Chapter 08
❝ Is there a moment in your like when you felt like the world turned their back on you? ❞
〰️
TRIGGER WARNING:
Contains scenes that will be extremely disturbing such as sexual harassment, rape, violence, abusive words, victim blaming, etc.
PLEASE READ AT YOUR OWN RISK.
〰️
Noong hapon din ng araw na 'yon, dumating ang nag-iisang kapatid ni Grace mula sa medical mission nito sa Mindanao. Siya ang unang pinuntahan nito oras na dumating ito sa bahay nila.
"Grace!"
Mabilis na napabangon si Grace nang marinig ang baritonong boses ng kapatid. Handa na sana siyang magtago dahil pagod na siyang makinig sa lahat ng masasakit na narinig mula sa mga magulang, pero kaagad na bumukas ang pinto. Pumasok doon si Emman-ang kapatid ni Grace na pitong taon ang tanda sa kan'ya.
"K-Kuya . . ."
Nagbuntonghininga ito bago lumapit sa kan'ya saka siya mahigpit na niyakap. Napaawang ang bibig niya dahil, matapos ang lahat ng naranasan at narinig mula sa sariling mga magulang, hindi na siya umasang may taong yayakap sa kan'ya.
"I'm sorry I wasn't here for you. I'm so sorry."
Mabilis na naipon ang mga luha sa sulok ng mga mata ni Grace bago siya yumakap pabalik. Tuluyan na ring bumuhos ang mga luha niya at hindi na napigilan pa ang malakas na paghagulgol, lalo na nang hinagod nito ang likod niya.
"I'm sorry . . ."
"Kuya . . . I was so scared. Kuya . . . hindi totoo yung mga sinasabi nila!" paulit-ulit na sabi ni Grace. "H-Hindi ko ginusto, Kuya. G-Ginahasa ako. Bakit walang naniniwala sa akin?"
Tumango-tango si Emman bago paulit-ulit na hinagod ang likod niya para pakalmahin siya. "I do, okay? I believe in you. You have me, Grace. You have me."
Mas lalong lumakas ang paghagulgol niya. Hindi na siya nagsalita pa at pinanatili na lang ang mahigpit na yakap ng kapatid sa kan'ya, tutal, 'yon naman ang kailangan niya.
Bagay na ibinigay sa kan'ya ng taong hindi naman niya talaga kilala-si Aling Sandra.
Bagay na hindi ibinigay sa kan'ya ng mga taong nakasama niya buong buhay-ang mga magulang niya.
Makalipas ang ilang minuto, naupo na lang silang magkapatid sa gilid ng kama. Nang tuluyan nang makalma si Grace, lumingon si Emman kay Emily.
"Anong ginawa n'yo sa kan'ya?" seryosong tanong nito, pinananatili ang paghawak sa kamay niya. "Sa lahat ng hindi n'yo paniniwalaan, bakit sariling anak n'yo pa, Mama?!"
Napatalon si Grace mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama nang biglang sumigaw si Emman. Sinubukan niyang pakalmahin ang kuya pero sa itsura nito, mukhang wala nang makakapigil pa sa galit nito.
"Anong gagawin ko? Paano kami maniniwala kung ilang araw siyang nawala pagkatapos kumalat ng video niya?!" umiiyak na sagot ni Emily.
Tumawa si Emman. "You're the mother and you're asking me that? Anong gagawin mo? Eh 'di mag-aalala! Mag-aalala ka kasi hindi umuwi ang anak mo, Mama! Anong klaseng mga magulang kayo ni Papa para gawin kay Grace 'to?!"
Tumalim ang tingin ni Emily kay Emman. "'Wag mo akong pagsasalitaan ng gan'yan, Emmanuel, ina mo pa rin ako!"
"Pero sa ginagawa n'yo sa kapatid ko, nagpapakaina ba kayo?! Hindi! Ang una ninyo dapat na ginawa ay hinanap siya, hindi 'yong naghintay kayo dito at walang ginawa!" Tumingin si Emman kay Grace, galit pa rin ang mga mata. "Ano? Sinaktan ka ba nila, Grace? Anong sinabi nila sa 'yo bukod sa hindi ka nila pinaniwalaan?!"
