Special Chapter
Nakatayo sa dulo ng bangin ang isang dalaga. Suot pa rin nito ang uniporme niya sa dati niyang pinapasukang eskwelahan. Kapansin-pansin ang maputlang balat nito at ang nangingitim niyang mga ugat na mas naging dominante sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan.
"How long are you going to stand by the edge of that cliff?" tanong ng kaniyang kasama na ngayon ay pasalampak na hinagis ang bago nitong biktima na soro na halos buto na lang ang natira.
"Until I feel satisfied," tipid niyang sagot nang hindi man lang nililingon ang kausap.
Lihim na lamang na napailing ang bagong dating nang marinig ang paulit-ulit niyang rason. Saglit niya itong tinitigan ngunit parang wala nga itong plano na tapunan siya ng tingin.
"I thought you already manage to break the chain that is holding you back, but seeing you acting like this, it looks like I'm wrong," sabi niya gamit ang malumanay at may pagkaliitan niyang boses.
"The idea of letting go of this chain, has never been a part of my plan," seryoso nitong sagot. "I don't want to break it. Until the day that I'm ready."
"I somehow understand you for some reasons, but still, when are you planning to set your self free?" kuryosado niyang tanong. "You know that you're not the same as before, right? Hindi ka na makakabalik sa dating ikaw dahil ibang-iba ka na, tayo. Kaya kailan mo ba tatanggapin na iyong mundong ginagalawan natin ay hindi na katulad sa kanila?"
Hindi nakasagot ang kausap bagkus ay nanatili lang itong tahimik. Muli niyang tinignan ito at doon niya pa lang napansin kung gaano kalaki ang pinagbago ng kasama. Humaba na ang maikli nitong buhok at mas pumayat pa ito kumpara no'ng dati. Kung gaano ito kalinis sa suot noon, ay siya namang ikinadumi nito ngayon.
"We have to leave this place sooner or later," pasya niya dahilan kung bakit tuluyan nga niyang naagaw ang pansin ng kaharap.
"What?"
"You heard me right," aniya. "Kailangan na nating iwan iyong lugar na 'to."
"You know that I can't do that," sagot niya saka siya tinitigan nang diretso sa mata.
Bumuntong hininga naman siya dahil sa inasal nito. Tila ba kahit anong gawin niyang pagpupumilit na iwan na nila ang lugar ay hindi niya pa rin nagagawang papayagin ang kausap.
"How long are you going to stay like this, Wren?" Nang hindi na nga siya nakapagpigil ay tuluyan niya na ngang naitanong ang bagay na bumagabag sa kaniya sa ilan ding taon.
"How am I supposed to leave the city when I made a promise on them?" sambit nito na siyang hindi niya kaagad nasagot. "Nangako ako, Chloe. Nangako ako sa kanila na hindi tayo lalayo sa San Juanico. You know that I really hate breaking a promise. Not this time, and most importantly not on those persons."
"Alam kong alam mo rin na walang magandang naidulot iyong pananatili natin dito. We barely survived three years straight, Wren. And we're also lacking foods," sagot ni Chloe dahilan kung bakit naiiwas na nga ni Wren ang tingin niya sa kapatid.
"Sorry," naisagot niya na lamang. "I didn't mean to bring hardships on you. It's not my intention to be a burden to—"
"Kailan ko ba naisip na naging pabigat ka sa'kin?" singit ng dalaga na siyang naging rason kung bakit muli niyang sinalubong ang tingin ng kaharap. "You're too precious to be called a burden, Wren. Kapatid mo ako kaya wala kang dapat na ihingi ng tawad sa'kin. You're all I have right now."
Lumapit si Chloe sa kaniya saka nito hinaplos ang kaniyang kamay. Ramdam niya kung paano na iyon naging magaspang, at ang malambot nitong palad na minsan niya na ring nahawakan dati ay hindi na niya madama pa.
"Paano mo ako nagawang tiisin, Chloe?" tanong niya. "All those years, I never thought of anything else aside from silently watching them from this far. But I never heard that you try to oppose me from the things that I shouldn't do."
"Things have changed after you decided to part your ways from them. Haven't you recognized that?" makahulugang sambit ng dalaga na siyang naging rason kung bakit sandaling dumaan ang gulat sa mata ni Wren.
Nang hindi siya nakasagot ay doon muling nagsalita si Chloe.
"Emotions that I never noticed before, started to be visible on your face, Wren. Hindi ka naman ganyan no'ng dati. Never mong pinakita iyong emosyon mo sa ibang tao, hindi kagaya ngayon." Inabot ng dalaga ang mukha ng kaniyang kapatid bago niya tinitigan nang mabuti ang kalmado nitong mga mata. "You became so vulnerable and fragile as time passed by. Parang nakikita ko na iyong sarili ko sa'yo, at parang nakikita ko na rin iyong dating ikaw sa mismong sarili ko."
