Next Door


-Emman Griffin-

November 24, 2026
10:00 am
Grant Building Apartment, Emett District, Ireal City

This time, I woke up late and I was not surprised to know that 10:00 am welcomed my day. But knowing November 24 just crossed my sight when I saw the date on my phone, I just felt another advance exchaustion.

Right! Nakabalik na ako sa dati kong katawan, nailigtas na namin si Austin pero bakit bumalik na naman sa araw ng November 24 ang lahat? Kung ano man ang totoo ngayon, may dapat pa rin akong atupagin.

Iyon ay ang huwag hayaang mangyari kay Austin ang mangyayari.

Good thing that Emery, Sophia and I had talked earlier and Logan was about to talk to me too but I didn't respond. Ang sinabi ko lang ay alam ko na rin kasi nangyari na rin kay Emery at Sophia 'yon. Of course, it happened to him too. And then? He ended up getting pissed off because I was too unfair. Baka raw may galit ako sa kanya matapos kong mapunta sa katawan niya. Ew! I would never go back to that body anymore! He was so proud to know that I had a chance to become so handsome!

Nandito ako ngayon at busy sa pag-ubos ng iniinom kong Orange juice na tinimpla ni Rose para sa akin. As far as I've recalled, ikatlong beses ko nang pag-inom ng Orange juice ito. No--- nakailang Orange juice pa nga ako noong funeral ni Austin, ewan.

"So, ano nang nangyari sa Mr. David na 'yon? At sa weird na babaeng nakausap ko kagabi sa party?" tanong ko kay Rose, kunwari ay hindi ako na-inform sa early tea niya kahit ikinuwento na rin ni Emery ang ginawa niya kagabi. She successfully didn't let David drink that troublesome juice!

"Well, hindi na natin alam. At sa kasama kong staff kagabi, naging okay na rin naman na siya." Humalakhak pa si Rose. "She's been confused whether she's dreaming or not. She asked me unknown people. Anthony saka Lucy ba 'yon?"

I stopped for a bit when she mentioned Anthony and maybe she meant Luciana?

Luciana seemed to be real, makikipagkita kami nina Austin mamaya sa kanya sa Kiran Street. Pero si Anthony, hindi ko alam.

"Rose? May tanong ako. May pinsan ka ba rito? I mean, pinsan!" tanong ko sa kanya at nagtaka agad ito.

"Wala, nasa kabilang District 'yong ibang kamag-anak ko kaya 'yong Tita ko lang ang nakikita ko rito," sagot niya. "Bakit mo natanong?"

If she's telling the truth, hindi niya pinsan si Anthony.

But I couldn't conclude that Athony's not real. Maybe he's just... I'd rather not mention.

That's Raquel Sein Lucid or whoever she was that I've seen--- we've seen in our dream had shown us Anthony Antonio.

And we need to see Luciana Antonio to make sure what had happened to us was sending us something or it's just a mere, dream to help us foresee such things.

Pretty, weird.

Nagpaalam na ako kay Rose after ko siyang tulungan sa assignment niya. At mukhang totoo ngang may Math assignment ito.

Nang isinara ko ang pinto ng apartment ko ay medyo napatigil ako. It's giving me some deja vu vibes. Wala pala talaga akong kakilalang Anthony na pinsan ni Rose.

I stared at the sky.

Parang totoo kasi na may dati na akong kakilalang Anthony na nakatira lang sa tabi ng apartment ko. Na mabait siya, mas mahinhin pa sa akin at galawang Austin na klase ng lalaki.

It's so real. It's just like, I was in another world when I was talking to that guy without any idea that he's not existing at all.

I mean, may ganoong klase naman talaga ng panaginip!

Suddenly, I just realized that I was crying for something I could not explain. Naramdaman ko kasi, e. Bakit parang hindi ako satisfied na hindi pala siya buhay? Na sana, magkikita sila ni Luciana ngayon.

Na sana, pipilitin kong dalhin niya si Luciana sa malayo para maikansela ang meet up nila Austin sa kanya?

I wiped my tears.

That feeling when you're watching a movie and you couldn't accept that the female lead didn't end up with her partner? Hindi ako maka-get over.

"Phew, Emma! Ang drama mo! Grabe!" I laughed at my own self because of my crazy thoughts. Just a dream! It's a dream!

But just because it's a dream...

