Chapter 6: Pagtatalo

Lakad-takbo ang ginawa ni Collins upang makalayo sa mga tao rito sa building. Napagdesisyonan na niyang lumabas at sasamantalahin niya na lamang ang sitwasyon niya upang makalabas siya sa campus. Nang saktong nasa quadrangle na siya ay siya namang pagbagsak niya sa damuhan. Nakakaramdam na kasi siya ng matinding hilo at pananakit sa buo niyang katawan kaya tila hindi na kinakaya pa ng sarili niya ang gumalaw pa. Kahit anong pilit niya sa sarili na makatayo, hindi niya na nga talaga kinakaya.

"Miss, okay ka lang? Miss?" tanong ng isang estudyante na mabilis siyang dinaluhan. Hindi nakasagot ang dalaga bagkus ay hinugis kamao niya na lamang ang kaniyang kamay upang pigilan ang sarili na sumigaw sa sakit nararamdaman.

"Tulong po!" sigaw nito nang makita niya si Collins na nag-uumpisang dumura ng dugo at mag-nosebleed. Ilang saglit pa ay tumigil na ito sa kagagalaw na tila ba nawalan na siya ng malay.

"Anong nangyari?" tanong ng isang guro nang mapadaan ito sa pwesto nila. Yumuko naman kaagad ang maestra para hawakan ang dalaga at laking gulat niya na lamang nang sobrang lamig na ng balat nito.

"She fainted po," magalang na sagot ng binata.

"Hold her up, dadalhin natin siya sa clinic," utos ng maestra at madalian namang sumunod ang estudyante.  Akmang ilalagay na niya ang kamay sa gawing likod ni Collins nang sa hindi inaasahan ay biglaang nagdilat ng mata ang dalaga at inatake kaagad ang binata.

Mabilis siyang pumaibabaw dito at bago pa man makapalag ang lalaki ay walang pasa-pasabi niya itong kinagat sa leeg na siyang naging mitsa kung bakit sumirit ang sariwa nitong dugo at bumahid sa berde nitong damo. Bunga ng pagkataranta ay agarang hinila ng guro ang likod ni Collins upang ilayo sa estudyante na ngayon ay panay ang sigaw dala ng labis na sakit.

Nang mabaling ang atensyon ng dalaga sa maestra ay ito na naman ang biniktima niya, mabuti na lamang at ginamit kaagad nito ang kaniyang dalawang kamay upang mapigilan itong sakmalin siya.

Ilang saglit pa ay pinalibutan na sila ng mga estudyanteng nakiusyo na may kaniya-kaniyang hawak na cellphone para kumuha ng mga litrato at video. 

"T-Tulungan niyo a—Ack!" nauutal na usal ng binata habang hawak pa rin nito ang kaniyang dumudugong leeg. Rumaragasa paibaba sa kaniyang suot na uniporme ang presko niyang dugo ngunit wala man lang sa mga nandito ang nagtangkang tumulong sa kaniya dahil sa paniniwala nilang isa lamang itong panibagong palabas ng eskwelahan.

Wala silang kaalam-alam na naging isang halimaw na ang dalaga na siyang hindi lang nila mahalata dahil nakaharang ang buhok ni Collins sa mukha niya.

"Umalis na kayo!" madaliang sigaw ng guro pero hindi nakinig ang mga estudyante bagkus ay sige pa rin ang mga iyon sa pagkuha ng mga litrato hanggang sa hindi na nga nakaya pa ng maestra na pigilan pa ang pwersa ng dalaga kaya napabitaw na ito sa pagharang. Iyon din ang naging rason  kung bakit tuluyan nga itong nalapa ni Collins.

Nawindang ang lahat sa nakita lalo na nang nag-umpisang tirisin ng ngipin ng dalaga ang balat ng maestra. Mabilisang sumirit ang malapot na dugo nito paibaba at ang nakakabinging hiyaw na nagmumula sa guro ang siyang nagdala ng ibayong klaseng takot sa mga nandito.

Tila ba bumagal ang takbo ng oras at hindi pa man lumilipas ang panibagong minuto at doon na halos sabay-sabay na naibaba ng lahat ang hawak nilang mga cellphone at may iilan pang estudyante ang napatutop ng bibig. 

Nang saktong mapaharap sa mga bata ang lupaypay na maestra na ngayon ay dumudura na ng dugo ay saka siya mangiyak-ngiyak na humugot ng lakas bago malakas na sumigaw.

