November 23
-Emery Sullivan-
November 23, 2026
10:30 pm
Emett District Subdivision, Ireal City
"A-Ate... Ate, gising!"
"Gumising na po kayo! Ready na 'yong juice!"
"Ate!"
Mabagal kong iminulat ang inaantok kong mga mata at ang itsura ng pamilyar na babae ang nakita ko. Nang maaninang ko na ang mukha niyang nag-aalala ay para tuloy akong nabuhusan ng malamig na tubig para magising.
Nakatulog ako?! Kailan pa? Anong oras na?
Si Austin, ano nang nangyari sa kanya? Nakatawid ba siya?
Tumayo ako at nagmanman sa buong paligid at laking gulat ko nang nasa mismong Party ako. Teka, ang Party na ito.
Hindi ko alam ang nangyari, nakatulog ako? Naigtas ba talaga si Austin? Nailigtas din ba namin siya?
"Ate? Ayos ka lang?" Tinapik ni Rose ang balikat ko at dahil kilala ko kung sino ang kasama kong babae ngayon, mabilis kong hinawakan ang magkabila nitong braso para harapin niya ako.
"R-Rose! Ano nang nangyari? Nasaan na si Austin? May nainom na ba si David na may halong drugs? Rose!" I shook her and I stopped when I found no response to her. I slowly let Rose go and she was staring at me, pointlessly.
"Nakatulog ka po, Ate. Nananaginip ka lang yata," sabi ni Rose sa akin sabay sapo sa likod ko. Muli akong umupo at mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa. Hindi ko alam ang dapat kong unahing isipin.
Napunta ako sa katawan ni Emma at bumalik ang panahon sa araw na namatay si Austin. Bakit ganito? Bakit nandito ulit ako sa Party?
Anong oras na ba?
Kulang na lang ay himatayin na ako sa nakita kong date saka time na nasa screen ng cellphone ko.
I was back in my own body already. But what's the meaning of this?
It's still November 23?
Ibig sabihin, ano ang totoo sa mga nangyari? Panaginip lang ba ang lahat? Paano na ang pagkamatay ni Austin? Mangyayari ba 'yon bukas?
"Ate? Uminom ka kaya muna ng tubig," ani Rose na sobrang nag-aalala sa akin. Imbes na sundin ko ang suhestiyon niya, tumikhim muna ako para pakiusapan siya.
"Rose? Please? Pisilin mo muna ako. Gusto kong patunayan kung nasa panaginip ba ako ngayon," pakiusap ko sa kanya sa mahinang boses.
"Huh?" She creased her brows on me with such confusion. I pleaded to her in order to show that I was not joking at all.
Kapag napatunayan kong hindi panaginip ito kahit na bumalik ako sa totoong katawan ko at sa gabi ng Nobyembre, ibig sabihin ay panaginip ko lang ang buong pangyayari.
Ang pagligtas namin kay Austin, ang pagkamatay niya at ang pagpapalit-palit namin ng katawan.
Ano ang lahat ng iyon? Parang totoo.
"O-Okay po," pagsunod ni Rose sa pakiusap ko kaya naman, pinisil niya ang aking mga pisngi.
I winced in pain when her multiple pinches hurt a lot. But I was more surprised to know that I was not dreaming at all. Pero hindi iyon sapat bilang patunay.
Medyo humalakhak si Rose sa ginawa niya sa akin. "Ang lambot ng cheeks niyo, Ate!"
"P-Puwede mo bang patunayang hindi ako nananaginip ngayon?" tanong ko pa sa kanya pero medyo nagdalawang-isip ito.
Gusto kong malaman ang totoo. Nasaan ang totoo rito? Ang mga nangyari o ang nangyayari ngayon?
"Oh, okay. Teka, may alam po akong pruweba na hindi ka nananaginip ngayon," saad niya at hindi na ako umimik noong hinila niya ako patungo sa kusina ng mansion.
Hindi ako nagkakamali sa mansion na ito. Ito 'yong pinagtrabahuan kong may Birthday Party at naaalala ko pa na ako rin ang nag-serve kay David ng inumin niya.
Huminto kami ni Rose sa may harapan ng sink ng kitchen. Marami ring tao sa loob, naghahanda sila ng mga pagkain.
"Here, look!" I gazed at the direction that Rose was pointing on the wall and it's a wallclock of the kitchen that my eyes had caught.
Tinaasan ko siya ng kilay. At mukhang naintindihan niya naman ako kasi hindi ko siya na- get. "I mean, Ate! People say that if you ever see a clock on your dreams, it's not a dream. Totoo raw 'yon."
Hindi ako nakakurap. Mas natulala pa ako dahil gumulo lang tuloy ang isipan ko. Kung totoo nga na kapag may orasan sa pangainip mo, hindi 'yon panaginip. Bakit may orasan din noong napunta ako sa katawan ni Emma? Since may alarm clock siya. Isa pang basehan ay 'yong Clock shop na ipinatayo ni Raquel at Anthony noon.
Isa pa, teka...
Bakit alam ko 'yon?
Naglakad ako palabas at napapakamto pa sa aking baba. Bakit alam ko ang tungkol kay Anthony? Ang tungkol kay Raquel Sein Lucid at ang pagkamatay ni Anthony Antonio. Paano ko nalaman ang mga iyon? Sino ba sila?
