Switch, Talk and Solve


-Emery Sullivan-

November 24, 2026
10:00 am
Grant Building Apartment, Emett District, Ireal City

RIIING!

RIIING

RIIING!

Mabagal kong binuhat ang sarili upang makabangon mula sa pagkakahiga. Hindi maganda ang pakiramdam ko, mukhang lalagnatin pa ako sa init na namumuo sa buong katawan ko ngayon.

Wala sana akong balak na bumangon agad pero hindi na ako pinahihintulutan ng maingay na alarm clock sa bedside table. Kailangan ko na rin kasing umuwi mamaya since tapos naman na ang funeral ni Austin.

Austin, sana ay nahanap mo na ang payapang lugar ngayon. Palagi ka naming isasama sa aming mga panalangin. We missed you already. Because of the fact that you're gone forever, our longing from your absence had slowly become stronger.

Paano na kaya si Sophia? At first, I was halting myself from blaming her but at least I made it to the part where I realized that she had no fault.

She was just blessed that Austin's always with her---from her best to her worst. That is why....

Mabagal akong napabangon at hinawakan ang maingay na alarm clock. Alarm clock?

I smiled. "We'll protect Sophia for you, Austin. Doon kami makababawi," I told to myself before stopping the clock and putting it back over the table  When did any of my friends set an alarm clock last night?

With my pale-looking eyes, I slowly shifted my gaze to roam the whole room out of curiosity. At dahil sa pagtataka ko kung bakit sa kama ako bumangon, wala akong nagawang sabihin dahil isang kuwarto ang kinaroroonan ko. Wala rin akong kasama rito kahit kami naman nina Emma, Sophia at Luciana ang magkakatabi sa pagtulog.

Wait, this room. If I wasn't mistaken.

I quickly slid out the drawer of the bedside table to look for some things inside. Kinalkal ko ang mga kagamitang hindi organisado sa drawer. Ang hinala kong nagkakalat na ballpen, gunting, glue at designing materials, nandito sila.

My face even painted happiness when I finally found an old School ID because I expected that it was scattered inside the drawer. By judging this room, it's hers.

"E-Emma Griffin," banggit ko sa pangalan ng nasa School ID. Naririto nga ako sa kanyang apartment.

A familiar phone rang beside the bed's pillow so I immediately answered the one who was calling. The wallpaper was Emma's photo and I couldn't find out what's happening.

"Hello?"

"Hi! Gising ka na pala, Emma. May lakad tayo," someone's voice across the call almost made me drop the phone.

It can't be. How? Why did he call me Emma?

Awang ang labi kong napakulikot sa cellphone at ilang beses na napalunok. The date on the screen was, what?

"A-Ano? Saan?" I asked him. I wanted to make sure if he's the one who's talking. What's with the date today?

He chuckled. Yes! Siya nga ito. Anong nangyayari?! Mas naguguluhan na ako.

I almost bit my nails out of this messy situation but he then talked again. "Sophy's coming, I don't know about Emery and Logan. Mind if you could join us? Sa Kiran Street ang meeting spot."

My voice was close to stammering because I couldn't be able to find the right thing to say, or the right reaction to express. Whatever on Earth was happening, I need to figure this weird situation out.

"Sa Kiran Street? Anong gagawin natin?" I asked him. Mukhang ito ang araw kung kailan siya makikipagkita kay Luciana. Sa Kiran Street din.

Kailangan kong pumunta. Pipigilan ko sila.

Pero nandito ako kay Emma kaya  malayo 'yong Kiran Street dito. Makaaabot kaya ako?

I pinched and slapped my cheeks to check whether this was just a dream or a weird nightmare of reality.

"We'll meet a new friend of mine, in ka ba? Hello? Emma?" dagdag ni Austin sa kabilang linya pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pipigilan ko na lang ba siya ngayon?

"I... I think. Huwag ka na munang tumuloy, Austin." I went straight towards Emma's bathroom and I was surprised to know that she's not here. I'm alone.

"Why? Is there anything wrong? Hindi ka available ngayon, Emma? You're living your life seriously! Kahit gumala ka lang kasama namin. We haven't reunited for months."

"H-Hindi sa ganoon." I sighed first to prepare what I must tell him. He kept calling me Emma.

Should I tell him that he'll be in danger if he'll continue his way to Kiran Street?

