Chapter 5: Takbo

You can imagine virus as a nanotechnology. Some are harmless and few will make you sick. But most of them are seriously deadly.

***

Pabalik na sa clinic ang nurse na umasikaso kay Chloe kanina. Lumabas kasi ito saglit upang kumuha ng panibagong gamot sa head nurse na nasa kabilang building pa ang office. Baguhan pa kasi siya at ito pa ang unang beses na may dinala sa klinika na estudyante na ganoon ang sitwasyon. Kaya minabuti  niyang ilista  muna sa papel kung ano ang napansin niyang simptomas kay Chloe at ngayon pabalik na siya habang dala ang gamot. Gamit ang isang kamay ay tinulak niya ang glass nitong pinto at nagtaka naman siya kaagad nang hindi niya nakita ang dalaga sa hospital bed. Sandali pang nangunot ang kaniyang noo lalo na at iniwan niya lang ito dito kanina kaya bakit biglaan na lamang itong nawala? Hindi rin naman umabot ng limang minuto ang itinagal niya sa pag-alis kaya bakit wala na ito rito?

"Ms. Chloe Montemayor?" tawag niya sa pangalan ng dalaga saka lumabas muna saglit upang silipin kung nasa labas ba ito at naisipan lang na maglakad sandali. Maganda rin kasi ang tanawin sa mismong harap ng clinic at nakakakalma talaga ito sa sistema, kaya sa isip niya ay baka nagpahangin lamang ito. Pero kataka-takang wala siyang mahagilap kaya dali-dali siyang bumalik  sa loob.

Nilapag niya muna ang gamot sa mesang malapit sa kaniya bago tinungo ang may bintana sa gawing gilid. Akmang hahawiin niya na sana iyon nang sagayon ay malayang makapasok ang sinag ng araw sa loob ng kwarto, ngunit natagpuan niya na lamang ang sarili na napahinto nang mapansin niyang tila may nakatayong anino sa likod ng puting kurtina. Base lamang sa postura ng katawan ng nandito ay nahalata niya kaagad na ito na nga ang dalagang kaniyang hinahanap kaya hindi na siya nagdalawang-isip pa na hawiin iyon.

"Bakit tumayo ka na agad? Hindi ka pa tuluyang magaling," salubong niya rito pero hindi ito kumibo. Ilang sandali niya pang tinignan ang bata bago maingat na nilapit ang kamay.

"Halika, aalalayan kita pabalik doon sa kama mo para makapagpahinga ka nang maayos," magalang niyang paanyaya at maingat na idinapo ang kamay sa balikat ng dalaga na hindi man lang nadala sa kaniyang sinabi.

"Nurse,"  tawag nito nang hindi man lang siya nililingon. "Is it okay if I'll ask you something?"

Bahagya namang gumaan ang pakiramdam ng nurse nang diresto na ito kung magsalita senyales na bumubuti na nga ang lagay nito 'di gaya kanina.

"Sure, what is it?" tugon niya kaagad  habang maingat na inayos ang maikli at gulo-gulong buhok ni Chloe.

"What will you do if your stomach craves for food?" Bahagya mang nawirduhan ang nars sa itinanong ng estudyante pero mas pinili pa rin niyang sumagot.

"I am going to look some foods."

"What if there's no food inside your fridge and you can't go out to buy foods. What will you do?" tanong na naman nito na siyang nagpakunot sa noo ng kausap. Hindi  niya maintindihan kung bakit tinatanong pa ng kaharap ang ganito kasimpleng bagay. Nang dahil nga sa ayaw niyang hindi maging komportable ang bata ay muli na naman siyang tumugon.

