Chapter 06
❝ Once in your life, did you ever feel like you are being punished for doing something good? ❞
〰️
TRIGGER WARNING:
Contains scenes that will be extremely disturbing such as sexual harassment, rape, violence etc.
PLEASE READ AT YOUR OWN RISK. Or you can skip this chapter. Thank you.
〰️
Sa kalagitnaan ng byahe nila, tahimik lang silang dalawa. Hindi matigil sa pagkutkot ng kuko si Grace habang nakaupo sa tabi ng driver na si Jerry. Mahigit isang oras na silang paikot-ikot sa daan na hindi na siya pamilyar at pakiramdam niya, masyado nang malalim ang gabi. Balak pa naman niyang kumain ng dinner kasama ang mga magulang pero siguradong mali-late na siya ng uwi dahil malayo-layo na ang napuntahan nila.
"So, where are you going to take me? And what are you going to show me?" she asked him once again.
Hindi ulit sumagot ang lalaki. Kung umasta nga ito'y parang walang kasama o hindi siya narinig. Hindi man lang siya binigyan ng reaksiyon tungkol do'n. Sa huli, hinayaan na lang niya ang pinsan, tutal, sigurado naman siyang iuuwi siya nito ng buhay.
He's studying to be a life saver, not a life executioner, in a prestigious university in the USA. There's no way that he'll harm her, also to think how obsessed it was in protecting her back when they were younger.
After another hour, Jerry stopped driving in a place that's not really familiar to her. Kung kanina'y pakiramdam niya, nadaanan na niya ang mga lugar, ngayon ay wala na talaga siyang idea kung nasaan siya. Ngumuso siya bago lumingon sa pinsan na kinukuha na ang cellphone sa drawer. Ilang sandali pa, binuksan nito ang cellphone saka nag-browse sa files bago ito iniabot sa kan'ya.
Halos maubos ang dugo niya sa mukha nang makita ang nilalaman ng video na nagpi-play sa screen. It was her sex tape with Connor and they never filmed it. It was filmed outside Connor's apartment!
"W-Where did you get this?" nanginginig na tanong niya.
Tumawa si Jerry. "I filmed that."
Mabilis na napalingon si Grace sa lalaki. Sa itsura nito, parang nag-e-enjoy ito sa reaksiyon na nakukuha mula sa kan'ya. Kung iisipin niyang mabuti, parang hindi ito ang pinsan na nakilala niya sa mahabang panahon.
Ibang tao na itong kaharap niya ngayon.
"I never thought you liked filming yourself, having sex with your boyfriend, Grace?" Jerry laughed, obviously mocking her, while she started crying out of fear. "Maybe you should really apologize to me, Grace. I never thought you'd grow up to be that kind of woman."
Mabilis na nag-iwas si Grace ng tingin kasabay ng pagtapon niya ng cellphone. Lumabas siya ng sasakyan ng pinsan. Doon niya lang napansin na nasa malawak na bukid sila at walang nagdaraang sasakyan o kahit na isang tao man lang. Wala siyang ibang makita ro'n kundi mga puno at pananim na mukhang kaaani lang din.
Wala siyang mahihingian ng tulong . . . lalo na ngayong napagtanto niyang nagkamali siya ng pagtitiwala ulit.
Tumakbo siya palayo sa sasakyan ng pinsan pero mabilis din siyang natigil nang hinila nito ang braso niya para iharap siya rito.
"Let go of me!" she shouted.
"Tumahimik ka!" sigaw nito kasabay ng pagsampal sa kan'ya nang malakas, dahilan para bumagsak siya sa masukal na sahig. "Kinakausap pa kita! 'Wag mo akong nilalayasan!"
Walang ibang nagawa si Grace kundi umiyak nang umiyak at magmakaawa. "Kuya . . . Kuya Jerry . . . 'wag ganito. Please, iuwi mo na ako . . . nagmamakaawa ako," nanginginig na sabi niya.
Tumawa si Jerry bago naupo sa harap niya. "Hindi ko pa naririnig ang gusto kong marinig. Nasaan na yung apology na gusto kong marinig? You need to apologize to me. I never liked the woman that you are now. I never liked that you turned out to be a whore who collected sex tapes of herself with her boyfriend. Apologize, Grace. Beg for my forgiveness."
