Epilogue

"And that's the undeniable reality behind all of this mess." Pagtatapos ni Zigler habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa laptop. Kasama niya ngayon si Meadow sa loob ng tent kung saan sila nakihiram ng dekstop. Matapos marinig ng dalaga ang mahaba-habang kwento at paliwanag ng kasama ay doon na nagkaroon ng linaw ang lahat sa kaniya. Nagkaroon na ng sagot ang mga katanungang minsan na rin siyang ginulo, mula sa imbensyon ng kanilang Science Teacher hanggang sa katotohanan patungkol sa katauhan ni Mills.

"Pero hindi ko maintindihan..." usal ng dalaga na siyang naging rason kung bakit nilingon siya ng kasama. "Sa'yo na nga mismo nanggaling na ginagamit niyo 'yang SD card para i-record iyong mga ginagawa nila Quincy, di'ba? Kaya bakit naka-save iyong esoteric files ng papa mo sa mismong memory card na 'yan?"

Matapos niyang banggitin iyon ay maingat na shinut-down ni Zigler ang dekstop computer saka tinanggal ang secure digital card.

"After kong malaman iyong result ng experiment ni papa tungkol sa dugo ko at kay Chloe. Doon ko na sinimulang gawin iyong plano ko." Panimula ng binata bago umayos ng upo.

"Anong plano?" Puno nang kuryosidad na tanong ni Meadow.

"Alam ni papa na puro online games lang iyong inaatupag ko everytime na wala akong pasok. I tend to borrow his laptop and often use it to fulfill my gaming side," sagot niya at pansamantalang tumayo para muling ipasok sa bag ang minicomputer. "Sa huling pagkakataon na hiniram ko iyong dekstop computer niya, akala niya maglalaro pa rin ako kaya iniwan niya muna sa'kin iyon — without him knowing that there I started to turn my back against him."

"Hindi naman siya natatakot na sa kakahiram ko sa personal niyang gamit ay mabubuking ko iyong mga ginagawa niya because of the fact na nakasulat in codes ang lahat ng mga files na nandoon," dugtong niya bago nilingon si Meadow na patuloy paring nakikinig. "At alam niya ring hindi ako pala-aral kaya kampante siyang hindi ko nga maiintindihan ang mga iyon."

"Dahil nga sa hindi niya talaga ako masyadong kinilala, hindi niya alam kung ano pang mga bagay ang kaya kong gawin..." seryoso niyang dagdag saka muling naupo sa monoblock chair. "So I did it, I copied all the files into the group's SD card at dahil nga sa walang pakialam sila Quincy kung ano pang ibang mga documents doon, pati si Lyndon, hindi nakaangal."

"But why did you decided to put those file in the same memory card?" Madaliang tanong ng dalaga habang nakakunot pa rin ang noo.

"I honestly did it on purpose..." diretsa niyang pag-amin na siyang naging mitsa kung bakit mas lalong naguluhan ang kasama. "Sinadya kong pag-isahin ang lahat ng files nang dahil kay Yohan."

"Sinadya mo? Teka, hindi ko maintindihan."

"Yohan Vergara is not just a mere student of Juanico High, Meadow," imporma niya habang hindi inaalis ang tingin sa kausap. "Dahil siya ang hidden Intel ng Police Department na mismong si Assistant Chief Suarez —na ninong niya— ang mismong nag-hire."

"Inaanak siya ng Assistant Chief?" Gulat na pag-ulit ng dalaga na siyang tinanguan lamang ng binata.

"Kinakailangan nila ng mata at tainga sa loob ng Juanico High dahil isa sa project ng departamento nila no'ng dati ang bantayan si Chloe," diretso niyang pagsagot. "Ang nakuha nilang lead, si Chloe raw ang bioroid kaya kinakailangan siyang bantayang maigi. Hindi ka man lang ba nagtaka na laging sabit si Yohan kapag nalalagay sa alanganin iyong kaklase niyo?"

Hindi nakasagot si Meadow waring iniisip nang maigi ang sinambit ng kausap. Natahimik ang dalaga nang tuluyan na nga niyang napagtanto ang tinutukoy nito. Buong akala niya ay kaya nadadamay si Yohan sa isyu ni Chloe ay dahil sa kagustuhan nitong maipagtanggol ang dalaga, ngunit may mas malalim pa pala itong dahilan.

"Bago pa man lumala iyong kumosyon sa pagitan ng section niyo at ng section namin, nalaman ko ang patungkol kay Yohan kaya hindi ako nagdalawang-isip na sabihin sa kaniya ang ginagawa ni Papa. Pinagkatiwalaan ko siya Meadow at hindi niya nga ako binigo dahil iningatan niya naman iyong impormasyong binigay ko. Patago kaming nag-uusap hanggang sa nalaman ko rin ang tungkol sa imbensyon ng Lolo ni Wren."

"Teka lang, teka lang..." awat ni Meadow na halatang nabibilisan sa kaniyang mga naririnig. "Alam mong Intel si Yohan at aware ka rin sa mga misleading informations tungkol sa bioroid, at dahil nga sa si Chloe iyong naging target ng Bermuda Triangle kaya ka nag-decide na pagsamahin ang lahat ng files para ibigay nang isahan kay Yohan? Am I guessing it right or what?"

"Precisely." Tipid nitong komento saka tumango bilang pagsang-ayon na tama ang pagkaintindi ng kaharap.

"Kaya pala..." wala sa wisyong sambit ng dalaga. "Kaya pala ganoon na lang kung ingatan ni Yohan iyong SD card kasi hindi pala talaga basta-bastang mga impormasyon ang naka-save sa flash memory card na iyon."

"Syempre, hindi naman aakto na parang wala lang si Yohan kung mga karaniwang clips lang ang nasa files na iyon."

"Pero kailan mo ba balak sabihin kay Chief ang lahat ng 'to?" Pag-iiba ni Meadow na siyang nakapagpabuntong-hininga sa kaharap.

"It depends, saka ko na lang siguro sasabihin kay Sir Suarez kapag dumating na rito sila Yohan," Ddretsa niyang sagot bago nag-ayos ng buhok. "Tsaka required pa kasi ng written report eh. Alam mo namang wala akong talent diyan."

Matapos niyang sabihin iyon ay tinignan niya nang makahulugan ang kasama na kaagad din namang naunawaan ang kaniyang gustong ipahiwatig.

