Chapter 03

❝ Have you ever trusted someone again after betraying you before? How did it go? ❞

〰️

TRIGGER WARNING:
Contains themes and scenes that may be disturbing to you.
Read at your own risk.

〰️

Simula noong gabing 'yon, hindi na nagparamdam pa sa kan'ya si Jerry. Kahit na medyo bothered si Grace dahil alam niyang masasakit na salita ang binitiwan niya rito, hindi niya pa rin maiwasang makahinga nang maluwag dahil kahit papaano, natatapos ang araw niya nang hindi ito nakikita at nakakausap—nang hindi nakikita ang nanghalay sa kan'ya.

Habang kumakain sila ng dinner sa apartment ng boyfriend na si Connor, napag-usapan nila ang tungkol dito. Ikinwento ni Grace ang lahat, mula sa pasimpleng pagtama ng kamay nito sa iba't ibang pribadong parte ng katawan niya na para bang hindi nito sinasadya hanggang sa huli. Pero dahil sa nangyaring huli noong gabi, hindi na niya kayang isipin pa na aksidente ang lahat ng 'yon.

Ipinagkatiwala ni Grace ang lahat ng 'yon sa kaisa-isang tao . . . si Connor. Ang kaisa-isang taong napagsabihan niya ng kinakahiya niyang nakaraan.

"Sa tingin mo, na-guilty na talaga siya sa mga ginawa niya noon? Sa tingin mo, na-realize na niyang hindi sapat na dahilan ang alak para gawin 'yon?" tanong ni Grace matapos sabihing mahigit isang linggo nang hindi nagpaparamdam ang pinsan.

Humigop sa tubig mula sa baso si Connor. "Maybe? Hopefully. Everything you told him makes sense. It's stupid to not realize something after that."

Nakaramdam ng saya si Grace dahil do'n. 'Yon ang isa sa mga bagay na gusto niyang marinig mula sa boyfriend, at finally, after ng unang pagtatalo nila tungkol dito, naramdaman niyang may kakampi siya sa lalaki.

"Right?" malapad ang ngiting tanong ni Grace. "I hope he's really reflecting from what he did to me before," dagdag ni Grace bago itinuloy ang pagkain.

Tumango-tango si Connor. "But, just in case, since hindi naman na siya iba sa 'yo . . . tutal, kadugo at kapamilya mo naman siya, maybe it's not bad to give him a second chance. Ikaw na rin ang nagsabi, parang kuya mo na rin siya."

Napanguso si Grace dahil do'n. Sigurado siyang nabanggit niya kay Connor na hindi 'yon ang unang beses na naramdaman niya ang pambabastos ng pinsan niya. Pero dahil sa sinabi ng kasintahan, napatanong siya sa sarili kung nabanggit niya ba talaga.

"If . . . if he ever came to you once again, and he apologized sincerely, why don't you give him a chance?" Hindi sumagot si Grace kaya naman naramdaman ni  Connor na may kailangan pa siyang sabihin. "Look, baby, I don't mean anything about this, okay? But, every person is not the same as they were yesterday. You were not the same person as you were a while ago, and so do I. Lahat tayo nagbabago as time goes by."

Nag-iwas ng tingin si Grace at tahimik na kumain habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng kasintahan.

"What I mean is, he might've changed in those four years that he's away from you. In those four years, a lot of things happened already. Hindi naman siguro nakakabawas sa pagkatao nating magbigay ng chance at . . . magtiwalang ulit. Isa pa, you told me that he was sixteen at that time and first time to be drunk that much. I really believe that . . . he didn't know what he was doing. He passed out immediately on the floor, right? He must be really . . . too drunk . . . to know and understand what he did."

He has a point, she thought. Grace sighed as she looked at him. "But I believe that you won't be able to function or do anything kung lasing na lasing ka talaga. Connor, he went from the party all the way to my hotel room. Do you really believe that he can do that kung lasing na lasing siya? Can you do that?"

Napanguso si Connor, napapaisip. "Well . . . I can't. I might've passed out in the middle of it." He chuckled. "Unless, may naghatid sa kan'ya?"

Umiling-iling si Grace habang pilit na inaalala ang mga nangyari noon. Sa pagkakaalala niya, sumisigaw siya noon at humihingi ng tulong pero walang pumunta sa kan'ya. She even knocked on every door of her family and relatives' room but no one answered—maybe they're all still in the party place or some are already sleeping soundly. She believed that no one accompanied Jerry at that time.

She sighed. "I don't know. Really."