"Then, I will eat anything available," sa pagsagot niya ay doon na dahan-dahang humarap sa kaniya ang estudyante. Agad namilog ang mata ng nurse nang makita ang napakaputla nitong balat lalong-lalo na ang ugat nitong naglilitawan. Puno rin ng dugo ang bibig ng bata na tila ba kagagaling lang nitong kumain ng preskong karne. Saktong paglipat ng kaniyang mata ay saka niya pa lang din napansin na may hawak itong buntot ng isda at nang lingunin niya ang aquarium sa 'di kalayuan ay doon niya napagtanto na ang hawak ni Chloe na buntot ay iyon pala ang matagal na niyang alaga na flower horn.

"Exactly," tipid nitong sabi bago ngumiti nang matamis sa nurse na ngayon ay hindi na halos makakilos dahil sa matinding pagkatakot.

"Ms. Chloe, a-anong ibig s-sabihin nito?" nauutal nitong tugon at sa kaaatras niya ay hindi naman sinasadyang nasagi niya ang dextrose stand na siyang naging sanhi kung bakit nawalan siya ng balanse at napatihaya sa sahig.

"Ms. C-Chloe," nangangatog niyang tawag nang hindi man lang iniiwas ang tingin sa dalaga na ngayon ay nakangiti pa rin sa kaniya.

Bago pa man nagpasyang sumagot si Chloe ay pansamantala niya munang hinawakan ang kwelyo ng kaniyang blouse para punasan ang dugong nagkalat sa kaniyang bibig.

"As you can see, there's no food here. Ni hindi ka man lang nag-iwan ng fruit stand diyan sa table ko, e. Parang wala ka namang pakialam kung magutom ako o ano. Grabi, health taker ka ba talaga?" pamumuna niya nang hindi inalintana kung gaano na kahindik-hindik ang kaniyang itsura. "I was left with no choice but to eat your flower horn uncooked which is hindi ko naman pinagsisisihan."

"A-Ano?"

"Alam mo ba kung bakit?" pang-iintriga niya bago mas nilapit ang mukha sa kaharap na ngayon ay hindi magkamayaw sa paggalaw makalayo lang sa kaniya. Kitang-kita ni Chloe kung paano ito nahihintakutan sa pag-atras, isang bagay na mas lalong nagpakurba sa kaniyang labi. Dahil ito pa lang ang unang beses na nakadama siya ng ibayong klaseng otoridad na umabot pa sa puntong nagawa niyang takutin ang isang tao gamit lamang ang salita at panibago niyang taktika.

"Because my body craves for flesh," walang halong biro niyang dagdag. "Do you have any idea why I am still here locking my gaze directly on you?"

Nang wala itong salitang binitawan ay doon niya nakapangalumbabang tinignan ang kaharap.

"Cause you are the only fleshy being that left inside here, Miss. So can I eat you instead?" Bago pa man makasagot ang nurse ay sinunggaban na niya ito kaagad. Walang pag-aalinlangan niyang binaon ang ngipin sa manipis na balat ng babae. Hindi man lang kakikitaan ng kahit katiting na pandidiri ang kaniyang mukha nang umpisahan niyang lantakan ang presko nitong laman. Wala rin siyang pakialam kung halos sabunutan na siya ng nurse para lang mailayo siya mula rito, ang gusto niya lang ay mapunan ang gutom niyang ilang minuto niya na ring iniinda. Pakiramdam niya ay mababaliw siya sa oras na hindi siya makakakain ng laman loob.

Nang hindi na gumalaw pa ang babae ay doon mas ginanahan si Chloe sa pagkain. Wasak na ang tiyan ng babae at bumahid kaagad ang dugo nito sa napakaputi niyang suot. Takam na takam na nginuya ng dalaga ang preskong karne ng kaniyang kauna-unahang biktima. Saktong nakaramdam siya ng pagkakuntento ay doon siya lumayo at muling nagpunas ng bibig.

Nang muling natuon ang kaniyang tingin sa labas ay doon gumuhit ang kakila-kilabot na ngiti sa kaniyang labi. 