"Don't worry, tutulungan kitang gawin iyong report. Inform mo lang ako kaagad kung saan tayo magkikita." Paniniguro ng dalaga na siyang lihim na ikinatuwa ng binata. Halos magkasabay silang nagligpit ng mga gamit ngunit bago pa man sila nakaalis sa loob ng tent, bigla na lamang nilang natanaw sa labas ang nagkakagulong mga tao. Hindi magkamayaw ang mga iyon sa pagtakbko patungo sa gawing harapan ng kampo. Isang palatandaan na mayroon na namang mga bagong rescued persons ang dumating.

Mabilis na napalingon si Meadow kay Zigler at walang salita silang sumunod sa mga tao papalabas. Lumipas na ang bente quatro oras magmula no'ng madala siya rito pero ang mga naiwan niyang kasama sa Juanico High ay hindi pa rin nakakasunod. Hindi na rin ito ang unang beses na may dumating dito sa kampo kaya sa bawat truck na hihinto ay hindi maiwasan ni Meadow ang makisilip sa kadahilanang umaasa siya na baka sa pagkakataong ito ay ang mga kaklase na niya.

Saktong paghinto nila sa gawing labasan ay ang siya namang pagsibabaan ng mga bagong sibilyan. Karamihan sa mga iyon ay mga bata na nakasuot pa rin ng uniporme. Hindi mapakali si Meadow sa kintatayuan at patuloy lamang siyang tumitingkayad para kahit papaano ay makasilip.

"Give way! Give way!" Paulit-ulit na sigaw ng isang medic matapos itong makababa sa ambulansya. Nang hindi pa rin tumalima ang mga tao ay kaagad ng pumagitna ang mga sundalo nang sagayon ay makadaan ang mobile. Kasunod ng medic ang siyang muling pagbukas ng pinto at sumunod na ibinaba ang isang stretcher. Hindi maiwasan ng dalaga ang manliit ng tingin dahil hindi niya klarong makita kung sino iyong nakahiga.

Nang saktong may mga sundalo na ring dumating sa pwesto nila ay wala na silang ibang nagawa pa kundi ang gumilid at palihim na tanawin ang pwesto ng mga medics. Sumalubong sa mga bagong dating si Deputy Chief Villanueva na daglian ding kumilos para tumulong sa pagbaba ng stretcher.

"We've managed to rescue another survivor from Juanico High, Sir!" Imporma ng lalaking may hawak ng dextrose. At dahil sa may kalakasan ang kaniyang boses ay malinaw itong narinig nila Meadow. Saktong paglingon ng hepe sa kanilang pwesto ay mabilisan itong sumenyas sa kanilang dalawa na lumapit. Hindi na pinaglagpas pa nila Zigler ang pagkakataong iyon at madaliang tinungo ang stretcher.

Saktong pagkarating nila sa gawing likod ng mobile ay ang siya ring paglipat ng tingin ng babaeng nasa stretcher sa kanilang pwesto.

"M-Meadow?" Alanganin nitong tawag na siyang naging rason kung bakit dinumog ng magkahalong takot at saya ang mukha ni Meadow. Hindi niya rin maiwasang mapatakip ng bibig lalo na nang makita niya nang mas klaro kung gaano kalala ang sugat na tinamo ng kaklase.

"Ikaw nga, Willow!" Salubong niya sa dalaga bago niya hinimas ang pisnge nito. Gustuhin man niyang kausapin ang kaibigan subalit nagpigil na lamang siya dahil mas importanteng mabigyan muna ito ng paunang lunas.

"Bakit ang lala ng tama ng bata? Nagkaroon ba kayo ng problema?" Sunod-sunod na tanong ng hepe na siyang agaran ding sinagot ng mga nandito.

"Sugatan na ang bata nang nakita siya ni Captain, Sir. Team leader also ordered us na hindi muna tapunan ng mga tanong ang estudyante at bigyan muna siya ng sapat na oras para maka-recover." Mahinahong sagot ng lalaki bago inalis ang suot na hand glove. Matapos siyang mabigyan ng mga bilin ng hepe ay tinapik niya ang balikat nila Zigler at Meadow saka tumalima at umalis.

"Matapang iyong kaibigan mo, hija. Miski kaming nasa team ay hindi nag-expect na makakasurvive siya sa kabila ng napakaraming dugo na nawala sa katawan niya," komento nito bago nginitian ang dalaga. "Pwede mo siyang mabisita maya-maya kung gusto mong dumalaw. Mauuna na ako sa inyo."

Hindi na inantay pa ng lalaki ang sagot nilang dalawa at muling pumasok sa mobile kasama ang buong medic team para makipagsapalarang ulit sa labas ng kampo.

Naiwang nakatayo sila Zigler sa daanan habang tinatanaw ang papalayong pigura ng ambulansya. Gustuhin man niyang kumalma sa puntong 'to subalit tila hindi matatahimik ang puso niya hangga't hindi niya makikitang buhay at ligtas ang iba niya pang mga kaklase na mapa-hanggang ngayon ay wala talaga siyang balita.

"It's almost noon, Meadow," usal ni Zigler bago siya tinapik. "Mas mabuti pa siguro kung bumalik muna tayo sa loob para kumain. Doon na lang tayo mag-antay." Aya ng binata saka masugid na hinantay ang magiging sagot ng kasama. Nang hindi pa rin ito lumilingon sa kaniya ay hinayaan niya muna ito sandali.

Nanatili pa rin ang tingin nito sa papalayong military truck. Bakas na ang pagod sa mukha nito ngunit ang pag-asang namumutawi sa mga mata ng kasama ay nanatili pa ring buo.

Akmang magsasalita na sana siya ulit pero bigla na lamang silang nakarinig ng napakalakas at sunod-sunod na pagsabog, bagay na siyang muling nagpaagaw sa halos lahat ng atensyon ng mga nandito. Magkasabay na nag-angat ng tingin ang lahat at ang kani-kanilang mga tingin ay dumapo sa iisang lugar. Doon nila klarong nakita ang matataas na gusali ng pinakamalakingveskwelahan ng San Juanico na nag-uumpisang magsitumbahan dulot ng mga bombang tuloy-tuloy na hinuhulog.

"H-hindi... hindi 'to pwede," nauutal na wika ni Meadow nang tuluyang matukoy kung saan nga nagmula ang pagsabog.
"A-ang Juanico High." Puno nang takot at kaba niyang sabi saka nanginginig na tinuro ang pinagmumulan ng makapal at napakaitim na usok.

