Before

-Sophia Bailey-

Unti-unti akong napapamulat ng mga mata dahil sa huni ng mga ibong nasa bukas na bintana ng silid. Sinag ng araw na nagmumula sa kalangitan ang bumungad sa paningin ko kaya mabilis akong napabangon at malungkot na kinusot ang mga mata.

Tirik na tirik na ang araw. At ako 'tong walang balak na gawin sa araw na ito kung hindi ang matulala na lamang at maghintay ng kung ano man ang darating na maganda. Para sa akin, walang kahit na anong news ang magiging good. Walang kahit na anong events ang magiging exciting. Wala ni isang pagkain ang magiging kagana-gana.

I yawned again at got out of my bed. Natulala ako nang saglit dahil sa napansin. Sa kama? Hindi naman kama ang tinulugan ko kagabi. Isa pa, nasaan si Emma? Luciana at Emery? Katabi ko lang sila.

Umirap ako at ginising ang sarili sa pamamagitan ng diretsong paghilamos ng mukha sa banyo. Hindi ko na rin  nagawang tingnan ang mukha ko kasi ayaw kong makakita ng mga matang mugtong-mugto sa kaiiyak kagabi.

He's gone.

I stared at the open faucet of the sink. I began thinking about him, about everyr sorrowful thing that I would always cry over. Hindi na siya babalik. Hindi na mababago ang lahat.

Wala na si Austin. Wala na ang kaibigan namin. My boyfriend's gone.

I sighed and decided to raise my head up to prevent my tears from falling again. Ilang beses akong huminga nang malalim at sa wakas ay nakapagpigil ako.

Tama na muna, Sophy. Huwag ngayon. Puwedeng mamaya, huwag lang ngayon.

Napapikit akong tumingin sa repkleksyon ko sa salamin bago naisipang lumabas ng banyo.

Subalit bago pa man ako makabaling ng tingin. Nanigas pa akong tumitig muli sa repleksyon ko.

Ano 'to?

Teka....

I slapped my cheeks and pinched them many times which made me mumble in pain and the fact that this was not a dream. This is not real. I need to wake up.

Bakit mukha ng lalaking hindi ko kilala ang nakikita ko sa salamin?! Ako ba ito?!

I dashed outside the bathroom and noticed that I was already not in the room where me and my friends slept. This room was not familiar. Napasuklay ako ng buhok na maikli kasi buhok ng lalaki ito, ilang beses akong naglakad-lakad  sa kuwarto bago umupo sa kama. Kaya pala nasa kama akong bumangon.

I went to the closed cabinet and saw some clothes of a guy. And then dashed back to the mirror of the mini bathroom. A face of a guy.

Ilang beses kong hinawak-hawakan ang mukha ko hanggang sa na-realize kong lalaki ang buong ako ngayon. My face reddened in embarrassment, I couldn't take my clothes off and wash!

What's happening here!

"Cedric, anak! Cedric! Gising na!" Ilang beses na tinawag ng isang babae mula sa ibaba ang narinig ko kaya nagtaka ako kung ako ba ang tinutukoy niya.

"Cedric?!"

"Cedric!"

Ako nga siguro 'yon!

Hindi ko man alam ang nangyayari, kailangan kong hanapin ang kasagutan dito. I went out of the bedroom and saw a phone over the table. Lumunok akong pumulot niyon at mabuti na lang at walang password.

Akin siguro ito. I mean, phone ito ng taong nagmamay-ari sa katawang ito.

"Cedric! Bumaba ka na diyan! Nandito na si Kuya David mo, hinihintay ka!" muling tawag ng babae na nanay siguro ni Cedric kaya napatakbo akong lumabas ng kuwarto at dala ko pa ang cellphone.

Tumambad sa akin ang isang babae sa hapagkainan. She looked at me in a plain way before putting the breakfasts on the table.

Awang ang labi ko. Hindi ako makapaniwalang nasa ibang katawan ako ngayon. Nasa ibang bahay, iba na ang kasama. Wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon. Pilit kong hindi maniwala, dapat lang na maniwala ako.

"Ano pa bang hinihintay mo? Kain na, hinihintay ka na ni David sa labas," utos niya kaya nahihiya akong umupo sa may bakante at dahan-dahang kumuha ng hotdog saka kanin.

Isang kamay ang biglang dumampi sa noo ko dahilan para tumaas ang bangs ko. Nagulat pa ako nang nagtataka ang babae na nagkonsulta sa temperatura ko.

