Chapter 43: Huling Kilos

"Move!" Pasigaw na utos ng Captain sa kaniyang mga kasama. Kasalukuyan nilang binabaybay ang pasilyo palabas ngunit nabulabog na ang mga zombies dulot ng mga sunod-sunod nilang pagpapaputok ng baril. Kaunti na lang din ang natitira nilang bala kaya't kinakailangan na rin nilang magtipid.

"Captain, hindi pa makakaabot ang mobile sa school. Nagkaroon ng problema ang team." Imporma ni Viper matapos niyang maibaba ang radyong hawak. Sa halip na kakikitaan ng takot at pangamba ang Alpha ng Black Mamba ay mas pinili nitong maging kalmado at pinanatili ang kaayusan ng grupo.

"Tatawag ba tayo ng chopper, Sir?" Singit ni Serpent matapos niyang asintahin ang zombie na mabilis na nakahabol sa kanilang pwesto.

"Walang pwestong malalapagan ang chopper sa oras na tatawag tayo. Danger zone ang quadrangle ng Juanico High at bumagsak na rin ang rooftop. Isa pa, masyadong tawag-pansin ang engine ng copter kaya paniguradong dudumugin tayo ng mga halimaw na iyon kapag nagkataon," seryoso nitong sabi saka inalis ang nasirang earpiece na nasa kaniyang tainga. "They cannot monitor us anymore, kaya wala tayong ibang pagpipilian kundi ang gumawa ng sarili nating plano."

"What's our plan, Captain?" Tanong ni Viper.

"We can't afford to hide inside a room since maiipit tayo kapag nagsimula na ang airstrike kaya lalabas tayo ng zone." Diretsa niyang imporma na siyang nagpagulat sa kasama.

"Pero Captain, hindi natin pwedeng suwayin ang proto—"

"Wala na tayong choice, Serpent. Iyon na lang ang nakikita kong daan para mailabas natin ang mga bata paalis sa lugar na 'to," Walang takot nitong sambit. "Kung kinakailangan nating labagin iyong orders para lang maisalba ang mga buhay nila, gagawin natin iyon." Dugtong niya at nang hindi na sumagot pa ang ka-miyembro ay doon niya binalingan ng tingin ang isa niya pang kasama.

"Viper, take in charge." Madalian niyang utos na siyang mabilis namang sinunod ng lalaki. Agarang nitong inilabas ang device na siyang nagsisilbi nilang kontrol sa paaralan para makita kung saan bang area ang ligtas nilang madaanan. Paulit-ulit niyang pinipindot ang screen at sa bilis ng galaw ng mga daliri niya ay hindi nila ito magawang masundan.

"I found a way out," imporma niya nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa hawak na device. "At the back side of this school, behind the construction site. Walang zombies na na-detect ang system kaya masasabi kong ligtas tayong makakadaan dito." Dugtong niya at doon niya pa nilingon ang kanilang head. Nang makitang kumbinsido ito sa kaniyang inulat ay agarang nagpasya ang kanilang Captain na tunguhin ang lugar.

Hindi naman maiwasan nila Yohan ang mag-alangan sa pagkilos matapos nilang marinig ang plano ng Black Mamba, lalo na si First na hindi na halos mapakali sa labis na pag-aalala para sa kaniyang kapatid. Tila hindi kakayanin ng konsensiya niya ang manahimik at maging sunud-sunuran dito sa likod nang walang ginagawa para mahanap ang dalaga.

"What are we going to do?" Mahinang tanong ni Dillon sa kaniya bago pasimpleng sinilip ang nakabantay-saradong gawi ng mga sundalong kasama nila ngayon. "Are we going to follow them ba or what? Kasi hello, for the alis na ang mga ferson so anong gagawin nating plan, First?" Hirit na naman nitong tanong na siyang hindi naman magawang sagutin ng binata. Sa sobrang okupado ng isipan ng binata ay hindi na ito halos makapag-isip pa nang tama at naaayon sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

"If one of you here thinks of going back, binabalaan ko na kayo ngayon pa lang na huwag tumuloy." Mahinang singit ni Kimber saka sila pasimpleng sinilip. Nagtagal ang tingin niya sa tila nakatulalang si First pero mahahalatang bukas ang tainga ng kasama para makinig.