Hindi nagtagal ay binalot ng katahimikan ang kampo, ni isa ay walang nagkainteres na basagin ang napakabigat na atmospera. Lahat ng atensyon ay nasa gawing harap habang ang iilan na narito ay palihim na humikbi at umusal ng dasal para sa mga kaanak nilang hindi na nagawa pang maihatid dito sa evacuation site.

Natigil lang sa pagkatulala ang dalaga nang marahan siyang hinila ni Zigler. Doon niya lang napansin na kanina pa pala siya binubusinahan ng cargo truck pero dahil sa lumilipad ang kaniyang diwa at isipan ay para bang wala na siyang naririnig.

"Sir Suarez!" Sigaw ng binata saka marahang kumaway at humarang sa bagong mobile na napadaan sa kanilang gawi. Kahit paulit-ulit siyang sinisinghalan ng mga sundalong bantay na huwag humarang sa daraanan ay hindi siya nakinig sa kagustuhang ipilit ang bagay na gusto niyang mangyari.

"If there are things that you want to clarify. Please not now, kinakailangan pa naming puntahan ang Juani—"

"Please let us go with you." Diretsang sambit ng binata na siyang mariing tinutulan ng kaharap.

"Alam mong hindi ka pwedeng umalis sa kampo, hijo. Isa pa, sobrang delikado sa daan ka—"

"I understand the fact that you are doing this to protect me. Pero nakikiusap ako sa pagkakataong 'to, Sir..." bakas ang sinseridad sa kaniyang boses at mahahalata talagang hindi ito aalis hangga't hindi niya nakukuha ang pakay. "Isama niyo kami pabalik ng Juanico High."

Alanganing napatingin ang Assistant Chief sa kasamang Heneral sa loob ng mobile na tila ba inaantay kung ano ang magiging sagot ng kasama.

"This is a serious matter, General. Hindi naman siguro tamang may isasama pa tayong bata sa misyong 'to, tama? Baka akala ng dalawang 'yan ay laro lang iyong pupuntahan natin." Singit ni Villafuerte na siyang katabi ng Heneral. Kanina pa hindi maitimpla nang maayos ag mukha nito, idagdag pa ang biglaang pag-eksena ng dalawang estudyante na siyang lalong nagpasira sa kaniyang araw.

Kahit labag sa kalooban ni Suarez na sumang-ayon sa tinuran ng Chief ngunit nakikita niya pa ring tama ang punto nito. Subalit sa pagkakataong ito ay wala sa kanilang dalawa ang may kapangyarihan na magpasya lalo na at kasama nila ngayon ang General.

Nang wala pa rin silang nakukuhang sagot mula rito ay hindi na nakapag-antay pa ang hepe at mabilisang sumilip sa bintana saka sumenyas sa mga bantay.

"Paalisin niyo 'yang dalawang 'yan. Paharang-harang sa daan eh!" Pasigaw nitong utos bago dinuro ang pwesto nila Meadow. Akmang kikilos na sana ang mga nandito para sana hilahin sila pagilid pero walang pasa-pasabing nilabas ng Heneral ang kaniyang kamay sa kabilang bintana at doon sumenyas sa mga sundalong papalapit sa pwesto ng dalawa.

Akmang bubulyawan ulit ni Villafuerte ang mga sundalong tumigil ngunit nang mapansin na mismong ang katabing General na mismo ang sumenyas ay lihim na lamang siyang napamura lalo na at nahalata na niya kung ano ang susunod na mangyayari.

Sa pangalawa pag-senyas ni General Amoral ay doon na lumapit ang sundalong nasa kaniyang gilid. Agarang yumuko ang lalaki bilang tanda ng pagrespeto sa kaharap at nang mag-angat siya ng tingin ay saka na niya inantay ang nais nitong ipagawa.

"Prepare a military truck and a new platoon." Mahinahon nitong utos na siyang mabilis namang sinunod ng kausap.

"General, I think this is too much," reklamo ni Villafuerte bago palihim na ikinuyom ang kamao. "Pinagbigyan mo na ang batang 'yan sa Interrogation Room kaya bakit mo pa papayagan na sumama pa 'yan sa pupuntahan natin? Hindi na tama 'tong nangya—"

"If you are going to question my decision for this time, Villafuerte. You can freely open this door and leave my base." Walang lingunang sabat ng Heneral na siyang ikinatiim-bagang ng katabi. Hindi niya mapigilan ang sarili na tumitig sa rare view at tinaliman ng tingin ang kaniyang kanang kamay na  sumuporta sa desisyon ng kanilang Head.

Saktong paglabas ng military truck kasunod ng kanilang sasakyan ay doon bumaba ang Heneral. Maotoridad itong tumayo bago lumapit sa pwesto nila Meadow.

Tahimik itong sumenyas sa mga sundalong nakatayo malapit sa kanilang kinatatayuan. Ilang sandali pa ay nagsilapitan iyon kaagad na siyang naging mitsa kung bakit mabilis na iniharang ni Zigler ang sarili sa harap ng dalaga. Buong akala niya ay dadamputin sila nito at pababalikin sa tent dahil sa paggambala nila sa mobile, ngunit taliwas sa kaniyang inaasahan ang nangyari. Kapwa sila sinuotan ng bulletproof at helmet ni Meadow na siyang naging rason kung bakit nagkatinginan silang dalawa.

"What are th—"

"I am not going to entertain another questions or clarifications. The truck is now ready." Agaran nitong deklara bago muling sumenyas at doon na inalalayan ng mga sundalo ang dalawa papasok sa pinahanda nitong sasakyan.

"Let's head our way in Juanico High!"

***

Saktong paghinto ng military truck ay ang siyang pagbalik sa reyalidad ni Meadow. Buong biyahe siyang nakatulala at palihim na nagdarasal para sa kaligtasan ng kaniyang mga kaibigan. Ni hindi rin siya halos makausap ni Zigler sa daan dahil sa matinding nerbiyos na nararamdaman niya ngayon.

Naunang bumaba ang mga sundalong kasama nila at nag-umpisang magronda sa paligid. At nang makasigurong ligtas na ngang lumabas ay doon pa siya nagpasyang umalis kasunod ng kasamang binata.

Kaagad na nilibot ni Meadow ang tingin sa buong lugar. Nahinto na ang mga pagsabog at tanging apoy at usok na lang ang natitira. Muling nangilid ang kaniyang luha nang makita ang kabuuang itsura ng eskwelahan. Tuluyan na nga itong nasira at nalugmok gaya ng iba pang establisyementong nadaanan nila kani-kanina lang.