Connor smiled and held her hand. "Baby, look. I am not taking his side, okay? I'm on your side all the way. But to keep your inner peace, it's best to try and move on from what happened . . . and forgive him. Give him a chance. I promise, you will live comfortably once again." He smiled genuinely. "At isa pa, hindi na mangyayari pa ulit 'yon, naniniwala ako. Nandito rin ako palagi para protektahan ka."

The last line that he said has always been the comfort and assurance that Grace always needs. That's just all she ever wanted. She smiled at him and nodded slightly, after she realized he did have a point. She believed in him. He's right, she thought.

"Okay then. For you, I'll do it—only if he apologize sincerely. I want him to make an effort for it."

Connor chuckled. "I don't really know him. Isang beses ko lang naman siyang nakita, pero I really think that he's a good person. He will make it up for you."

〰️

Monday morning came, tulad ng araw-araw na nangyayari sa tuwing papasok siya sa unang subject, nasa kan'ya na naman ang atensiyon ng karamihan. Simula noong nagdalaga siya, palagi siyang napupuri dahil sa mga kilos niyang pinong-pino. Sa galaw pa lang niya, madaling masasabi na nanggaling siya sa pamilyang may kayang ipagmalaki.

Grace's life is not extravagant like what others thought. Her family is considered rich, pero ang totoong mayaman sa pamilya nila ay ang grandparents niya. They had a lot of branches of hospitals around the Philippines and just last year, nagsisimula na rin ang grandparents niya sa pagpaplano ng pagtayo ng branch sa labas ng bansa.

She and her family doesn't acknowledge it as their own. Habang hindi pa tuluyang ipinamamana sa mga magulang ni Grace ang mga business, sinabi ng mga itong hindi nila ito iisiping sa kanila. Isa pa, dahil sa inheritance, nagkakaroon ng hidwaan ang mga kapatid ng papa ni Grace--lalo na't tagapagmana ito--kaya naman ang lahat ng tito at tita niya ay may lihim na sama ng loob sa kanila. 

Kaya naman ginusto nilang mamuhay nang normal, sa kabila ng mga pamanang naghihintay sa pamilya nila na makuha pagdating ng tamang panahon.

Nang makarating si Grace sa locker room,wala ang mga kaibigan niya. Maaga siyang nakarating ng university dahil hindi sila nagkita ni Connor kaya naman naiintindihan niyang wala pa ang mga kaibigan. Binuksan na lang niya ang locker para kuhanin ang mga aklat at mag-iwan ng ibang gamit na hindi kailangan.

Sa pagbukas niya nito, nakita niya ro'n ang mga letter na iniiwan sa kan'ya ng mga taong naghahayag sa kan'ya ng pag-ibig. Doon niya lang din na-realize na ang dami na pala at hindi niya pa naitatapon ang mga ito. Wala siyang intensiyong basahin o itabi ang mga 'yon kaya naman itinatapon niya na lang. Gusto niya rin na makita ng mga nagbibigay sa kan'ya ng letter na gano'n ang ginagawa niya sa mga ito, nang malinawan na wala silang mapapala sa kan'ya.

Habang iniipon sa kamay ang mga nakatuping papel, napansin na naman niya ang kaisa-isang sulat na kulay brown na kraft envelop at nakatali sa brown jute string. Naka-seal din ito ng pulang wax na may design na letter S. Napakunot-noo siya dahil hindi ito ang unang beses na makita niya ang sulat na 'yon. Sa pagkakatanda niya, maraming beses na siyang nakatanggap ng sulat na ganoon ang itsura.

Sa iisang tao lang siguro nanggaling ang mga 'yon, naisip niya.

Sa curious niya dahil sa ganda ng pagkakagawa nito, nagbuntonghininga siya bago binuksan ang laman ng envelop. Sa loob, may nakatuping brown na papel at may sulat-kamay ng alpabetong hindi niya maintindihan. Napakunot-noo siya.

"What the fuck is this?" kunot-noong bulong niya sa sarili habang tinitingnan ang pamilyar ngunit hindi maintindihang alpabeto.

Sa pagkakatanda niya habang nag-aaral siya, ang alpabetong nasa sulat ay baybayin. Hindi siya marunong magbasa nito at wala siyang panahon para pag-aralan ito kaya naman nagbuntonghininga na lang ulit siya bago ibinalik ang papel sa loob ng envelope saka isinama sa ibang sulat na natanggap. Naglakad siya papunta sa basurahan sa labas.

Hindi pa man siya tuluyang nakalalapit doon, nabunggo na siya ng isang lalaking nakasuot ng ibang uniform. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Doon niya rin napagtanto na varsity player ito ng swimming team sa school nila.

