Special Chapter
Nakaupo si Mills sa damuhan habang ang kaniyang tingin ay nanatili sa asul na kalangitan. Sinadya niya talagang dumito muna upang ipahinga ang kaniyang sarili mula sa mahaba niyang araw ngayon.
Hawak ng dalaga ang isang piraso ng papel. Naglalaman iyon ng sulat para sa kaniyang yumaong kaibigan.
Tinitigan niyang mabuti ang pangalan ni Elsie. Ginamitan niya talaga iyon ng colored pen para magmukhang kaaya-ayang tignan. Halatang inayos niya talaga ang pagkakasulat no'n lalo na at sa linis at ganda ng pagkakagawa niya ay hindi talaga nagkaroon ng kahit katiting na mali ang liham.
Gumuhit ang tipid na ngiti sa labi niya saka niya dinukot ang dalang lighter at walang pasabing sinunog ang papel. Pinanood niya kung paano paunti-unting nilamon ng apoy ang kaninang hawak niyang liham hanggang sa tuluyan na nga iyong naging abo.
Ito ang kadalasang ginagawa nilang magkaklase kapag naiisip nila ang mga dating kaibigan. Sinusulat nila sa papel ang mga bagay na gusto nilang sabihin sa kanila saka nila iyon susunugin. At ginagawa lang nila ang bagay na ito, sa mismong lugar na 'to.
Pinaniniwalaan kasi nila na maipaparating nila kaagad ang mga mensaheng iyon sa kinaroroonan ng mga dating kasama sa oras na masunog iyon.
"Nakabalik ka na pala." Mabilis siyang napalingon sa likuran at doon niya nakita si Willow na kalmadong naglalakad patungo sa pwesto niya.
Ngumiti si Mills bago tinapik ang damuhan sa kaniyang tabi senyales na tabihan siya. Lumapit naman kaagad ang dalaga sa kaniya at doon naupo.
"Oo, kanina pa," sagot niya bago ngumiti ng tipid. "Hindi lang ako dumiretso kaagad sa bahay. Tumambay muna ako rito."
Napansin kaagad ni Willow ang abong dumikit sa berdeng damuhan. Halatang bago pa iyon kaya naman ay agaran niyang napagtanto na nagsulat na naman ng liham ang kasama. Binalik ng dalaga ang kaniyang tingin kay Mills. Nakita niya kaagad kung paano nito pasadahan ng tingin ang nakatayong bahay 'di kalayuan sa kanilang pwesto. Miski siya ay hindi rin nakapagpigil at tumitig na rin sa pwestong iyon.
"Tatlong taon na pala iyong lumipas," sambit ni Mills nang hindi man lang inaalis ang tingin sa gawing harapan. "Sa tatlong taon na iyon, ang dami ng nangyari, sobrang daming nagbago. Pero bakit parang hindi pa rin ako nakakalimot? Iyong mga pinagdaanan natin sa loob ng Juanico High, iyong pagod at hirap na dinanas natin makaligtas lang, lahat ng iyon buhay na buhay pa rin sa utak ko."
Nilingon niya sa Willow bago muling nagsalita. "Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin akong kalimutan ang lahat."
"Kahit three years na iyong nakalipas, it is still not enough for us to move on, Mills," sagot ng dalaga. "Miski ako naman ay hirap din. The pain and longing that they left in my heart, it still aches. Even up until this time."
Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi Mills at doon niya muling tinignan ang gawi ng kaibigan. Bakas ang lungkot sa mukha ng katabi, bagay na siyang hindi na niya rin ikinagulat pa.
"Kung hindi ba nangyari iyong outbreak na iyon, kompleto pa rin kaya tayo hanggang ngayon?" wala sa wisyong tanong ni Willow na siyang hindi niya kaagad nasagot.
Kitang-kita niya kung paano muling naging dominante sa mata ng kaibigan ang malamyos nitong tingin. Nag-uumapaw muli ang emosyon sa mga mata nito na siyang naging rason kung bakit siya nakaramdam ng awa.
Akala niya siya lang. Buong akala niya ay siya na lang ang nananatiling nakakulong sa nakaraan, ngunit hindi pala. Lalo na at sa inaasal ni Willow ngayon, nakakasiguro siyang miserable pa rin ito katulad no'ng dati.
"Ang saya siguro 'no kung nandito pa rin sila, kung nandito pa rin sana siya," sambit nito. "Alison would still treat me the same. Her being my friend who never failed to treat me like her own younger sister, and me who loves to act as a tough kid in front of all of you, but is so fucking childish right in front of her."
Sandaling huminto sa pagsasalita si Willow nang magawi ang tingin niya sa suot niyang bracelet na hanggang ngayon ay wala siyang balak na tanggalin.
"Fuck, I damn missed the way she call me 'teh'. Parang hindi na halos nakokompleto iyong araw ko dahil hindi ko na naririnig iyong pagtawag niya sa'kin niyan," dugtong niya. "Na miss ko lahat, Mills. As in lahat, everything about her, every single thing about them."
Nang dahil sa sinabi nito ay napaiwas ng tingin si Mills. Hindi pa rin siya gano'n katatag para marinig muli mula sa kaibigan ang mga nililihim nitong dinaramdam. Akala niya ay kaya na niyang indahin ito, ngunit kagaya pa rin pala siya no'ng mga nakalipas na taon.
Madali pa rin siyang masaktan.