Hindi makapagsalita si Grace. Iyak at hikbi lang ang tanging lumalabas sa bibig niya. Sinubukan niyang tumayo para muling tumakbo palayo sa pinsan pero hindi pa siya nakakadalawang hakbang, muli siya nitong hinila pabalilk saka sinuntok nang malakas sa tiyan, dahilan para mawalan siya ng lakas para lumaban.
"Why can't you do the same for me?" tanong ni Jerry habang hawak nang mahigpit ang buhok niya, pilit na inihaharap ang mukha niya rito. "Pinilit mo akong mag-sorry sa kasalanan na hindi ko nga matandaan, 'di ba? Ngayong alam mo ang kasalanan mo sa akin, bakit hindi mo magawa 'yon? A single apology would make me go easy on you tonight, pero pilit mo pa ring pinahihirapan ang sarili mo."
Paulit-ulit na napalunok si Grace habang paulit-ulit na humihingi ng tawad sa bagay na alam niyang hindi naman kasalanan.
"Sorry. Patawarin mo ako. I'm sorry. Please, let go of me."
Tumawa nang tumawa si Jerry bago siya pinilit na itinayo, hawak pa rin nang mahigpit ang buhok niya. Napasigaw siya sa sakit dahil do'n. Gusto na lang niyang mawalan ng malay ngayon. Gusto na lang niyang makatulog sa sobrang sakit ng nararamdaman niya at sa takot, pero hindi niya magawa.
Binitiwan siya ni Jerry nang makalapit sa isang malaking puno saka iniuntog nang malakas ang ulo niya rito, dahilan para makaramdam siya ng hilo. Hindi na niya alam kung anong nangyayari. Hindi na rin niya maintindihan ang mga sinasabi nito sa kan'ya. Ang tanging gusto na lang niya . . . ang umuwi.
"Tumingin ka, Grace. Nandoon ang camera. Tumingin ka, ha? Ngumiti ka. Matatanggap mo mamaya 'yan."
Tumawa nang malakas si Jerry habang hinuhubad isa-isa ang mga suot nito. Lalong nakaramdam ng takot si Grace. Nanginginig man ang buong katawan niya at nanghihina, pinilit niya pa rin na tumayo at tumakbo palayo rito, pero mabilis siya nitong nahabol para ibalik sa pwesto niya kanina.
"Tutal, pinilit mo naman akong mag-sorry sa pangha-harass ko sa 'yo noon, kahit na hindi ko nga maalalang ginawa ko 'yon, tototohanin ko na para naman may silbi yung paghingi ko ng tawad at pagmamakaawa sa 'yo noon."
Napatili si Grace nang ibinaba ni Jerry ang lahat ng pang-ibabang suot. Mabilis siyang tumayo ulit para tumakbo pero nahablot ng lalaki ang buhok niya kasabay ng paghila sa kan'ya pabalik, dahilan para mapahiga siya sa masukal na sahig. Ilang beses siyang sinampal at sinuntok ni Jerry sa tiyan, dahilan para mawalan siya lalo ng lakas, pero hindi siya sumuko.
"Lumayo ka sa akin! Bitiwan mo ako!!! Tulungan n'yo ako!!!" sigaw niya habang paulit-ulit na sinisipa at tinutulak ang pinsan na ngayon ay pinupunit na ang mga damit niya.
"Manahimik ka na't walang makakarinig sa 'yo dito. Hindi kita dinala rito para may tumulong sa 'yo, okay?" Tumawa nang malakas si Jerry bago tuluyang natanggal ang mga pang-itaas niya. "Ngumiti ka sa camera, Grace. Gusto mo 'yan, 'di ba?"
Napatigil siya sa pagsigaw nang pagsigaw nang tuluyan nang lumapat ang labi nito sa kan'ya, habang paulit-ulit na pinaglalaruan ng mga kamay nito ang dalawang dibdib niya. Paulit-ulit niyang sinisipa at kinakalmot ang lalaki pero parang manhid ito na walang maramdaman dahil hindi man lang ito lumalayo kahit isang pulgada man lang.
Muli siyang sumigaw nang sumigaw nang humiwalay ang labi ni Jerry para bumulong sa tainga niya.