Halatang nawindang si Wren sa sinambit ng kapatid. Ni kahit mismo siya sa sarili niya ay hindi niya man lang napansin na paunti-unti niya na pa lang nilalabas iyong mga emosyong gusto niyang siya lang ang nakakaalam. Gustuhin man niyang ibalik iyong dating siya, ngunit pakiramdam niya ay hindi niya na mahanap ang susi para isarado ulit ang puso niya.
Ramdam ni Wren ang malaking puwang sa buhay niya magmula no'ng nagpasya siyang talikuran ang Aries. Aminado siyang isa ito sa mga mabigat na desisyong ginawa niya sa buong buhay niya. Akala niya noong una ay walang magiging epekto, ngunit heto siya ngayon, patuloy pa ring nakatali sa ala-ala ng nakaraan na hirap siyang ibaon sa limot.
"I want to turn the favor you gave me years ago, Wren," banggit ni Chloe. "I want to protect you from now on, the same way as you did for me when we're still in school. Gusto kong makabawi sa'yo, hindi bilang isang kaklase kundi bilang nakakatandang kapatid mo."
Muling nakaramdam ang dalaga ng napakapamilyar na sensasyon. Ang init na nagmumula sa mga palad ni Chloe at ang malumanay nitong mga mata na malamyos siyang tinitignan ay nagdala ng nakakagaan na pakiramdam sa dibdib niya. Sa pamamaraan ng tono ng pananalita nito ay agarang namuo ang init sa kaniyang kalooban.
"That's why I am asking you to let go of the things that holds you back. Let's start over our lives, the same way as they did," dagdag ni Chloe saka sinuklay ang buhok ni Wren gamit ang kaniyang daliri. "Magagawa mo naman iyon di'ba?"
Napaisip siya sa sinambit ng kapatid. Siyang tunay na may parte sa kaniyang gusto niya na ring bitawan ang lahat at magpatuloy sa panibago niyang buhay, ngunit tila ba hindi niya magawang ialis sa isip niya ang mga taong nagkaroon ng espesyal na pwesto sa kaniyang puso.
Sa tatlong taong nakalipas ay wala siyang ibang ginawa kundi tignan ang mga kaklase mula sa malayo. Nakabantay siya lagi, at halos alam ang lahat ng mga kilos nito. Gustuhin niya mang lumapit ngunit hindi na pwede, lalo na at paniguradong mas magiging komplikado ang lahat sa oras na magpakita siya.
Ngunit, kung gustuhin niya naman ding magpakalayo kasama si Chloe, isa bang pagkakamali ang hilingin niyang muling makipagkita sa mga kaibigan sa pinakahuling pagkakataon?
"Alright," tipid niyang sabi na siyang nagdala ng liwanag sa mata ng kausap.
"Sigurado ka na ba?" muli nitong tanong. "Sasama ka na talaga sa'kin?"
"But before that, is it okay if I'll go and see them for one last time?"
Hindi na tumutol pa si Chloe sa huling hiniling ng kapatid. Sinang-ayunan niya ito kaagad saka sila mas lumapit lalo sa bangin.
Magkasabay nilang tinignan ang gawing ibaba kung saan nila natatanaw ang siyudad ng San Juanico. Sa gawing gitna ay nakapwesto ang evacuation center. Ilang kilometro ang layo mula roon ay may nakatayong bahay na may dalawang palapag. Kapansin-pansin ang laki no'n at talagang kakaiba sa ibang mga bahay na nasa paligid.
Doon lamang nakatutok ang mata ni Wren habang iniisip ang mukha ng mga pamilyar na taong gusto niyang makita.
Saktong paglapag nila sa lupa ay swabe lang silang nakatayo at hindi man lang natumba. Halatang sanay na sanay na silang dalawa sa mga ganitong galawan. Lalo na si Chloe na wala na ngang halos kinakatakutan pa magmula no'ng nagbago ito ng anyo.
"Are you sure you can endure this?" tanong ni Chloe na halatang nag-aalangan nang palapit na sila nang palapit sa kuta ng mga sundalo.
"You should be worrying on yourself more, Chloe. Baka sa ating dalawa ay ikaw ang hindi makatiis," sagot ng dalaga matapos siyang lingunin. "Once an infected like us started to hunt humans for food, ordinary meat wouldn't be enough to satisfy our stomach."
Hindi na lamang pa sumagot si Chloe lalo na at tama naman ang tinuran nito. Nakabiktima na siya ng tao, kaya napakahirap sa kaniya ang maghanap ng karne na kayang punan ang kaniyang tiyan. Ilang hayop na ang sinubukan niyang kainin, ngunit hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagkabusog.
Natukso na rin siyang mambiktima ng tao, ngunit dahil nga kay Wren ay pinili niyang kontrolin ang sarili.
"I'm trying, okay?" depensa ng dalaga. "I can endure this, as long as we won't be here for an hour or more."
"Then let's make it quick."
