Chapter 09
❝ Have you ever heard voices in your head, telling you things you shouldn't do? ❞
〰️
TRIGGER WARNING:
Contains scenes that will be extremely disturbing such as sexual harassment, rape, violence, abusive words, victim blaming, self-harming, suicide ideation, and others.
PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.
〰️
I am the victim.
I was raped.
Why don't they believe me? Why is it so hard for people to believe the truth, just because of a spliced video that they saw? Why is it so hard for me to tell the truth?!
Paulit-ulit na sinasabi ni Grace ang lahat ng 'yon sa isip habang naglalakad pauwi, nababasa na ng ulan, mula sa pagpunta niya sa apartment ni Connor. Wala na siyang ibang maramdaman kung hindi ang sakit ng loob dahil ang isang taong inaasahan niyang maniniwala sa kan'ya ay tinalikuran na rin siya.
"Kasi nakakadiri ka naman talaga."
Napatigil sa paglalakad si Grace nang makarinig ng boses na tila ba ibinulong sa tainga niya. Lumingon-lingon siya sa paligid ngunit wala siyang nakitang ibang tao. Tanging malakas na patak lang ng ulan ang nandoon at ang mangilan-ngilang sasakyan na nagdaraan sa kalsada.
Ipinagpatuloy niya ulit ang paglalakad at ipinagsawalang bahala ang narinig, pero hindi pa siya nakakalimang hakbang, nakarinig na naman siya ng boses na nakapagpapatayo ng balahibo niya.
"Hindi ba't totoo naman? Nakakadiri ka, Grace! Nakakadiri ka! Napakarumi mo!"
Napatakip siya ng magkabilang tainga, kasabay ng sunod-sunod na paghinga, saka nagmadali sa paglalakad, umaasa na sa pag-alis niya ro'n, sa pagtakbo palayo, mawala rin ang boses na pilit bumubulong sa kan'yang tainga.
"Hindi ka na dapat naglalakas ng loob na magpakita pa ng mukha sa lahat ng tao! Hindi ka na katulad ng dati, tatandaan mo 'yan!"
'Tama na . . ." bulong niya sa sarili kasabay ng pag-agos ng mga luha.
Tumawa nang malakas ang boses na naririnig niya saka nagsalita.
"Anong itinatakbo mo?! Kahit gaano mo pa bilisan ang takbo, hindi mo matatakasan ang totoo—na marumi kang babae! Na nakakadiri ka!"
"Tama na!"
"Hindi ka na dapat nabubuhay sa mundong ito!"
"Tama na sabi!!!" malakas na pagsigaw niya kasabay ng pag-upo niya at paghagulgol.
Sa lakas ng ulan at pag-iyak niya, hindi nito nalunod ang boses na pilit sinasabi sa kan'ya ang mga bagay na ayaw na sana niyang isipin. Hindi niya alam kung kaninong boses ang mga 'yon o saan nanggagaling pero tila ba sinasaksak siya ng paulit-ulit nito dahil sa sakit na nararamdaman sa bawat salitang binibigkas ng mga boses na 'yon.
Natatakot siya . . . nagagalit din siya.
Pero kahit na anong gawin niya, hindi niya mapigilan ang mga boses na pilit pinapaalala sa kan'ya ang katotohanan.
"Dapat magpakamatay ka na lang, Grace, dahil wala naman nang magandang mangyayari sa buhay mo simula ngayon."
Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari. Naramdaman na lang niya ang pagbagsak ng katawan sa malamig na semento, kasabay ng pagkawala niya ng malay.
***
Nagising siya na nakahiga sa hospital bed. Naramdaman niya kaagad ang mga karayom na nakatusok sa kan'ya pati ang sobrang panlalambot ng katawan. Nang inikot niya ang paningin, doon niya napagtanto na nasa hospital siya na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Sunod niyang tiningnan ay ang mga nurse at doctor na nasa loob ng ward at dinadaluhan ang mga pangangailangan ng pasyente. Doon, napagtanto niya, alam ng mga ito kung sino siya at kung anong mayroon sa kan'ya.