"Savour all those earsplitting hee-haw while you guys have still time," tila nagbabanta niyang sabi nang hindi inaalis ang tingin sa labas ng bintana. "Dahil ngayong nakabaliktad na ang mundo natin. Sisiguraduhin kong hindi na kayo makakangiti pa ulit." Pilyo niyang dugtong  bago nagpasyang basagin ang glass saka  bumwelo para makatalon.

"Now taste my sweetest revenge."

***

Kasalukuyang nasa loob ng classroom si Meadow habang inaayos nito ang dadalhin niyang snack para kay Chloe. Bakas sa mukha ng dalaga ang matinding pag-aalala para sa kalagayan nito lalo na at hindi pa rin niya magawang maialis sa isipan niya ang itsura nito kanina.

Nang nakuntento na siya sa hinanda niya ay maingat niya iyong isinilid sa paper bag na mismong siya rin ang gumawa.

"Shilloh," tawag niya sa katabi na mabilis naman siyang nilingon. "Magpapasama sana ako sa'yo sa clinic, iyon ay kung ayos lang?"

"For what?" nakakunot-noo nitong tanong bago muling binalik ang tingin sa hawak na salamin. Nang hindi kaagad nagsalita si Meadow ay muli na naman niyang inabala ang sarili sa paglalagay ng liptint.

"Gusto ko kasing bisitahin si Chloe. Baka gusto mo na rin siyang dalawin ngayon at nang makap—"  hindi pa man siya nakakatapos sa pagsasalita ngunit mabilisang sumingit ang kausap na siyang dahilan kung bakit kagat-labi siyang napahinto.

"Sorry Meadow ha, but my friends invited me kasi to go outside so next time na lang siguro kita masasamahan," panghihingi nito ng despensa saka ngumiti sa kaniya. Hindi na lamang pa nakasagot si Meadow at hinayaan na lamang itong umalis. Wala na siyang ibang nagawa pa kundi ang sundan ito ng tingin hanggang sa hindi na nga niya iyon mahagilap pa.

"Plano mong bisitahin si Chloe, Meadow?" agarang tanong ni Willow na siyang nakapagpalingon sa kaniya. Doon niya nakita ang kaklase na may hawak na burger, kasunod naman ng dalaga ang matalik nitong kaibigan na si Alison.

"Oo, sana. Hindi na kasi trabaho ng mga nandoon na pakainin si Chloe kaya ako na lang ang pupunta," mahinhin niyang sabi.


"Ayaw sumama 'no?" pag-iiba ni Alison bago nginuso ang upuan ni Shilloh.

"Sinubukan ko siyang ayain pero gano'n pa rin," pagtatapat niya bago bumuntong-hininga. "Hindi rin naman kasi talaga ganoon kadaling pilitin siya, Ali. Alam niyo na."

Sandaling nagkatinginan ang dalawa bago nagpasya si Willow na ibahin ang usapan.

"Count us in," walang pag-aalinlangan na sagot ni Willow na siyang hindi na nagpagulat kay Meadow. Kilala niya ang dalaga, mukha lang itong maldita tignan pero isa ito sa mga taong pinakamadali niyang malapitan. "Gusto ko na ring malaman kung ano na ba iyong lagay niya. Sana lang, gising na siya."

"Thank you talaga, Willow ha," sinsero niyang sabi na siyang sinuklian lamang nito ng tipid na tango. Wala na silang sinayang pang oras at kaagad na lumabas ng silid para tunguhin ang clinic. Hindi nakaligtas sa mga mata nila kung paano sila panakaw na sinusulyapan ng ibang mga estudyante, marahil ay umabot na sa mga tainga ng mga nandito ang balita patungkol kay Chloe. Ngunit sa halip na pumatol, ay mas pinili na lamang nilang balewalain iyon at umakto nang normal.