"Naalala mo pa rin ba iyong time na lumabas tayo sa cookery room at nagpaiwan ako para pigilan iyong mga zombie na sumunod sa atin?" panimula ni Mills na siyang naging rason kung bakit nilingon siya ng kasama. "Sana pala hindi ko na lang ginawa iyon. Kung pinili ko lang sanang tumakbo kasama niyo at samahan si Elsie no'ng mga oras na iyon, may posibilidad sana na nakasurvive rin siya gaya natin. Sa lahat ba naman kasi ng pwede kong gawin no'ng mga oras na iyon, ang ilayo siya sa tabi ko ang una ko pang ginawa."
Nilingon niya si Willow at doon niya pa lang napansin na nakatingin ito sa kaniya. "Ang laking pagkakamali no'n, Willow. Gustong-gusto ko siyang protektahan, pero sa huli anong nangyari? Bigo akong ilabas siya nang buhay."
Sinubukan niyang ikubli ang lungkot sa mukha niya nang sagayon ay hindi mag-alala ang kaibigan. Ngunit binigo naman siya ng kaniyang boses. Sa himig pa lang ng kaniyang tinig ay mapaghahalataan kaagad na nagkukunwari siya, nagkukunwaring ayos lang kahit hindi.
Naramdaman niya kaagad ang mainit na palad ng kaibigan na agarang humaplos sa kaniyang kamay. Ramdam niya ang may kaliitan nitong daliri na humawak at nagbigay ng kalmadong pakiramdam sa kaniya.
"Even if how many times we recall and try to rewrite everything up inside our head, wala na tayong magagawa pa roon, Mills. Dahil matagal nang tapos ang lahat," paliwanag nito. "Hindi natin hawak ang oras, at mas lalong hindi tayo Diyos para magawa nating ibalik iyong mga panahong gusto nating balikan. We have to accept the fact that we're now living the present time. And the past that we had way back would remain as painful memories inside our head."
Pinilit siyang ngitian ni Willow bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. "Masakit mang tanggapin, pero iyon iyong totoo."
Ilang segundo silang nagtitigan na dalawa hanggang sa si Mills na nga mismo siyang naunang mag-iwas.
"Tinanggap ko naman e, pero may mga pagkakataon lang talagang ganito na hindi ko maiwasang maisip sila ulit," aniya. "Kung nasaan man sila ngayon, sigurado akong okay lang sila. Wala na silang ibang nararamdaman pa kundi purong kapayapaan lang. Hindi ba madaya iyon, Willow? Hindi ba madaya iyong sila payapa na, tapos heto tayo, naiwan sa lupa at patuloy pa ring nasasaktan dahil sa kanila?"
Hindi kaagad nakasagot si Willow dahil sa dinugtong ni Mills. Ngunit kalaunan ay pinili niya na lang ding hawakan nang mahigpit ang kamay nito bago siya nagsalita.
"A human is bound to suffer, Mills. Salo natin iyong lahat ng kapaitang dala ng mundong 'to, gustuhin man natin iyon o hindi," malumanay nitong sagot sa kaniya. "Ganyan kasakit mabuhay."
Muling tumingala si Mills sa langit at doon niya iyon masugid na pinagmasdan. Pininta niya sa ulap ang mukha ng kaniyang pinakamatalik na kaibigan saka siya lihim na napangiti. Ilang segundo rin siyang nakatulala roon at hinahayaan lang din naman siya ng kasama na gawin ang nais niya.
"Nandito lang pala kayo." Magkasabay na naitutok ng dalawa ang kanilang tingin sa gawing ibaba. Doon nila parehong nakita si Meadow kasama si Zigler na paakyat sa pwesto nila.
"Anong ginagawa niyo rito?" tanong ni Willow sa mga bagong dating.
Tinuro naman kaagad ni Zigler ang kasama. "Hindi nagpapigil kaya sinamahan ko na lang."
Bumuntong-hininga si Willow saka niya inalalayan ang kaklase na makaakyat nang tuluyan.
"Sabi mo susunduin mo lang si Mills, bakit hindi kayo bumalik kaagad?" agarang tanong ni Meadow. "Nag-alala tuloy ako sa inyo."
Nagkatinginan naman sandali si Willow at Mills nang makita kung paano nila pinag-alala ang kaibigan. Hindi na bago sa kanila ang ganitong asal ng kaklase. Lalo na at magmula no'ng nakalabas silang lahat sa Juanico High ay tila ba mas naging doble ang pagiging segurista at pagiging maaalahanin ng dalaga.
"Oa na kung oa, pero hindi ko lang talaga mapigilan," nahihiya nitong sambit.
"Pababa na rin naman kami ni Willow," sagot ni Mills. "Sorry kung pinag-alala ka namin ulit. Last na 'to. Didiretso na ako kaagad sa bahay kapag nakabalik ako galing sa camp. Promise ko 'yan."
Hindi nga sila nagtagal doon at agarang nagpasya na bumaba para umuwi. Hapon na rin naman at malapit nang sumapit ang gabi kaya wala na ring rason pa para manatili rito sa labas.
Samantala, naiwan sa bahay ang grupo nila Ledger kung saan hinahanda na ng iba ang magiging hapunan nila. Pinili niyang manatili muna sa kaniyang kwarto upang mapag-isa. Kasalukuyan siyang nakaharap sa kaniyang tablet at halatang ayaw magpadistorbo.
Abala siya sa pagtingin ng ginuhit niyang bahay na nagsilbing blue print ng tinutuluyan nila ngayon. Pinasadahan niya ng tingin ang bawat sulok ng kaniyang ginuhit at muling inisa-isang tignan ang bawat desinyong nakalagay roon. Sa sobrang pokus niya ay halos hindi na nga siya nakakurap pa.
Akmang magsisimula ulit siya sa pagguhit pero hindi na iyon natuloy nang bigla na lang may humawak sa power button ng tablet niya dahilan kung bakit agarang nag-off ang screen.