"Kita mo 'yang mga tingin nila na 'yan? Habang-buhay mo nang makikita 'yan dahil isa kang disgrasyada!"
Napapikit siya nang mariin nang muli ay marinig niya ang nakatatakot na boses na nagsasalita sa tainga niya. Hindi niya na alam paano ito mapipigilan dahil wala namang ibang taong malapit sa kan'ya.
"Sa tingin mo deserved mong humiga d'yan at gamutin ng mga doctor kung ano man ang mga dapat gamutin sa'yo? Hindi!"
Sunod-sunod na umagos ang mga luha ni Grace matapos mapagtanto na tama lang ang mga sinasabi ng boses na naririnig niya.
Wala kang deserved sa mundong ito. Wala ka nang puwang sa mundong ito kaya dapat, mamatay ka na lang!
Ipinatong ni Grace ang braso sa mga mata saka umiyak nang umiyak.
Maybe . . . maybe that's what I should do.
Maybe . . . maybe I should die.
"Isn't she the granddaughter of the chairman? Bakit nasa hospital 'yan?"
Napatigil siya nang marinig ang isang babaeng doctor na nagsalita. Hindi siya kumilos at nakinig lang sa mga sasabihin nito.
"Ewan. May binatang nagdala dito, basang-basa 'yan at walang malay. Nakita raw sa daan, nakahandusay. Tinawagan naman na namin yung mga magulang. Papunta na raw," paliwanag ng nurse.
Tumawa ang doctor. "Kawawang binata, kung sino man siya. Baka mapagbintangang ginahasa niya."
Nagtawanan ang dalawa sa sinabi nito.
"Nakakahiya. Ako ang nahihiya para sa kan'ya. Nagdala pa siya ng kahihiyan sa pamilya niya. Ang taas pa naman ng tingin ng mga tao sa medical field sa kanila tapos gan'yan lang ang gagawin niya." The doctor scoffed. "I can't even imagine liking my cousin, tapos siya, makikipag-sex pa at gagawa ng sex tape? My god, that's just so shameful and disgusting. Incest."
Nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan ng doctor at nurse na para bang wala siya ro'n. Alam niyang alam ng nurse na gising siya dahil tumingin ito sa kan'ya nang mapanghusga kanina, at sobrang nasaktan si Grace nang hindi man lang inawat ng nurse ang doctor sa mga sinasabi nito, gayong masasakit na ang mga salitang binibitiwan nito.
"Oh, 'di ba? Tama ako! Wala ka nang deserved sa mundong ito kung hindi ang mamatay! Nagdala ka pa ng kahihiyan sa pamilya mo, samantala ang taas ng tingin ng mga tao sa kanila. Tsk!"
Hinayaan na lang ni Grace ang mga boses na naririnig—pinakinggan niya ang lahat at isinapuso—na para bang ito ang mga salitang dapat lang na marinig niya dahil . . . tama naman ito—ang mga sinasabi ng boses na 'yon—tama naman ang lahat, she thought.
Ilang sandali lang ay dumating ang kapatid niyang si Emman, kasama ang kanilang ina na si Emily. Kinumusta kaagad siya ng kapatid habang si Emily ay nakatingin lang sa kan'ya, halata ang takot at pag-aalala.
Nag-aya kaagad siyang umuwi sa kanila dahil saad niya ay maayos naman na siya, kahit na ang totoo, pakiramdam niya ay kaunting lakad niya lang, bibigay ulit ang katawan niya.
"Hindi. Dito ka muna. Mataas ang lagnat mo, Grace, at kailangan mong tapusin ang dextrose mo. Masyadong mababa ang blood sugar mo. Magpagaling ka na muna," pigil sa kan'ya ni Emman.
"Talagang tatanggapin mo 'yan, Grace? Sa tingin mo, deserved mo 'yan? Hindi mo deserve 'yan!"
Tumalim ang tingin niya kay Emman. "Ayaw ko nga, Kuya! Gusto ko nang umuwi!"