"Siya nga pala. Gusto lang kitang i-congratulate sa performance mo kahapon sa Electrical Installation ni Ms. Blaire, Willow. Ang galing ng ginawa mo," biglaang bati ni Meadow sa katabing kaklase. Hindi naman maiwasan nito ang palihim na mapangiti dahil sa natanggap niyang papuri. Si Meadow lang kasi ang kilala niyang tao na napaka-sinsero sa buhay. Para bang hinulog ito ng langit para mamahagi ng ka-anghelan dito sa lupa.

"Naku, maliit na bagay. Tsaka chamba lang iyong ginawa ko kahapon 'no, mas deserve pa rin ni Ledger iyong  papuri mo, Meadow," natatawang sagot ni Willow na siyang sinuklian lamang ng mahinhin na tawa ng dalaga.

"Bakit mo na naman dinamay si Ledger sa usapan, teh? Ikaw ha, napaghahalataan na talaga kita," pang-aasar ni Alison pero inis lang itong hinarap ng kaibigan.

"Oh, God. Please shut up," komento niya dahilan kung bakit pigil itong natawa. Nang saktong nasa labas na sila ng klinika ay kaagad silang sumilip muna sa loob. Sinubukan nilang aninagin ang kwadradong silid mula rito sa labas ngunit kataka-takang wala man silang nakitang tao.

"Teka, bakit wala si Nurse Gwendyl? Hindi naman siya lumalabas kapag recess time natin, di'ba?" nagtatakang tanong ni Alison. Salubong ang kilay siyang sumilip ulit ngunit gaya nga ng nauna, wala pa rin siyang nakita.

"Let's go and check it inside," pasya ni Willow. Swabe niyang tinulak papasok ang pinto bago hinawi ang shower curtains. Nagsisunuran naman ang dalawa at saktong pagpasok nila sa loob, sumalubong sa kanilang tatlo ang isang kahindik-hindik na senaryo.

Unang bumungad sa kani-kanilang mga mata ang preskong dugo na nagkalat sa sahig na siyang naging rason kung bakit halos mabitawan  ni Meadow ang hawak niyang paper bag dala ng labis na pagkagulat.

"W-What the fuck is this?" nauutal na tanong ni Alison. Doon na siya nagpasyang ilibot ang tingin sa silid at doon niya lang din nakumpirma kung gaano kakalat at kagulo ang loob ng clinic. Sa muling paglibot ng kaniyang mata ay natuon iyon kaagad sa dalawang hospital bed na nakapwesto sa gawing gitna, kapwa iyon bakante na siyang muling nagpadunggol ng kaba sa kaniya. Sa puntong 'to ay napagtanto niyang pati ang kaklase nilang si Chloe ay wala rin dito.

Akmang isisigaw na sana ng dalaga ang pangalan nito ngunit mabilisan siyang nasita ni Willow. Mariin siyang tinitigan ng katabi bago sumenyas na tumahimik. Ilang segundo pa ang lumipas at dahan-dahang tinuro ng katabi ang sahig kung saan doon nila klarong nakita ang yabag ng paa na hinulma ng dugo. Patungo iyon sa gawing bintana na hindi rin kalayuan mula sa kanilang pwesto.

Walang takot na kumilos si Willow upang sundan ang bakas. Hindi rin nakatakas sa kaniyang tainga kung paano siya sitain ng dalawa ngunit pinili niyang balewalain iyon sa kagustuhang tignan kung kanino ba galing ang mga naiwang bakas ng paa sa sahig.

Saktong paghinto niya ilang metro ang layo sa bintana ay doon pa siya nagpasyang huminto. Tinitigan niyang maigi ang puting kurtina na tinatangay ng hangin, sa likod naman no'n ay may naaninag siyang pigura ng tao. Pasarampay itong gumalaw at nahalata niya rin kaagad kung paano nito kinakalampag ang matibay na salamin ng klinika.