"Dito lang kayo." Bilin ni Suarez sa kanila na siyang hindi na nila tinutulan pa. Naiwan sila sa gawing harap ng sasakyan kasama ang iilang mga sundalong nagsisilbi nilang bantay. Panay ang lingon at singhot ni Meadow habang abala pa rin ang tingin sa paghahanap. Hindi siya mapakali at kahit anong gawin ni Zigler na pagpapakalma sa kaniya ay hindi niya magawang sundin.

"Wolf, can you hear me?"

"Read you 5-by-5."

"All set. Move!"

Hindi na halos pinagtuunan ni Meadow ng pansin ang pag-alis ng mga sundalo sa kaniyang tabi sa kagustuhan niyang mahanap ang mga kaklase. Nanatili pa rin siyang nakatayo habang abala ang tingin sa pag-iikot.

"Nasaan na ba kasi kayo?" Muli niyang tanong at hindi na inintindi pa kung paano bumasag ang kaniyang boses dala ng halo-halong emosyon.

"Mills... Wren..." paiyak niyang tawag sa pangalan ng dalawang taong pinakainaasahan niyang lalabas sa pagkakataong 'to.

"This is platoon leader Raven. Ano ng balita sa loob? Over." Radyo ng kasama nilang sundalo habang abala ito sa pagkuha ng mensahe sa mga kasamahan niyang nasa loob ng campus. Sandali pang tinapik-tapik ng lalaki ang hintuturo niya sa hawak na walkie-talkie at umaasang may matatanggap itong sagot ngunit lumipas na lamang ang ilang minuto pero wala pa rin.

"Are we having signal interruptions? Bakit parang hindi yata gumagana 'tong radyong dinala mo?" Baling niya sa sundalong nakatayo sa kaniyang gilid na siyang hindi rin nakasagot.

Dumagdag ang mga narinig ni Meadow sa kabang lumukob sa kaniyang sistema ngayon. Hindi na siya halos makapag-isip pa nang matino at kahit anong pilit niyang iwaksi ang mga negatibong teorya sa kaniyang isipan ay paulit-ulit lamang itong bumabalot sa kaniyang utak.

"Aries, ano ba. Huwag niyo 'kong pakabahin nang ganito. Lumabas na kayo." Palihim niyang dagdag at hindi na lumayo pa sa sasakyan nang nakakaramdam na siya ng pagngalay ng kaniyang dalawang paa.

"Ayusin mo nga 'to." Nang hindi na nakatiis ang platoon leader ay binalik niya sa kausap ang radyo para patignan kung nasa kondisyon ba iyon o wala. Inabala muna ng dalaga ang kaniyang tingin sa lalaking nag-aayos ng walkie-talkie para bigyan nang kaunting pahinga ang kaniyang isipan.

"Team Phantom, come in. The General is waiting for your updates. Come in, over." Paulit-ulit nitong pinipindot ang button sa kagustuhang makakuha ng signal ngunit wala pa ring pagbabago.

"Naririnig niyo ba ako? Over." Bagsak ang balikat ng lalaki matapos itong umiling-iling senyales na wala na talaga itong pag-asa pang makakuha ng balita.

"Don't stop scrutinizing that radio and if it is possible, think of alternative ways to monitor your teammates."

"Sir yes, Sir!"

"Maybe the fogs blocked your radio's signal, Sir," turo ni Zigler sa makapal na usok na hindi pa humuhupa. Ni kahit sa labas nitong gate kung saan sila nakatayo ay hindi nila magawang maaninag ang looban. "Hindi kayo nagdala ng silencer, tama? Kaya kung nagkaroon man ng engkwentro sa loob, napakaimposibleng walang magpaputok sa mga tao niyo. Baka signal lang talaga iyong problema kaya hindi nag-reresponse sila Sir Suarez." Dagdag niya at muling nilibot ang tingin sa paligid.

"If they will not going to go out after half of an hour, you knew what to do, Raven." Bilin ng Heneral sa team leader ng platoon na walang takot namang tumango at sumaludo.

Muli silang nag-antay sa labas at nagbabakasakali na baka sa ilang minutong lilipas, may lalabas sa likod ng mga usok. Tahimik din nilang binantayan ang paligid para makasigurong wala ng mga halimaw na natira sa lugar na 'to.

"With all due respect, Sir." Usal ni Zigler bago nilingon ang pwesto ng Heneral na nananatili pa rin ang tingin sa gawing harapan. Agaran naman siya nitong nilingon at masugid na inantay ang kaniyang susunod na sasabihin.

"I suggest that we use radio waves to detect their location inside, General. Kaya po namin ni Meadow na sundan ang mga tao niyo." Walang halong takot na suhestiyon ni Zigler.

"Hindi pwede. Masyadong delikado kung papasok kayong dalawa sa loob, ni hindi nga natin alam kung anong nangyari sa k—"

"That's why we are going inside to know if how they are doing. Mas kabisado namin ni Meadow ang loob at alam din namin ang pasikot-sikot ng Juanico High." Muling pagpupumilit ng binata ngunit nang hindi pa rin kumbinsido ang kaharap, doon na niya binalingan ng tingin si Meadow.

Sandali silang nagkatitigan at bahagya mang lumilipad ang isipan ng kasama pero madali rin nitong naunawaan ang nais niyang ipunto.

"We didn't survive this outbreak in a span of thirteen days for nothing, Sir," segunda ng dalaga. "So please, let us help."

"No. I am not going to acknowledge your suggestion fo this time, kid. " Mariing tutol ng kaharap na siyang naging rason kung bakit muling nilingon ni Zigler ang dalaga.

"Now, go back to that truck and wait there." Saktong pagtalikod ng Heneral para sana tawagin ang dalawang sundalo sa gawing likod ay ang siya namang paghablot ng binata sa kamay ng kasama saka nila magkasabay na pinasok ang loob.

Walang lingunan silang tumakbo papasok nang hindi na pinansin pa ang paulit-ulit na pagtawag ng Heneral.

"Y-you're crazy." Usal ni Meadow nang hindi pa rin halos makapaniwala na nilabag nila ang utos ng General. Tipid na natawa ang kasama bago pasimpleng hinawi ang kaniyang buhok.

"This is what happens when you get along with me," madaliang sagot. "I am just trying to help you, okay? Tsaka props lang naman talaga iyong radyo, hindi ko talaga alam kung paano i-locate iyong area nila Sir Suarez. Pero at least, nakalusot pa rin tayo." Puno nang kumpyansa niyang sabi at inaya ang dalaga na mabilisan ding sumunod.