"ALIS!"

Hindi kaagad nakakilos ang lahat nang halos hindi pa maproseso ng mga 'to ang kasalukuyang pangyayari. Dinudumog sila ng iba't-ibang mga tanong at pilit na iniintindi ang kasalukuyang sitwasyon. Nang mabaling na sa kanila ang atensyon ni Collins ay doon pa sila tumalima at nagkaniya-kaniya sa pagtakbo.

Napuno ng sigawan ang paligid na siyang nakapagpakuha sa atensyon ng mga iilang estudyante na may kalayuan ang pwesto mula sa gawing gitna. Natuon ang kanilang mga mata sa mga kapwa nila mag-aaral na nagsisitakbuhan sa quadrangle at nangungunot ang mga noo habang nakatingin sa kanila.

Samantala, asar na napalingon si Quincy sa lahat ng mga taong nakakasalubong niya sa field. Bakas ang kaba at labis na pagkatakot sa pagmumukha ng mga nandito na siyang hindi niya mawari kung ano nga ba ang pinagmumulan.

Mas lalo lamang na nagtagis ang kaniyang bagang nang may isang ka-batch niya ang aksidente siyang nabangga. Subalit bago pa man ito makalagpas ay madalian niyang nahila ang braso ng lalaki saka niya iyon marahang hinila paharap.

"Ano bang problema mong putangina ka?" pikon niyang bungad sa hawak bago niya idiniin ang kuko sa balat nito. Hindi  sumagot ang hawak bagkus ay nanginginig lang itong lumingin sa likuran waring may sinisilip. Nang makitang mas lalong dumarami ang bilang ng mga tumatakbo papalapit sa kanilang pwesto ay doon niya na muling hinarap si Quincy. Bakas ang pagpupumilit sa mukha ng binata at ang labis nitong pagsusumamo na pakawalan na siya ngunit tila wala sa bokabularyo ng kaharap ang pabayaan siya. Akmang babawiin na niya sana ang braso ngunit mas lalo lang na bumaon ang kuko nito.

"Ang lakas ng loob mong pumalag sa'kin ha," taas-noong komento ni Quincy sa binata nang hindi man lang pinagtutuun ng pansin ang nangyayari sa paligid nila. "Sa lahat pa talaga ng mga tao rito na mababangga mo, ako pa talaga iyong napili mo. Malas mo naman."

"B-Bitawan mo na ako, Quincy. Pakiusap, bitawan mo na ako!" pasigaw na sabi ng lalaki at muli na namang nagpumiglas para makaalis ngunit kahit anong gawin niyang pagbawi sa braso ay hindi pa rin siya nito binibitawan.

"Bakit, ano bang meron at gusto mo na agad umalis? Hindi pa nga tayo tapos maglaro rito," sambit nito gamit ang mapanudyong boses at doon mapaglarong ngumisi. Akmang magsasalita siya ulit ngunit sa hindi inaasahan ay aksidente niyang nabitawan ang lalaki nang may biglaang dumamba rito sa gawing likod. Napaatras si Quincy dahil sa impact at kung hindi lang siya nakakilos kaagad para panatilihin ang kaniyang balanse ay hindi malabong nasama pa siya sa pagbagsak ng lalaki.

Hindi pa man siya nakakapagbitaw ng salita ngunit nasaksihan na lamang ng kaniyang mata ang isang kagila-gilalas na pangyayari.

"A-Ano—" hindi na niya natuloy pa ang kaniyang sasabihin nang kamuntik siyang dambahin ng isang gwardiyang duguan. Hindi na halos makilala ang mukha ng lalaki dahil napuno na ito ng dugo sa mukha. Dala ng labis na pagkagulat at sa kagustuhang umiwas ay agarang nakailag si Quincy mula sa unang pag-atake.

Sa puntong 'to, dito na siya kinutuban ng hindi maganda. Kahit saang parte man siya lumingon ay pare-pareho lamang ang mga kaganapan. Kaliwat-kanan ang mga sigawan ng kaniyang kapwa mag-aaral at ang iilan pa ay pinagpipiyestahan na ng mga hindi matukoy na halimaw. Kahit saan man siyang anggulo tumingin, puro madugong kaguluhan lang ang naaabot ng kaniyang mata.

"A-Anong kagaguhan 'to?" kunot-noo niyang tanong na kababakasan ng magkahalong takot at pagkalito.