"Excuse me po," usal ng dalaga na siyang nakapagpatigil sa kaharap. Nahalata niya kaagad kung paano ito gumalaw nang hindi normal na siyang nagpagulo nang bahagya sa kaniyang isip. Akmang itataas na niya sana ang kamay para hawiin ang kurtina ngunit hindi na iyon natuloy pa nang aksidenteng masagi ni Meadow ang flower vase. Mabilis iyong nawalan ng balanse hanggang sa tuloy-tuloy iyong bumagsak sa sahig. Tumaginting iyon sa ibaba na siyang nging rason kung bakit nagkapira-piraso iyon. Iyon din ang nging dahilan kung bakit  tuluya nilang naagaw ang atensyon ng misteryosong tao sa likod ng kurtina.

Sabik na lumingon ang nilalang at nagmadaling lumapit sa kanilang pwesto. Saktong pagkawala nito mula sa pagkakatabing ng kurtina ay doon nila malayang nasaksihan ang nakakahilakbot nitong itsura.

Halos lukubin ng lamig ang buong katawan ni Alison nang makita kung sino iyon. Kahit pa binalot ng napakaraming itim na ugat ang morena nitong balat, nagawa pa rin niya makilala ito.

"N-Nurse Gwendyl?" nauutal niyang banggit bago sunod-sunod na napaatras. Kahit pa nahaharangan ni Willow ang kaniyang pananaw ay nagawa niya pa ring makita ang wasak nitong tiyan. Nagsilabasan ang iilan nitong mga laman at halos dumugin na ng takot ang dalaga nang nagagawa pa rin nitong makatayo sa kabila ng sitwasyon  nito.

"Shit, ilag!" sigaw ni Willow matapos niyang makita na ninais silang dambahin ng kaharap. Halata sa katawan niya ngayon ang labis-labis na panginginig lalo na sa mga kasalukuyang pangyayari na miski siya ay walang kaide-ideya kung paano ba ito nagsimula.

Bumagsak ang katawan ng babae sa sahig matapos itong mabigo na makuha ang kahit isa sa kanila. Mabilisang tumayo si Willow mula sa pagkakabagsak at tinungo ang pwesto nila Meadow. Walang niisa sa kanila ang nakapagsalita bagkus ay kapwa nila itinuon ang tingin sa nurse na ngayon ay nag-uumpisang mag-seizure.

"S-She's not yet dead?" naguguluhang tanong  ni Alison nang makitang nagsusubok itong tumayo. Pareho silang dahan-dahang umaatras dala ng takot na baka bigla itong manghablot o kaya ay umatake na naman. Hindi nagtagal ay kusang nagsigalawan ang bawat buto ng babae hanggang sa napagtagumpayan nitong makatayo.

Saktong iniangat na ng nurse ang kaniyang ulo ay doon ito dumura ng dugo bago muling tumakbo nang walang kontrol diretso sa kanilang pwesto.

Mabuti na lamang at maagap na nakaiwas ang tatlo kaya diretsong bumangga ang babae sa pinto. Sa sobrang lakas ng impact ay nagawa nitong masira ang glass door, tumagos ang katawan nito kasama ang ilang bubog bago bumangga sa pader. Dahil din sa pangyayaring iyon ay nagsilapitan ang mga estudyante sa labas para makiusyo. May iilan sa mga nandito na walang takot na kumukuha ng live video para gawing content.

"Huwag kayong lumapit diyan!" pasigaw na utos ni Willow ngunit sa halip na makinig, ay mas pinili ng mga ka-schoolmate niya ang balewalain siya.

"Tangina, hindi ko na alam na pati pala si Nurse Gwendyl nakikiuso na sa mga bagong trends. Patok to sa horror contents!" kantyaw ng isa at mas lalo pang nilapit ang cellphone sa babae. Tuwang-tuwa niyang kinukuhanan ng video ang nars hanggang sa nangyari ang pinakahindi niya inaasahan.