Umiling si Grace bilang tugon at niyakap na lang ang kapatid. "Tama na, Kuya. Please, I'm tired. I don't want to remember anything, please. Let's just stop. Wala naman nang magbabago." Mananatili pa rin akong kadiri sa paningin ng lahat, no matter what we do, she thought.
Nangilid ang mga luha ni Emman dahil do'n. Nagbuntonghiniga ito bago muling bumaling kay Emily.
"So, nasaan na yung magaling n'yong pamangkin? Nasaan na yung rapist n'yong pamangkin?!" malakas na sabi nito.
Nag-iwas ng tingin si Emily. "He left immediately. Hindi pa kumakalat ang video nila ni Grace, wala na siya sa Pilipinas."
Tumawa si Emman, hindi makapaniwala sa narinig. "Napakairesponsable ninyong magulang para hayaang mangyari 'yon. Kung madali lang sumagap ng signal sa kinalulugaran ko, hindi mangyayari ang lahat ng 'to, Mama. Ngayon, paano ko pa iiwan sa inyo si Grace kung gan'yan ang ginawa ninyo?"
He's going to take me, Grace thought.
Simula pa lang, gusto nang kuhanin ni Emman si Grace at doon tumira sa sarili nitong bahay, pero dahil ayaw mabawasan ni Grace ng freedom para makipagkita at makasama si Connor, hindi siya pumapayag.
Pero sa sitwasyon ngayon, para kay Grace, mas gugustuhin na lang niyang sumama sa kapatid kaysa ang manirahan sa mga magulang niya.
Noong dumating ang kuya niya, doon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para matulog kaya naman kahit papaano, nabawi niya ang lakas na nawala sa kan'ya. Nagising lang siya nang marinig niya ang hiyawan sa ibaba kaya nagmadali siyang bumangon at bumaba para puntahan 'yon.
"Hindi mo nga p'wedeng kuhanin si Grace!" malakas na sabi ni Hernan, ang papa nila.
"Bakit hindi?! Ano bang ginawa n'yo sa kan'ya oras na umuwi siya rito? Wala siyang sinabi pero nakita ko yung sugat sa bibig niya! Siguradong sinaktan n'yo siya, Papa! Tapos ano? Ano pang sinabi ninyo, ha?!"
Napahinto sa pagbaba si Grace nang makita na tumingala ang papa niya na para bang nagtitimpi na lang kay Emman. Siguro'y kanina pa sila nag-aaway at ngayon niya lang narinig ito.
"Sinong maniniwalang ginahasa ang kapatid mo, Emman? Nakita mo yung video, sigurado ako! Ilang beses ko nang pinabura 'yang lintik na video na 'yan pero balik pa rin nang balik! Ano? Nakita mo ba? Lumaban ba yung kapatid mo? Hindi!"
Muling naipon ang mga luha sa mga mata ni Grace matapos marinig ang mga sinabi ni Hernan.
"Hernan, maraming pasa at sugat ang anak mo, ipinakita niya sa akin kagabi!" singit ni Emily.
"Wala akong pakialam!" malakas na sabi nito. "Isang malaking kahihiyan sa pamilya natin ang nangyaring 'yon kaya wala akong pakialam kung nagahasa ba talaga siya o hindi! Sa huli, gano'n pa rin naman ang nangyari. Nakipagtalik siya sa pinsan niya! Alam n'yo ba kung anong mga narinig ko sa lolo't lola niyan?! Ha?!"
Walang sumagot sa huling tanong ni Hernan pero itinuloy pa rin nito ang sinasabi.
"Pinapatapon 'yan sa ibang bansa dahil nagdadala lang daw ng kahihiyan sa pamilya natin!"
Halos mahulog sa hagdan si Grace sa narinig. Siguro nga . . . 'yon ang dahilan kung bakit nasabi ng papa niya kanina na, gusto na lang siya nitong ipadala sa malayong lugar, 'wag lang siyang makita.