Wala na nga siyang sinayang pang pagkakataon at agad na ngang kumilos bago nagmadaling tumakbo papalayo. Walang lingunan  niyang inihakbang ang mga paa at sinisikap ang sarili na huwag maipit sa kahit anong sitwasyon. Pinipilit niyang higitan ang kaniyang bilis sa pagtakbo para lang makahanap ng pwesto na mapagtataguan, kaya kapag may nakakasalubong siyang estudyante, infected man o hindi, tinutulak niya ito papalayo nang sagayon ay hindi maantala ang pagtakas niya.

"Ano bang kaputanginahan ang ginagawa ng mga tao ngayon?" nakakunot-noong tanong niya sa sarili. Saktong pagliko niya  sa isang pasilyo ay kamuntikan siyang mahila ng isa na namang halimaw.  Ngunit mabuti na lamang at mabilis siyang nakaiwas kaya muli siyang tumuloy sa pagtakbo.

Sa patuloy niyang pagtakas ay tuluyan siyang napasok  sa hallway patungong cafeteria. Doon niya nakita na  nag-uumpisa na ring magkaroon ng stampede ang lugar dahilan kung bakit nahirapan siyang makalusot. Nang balak niya na sanang umiba ng direksyon at bumalik na sana sa labas ngunit sa hindi inaasahang sitwasyon ay ang siya namang pagdami ng bilang mga halimaw sa kanilang mismong likuran.

"Putangina, tabi! Tumabi kayo!" paos niyang sigaw saka marahan  pinagtutulak papalayo ang kahit sinumang humaharang sa daanan niya. Wala siyang pakialam kung teacher, senior o ka-batch niya iyon ang importante lang sa kaniya ay ang mailigtas niya ang sarili niya.

Nang saktong nasa gawing gitna na siya ng mga tao ay may nakasabayan siyang isang babae na nakayuko lang at pasarampay ito kung kumilos. Panay din ang hawak ng dalaga sa kaniyang nagdurugong braso at halata sa itsura nito ang tila labis na paghihina at panginginig. Lalagpasan na sana ito ni Quincy nang dahan-dahan namang lumingon ang babae sa kaniya. Malaya niyang nakita ang kabuuan ng itsura nito, wasak ang kabilang mata ng kaharap at paunti-unting umaagos paibaba ang dugo mula sa ilong at labi nito.

Gulat na napaatras si Quincy lalo na nang marahang ibinuka ng dalaga ang kaniyang bibig na siyang naging rason kung bakit nagsimulang rumagasa ang napakaraming dugo sa bibig ng babae at mabilisan iyong nagmantsa sa unipormeng suot nito.

Nang makita ng binata ang marahan nitong pagkilos patungo sa pwesto niya senyales na aatakehin siya  ay kaagad niyang  hinablot ang isa pang estudyante sa kaniyang harap at ginamit niya iyon upang gawing pangharang sa sarili.

"Shit! Not me ─ ahh!" Huli na para sa kaniya ang makapalag nang mabilis na pumaibabaw ang halimaw sa kaniya.

"T-Tulungan mo 'k-ko!"  magkahalong takot at sakit nitong pagmamakaawa kay Quincy ngunit hindi nakinig ang binata bagkus ay mas nauna pa siyang umalis doon nang nagsimula na namang magkagulo ang pwestong iyon. Muli siyang kumaripas sa pagtakbo at nakipag-unahan sa mga kapwa niya mag-aaral na tulad niya ay binabalak ding pasukin ang cafeteria.

***

"Kailangan kong hanapin si Mills,"  desisyon ni Ryder saka mabilisang tumayo. Mabilisan siyang nagpagpag bago lumapit sa bintana para sumilip sa ibaba. Inusisa niyang mabuti ang paligid para makasigurong walang halimaw na nag-aabang sa kaniya.  

"Ano?" sabat ni Cody, "tol, alam mong hindi 'yan pwede."

Daglian siyang nilingon  ni Ryder at doon  niya nakita ang nag-uumapaw na emosyon sa mga mata nito.

"Galing na tayo sa labas di'ba? Nakita mo na kung kung gaano kadelikado iyong sitwasyon natin ngayon kaya mas mabuti pa kung mananatili ka lang dito sa loob dahil wala rin namang kasiguraduhan kung mahahanap mo si Mills sa labas," dagdag ng kaibigan.