"Tatandaan mo 'to, Grace. Simula sa gabing 'to, nakakadiri ka na, ha? Wala nang tatanggap sa 'yo. Wala ka nang karapatang mabuhay nang masaya at mapayapa. Hinding-hindi ka na magiging masaya pa dahil hindi ko hahayaang makalimutan mo ang gabing 'to, maliwanag?"
Marami pang sinabi sa tainga niya ang lalaki pero hindi na niya inintindi 'yon dahil gusto na lang niyang kumawala rito. Paulit-ulit niyang sinasampal ang lalaki gamit ang natitirang lakas niya, pero daig pa nito ang may kapangyarihan sa sobrang lakas dahil hindi man lang siya nakakuha ng reaksiyon dito.
Hindi man lang ito nalayo sa katawan niya kahit isang segundo . . . hanggang sa tuluyan na siyang mapasigaw nang maramdaman ang pagpasok ng pagkalalaki nito sa loob niya. Paulit-ulit na pagsigaw at paghingi ng tawad sa hindi niya maintindihang dahilan ang lumalabas sa bibig niya.
What did I do wrong in this world?
Why do I need to apologize for living the life I wanted?
Why do I need to experience this in my own relative's hands?
All I did was to trust and forgive someone who did me wrong before. Did I deserve to be punished like this for doing something good?
I never did anything wrong. Why am I experiencing hell right now?
Hindi siya tinigilan ng pinsan hanggang sa tuluyan na itong magsawa sa katawan niya. Nagsawa na rin ang katawan niyang depensahan ang sarili dahil wala naman itong nagawa para sa kan'ya. Hindi man lang niya naprotektahan ang sarili sa trahedyang nangyari sa kan'ya ngayon.
Dahil masyado siyang nagtiwala sa isang tao na akala niya, mapagkakatiwalaan niya pa, hindi man lang niya napigilang mangyari ang mga nangyari ngayong gabi.
"Kaya naman pala adik na adik sa katawan mo boyfriend mo, eh. Masarap ka pala?" natatawang sabi ni Jerry saka humalakhak habang paulit-ulit nitong pinapasok ang pagkalalaki sa loob niya sa hindi na niya mabilang na beses.
Wala nang lumalabas na salita sa mga bibig niya kahit na ang dami niyang gustong sabihin. Gusto niyang magmura nang magmura pero wala na siyang lakas para ibuka ang bibig niya para do'n. Kahit na daliri lang, hirap na hirap na rin siyang igalaw sa sobrang pagod.
Pero sa tuwing naiisip niya . . . na gusto niyang patayin ang gumagahasa sa kan'ya ngayon, nagkakaroon siya ng lakas.
Nang tuluyan nang umalis sa ibabaw niya si Jerry, pinanood niya itong isuot muli ang mga damit. Dahan-dahan, tumayo siya habang hawak ang batong napulot niya sa 'di kalayuan. Maingat niyang iniangat ang kamay na may hawak na bato, handa na itong ipukpok sa ulo ng taong nagbibihis sa harap niya ngayon, pero mukhang malakas pa ang pakiramdam nito sa kabila ng lahat ng ginawa sa kan'ya.
Oras na iwasiwas niya ang kamay, hawak ang bato, papalapit sa lalaki, mabilis siya nitong naiwasan saka siya muli nitong sinuntok sa kaliwang pisngi, dahilan para bumagsak ulit ang hubad na hubad niyang katawan sa makalat na sahig.
"D'yan ka nararapat, Grace. Sa mga katulad mong basura."
Matapos n'on, narinig na niya ang mga hakbang nito palayo. Wala na siyang makita dahil unti-unti na siyang nawawalan ng malay matapos ang lahat ng pananakit at panggagahasa sa kan'ya.
Sa ngayon . . . wala na siyang ibang gustong gawin pa kung hindi ang mamatay na lang.
Sa mga nangyari sa kan'ya ngayong gabi . . . ayaw na niyang ituloy pa ang buhay.
〰️
Halos maliwanag na nang maramdaman niyang may tumatapik sa kan'ya. Marahan niyang iminulat ang mga mata. Nakita niya ang isang babaeng sa tingin niya'y 50 years old na. May hawak itong walis tingting na may mahabang patpat. Pilit itong ngumiti sa kan'ya.
"Hija . . . sumama ka muna sa akin."
