Chapter 8: Problema

"ALISON!"

Kaagad sinikmuraan ni Alison ang babae saka siya yumuko at padulas itong sinipa. Tuluyang natumba sa sahig ang kaharap matapos bitawan ni Alison ang panghuli niyang atake. Hindi na inantay pa ni Cody na makatayo iyon ulit at kaagad na ginamit ang kurtina upang takpan ang mukha nito. Mariin niya itong inilibot sa ulo at ang sa gawing ibaba naman ay minadali niyang pinalibot sa leeg waring nais niya itong sakalin. Nang hindi na nga ito masyadong nakakakilos at napasailalim na ng kaniyang kontrol ay doon siya sumenyas kay Ledger. Sa isang tango niya lang ay kaagad na nakakilos ang kaklase upang lapitan ang glass window para buksan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagawang makawala ng zombie dahil sa marahan nitong pagkilos. Napabitaw si Cody sa pagkakahawak nito na siyang naging mitsa kung bakit muli itong naging malaya sa pagkilos.

"Shit!" mura niya nang makitang agaran itong kumilos para tumungo sa pwesto nila Wren, akmang aatake na sana iyon pero nagmadali siyang tumakbo at doon niya iyon binangga patungo sa bintana. Iyon din ang naging mitsa kung bakit ito bumulusok paibaba.

Ilang sandaling katahimikan ang namutawi sa loob at tanging malalalim lamang na paghinga ang siyang maririnig. Patuloy pa ring kinakain ng kaba ang kani-kanilang sistema dulot ng kahindik-hindik na nangyari. Kapwa sila napapasilip sa bintanang nilusutan ng halimaw at mas lalo lamang silang nagitla nang muli itong tumayo at nakipagsabayan sa daloy ng mga zombie sa labas.

Sa kabilang banda, agarang nagtiim bagang si Alison at marahang nilingon ang kaklaseng nanghamak sa kaniya kanina. Diretso niya itong tinitigan at nang maramdaman nito ang matalim niyang titig ay mas lalo itong napayuko.

"Are you planning to kill me?" diretsa niyang tanong sa dalaga at daglian namang bumakas ang gulat sa mukha ng tinanong bago ito sunod-sunod na umiling. Muling napatiim-bagang si Alison dahil sa inaasal nito lalo na at may lakas-loob pa talaga itong tumanggi gayong kamuntik na nga siyang namatay dahil sa pagkasuwail nitong kilos. Kung hindi lang siya maagap at marunong sa pisikalang laban ay baka natuluyan na siya kanina.

"A-Are you crazy, Ali? Of course not. I-it was an accident, hindi ko naman intention na hilahin ka. I just w-want to protect myself from it!" depensa nito dahilan kung bakit mapait na natawa ang dalaga saka marahang sinuklay ang nakatali niyang buhok.

"Talaga ba?" sarkastiko niyang tanong. "Sa kagustuhan mong protektahan ang sarili mo, hinila mo'ko para gawing pangharang sa pinagtatanggol mong kaibigan?" 

Kung sa pagtatalong nangyari kani-kanina lang ay may iilan pa sa kanila ang pumigil, ngunit ngayon ay tila ba nag-iba na ang ihip ng hangin dito sa loob. Walang ni isa sa kanila ang pumagitna o umawat man lang at hinayaan ang kaklaseng si Alison na ilabas ang nais nitong sabihin. Tahimik lamang ang lahat na napapasulyap sa pwesto ng dalawa.

"N-No, it's not what you're thinking─"

"Papaano na lang kung nakagat nga ako no'n?"

"B-But you're not bitten naman eh. C'mon Alison, drop this a-argument will you? Safe naman tayong l-lahat ah," sagot ni Shilloh bago pilit na natawa.

Nang hindi pa siya nakuntento ay doon niya na tinitigan nang isa-isa ang mga kaklase niya sa pag-aakalang may kakampi sa kaniya. Gano'n na lamang ang pagkaasar niya nang wala man lang sa kanila ang nagtangkang umimik at sumang-ayon sa kaniya.

"What the hell? Look, I am just trying to help. Hindi ko naman alam na nakagat si Avieh kaya bakit ako ang sinisisi niyo? Bakit parang kasalanan ko pa?" Hindi niya maintindihang tanong bago niya dinuro si Wren na ngayon ay blangko lang siyang tinitigan. Sunod niyang binalingan ng pansin si Willow na ngayon ay agarang dinaluhan ang kaibigan na si Alison.