***
Matapos makapaghapunan sila Mills ay agad na silang nagpaalam kina First na lalabas lang sila sandali. Hindi naman tumutol ang kaniyang Kuya lalo na at alam naman nito kung saan sila pupunta.
Bitbit ang mga tinabi nilang pagkain ay magkasabay silang umalis sa bahay at tinungo ang lugar kung saan siya tumambay kanina.
"Sabi ko sa'yo di'ba na icharge mo 'tong flashlight?" untag ni Yohan saka nilingon ang pwesto ni Corbin na tinatamad maglakad.
Kanina pa sinusubukan ng binata na pailawin ang hawak ngunit hindi sapat ang lakas no'n para magbigay ng ilaw.
"Hoy, chinarge ko 'yan, gago!" sagot ng kaibigan.
"Galing mo nga magcharge e, sinaksak mo 'yang flashlight sa extension wire pero hindi mo naman sinaksak iyong cord plug sa outlet," sambit ni Ryder at doon natatawang umiling. "Malamang sa malamang, hindi talaga gagana 'yan. Bobo ba naman 'yang inutusan mo, Yohan."
Saglit na sinamaan ni Yohan ng tingin si Corbin pero tanging nahihiyang ngiti lang ang nagawa nitong isukli sa kaniya.
"May emergency light naman si Ledger e, iyon na lang gamitin natin," suhestiyon ni Willow bago tinuro ang pwesto ng binata.
"One light is more than enough, hindi naman malayo iyong lalakarin natin. Aakyat lang naman tayo sa bandang iyon," sambit ni Meadow matapos ituro ang pwesto ng puno sa gawing ibabaw.
"Dapat kasi kaninang hapon pa natin 'to ginawa, ba't ngayon pa?" reklamo ni Corbin. "Tignan niyo oh, ang dami na kayang lamok."
"Nagdala ako ng katol," singit ni Cody bago pinakita ang isang pack ng mosquito coil na tinabi niya talaga para may magamit sila.
Nang dahil din sa sinabi niyang iyon ay awtomatikong napalingon ang lahat sa kaniya. Miski siya naman ay nagulat sa biglaang reaksyon ng mga kaibigan hanggang sa napatitig na lang din siya sa hawak.
Doon lang pumasok sa isipan niya ang isang partikular na tao na lagi nilang naaalala kapag ito iyong usapan.
"Okay ka lang, Mills?" tanong ni Willow sa dalaga nang pati ito ay napatulala na lang din sa hawak ni Cody.
Ngumiti sandali si Mills sa kaniya bago ito nagpasyang sumagot. "Ayos lang ako. Sorry, naalala ko lang kasi siya ulit."
Tipid na lamang na sinenyasan ni Willow si Cody na itago iyong mosquito coil na agaran namang sinunod ng kaklase.
"It's okay, Mills," tugon ni Meadow. "It's okay to think about her. Kaya nga tayo pupunta roon para dalawin sila. So you don't have to feel bad about how you reacted, we completely understand you."
Hindi na nga sumagot pa ang dalaga bagkus ay nanatili lang siyang tahimik at sumunod na sa paglalakad.
Si Ledger ang nanguna sa kanila lalo na at siya ang may bitbit ng ilaw. Kasunod naman niya si Cody na may dalang paper bag at si Ryder na doble-doble na iyong bitbit. Si Meadow at Willow naman ay pinagigitnaan si Mills. Habang si Yohan at Corbin na nakasunod sa kanila sa gawing likuran.
Hindi na sumama pa si Zigler at nagpaiwan lamang siya sa bahay. Inaya naman nila itong sumama sa kanila ngunit ito na nga ang mismong tumanggi.
Ilang minuto rin silang naglakad paakyat bago nila iyon narating. Hindi naman gano'n kahirap ang daan patungo roon lalo na at inayos naman nila iyon. Kung dati ay pahirapan pa, ngayon ay nakasemento na at nakahagdan pa.
Inumpisahang ilatag nila Meadow ang tela sa damuhan. Sila Ledger naman ang siyang umasikaso sa mga pagkain sa gawing ilalim ng puno. Habang si Cody ay naghanap ng pwesto kung saan niya ilalagay ang katol na dala.
Abala silang lahat sa paghahanda para sa pagpapatuloy ng kanilang selebrasyon. Halatang pinaghandaan nga ng magkakaibigan ang gabing ito. Kitang-kita naman sa kung paano nila paglaanan ng oras at tiyaga ang bawat galaw na ginagawa nila.
"Ayan, tapos na," sabi ni Willow matapos niyang masindihan ang huling piraso ng kandila.
Sandali niya pang kinulong ang apoy sa pagitan ng kaniyang dalawang kamay nang bigla na lamang humangin. Ramdam niya ang lamig na dala no'n, ngunit sa halip na matakot, mas nanaig sa kaniyang loob ang kalmadong pakiramdam.