"Sinubukan ko namang ipaliwanag sa kanila na baka totoo-baka nagahasa nga-pero hindi pa rin mababago n'on yung katotohanang may nangyari sa kanila ng pinsan niya-na may video!"
Nagbuntonghininga si Grace bago tumalikod at muling umakyat pabalik sa k'warto. Narinig niya pa ang pagtawag sa kan'ya ng kapatid pero hindi na niya ito pinansin pa. Nagkulong na lang siya sa k'warto at muling inalala ang lahat ng mga narinig.
Gano'n nga siguro talaga. Nagahasa man ako o hindi, hindi pa rin mababago n'on ang katotohanang may nangyari sa amin ni Jerry-ng pinsan ko.
Pero bakit ako lang ang pinarurusahan ng mundo? Bakit ako lang ang nahihirapan sa mga naririnig ko? Bakit ako lang? Ako na biktima ng lahat ng 'to . . . pero ako pa rin ang ikinakahiya na para bang ginusto ko 'yon-na para bang ako mismo ang gumawa n'on.
Bakit siya lang ang nakakaranas ng lahat ng ito ngayon?
***
Kinabukasan, naligo siya at nagbihis. Isinuot niya ang uniform para pumasok sa university kahit na alam naman niya kung anong kahihiyan ang naghihintay sa kan'ya ro'n ngayon. Wala siyang pakialam.
Gusto niyang umalis ng bahay. Gusto niyang makita si Connor.
Kung hindi siya tatagal sa eskwelahan, aalis siya at pupuntahan si Connor. Siya na lang ang mayroon siya at malaki ang tiwala niya rito na maniniwala ito sa kan'ya. After all, kinwento niya rito ang mga pinagdaanan niya mula kay Jerry simula noong mas bata pa siya.
Nang matapos siyang gumayak, lumabas na siya ng k'warto. Sakto naman dahil nandoon din ang kapatid niya, mukhang kakatok para pumasok at puntahan siya.
"Uhm . . . good morning." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "P-Papasok ka?"
Tumango si Grace. "Ayaw kong bumagsak. This is all I have now."
Nagsimula na ulit siyang maglakad, nilalampasan si Emman, pero mabilis siya nitong hinawakan sa braso para pigilan.
"Uhm . . . p'wede bang huwag muna, Grace?" maingat na tanong nito.
Nag-init ang sulok ng mga mata niya. "Bakit? Nakakahiya ba para sa 'yo na makita ako sa labas, Kuya?" Hindi ito kaagad nakasagot. "Alam ko kung anong gyera ang pinupuntahan ko, Kuya."
Kinagat ni Emman ang ilalim na labi bago pilit na ngumiti. "I-Ihahatid na kita. Kumain ka muna."
Umiling si Grace. "Ayaw ko."
Halos maiyak si Emman nang pinanood niyang tahakin ni Grace ang hagdan na para bang wala nang buhay. Sa huli, nagbuntonghininga na lang siya bago sumunod dito, hanggang sa lumabas ng bahay. Mabilis niyang inihanda ang sasakyan hanggang sa makasakay na nga si Grace at nagsimula na siyang mag-drive.
Makalipas ang ilang minuto, nakarating sila sa university. Oras na bumaba si Grace ng sasakyan, napunta sa kan'ya ang titig ng mga taong nandoon. Mabilis na napuno ng bulungan ang bawat lugar na nilalakaran niya.
Ang kapal ng mukha, grabe.
Hindi ba siya nahihiya?
Looking at her now, hindi naman pala siya kagandahan. Maganda lang ang katawan at ang kilos.
Sexy pa rin, 'tang ina, swerte naman n'ong pinsan niya!
Ako na yung nahihiya para sa kan'ya. I can't even look at her anymore.
Those were some of the things she heard as she walked past them. Pakiramdam niyang paulit-ulit siyang hinuhubaran, lalo na kapag napapatingin sa kan'ya ang mga kalalakihan saka ngingiti na para bang alam ng mga ito ang itsura ng katawan niya kapag walang suot na uniform.
Gusto niyang sumigaw.
Gusto niyang takpan ang magkabilang tainga.
Gusto niyang mabingi na lang para matigil na ang lahat ng bulungan-mga bulungan na para bang pilit ipinaparinig sa kan'ya.