Tahimik nilang binaybay ang mausok na daan nang hindi binababa ang kanilang depensa, hindi pa sila sigurado kung tuluyan na nga bang naubos sa wipe out ang mga halimaw kaya mas makabubuti kung maghanda sila.

Akmang liliko na sana sila sa kanang corridor pero bigla na lamang sumenyas si Zigler na huminto. Agad na pinakiramdaman ng binata ang paligid nang may marinig siyang mga paparating na yabag.

"Tago!" Pabulong nitong sita at agarang hinila ang braso ng kasama pagilid bago sila nagkubli sa likod ng natumbang pader. Siniksik ni Meadow ang sarili sa loob habang pinipigilan ang kaniyang bibig na magsalita. Wala siyang kahit anong ideya kung ano ba ang paparating sa kanilang gawi, kung tao ba ito o zombie.

Ilang sandali pa ang lumipas at mas lalo nilang narinig ang mga yabag na tila napakalapit na nito. At kung hindi nagkakamali sa pagkalkula si Zigler, dadaan ito sa harap ng pinagtataguan nila ngayon. Wala sa wisyo niyang nilingon ang dalaga na muli na namang binalot ng nerbyos. Saktong pagsilip niya sa may kaliitang butas ay doon niya nakita ang ilang mga pares ng paa na mabagal din sa pag-usad. Sa sobrang liit ng kaniyang nakikita ay hindi niya rin matukoy kung tao ba ang mga ito o hindi.

Pigil-hiningang tumitig sa mga bagong dating ang binata at mas lalo lang siyang naalerto nang huminto ito sa mismong kinalalagyan nila ngayon.

"Tangina." Lohim niyang mura saka maingat na ibinabw ang kamay sa sahig para dumampot ng bato. Wala siyang ibang armas na dala kaya aasa siya ngayon sa mga tipak ng sementong nagsibagsakan sa sahig.

"Atcho!" Akmang ihahampas na niya sana ang hawak pero natagpuan niya lang ang sarili na napahinto nang marinig niya iyon.

"Jusko naman, saang parte ba ng 'huwag kang gumawa ng ingay' ang hindi mo naintindihan ha? Paulit-ulit na lang tayo eh!" Mahina ngunit pasinghal na sermon ng isang lalaki. Kaagad na napaayos ng tayo si Zigler nang tila pamilyar sa kaniya ang boses na iyon.

"Eh kasalanan ko ba kung nabahing ako? Alam mo, tol? Sa lahat ng sakristan na kilala ko, ikaw lang iyong mainitin ang ulo." Maktol ng isa pa na siyang nagtulak kay Meadow na mag-angat ng tingin.

"Fuck you both. Shut up!" Awat ng panibago na namang boses. Nang tuluyan na ngang nakumpirma ng binata kung sino ang mga bagong dating ay doon na niya binitawan ang bato, ngunit aksidente iyong gumawa ng ingay na siyang naging dahilan kung bakit agarang dumapo ang tingin ng mga nasa labas sa pwesto nilang dalawa.

"Sino 'yan?" Agarang tanong ng panibagong boses. Dahil nga sa mausok ang paligid ay hindi sila kaagad nito nakita. Sandali munang nilingon ni Zigler si Meadow na nag-aantay lang din ng susunod nilang gagawin. Tahimik siyang sumenyas sa kasama na hindi rin naman tumutol sa kaniyang nais na mangyari.

Walang salita siyang lumabas at nahalata niya kaagad kung paano naalerto ang kaniyang mga kaharap. Ilang segundo rin siyang walang imik at inantay na pawiin ng hangin ang maitim na usok.

"K-kami 'to." Naiiyak na sabi ng dalaga at nang tuluyan na nga siyang makaaninag ay doon niya nakita kung paano nilukob ng gulat at tuwa ang mga bagong dating.

"Meadow!" Halos magkasabay nilang tawag. Maingat nila siyang inalalayan palabas sa pinagkublian nitong tipak saka nila tinignan kung ayos lang ba ang lagay ng dalaga.

"Anong ginagawa mo rito, Pres? Di'ba dapat nasa evacuation site ka na?" Salubong sa kaniya ni Corbin bago tinapunan ng nangunguwestiyon na tingin ang tahimik na si Zigler. Sa halip na sumagot ay mas pinili muna ng dalaga ang ilibot ang kaniyang tingin. Muli siyang nilukob ng kaba nang makitang kulang pa rin sila.

"Bakit hindi niyo kasama si Earlyseven?" Diretsa niyang tanong sa kanila. "Tsaka nasaan si Mills... si Wren?"

Hindi naman kaagad nakasagot ang Aries at nagsipalitan pa ang mga ito ng tingin na para bang nagtutulakan kung sino sa kanila ang siyang sasagot. Nang dumapo ang tingin ng lahat kay Ledger ay wala na ngang iba pang nagawa ang binata kundi ang magsalita.

"I..." sandaling lumunok ng laway ang binata saka kinuyom ang palad para mag-ipon ng hangin nang sagayon ay hindi na muling gumaralgal ang kaniyang boses. "I'm sorry, Meadow. But... we lost him, we lost Earlyseven."

Nang bitawan ni Ledger ang mga katagang iyon ay hindi kaagad nakaimik ang kausap. Tila ba isa itong balakid sa dibdib ng dalaga na siyang pumipigil sa kaniya na makapagsalita.

"Naging komplikado na iyong sitwasyon magmula no'ng umalis ka, Meadow..." mahina nitong dagdag saka pinigilan ang sarili na huwag umiyak. "I c-cannot mention it one by one but he was s—"

Nang matunugan ng dalaga na hindi na ito komportable sa pagkwento ay dahan-dahan niyang iniangat ang kamay saka niya iyon ipinatong sa balikat ng kaklase. Tipid niyang nginitian ang binata na halata ring natigilan sa kaniyang ginawa. At nang hindi na rin nito magawa pang pigilan ang sarili ay kagat-labi siyang yumuko bago hinayaan ang luhang muling dumaloy paibaba sa kaniyang pisnge.

"W-we failed to keep our promise t-to come down c-complete, Pres. I-Im sorry... I'm so sorry." Nauutal nitong paghingi ng despensa. Kahit mabigat man ang loob ni Meadow at kahit gusto niya na ring umiyak dahil sa natanggap na balita ngunit pinili niya pa ring huminga nang malalim bago pinilit ang sarili na ngumiti.