"Anong sinulat mo, Meadow?" tanong ni Mills sa katabing dalaga. Kasalukuyang hawak ni Meadow ang isang card at binabasa ang sulat na nakapaloob no'n.
"This is a simple letter for Shilloh," sagot niya bago itinabi ang hawak.
Sunod niyang kinuha sa kahon ang iba pang mga liham na siya mismo ang nagsulat.
"Ang dami mo pa lang tinago," komento ni Willow matapos isa-isahin ang mga cards. "Ikaw lahat iyong sumulat niyan?"
"Oo, hindi ko na nga napansin na naparami na pala ako sa pagsulat. Nagagalaw ko lang kasi 'yan kapag naiisip ko sila."
Kumuha naman si Mills ng tatlo at binasa ang cover page. Akala niya ay para kay Shilloh iyon lahat pero hindi, kasama na pala roon ang iba pa nilang mga kaklase.
"Ikaw ba, Willow, ilan ba ang nasulat mo?" tanong ni Meadow sa dalaga kaya naman ay dinukot ng kaklase ang limang piraso ng sticky note na nakasiksik sa kaniyang bulsa.
"Lima," tipid niyang sagot. "I'm glad that I managed to think of Allison for only five times for the whole year. Sana next year mabawasan pa 'yan, nang makamove on na ako nang tuluyan."
"Kanino pala 'yang card na nasa tabi mo, Willow?" turo ni Corbin. "Lima lang naman pala iyong kay Allison, para kanino 'yang isa?"
Hindi pa man nakakasagot ang dalaga ay muli na naman siyang hiniritan nito ng tanong.
"Para kay Ledger ba?"
Agarang lumipad ang tsinelas ng dalaga patungo sa ulo ng binata. Hindi niya naman nagawang maiwasan iyon kaya tumama nga ito sa kaniya.
"Aray ko!"
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala na nga kaming feelings para sa isa't-isa? Namumuro na ako sa mga pang-aasar mo e!"
"Partida tanong pa lang iyon pero pinalipad na niya kaagad iyong tsinelas niya," rinig nilang singit ni Ryder. "Kaya mag-ingat ka, Corbin. Baka sa susunod kaluluwa mo na iyong lumipad,"
"Why would she make a letter for me?" banggit ni Ledger. "There's nothing going on between us, guys. All those silly moments we had for the past years, we won't be able to bring those back again. Tapos na iyon."
Tahimik naman siyang sinang-ayunan ni Willow. Hindi niya naman maitatanggi na may espesyal nga siyang nararamdaman para kay Ledger no'ng dati, pero hindi na niya iyon mahagilap ngayon. Tila ba naglaho lahat kasabay ng pagbago nila.
"Baka nag-iiwasan lang kayo ha, 'di niyo lang maamin," sambit ni Ryder bago seryosong tinignan ang dalawa. "Seryoso ako, sinasabi ko sa inyong dalawa na huwag niyong sayangin iyong pinagsamahan niyo dahil lang sa maraming nagbago sa mga buhay natin. Pakiramdaman niyo iyong isa't-isa. Malay niyo, bumalik."
Ngumiti si Ledger saka niya inalis ang suot niyang salamin. "We already talked a few times, Ryder. Pinag-usapan namin iyong tungkol sa'ming dalawa. Sinubukan naman naming ituloy iyong namagitan sa'min, pero hindi rin nagwork."
Sumulyap ang binata sa pwesto ni Willow bago siya nagpatuloy sa pagsalita. "Maybe we are just destined to be friends."
"He's right," tugon ni Willow. "Tsaka pwede ba? Let's just stop talking about us. Huwag niyo na kaming ilagay sa awkward na situation. Magkaibigan na lang kami ngayon."
Kinuha ng dalaga ang card na tinutukoy kanina ni Corbin saka niya iyon iniangat sa ere.
"Itong card ba? Para kay Elsie 'to," aniya. "Happy na kayo niyan? Ang iisyu niyo lang e."
"Sige na, ilabas niyo na iyong mga sulat niyo para sabay-sabay nating masunog." Matapos iyong sabihin ni Meadow ay doon na nga nagsitayuan ang lahat para lumapit sa bonfire.
Bitbit ang kaniya-kaniya nilang mga papel ay taimtim na umusal ng dasal ang lahat. Nakapalibot sila sa apoy habang ang tingin ay nanatili lang sa hawak nilang mga sulat.
"Ito na iyong pangalawang sulat ko para sa'yo ngayong araw na 'to, Elsie," banggit ni Mills habang pinapasadahan ng tingin ang pangalan ng kaibigan. "Sabi ni Loli sa'kin, hindi raw makakapagpahinga nang tuluyan iyong kaluluwa ng isang tao kapag may taong paulit-ulit na inaalala siya. Kaya kukunin ko na ang pagkakataong 'to para humingi ng sorry sa'yo."