Magkasabay na nagsiatrasan ang lahat nang makitang sinunggaban ni Gwendyl ang estudyanteng pinakamalapit sa kaniya na mabilis ding napasigaw dala ng labis na gulat at pagkatakot. Subalit sa halip na tumulong ay mas pinili pa rin nilang ipagpatuloy ang pagkuha ng video dahil sa pag-aakalang parte pa rin iyon ng pinaniniwalaan nilang scripted prank.

"Tulungan niyo ako!" sigaw ng estudyante ngunit purong  halakhak lamang ang natanggap niya sa mga nandito. Punong-puno ng takot niyang sinalubong ang nanlilisik na mata ng babae na siyang mas lalong nagpahina sa kaniyang sistema. Balot ng dugo ang bibig nito. Purong puti lamang ang naaaninag niya sa mata ng nurse. Sobrang nakakatakot. Nakakapangilabot.

Nang tuluyang maubos ang kaniyang lakas sa pagdepensa ng kaniyang sarili mula sa halimaw ay doon siya lupaypay na bumitaw at hinayaan itong makalapit nang diretso sa kaniya. 

Walang alinlangan na pinanggigilan ni Gwendyl ang leeg ng binata. Marahan nitong binaon ang ngipin sa manipis na balat ng kaniyang pinakaunang biktima bago hinayaan ang presko nitong dugo na dumaloy sa kaniyang uhaw na uhaw na lalamunan.

Ilang sandali pa ay nilukob ng sigawan ang pasilyo at doon pa nakabawi sila Willow. Tarantang nagsikilos ang tatlo sa loob para umalis sa klinika.

Walang salita silang kumilos at halos ang kani-kanilang mga binti ay hindi na nila pa maramdaman dala ng pagmamadali. Labag man sa loob nila na dumaan sa pinto kung saan hindi pa rin tumitigil ang nurse sa pag-atake ay wala na silang pagpipilian pa. Tanging ito lang ang nag-iisang daan paalis.

Hindi pa man sila tuluyang nakakalayo sa pinto nang makita nilang nag-umpisa na ring magseizure ang inatake ni Gwendyl. Kung titignan ay wala itong pinagkaiba sa senaryong nakita nila Meadow kanina lang. Hindi nagtagal ay ito na naman ang tumayo at hindi nagpaawat sa pag-atake.

"Putangina, takbo!" sigaw ni Willow saka hinila si Alison at Meadow paalis. 

Madaliang tumakbo ang tatlo ngunit hindi naging matulin ang kanilang pag-alis lalo na at mabilis na nagsikalat sa paligid ang mga halimaw at kinakailangan pa nilang umiba ng direksyon para makaiwas. Idagdag pa na napuno ng paparoon at paparito ang bilang ng mga estudyante kaya mas lalo silang nahirapan.

Dala ng labis na pagkataranta ay hindi na masyadong napagtuunan ni Willow nang pansin ang daanan kaya hindi sinasadyang nasagi niya ang stool na nakaharang sa corridor. Sunod niya na lang namalayan na lumagapak ang sarili niya sa matigas na sa sahig.

"Willow!" Mas lalo lamang siyang nataranta nang dambahin siya ng panibagong halimaw. Mabilis itong pumaibabaw sa kaniya ngunit mabuti na lang at nagawa niya itong mapigilan. Agaran niyang ginamit ang upuan para itulak papalayo ang kaharap subalit kahit anong pilit niyang ilayo ito sa kaniya, para bang hindi niya magawang kayanin ang lakas nito. Kahit okupado na masyado ang kaniyang isip, nakuha niya pa ring mapansin kung gaano ito kalakas. Tila ba doble o triple ang lakas ng halimaw kumpara sa normal na kapasidad ng isang tao.

Ilang sandali pa silang nagtuos hanggang sa namalayan niya na lang ang matulis na bakal na diretsong bumaon sa sentido ng halimaw. Sinundan  niya ng tingin ang kamay na may hawak ng metal at doon na niya nakita ang nanginginig na kamay ni Alison at punong-puno ng takot na tumingin sa kaniya. 