"Ayos ka lang ba, Ced? Wala ka yatang ganang kumain?" she asked worriedly so I stopped from chewing my food. "P-Po? Masarap pa nga po, e!"

Tumatawa pa ako para mas dama niya pero mas namuo ang pagtataka nito.

"Kailan ka pa naging magalang sa nanay mo, ha? Aba, bumubuti ka nang bata, ha?!"

Wow? Hindi ba mabuti si Cedric? Hindi ba siya magalang sa nanay niya?

"H-Ha? Hindi, ah! Nalutang lang ako!" pagpapalusot ko at mas ginanahan na sa pagkain para hindi siya makahalata. 'Yan! Hindi ko na pa dinagdagan ng po 'yong sagot ko!

"Aba, akala ko ba naman at bumabait na ang anak ko! Anak nga talaga kita!" komento niya sa akin na halos mabulunan pa ako sa pag-inom ng tubig. Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko muna ang nakita kong jacket sa kuwarto nitong Cedric at sinuot iyon. I didn't change my clothes nor took a bath. I just, didn't want to.

Pababa na ako sa hagdan para dumiretso na sa labas at hanapin ang totoo kong katawan nang nadaanan ko 'yong nanay ni Cedric sa may hagdanan. Nagtataka niya akong tiningnan nang buo. "Hindi ka man lang ba magpapalit? Hindi ka pa naligo."

"H-Hindi na! Mas tatagal lang kami. Bye!" pag-iwas ko at narinig ko pa siyang pumipigil sa akin pero hindi ko na lang nilingon.

I walked slowly as I headed toward the house's exit. Someone's waiting for me outside, named David. Sabi ng nanay ni Cedric, may ide-deliver pa kami sa may kabilang town. Kaya may truck.

Before opening the door. I looked at my face on the phone's camera.

I was so wrong to say that this face of a guy wasn't familiar.

Napakapamilyar. Nakita ko na 'to. It seemed like I saw this face recently.

I need to recall.

Papatayin ko na sana ang cellphone pero napalunok akong tumitig sa date and time sa screen display.

Baka nagkamali lang ito ng na-set na date and time ng cellphone. O baka outdated na device?

Kinulog ko nang kinulog ang cellphone dahil sa hindi pagkapaniwala at mas lumalala ang kaba ko dahil sa nakita.

November 24, 2021
Wednesday 7:45 am

"Ma!" tawag ko para tanungin ang nanay ni Cedric.

"Bakit? May nakalimutan ka ba?" she replied, her voice was coming from the upper floor.

"Opo!" sagot ko. "Ano na pong date ngayon?!"

"November 24 na! Katatapos lang ng kaarawan ng pinsan mo kahapon! Nakalimutan mo na ba?!"

Seryoso nga!

Hindi lang ako ang nailipat sa ibang katawan, bumalik ang oras sa nakaraan.

At ngayon ang araw na mamamatay si Austin. Ibig sabihin, didiretso ang tunay kong katawan sa Kiran Street.

Tumakbo akong lumabas ng bahay at halos mapahinto pa ako sa mas nakakagulat na bumungad sa akin.

Isang lalaking inaantok ang nakasandal sa isang truck. Siya siguro si David at ang truck....

I gulped and my hands trembled.

"A-Ay! Ang tagal mo, bata! May lakad pa tayo sa kabilang town!" Kinawayan ako ng lalaki na parang lasing kaya nagtaka ako. Nilapitan ko siya.

"Saan tayo dadaan?" I asked him and he chuckled even if there's nothing funny.

Tinuro ng hinlalaki nito ang kalsada. "Siyempre, sa kalsada. Ano ka ba!"

"Hoy! Lasing ka ba? Ha?!" Inalog-alog ko pa siya dahil nag-aalala na ako. Ito talaga 'yong truck na 'yon!

Tumawa lang siya at inaantok ang mga matang tumingin sa akin sabay tabig ng mga kamay ko.

"Ako, lasing? Pft. Hindi! Hindi ako lasing? Kailan ako naging lasing? Tara na nga!" Sumakay na siya sa driver's seat ng Truck at nagdalawang-isip akong sumunod.

"Ano ba?! Sakay! Cedric!" pamimilit niya na tumatawa pa. "Pupunta muna tayo sa mekaniko, papaayos natin 'tong sira-sirang... sasakyan na 'to!"

Tumingin ako nang masama sa ibang dako at nag-isip ng gagawin.

Pamilyar ang itsurang ito.

Ang truck, hindi ako nagkakamali.

Bumalik ang oras at araw. Bakit?

Sandali, isa lang ang dapat kong gawin.

I'll save Austin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top