Humigpit iyong pagkakahawak niya sa sulat pero pinili niya pa ring ipagpatuloy ang kaniyang sinasabi. "Sorry kung lagi kitang inaabala. Sorry kung lagi kitang iniisip kahit alam kong nagpapahinga ka na. Hindi ko lang kasi mapigilan, Elsie. Sinubukan ko naman e, pero hindi ko kaya. Parang namimiss lang kita lalo kapag ginagawa ko iyon. Ikaw naman kasi, bakit sobrang hirap mong kalimutan?"
Unti-unting hinuhulog ni Meadow iyong mga sulat sa apoy. Hindi niya na tinangka pang basahin ulit iyong mga sinulat niya dahil paniguradong hindi siya makakapagpigil at iiyak na naman siya ulit. Bagay na pilit niyang iniiwasan.
"Kung alam ko lang sana na mangyayari lahat ng 'to, sana noong una pa lang ay naging persistent akong kaibiganin ka, Collins," sambit niya matapos maihulog sa apoy ang liham niya para sa yumaong kaklase. "I admired your shyness towards us. Akala ko nga ako iyong pinakamahiyain sa klase, pero mas mahiyain ka pa pala kaysa sa'kin."
Sunod niyang hinulog ang liham niya para kay Elsie. Tatlong sulat ang nagawa niya para sa dalaga, at gaya ng mga nauna ay hindi niya rin iyon binasa ulit.
"I'm sorry," wika niya. "Kung naging malakas lang ako no'n at pinrotektahan ka gaya ng palaging ginagawa ni Mills sa'yo. Baka... baka hanggang ngayon ay nandito ka pa rin. I'm sorry for failing you, Elsie."
Bahagyang bumigat ang kaniyang dibdib nang muli na namang nagsiusbungan ang mga emosyong kay tagal niya ring kinimkim. Tinapik siya ni Mills kaya naman ay agaran siyang humugot nang malalim na buntong-hininga upang kalmahin ang sarili.
"Ako na."
Nang magboluntaryo si Mills na siya na ang magtutuloy ay hindi na siya tinutulan pa ng kaibigan. Kusang binigay ni Meadow ang mga liham na hawak niya na siyang tinanggap naman ni Mills lahat.
Tinignan niya ang sulat, doon niya nabasa na para iyon kay Shilloh. Kinuha niya ang mga liham na para sa yumaong kaklase at magkasabay iyong hinulog lahat sa apoy.
"Alam mo bang matagal kong inisip iyong mga sinabi mo sa'min bago ka nagdesisyong umalis?" sambit niya. "Matagal bago kita magawang maintindihan, Shilloh. Matagal bago ko nagawang maunawaan iyong nararamdaman mo. Pasensya na kung nasumbatan ka namin, pasensya na kung naiparamdam namin sa'yo iyong mga ayaw mo. Sa kaiisip namin kay Chloe, pinagtulakan ka namin palayo."
Tinignan ng dalaga kung paano paunti-unting umaapoy ang liham. Hanggang sa naging abo nga iyon.
"Nagalit kami sa'yo dahil sa mga ginawa mo, pero ang totoo ay kami rin pala iyong rason kung bakit ka nagkaganon."
Hindi na niya binalak pang buksan ang usapin patungkol kay Elsie. Dahil pinili niyang alisin sa isipan niya na ang dalaga ang siyang may rason kung bakit nawala ang kaibigan, bilang pagrespeto na rin kay Meadow at sa kanilang dating maestra.
"How have you been, Ali?" pangangamusta ni Willow bago hinaplos ang kaniyang suot na bracelet. "Are you doing fine up there?"
Ilang segundo siyang hindi nagsalita at piniling tumingin sa itaas. "I am here to brag in front of you. Alam mo? Nagagawa ko na ring sanayin iyong sarili ko nang wala ka. Kaya ko na ring makasurvive ng isang araw nang hindi kita iniisip. I've been doing that for 3 years, and for this year, limang beses lang kitang naalala. I'm doing a great job, right?"
Hinulog niya ang sulat sa apoy at tumayo nang diretso.
"I'm trying my best to be as tough as I could. Ginagawa ko ang lahat para hindi mo na makita iyong dating Willow na mahina. And look at me right now, I am brave as anybody else here," dagdag niya bago ngumiti. "So thank you. Thank you for being the reason why I became this strong."
Sandaling pumikit ang dalaga at muling dinama ang hanging yumapos sa kaniyang likuran. Napakapamilyar ng lamig na iyon, lalo na at kaparehong-kapareho iyon sa hanging nadama niya no'ng araw na nawala sa kaniya si Allison.
"I wonder if you're happy now knowing that I can finally give you something pink," usal ni Ledger saka dahan-dahang hinulog ang card sa apoy. "Would this pink card be enough for you, Agapito? Sorry kung hanggang ngayon ay wala pa akong nadadalang plushie ni Hello Kitty sa'yo. I'll definitely give you one by next year."