"Kung may dapat mang sisihin dito, si Wren at Willow iyon. Alam naman pala nila sa simula pa lang na may mali sa kaniya so bakit hindi nila pinigilan agad? Bakit pinaabot niyo pa sa sitwasyong kailangan na niyang maging zombie bago pa kayo umaksyon para palabasin---" Hindi na niya natuloy pa ang sasabihin niya nang agad na hinila ni Willow ang kaniyang buhok. Mabilisang nasira ang ekspresyon ni Shilloh nang marahan na itong pinanggigilan ng kaklase at binalak na talaga siyang sabunutan. Bagupaman mauwi sa pisikalang laban ang kumosyon nila ay kaagad nang pumagitna si Ledger.

"You guys need to stop," pigil niya bago tinitigan si Shilloh gamit ang kalmado niyang mata. Kita niya pang nagbalak itong pumalag pero bago pa ito makasagot ay dagliang lumapit si Meadow bago niya nilayo ang dalaga.

"─kas ng loob mong bwisit ka. Tangina mo!"

"Willow," sita ni Ledger sa dalaga na ayaw pa ring magpaawat.

Hindi ito nakinig kaagad kaya wala na siyang napagpilian pa kundi ang hawakan ang magkabila nitong balikat saka niya ito tinitigan nang diretso. "Please, tama na. Huwag mo nang palakihin lalo iyong gulo."

Gustuhin pa man ng dalaga ang magsalita ngunit wala na siyang napagpilian pa kundi ang padabog na bumalik sa upuan niya. Tumigil man siya sa pagbitaw ng mga salita pero nananatili pa rin ang masama niyang tingin sa kaklase.

Matapos mapaghiwalay ang dalawa ay doon malalim na napabuntong-hininga si Ledger bago inayos ang pagkakasuot ng kaniyang salamin.

"Tayo-tayo na nga lang iyong nandito tapos gusto niyo pang mag-away. Look, we are all trying to survive here so please cooperate. Hindi na 'to tungkol sa buhay natin as a students, tungkol na 'to sa kung paano tayo makakasurvive," banggit niya saka naman natahimik ang lahat. "Hindi kasalanan ko, ni Wren, ni Shilloh o kahit ni Willow iyong nangyari. Dahil aksidente iyon bunga ng kapabayaan natin."

"Lesson learned na natin iyon. I understand the fact na gusto niyong tumulong, pero sana 'wag tayong maging careless dahil alam niyo na ang magiging kapalit sa oras na magpabaya tayo ulit," gatong ni Meadow at doon na sila nagsitanguan. Saglit na nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang lahat hanggang sa basagin iyon ni Elsie.

"So what's our plan?" tanong nito saka sila nagsipalitan ng tingin. Walang ni isang kumibo sa kanila hanggang sa nabaling ang tingin nilang lahat kay Wren na nakasandal ngayon sa glass window.

"What's with the look?" blangko niyang tanong. "Do you think it's my fucking obligation to formulate a plan?"

Dulot ng kaniyang isinagot ay doon niya naagaw ang atensyon ng mga kaklase. Halata ang gulat sa mukha ng lahat waring sandaling nainsulto sa kaniyang binanggit.

"Stop yourselves from hoping that y'all can leave this place alive," pagpapatuloy nito nang hindi pa rin binabago ang kaniyang ekspresyon. "We're all going to die here anyway."

Sandaling hindi nakasagot ang mga kasama bagkus ay tumingin lamang ito sa kaniya. Hindi sila binalingan ng tingin ni Wren at sa halip ay pinili lamang nitong tinignan ang gawing bintana kung saan naroon sa labas ang mga schoolmates niyang nakikipagpatintero sa kamatayan.

"P-Paano mo nasasabi 'yan, Wren? A-Ano ba, walang mamamatay dito. We can do this, right?" kabadong tanong ni Elsie pero lihim lang na napailing si Wren.

"There are things that I knew which you don't. Trust me, this mess is not just about a mere outbreak," pagpapatuloy ni Wren na siyang naging rason kung bakit halos lahat ng atensyon ay natuon sa kaniya. Hindi nila maintindihan kung ano nga ba ang alam nito patungkol sa nangyayari ngayon. Hindi nila magawang tukuyin kung ano ba ang nais nitong ipahiwatig. Lahat sila nagugulumihan lalo na at mahirap talagang basahin ang dalaga.

"Then what's the point about you being a top student kung hindi ka rin naman pala gagawa ng plano?" iritadong tanong ni Shilloh dahilan kung bakit mabilis siyang tinapik ng katabing si Meadow.

"Please, huwag mo nang simulan," pigil nito na siyang naging mitsa kung bakit napaismid lamang ang dalaga at pairap na na inalis ang tingin kay Wren.