Mabilis siyang lumayo sa babae sa takot na naramdaman. 'Yon ang huling narinig niya sa lalaki kagabi bago siya sumama rito. At ngayong naririnig niya na naman, pakiramdam niya, may panibagong masamang mangyayari na naman.
"'Wag! 'Wag kang lumapit!" sigaw niya habang humahagulgol, patuloy pa rin sa paglayo sa babae kahit na hindi magawa ng katawan niyang kumilos mabuti. "'Wag kang lumapit!!!"
Napalunok ang babae sa nakitang reaksiyon sa kan'ya. "H-Hindi ako masamang tao. Hindi kita sasaktan."
Hindi naniwala si Grace. Patuloy lang siya sa pag-iyak habang nagmamakaawa sa babaeng lumayo sa kan'ya. Kinagat ng babae ang ilalim na labi bago tumayo at naglakad papalayo, pero ilang sandali lang din, bitbit na nito ang mga gamit niyang siguro'y iniwan ni Jerry doon bago ito umalis.
"Sa iyo ba ito? Nakita ko ro'n sa kalsada." Pilit na ngumiti muli ang babae sa kan'ya. "Gusto lang kitang tulungan, hija. Wala kang suot na kahit na ano at marami kang sugat. Gusto ko lang na gamutin ang mga 'yan. Hindi kita sasaktan. Maniwala ka. Kahit pagkatapos kong gamutin ang mga sugat mo at bihisan ka, ayos lang sa akin na umalis ka na. Hmm?"
Walang ibang nagawa si Grace kung hindi ang umiyak nang umiyak. Natatakot na siyang sumama sa kahit na sino ngayon pero alam niya rin na kailangan niya ng tulong at ito na ang lumapit sa kan'ya.
Kumuha ang babae ng isang pares na damit mula sa bag niya na naglalaman ng mga gamit na iuuwi niya sana kagabi mula sa apartment ni Connor. Tinulungan siya ng babae na isuot ang mga ito saka siya inakay papunta sa tricycle na malapit. Nang makaupo na siya sa loob, naupo naman sa motor ang babae saka nag-drive palayo.
Mabilis lang din na tumigil ang pagda-drive nito. Huminto ito sa harap ng isang bahay na p'wede nang tawaging kubo—mas malaki nga lang ro'n. Pagkapasok ng babae sa mga gamit niya sa loob, tinulungan ulit siya nito na lumabas sa tricycle hanggang sa makapasok sa loob.
Mabilis na dumeretso si Grace nang makakita ng CR. Sinundan lang siya ng tingin ng babae at hinayaan sa gusto nitong gawin. Sa halip, naghanda na lang ito ng panibagong pagkain para sa kan'ya.
Habang nasa loob ng CR si Grace, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang magbuhos nang magbuhos ng tubig mula sa timba na pinatutuluan niya ng tubig mula sa gripo. Huli na nang mapagtanto niyang may suot nga pala siyang damit kaya naman basang-basa na ito bago pa niya mahubad. Pagkatapos n'on, muli siyang nagbuhos nang nagbuhos ng tubig sa katawan habang pilit na kinukuskos ang balat, umaasang kapag ginawa niya 'yon, matatanggal lahat ng bakas na iniwan ng pinsan niya.
Masarap ka pala! Hahahaha!
Ikakahiya ka na ng lahat ngayon, Grace! Tulad kung paano mo ako kinahiya sa isang pagkakamaling hindi ko alam na ginawa ko pala!
Iiwan ka ng lahat dahil nakakadiri ka na ngayon sa paningin nila pagkatapos nito! Hahahaha!
Hinding-hindi ka na magiging masaya pa! Hindi ka na matatahimik sa buhay kahit na isang segundo man lang!
Mariin niyang naipikit ang mga mata kasabay ng pagsigaw habang pilit na kinukuskos ang buong katawan. Humagulgol siya nang malakas dahil malinaw na malinaw sa kan'ya ang lahat ng nangyari sa kan'ya kagabi.
Ginahasa siya ng sarili niyang pinsan . . . nang paulit-ulit.
Halos mabugbog-sarado siya nito dahil sa paulit-ulit niyang paglaban at ngayon . . . nawala sa kan'ya ang lahat.
Hindi niya akalain na yung taong pinatawad niya at binigyan ng pagkakataon para pagkatiwalaan ulit . . . sisirain ang buhay niya nang gano'n gano'n lang.