Mabilisang napaangat ng tingin si Ledger at doon niya pa lang napansin si Ryder na nasa gawing likod niya pala.
"Why do you always pop up inside my room without even letting me know?" pambungad niyang tanong dito.
"Paano mo nga malalamang pumasok ako rito kung lagi ka namang distracted aber?" diretso nitong sagot. "Kung hindi ka nakatutok diyan sa tablet mo, sa bakanteng kama ka naman nakatingin."
Hindi nakasagot si Ledger dahil sa tinuran ng kaibigan. 'Di niya ito magawang kontrahin lalo na at totoo naman talaga ang sinabi nito. Siyang tunay ngang ito lang ang mga bagay na paulit-ulit niyang ginagawa sa mga nakalipas na taon.
Wala siyang ibang ginawa kundi ang ikulong ang sarili niya sa kwarto at gawing mundo ang kwadradong silid na ito.
Kinuha ni Ryder ang tablet at doon niya tinignan ang ginuhit ng kaibigan. "Hindi ko talaga alam na magaling ka pa lang magdrawing. Angas ng interiors oh, sobrang detalyado."
Sandaling inayos ni Ledger ang kaniyang salamin bago sumagot. "It is not my whole idea though. Kumuha pa rin naman ako ng reference sa internet."
"Pero kahit na, magandang simula 'to para sa'yo, Ledger," komento ng kaibigan. "Malay natin di'ba, may magbukas na opportunity para sa'yo? Imposibleng kami lang iyong makakaappreciate ng gawa mo 'no. Aba, naging bahay na kaya natin iyong ginuhit mo."
Lihim na lamang na napangiti ang binata sa kaniyang narinig. Totoong ideya niya lahat ang patungkol sa bahay na pinagawa nila. Siya ang naglaan ng oras sa pagguhit at siya na rin mismo ang gumawa ng plano.
Mahigit isang taon din niyang inaral ito para lang maging maayos ang kalalabasan. At hindi naman siya nabigo sa huli dahil nga sa nagbunga ang ilang buwang pagod at puyat niya magawa lang ang nag-iisang pangarap ng pinakamatalik niyang kaibigan.
"Honestly, I don't really have any passion for drawing," diretsa niyang amin. "'Yang ginawa kong drawing, iyong lahat ng efforts ko maipatayo lang natin 'tong tinutuluyan nating bahay ngayon, lahat ng iyon ay para sa kaniya, Ryder."
Natahimik ang kaibigan sa biglaan niyang pag-amin. Miski siya naman sa sarili niya ay hindi rin inasahang kaya niyang gawin ito. Hindi biro ang pinagdaanan niyang mga preparasyon mula sa pagplano at pagguhit. Halos inako niya na nga lahat miski ang pakikipag-uganayan sa mga engineers. Kahit hindi siya sanay sa mga ganitong usapin, pinilit niya talaga ang sarili niya para lang sa kaibigan.
"This is all for him," dugtong niya bago pinasadahan ng tingin ang kwartong kinalalagyan nila ngayon.
Sunod na lang naramdaman ng binata ang pagpatong ng kamay ng kaibigan sa kaniyang balikat.
"Ledger," tawag nito sa kaniya. "Tama na, tol. Pagpahingahin mo na ang ala-ala ni Earlyseven."
Nagkatinginan silang dalawa hanggang sa gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Ledger.
"I am still in a process of settling my emotions, Ryder. Alam ko namang kailangan ko na ring pakawalan iyong mga ala-alang nakakadena sa'kin hanggang ngayon," sagot niya. "But up until now, I still can't. I don't know if how am I supposed to forget everything up and move on. If there is one single thing that is quite hard for me to learn, then that would be letting go of the person whom I rely the most."
"Alam kong nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon, tol. Pero sana ay huwag mo nang pahabain pa. Sinasabi ko sa'yo na hindi ka tuluyang makakalimot hangga't hindi mo matututunang bitawan ang lahat," payo nito sa kaniya dahilan kung bakit muli siyang tinignan ni Ledger.
"Damn, will you please at least try to add some english words everytime you try to talk to me?" sita niya at muli na namang nanumbalik sa kaniyang mukha ang kadalasan niyang ekspresyon. "Para akong nakikipag-usap sa lumang tao dahil sa pagtatagalog mo e."
"Tangina mo, ikaw na nga iyong pinapayuhan tapos ikaw pa iyong may ganang magreklamo?"
"After you gave an advice, you're just going to curse me after?" aniya. "What kind of friend are you?"
Sinamaan siya ng tingin ni Ryder hanggang sa hinila na siya nito palabas ng kaniyang kwarto. Umangal pa no'ng una ang binata dahil nga sa naantala iyong ginagawa niya. Ilang beses pa siyang nagmaktol dahil hindi siya magawang makaalis. Pero, ano nga bang laban niya sa lakas ng kaklase?
Wala na siyang napagpilian pa kundi ang magpatianod na lamang.
Nang makababa ay doon nila naabutan sa sala sila Yohan na nakaupo sa sofa habang nanood ng TV. Napansin naman sila kaagad ni Corbin na ngayon ay abala sa pagkain ng popcorn at nakahiga sa sahig.
"Buti nagawa mong kaladkarin 'yan palabas ng lungga niya, Ryder," salubong nito bago tinuro ang pwesto ni Ledger. "Samahan mo'ko maglaro mamaya ng PUBG, Ledger ha? Ayoko na makipaglaro kay Yohan. Gago, lagi na lang akong dinudurog nito. Parang 'di kaibigan amputa."