Mabilis naman iyong natupok hanggang sa hindi na niya nga iyon makita pa. Tipid siyang ngumiti bago iniangat ang tingin sa langit.
"I am still doing fine here," dagdag niya. "So I hope you're doing the same."
Ramdam niya kung paano siya tinapik ni Yohan sa balikat hanggang sa nauwi nga iyon sa isang akbay.
"Alam mo bang may kama ka sa kwarto ni Ledger, Earlyseven? Oo, tol. Tama nga, bumili talaga siya ng dalawang kama dahil para sa'yo raw iyong isa." Nakangiti niyang kwento saka naghulog din ng sulat sa apoy. "Alam mo rin bang ginawang pink ni Ledger iyong kwarto niya? Naghahanap pa nga 'yan ng Hello Kitty sa ukay-ukay e, pero wala pa rin siyang nabibili hanggang ngayon. Puro lang kasi blue, walang pink."
Sandaling ngumiti si Ryder at doon mas lumapit sa bonfire.
"Tol, tinupad na namin iyong pangarap mong bahay," panimula niya. "Nakatayo na iyong mansion mo, Earlyseven. At iyong sinabi mo na gagawan mo kaming lahat ng kwarto? Tinupad din namin iyon, tol. Nagsama-sama kaming lahat sa iisang bahay dahil alam naming iyon iyong gusto mo. Ang hindi na tayo maghiwa-hiwalay pa."
"Sa iisang bubong lang kami nakatira lahat, Earlyseven," singit ni Corbin. "Ang cool 'di ba? Bumaba ka na lang kasi, ano bang ginagawa mo riyan? Samahan mo kami rito sa lupa."
Tipid na natawa si Corbin upang ikubli ang lungkot na nananalaytay sa kalooban niya. Ngunit sa hindi sinasadya ay kusa na lamang nanubig ang kaniyang magkabilang mata na siyang pilit niyang kinubli para walang makahalata.
"Pinagplanuhan ni Ledger lahat. Siya ang halos umasikaso magawa niya lang iyong huling hiniling mo," sambit ni Cody. "Natupad na namin iyong pangarap mo, Earlyseven. Kami ang tumapos sa planong ikaw mismo ang nagsimula. Kaya sana, payapa ka na kung nasaan ka man ngayon."
Nang matapos silang mag-alay ng liham sa mga yumaong kaklase ay sunod naman nilang inalala ang kanilang dating maestra.
Nagsihawak ng kamay ang magkaklase. Si Ryder ang siyang nanguna sa pagdasal bilang pagbigay respeto at katahimikan para sa mga yumaong mahal nila sa buhay.
Ilang minuto rin iyong nagtagal hanggang sa sabay-sabay silang nagsibitawan.
Samantala, tahimik na dinukot ni Cody mula sa kaniyang dalang paper bag ang isang headphone. Ilang taon mang hindi ito nagamit ay hindi man lang iyon nagmukhang luma. Kung paano ito iniwan ng dating may-ari, ay gano'n pa rin ito hanggang ngayon.
"Sana nandito ka rin, kasama namin." Tinitigan niyang mabuti ang hawak waring inaalalang mabuti ang mukha ng babaeng hindi niya magawang makalimutan.
Sa ilang taong lumipas ay ni minsan hindi niya nagawang ialis sa isipan niya ang dalaga. Presko pa rin sa ala-ala niya iyong mga panahong nagagawa niya pang makausap ang kaklase. Lalo na ang mga oras na silang dalawa lang ang magkasama.
"Umaasa pa rin ako hanggang ngayon na magkikita pa tayo ulit," bulong niya sa hangin.
Hindi niya makalimutan ang huli nilang interaksyon ng dalaga. Hanggang ngayon ay pinanghahawakan niya pa rin ang sinambit nitong muli pa silang magkikita.
"Miss mo na 'no?" Nahinto lang ang pag-iisip niya nang biglang nagsalita si Ryder.
"Ha?"
Nilibot niya ang tingin sa mga kaklase at doon niya pa lang napansin na nakatingin na pala ang lahat sa kaniya. Kaya naman ay mabilis niyang ipinasok sa paper bag ang headphone at makailang beses na tumikhim.
"Sanaol nakakapag-antay pa rin kahit 3 years na," pabirong sabi ni Corbin. "FPJ's Ang Probinsiyano lang?"
Sa halip na pansinin ang sinambit nito ay pinili niya na lang na isawalambahala iyon.
"Siya pa rin ba, Cody?" pang-uusisa ni Yohan. "Si Wren pa rin ba hanggang ngayon?"
Kaagad na tinablan ng hiya ang binata matapos marinig ang pangalang iyon. Talagang iba ang tama ni Wren sa kaniya, sa hindi niya malamang rason.
"O-Oo." Bahagya niya pang nakagat ang dila niya nang mautal pa siya sa harapan ng mga kaibigan. "Siya at siya pa rin. Kailan ba kasi naging hindi?"