"Pero kargo ko siya, tol. Mapapatay ako ni First kapag hindi ko nahanap iyong kapatid niya, alam mo iy─"

Nang marinig ni Shilloh ang rason ng kaniyang kaklase ay wala sa wisyo siyang napaismid.  "Go ahead. We will not stop you from going. Tutal hindi naman kami iyong mamamatay, kundi ikaw lang."

"Shilloh, please not this time. Will you please at least consider his feelings to─

"Not this time?" mapaklang tumawa ang dalaga nang marinig ang komento ni Meadow. "Oh bakit, gusto ko lang namang ipamukha sa kaniya na hindi siya kawalan sa grupo ah. If he really wants to leave just to save that girl, then so be it."

"You know what, Ryder? Nakakatanga lang kasing isipin that you actually run all your might here just to get into a safe place yet ngayon plano mo na namang lumabas para lang sa babaeng iyon? My goodness!" maarte niyang reklamo saka inis na napapaypay sa sarili.

Nanatiling walang kibo si Ryder habang nakatuon ang mata diretso sa gawi ng dalaga. Mariin siyang nagpigil na huwag itong mapagsalitaan lalo na at mataas ang respeto niya sa mga babae, kaya sa halip na pumatol ay pinili niya na lamang din na manahimik.

"Ryder, makinig ka sa'kin," pagkuha  ni Cody sa atensyon ng kaibigan. "Pareho lang tayong nag-aalala para sa lagay ng mga kaklase natin dahil hindi lang naman si Mills iyong wala. Pero sinasabi ko na ngayon palang 'tol na wala kang dapat ipag-aalala dahil paniguradong kasama niya si Yohan at alam kong alam mo na hindi niya iyon pababayaan."

Matapos marinig ang pangalan ng isa sa pinakainaasahan niyang tao ay tila ba unti-unting kumalma ang sistema niya. Napakalaki ng tiwala niya sa kaibigan lalo na at ilang beses na niyang nakita na mapagkakatiwalaan talaga ito.

"T-Teka, napansin niyo ba si Collins? Kanina pa iyon wala, a. Di'ba kasama niyo siya ni Mills na humatid kay Chloe kanina sa clinic, Cody?" pag-iiba ni Alison lalo na at napapansin niya na hindi na ito nakakabalik magmula pa kanina gayong wala naman sa katangian ng kaklase ang umalis nang matagal, ni hindi nga ito lumalabas tuwing recess kaya ganito na lamang siya kung magtaka.

"Seriously guys? What the hell is wrong with you all? Kapag wala rito sa loob iyong mga taong binabanggit niyo, siguradong patay na iyon," singit na naman ni Shilloh dahilan kung bakit napaismid na lamang si Willow. Kaunti na lang talaga at mapupuno na siya sa ugali nito.

"Hindi mo naman maiaalis sa kanila ang mag-alala para sa mga kaklase natin, Shilloh. Kaibigan nila iyon," tutol sa kaniya ng katabing si Meadow gamit ang mahinhin nitong boses.

"Pwes may magagawa ba 'yang pag-aalala nila para bumalik sila rito? Wala di'ba? So might as well kalimutan niyo na lang sila dahil buhay naman nila iyon. Problemahin niyo na lang kasi kung papaano tayo makakaalis sa pesteng lugar na 'to!" pasigaw niyang sabi bago ipinagkrus ang braso at nakakunot-noo silang tinignan isa-isa.

"Bakit hindi na lang ikaw ang mag-isip ng paraan, tutal bida-bida ka naman," hindi mapigilang komento ni Willow saka palihim na umirap kay Shilloh. Napikon naman kaagad ang kaklase sa kaniyang iniusal kaya mabilis itong napatayo. Kasabay din ng nangangalaiting pagsugod ng dalaga ay ang siya namang pagkaalerto ni Ledger. Agad siyang tumindig sa harap ni Willow para pigilan ang kanilang kaklase na makalapit sa dalaga na prente lang na nakaupo sa armchair. 

"Did you just fucking rolled your eyes at me?!" matinis na sigaw ni Shilloh at doon dinuro ang katunggali. Ngunit sa halip na sumagot ay bagot lang na nag-ayos ng buhok si Willow.

"Awat na, Shilloh," sita ni Ledger ngunit tila walang narinig ang kaklase.

"Ang lakas na ng loob mong ganyanin ako ah, baka nagkakalimutan tayo rito, Willow," taas-noong dagdag ng dalaga. "I am still standing right above you."