"Hindi nga p'wede! Kailangan mong mag-stay dito, Grace—"
"Ayaw ko sabi—"
Mabilis na naputol ang sinasabi ni Grace nang sampalin siya ni Emily nang malakas, sapat para marinig ng mga tao sa ward—ng mga pasyente, nurse at doctor. Sapat para mapatayo si Emman at harapin ang ina.
"Mama, ano ba?! Bakit ba sinasaktan n'yo si Grace?!"
Masamang tumingin si Emily kay Emman. "Hindi ba 'yan nahihiya?! Siya pa ang nagmamalaki rito, gusto lang naman nating umayos ang lagay—"
"Hindi mo siya dapat saktan, 'Ma! Hindi ka na sana sumama kung gan'yan lang ang gagawin mo!"
Ibinalik ni Emman ang tingin kay Grace na ngayon ay umaagos ang mga luha, nakatingin din sa mga tao sa loob ng ward na tinitingnan ito nang mapanghusga. Bumalik ito sa pagkakahiga saka ipinikit ang mga mata. Nangilid ang mga luha ni Emman bago napahugot ng malalim na buntonghininga.
"'Ma, lumabas ka na muna."
Nag-iwas ng tingin si Emily bago hiyang-hiya na lumabas ng ward nang mapagtanto na nakita ng mga tao ang ginawa niya. Ibinaling ni Emman ang atensiyon sa mga taong nakatingin sa kapatid.
"Ano bang pinapanood n'yo? Binabayaran ba kayo para tingnan at husgahan ang kapatid ko na para bang alam n'yo kung ano ang buong istorya, ha?!"
Mabilis na nag-alisan ang iba habang nagtuloy naman sa rounds ang ilan na para bang tinamaan ang mga ito sa sinabi ni Emman. Nagbuntonghininga siya bago naupo sa gilid ng kama ni Grace.
"Ililipat kita sa VIP room, kung ayaw mo rito. Basta kailangan mong magpagaling, Grace. Hmm?"
Kumawala ang mga hikbi sa bibig ni Grace. "It's not that."
Emman sighed. "Then what?"
Grace cried more.
"I just want to die."
Halos tukupin ni Emman ang dibdib sa sakit na naramdaman matapos marinig ang sinabi ng kapatid. Hindi niya matanggap na sa kabila ng pagligtas niya sa buhay ng mga tao na nasa bingit ng kamatayan, may kapatid siya na ayaw mailigtas—na gusto na lang matapos ang buhay.
"Grace . . . don't say that, okay?"
Umiling si Grace pero hindi pa rin nagmumulat ng mga mata.
"I just really . . . really want to die."
Emman gulped before sighing. "Saka na tayo mag-usap tungkol d'yan. Sa ngayon, gagawin ko muna kung ano ang dapat gawin. Ililipat kitasa VIP room at tatapusin mo ang treatment ng doctor sa 'yo. Okay?"
Nagmulat ng mga mata si Grace bago humiga nang mabuti para makita ang kapatid.
"You wouldn't understand. Hindi mo maiintindihan, Kuya, kung bakit gusto ko nang matapos ang lahat. Hindi mo maiintindihan kasi hindi ka pa napunta sa sitwasyon kung nasaan ako. Hindi mo maiintindihan kasi hindi ikaw ako!"
Tumango-tango si Emman habang mabigat ang paghinga.
"I know, but even though I wouldn't understand, I will always be on your side. Okay? You have me, Grace. At alam ko, balang-araw, matatapos din 'to—itong pinagdaraanan mo."
Muling umiling si Grace habang umaagos ang panibagong mga luha na lumabas mula sa mga mata.
"Pero hindi matatapos yung sakit—yung alaala. Hindi na siya mawawala habang-buhay, Kuya. Ngayon, paano ko pa gugustuhing mabuhay kung pati ang mga boses sa isip ko . . . ayaw na rin akong paniwalaan? Pati ang mga boses sa isip ko . . . gusto na rin akong mawala?"
Hindi nakapagsalita si Emman nang dahil doon. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ni Grace sa huling sinabi niya at mas lalo siyang nasaktan nang magsalita ulit ito.
"Paano ko pa gugustuhing mabuhay kung hindi ko na kayang mahalin ulit ang sarili ko?"