"I-it was not your fault, okay? Wala kayong kasalanan sa nangyari, h-hindi niyo hawak iyong sitwasyon." Pampalubag loob niya sa kaklase na pilit din namang napatango.

Ramdam ni Zigler ang mabigat na atmosperang pumalibot sa magkakaklase, ngunit tila nagmistulang ilaw si Meadow na ginagawa ang makakaya nitong gawin makita lang na maging maayos kahit papaano ang lagay ng bawat isa.

Natigil lamang ang kanilang madamdaming usapan nang bigla na lamang umalingawngaw sa gawing itaas ang maliit na tunog na galing sa napakapamilyar na bagay. Halos magkasabay silang nag-angat ng tingin at doon nila nakita ang isang drone na nakatutok ang camera sa kanilang mismong pwesto.

"Drone mo di'ba 'yan, Ledger?" Nakakunot-noong tanong ni Cody matapos niyang ituro ang laruan na palipad-lipad sa ere. "Sinong komokontrol diyan?"

Nang miski si Ledger ay walang naisagot dulot ng labis na pagtataka ay muli  na lamang binalik ni Cody tingin sa itaas. Muli iyong nagpaikot-ikot sa ere hanggang sa paunti-unti rin iyong bumababa.

"There's someone who can control that DIY toy without the help of my Arduino." Sambit ng kaklase nang hindi pa rin  nilulubayan ng tingin ang bagay. Sa huling pag-ikot ng drone ay dumiretso ito ng lipad paalis.

"Tara, sundan natin!" Aya ni Yohan na siyang hindi na nila tinutulan pa. Halos magkasabay nilang tinakbo ang kahabaan ng pasilyo habang ang mata ay nanatili sa itaas. Unti-unti na silang nagkakaroon ng ideya kung sino ang nasa likod no'n ngunit hindi pa rin nila kinonsedera ang nabubuong konklusyon sa kagustuhang kumpirmahin muna ito. Hangga't maaari ay ayaw nilang magbunyi hangga't hindi nila nakikita kung sino ang nasa likod nito gamit ang kanila mismong mga mata.

"D-do you guys share the same thought as me?" Pagbabasag ni Meadow sa katahimikan nang tahakin na nila ang daan patungo sa isang ispisipikong lugar. Kahit pa nagkaroon ng malaking sira ang parteng 'to ng Juanico High ay hindi pa rin nila nakakalimutan kung saan ito patungo.

Sa huling pasilyong nilikuan ng grupo ay doon nila nakita na nakabukas ang ilaw sa kanilang room. Hindi gano'n kalaki ang sira ng gusali nila dahil nga sa hindi naman ito gano'n kataas at ang mas napuruhan lamang ay ang mga kalapit nitong building.

Magkasabay silang tumigil at hindi kaagad nasundan ang drone na ngayon ay dire-diretsong pumasok sa loob ng siwang ng pinto.

"Huwag muna kayong mag-expect. I-check muna natin iyong loob." Pasya ni Ryder. Nahinto lamang ang mga kasama sa pagpapantasya matapos siyang magsalita kaya bukas ang isipan nilang tinungo ang classroom na kanina pa nila pinagmamasdan.

Saktong pagtapat nila sa pinto ay doon na sila nagsipalitan ng tingin na tila ba nagtutulakan kung sino ang magbubukas.

"Luh gago, bakit ako na naman? Ayoko nga!" Madaliang tutol ni Corbin saka umatras.

"Itutulak mo lang naman iyong pinto, Corbin. Tignan mo oh, nakabukas na 'yan." Turo ni Ryder sa doorknob, subalit sa halip na sumunod ay muli na namang nagreklamo ang katabi.

"Bakit hindi na lang kaya ikaw iyong gumawa tutal ikaw naman malapit diyan," dagdag niya pa at nang balingan siya ni Yohan ng tingin, ay mas lalo lang itong nagmaktol. "Saan din bang parte sa sinabi kong 'ayaw ko' iyong hindi niyo maintindihan ha? Sige nga, what if tinulak ko 'yan tapos mukha ni Slenderina iyong sasalubong sa'kin? E'di inatake pa ako sa puso."

"Ulol, astigmatism iyong sakit mo. Nasa mata iyon, wala sa puso, gago."

Nang hindi pa rin nagpatalo si Ryder ay si Yohan na mismo ang nagkusang nagtulak sa pintuan. Dala na rin ng kalumaan nito ay umalingawngaw ang creaking sound sa loob. Saktong pagbukas ng pinto ay kaagad na dumiretso ang kanilang tingin sa babaeng nakaupo sa glass window.

Nakasuot ang dalaga ng headphone habang hawak-hawak nito ang kaniyang cellphone. Napansin din nila kaagad ang drone na nakalapag sa ibaba pero ang camera nito ay nakatutok pa rin sa kanila.

"You guys came." Salubong ng babae at swabeng nag-angat ng tingin. Maingat nitong ibinaba ang suot nitong headphone saka sila binalingan ng tingin.

"Wren!" Magkahalong gulat at tuwa na usal ni Cody nang makumpirmang hindi nga siya nananaginip. Tipid na ngumiti ang dalaga sa kaniyang pwesto bago sila isa-isang tinignan.

"This might be quite odd to say, but..." pansamantala muna itong huminto para ibalik ang cellphone sa bulsa. "I am going to missed all of you."

"Ito naman talagang si Wren oh, nakuha pang magdrama. Asus, sino ba naman kasing hindi makaka-miss sa tulad namin, di'ba?" Pagyayabang ni Corbin bago umakbay kay Yohan at Cody. "Tsaka, ano bang pinagsasabi mong miss you miss you na 'yan? Para naman 'tong others oh. Halika na, sumama ka na sa'min. Uuwi na tayo."

Akmang lalapitan na sana niya ang kaklase pero ito na mismo ang nagkusang umatras. Bagay na siyang nakapagpahinto sa binata at naguguluhan itong tinignan.

"Wren?" Alanganin niyang tawag pero tinugunan lang siya nito ng purong ngiti.

"My journey with Aries ends here." Diretsa nitong pag-amin nang hindi man lang kababakasan ng kahit anong pagsisinungaling. Binalot ng katahimikan ang buong silid na tila hindi pa nila halos maproseso ang kaniyang sinabi.