Maotoridad  niyang sabi na siyang nakapagpabalik ng tingin ng kausap sa kaniya. Sandaling ipinagkrus ni Willow ang braso bago sumagot. "Okay,  better to cut this crap out. I am not going to blabber anymore. It's just that my stuff is too crazy for basic people."

Agad naman silang napatahimik nang may biglang dumamba sa pinto. Lahat ng tingin ay nabaling doon at tuluyan nilang nakita kung paano nagsiurong ang mga iniharang nilang armchair.

"Iyong pinto!" tarantang turo ni Earlyseven saka tinakbo ang pintuan at muling tinulak ang mga upuang hinarang para hindi ito tuluyang magbukas. Nang dahil nga sa dalawa ang pinto ng kanilang classroom ay si Ryder na ang kumilos para bantayan iyong kabila.

Samantala, umayos naman ng tayo si Wren bago nagpasyang i-off ang kaniyang cellphone para pahintuin ang pinapatugtog niya. Kahit nakaharang ang mga kurtina at nakasarado ang mga jalousie ay hindi nakatakas sa paningin niya ang mga repleksyon ng mga taong walang direksyon kung kumilos at basta-basta na lamang hinahampas o binabangga ang anumang bagay na maririnig nilang tumutunog.

"So they are all attractive to noise," agaran niyang sambit sa sarili at doon tinandaan ang detalyeng iyon. Nang may biglaang sumigaw sa 'di kalayuan ay agaran namang nagsitakbuhan ang mga iyon palayo bago sinundan ang ingay. Iyon din ang naging rason kung bakit tuluyang nawala ang mga anino sa labas ng silid.

"A-Anong nangyari? Bakit sila nagsisialisan?" hindi halos maprosesong tanong ni Earlyseven habang nakadungaw ang mukha sa bintana.

"Aside from being a human eater. They also have misophonia which lead them to act like dimwit and drive them like crazy," naiusal na lamang ni Ledger habang hindi pa rin nito inaalis ang pinangharang na kamay kay Shilloh.

"A-Are we guys going to leave?" tanong ni Alison habang nakatutok ang mata kay Meadow at nilipat niya kaagad iyon kay Wren. "I mean, wala na sila sa labas kaya baka pwede na tayong umalis." Dugtong niya pa.

Ilang segundo pa ang lumipas at nakita niya ang reaksyon ng katabing si Elsie. Halata sa mukha nito ang labis na pagtutol mula sa kaniyang sinabi. Yakap-yakap ng dalaga ang bag ni Mills habang mahigpit nitong hinahawakan ang kaniyang inhaler.

"H-Hindi. Ayoko, ayokong umalis dito sa room hangga't hindi bumabalik si Mills," tutol niya sa kaklase dahilan kung bakit muli na namang naging iritado si Shilloh.

"Ali is right, wala na iyong mga halimaw sa labas kaya samantalahin na natin 'tong pagkakataon na 'to para maka-alis," gatong niya pero nanatiling tahimik si Wren at hindi na nag-abala pang salubungin ang nangungumbinsing mga mata ni Alison.

Mas lalo lamang na hinigpitan ni Elsie ang pagkakahawak sa bag ni Mills nang marinig ang pagsang-ayon ni Shilloh sa kaibigang si Alison. Hindi niya gustong umalis dito hangga't hindi niya nakikitang ligtas si Mills. Matindi ang paniniwala niya na babalik ang kaibigan niya sa classroom nila kagaya ng ginawa nila Cody at ng iba pa. Alam niyang babalik ito, kinakailangan niya lang talagang mag-antay.

"Can we just leave Elsie here? Kung ayaw niyang umalis dito, let her be. Tsaka can't you guys see? Tignan niyo nga, may hawak pa 'yang inhaler kaya hindi malabong mamamatay na rin 'yan maya-maya." Sa sinabing iyon ni Shilloh ay napantig kaagad ang tainga ni Willow. Hindi na niya talaga kinakaya pa ang tabil ng dila nito kaya mabilis pa sa segundong kinonekta niya ang Arduino sa bluetooth saka malayang kinontrol ang radio controlled car. Walang nakapansin sa ginawa niya dahil dada pa rin nang dada ang kaklase  at lahat ng atensyon ay nakapokus lang sa kaniya.  Agarang pinaandar ni Willow iyon bago pinaharurot ang laruan diretso sa paa ni Shilloh.