"I think, w-we should go back to our r-room," untag ni Meadow na siyang hindi na rin nila tinutulan pa.

***

Kasalukuyang nasa labas si Cody at Ryder upang sundan sa cafeteria sina Yohan at Corbin. Hindi muna kasi nagpa-abala si Ledger dahil tinutulungan pa nito si Earlyseven na tapusin ang kulang nitong activity sa susunod nilang subject. Kaya naman ay silang dalawa muna ang umalis para sumunod.

"Napirmahan mo na iyong contract paper?" tanong ni Cody sa kaibigan at agaran namang nilagay ni Ryder ang kaniyang magkabilang kamay sa likod ng kaniyang ulo saka pumikit na naglakad sa hallway.

"Oo naman, siyempre. Hahabol ako mamayang ala-una sa City Gym. Hindi pwedeng matapos ang araw na 'to nang hindi ako nakakalaro sa loob ng basketball court," sagot nito at doon umaksyon na para bang may hawak siyang bola. Ilang saglit pa ay tumalon na siya animo'y tumitira  ng three points.

"Baliw, walang bola pero naglalaro,"  komento ni Cody saka tinawanan ang kaibigan na hindi man lang nagpatinag at tuloy-tuloy lang ito sa pagdi-dribble.

Akmang tatalon na sana ulit si Ryder pero kaagad lang siyang nahinto nang mabaling ang tingin niya sa gawing kanan na kung saan halos lahat ng mga estudyante ay tarantang nagtatakbuhan.

"Grabi, 'di talaga nauubusan ng trip ang Juanico High. Ano na naman kaya ang ginagawa nila ngayon?" umiiling niyang sambi at doon kinamot ang kaniyang ulo. Tutuloy na sana sila nang mahagip ng mata ni Cody si Wren na prenteng naglalakad habang tutok ang mata nito sa kaniyang cellphone. Halatang may pinagkakaabalahan ang kanilang kaklase at gaya ng dati, suot pa rin nito ang paborito nitong headphone senyales na ayaw ng dalaga na magpaistorbo.

Akmang ilalayo na sana ng binata ang kaniyang tingin ngunit aksidenteng dumapo ang kaniyang mata sa bandang likod ng kaklase. Doon niya nakita na may humahabol na ritong tao na halos hindi na maipaliwanag pa ang itsura.

"Wren!" sigaw ni Ryder pero dahil nga sa headphone ng dalaga at naka-full volume pa ang music ay hindi sila nito narinig. Akmang hahablutin na sana ito ng nilalang pero naunahan ito ni Cody.

Mabilis niyang tinakbo ang espasyo nila ni Wren saka niya ito hinablot sa kamay dahilan kung bakit muntik na nitong mabitawan ang hawak niyang cellphone.

Pagsasalitaan na sana siya ng dalaga pero hindi na iyon natuloy pa nang makita ang kasalukuyang pangyayari.

Kasalukuyang nakikipagpalitan ng atake si Cody sa isang estudyanteng tila ba nawala na sa katinuan. Puno ng dugo ang bibig at ilong nito at mahahalata rin ang napakaputla nitong balat na pinaliligiran ng napakaraming itim na ugat. Dahil dito, mabilis na inalisa ni Wren ang sitwasyon hanggang sa nagpasya siya na ibaba ang headphone bago nilibot ang tingin sa paligid niya. Halos balutin na siya ng pagtataka kung bakit umaakto na parang bayolente ang ibang mga estudyante rito. Kamuntikan pa siyang masakmal dahil hindi niya agad napansin na may papalapit pala sa kaniya ngunit mabuti na lamang at naging maagap si Ryder. Nagawa nitong maihampas kaagad ang hawak na sementong flower pot sa bagong dating na agaran ding bumangga sa pole ng hallway.

Hindi mapigilan ni Wren ang mapaatras nang mag-seizure iyon at nagsusubok na tumayo. Gustuhin man niyang tignan pa iyon para makakuha siya ng mas klarong ideya patungkol sa kasalukuyang nangyayari ngunit hindi na iyon natuloy pa nang hilahin siya ni Cody.