"The brain is located inside your head not on your foot. Might as well use it, hindi lang naman ako ang may utak dito," prangkang sambit ni Wren nang hindi man lang nililingon si Shilloh. Dulot ng kaniyang sinabi ay muli na namang nag-init ang ulo ng kaklase at nagbalak pang sugurin siya kung hindi lang ito napigilan kaagad ni Meadow.

Nahinto lamang ang kanilang pagpapalitan ng argumento nang may nakaagaw sa kanilang pansin. Agad silang napalingon sa pwesto ni Ryder nang biglaang nag-vibrate ang cellphone nito na nasa loob ng kaniyang bulsa. Pansamantala niya tuloy binitawan ang doorknob bago nagpasyang bunutin iyon.

Ka-TM, natapos na ang iyong promo. Magregister ulit para tuloy-tuloy ang iyong pang-text at tawag na may pang-internet pa! This is a free advisory.

Lihim na lamang na napailing ang binata matapos niyang mabasa ang text message. Nang binalak na niya sanang itago iyon ulit pero nahinto lamang iyon nang may biglaan siyang napagtanto. Walang salita niyang binalingan ng tingin ang kaniyang mga kaklase hanggang sa agarang nakuha ni Willow ang kaniyang nais na sabihin.

"Your phones!" pasigaw na sambit ng dalaga at iyon din ang naging hudyat para kapahin na nila ang kaniya-kanya nilang mga bulsa. Mabilis nilang binunot ang sarili nilang mga cellphone bago nagmadaling tinipa at idi-nial ang emergency number. Halos sabay-sabay din silang nagsitayuan at nagsilipat ng pwesto para maghanap ng mas klarong signal sa loob.

"911, what's your emergency?"

"Hello po, Sir? Kailangan po namin ng tulong dito sa Juanico High. Our school is completely mess and everyone turned into zombies!"

***


Sa kabilang banda, halos maipikit na ng isang emergency dispatcher ang kaniyang mata at pansamantalang tinanggal ang kaniyang dispatcher headset. Halata sa mukha niya na nagsasawa na siya sa pagsagot ng mga tawag lalo na at purong mga estudyante lang ang natatanggap niyang caller ngayon. Hindi lang iyon, pare-pareho lang din ang mga dinadahilan ng mga ito para magpa-rescue.

"Hindi talaga nauubusan ng kalokohan ang eskwelahang 'yan," wala sa wisyo niyang sambit bago napahilamos ng mukha. Hindi naman maiwasan ng kaniyang katabi na lingunin siya bago ito sumagot.

"Naka-receive ka rin ng tawag about zombies?" natatawang tanong nito na siyang sinagot niya lang ng tango.

"Asus, parang 'di na kayo sanay sa mga trip ng mga batang 'yan. Nakalimutan niyo na ba iyong nangyari last year?" singit ng isa pa sa kanilang usapan. Nilapit nito ang swivel chair sa kanilang pwesto bago antok na antok na humikab.

"Iyong prank call nila tungkol sa terrorist attack sa school? Oo naman. Sino ba namang makakalimot ng nangyaring iyon eh nagmukha lang tayong tanga na rumesponde sa wala," singit ng panibagong emergency dispatcher.

"Sige, so much better if you find a safe place for you to hide para 'di ka makain ng zombie. Okay?" kalmado ngunit sarkastikong sambit ng isa pa bago nagpasyang ibaba ang tawag.

Bagot na bagot itong lumingon sa kanilang pwesto bago sunod-sunod na umiling. "Puro zombie na lang iyong natatanggap kong tawag. Ano ba namang klaseng araw 'to?"

"Zombie month ang October so baka nagkakaroon sila ng festival doon ngayon. Alam niyo na, buhay millenials." Kibit-balikat na sambit ng isa pa bago muling sinuot ang dispatch headset.

"911, what's your emergency?" magalang niyang tanong sa kabilang linya. Hindi naman nakasagot kaagad ang kausap at para bang hinahabol nito ang kaniyang hininga. Hindi rin nakatakas sa kaniyang tainga ang pambihirang ingay sa linya na mapaghahalataan talagang may nangyayaring gulo.

"H-Hello, Miss? Kailangan po namin ng tulong sa S-San Juanico street, inaatake po k-kami ng mga zombies!" sunod-sunod nitong sabi hanggang sa narinig na lamang ng emergency dispatcher ang nakakabingi nitong sigaw bago naputol ang tawag. Kabado siyang napalingon sa kaniyang mga kasama bago nagpasyang ialis nang pansamantala ang kaniyang dispatch headset.