"Dami mong sinasabi, weak ka lang e," ganti naman ng kaibigan dahilan kung bakit binato siya ni Corbin ng popcorn.
"Si Cody nasaan?" tanong ni Ryder nang hindi niya mapansin ang kaklase.
Tinuro naman kaagad ni Yohan iyong kusina bago sumagot. "Nandoon sa loob, naghahanda."
"Di niyo man lang tinulungan?"
"Hindi na," daglian sagot ni Corbin. "Malaki na siya, kaya na niya sarili niya."
"Dami mong sinasabi, tamad ka lang e," ganti ni Ryder kaya naman ay muling napatigil sa pagnguya ang kaibigan at binato rin siya ng popcorn.
"Wait, where's Willow?" tanong ni Ledger nang hindi mapansin ang dalaga sa loob ng bahay.
"Lumabas kanina pa," sagot ni Yohan. "Siya sumundo kay Mills."
"Pauwi na ba iyong labidabs mo?" Agad namang sumama ang tingin ng binata kay Corbin matapos niyang marinig iyon.
"Tigilan mo nga ako, Corbin. Wala ka na talagang ibang ginawa kundi ang mang-asar nang mang-asar. 'Yan lang ba ang ambag mo sa gobiyerno?"
"Kinalaman ko sa gobiyerno? 'Di nga nila tayo sinusupplyan ng pagkain e. Namimigay nga ng bigas, mabaho naman."
"Bago ko nakalimutang itanong, ano na bang status niyo ni Mills, Yo?" hirit ni Ryder na halatang interesadong malaman ang tungkol sa kanila. "Kayo na ba?"
Agarang umiling si Yohan bilang tugon dahilan kung bakit tuluyang napatawa ang kaharap.
"Mahirap ligawan kapag may Kuya 'no?" pang-aasar nito sa kaniya.
Hindi na nga siya nakatanggi pa lalo na at totoo naman. Nahihirapan siyang pormahan ang dalaga dahil kay First. Bantay-sarado ito ng kapatid lalo na nang malaman ng Kuya nito ang totoo niyang nararamdaman para sa dalaga.
Naiintindihan niya naman kahit papaano at wala rin naman siyang nakikitang problema roon. Masyado pa silang bata at sa palagay niya ay hindi pa siya handang kunin nang tuluyan ang kamay ng kababata.
Gusto niya munang siguraduhin na kaya na niya ngang ingatan si Mills sa oras na magdesisyon siyang ligawan ito.
"Ano ba 'yan, bagal mo naman," asik ni Corbin. "Tatlong taon na iyong lumipas pero anong status niyong dalawa? Aso't pusa pa rin? Grabe naman. Huwag mong sabihing pati next year ay gano'n pa rin? Paawat ka naman, Yohan."
"Hayaan mo na, as if namang may kaagaw pa 'yan kay Mills," tugon ni Ryder. "Sa sama ng budhi no'n ay si Yohan lang talaga iyong makakatiis."
Napaayos naman kaagad si Corbin ng upo bago niyapos ang throw pillow. "'Di mo sure. Sa lawak ng Pilipinas ay imposibleng wala kang magiging kaagaw, Yohan. Lupa nga may nag-aagawan, sa babae pa kaya?"
"We guys already talked about this, right?" singit ni Ledger. "No suitors allowed until they are on the right age to have one. Kung may sumubok na ligawan silang tatlo, dadaan muna sa atin."
Ngumisi naman kaagad si Ryder dahil sa sinagot ng binata. "Sa'yo pa lang ay ewan ko na lang kung may tutuloy pa."
Nagsitawanan ang apat dahil sa naging huling hirit ng kaibigan. Hindi rin naman nagtagal ang usapan nila sa loob lalo na nang bumukas ang pinto sa sala at doon pumasok sila Meadow na kadarating lang.
Napatingin kaagad ang grupo sa gawi nila habang si Yohan naman ay sinalubong si Mills upang tulungan ito sa mga bitbit nitong pagkain.
"Tigas talaga ng ulo nito," komento ni Ryder matapos makita ang humigit sa limang plastic na dala ng dalaga. "Sabing huwag kang gastos nang gastos e. Nagluto na nga kami rito para makatipid tapos heto ka may panibago na namang bitbit?"
"Reklamo ka nang reklamo, pera mo? Pera mo?" Nakakunot-noong sagot ni Mills. "Natuwa na nga ako kasi hindi ko madalas kasama si Kuya rito pero ikaw naman iyong pumalit, bwisit naman. Magkaibigan nga talaga kayo."
"Ulol, manahimik ka. Isusumbong kita sa Kuya mo."
"Magsumbong ka mag-isa mo."
Akmang tatawa na sana si Corbin dahil sa naging sagutan ng dalawa pero agad naman siyang nabara ni Ryder.
"Isa ka pa, kaya humaba lalo sungay niyan e kasi wala kang ibang ginawa kundi sulsulan 'yan."
"Ba't naging kasalanan ko?!"
Hindi na inantay pa ni Meadow na makasagot si Ryder at mabilisan niya na ngang hinawakan ang braso nito saka umiling. Nagpapigil naman kaagad ito at pinilling ngisihan ang kaibigan.
"Tama na, huwag na kayong magtalo," mahinahon niyang pigil. "Sige na Corbin, samahan mo na 'tong si Yohan na dalhin 'yang pagkain sa kusina. Tulungan niyo na rin si Cody na maghanda ro'n nang makakain na tayo."
"Luh, ba't kami lang? Dapat kasali 'tong si Ryder, Meadow. Gago, wala kayang ibang ginawa 'yan ngayon kundi utus-utusan kami. Feeling batas 'yang sakristan na 'yan."