Based on my own experiences, may mga tao o bagay talagang puwedeng mag-exist sa panaginip mo at akala mo ay nage-exist din ang mga ito sa totoong mundo pero kapag gumising ka na, mare-realize mo na lang na hindi naman pala sila totoo.
Muli akong pumasok sa loob para kausapin si Rose na nalulunod na sa kyuryusidad kasi nakapameywang na siya sa akin.
"Gising ka na talaga, Ate! Promise! Nakatulog ka kasi kanina!"
"Rose! Rose, si Anthony. Kilala mo?" I asked out of the blue. Anthony's her cousin and he asked me to help Rose from her assignment back then.
If Rose knows Anthony, then those occurrences had happened for real.
"Ah... Sino po ulit? Anthony?" She rubbed her chin with her knitting eyebrows. "Wala po, sorry Ate."
"Seryoso ka?"
Lumunok ako noong umiling siya.
"Kailangan na nating mag-serve ng inumin. Kami na po muna ang bahala rito, Ate. Hintayin niyo na lang sa labas ang bagong batch ng mga drinks." Sinunod ko na lamang ang utos ni Rose. Bumalik ako sa dati kong kinauupuan noong gumising ako kanina at muling inasikaso ang pagkalikot sa cellphone.
I was about to contact Austin but what surprised me were my missed calls from him.
He's calling?! For real?! Maybe he's going to tell me about how he was saved! Or how he and Sophia had successfully met Luciana on the Café.
O kung totoo man si Luciana Antonio.
I was biting my nails, deciding if I'll ask him things about that. But I received a text from Austin.
"Good evening Emery. How are you? How's life?"
Gosh, it felt like deja vu.
Nasabi niya iyon sa akin sa tawag noong nagkausap kami. Noong naririto rin ako sa Party at nasa totoong katawan ko.
"Are you free tomorrow?"
Free tomorrow?
Ibig sabihin niyon. Ang lahat, ang mga nangyari...
Mas mabilis pa ako sa alas-kuwatro sa pag-reply ko sa kanya.
"A-Austin! Ayos ka lang?! Si Sophia? Napano kayo? Kumusta?!"
"We're totally good. How about you? Mind if we all go out for tomorrow? Sasama na si Logan at Sophia. We'll just meet a new friend of mine. She's Luciana Antonio."
Kulang na lang ay mapayakap ako sa sarili kong cellphone dahil sa sobrang saya ko. Ligtas na ligtas si Austin. At totoo nga si Luciana. Sobrang gulong intindihim pero kung pagbabasehan ko ang kuwento ni Raquel Sein Lucid at ni Luciana, makikilala ko si Luciana Antonio.
Wala ring napano sa amin. Hindi siya namatay. Gusto ko tuloy umiyak ngayon.
"Sure! Sasama ako bukas! Ikakansela ko 'yong lakad namin ni Kuya Evan bukas para makasama ko kayo!" At imi-meet natin si Luciana. Higit sa lahat, hindi namin hahayaang may mangyaring masama sa inyo.
"Thank you for coming then! Good night, Emery. We'll meet you at Kiran Street tomorrow."
"I'm very glad to!" I replied back on our conversation as I dashed back in the kitchen to check Rose.
I understood everything now.
Raquel, Anthony, Rose, David, Cedric. The switching of bodies and turning back of time.
Raquel had shown it.
"Rose!" tawag ko kay Rose na busy sa paglalagay ng cups sa tray. Nagtataka itong lumingon sa akin.
"Bakit po?"
"I'll serve the drinks!" I confidently told her and immediately exited the kitchen to serve the drinks to those targeted people.
Medyo nabigla pa rin ako kahit inasahan kong mayroon si Cedric na busy sa pagkalikot sa kanyang Cellphone at si David na nasa tabi niya lang.
Bago ko sila nilapitan, kinuha ko ang isang baso ng inumin saka iyon itinapon. I strolled towards them and served David and Cedric, their clean drinks.
"Grabe magdiwang 'tong pinsan mo, sa susunod ulit, ha!" pasigaw na sabi ni David nang binigyan ko siya at nagpasalamat pa siya kaya ngumiti ako.
Cedric just sighed and drank his juice that I gave. "Oo na nga! Huwag ka nang maingay." Nagpatuloy siya sa pagkalikot sa kanyang cellphone kaya napasilip lang si David dito.
"Sino ba 'yan? Hoy! Trabaho ang unahin, saka na 'yang... chics chics mo!"
"Chics? Pft, hindi 'no. Saka kahahanap ko lang 'yong bagong cellphone number niya. Importante ang dahilan ko, Kuya David!"
I laughed due to how Cedric made an alibi about his chics-stuffs. Bumalik na ako sa table at hindi na ako nagtaka kung bakit natulala na lang si Rose noong umupo ito sa tabi ko. Nakalap niya na siguro 'yong narinig niyang iku-kuwento niya kay Emma bukas. Sabay na lamang kami sa pag-inom ng orange juice namin.
This night was really weird to the point that it felt like a whole week had happened within that sleep. It felt like I've been on an adventure, really weird.
I looked at my wristwatch once more to be sure. And I made up my mind, I better go tomorrow.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top