"— you guys get my point naman di'ba? Like y— ouch!" Naantala ang kaniyang sinasabi nang biglaang tumama ang laruan sa kaniyang mismong paa. Mabilis siyang napayuko para himasin ang kaniyang balat at nang makita ang napakapamilyar na controlled car sa ibaba ay doon niya muling inihinto ang tingin sa kaklase na nakainitan niya kani-kanina. Tiim bagang niya itong dinuro bago nangangalaiting sinipa ang laruan na siyang hindi inaasahan ni Willow. Mabuti na lamang at hindi ito tumalsik palabas at nagawa niya pang mapigilan iyon. Maingat niya itong hinawakan at hindi na nakipagpalitan pa ng argumento.

"T-Tama si Shilloh, you g-guys don't need to worry about me. K-kung gusto niyo talagang umalis, lumabas na kayo. G-Gusto ko lang talagang antayin si Mills na bumalik dito," nauutal na sabi ni Elsie saka inalis ang cap ng inhaler upang suportahan ang paghinga niya.

"No, as much as possible we need to stick together. Kung ayaw umalis ng isa, hindi aalis ang lahat," desisyon ni Ledger. Iritadong sinabunutan ni Shilloh ang sarili bago naaasar na binalingan ng tingin ang katabing si Meadow.

"Meadow, ano ba! Class president ka kaya umimik ka naman! Hindi sila ang masusunod dito kundi ikaw, kaya pagsabihan mo sila na umalis na tayo rito! Kampihan mo naman ako!" sigaw nito pero  kusa na lamang na lumayo si Meadow sa kaniya bago umiling.

"Sorry, Shilloh, pero tama si Ledger. Hindi ito ang panahon para mang-iwan ng ibang tao dahil sa pagkakataong 'to, mas kinakailangan natin ang isa't-isa," pagsang-ayon ni Meadow sa binata dahilan kung bakit padabog na lamang na nagmaktol ang katabi.

Napukaw lang ulit ang kanilang atensyon nang may humampas sa pinto. Parehong naalerto ang dalawang binatang bantay lalo na si Earlyseven na ang mismong binabantayang pinto ang kinalabog. 

"Alam kong may tao sa loob kaya buksan niyo 'to!" sigaw ng boses lalaki bago muling kinalampag  ang pinto. Todo harang naman ang binata sa takot na baka bumukas ito kaya mariin niya na  lamang na hinawakan ang doorknob.

"Wait, that voice sounds familiar," sabi ni Shilloh na agad ding napatayo.

"Buksan niyo 'to!"

"Sir Louie?" hindi niya siguradong tanong at nang binalak na niya sanang lumapit ngunit nahigit siya ni Meadow sa braso.

"Let me in!"

"Si Sir Louie nga!"

"Pigilan mo, Earlyseven!" sambit ni Ryder na halatang hindi rin sang-ayon sa pagpapapasok nang kahit sino.

"Ano pa bang ginagawa mo Earlyseven? Buksan mo na 'yan!" pasigaw na ng utos sa kaklase bago padabog na binawi ang kamay mula sa katabi at tuloy-tuloy na inihakbang ang paa papalapit sa pinto.  Nagbalak siyang  agawin ang doorknob mula kay Earlyseven ngunit hindi nagpatinag ang binata.

"Kids, you are all aware that I am a teacher, right? So just open this door and I can help you guys to leave this place," pangungumbinsi pa nito. Wala sa wisyong nag-angat ng tingin si Earlyseven at tinutok niya ang mata sa kaklaseng si Ledger at Wren. Bakas sa mukha ng binata na hinihingi niya ang opinyon ng dalawa kung tama bang buksan ang pinto o hindi. 

"No, we can't just let someone in hangga't hindi natin nasisiguro na hindi siya nakagat," agarang sabat ni Willow bago tumayo at nilapag ang hawak na controlled car.

"Pero si Sir Louie 'yan! Do you even have conscience? Nangangailangan iyong tao, kaya let him in!" depensa pa ni Shilloh at hindi na lamang pa nakipagtalo pa si Willow nang awatin siya ni Alison.

"Tama na Wils, 'wag mo na siyang patulan," sita ng kaibigan na siyang nakapagpatahimik sa dalaga.

"Bakit ba ang dami niyo pang sinasabi? Buksan niyo na lang kasi 'tong pinto!"  iritado pa nitong sigaw. Subalit nang makitang wala talagang may gustong magbukas ay ang dalaga na ang siyang nagkusa.  Pwersahan niyang pinaalis si Earlyseven na nakakapit sa doorknob bago marahang itinulak palikod. Hindi na rin pa nanlaban ang binata bagkus ay hinayaan niya na lamang din ito.