"Boboses ka pa talaga, sumunod ka na lang kasi," sagot ni Yohan saka pwersahang hinila patayo ang kaibigan at doon pinabitbit ang ilang plastic na hindi na niya magawang dalhin.
"How's everyone doing in the camp, Mills?" tanong ni Ledger bago nag-abot ng popcorn sa dalaga.
Tinanggap naman nito kaagad ang kaniyang binigay bago nagpasalamat.
"Mas okay na kaysa no'ng dati," sagot ni Mills. "Marami na ring improvements na nangyari kaya wala na tayong dapat na ipag-alala masyado."
"Buti naman kung gano'n. Kudos to the government who took care of everything quickly. Nagawa nilang maagapan kaagad iyong outbreak kaya hindi rin gano'n katagal iyong aantayin natin para maayos iyong siyudad," singit ni Willow. "If it happened na kumalat nga sa buong bansa iyon, ewan ko na lang talaga kung saan tayo pupulutin."
Tipid silang nagsitanguan lahat bilang pagsang-ayon sa sinambit ng dalaga.
"Then does that mean that people are now allowed to leave the city?" tanong ni Meadow pero umiling lang si Mills.
"Bawal pa rin daw," pauna nitong sagot. "Iyon iyong sabi sa'kin ni Kuya kanina bago ako umalis sa evacuation center."
"San Juanico is still not safe kaya mahigpit pa ring pinagbabawal iyong paglabas-masok ng mga tao sa siyudad. Going out from this city won't bring any good on us either," sagot ni Zigler. "Magdadala lang tayo ng takot sa mga taong nakatira sa labas ng siyudad. You guys are aware that it isn't been long since that outbreak started. For sure iniisip nilang lahat ng taong nandito ay hindi malabong maging isang zombie kalaunan."
"He's right," pagsang-ayon ni Ledger. "Let's just wait a little longer. Pabilis nang pabilis ang recovery ng siyudad, paniguradong hindi rin magtatagal ay babalik din sa normal ang lahat."
Hindi na nakakontra pa si Mills sa tinuran ni Ledger lalo na at totoo rin naman iyon. Alam niyang hindi na rin magtatagal ay muling babalik ang sigla at kaayusan ng lugar nila. Ang kailangan lang nilang gawin ngayon ay ang mag-antay.
"Si Sir Winston ba, Zigler, kumusta siya?" pangangamusta ni Willow sa maestro.
Huling balita nila ay nakakulong ito at nanatiling bantay-sarado ng mga sundalo sa kampo. Dinadalaw rin naman ito ng binata, ngunit hindi rin gano'n kadalas.
"Gano'n pa rin," tipid na sagot nito. "Dinalaw ko siya kanina dahil tumawag sa'kin iyong Ninong ni Yohan. Ang sabi ay hinahanap niya raw ako, kaya wala akong choice kundi magpakita."
"Nag-usap kayo?" tanong ni Meadow pero umiling lang siya.
"Hindi niya pa rin ako kinakausap gaya no'ng dati," pauna niyang sabi. "He calls for me but still choose to keep his mouth shut everytime we met. Kung hindi siya matutulala sa harapan ko, iiyak siya at hindi ako kakausapin. His actions... it's making me worry."
"Maybe he's still not ready to fix things out between you and him," sagot ni Willow. "Pinagsisisihan niya na nga siguro iyong nagawa niya kaya siya umaasal nang gano'n."
"Kausapin niya man ako o hindi, napatawad ko na siya, Willow. Giving up was the most wise decision he ever made. Kung hanggang ngayon ay nag-iipon pa rin siya ng lakas ng loob at inaantay iyong tamang panahon para kausapin niya ako, I am patiently waiting for that time to come," litanya niya bago ngumiti ng tipid. "I hope time flies so fast, so that I could finally call him as my father."
Nilingon ni Zigler si Mills na ngayon ay nakatingin sa kaniya. "That's why I won't get tired of thanking you, Mills. Salamat at binago mo ang isipan ni Papa kahit sa huling sandali. Salamat at pinili mo pa ring iligtas siya kahit kapalit no'n ang kapahamakan mo."
"Ginawa ko lang kung ano iyong dapat Zigler," tugon ng dalaga. "Iyon lang ang alam kong bagay na makakatulong para sa inyong dalawa."
Ang totoo ay marami talaga ang nagulat sa ginawa ni Mills. Hindi nila inasahan na ililigtas pa rin nito ang Professor sa kabila ng lahat ng mga ginawa nito. Ngunit sadyang nananaig talaga sa puso ng dalaga ang pagiging makatao kaya sa huli, pinili pa rin nitong ilabas ang maestro. Kahit kapalit pa no'n ang pagkalagay ng sarili niya sa alanganin.
Ang bombang sumabog malapit sa kanila ng maestro ang siyang naging rason kung bakit ilang oras din siyang nawalan ng malay. Ang tinamo niyang sugat no'ng mga oras na iyon ay hindi talaga biro. Subalit nagawa niya pa ring nakaligtas dahil sa regenerative ability na mayroon ang katawan niya.
Kaya ganito na lamang kung magpasalamat si Zigler. Dahil kung hindi dahil sa kaniya, paniguradong wala siyang amang matatawag ngayon.
"About the cure... how is it going?" tanong ni Ledger saka tinignan si Mills at Zigler.
"Ang sabi nila ay nakabuo sila ng bagong formula na mas reliable kumpara sa nagawa nila no'ng dati. Akala ko nga kukuhanan nila ako ng dugo kanina e dahil pinatawag ako sa lab, pero ininform lang nila ako na magkakaroon ng testing process ang Pharma at kapag maayos iyong resulta, doon nila ako pababalikin ulit," sagot ng dalaga.