"You better not go and meet her now, sa susunod na lang at baka makakasama pa kaming lahat sa inyo," seryoso kong sabi kay Austin pero nakatanggap ako ng katahimikan. Did I just say something wrong?

"Emma, are you there? How did you know?"

Umangat ang kilay ko sa kanyang tanong. "How did I know what?"

He chuckled but it sounded like he forced it. "I mean, you said 'her'?"

Awang ang labi kong pumasok sa bathroom at nagulat sa nakitang repleksyon sa salamin. Isa pa sa ikinagulat ko ay ang nagdududang tanong ni Austin.

My face, my body....

I'm Emma!

"I... I mean. I had a hunch. Na babae," sagot ko kay Austin habang abala sa pagpisil sa pisngi at paghila ng ilang hibla ng buhok. I'm not dreaming at all! I'm on Emma's body right now! I went back to the past.

"Mahusay ka talagang humula! By the way, she si Luciana. We'll meet her by the Café at 2 pm." I bit my lip or Emma's lip so hard that it reddened. I really need to go and stop him if I couldn't be able to halt him through call.

"Please do not go! Austin. Sa susunod na lang. Sabi nga namin ay makakasama na kami sa susunod, huwag lang ngayon."

He faked a laugh but he's a bit worried. "It's rare for you to please like this, Emma. But wha'ts bothering you? Okay lang kung hindi ka makakasama ngayon," he said and I almost wanted to bite my nails or either slap my forehead. He should read the situation! I couldn't have the courage to tell what will happen.

"I'm glad if you're interested to meet her---"

"H-Hindi, Austin. I mean, gusto ko talagang makilala si Luciana kaso sa susunod na lang tayong tumuloy," pagputol ko sa sinabi niya.

Sasagot pa sana si Austin pero  biglang tumawag sa kanya si Kuya August mula sa banda niya kaya napilitan itong magpaalam. Our conversation through call ended and I failed to suppress him from going. And I think he's on his way.

Hindi na ako nag-abalang kulitin pa siya sa text o tawagin ulit. Ang ginawa ko ay magbihis ng damit at hindi na nagawang maligo pa lalo na't katawan ito ni Emma, ayaw ko lang talagang pakialaman. Sandali lang naman akong lalabas.

After changing my clothes, someone suddenly knocked on the door so I hurriedly opened it. It was my surprise to see a young guy with his Ivy cap, V-neck jacket and a bouquet of Chrysanthemum flowers. My cheek reddened when I saw how charming he was and he was just so handsome and formal with his classical outfit and flowers.

The cute guy waved his hand on me and I was so shocked, I cupped my parting lips. Who's this guy? Manliligaw ni Emma?! How?!

Dahan-dahan kong gustong tanggapin ang bouquet sa kanya at sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Subalit huminto ako nang napahalakhak siya.

He had a familiar laugh. It felt like, deja vu.

"Hindi para sa iyo ito, Emma." Dahil sa sinabi ng lalaki ay napahakbang ako sa hiya at umiwas ng tingin. Ano bang ginagawa ko?!

"A-Alam ko," bulong ko. He creased his brows as if he's not facing a normal Emma.

"Maaga ka yatang gumising ngayon." He smiled and I was too stunned to reply back. What a charming guy. "May lakad ako ngayon at gusto kitang pakiusapan."

"P-Pakiusapan?" mabilis kong tanong sa boses pang nanginginig. Mas natulala ako sa pagdampi ng palad niya sa noo ko. He checked my temperature which made my face hotter.

"May sakit ka ba? Medyo naging mahiyain ka ngayon, Emma," he whispered that made my lips tremble.

Wala akong sakit. Sadyang hindi lang ako 'yong kilala niyang Emma.

"Oo, pakiusapan," dagdag ng lalaki. He smiled again. "Gusto ko sanang tulungan mo si Rose sa assignment niya. Hindi ko kasi siya magawang tulungan ngayon kaya sana ikaw na muna."

Ha? Hindi ko magagawa 'yon ngayon. Sino ba si Rose at anong assignment niya ba ang itutulong ko? Gusto kong tumanggi pero inaasahan talaga ako ng lalaking ito. Inaasahan niya ang tulong ko.

Pero kailangan kong puntahan sila Austin.

"M-Magagawa mo bang tulungan na lang siya pag-uwi mo?" I questioned but his smile suddenly faded.