Muli siyang sumigaw habang paulit-ulit na kinakalmot ang sarili para matanggal lahat ng bakas ni Jerry sa katawan.
Mahigit isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin siya lumalabas ng CR kaya naman napagdesisyunan na ng babae na kumatok.
"Hija, tapos ka nang maligo? Inihanda ko na ang isusuot mo, pati ang mga pagkain."
Hindi siya sumagot. Nakasandal lang siya sa dingding, tulala sa kawalan, habang paulit-ulit na nagpi-play sa isip niya lahat ng binulong ni Jerry sa kan'ya kagabi.
"Ipasusuot ko na muna itong daster ko sa iyo, marurumi pala ang mga damit mo rito sa bag. Lalabhan ko na muna, ha? Sa ngayon, pagtiisan mo na muna itong mga damit ko, ha?"
Muli, hindi sumagot si Grace, kaya naman napabuntonghininga na ang babae.
"Bubuksan ko na ang pinto, hija, ah? Natatakot kasi ako, baka may masama nang nangyari sa 'yo d'yan. Hindi kita sasaktan, ha?"
Sunod-sunod na pumatak muli ang mga luha ni Grace. Ilang sandali lang din, bumukas ang pinto, dahilan para mapalingon si Grace doon. Muli siyang nakaramdam ng takot kaya naman pilit siyang lumayo sa babae, pero ngumiti lang ito sa kan'ya bago binalot ng tuwalya ang hubad at basa niyang katawan, napupuno ng mga pasa at sugat.
"Halika na, anak, bibihisan na kita. May pagkain ro'n sa labas. P'wede kang kumain pagkatapos nating gamutin ang mga sugat mo, hmm?"
Parang naging sunud-sunuran si Grace ng isang babaeng hindi naman niya kilala. Hindi niya alam kung bakit hinahayaan niya ang sariling magtiwala ulit sa hindi naman niya kakilala, samantala yung taong nakasama niya buong buhay, nagawang sirain ang buhay niya sa isang iglap lang.
Matapos ipasuot sa kan'ya ang pulang daster, pinaupo siya nito sa isang upuan saka ginamot ang mga sugat sa braso, leeg at binti. Marami at malalaki rin ang mga pasa niya kaya naman ramdam na ramdam niya ngayon ang sakit ng buong katawan pero hindi na niya 'yon iniinda pa.
"Alam mo, marami talagang masasamang loob sa mundo. At dahil wala tayong ibang magagawa para mapigilan sila, ang tanging p'wede na lang nating gawin ay ang mag-ingat." Pilit na ngumiti ang babae, nasa sugat niya ang mga atensiyon. "Pero minsan, kahit anong ingat natin, nangyayari pa rin ang mga bagay na hindi natin gustong mangyari. Tama?"
Hindi sumagot si Grace. Tulala lang siya sa kawalan, pilit na kinakalimutan lahat ng mga nangyari at narinig kagabi.
"Pero gusto ko lang din malaman mo . . . hindi mo kasalanan ang mga nangyari sa 'yo. Hindi porke hindi mo nagawang protektahan ang sarili mo, dapat mo nang sisihin ang sarili mo. Hindi gano'n, hija, okay? Makukuha mo rin ang hustisya. Naniniwala ako ro'n."
Matapos sabihin 'yon ng babae, sunud-sunod na tumulo ang mga luha ni Grace, hanggang sa tuluyan na nga siyang napahagulgol. Nagbuntonghininga ang babae bago lumapit sa kan'ya para yakapin siya.
"Hayaan mo, sinusunog na ngayon ang mga kaluluwa nila sa impyerno habang nabubuhay sila sa mundong ito. Alam kong mali 'tong sasabihin ko, pero mamamatay rin sa masalimuot na paraan ang mga hayop na 'yan. Mga halang ang kaluluwa. Wala silang puwang sa mundong ito kaya sana, kung sino man ang gumawa sa 'yo nito, sana mamatay siya o sila sa pinakamasahol na paraan. Hmm?"
Yumakap si Grace pabalik sa babae habang humahagulgol. Paulit-ulit siya nitong tinatapik at hinahagod sa likod, hinahayaan siyang iiyak ang lahat-lahat ng sakit na nararamdaman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top