Nag-iwas siya kaagad ng tingin matapos niyang sambitin ang mga katagang iyon. Wala naman sana siyang dapat ikahiya, ngunit hindi niya lang talaga magawang pigilan.
"I didn't expect that you're going to wait."
Napatigil ang lahat dahil sa boses na bigla na lang nilang narinig. Sa sobrang pamilyar ng boses na iyon ay agarang napalingon ang lahat sa gawing likuran kung saan nandoon ang isang pamilyar na dalaga na paunti-unting humahakbang palapit sa kanilang pwesto.
"Thank you," dagdag pa nito na ngayon ay nakatayo na nga sa kanilang mismong harapan. "Thank you so much for waiting for me, Cody."
Tila nabato ang binata sa kaniyang kinatatayuan. Nanatili lang siyang nakatitig sa dalagang tipid na nakangiti sa kaniya at tumayo pa sa kaniyang mismong harapan. Nagsiunahan ang mga emosyon sa kaniyang dibdib dahilan kung bakit agarang namuo ang luha sa kaniyang mata.
"Wren?" tawag niya rito. "Ikaw ba... ikaw ba talaga 'yan?"
Tuluyang gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ng dalaga.
"Yes," tipid nitong sagot. "It is really me stan—"
Hindi na nagawa pang makatiis ni Cody bagkus ay mabilisan niyang sinarado ang distansya nilang dalawa. Sinalubong niya ng mainit na yakap ang kaharap. Ni hindi niya na nga naisip na delikado ang ginawa niya. Alam niyang infected ang kaklase pero iwinaglit niya iyon sa kagustuhang ikulong ito sa bisig niya, nang kahit sandali lang.
"Namiss kita. Miss na miss na kita, Wren," turan ng binata. Sa sobrang sinsero ng pagkakasabi niyang no'n ay miski ang dalaga ay hindi kaagad nakasagot. Tila siya na naman ang nabato at natahimik dahil sa hindi niya inaasahang asal mula rito.
"Nalingat lang ako sandali, biningwit mo na 'yang kapatid ko." Sunod na lumabas si Chloe at nakakrus ang brasong nakatingin sa dalawa.
"Chloe!" Namutawi ang sigaw ni Willow at agarang umalis sa pwesto ni Mills upang lapitan ang dating kaibigan. Dumistansya naman kaagad ang dalaga sa kaniya saka umiling.
"Don't come any closer, Willow," kalmado niyang sabi. "You know, I can't still control myself fully. Baka masaktan kita kapag mas lumapit ka lalo."
Miski nga si Mills na nagbalak sumunod ay sinenyasan din nito na dumistansya. Hindi na nga siya nagpumilit pa bagkus ay nanatili lang.
"Okay, that's enouch. Five seconds hug is quite long already. Let go of my sister," sita ng dalaga at doon pa lang naisipang bitawan ni Cody si Wren.
Nagkahiyaan pa ang dalawa matapos ang yakapang nangyari dahilan kung bakit agarang nagpigil ng tawa ang iba.
"Pinagdamot pa nga," komento ni Corbin bago humalukipkip sa gilid.
"Paano kayo nakapasok sa border, Chloe?" kuryosadong tanong ni Meadow. "Maraming mga sundalo na nakabantay sa labas ah, paano niyo sila nalusutan?"
"Let's just say that those soldiers are easy to handle," daglian niyang sabi rason kung bakit sandaling napalitan ng gulat ang ekspresyon ng mga kaklase.
Kumpyansang nilalaro-laro ni Chloe ang buhok niya pero nang mapansin niya ang reaksyon ng mga kasama ay doon siya napatigil.
"Hey, we didn't do something awful. Never na akong nambiktima ng tao, I promise. Wala akong pinatay," depensa niya dahilan kung bakit paunti-unting kumalma ang mga kasama. "Gosh, you guys are being mean! Nagbago na nga kasi ako, ano ba!"
"We used shortcuts to get here," sagot ni Wren. "There are tons of pathh we can use to get through them. Marami pang hindi alam ang mga sundalo sa mga sekretong daan na mayroon ang San Juanico. That's why it's not that hard for us to visit you all."
"But, how did you know that we're here?" tanong ni Willow.
"Wren never dared to distance herself from you guys. Bantay-sarado niya kayo magmula no'ng kumalas siya sa Aries. Pinapanood niya kaya kayong lahat mula sa malayo," paliwanag ni Chloe. "Wala ba kayong napansin?"
Nang makita ang gulat na ekspresyon ng mga kaklase ay doon na nga nakumpirma ng dalaga na talagang walang alam ang mga nandito.
"Ginawa mo talaga iyon, Wren?" tanong ni Mills sa dalaga na tanging tango lang ang itinugon. "Huwag mong sabihin na pati itong celebration namin ay alam niyo rin?"
"Of course."