"P-Pasensiya na, pero hindi ko magagawa 'yon. Pupuntahan ko kasi si Luciana sa Kiran dahil nalaman kong pupunta siya roon."

I blinked twice in my surprise. Tama ba ang narinig ko? Sa Kiran? Si Luciana?

"Kilala mo si Luciana? Pupuntahan mo rin ba siya ngayon?" Napatingin ako sa hawak niyang flowers at hula ko na lang na ide-date niya ito. Pero imi-meet up din ni Luciana sina Austin at Sophia.

So, papunta rin ang lalaking ito sa Kiran Street, sa araw na namatay si Austin!

He shyly looked away as he rubbed his nape. "O-Oo. Bibiglahin ko siyang pupuntahan ngayon." He gazed at me again. "At kailangan ko nang umalis, gusto ko sanang tulungan mo muna si Rose sa assignments niya. Babayaran na lang kita o babawi ako sa susunod."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang maglakad na siya palayo. Hinila ko ang laylayan ng jacket nito kaya napalingon ulit ang lalaki.

"E-Emma?"

"A-Ano kasi." I pursed my lips. "Nasaan si Rose ngayon?"

Nagtataka man siya kasi hindi ko alam kung nasaan si Rose, ngumiti pa rin ito sabay turo sa pintong katabi ng apartment ni Emma.

"Salamat. Huwag mo na akong bayaran. Aasikasuhin ko 'yong assignment ni Rose, basta bilisan mong yayahin si Luciana paalis sa Kiran! Bago mag-alas dos!"

Dahan-dahan siyang napaangat ng kilay lalo na't wala siyang kaalam-alam sa pinagsasabi ko.

I will finish helping Rose before 2 pm strikes so I could be able to stop Austin ang Luciana from Kiran Street.

"Please!" pagmamakaawa ko sa lalaki.

"Bilisan mong yayahin si Luciana palayo sa Kiran Street! Bago mag-alas dos!" I forced and pleased!

Our eyes met for a bit and later on, he smiled and said, "Susubukan ko, salamat."

Gumaan ang pakiramdam ko nang masabi niya iyon kaya mas naitulak ko ang aking sarili na tulungan si Rose. Ang hirap pa namang tumanggi sa lalaking 'yon. Hindi man lang sinasabi ni Emma na may katabi pala siyang kasindisente ng lalaking iyon.

He reminded me of Austin and his older brother. I blushed in the midst of walking straight to the other door. I only knocked twice and a familiar girl welcomed me from the inside.

Mas napaatras ako sa gulat nang ang babaeng nakita kong bumukas ng pinto ay ang kasama kong nagse-serve ng inumin saka pagkain sa Birthday party kahapon. Noong gabi bago pala namatay si Austin.

The girl knitted her brows when she saw an Emma with her surprised reaction because my hands were covering my mouth.

"H-Hello!" bati ko sa kanya pero napakamot lang ito. Hindi yata ganito umasta si Emma sa kanya.

"Pasok ka," aya nito kaya sumunod ako papasok sa kanyang apartment. Nagtataka ito kung bakit tingin ako nang tingin sa paligid.

Pinaupo ako ng babae sa couch.

"Nandito ako para tulungan ka sa assignment mo," sabi ko sa kanya. She just went to her kitchen and prepared a coffee.

"Sinabi na sa akin ni Kuya Anthony na hindi niya ako matutulungan pero hindi ako informed na magpapatulong siya sa 'yo," she replied, waving her teaspoon to me.

I smiled. "Mabuti't naaalala ka pa rin."

"Ang weird mo ngayon. May sakit ka yata! Anyway, thank you, ah?" sabi niya kay tumango-tango ako. Ganito pala si Rose kay Emma. At saka hindi ko in-expect na siya 'yong Rose na tinutukoy ng lalaki o ni Anthony.

"Anong gusto mong inumin?" tanong niya kaya napahigpit ako ng hawak sa tuhod ko. "A-Ano. Tubig na lang muna."

"Wow, akala ko orange juice. Ikaw umuubos ng Orange powder na stock ko, e."

I chuckled because she's talking like she knew Emma really well. Emma likes orange-flavored juice that much. And I regretted from saying water. Nagtaka tuloy si Rose.

Inihain na ni Rose ang kape at tubig sa table na nasa harapan ng couch. She sat down, parallel to where I sat.

"Nga pala, may iku-kuwento ako sa 'yo," anito sa akin kaya napaupo ako nang maayos. "Ano?"