"Bwisit. Hindi maganda 'to," wala sa wisyo niyang komento bago mabilisang tumayo para tunguhin ang malaking screen kung saan naglalaman doon ang iba't-ibang anggulo ng footage mula sa CCTV ng lugar. Sumakto kasing walang in charge rito dahil nagpaalam muna itong magbanyo kaya walang nakapag-monitor ng kasalukuyang kaganapan.

Seryoso niyang kinalikot ang keyboard ng computer para ipokus ang footage na nakasentro sa San Juanico Street. Saktong pag-click niya ng enter ay bumungad sa kaniya ang napakagulong lugar. Napakaraming mga tao ang nagsisitakbuhan at ang mga sasakyan sa kalsada ay nag-uumpisa ng magbanggaan na siyang naging rason kung bakit nagkaroon ng napakahabang traffic. May iilan ding establisyemento sa gilid na nababasag at hindi rin nakatakas sa kaniyang tingin ang mga bahid ng likido sa kalsada at sa kahit saang parte ng lugar. Kahit pa black and white ang footage, nakakasiguro siya na dugo iyon.

"ATTENTION TO ALL DISPATCHERS! ALERT ALL UNITS! I'LL REPEAT, ALERT ALL UNITS!"

***

"H-Hindi nila tayo pinaniwalaan," sambit ni Earlyseven na kababakasan ng pagkalugmok. Dama na niya kanina ang pag-asa pero agad ding napawi iyon nang binabaan siya ng tawag.

"After what city highians did last year, hindi na ako magtataka pa kung bakit walang tulong na darating," sambit ni Meadow at tila tanggap na nito ang katotohanan na hindi nga sila makakalabas pa rito.

"But this is a freaking serious matter. Hindi ba sila marunong makinig? Isa-isa na tayong namamatay dahil sa mga letcheng zombies na 'yan," kontra ni Shilloh.

"Come to think of it, who on earth would believe na nag-eexist ang mga zombies? Kahit sino naman sigurong pagsusumbungan natin ay iisipin talagang prank call 'to. Ni sa movies nga lang natin nakikita 'yan," gatong ni Willow bago binaling ang tingin kay Ledger.

"Then we only have one choice left. If they're not coming to help us, then tayo ang gagawa ng paraan para iligtas ang mga sarili natin," sagot ni Ledger saka inayos ang kaniyang salamin.

"If you're planning to go outside this room. Mas mabuti pang huwag mo nalang ituloy," singit ni Wren nang hindi man lang inaalis ang tingin sa labas.

Kaagad namang napalingon si Willow sa kaniya gamit ang nagtataka nitong tingin. Sa halip na pansinin ang binibigay nitong titig ay mas pinili niya na lang na ipagpatuloy ang kaniyang gustong sabihin.

"You don't need to rush things out. Kung gusto mo talagang lumabas, much better if alamin mo muna kung saang corridor ang safe at pwedeng madaanan." 

"So pa'no natin iche-check iyong mga dadaanan natin eh hindi nga tayo makalabas?" nakakunot-noong tanong ni Earlyseven.

Matapos niya iyong itanong ay walang imik na nilipat ni Wren ang kaniyang tingin sa pwesto ni Ledger. Napatitig ang dalaga sa upuang nasa likod ng binata kung saan nakapatong sa ibabaw ang drone nito.

"Shit! Ang talino mo, Wren, nakakaturn-on ka talaga. Paandarin mo na 'yan, Ledger," komento ni Earlyseven bago sinenyasan ang kaibigan na agad din namang sumunod.

Mabilisang kinonekta ni Ledger ang Arduino sa bluetooth saka niya kinontrol ang drone para makalipad. Binalanse niya muna iyon sa ere bago nagpasyang padaanin iyon sa glass window na nakabukas.

"Check our hallway and building first," utos sa kaniya ni Wren. Nang umpisahan na ng binata na i-maniobra ang laruan ay doon na pumalibot ang mga kaklase sa kaniya upang makitingin sa screen.

Halos mapangiwi ang lahat nang makitang may mga bubog na nagkalat sa labas at mga dugong nagsimarka sa corridor. Idagdag pa ang iilang parte ng katawan na naiwan sa sahig na siyang nagdulot ng takot sa bawat isa.

"T-This is really a complete mess," nauutal na komento ni Alison habang hawak nito ang kamay ni Elsie na kasalukuyang abala ang mata sa paghahanap ng bakas na maaaring makapagturo kung nasaan na nga ba si Mills.

"Naloko na, nagkalat sila sa halos lahat ng floor nitong building," gatong ni Ryder.

"Kaya pa bang makalipad ng drone mo sa labas ng building natin, Ledger?" tanong ni Elsie at doon na minaneho ng binata ang kaniyang drone palabas ng kanilang gusali. Halos hindi maipinta ang mukha nilang lahat nang makitang mas malala ang kasalukuyang nangyayari roon.