"Uhh, sorry," saad ng lalaki.

Hindi pamilyar ang lalaki sa kan'ya kaya naman tumango na lang siya bilang tugon saka tuluyang itinapon ang mga sulat sa basurahan. Pagkatapos, bumalik na siya sa locker para kuhanin ang gamit at pumasok sa unang klase para sa araw na ito.

〰️

Grace felt happy and contented now that her peaceful life seems to come back. Siguro nga, hindi talaga siya okay na makita ang nagkasala sa kan'ya noon, kaya naman ngayong two weeks straight na itong hindi nagpaparamdam sa kan'ya, kahit papaano, pakiramdam niya, nagiging okay na ulit siya.

It took her years to overcome the trauma that Jerry left her. Hindi niya inasahan na pagbalik nito, babalik din sa kan'ya lahat ng naramdaman niya noong gabing 'yon. Pero ngayong may kakampi na siya sa katauhan ni Connor, 'yong taong nangakong poprotektahan siya nito, pakiramdam niya, okay na rin siya. Na . . . kahit nagbalik si Jerry sa buhay niya, hindi na siya masiyadong takot na harapin ito dahil nand'yan naman si Connor.

"Are all your classes done?" tanong ni Connor sa kan'ya nang sinundo siya nito sa university nila.

Tumango si Grace habang kinukuha ng lalaki sa kan'ya ang makakapal na aklat na kailangan niyang iuwi. "Yes. Maaga ang dismissal. I need to review some lessons nga lang."

Ngumuso si Connor. "You can do that in my apartment, right?"

Tumawa si Grace. "We will never be able to finish anything."

Sumimangot si Connor. "Come on, I missed you for three whole days."

Yumakap siya sa baywang ng lalaki. "Because I was busy. I'm sorry, okay? Babawi ako."

Ngumiti si Connor. "Then bumawi ka today. Hmm? Maaga pa naman."

Tumawa siya bago tumango bilang pagsuko dito. Miss na rin naman niya ang lalaki. 'Yon nga lang, importante ang quizzes nila bukas kaya naman medyo nag-aalangan siya. Alam ni Grace na oras na masimulan nila ang sex, hindi natatapos sa isa o dalawang round lang 'yon.

Lalo na ngayong tatlong araw silang hindi nagkita.

Oras na makarating sila sa loob ng apartment, hindi pa man din naibababa ni Grace ang bag, sinunggaban kaagad ni Connor ang labi niya habang pilit na hinuhubad ang uniform niya. They both ended up naked on his bed, panting, while he thrusts his manhood inside her deep and hard.

Past 9 p.m. na nang ihatid siya ni Connor pauwi. Nakapag-review naman siya kahit papaano bago at pagkatapos nilang kumain ng dinner. 'Yon nga lang, hindi sapat 'yon para masagutan ang mga tanong sa quizzes kinabukasan.

Pagkarating sa harap ng bahay nila, may isang pamilyar na lalaki ang nakatayo doon, nakatingin sa kotse na sinasakyan nilang dalawa. Napalunok si Grace bago lumingon kay Connor. Ngumiti ito sa kan'ya bago huminto sa pagmamaneho.

"It's okay, baby. I told you, I'm here. Do you want me to stay until he leaves?" Connor asked her.

Ngumiti si Grace bago umiling nang marahan. "Hindi na."

Tumango si Connor bago hinawakan ang magkabilang panga niya saka siya hinalikan sa labi ng ilang segundo.

"Basta tandaan mo lang yung sinabi ko, hmm? If he apologized sincerely, you can give him a chance if you're ready. Walang mawawala sa 'yo. Always remember too, I'm here. Hindi na niya magagawa pa 'yon sa 'yo. Nandito ako, okay?"

Tumango si Grace bago humawak sa kamay ni Connor na nasa magkabilang panga niya pa rin.

"I love you."

Tumango si Connor. "I love you." He kissed her once again. "Good night."

Ngumiti si Grace bago tumango saka kinuha ang gamit sa backseat bago lumabas ng sasakyan. Hinintay na muna niyang tuluyang makaalis si Connor bago siya tuluyang lumapit sa pinsan na naghihintay sa kan'ya.

"H-Hi," kinakabahang bati ni Grace dito.

Pilit na ngumiti ang lalaki bago ibinulsa ang dalawang kamay. "Uhh, kumusta?"

Ngumiti si Grace. "I'm better. Ikaw?"