"Takbo!" sigaw ni Cody bago sila sinigawan na sumunod. Pinauna  ni Ryder ang dalawa at siya naman ay nanatiling bantay sa likod para makasiguro na walang aatake sa kanila mula sa likuran. Kahit anong pilit nilang magmadali, palaging naaantala ng mga halimaw ang kanilang pagkilos dahil maya't-maya rin itong sumisingit sa kanilang daraanan at nagbabalak na umatake. Nang makitang dumarami na nga ang bilang ng mga kailangan nilang iwasan ay wala na silang napagpipilian pa kundi ang lumabas sa hallway at sa quadrangle na dumaan.

"Tangina! Ano bang meron? Bakit sila nagkakaganyan?!" nahihintakutang tanong ni Ryder sa kanila. "Seryoso ba talaga 'to? Hindi na 'to prank?!"

Akmang susuntukin na sana ni Cody ang mukha ng panibagong halimaw  ngunit natigil lamang iyon nang pihitin ni Wren ang kaniyang kabilang braso saka niya ito hinila pagilid para makaiwas. Pansin kasi ng dalaga na tila walang kontrol ang mga ito sa kani-kanilang mga sarili. Naobserbahan niya rin na parang hindi ito nakakakita.

"Much better to avoid them than to have a close contact," walang tinginan niyang paliwanag sa kaklase bago sila muling nagdesisyon na magpatuloy sa pagtakbo.

Binaybay nila ang gawing dulo ng napakalawak na quadrangle kung saan nakatuon ang kaniya-kaniya nilang mga mata sa pinakaunang silid ng building. Hindi na ito masyadong malayo sa kanilang pwesto at iilang hakbang na lang ang natitira para tuluyan silang makarating doon.

"Bilis! Bilis!" tarantang sigaw ni Ryder at bahagya pang tinutulak ang likod ng dalawa nang makitang may panibagong horde ang humahabol sa kanila ngayon. Mabibigat ang kanilang yabag dulot ng labis na pagmamadali at halos hindi na rin nila inalintana pa ang hingal makabalik lang sa room ng Aries.

Akmang iikot na sila paharap para sana makapasok nang tuluyan sa corridor nang may panibago na namang grupo ng mga halimaw ang sumalubong sa kanilang daraanan. Gitlang napahinto ang tatlo at wala na ngang sinayang pang pagkakataon at mabilisang tumalikod para bumalik. Muli silang nabalik sa malaking field at ang tanging  daanan na nakikita nila ngayon ay walang iba kundi ang may kalahikang glass window sa likod ng kanilang room na siya ring nagsisilbing fire exit.

Daglian tinungo  nila Wren ang gawing likuran ng room kung nasaan ang salamin. Sabay silang napatingala at sumakto namang may iilan sa kanilang mga kaklase ang nakatanaw sa bintana.

"Let's use the fire escape ladder to climb up! Hurry!" utos ni Wren bago inalalayan ang sarili na makasampa sa angle bar. Bahagya pa siyang nahirapan ngunit dahil sa pag-suporta ni Cody ay kaagad din siyang naka-akyat hanggang sa matagumpay siyang nakalusot papasok sa glass window.

Nilibot ng dalaga ang kaniyang tingin sa loob para tignan kung sino ang nandito. Doon lamang siya napatiim-bagang nang mapagtantong may kulang nga sa kanila.

"Where is Mills?" diretsang tanong ng dalaga kay Meadow na siyang kasalukuyang inaasikaso si Elsie. Nagkaroon kasi ng panic attacks ang kaklase at ito ang naging rason kung bakit na-trigger ang dinaramdam nitong hika.

"Iyon iyong problema, Wren dahil si Yohan, Corbin at tsaka si Mills. Hindi pa nakakabalik."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top