"What? So are we going to leave Mills and that Wren girl here? Wait lang naman, Kimber. It sounds so selfi—"

"Mag-isip ka nga, Dillon," mahina ngunit pabagsak nitong sabi na siyang nakapagpatahimik naman kaagad sa kaibigan. "Kung kakalas tayo sa grupo, may idea ba kayo kung saan hahanapin iyong dalawang iyon? Ni hindi nga sila nadetect ng system radar eh. At sa lawak at lapad nitong Juanico High, aabutin pa tayo ng siyam-siyam bago sila mahanap."

Naagaw ng mga salitang binitawan ng dalaga ang atensyon ni First, kung kaya't nilingon niya ito bago nagpasyang magsalita.

"Nasasabi mo lang 'yan dahil nakita mo na si Corbin," mutawi niya at kababakasan ng pait ang kaniyang boses. "Kung ikaw kaya iyong nasa posisyon ko, Kimbernics? Ganyan din kaya iyong gagawin mo? Nakakatandang kapatid ka rin naman gaya ko kaya kung tutuusin, mas ikaw pa nga dapat iyong nakakaintindi sa'kin." Gatong niya pa nang hindi inaalis ang tingin sa kausap.

"Chill, First. Hindi niyo kailangang mag-away." Sita ni Dillon nang maramdaman ang umiinit na tensyon sa dalawa.

"What do you expect me to do? Fucking wait here and l—"

"Alam mo ba kung anong pinagkaiba ng kapatid ko sa kapatid mo ha, First?" 
Sabat ni Kimber na siyang dahilan kung bakit napahinto ang kasama sa pagsasalita. "Abilidad iyong meron sa kapatid mo at hindi deperensiya kaya kung susumahin, mas kaya pa ni Mills iyong sarili niya kaysa kay Corbin."

Sa sinabi niyang iyon ay doon asar na nag-iwas ng tingin ang binata at pilit na kinontrol ang kaniyang emosyon nang sagayon ay maiwasang lumaki ang kanilag usapan.

"Hindi ko sinasabi 'to sa'yo para sabihin na pabayaan na lang natin iyong dalawa. Gusto ko lang na ipunto na sana naman magtiwala kayo sa kanila dahil pareho naman nating alam kung ano ang kayang gawin ng mga iyon." Huli niyang sabi at hindi na nga umimik pa.

Sa sobrang abala nila sa pakikipagpalitan ng argumento ay hindi na nila namalayan pa na nakarating na pala sila sa construction site ng Juanico High. Bahagya pang nag-alangan si Ryder na tumuloy matapos niyang matignan ang paligid, dahil base lang sa itsura ng mga gusali na nandito ay halatang hindi pa ito matibay at kung saka-sakali mang may makasalubong silang hindi maganda rito at magkaroon ng engkwentro. Hindi malabong guguho rin ang mga building dito.

Hindi pa man sila tuluyang nakakapasok sa loob ngunit isang kaganapang hindi inaasahan ang nangyari. Dumating ang isang horde ng mga zombies sa kabilang bahagi ng pasilyo na tila ba nakatunog ang mga iyon  kaagad na may mga taong paparating.

Akmang tutulong na sila First na labanan ang mga halimaw ngunit mabilis na  humarang si Serpent.

"Kailangan niyo ng umalis." Imporma nito sa kanila nang hindi man lang sila nililingon.

"Pero, Sir. Kaya po naming la—"

"Hindi niyo na trabaho 'to." Diretsa nitong sabat bago kinasa ang hawak na baril. Halata sa mukha ng lalaki na hindi talaga ito makakapayag na ipahamak sila kaya hindi na lamang pa nakipagpalitan pa ng usapan ang grupo.