Napabagal ako sa paglalakad ko nang mapansin kong naka-lock ang pinto ng apartment sa tabi ng tinitirhan ko. Right, simula noong lumipat ako rito sa lugar na ito, nakasarado na pala ang kuwarto. Wala pala talagang nakatira dito.

Medyo nilapitan ko ang pinto para silipin kung ano ang nilalaman ng loob nito.

"Oh, bakit? May kailangan ka ba sa loob, anak?" I flinched and I almost screamed when a familiar voice of a woman asked me from behind.

"P-Po?!" gulat kong tanong sa kanya. She's around forty, isa nga pala siya sa nagta-trabaho rito sa Apartment.

Sandali, pamilyar 'yang mukha niya. Pabatahin nga lang natin nang kaunti.

Medyo sumilay ang ngiti niya sa akin pero sandaling naglaho iyon nang ibaling niya ang kanyang tingin sa pinto. May alam kaya siya tungkol sa kung bakit wala nang tao ang balak tumira dito? O baka naman ayaw na nilang may tumuloy sa katabi kong apartment.

O kaya naman, nasa nakita na naming kuwento ang kasagutan sa katanungan ko hinggil sa kuwartong sarado.

"Nagtataka ka ba kung bakit hanggang ngayon, wala pa kaming pinapatuloy rito sa kuwartong ito?" tanong ng babae sa akin nang tumabi siya sa akin. Kanyang hinaplos ang pinto at tinaasan ko lamang siya ng kilay. "Sigurado nga, katabi niyo lang naman kasi ng pamangkin ko ng tinutuluyan ito."

I shyly shut myself and looked away. She's right. I've been asking myself sometimes about this locked room.

"Opo, medyo nakakapanibago kasi minsan para sa amin ni Rose  lalo na't tahimik ang locked room na ito," sagot ko sa babae.

Gosh! Hindi talaga ako nagkamali sa babaeng ito!

"Natatakot na kaming patuluyin ang sino man dito dahil sa misteryosong pangyayari, ilang taon na ang nakalipas." Mas lumawak lamang ang ngiti niyang nagpaparating ng kalungkutan.

At mukhang alam ko ang dahilan kung bakit nadadama niya ang pangyayaring 'yon.

"Bakit po? May aksidente bang naganap?"

"Hindi namin masasabing aksidente pero isa sa mga kakilala ko ang nakatira dito noon pero isang araw, hindi na siya nagpakita at iniwan niyang nakasarado ang apartment. Noong naisipan naming pasukin ang kuwarto nito ay wala naman siya sa loob, ni bangkay o senyales ng pagkatao nito ay wala."

Well that seemed so bad at all. So the incident that caused this room to stay locked and banned from residents was all about that someone who suddenly went missing.

Pinakiusapan ko si Tita sa pagbukas muna ng pinto sa akin dahil may gusto---mali, may importante lang talaga akong pupuntahan sa loob. Pinayagan niya naman ako kaya mag-isa ako ngayon sa loob ng sobrang tahimik at pinag-iwanang Apartment.

May mga nagsikalat na papel sa sahig, mga kalendaryo at marker pens sa isang table. Hindi na ako nagulat noong napansin kong may mga nabilugan at nalagyan ng ekis na mga petsa sa kalendaryo.

I was smiling when I gently picked the marked calendars but what made me shift my eyes to the other object was when the thing I saw was a clock.

Makaluma ang disenyo ng orasang nasa ibabaw ng lamesa at nakakapagtaka kasi gumagana pa ito.

I picked the clock and there, below the it were some familiar cards left. Kung susuriin ang mga ito, tila printed photos ang mga nilalaman nila at kung hindi lang sila nagpe-fade ay mapapansin ko kung ano ang mga litratong ito. Kaso, hindi ko na kailangang alamin pa.

This clock, these cards, the scattered papers and calendars proved something that was true at all. After leaving the room, I took an old fading newspaper on the couch.

Kamit ang kilay kong bumasa sa face ng diyaryo at halos mapanganga ako nang ang mabasa ko ay ang isyu tungkol sa kababagong tayong Clock Shop, mahigit ilang taon na ang nakalilipas.

I left the room without taking any single thing in it before heading to Kiran Street.

"Nakita niyo na ba siya? Sophia? Anong itsura niya? Maganda ba siya? Mabait?" tanong ko sa chatbox namin pero wala akong natanggap na reply sa kanya.

Siguradong nagmamadali na naman 'yon sa pagpunta kasi male-late ulit siya, e. But there's nothing to get worried about. Anymore.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top