"Well, isang bonggang birthday party 'yong pinagtrabahuan ko as a staff kagabi." Gusto kong sabihin sa kanya na alam ko na 'yon pero nanahimik na lang ako.

"Tapos asahan mong maraming dumalo siyempre," dagdag pa niya kaya tumango-tango ako. "Siguradong maraming handa."

"Oo," sagot ko.

Nag-ayos si Rose ng upo. "Kagabi, may narinig ako. Sa totoo lang, wala naman tayong kinalaman o connection dito pero nakakagambala lang."

Awang na agad ang labi ko sa kyuryusidad. Alam ko ang tungkol sa party pero mukhang may iba siyang nakalap na balita.

She sipped on her coffee. "May narinig akong dalawang lalaki na dumalo sa party kagabi. Pinag-uusapan nila 'yong about sa set up nila, ganoon?"

"Set up?" I asked. "Sigurado ka?"

Itinuro niya ang kanyang sarili. "Ako pa, Ate Emma, ako pa!" I laughed when she's so proud to say that.

"Okay, ito na nga. Sabi ng isa sa dalawa na successful daw 'yong paglagay niya ng drugs sa inumin ni David. Hindi ko kilala 'yong mga 'yon, pati 'yong mga binabanggit nilang pangalan."

Tumigil ako sa pagtawa ko. Hindi ko alam ang ipakikitang reaction. Ang pangalang binanggit niya. Hindi ko lang narinig 'yong David na 'yon sa aksidente pero sa Birthday party. Tama, 'yong binigyan ko ng inumin sa bandang iyon.

My fingerips shivered. Hoping that my theory's not right.

"David? Kasama ba siya sa birthday party?"

Tumango si Rose. "Isa yata siya sa kasa-kasama ng kaano-ano ng nag-birthday pero hindi ko na alam. Basta David 'yong target nilang successful na nakainom ng nilagyan nilang inumin kagabi."

I gulped a dry lump on my throat. Then that meant that the David I'd served a drink that night. Iyong naibigay ko kay David na inumin, may drugs. Na-set up siya.

"Wait, hindi lang 'yon," dagdag pa ni Rose kaya mas nakinig ako. "Pinag-uusapan nilang siguradong mapapahamak daw sa pagbiyahe 'yong si David kasi driver daw siya ng delivery truck."

"Tapos alam mo? Ang weird ng isang staff kagabi. Nagsisigaw-sigaw na lang after magising. Nananaginip yata."

I stood up in my surprise that even Rose leaned back on her seat, looking at me seriously. It's not a coincidence. I didn't even bother to listen to her last statement properly. Kung totoo man ang sinabi ni Rose na narinig niyang set up ng paglagay ng drugs sa inumin ni David. At naging successful ang pag-inom niya niyon. Ibig sabihin ay ako ang nagbigay ng drinks sa lalaking iyon.

At ang David na nakabangga kay Austin. He's--- He's the truck's driver who was not feeling well, he crashed on Austin that day.

I was at fault?! H-How?!

Umupo ako at muling nilagukan ang tubig.

"Ayos ka lang, Ate Emma? Bakit takot na takot ka?" tanong ni Rose sa akin.

The suspect intentionally wanted David to commit an accident  in November 24. Nadamay si Austin at Sophia.

Nagtinginan kami. Aasahan ang aksidente. Mailalahad sa balita. Mangyayari nga 'yon. Nangyari nga.

Teka, tama nga! 'Yong balita.

Mabilis akong bumalik sa apartment ko at ni hindi ko man lang sinagot si Rose sa pagpigil niya sa akin.

Hinarap ko ang cellphone ni Emma. Sabi noon sa balita ng aksidente, nagmula muna sa mekaniko ang nakabanggang si David at ang kasama niya. Mukhang sa kanila Logan ang diniretso ang mga taong 'yon noon. Sa mga oras na ito, baka nandoon pa lang si David kina Logan.

Mabilis kong nahanap ang contact number ni Logan sa phone ni Emma at bigla naman itong sinagot ni Logan.

"H-Hello! Hoy! Ikaw ba ako? Sino ito! Sino ka ngayon sa katawan ko?! Si Emma ito!? Si Emery ka? Ha?!"

I almost dropped my phone and forgot what I needed to say when the voice on the call was Logan's but the way he talked and his tone was Emma. What is happening, now?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top