"'Di'ba ginawa rin nila dati iyon?" tanong ni Ryder. "Anong nangyari sa mga past nilang trials?"
"Failed lahat. Nagagawa lang nilang pakalmahin sandali ang zombie tapos babalik na naman iyon sa pagiging halimaw sa paglipas ng oras," tugon ni Zigler. "They've been using my blood since then but it looks like it's not enough to be use as a permanent cure, kaya nag-volunteer na 'tong si Mills na subukan iyong sa kaniya. Sana this time effective na."
"Tapos pag naging effective na iyong experiment nila, uubusan nila ng dugo 'tong si Mills para makagawa ng cure?" sabat ni Corbin na kababalik lang kasama si Yohan at Cody. "Tignan niyo nga 'yang balat niyan, paputla nang paputla. Kulang na lang maging descendant na 'to ni Dracula."
"Kagustuhan ko namang tumulong," saad ng dalaga. "Kung alam ko namang may magagawa ako, bakit hindi di'ba? Aanhin ko ba 'tong dugo na nananalaytay sa katawan ko kung hindi ko rin naman pakikinabangan?"
"Kung hindi mo na kaya, magsabi ka lang," singit ni Yohan bago inabutan ng gatas ang kaibigan. "Kakausapin ko kaagad si Ninong para ipatigil nila kaagad iyong pagkuha ng dugo nila sa'yo, may karapatan ka pa rin naman kasing tumanggi. Hindi por que gusto mong tumulong ay aabusuhin mo na rin 'yang katawan mo. Tao ka pa rin, Mills. Kailangan mo ring magpahinga."
Tinanggap naman kaagad ng dalaga ang tinimpla nitong gatas saka nagpasalamat.
"Kulit nito sabing 'di 'yan tao e," sabat ulit ni Corbin.
"Lalo ka na. 'Di ka tao, dwende ka."
Sinamaan naman siya kaagad ni Corbin ng tingin pero nang-aasar na tawa lang ang iginanti ng dalaga sa kaniya.
"Sila ate Kimber ba nandito na?" biglaang tanong ni Cody sa kanila na ngayon lang nakahanap ng tiyansang makaupo at makapagpahinga. Kanina pa siya abala sa mga gawaing bahay at halos siya na nga ang umasikaso sa mga gawain araw-araw.
"Buti naisipan mong magpahinga. Kanina ka pa paikot-ikot dito sa bahay, Cody" sambit ni Ryder. "Hindi ka naman namin pinatira rito para gawing caretaker. Masyado kang gwapo para sa trabahong 'yan."
Tipid na lamang na natawa ang kaibigan bago sumandal sa sofa.
Hindi rin naman siya nagrereklamo, at mas lalong hindi rin siya nagmamaktol kung may tumulong man sa kaniya o wala. Tila ba ito ang siyang naiisip ng binata na nag-iisang paraan para sa gano'n ay magawa niyang ibaling sa ibang bagay ang kaniyang atensyon sa halip na isipin ang partikular na taong gumugulo pa rin sa isip niya hanggang ngayon.
"Awit, bakit mo hinahanap iyong Ate ko?" kontra ni Corbin. "Ikaw ba iyong kapatid?"
"Takot ka lang maagawan ng Ate e," asar ni Ryder dito. "Huwag kang mag-alala, wala sa lahi nila Cody ang pagiging mang-aagaw. Isaksak mo sa baga mo 'yang Ate mong ubod ng pagkapilosopa."
"Ang sabi niya kasi darating sila bago gumabi. Lalamig na naman iyong niluto natin," sagot ng binata saka minasahe ang kaniyang kamay.
"Natin?" pag-ulit pa ni Yohan na halatang nagulat sa narinig niya. "Sinong kasabay mong nagluto, Cody?"
Ngumisi naman kaagad si Corbin bago swabeng tinuro-turo iyong sarili niya. Agad namang nagkantyawan ang mga kaibigan na halatang hindi kaagad bumilib sa nais niyang iparating.
"We, 'di nga?" sabi ni Willow. "Ikaw? Magluluto?"
"At kailan ka pa natutong magluto, Corbin?" singit ni Yohan na halatang diskumpyado sa sinambit ng kaibigan.
"Wala ka lang talagang bilib sa'kin, Yohan," sambit niya bago ngumisi. "Kay Cody na nga mismo nanggaling oh, ayaw niyo pa rin maniwala? Lakas niyong mang-asar sa'kin ah, huwag kayong kakain mamaya."
"E 'di huwag," dagliang sagot ni Mills. "May pagkain naman akong dala. 'Di hamak na mas masarap iyon kaysa sa luto mo."
"Huwag na nga kayong magtalo." Muling pumagitna si Meadow para lang mapatigil ang mga kasama. "Magmeryenda na lang muna tayo habang inaantay sila Ate. Nasa'n na ba iyong popcorn kanina, ubos na ba?"
"Oo, inubos ni Corbin," sagot ni Ledger na tinapunan lang ng seryosong tingin ang pwesto ng binata.
"Tangina, ako na naman?"
Hindi na nga nila pinansin pa ang reklamo nito bagkus ay nagsikilos na sila para maghanda ng meryenda. Si Meadow ang kumuha ng tinapay sa kusina habang si Mills naman ang kumuha ng pitsel para sana magtimpla ng juice. Sumalubong naman sa kaniya si Willow na ngayon ay may bitbit ng ice.
Sabay silang lumapit sa mesa at kalaunan ay pare-pareho ring napatigil nang may biglaang naalala. Ilang segundo pa ay nagsipalitan sila ng tingin hanggang sa nauwi iyon sa matamlay na ngitian.