"Kapag nakaabot kayo sa pinakadulong pader. Maghanap kayo ng paraan para makalabas, kung kinakailangan niyong akyatin iyong cyclone, gawin niyo," sunod-sunod nitong imporma bago tinuro ang may kaliitang daan sa gitna ng mga gusaling nandito. "Susunod kami kaagad." Matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon ay agaran na siyang sumenyas na paalisin sila. Isa-isa niyang tinapik ang bawat balikat nila na tila ba pinapahiwatig nito na mag-ingat sila.

Halos magkasunod ang grupo na nagsitakbuhan papasok at ni kahit isa sa kanila ay hindi na nag-abala pang lumingon sa likuran dala ng labis na pagmamadali. Hindi rin naging madali ang pag-usad nila lalo na't maraming mga hagdan at kahoy na nakaharang sa daan. Maingat din ang kanilang pagkilos dahil sa mga nakausling pako sa daan na hindi malabong magdudulot ng kapahamakan sa oras na maapakan nila iyon.

"Bilis!" Sigaw ni Ryder at bahagya pang  tinulak ang likod  ni Kimber nang nagbalak ulit itong bumunot ng palaso para sana umasinta.

Kung saan-saang daan sila lumulusot at sa laki at lawak ng mga sirang gusali rito ay nagmistulang maze ang lugar.

"Saan na ba 'to?" Hingal na hingal na tanong ni Corbin saka tinukod ang kamay sa gilid ng poste para balansehin ang sarili. Pakiramdam niya ay bibigay na ang tuhod niya dulot ng magkahalong lundag at takbo na paulit-ulit niya na ring ginagawa. "Sigurado ba kayong dito iyon? Bakit parang hindi yata tayo nakakalayo? Lintik naman, pati ba naman sa ganitong sitwasyon uso pa rin iyong nae-engkanto?" Pagdadabog niyang sambit bago nagkamot ng ulo.

Hindi pa man nakakasagot ang mga kasama ngunit bigla na lamang nagkaroon ng bahagyang pagyanig ang gawing labasan ng construction site. Isang palatandaan na nagsisimula na ang pagsabog ng mga bomba sa eskwelahan. Halos magkasabay silang napalingon sa iisang direksyon at nagbabakasakali na makakasusunod na sa kanila ang Black Mamba subalit ilang minuto na ang lumipas pero wala pa ring senyales sa mga ito.

"Ledger!" Napukaw lang ang kanilang atensyon nang biglaang sumigaw si Cody. Nakatuon ang buong atensyon ng binata sa kaibigan na nakatayo sa gawing harap kung saan nagsisimulang magsitumbahan ang mga pader at poste ng gusali. Kabadong nag-angat ng tingin ang naturang kaklase at dala ng labis na pagkagulat ay hindi ito kaagad nakakilos para umiwas. Sunod na lang nilang nakita na nilukob ng makapal na usok ang kaninang kinatatayuan ng kasama.

Ni isa sa kanila ay hindi kaagad nakapagsalita matapos ang pangyayaring iyon. Sa sobrang bilis ng mga kaganapan ay hindi pa nila halos maproseso ang kasalukuyang senaryo.

Walang imik nilang inantay na mapawi ng hangin ang usok at nang tuluyan na nga nila itong naaninag ay doon na nila nakita ang katawan ni Ledger na nakaupo sa sahig habang hinaharang nito ang kaliwang kamay sa ibabaw ng kaniyang ulo. Sunod nilang nakita ang nakatayong pigura ng isang babae na siyang sumalo sa mga mabibigat na tipak ng semento para hindi ito matamaan.

Gulat ang rumehistro sa kani-kanilang mukha nang tuluyang makilala kung sino ang dalagang nandito.