"T-This is not good. How are we going to escape if ganyan karami iyong nag-aabang sa labas?" muling dagdag ni Alison.

"We have to wait," maikling sambit ni Wren na siyang ikinaangat ng tingin ni Willow.

"Wren, walang tulong na darating kaya bakit pa ba tayo mag-aantay?" tutol nito na siyang ikinaling naman ni Ledger waring tutol sa kaniyang sinabi.

"Wait until when? Hanggang abutan tayo ng undas dito sa loob? Kung hindi tayo lalabas ngayon, mata-trap tayo rito. Can't you guys see? The more na pinapalagpas natin ang oras, pinapaikli lang din natin ang pag-asa natin na makaalis," kontra ni Shilloh na siyang lihim namang sinang-ayunan ng iba.

"So what are you trying to say?" agarang tanong ni Wren saka tinitigan si Shilloh. "Go outside and fight those living dead? Bakit, alam mo ba kung papaano iyon papatayin?" 

Tinitigan niya ito nang mariin waring pinipiga kung kaya ba siya nitong sagutin. Ngunit nang wala talaga itong planong ibuka ang bibig ay doon siya palihim na umismid.

"See? Kung gusto mong magpakamatay, 'wag kang mandamay. We are not waiting here for nothing, my point here is to wait until the right time comes para safe ng lumabas," pangangaral sa kaniya ni Wren na ngayon ay napairap na lang sa kaniyang pwesto lalo na at muli na naman siyang napahiya.

"Theoretically thinking, Wren is right. This is not the right time for us to act recklessly. Kung lalabas tayo, dalawang choices lang ang pagpipilian natin," paunang sambit ni Ledger bago nilibot ang tingin sa kanila. "It's either mamamatay nga tayo or mamamatay talaga tayo."

"Tanginang choices 'yan," komento ni Earlyseven na siyang hindi na rin nila pinagtuunan pa nang pansin.

"We are left with no choice but to wait here. Hindi tayo mag-aantay sa wala, maniwala kayo sa'kin. Makakalabas din tayo rito," pampalubag loob pa ni Ledger saka muling binalik ang tingin sa screen.

Pasimple namang nilapitan ni Willow si Wren at agad din namang lumingon sa kaniya ang kaklase. Tinitigan siya nito nang diretso waring inaantay ang kaniyang susunod na gagawin.

"I thought you won't help─"

"Frankly saying, hindi ko naman talaga kayo tinutulungan. Pinopoint-out ko lang iyong mga details na hindi niyo napapansin. That's it," diretso nitong sabi at akmang tatalikod na sana siya pero sandali niya munang nilingon ang kaklase bago muling tumuloy sa pagsasalita. "During this battle, you have to think several alternative plans. Do not just settle for an idea without checking its loopholes. Gaya nga ng sinabi ko kanina, this is not just a mere outbreak so might as well, be prepared."

"Teka, anong meron?" kunot-noong tanong ni Earlyseven. Bahagya siyang nagugulumihan sa inaasal ng mga zombies na nakikita niya ngayon sa screen. Tila ba nabulabog ang mga iyon at kung ano man ang dahilan sa likod ng pangyayaring ito, iyon ang hindi niya alam. Ilang sandali pa siyang nag-obserba at nang hindi siya nakuntento ay doon niya na halos idikit ang mukha sa cellphone ni Ledger para lang mas makita ang nangyayari.

"Tanginang ulo meron ka, Earlyseven. Sinlaki pa ng niyog! Iurong mo nga 'yan, 'di ako makakita," asar na sambit ni Ryder bago tinulak ang ulo ng kaibigan.

"It looks like they are chasing something?" hindi siguradong tanong ni Alison.

"Sundan mo, Ledger," utos sa kaniya ni Willow at nag-alangan pa ang binata kung susunod ba siya o hindi dahil anumang oras ay lalagpas na ang drone niya sa limit.

Pero nang may mahagilap siyang tumatakbo sa field kasunod ang mga napakaraming zombies ay doon na nga niya hininto ang drone sa itaas at inantay na lumapit ang mga 'to.

"Pwede mo bang ifocus iyong camera? Hindi ko makita," singit ni Elsie kaya tahimik na ini-adjust ng kaklase ang zoom pero nadismaya lamang siya nang hindi pa rin klaro ang kuha.

"Hanggang dito lang talaga ang kaya ko, it's so risky if ibababa ko pa masyado ang drone baka mahampas ng zombies ang propellers," paliwanag ni Ledger sa kanila. "But I'll try to lower it a bit more."