"Deja vu," magkasabay nilang sabi.
"This just reminds me of what happened way back," usal ni Meadow at doon dahan-dahang nilapag ang tinapay sa ibabaw ng lamesa. "When we were still inside the cookery room, preparing for something to eat just to survive a day."
Nang mapansin ni Meadow ang pagtitig ni Willow sa tinapay na dala niya kanina ay saglit siyang napalunok nang may memoryang kusa na lang ding pumasok sa utak niya.
"Do you still hate her, Willow?" tanong ng dalaga sa kaibigan. "Do you still hate Shilloh after all those years?"
Nakita niya kung paano unti-unting humihigpit ang pagkakahawak ng dalaga sa yelo. Tila ba hindi ito kaagad nakabawi sa biglaan niyang pagtanong.
"Sorry, hindi ko sinasadya. Dapat hindi ko na lang sina—"
"As much as I want to hate her even more, I don't think it would be right to hold a grudge on her anymore," sagot niya.
Mahinahon siyang nag-angat ng tingin saka sinalubong ang malumanay na titig ng kausap.
"Kapag naaalala ko si Allison, si Shilloh kaagad iyong sunod na pumapasok sa utak ko. Para bang hanggang ngayon ay siya pa rin ang gusto kong sisihin dahil sa pagkawala niya. Gusto ko siyang mawala noon, gustong-gusto kong maranasan niya rin iyong naranasan ni Allison no'ng mga oras na kinompronta natin siya."
Hindi kaagad nakasingit si Meadow sa inamin ng kaibigan. Miski si Mills ay hindi rin nakasagot.
"Pero matapos tayong makaligtas sa outbreak? Nagsisi ako Meadow," dugtong nito. "Pingsisihan ko na hiniling kong mawala siya gaya niya. Nagsisi ako na umabot ako sa puntong ginawa ko rin ang nagawa niya. I was out of my mind that I never thought that you would be hurt after we resent her for doing such thing. Hiniling kong mawala rin siya sa buhay natin nang hindi ko man lang naisip kung ano iyong magiging epekto no'n sa'yo. Patawarin mo ako, Meadow. Sana mapatawad mo ako."
Tanging ngiti ang naisukli ni Meadow sa dalaga saka niya ito hinawakan sa kamay.
"You don't have to feel sorry, Willow. Hindi kita sinisisi dahil sa nangyari kaya hindi mo na kailangan pang magsorry sa'kin," kalmado niyang sabi. "Matagal ko nang tanggap ang lahat,"
Hindi mapigilan ni Mills ang mapangiti ng tipid nang makita kung paano tanggapin nang kusa ni Meadow ang kaibigan. Wala siyang makitang kahit katiting na galit para sa dalaga, bagkus ay purong sinseridad lang. Natutuwa siya lalo na at sa kabila ng lahat ng hamong sumubok sa pagkakaibigan nila, hindi pa rin kumupas ang tatag ng samahan nilang magkaklase.
"Sabi sa'yo, Willow e. Hindi mahirap kausapin si Meadow. Ikaw lang iyong nag-iisip no'n," usal niya at doon kinuha ang pitsel upang lagyan ng tubig.
Ramdam niya ang titig ng dalawang kaklase sa kaniya kaya naman ay muli niya itong nilingon.
"Oh, bakit?" aniya. "Kung iniisip niyong galit pa rin ba ako kay Shilloh, ngayon pa lang lilinawin ko na sa inyo. Hindi na ako galit, at higit sa lahat, hindi ko na siya sinisisi gaya no'ng dati."
"Napatawad mo na ba siya, Mills?"
Sandaling ngumiti ang dalaga saka sumagot. "Sino ba ako para hindi magpatawad? Tsaka mas iniisip ko si Elsie, paniguradong hindi niya magugustuhan na magtatanim ako ng galit sa ibang tao gaano man kaliit o kalaki ang kasalanan no'n. Sa kaniya ko natutunan ang bagay na 'yan."
"You've changed," komento ni Willow kaya naman ay tipid siyang natawa.
"Gano'n talaga kapag nagbabagong buhay," sagot niya. "Ayaw ko ring madissapoint sa'kin si Loli. Hindi niya naman ako pinalaking masamang tao 'no."
"Oo nga pala, nawala sa isip ko kanina na kamustahin ang Lola mo," banggit ni Meadow. "Okay lang ba ang lagay niya?"
"Binisita ko siya kanina sa camp at bumubuti na rin naman iyong lagay niya. Iyon nga lang, hindi pa rin siya makakalabas sa center dahil kailangan pa ring imonitor iyong dugo niya. Highblood e."
"Kapag bumisita ka ulit, isama mo ako ha? Gusto ko na talaga ulit makita iyong Lola mo," wika ni Willow na hindi naman magawang matanggihan ng kaibigan.
Samantala, sa gawing sala ay naghahanap ng mapapanood sila Corbin. Plano kasi nilang magmovie marathon muna habang inaantay na dumating ang Ate niya at ang mga kaibigan nito.
Hindi pa man sila nakakahanap ng mapapanood ay bigla na lang nilang narinig ang sigaw ni Ryder.
"Nakauwi na sila, First!" imporma nito matapos pagbuksan ng pinto ang mga bagong dating.
Sinalubong naman kaagad ni Corbin ang nakakatanda niyang kapatid saka kinuha ang bag na dala-dala ng kaniyang Ate.
"Plastic amputa," komento ni Ryder matapos matignan ang kaibigan na bigla na lamang naging mabait. "Ang tamad mo kaya kanina tapos ngayon bigla ka na lang naging masipag?"