Hindi na nakapagsalita pa si Emman pagkatapos n'on. Nagbuntonghininga na lang siya bago tumalikod sa kapatid na ngayon ay palala na nang palala ang iyak. Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang tumakas sa mga mata, saka nagmartsa palabas ng ward. Pinakalma na muna niya ang sarili bago inasikaso ang paglilipat kay Grace sa VIP room.
***
Sa huli, walang nagawa ang pakiusap ni Grace na huwag na siyang ilipat ng VIP room. Gusto ng kapatid niya ang lahat ng makabubuti sa kan'ya kaya naman ngayon ay mag-isa lang siya sa k'warto at pinakikinggan ang mga masasakit na salitang binibigkas ng boses sa tainga niya.
"Kung may isang taong pinakamakapal ang mukha sa mundo, ikaw 'yon, Grace Amelie."
Tahimik lang siyang nakatulala sa kisame, hinayaang magsalita nang magsalita ang boses sa tainga niya.
"Hindi ka talaga marunong mahiya, 'no? Sabi ko naman sa 'yo, ang dapat sa 'yo ay magpakamatay na lang dahil wala ka nang bilang sa mundong ito!"
Nang marinig niya ang isang salitang 'yon ay kumirot muli ang dibdib niya. Alam niyang nagiging takbo na 'yon ng isip niya simula nang gahasain siya ng pinsan, pero hindi niya lubos akalain na mas doble ang sakit kapag sa ibang boses niya narinig ang salitang 'yon.
"Magpakamatay ka na lang dahil wala nang magmamahal sa 'yo!!!"
***
Tila ba namanhid na si Grace.
Nakalabas na siya ng hospital at ngayon ay naghahanda na siya para pumasok sa eskwelahan pero hindi pa rin tumitigil ang mga boses. Hindi niya kayang hindi pansinin ang mga 'yon kaya naman sa tuwing may sinasabi ito, ginagawa na lang niya.
Nagbabakasakali kasi siyang baka mabawasan kapag may isang bagay siyang sinunod.
"Nakikita mo 'yang blade na ginagamit mo sa kilay? Subukan mo rin gamitin 'yan sa palapulsuhan mo, baka sakaling tumigil ako sa mga sinasabi ko."
Matapos sabihin 'yon ng boses sa tainga niya ay tumawa ito nang tumawa nang malakas, dahilan para mapapikit siya dahil sa sakit ng ulo. Tumatawa pa rin ito kahit lumipas na ang mga segundo kaya naman umalis na siya sa bath tub at kinuha sa lagayan nito ang eyebrow razor na sinasabi ng boses sa kan'yang tainga.
Matagal niya itong tinitigan, pati ang kaliwang palapulsuhan niya. Balak na sana niyang ibalik ulit ang gamit sa pinaglalagyan nito nang mapatingin siya sa salamin at doon, nakita niya reflection ng hubad na katawan. Muli, bumalik sa alaala niya ang lahat ng nangyari noong gabing nagtiwala siya sa pinsan niya.
Mabilis na nagsiagos ang mga luha sa mga mata niya. Ibinalik niya ang atensiyon sa eyerbow razor at sa kaliwang palapulsuhan. Humiga siya nang malalim bago paulit-ulit na inihiwa sa palapulsuhan hanggang sa magdugo ang mga ito. Itinapon niya sa kung saan ang eyebrow razor saka umiyak pa nang umiyak.
"Ano ba 'yan, hindi mo man lang nilaliman!"
Napatigil sa paghagulgol si Grace nang muling magsalita ang boses.
"Paano ako titigil niyan sa 'yo kung hindi naman malalim ang ginawa mo?!"
"Tumigil ka na . . ." bulong niya sa gitna ng mga hikbi. "Nagmamakaawa ako, tumigil ka na."
Muling humagalpak ng tawa ang boses dahil sa sinabi niyang 'yon. Nagpatuloy siya sa pag-iyak kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa mga sugat sa palapulsuhan niya, kasabay ng malakas pa rin na pagtawa ng malademonyong boses sa tainga niya.