Saktong pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanila ang pawis na pawis na maestro. Halata rin sa mukha nito ang pagod marahil dala ng takot at takbuhan sa labas.

"Ligtas ba kayong lahat dito sa loob?" bungad nito bago pabagsak na naupo sa isang bakanteng armchair.

"Yes, Sir. We are all safe here," magalang na sagot ni Meadow na siyang tinanguan lang ng guro.

"Hindi niyo mapipigilan 'yang pinto kapag kunting mga upuan lang iyong hinaharang niyo. Much better if iharang niyo lahat at ipagpatong-patong niyo iyong iba para hindi talaga sila mapasok kaagad," paliwanag sa kanila nito at mabilis namang nagsisunuran ang lahat maliban na lamang kay Wren. Nanatili ang tingin ng dalaga sa maestro at tila ba ini-eksamina nito ang kasalukuyang lagay ng guro.

"You're bitten right?" agaran tanong ng dalaga dahilan kung bakit napalingon sa kaniya ang lahat. Kaagad namang napaatras si Alison at hindi na tinuloy pa ang pag-urong sa armchair. Dumaan ang ibayong klase ng takot sa kaniyang mukha saka siya tuloy-tuloy  na umatras.

"Bitten? Of course not. Kung nakagat pa ako, e 'di sana hindi na ako nakakatayo pa sa harap ninyo ngayon at nakakapagsalita di'ba?" tila sarkastikong tugon ng maestro. Muli na naman itong lumingon  sa iba bago sumenyas na ipagpatuloy ang pagharang sa pinto.

"Then can you please explain to us why you looked so pale, Sir?" tanong ni Willow bago seryosong tumayo.

"Sino ba namang hindi mamumutla kung ganoon iyong sitwasyon sa labas? C'mon kids, hindi niyo ko kailangang pagdudahan, okay? In fact, tinutulungan ko na nga kayo," kalmado nitong sabi.

Nang tinangka nitong lapitan si Wren upang sana ay kumbinsihin ang dalaga ay doon kusang humarang si Cody sa kanilang gitna. Madaliang nilayo ng binata ang kaklase mula sa maestro saka sinenyasan ang mga kasama niyang maging alerto.

"Matutulungan tayo ni Sir na makaalis dito sa loob so stop throwing nonsense questions!" depensa ni Shilloh bago lumapit at dinuro si Wren. 

"Shilloh, you have to calm do—" hindi na natuloy pa ni Meadow ang pagpapahinto rito nang magsalita ito kaagad.

"Akala ko ba matalino ka? Of all people, ikaw pa ba ang magdududa kay Sir? Gamitin mo naman 'yang utak mo, Wren!" singhal ni Shilloh sa dalaga na hindi man lang siya binalingan ng tingin. Sa pagkapikon ni Willow ay walang takot niyang tinulak ang dalaga at pwersahang iniangat ang manggas ng maestro na pilit namang hinaharangan ng guro. Nakipag-agawan ito sa manggas niyang pilit tinataas ng dalaga at nang matanggal nito ang butones sa palapulsuhan ay ang siya namang pagbagsak ni Willow sa sahig dahil sa pagtulak ng guro sa kaniya. Subalit huli na para ikubli ang tinatago ng maestro dahil tuluyan na itong naging sentro ng atensyon ng lahat.

"Willow!" Agad nilang dinaluhan ang kaklase na halatang nasaktan mula sa kaniyang pagbagsak, mabilis siyang dinaluhan ni Ledger para itayo.

"There are just a bunch of secrets that cannot be kept for too long, no matter how you tried to hide it, it will still show up," turo ni Wren sa palapulsuhan ng maestro na nagiging kulay lila na ang sugat bunga ng isang kagat. Nag-umpisa na ring magsilitawan ang ugat nito sa kaniyang kamay na siyang itinago na naman nito sa ilalim ng kaniyang manggas.

"This is nothing, normal na sugat lang naman iyong naku—"

"You can't deny a fact that is supported by a concrete evidence," pagpapatuloy pa ni Wren bago tinuro ang pinto. "The door is not locked, so might as well leave," tipid nitong utos pero mapakla ulit na natawa ang guro.