Pilit ulit ngumiti ang lalaki bago nagkibit-balikat. "Well . . . for two weeks, my guilt ate me alive." He chuckled. "It frustrates me to not remember what I did . . . pero alam kong mas napu-frustrate ka dahil do'n. Kasi may kasalanan ako sa 'yo pero wala akong alam."

Hindi sumagot si Grace. Pinanood niya lang ang lalaking magbuntonghininga nang paulit-ulit sa harap niya habang hindi malaman kung saan titingin. Hindi nito magawang tumingin nang deretso sa kan'ya, hindi katulad noong unang beses na nandito ito.

"I wish I could remember everything to properly apologize, but . . . nevermind that. I might've hated myself even more if I did." He chuckled. "Still, I know I owe you that. Big time."

Napalunok si Grace dahil pakiramdam niya, makukuha na niya rito ang sincere apology na matagal na niyang gustong makuha mula rito. At kapag nangyari 'yon, she will decide if she will forgive him or not. Pero hindi alam ni Grace kung ano ang gagawin. Paano kung hindi pa rin siya handa?

"Grace, I'm really, really sorry for that night. I know, I've caused you trauma that I can never undo anymore, no matter how many apologies I might give you. I'm sorry because I couldn't remember anything. I'm sorry that you are the only one who's suffering from that memory. I'm really, really sorry."

Grace stared at him long. Doon niya napansin na namumula-mula ang mga mata nito. Hindi niya masabi kung puyat ba ito o nangingilid ang mga luha. Tanging streetlight lang ang nagbibigay ng liwanag sa kinalulugaran nilang dalawa ngayon kaya hindi masyadong malinaw sa kan'ya ang itsura ng lalaki ngayon.

"I'm so sorry that you had to go through all those things because of my immaturity. I'm sorry because I was the one who ruined what we had." Jerry smiled bitterly. "We used to be so close and comfortable. Ngayon, parang nandidiri ka nang lumapit sa akin."

Nagbuntonghininga ang lalaki habang si Grace ay napaiwas lang ng tingin nang makitang pumatak na ang luha nito.

"Alam kong mahirap gawin, pero sana . . . sana patawarin mo ako. Hinding-hindi na mangyayari 'yon, Grace. Kinamumuhian ko rin ang sarili ko dahil do'n. Pero sana . . . sana . . . bigyan mo pa ako ng isa pang . . . pagkakataon. Ayaw kong umalis dito nang . . . hindi tayo magkaayos."

Kinagat ni Grace ang ilalim na labi matapos marinig ang huli. 'Yon ang isa sa mga bagay na nagpapalambot ng puso niya, eh. Sa tuwing naririnig niya 'yon, nakakaramdam siya ng matinding guilt.

"Grace . . . patawarin mo ako. I'm really . . . really sorry."

Nang makitang luluhod na ito, mabilis niyang pinigilan ang lalaki. Hinawakan niya ang braso nito at pilit pinatayo ng deretso.

"Ano ba? 'Wag mo ngang gawin 'yan! I never asked you to do anything." Grace gulped, holding her books tight on her other hand. "All I want was your sincere apology. And now that you've given it to me . . . okay na ako. You don't need to do anything anymore."

Hindi nagsalita ang lalaki. Nakatitig lang ito sa kan'ya, nakikinig sa lahat ng sasabihin niya.

"I . . . I can give you another chance, okay?" Grace smiled. "Just promise me, don't do that ever again. Sa akin, sa ibang babae, kahit na kanino, 'wag na 'wag mo nang gagawin 'yon, Kuya Jerry. If you want me to totally forgive you, promise me not to do that to anyone ever again."

Nakahinga nang maluwag ang lalaki bago siya hinigit para yakapin nang mahigpit.

"Pangako. Hinding-hindi na mangyayari 'yon. I'm sorry . . . I'm really sorry. And thank you for giving me another chance. I'll be a better Kuya Jerry now. Babawi ako sa lahat. Hinding-hindi na mangyayari 'yong nangyari dati. Pangako, Grace. Nangangako si Kuya Jerry mo."

Napangiti si Grace nang marinig ang 'third person' line na madalas ginagawa nito sa kan'ya noong mas bata pa sila. Yumakap siya pabalik sa pinsan saka tinapik-tapik ang likod.

Tulad ng sinabi ni Connor, wala namang mawawala kung magtitiwala ulit ako, Grace thought.

At simula n'on, hinayaan na niya ulit si Jerry na maging malapit sa buhay niya. Hindi man katulad ng dati pero hindi na niya pinipigilan at nilalayuan ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top