Mga bulungan na animo'y demonyo sa kan'yang pandinig, hinihikayat siyang patayin na lang ang sarili.
Hindi natapos ang mga bulungan hanggang sa makarating siya sa locker area. Dati, sa tuwing binubuksan niya ang locker, maraming love letters ang naghihintay sa kan'ya ro'n. Pero ngayon . . . wala.
Wala nang love letters ang naghihintay sa kan'ya ro'n. Wala na rin ang mga chocolate at ibang pagkain ang nakasabit sa handle ng locker niya, hindi katulad noon na araw-araw, mayro'n.
Napakunot-noo si Grace nang makita na may isa palang letter na nandoon. Ito yung letter na palagi niyang napapansin dahil pakiramdam niya'y galing sa iisang tao lang. Yung vintage style letter na naka-seal pa gamit ang wax na may design na letter S. Kukuhanin na sana niya 'yon nang mapalingon siya sa nagbukas ng locker sa tabi niya. Nanlaki ang mga mata niya.
"G-Giselle . . ."
Lumingon ito sa kan'ya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa bago ito ngumisi.
"May kailangan ka?"
Napalunok siya nang maramdaman ang lamig ng pakikitungo nito sa kan'ya. "G-Giselle . . ."
"Disappointed with the way I treat you now? Dapat, expected mo na 'yan when you decided to fuck your cousin, Grace. You don't deserve a friend, I swear."
She rolled her eyes before walking away. Doon niya lang din napansin ang isa pang kaibigan na si Myla, nakatingin lang sa kan'ya nang walang emosyon. Wala rin sinabi. Iniwan lang din siyang mag-isa.
Nag-init ang sulok ng mga mata niya. "Myla!"
Hindi ito tumigil sa paglalakad o lumingon man lang sa pagtawag niya. Tuluyan na siyang nawalan din ng kaibigan dahil sa maling mga paratang sa kan'ya.
I did not do that! I was raped!
Gusto niyang ipagsigawan sa mundo na hindi totoo ang mga sinasabi ng mga ito tungkol sa kan'ya, pero yung katotohanang nagahasa siya . . . hirap na hirap siyang aminin o bigkasin dahil walang nakaka-proud sa katotohanang 'yon.
Nandidiri siya sa sarili niya . . . at naiintindihan niya ang lahat ng reaksiyon ng mga ito sa kan'ya.
***
Hindi niya nagawang tapusin ang klase niya sa maghapon. Matapos ang isang subject, lumabas na siya ng university at nagpahatid sa apartment ni Connor. Alam naman niya kung saan nakatago ang spare key nito kaya naman makakapasok siya kahit nawala na niya yung susi na ibinigay nito sa kan'ya.
Nang tuluyan na siyang nakapasok, dumeretso siya kaagad sa kama at binalot ang katawan ng kumot na para bang, pakiramdam niya, buong araw siyang nakahubad dahil sa mga titig ng tao sa kan'ya.
Hindi na niya napansin pa ang oras dahil nakatulog siya. Nagising na lang siya nang marinig ang pagbukas ng pinto sa k'warto. Sakto namang pagpasok ni Connor na kagagaling lang sa university nito. Mabilis na nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito nang makita siya.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong nito sa kan'ya.
Mabilis siyang tumayo at naglakad papalapit sa nobyo. "Connor . . ." Niyakap niya ito nang mahigpit. "Connor . . . I have a lot of things to say. Alam kong ikaw lang ang makakaintindi-"
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang kumalas si Connor sa yakap saka siya sinampal nang malakas, dahilan para mapaupo siyang muli sa sahig. Katulad ng ginawa ni Hernan sa kan'ya, ganoon din ang ginawa ni Connor sa oras na magkita sila.
"Connor . . ."
Lumunok ito bago tumawa. "Ang lakas ng loob mong pumasok dito nang walang pahintulot. Grace, you don't belong here anymore. The moment you fuck your cousin, you lost me already."
Mabilis na nagsiagos ang mga luha ni Grace habang ginagamit ang natitirang lakas niya para tumayo.