"Seriously? Teacher mo'ko pero kung magsalita ka para bang mas nakakataas ka na kaysa sa'kin? Where's the respect?" sambit pa ng lalaki at pinipilit ang sarili na umakto na parang normal nang sagayon ay  mapanindigan ang paniniwala niya na hindi siya katulad ng mga halimaw sa labas.

"We respect you as a teacher, pero iba na po iyong sitwasyon  natin ngayon, Sir. Sa oras na hindi kayo lumabas ay magiging katulad ka na rin nila. Makakaya po ba ng konsensiya niyo na ipahamak kami? Sir Louie, estudyante niyo ho kaming lahat." Halos pumiyok na si Meadow dahil kanina pa ito nagpipigil ng luha. Ayaw na niyang may mawala na naman na isa pa sa kanila. Hindi na niya mahanap si Chloe at Collins, tapos halos mabaliw na rin siya sa kaiisip kung nasaan na sina Mills, Yohan at Corbin.  Tapos ngayon ay may pinapasok silang taong nakagat na tila wala talagang planong umalis.

Hindi siya tanga para hindi mapansin na ang kung sinumang makagat ng mga hindi niya maintindihang tao sa labas ay nagiging katulad nila sa iilang minuto lamang.

Bigla silang napaatras nang biglang napayuko ang guro at nakikita nila kung paanong gumalaw na tila wala sa kontrol ang mga buto nito. Hanggang sa napahiga na ito sa sahig at ang namumutla nitong balat ay pumares sa naglilitawang itim nitong mga ugat.

"G-Guys, I think he's turning. W-What are we going to do?" nauutal na tanong ni Elsie dahil sa takot.

Agad na nilibot ni Cody ang kaniyang tingin sa loob upang maghanap ng pwede niyang gamitin para gawing armas. Hindi naglayon ay natuon ang atensyon niya sa tubong ginawang sabitan ng kurtina. Mabilis siyang kumilos saka tumuntong sa armchair. Malikot ang kamay niyang inalis ang kurtina bago hinawakan nang mahigpit ang tubo.

Akmang ihahampas na ng binata ang hawak nang bigla na lamang humarang si Shilloh.

"Stop doing this, Cody. Ano bang pumasok sa makitid mong utak at balak mong ihampas 'yan kay Sir Louie? Wala ka bang awa? Mapapatay mo siya kung itutuloy mo 'yan!" sigaw nito habang nakadipa pa rin at  pilit na hinaharangan ang pwesto ng guro.

Humarap kaagad ang dalaga sa maestrong nawalan na ng malay at akmang lalapitan na niya sana ito nang biglaan naman itong tumayo at inatake siya. Sa takot niya ay hindi siya nakailag kaagad kaya mabilis siyang hinila pagilid ni Cody at pwersahang hinampas ang ulo ng maestro na kaagad namang natumba at bumangga sa blackboard.

Kaagad naalerto si Earlyseven dahil siya ang pinakamalapit dito kaya madalian niyang nabuhat ang isang armchair nang sa kaniya nabaling ang atensyon ng guro. Kagat-labing hinarang ng binata ang upuan at pinipilit na labanan ang nag-uumapaw nitong lakas. Dahan-dahan siyang napapaatras at ramdam niya rin ang panginginig ng kaniyang braso. Hanggang sa namalayan niyaa na lamang na napasandal siya nang tuluyan sa pader. 

"Earlyseven!"

Namutawi ang nag-aalalang sigaw ng kanilang mga kaklase para sa binata at halata rin na natataranta na ang mga ito. Sa halip na mataranta ay nanatiling kalmado si Cody at dokn kumiloe para isalba ang kaibigan. Daglian niyang sinarado ang distansya niya sa guro bago lakas-loob na hinampas ang gawing likuran nito. Laking gulat niya na lamang na para bang 'di ito natinag waring walang naging epekto ang nilaan niyang pwersa.

Hinampas niya pa ito nang hinampas kasabay ng marahang pagtulak  ni Earlyseven papalayo. Ilang minuto pa silang nakipagtagisan ng lakas hanggang sa matagumpay nilang napatumba ang guro.  Sa muling pagbangon ng lalaki ay sumuka pa ito ng dugo at dahan-dahang ginalaw-galaw ang paa na tila ba binabalanse ang sarili.

Sa muling pag-angat nito ng tingin ay sumaktong si Shilloh ang nasa harap ng halimaw at akmang sasakmalin na sana siya nito nang hilahin naman ng dalaga si Alison at ito ang ginamit upang ipangharang ang sarili mula sa maestro.

"ALISON!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top