Muli niya itong minaniobra at dahan-dahang ibinaba. Itinuon niya ang focus ng lens sa tila tatlong taong papalapit sa pwesto ng drone. Kung titignang maigi ay mahahalata talagang hindi pa sila zombies base lamang sa kanilang kinikilos. Ilang sandali pa ang lumipas at tuluyan nga silang nahinto sa mismong ibaba lang ng drone waring wala na talaga silang matatakbuhan.

Kaagad nag-angat ng tingin ang isa sa kanila at nahagip naman nito kaagad ang drone. Tumingkayad pa ito saka nagtatalong kumakaway sa camera na tila ba nanghihingi ng tulong. Nagtaka naman ang dalawa nitong kasama sa inaasal niya hanggang sa nabaling na rin ang atensyon nito sa gawing itaas.

Nang maging klaro na ang kuha ng footage ay doon pa lang nila namukhaan kung sino ang tatlong iyon. Agarang namuo ang sigawan sa loob matapos nilang makumpirma kung sino ang mga iyon. Bakas na bakas ang labis na tuwa sa iilang mga nandito habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa screen.

"Sila Mills!" hindi mapigilang sigaw ni Elsie. Doon na siya nakaramdam ng kaginhawaan nang muling makita ang kaibigan. Hindi nga siya nagkamali, buhay pa si Mills.

"Shit, this is not the right time for us to feel relief," seryosong banggit ni Ledger.

Muling binalot ng katahimikan ang apat na sulok ng classroom nang muling kinontrol ng binata ang kaniyang drone. Iniangat niya itong muli sa ere bago dahan-dahang inikot ang camera. Doon sila muling dinunggol ng kaba matapos matignan ang kabuoan ng quadrangle. Pinaliligiran ng zombies ang magkabila nitong dulo at ang lahat ng mga halimaw na nakakapansin sa kanilang tatlo ay papasugod patungo sa kanilang pwesto. Mabilis ang usad ng mga halimaw na tila mga asong ulol na papunta sa gawi ng kanilang tatlong kaklase.

"They're trapped."

***

Tahimik na binabaybay ni Chloe ang tahimik na pasilyo. Tirik na tirik na ang araw ngunit hindi niya man lang inalintana ang init. Maingat siyang naglakad. Kontrolado ang kaniyang ginagawang paghakbang na tila ba isa siyang prinsesa na nilalakad ang daan patungo sa kaniyang trono.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam si Chloe ng ibayong klaseng tahimik. Ito ang mundong hinangad niya. Ito ang realidad na ibig niyang maranasan. Hindi na niya magawa pang matandaan kung ilang beses niya nga bang hiniling na sana magkaroon siya ng espasyo sa lugar na kinabubuhayan niya, at ngayon nangyari na nga. Napunan na ang puwang sa buhay niya na matagal nang naging blangko.

Tipid na binabalingan ni Chloe ng tingin ang mga halimaw na kaniyang nakakasalubong. Kung titignan ay para na iyong mga mapangahas na hayop sa gubat na basta-basta na lang umaatake kapag may pagkaing natunugan.

Pinasadahan niya ng tingin ang mga estudyanteng nakakasalubong, tandang-tanda niya ang pagmumukha ng mga iyon. Kung hindi man sila isa sa mga nanghamak sa kaniya, ay mga bystander naman iyon na walang ginawa kundi ang panoorin siyang humihingi lang ng saklolo.

Ngayong nasa sitwasyon silang ito, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaginhawaan. Pakiramdam niya ay naging patas ang mundo sa kaniya. Kung dati siya ang inaapi at inaapak-apakan, ngayon ay nakabaliktad na ang sitwasyon. Siya na ang nasa itaas, at sila naman ang nasa ibaba niya.

"Those philosophers ain't lying when they quoted that the world is round after all," pauna niyang sabi habang tinitignan ang grupo ng mga zombie na pinagpipyestahan ang katawan ng isang guro. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang talo, na ikaw ang palaging kinakawawa. Maybe there is indeed a mighty being hiding in the universe, and that mighty one heard my story?"

Pagak siyang natawa saka tumingala sa itaas. "But no, no one is up there. Dahil kung may makapangyarihan ngang nilalang na kayang tuparin lahat nang hiniling ko, bakit hindi niya ako tinulungan no'ng mga panahong mas nangangailangan ako?"

Tumalim ang kaniyang tingin kasabay ng pagkuyom ng sariling kamao. Lagpas na sa kalendaryo ang mga buwis-buhay niyang pinagdaanan. Nakatatak na sa kaniyang isip ang mga tagpong muntik niya nang ikamatay. Lalo na at hindi lang naman siya sa loob ng Juanico High naging biktima ng mga mapagmalabis, dahil kahit sa labas ng matatayog nitong pader, nakasunod pa rin ang ilan sa kaniya.