"Pakialam mo? E 'di maging masipag ka rin. Dami mong problema," sagot nito bago nagpasyang umakyat sa itaas para dalhin ang gamit na dala niya.
"Si Mills?" tanong ni First. "Nakauwi na ba iyon?"
"Oo, kanina pa bumalik kapatid mo," tugon ni Ryder. "Nasa kusina sila at nagpaplanong maghanda ng meryenda habang wala pa kayo. Gusto kasi nilang sabay-sabay tayong maghapunan ngayon e."
"These kids are so effort naman," singit ni Dillon. "Nakakatuwa talaga kayo kabonding."
"Sana itanong mo muna kung natuwa ba ang mga 'yan na kabonding ka," sambit ni First na siyang nagpawala ng ngiti sa labi ng dalaga.
Akmang tatawa na sana si Ryder sa naging sagutan ng dalawa pero agad naman siyang binalingan nito ng tingin.
"Boundary," sambit ng kaibigan saka iminuwestra ang kamay sa gawing harapan senyales na hindi siya kasama sa usapan.
"Ulol, First pero hindi inuuna."
"Kaysa naman sa'yong Ryder na walang motor."
"Pwede ba?" untag ni Kimber na ngayon lang nagsalita. "Kung mag-aasaran lang din naman kayo, huwag sa harapan ko. Kanina pa ako napipikon sa mga bunganga niyong putak nang putak. Nakakarindi na."
Nilampasan niya ang pwesto ng tatlo at naunang tumungo sa kwarto niya para magbihis. Nakasalubong naman niya kaagad sa hagdan ang pababa niyang kapatid na awtomatikong napagilid nang makita kung gaano kadilim ang awra niya.
"Beast mode na naman?" tanong ni Corbin matapos siyang makababa bago nginuso ang kwarto ng kaniyang Ate.
"Parang 'di ka na sanay, lagi namang ganyan 'yang kapatid mo. Kung gaano siya katangkad, gano'n din kaikli iyong pasensya niya," sagot ni Ryder at doon sumenyas sa iba na magsipasok na sa kusina para kumain.
Saktong pagpasok ng grupo nila First sa kusina ay agaran niyang napansin ang mga pagkaing nakalatag sa mesa. Sa sobrang dami no'n ay halatang hindi talaga nila iyon mauubos sa isang gabi lang. Hindi niya tuloy maiwasang maisip kung anong mayroon sa araw ngayon.
"Wow, daming foods," komento ni Dillon, "kayo ba nagluto niyan, Courtney?"
Agarang nanalaytay sa mukha ni Cody ang hiya matapos marinig ulit sa bibig ng kaniyang senior ang pangalang gusto niya na ring kalimutan. Narinig niya naman kung paano magpigil ng tawa si Ryder sa gawing likuran ni First kaya naman ay sinamaan niya ito ng tingin.
"Cody nga po, Ate."
"Ay Cody ba," patay-malisyang ulit nito. "But Courtney suits you well naman din. Ayaw mo no'n?"
"Pambihira ka naman kasi magbigay ng nickname, Dillon. Ginawa mo ba namang binabae 'yang kaibigan ko," sambit ni Ryder. "Tsaka sayang lahi niyan kung maging babae nga."
"Are we celebrating something?" tanong ni Kimber na kapapasok lang sa kusina. Nakapangbahay na ito at agarang dumiretso sa tabi ni Corbin.
"Ah, actually it's not a legal holiday or something," sagot ni Meadow. "We just happened to have this kind of gathering every year."
"What for?" kuryosadong tanong ni Dillon na halatang wala ring ideya sa kung anong meron.
"Nakasanayan lang naming icelebrate yearly iyong araw kung saan nagdesisyon kaming baguhin ang mga buhay namin, " pag-amin ni Ryder. "At ngayon iyong ikatlong beses na gagawin ulit namin iyon."
"You guys have that kind of celebration?" tanong ulit ni Dillon.
"Opo, we also want to honor our dearest friends who became our strength and motivation for being able to survived and live up until this time," dugtong ni Willow. "Iyon iyong isa rin sa rason kung bakit marami kaming mga pagkaing hinanda ngayon. Most of these... are their favorite foods."
Pinasadahan ni Kimber ng tingin ang magkakaklase at nakita niya kaagad ang ibayong klaseng ekspresyon na naging dominante sa kani-kanilang mga mukha. Ramdam niya ang mga pinaghalong emosyon sa ere na kahit siya naaapektuhan din.
"Then let's begin your celebration," pasya niya saka inanyayahan silang magsiupo na sa kanilang mga pwesto. Nagsisunuran naman kaagad ang lahat hanggang sa sabay silang umusal ng dasal bilang simbolo ng pagpapasalamat sa mga pagkaing nakahanda sa mesa.
Hindi rin nagtagal ay nag-umpisa silang kumain. Pinagsaluhan ng lahat ang iba't-ibang klase ng mga putahe na sinabayan naman nila ng mga nakakatuwang kwento.
Kahit man hindi sila kompleto sa ikatlo nilang salu-salo, umaasa pa rin ang magkakaibigan na balang araw ay darating din ang punto na kung saan ay muli silang makokompleto. Siguro ay hindi man ngayon, ngunit baka sa susunod na mga taon.
Imposible man para sa iba ngunit para sa kanila ay hindi. Dahil naniniwala ang bawat isa na muli nilang makikita ang daan patungo sa lugar kung saan nananatili ang mga dati nilang kaibigan. Ang mga taong naging rason kung bakit hindi magagawang buwagin ng panahon ang tatag ng samahan na mayroon ang Aries.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top