"Okay, it's a prank! Sige na, ilabas niyo na iyong camera. Kumusta ba iyong kuha sa mukha ko? Pogi pa rin ba kahit sto—"

"This is not a prank, Corbin," madalian nitong sabat na siyang muli na namang nakapagpahinto sa binata. "I am really going to part my ways, from now on."

"T-teka lang naman, Wren. Baka nabibigla ka lang diyan sa desisyon mo," awat ni Meadow. "Nang dahil ba sa bago mong anyo kaya ka kakalas sa grupo? Wala naman sanang ma—"

"Don't you find it weird that I suddenly chose to stick with all of you instead of extending my hand to my sister?" Agaran nitong singit. "Hindi man lang ba kayo nagtaka na kung tutuusin, si Chloe pa iyong kadugo ko pero mas pinili ko pa kayong samahan sa gulong 'to?"

Nang wala siyang makuhang sagot sa mga kaklase ay doon na niya pasimpleng lumingon sa gawing likuran. Doon nakahiga sa parihabang mesa ang isang babae na walang malay.

"It's because of her." Dagdag niya at malamyos na tinitigan ang mukha ng walang malay na kaklase. Matapos niyang idinugtong iyon ay saka pa lang napansin nila napansin na nandito rin pala sa loob ang hinahanap nilang dalaga.

"A-anong nangyari sa kaniya? Bakit siya nawalan ng malay?" Gulat na tanong ni Ryder matapos niyang matignan ang estado ng kaklase. Kahit alam ni Yohan na malabong bawian ng buhay ang matalik na kaibigan ay hindi niya pa rin mapigilan ang sarili na usisahin ang lagay nito.

"She experienced major damages after an explosion happened near us. Si Mills ang napuruhan nang todo matapos niyang protektahan si Sir Winston..." mahinahon  paliwanag ni Wren. "It was a long story pero nasa custody na siya ng Black Mamba together with those three Seniors. Rest assured that she'll going to gain back her consciousness any minutes from now."

Sa hindi sinasadya ay tumama ang tingin ni Yohan sa gawing braso ni Mills. Doon njya malayang nasaksihan kung paano kasalukuyang tinatrabaho ng regenerative abilities nito ang malalim nitong sugat. Tila ba may mga maliliiy na kuryenteng gumagalaw sa loob ng sugat ng dalaga. Nagpapakawala iyon ng sparks at mabilis ngunit pulido iyong nagtatrabaho waring binabalik sa dati ang balat ng kaklase.

"Si Mills na lang ang natitirang ala-ala ni Lolo sa'kin, kaya kinakailangan ko siyang ingatan kahit anong mangyari," segunda ng dalaga niya nang hindi inaalis ang tingin sa kaklase. "All I thought was you guys are going to leave her the moment she showed her real self, knowing those times na bigla-bigla na lang siyang nagnonosebleed at sigurado rin akong pinaghinalaan niyo siya na magiging isang halimaw. Mas lumala pa no'ng umabot si Mills sa punto na nagsusuka na siya ng dugo, pero hindi niyo siya iniwan. You guys still chose to keep her. Pinanatili niyo si Mills sa grupo, and I will thank all of you for it because you still acknowledge her existence like how you accepted Chloe including me." Nakangiti na niya namang sabi.

"At gusto ko lang magpasamalat dahil binago niyo iyong tingin ko sa mga tao. Nadala ako sa past experienced ng kapatid ko kaya inakala ko rin na magkakalabuan ang Aries, akala ko na hindi rin magtatagal at masisira iyong pagsasamahan ng section natin. But I almost forgot that Ms. Blaire Garcia raised us so well..." gatong pa ni Wren. "Misyon ko lang naman ang siguraduhin ang kaligtasan ni Mills, sa totoo lang. Pero ngayong nakikita ko na marami pala talaga kayong nakaantabay sa kaniya, wala na akong nakikita pang rason para manatili kasama niyo."

"Hindi ba pwede kung..." saglit na huminto si Meadow bago malamyos na tinignan ang dalaga, "manatili ka na lang din sa'min gaya ni Mills?"

"Gustuhin ko man, but I cannot do it. Given the fact that I carry this zombie like feature, hindi malabong isipin na kalaban din ang tingin ng gobiyerno sa'kin, sa tulad namin." Sagot ng dalaga na siyang nakapagpabagsak sa balikat ng kanilang class president.

Aminado silang nandito na iba nga talaga ang takbo ng utak ng dalaga at kahit ano pang gawin nilang pilit, hindi na nila mababago pa kung ano ang gusto nitong pasya. Ngunit sa kabila ng lahat ng sinakripisyo ni Wren para sa Aries, unti-unti na ring tumatak sa kanilang isipan na ito na rin ang tamang oras na hayaan nila ang dalaga sa mga bagay na nais nitong gawin para sa sarili nitong kapakanan.

"Wren..." tawag ni Cody sa kaklase na agaran din naman siyang nilingon. "Hindi pa naman siguro ito ang huling beses na magkikita tayo, di'ba?"

Nang marinig ng lahat na tuluyan na nga itong  nagsalita ay doon na sila nagsitahimik. Kung may isa man sa kanila na nandito na mas maaapektuhan sa paglisan ni Wren, paniguradong si Cody iyon.

"This is not definitely the last time, sinisigurado ko 'yan." Nakangising tugon ng dalaga bago maingat na sumilip sa labas ng glass window.

"Pa'no ba 'yan, inaantay na ako ni Chloe sa ibaba." Imporma nito na siyang nagtulak sa lahat para magsilapit sa bintana. Kaagad silang nagsidungaw at tama nga ito, nasa ibaba nga si Chloe habang malapad ang ngiti na kumakaway sa kanila. Nakaupo ang dalaga sa ibabaw ng nakatumbang poste at sa gawing likuran nito ay nagkalat pa rin ang napakaitim na usok dulot ng malaking apoy.

"Chloe!" Pasigaw na tawag ni Meadow sa pangalan ng kaklase. Agad itong tumingin sa pwesto niya bago matamis siyang nginitian.

"Saan niyo na balak na pumunta ngayon, Wren?" Tanong ni Ledger sa kaklase na prente pa ring nakatayo.

"I'm afraid that I cannot give you answers for this time, Ledger. But I assure you na nandito lang kami, hindi niyo man kami madalas makita pero sinisigurado ko sa inyo na hindi kami lalayo sa San Juanico."
Matapos niya itong sabihin ay doon na siya pumwesto sa bintana. Swabe lamang itong tumayo bago sila nilingon sa kahuli-hulihang pagkakataon.