Hindi na ibig pa ni Chloe na alalahanin ang mga pangyayaring nais niyang kalimutan, ninais niyang ibaon sa limot ang lahat matapos niyang tinangkang bawiin ang sarili niyang buhay. Ngunit dahil sa pagbaliktad ng kanilang sitwasyon ngayon, pakiramdam niya ay nakabawi siya. Na nakamit niya ngang tuluyan ang hustisyang kay tagal niya na ring hinihingi.

Naabot niya na ang kaniyang pakay: ang maiparamdam sa lahat kung ano ang hirap na dinanas niya no'ng siya pa ang nasa posisyon ng mga ito.

"This is just the beginning of my revenge, if you're not brave enough to face me then might as well die," makahulugan niyang sambit.

Nagpatuloy siyang muli sa paglalakad hanggang sa dinala siya ng kaniyang mga paa sa lecture hall. Sinipat niya ang kabuuan ng gusali at bahagya pang gumuhit ang tipid na ngisi sa kaniyang labi nang makita kung gaano kalaki ang sira na tinamo no'n.

Kanina pa siya naglilibot sa buong campus, naghahanap ng mga taong gusto niyang bitagin. Ni isa ay wala pa siyang natitiyempuhan. Kahit nga ang mga kaklase niya ay himalang wala siyang nasalubong.

Kanina pa siya nangangalaiting makahanap ng isa, subalit tila ay hindi siya pinapaburan ng panahon.

Walang alinlangan niyang pinasok ang lecture hall. Sa malaking butas ng glass wall siya pumasok. Maingat siyang naglakad para hindi mapasukan ng bubog ang suot niyang sapatos.

Tahimik ang buong lugar at wala man lang siyang narinig na kahit iyak. Bagay na siyang lihim niyang ikinadismaya.

Nilibot ni Chloe ang tingin sa loob saka pinasadahan ng tingin ang mga katawang nagkalat sa ibaba. Talagang maraming bangkay na nandito. May ibang nadaganan ng mga naglalakihang estante, mga putol na parte ng katawan na nagkalat sa lapag, at ang dugong halos bumaha sa sahig dahil sa sobrang dami.

Nag-umpisang sumansang ang amoy sa hall, halo-halo ang dumalaw sa ilong ni Chloe na siyang hindi na rin niya pinagtuunan pa ng pansin. Ramdam niya ang biglaang pagkalam ng kaniyang sikmura senyales na ibig niya nang kumain, ngunit nagpigil na lamang siya lalo na at ayaw niyang kumain ng tira.

Naglibot ang dalaga sa loob. Pino ang kaniyang paghakbang saka inisa-isang tignan ang mga mukha sa paligid. Gusto niyang malaman kung sino na lang ba ang natitira sa kaniyang bibiktimahin. Nais niyang bawasan nang paunti-unti ang listahan ng mga taong ibig niyang balikan.

May mga nakikita siyang pamilyar dito, ngunit hindi man lang iyon nagdulot ng kasiyahan sa kaniya.

"Does it mean that those prick are still alive?" wala sa wisyo niyang tanong saka pagak na namang natawa. "Goodness, this haunt is getting interesting."

Nang mapunta siya sa pinakalikod ay bahagya pa siyang napaatras dahil sa naglipanang usok. Sumilip siya sa control room at doon nakita ang pagkalat ng apoy. May mga outlet na sumabog rason kung bakit nagkaroon ng sunog ngunit sinusubukan naman iyong apulahin ng fire sprinkler.

Bahagyang nanliit ang mata niya nang makita ang pamilyar na binata sa loob. Nakaharap ito sa pinto at bahagyang nababangga ng iba pang mga halimaw. Nakayuko man ang lalaki ngunit hindi maaaring magkamali si Chloe sa nakikita. Lalo na at ito ang nangunguna sa listahan niya.

Gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang labi saka binigkas ang kinaiinisan niyang pangalan, "Quincy."

Nang dahil sa ginawa niyang pagtawag ay naalarma ang mga zombie sa loob, kabilang na ang lalaki. Nagsiunahan ang mga iyon na lumabas sa makitid na pinto. Nagtulakan pa ang iba saka ginalaw-galaw ang kamay sa harapan waring sinusubukang hanapin sa dilim ang kanilang susunod na biktima.

Ngunit wala silang nagawa kay Chloe. Nanatiling nakatayo ang dalaga at buong pagkadisgusto silang tinitignan.