Hindi na malaman ni Grace kung paano siya nakalabas ng bathroom para magsuot ng uniform at magsuklay ng buhok. Napatingin siya sa pinto nang marinig ang pagkatok ng kung sino.
"Grace, pasok na ako, ha?"
Hindi siya nagsalita. Ibinalik niya ang atensiyon sa sariling reflection sa salamin habang marahang sinusuklay ang mahabang buhok. Ilang sandali lang din, pumasok ang kapatid niya sa k'warto.
"Ihahatid na kita—"
Napatigil sa pagsasalita si Emman nang makita ang mga sariwang sugat sa palapulsuhan niya. Mabilis siyang lumapit dito at hinawakan ang kaliwang braso.
"Anong nangyari? Bakit ang dami mong sugat?"
Hindi sumagot si Grace. Sa halip, tinanggal lang niya ang pagkakahawak nito sa braso at ipinagpatuloy ang pagsusuklay. Napahugot ng malalim na buntonghininga si Emman sa frustration at sakit na nararamdaman.
"Grace naman! Bakit ba sinasaktan mo ang sarili mo?! Hindi tama 'yan!"
Hindi sumagot si Grace. Hindi rin ito nag-react ng kahit na ano. Tila ba wala itong ibang naririnig kundi ang malademonyong boses na paulit-ulit siyang pinagtatawanan. Pinanatili ni Emman ang titig sa kapatid na tila ba, pakiramdam niya, nawawala na rin sa sarili. Nagbuntonghininga siya bago hinila ito saka niyakap. Hindi na niya napigilan pa ang paghagulgol dahil sa nakikita sa nag-iisang kapatid niya—ang pinakamamahal niya.
"Patawarin mo ako, Grace, kung wala ako sa tabi mo. Patawarin mo si Kuya."
Mabagal, unti-unti, na tumulo ang mga luha ni Grace matapos maramdaman ang yakap ng kapatid at ang paghingi ng tawad nito sa kan'ya kahit na ang totoo, wala naman itong kasalanan.
Hindi ikaw ang dapat na humihingi ng tawad sa akin, Kuya. Wala kang ginawang masama.
Gustong sabihin ni Grace ang mga salitang 'yon pero tila naging pipi siya dahil pakiramdam niya, oras na ibuka niya ang bibig, muling magsasalita ng masasakit ang boses na bulong nang bulong sa kan'ya.
Gusto ko nang matahimik ang mundo ko.
Gusto ko nang . . . matigil ang mga boses na paulit-ulit pinamumukha sa aking wala na akong puwang sa mundo.
Gusto ko nang matigil ang sakit na nararamdaman ko.
Gusto ko nang matigil . . . ang sakit na nararamdaman ng kapatid ko dahil sa akin.
Gusto ko nang matigil ang lahat . . . at isa lang ang paraan para mangyari 'yon.
Napatigil si Grace sa pag-iisip ng mga bagay na 'yon nang muli ay magsalita ang boses sa tainga niya, ngunit sa mas mahinahon nang boses.
"Alam mo naman kung anong dapat mong gawin, 'di ba?"
Napalunok si Grace, dahil sa kabila ng higpit ng yakap ni Emman sa kan'ya at ang paulit-ulit na paghingi ng tawad nito, naging buo ang loob niyang gawin ang isang bagay na alam niyang sa huli, pagsisisihan niya.
"Kailangan mong magpakamatay para mangyari ang lahat ng gusto mong 'yan."
____
super sorry for the super late update. sobrang busy lang sa adulthood + corporate world is taking up so much of my time, i had no time to write anymore. :(
anyway, this chapter is like a gift for everyone who supported saving series. today, i'll celebrate saving serene's milestone for reaching 200k reads by writing and posting this chapter (also bec. it's my dayoff, yay)!
thank you so much! pls don't get tired of waiting for my updates in this story kasi i will give you another story that will heal something in your heart that has been left unmended and ignored for years.
this story will hear your silent cries and pleas. i will make sure that this story will be worth it. believe and trust in me. ;)
thank you so much again! i hope you enjoyed this chapter! <3
-mari
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top