali?

Bakit nangyari ’yon sa kan’ya?

Bakit kailangang mangyari ang bagay na kahit kailan ay hindi niya naisip na mangyayari sa kan’ya?

Kasalanan niya ba?

Oo . . . kasalanan niya.

Paulit-ulit sa pandinig niya ang mga salitang ’yon . . . na para bang isang malaking kasalanan na nagtiwala siya sa mga tao.

Paulit-ulit ipinapamukha sa kan’ya na nagkamali siya . . . na nararapat lang sa kan’ya ang nangyaring ’yon. 

Paulit-ulit isinisisi sa kan’ya ang bagay na hindi naman niya ginustong mangyari.

Paulit-ulit . . . kahit hindi naman niya hininging mangyari sa kan’ya ’yon.

At patuloy na umuulit-ulit sa pandinig niya ang bawat katagang nilalarawan siya sa pinakamasahol na paraan.

Umuulit-ulit sa pandinig kahit wala naman nang nagbabanggit . . .

Umuulit . . .

At umulit pa . . .

At umulit pang muli . . .

Hanggang sa ayaw na niyang makarinig pa.

Hanggang sa gumawa na siya ng paraan para matigil ang mga boses sa pandinig niya . . .

Hanggang sa mahanap na niya ang tamang paraan para mawala ang mga boses na sumisira sa pagkatao niya.

Hanggang sa . . . mawala na rin siya.

__

The story’s outline was written back in second quarter of 2020.

If you read the first version of Saving Grace (with only 3 chapters posted), this is the same story. The difference are the chapters and how the story was told. I posted it back in December 2020. The first version had this book cover:
   

 
The chapters of this new version that will be posted has been rewritten completely. It will be completely unfamiliar to all of you as I wrote it from the scratch. This version is a lot more stable than the first one and it resonates more.

I'm looking forward to the next chapters that I will post soon! Please support this story.  Thank you so much! 🤍

       

    
Date posted: March 05, 2023
Date finished: xx-xx-xxxx
       

    
-mari 🌻

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top