Ang kaniyang mata ay nakatutok lang kay Quincy na halos hindi na maitsura ang mukha. Sunog ang halos kalahati ng mukha nito at may tinamo rin itong mga sugat sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan.

"This is unfair, you know?" sambit niya. "I must be the one who shall turn you into that, but those dimwits took my chance. Hell, I am disappointed."

Mas lalong naging agresibo ang katawan ni Quincy rason kung bakit nauna itong makalabas sa pinto. Halos dambahin na nito si Chloe at kamuntikan pang makalmot pero naitulak siya ng dalaga.

"Akala ko pa naman iyong pinakahuling tao na patatahimikin ko, pero ano 'to, Quincy? Nawala ba agad iyong tapang mo dahil lang sa gulong 'to?" dagdag niya. "What a shame, I thought you were brave enough to face this kind of mess. Sino bang mag-aakala na ikaw pala ang mauuna kaysa sa iba?"

Inamoy-amoy siya ng binata. Para bang hinahanap nito ang karneng nais tikman. Sa ginagawa ng kaklase sa kaniya ay hindi maiwasang manindig ang balahibo ng dalaga. Muling bumalik ang talim sa kaniyang tingin lalo na nang pumasok sa utak niya ang lahat nang karahasang naranasan niya sa mga kamay nito.

"Naging halimaw ka na nga pero hindi ka man lang nagbago, hayop ka pa rin." Nangangalaiti niyang banggit saka hinila ang kwelyo nito.

Marahan niya itong tinignan saka ginawaran ng napakalakas na sampal. Umalingawngaw ang tunog ng kaniyang palad sa buong hall at naramdaman niya rin ang sakit dulot ng kaniyang ginawa.

Buong buhay niya ay ngayon niya lamang nasubukang sumampal. At gusto niyang ulit-ulitin iyon para sanayin ang kamay niya. Gusto niya pang higitan ito sa susunod. Ibig niyang hindi lang sampal ang aabutin ng mga taong may utang sa kaniya. Gusto niyang maghiganti sa pamamaraang siya lang ang makakaisip.

"Kabayaran 'yan sa lahat ng ginawa mo sa'kin,  Quincy. Kung tutuusin nga ay kulang pa ang buhay mo bilang pambayad, alam mo kung bakit?" Bahagya siyang tumingkayad para ilapit ang bibig sa tainga nito. "Dahil hindi lang kamatayan ang tinuro mo sa'kin."

Muli siyang lumayo saka ginawaran na naman ng isang sampal ang binata. Sa kabilang pisngi niya iyon pinatama at sinigurado talagang mas malakas iyon kaysa sa una.

"I used to fantasize about what should I do the moment I make my move. Ilang ko nang naisip na pagsasampalin ka hanggang sa magsawa ako, pero ngayong ginagawa ko na ay hindi ako makuntento. Kulang iyong pananakit ko sa'yo kung hindi ka naman na nakakaramdam."

Hinawakan niya ang pisnge ni Quincy gamit lamang ang kanang kamay. Binaon niya sa balat nito ang kaniyang matalas na kuko at talagang sinigurado na lilikha iyon nang napakalalim na sugat.

"Sana inantay mo muna akong mahanap ka bago ka nagpakain, Quincy. Ako dapat iyong pumatay sa'yo at hindi sila. Sa akin ka dapat nagmakaawa, sa akin ka dapat umiyak, sa akin ka dapat nakiusap na sana patayin na lang kita kaysa sa pahirapan pa. Naiintindihan mo ba? Dapat sa akin lang," mariin niyang sabi. "Ganyan iyong ginawa mo sa'kin, di'ba? Ilang luha iyong iniyak ko para lang magmakaawa sa'yong huwag akong saktan. Ilang sigaw iyong ginawa ko para lang patigilin ka sa panghahamak sa'kin. Nilunok ko iyong dignidad ko para lang sundin ang mga gusto mo, Quincy. Kinalimutan ko sandaling isa akong tao matapos mo akong gawing manika."

Hinila niya ang nectie ng kaklase rason kung bakit naging magkalebel sila. 

Walang alinlangan niyang sinunggaban ng marahang halik ang kaharap. Mapusok ang paggalaw ng kaniyang labi at hindi inalintana ang dugong nalalasahan niya mula sa bibig ng kasama. Ilang segundo niyang ginawa iyon bago nagpasyang humiwalay.

Marahan niyang pinunasan ang kaniyang labi gamit ang manggas ng kaniyang uniform. Buong pandidiri niyang tinignan ang lalaki saka dumura sa gawing gilid.

"Take that disgusting kiss to hell and tell Lucifer that I am the one who condemned you to death."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top