"The ashes that was left every time we finished cleaning the area... was it because of you two?" usal ni Ledger saka seryosong nakatingin sa dalawa.
Hindi na nagulat pa si Wren nang magawa iyong mapansin ng binata. Kailan nga ba nangyari na hindi naging mapag-obserba ang kaklase?
"Yes, that was us," pag-amin niya. "Alam naming pareho ni Chloe iyong patungkol dito. That's why we secretly paid a short visit here for the past two years."
"Pero bakit ngayon naisipan niyo nang magpakita?" tanong ni Yohan. "Anong meron?"
Sandaling nagpalitan ng tingin si Chloe at Wren waring nag-uusap kung sino sa kanila ang sasagot.
"Hindi naman siguro kayo aalis nang tuluyan di'ba?" wika ni Cody na halatang kabado sa isasagot ng dalawa.
Nang hindi nakapagsalita si Wren ay si Chloe na ang sumagot.
"I'm sorry to say this, but... yes, we are planning to permanently leave San Juanico." Sa itinuran ng dalaga ay doon na nga tuluyang naglaho ang sigla at saya sa mukha ng mga nandito.
Kahit man hindi ito ang unang beses na muli silang magpapaalam na dalawa, ay tila ba bago para sa kanila ang lahat. Ang takot na maiwan ulit, ang pamilyar na sakit na hindi nila inasahang mararamdaman nila uli ay muli na namang nanaig. Ngunit ang mas nangibabaw doon ay ang takot nila na baka hindi na nga talaga sila muling magkita pa.
"Pero sa'n kayo pupunta?" tanong ni Meadow na siyang unang nakabawi.
"Sa malayo," tipid na sagot ni Wren. "To the place that is too far away from here."
"Nang kayong dalawa lang?" wika ni Cody kaya muling napatingin sa kaniya si Wren.
Sinuklian siya ng tipid na ngiti ng dalaga bago ito nagsalita.
"This is for the best, Cody," aniya. "Humans and us cannot coexist anyway. So we have to leave and stay in the place where we can't cause any harm."
Hinawakan ni Wren ang balikat ng kaharap na ngayon ay punong-puno ng takot at pangungulila na nakatingin sa kaniya.
"So I am humbly asking you for one last time, Cody Porter." Lumunok siya sandali saka binitawan ang mga salitang miski siya ay nasasaktang sabihin. "This is the right time for you to let go of me. Untie those threads that keeps on holding you from being free. Oras na, Cody, pakawalan mo na ako."
"A-Ano?" Gulat ang rumihestro sa mata nito matapos marinig ang kaniyang sinambit.
"From this day onwards, I want you to promise me. Gusto kong kalimutan mo na ako," dagdag niya. "I am not going to show up here ever again. And I don't want to give you any false hopes. Ayaw kitang paasahin, Cody, because I don't deserve you. Kaya ngayon pa lang, magkalimutan na tayo."
Nang hindi pa rin nakaimik ang kaklase ay doon niya na ito hinawakan sa kamay.
"Let me go."
Tuluyang napapikit ang binata sa huling katagang binitawan ng kaharap. Ngunit ano pa nga bang magagawa niya sa puntong ito? Pinili niyang ilapat ang kaniyang tingin sa babaeng alam niyang hindi mapapasakanya. Inasahan na ito ng binata, ngunit hindi niya lang naisip na magiging ganito kaaga ang pagsuko niya.
"Kung 'yan ang gusto mo," aniya gamit ang sukong-suko niyang tono. "Kakalimutan kita, ayon sa kagustuhan mo."
"Thank you."
Binitawan ni Wren ang kamay niya saka tinignan ang mukha ng mga kaklase sa kahuli-hulihang pagkakataon. Nagbitaw siya ng matamis na ngiti. Isang ngiti na sumisimbolo ng huling pamamaalam.
"Let's all leave those memorable memories from the past, shall we?" aya niya sa mga kaklase. "Let's live this life in a different ways, with different people, and in a completely different world."
Hinawakan ni Chloe ang kamay ni Wren bago sila sandaling nagkatinginan.
Habang sila Mills naman ay tahimik na nagsihawakan ng kamay waring walang ni isa sa kanila ang may balak na bumitaw.
Ito na nga ang senyales na inaantay niya, ang kalimutan nang tuluyan ang kanilang nakaraan at mamumuhay silang lahat sa panibagong mundo dala ang panibagong pag-asa at determinasyong babaunin nila sa mga susunod na araw.
Tuluyan na ngang nagsara ang kwento ng Aries, bagay na siyang bahagya niyang ikinalungkot dahil alam niyang hanggang dito na lang ang lahat. Mapupunan man ng mga bagong kabanata ang kwento nilang mga naiwan, subalit alam niyang hindi na ito mabubuo pa tulad no'ng dati.
"Salamat," tipid na banggit ni Mills. "Maraming salamat sa lahat, Aries."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top