"See you around, Aries." Hindi na niya inantay pa na sasagot ang mga kaklase at walang pasa-pasabing tumalon sa bintana. Saktong pagbagsak ni Wren sa poste ay doon niya na hinawakan ang kamay ni Chloe bago muling tumalon.

Hindi na nga magawa pang mahagilap ng magkakaklase ang pigura ng dalawa lalo na at napuno pa rin ng usok ang pwestong iyon, ngunit gaya nga ng ipinangako ni Wren sa kanila ay hindi ito lalayo. Mananatiling kasama ng Aries si Chloe at Wren kahit hindi man nila ito makakasabayan sa panibagong agos ng kanilang buhay. Sapat na ang ala-ala at mga memoryang nabuo nila no'ng dati para kahit papaano ay hindi nila magawang malimot ang katapangan at katatagan na sumisimbolo sa dalawa.

"Bakit hindi mo man lang siya pinakiusapan, tol? Malay mo, makikinig si Wren sa'yo." Usal ni Ryder kay Cody na nananatili pa rin ang tingin sa gitna ng mga usok.

"Hindi pa 'to ang tamang oras para ipilit ko iyong sarili ko sa kaniya, Ryder..." mahinahong sagot ng kaibigan. "Pero sa susunod naming pagkikita, baka sakaling pwede na." Dugtong niya at nang saktong dumapo ang mata niya sa inuupuan ni Wren kanina ay doon niya nakita na naiwan pala nito ang headphone na lagi nitong sinusuot. Bumakas ang ngiti sa labi ng binata bago niya iyon maingat na dinampot at dahan-dahang hinaplos.

"Gising na si Mills!" Nang maagaw ni Corbin ang atensyon nilang lahat ay muli silang napalingon sa pwesto ng kaklase na ngayon ay pinipilit ang sarili na makabangon habang nakasuporta ang kamay sa ulo.

"May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Yohan dito pero nanatiling tikom ang bibig ng bagong gising na para bang pinoproseso pa nito ang mga nangyari.

"Hoy! Tinatanong ka." Pagulat na sabi ni Corbin na siyang naging rason kung bakit napaigtad ito nang kaunti.

"Gago, huwag mong gulatin. Kakagising niya nga lang oh!" Singhal sa kaniya ni Ryder.

"Medyo nahihilo lang ako nang kaunti, pero okay lang ako." Mahinang sagot ni Mills. Nang magbalak ulit siyang tumayo ay doon na siya agad na inalalayan ni Meadow para hindi siya matumba.

"Teka..." saglit siyang napahinto na para bang may naalala itong napakahalagang bagay. "Nasaan si Chloe? Tsaka si Wren, nasa'n siya?"

"Silang dalawa ba kamo?" Ulit ni Ryder na agaran namang tinanguan ng dalaga. "Kaaalis lang nila, Mills."

"Tumalon pa nga si Wren diyan sa bintana oh, halatang pinagyayabang na may siyam siyang buhay. Hindi na uso sa kaniya maghagdan." Matapos iyong sabihin ni Corbin  ay doon na palihim na napailing ang dalaga. Nang matantsa na nga ni Mills ang sarili ay doon na siya nagpasyang maglakad at dahan-dahang tinungo ang nakabukas na glass window.

"Tinapos niya na nga talaga ang kwento natin." Wala sa wisyo niyang usal bago dinapo ang tingin sa araw na nasa kaniyang gawing harapan.

"Anong ibig mong sabihin, Mills?" Nagugulumihang tanong ni Meadow. Saglit munang inipit ni Mills ang kaniyang buhok na tinangay ng hangin bago nilingon ang katabi.

"Sa totoo lang, hindi pa tapos ang kwento, Meadow. Marami pang mangyayari sa susunod. Ang kaso nga lang, hindi na tayo magiging parte ng mga kabanatang iyon." Makahulugan niyang sabi bago ngumiti.

"Tangina, uso ba talaga iyong pa-mysterious ngayon?" Singit ni Corbin. "Huwag niyo na ngang intindihin 'yang si Mills. Side effects lang 'yan ng bomba kaya kung anu-anong pinagsasabi."

"Umuwi na lang kaya tayo?" Aya ni Ryder na kaagad namang sinang-ayunan ng iba pa nilang kasama. 

Unti-unting nagsilabasan ang iilan matapos mapasadahan ng tingin ang classroom nilang tinuring nilang pangalawang tahanan sa loob ng Juanico High. Maraming mga ala-alang nakakubli sa bawat sulok ng silid, idagdag pa ang mga may-ari ng mga bakanteng upuan na siyang nagpapaalala sa kanila sa mga dating kaklase na hindi na nila kasama pa sa puntong ito. Napakaraming bagay ang siyang bago pa sa kanila lalo na at aminado ang bawat isa na hindi sila sanay na magpatuloy sa buhay nang wala na sa piling nila ang mga taong minsan na rin nilang naging sandalan. Siyang tunay nga na nakakapanibagong makipagsapalaran sa agos ng kapalaran matapos ang lahat ng mga nangyari, ngunit wala silang magagawa kundi ang harapin ang anumang dala ng tadhana.

Sa paglabas ng magkakaklase sa loob ng Aries, bitbit nila ang mga aral, memorya at kwento na siyang paulit-ulit nilang gugunitain sa panibagong yugto ng kani-kanilang buhay.

"I-iyong mata mo." Gulat na turo ni Yohan sa magkabilang mata ni Mills na tila ba may kuryenteng humahalo at bahagya ring nagkukulay asul.

"B-bakit parang may mga visual images na gumagalaw sa mga mata mo, Mills?" May halong takot at pagkamanghang tanong ni Zigler. Hindi pa siya nakuntento at mas nilapit pa lalo ang mukha sa dalaga lalo na at para bang may pinapakitang senaryo ang magkabila nitong mga mata.  "Don't tell me na may kinalaman 'yan doon sa sinabi mo kani—"

"Hindi ko alam kung paano 'to nangyari basta ang alam ko, nakikita ko na kung anong mangyayari sa susunod." Sagot ng dalaga na siyang nakapagpatahimik sa dalawa.

"Anong ibig mong sabihin diyan, Mills?" Nagtataka nguni halata ang pananabik na tanong ni Yohan.

"Hindi na sa'min iikot ang kwento, Zigler..." diretsang pagtatapat ng dalaga sa katabi.

"Kundi sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top