Grace laughed, unable to believe what she just realized. "Don't tell me . . . you believed them?"
He scoffed. "What's not there to believe when there's a video of you and him, circulating in the whole country? What? Let me guess. You came here to tell me that he raped you, am I right?"
Grace couldn't talk. Connor laughed sarcastically.
"Stop putting the blame on other people when you're caught doing the most shameful thing, Grace! Stop playing victim when you, yourself, know the truth!"
"The truth is I was raped! Multiple times that night!" she shouted but Connor didn't even react, like he expected that from her already. "I was raped! I told everything to you about him, right?! Ikaw ang nagpursigi sa akin na patawarin siya at bigyan ng pagkakataon para pagkatiwalaan ko ulit-"
"And you're actually blaming me for that now? Ako-ako na wala doon, Grace?" Tumawa si Connor. "Stop being petty! Sabihin mo na lang na mas nasarapan ka sa bawal na sex-"
Napatigil sa pagsasalita si Connor nang sinampal niya ito nang malakas.
"Shut the fuck up!"
Connor just laughed. "Why? Am I hitting the Bull's eye?"
Napahagulgol muli si Grace dahil do'n. Hindi niya akalain na yung huling taong inaasahan niyang maniniwala sa kan'ya, siya pa ang magbibigay ng mga pinakamasasakit na salita para sa kan'ya.
"Let's say you were really raped, Grace. Ikaw na ang nagsabi na simula pagkabata, nararamdaman mo ang lihim na paghipo niya sa 'yo. You even told me that he almost raped you four years ago. Hindi ba dapat . . . sinabi mo kaagad 'yon sa mga magulang mo para naaksyunan kaagad? Para hindi nangyari ang lahat ng 'to? Pero hindi. Nanahimik ka. Parang t-in-olerate mo na rin ang rapist mo!"
Napatakip sa bibig si Grace dahil sumasakit na ang dibdib niya sa bawat paghikbi. Hindi siya makapaniwala na kay Connor pa mismo manggagaling ang lahat ng naririnig niya ngayon.
"Alam kong sinabi kong patawarin mo yung tao-pagkatiwalaan mo ulit. Pero hindi ba basic knowledge ng pagbibigay ng second chance ay ang mas mag-ingat ka sa tao? Remember that night, I asked you if I should greet him. Sabi mo, 'wag na, 'di ba? Don't tell me, ako pa rin ang may mali?" He scoffed.
Hindi na magawa pang magsalita ni Grace. Parang nauubusan na siyang oxygen dahil sa sobrang pag-iyak. Mas lumalala pa dahil sa mga naririnig niya kay Connor.
"The moment you stop being cautious around him, you should've expected those things to happen again, Grace. Pero ano? Paulit-ulit kang sumama sa kan'ya, 'di ba? You brought that upon yourself too, Grace. It was all on you because you never took care of yourself enough!"
Napaupo sa sahig si Grace habang patuloy sa paghagulgol. Akala niya, tapos na si Connor sa kan'ya, pero hindi. Marami pa itong sinabi na mas lalo pang tumatak sa isip at puso niya.
"Don't worry about the sex videos we took together. Binura ko na lahat 'yon. Watching it now actually disgusts me. I can't believe I had sex with someone as gross as you, Grace. You fucking disgusts me!"
It was her cue. She's had enough. Ayaw na niyang may marinig pa pagkatapos n'on. At sana, 'yon na ang huling beses na magsasalita pa si Connor tungkol do'n, pero hindi. Nagpatuloy ito nang nagpatuloy sa pagsasalita hanggang sa tuluyan na siyang maubusan ng emosyon sa sobrang sakit ng nagiging epekto nito sa kan'ya.
"'Wag ka nang babalik dito, please lang. I will not leave the spare key there anymore. The spare key that I gave you, please throw that away. I don't want to see you anymore. And please, I don't even want to be associated with you anymore so don't you ever come near me again. Understand?"
After he said that, he left her there, alone, crying, unable to stand on her ground because she felt like she lost everything.
The world turned their back on her just when she needed it the most.
And now, she has nothing.
She's nothing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top