"I guess, you guys forgot that this area was constructed in spiral way. So honestly speaking, binabaybay niyo iyong daan papasok at hindi palabas. To make it short, naliligaw nga kayo."  Paliwanag nito at walang kahirap-hirap na hinagis ang tipak ng semento na kamuntik ng tumapos sa buhay ng kaklase.

"Chloe?" Gulantang na tawag ni Yohan at nang balingan siya nito ng tingin ay kaagad siyang naalerto lalo na't kung muling babalikan niya ang mga nangyaring komusyon sa pagitan nilang dalawa, tiyak na siya ang una nitong pupuntiryahin.

"Hey, wait..." mahinahong sabi  ng dalaga saka itinaas ang dalawang kamay. "I am not here to bring any harm so please, don't throw that tiger-like-eyes on me."

Nang makitang hindi parin kumbinsido ang mga nandito sa presensiya niya ay doon na siya bumuntong-hininga at humakbang ng ilang beses papalayo sa pwesto nila.

"I personally know where that expressions came from, pero gusto ko lang sanang linawin na hindi ako iyong kalaban niyo sa puntong 'to." Pauna niyang sabi gamit pa rin ang mahinahon niyang boses.

Matapos niyang banggitin iyon ay doon nagsipalitan ng tingin ang Aries na para bang nag-uusap sila gamit ang kani-kanilang mga mata. Halata sa kanilang mga ekspresyon na may parte pa rin sa kanila ang hindi kumbinsido sa itinuran ng kaharap.

"Okay fine, kung hindi talaga  kayo kumbinsido sa mga sinabi ko, hindi na ako mamimilit pa. But I assure you that my intention is pure." Dagdag niya pa at kahihimigan iyon ng pagsuko nang makita ang reaksyon ng mga kaklase.

"Kaklase niyo 'to, di'ba?" Usal ni Kimber bago tinuro ang dalaga. Nang hindi siya sinagot ng mga junior na kasama niya ay doon na niya tinignan ang ID ni Chloe. May kalayuan man ang pwesto nito ngunit dahil nga sa agaw pansin ang tatak ng Aries sa identification card na suot-suot ng dalaga ay saka pa lang niya nakumpirma ang hinala.

"Is this how your late adviser taught you in treating your co-city highian?" Tanong niya ngunit sa ikalawang pagkakataon ay wala na naman siyang sagot na nakuha. "Anong silbi ng mga bibig niyo kung hindi niyo naman gagamitin? Sagutin niyo iyong tanong ko."

"Mahabang kwento, Kimber. Pero mas mabuti na lang siguro kung hindi mo na aalamin pa." Wika ni Ryder nang hindi siya binabalingan ng tingin.

"Ano bang ini-expect mong mangyari  ngayon ha, Ate? Ang tanggapin 'yan? Eh kamuntik na nga niyang mapatay sila Yohan kaya bakit namin pagkakatiwalaan 'yang anima—"

"Corbin," malamig na sita niya sa kapatid na kaagad din namang napahinto sa pagsasalita.

"Oo na, tangina. Kasalanan ko na naman."

"I am sincerely apologizing for the things that I've done before..." litanya ni Chloe na siyang naging mitsa kung bakit naagaw niyang muli ang atensyon ng mga nandito. "I was blinded by the fake truth kaya inakala ko na kayo ang dapat sisihin where in fact, hindi naman pala dapat. Kaya sana, hayaan niyo akong makabawi sa pagkakataong 'to. I am willing to bring you guys out of here."

"We are coming with you." Diretsang pasya ni Kimber na siyang nakapagpaaliwalas sa mukha ni Chloe.

"Wait lang naman, Kimber. How sure are you na ba? Hindi mo ba narinig iyong sinabi ni Corbin? She onced tried to harm them!" Tutol ni Dillon sa naging pasya ng kaibigan. "Tsaka hindi mo ba nakikita iyong mixed reactions ng Aries? They are somewhat uncomfortable with her presence kaya!"

"We cannot let this chance slip, Dillon. Hindi natin kabisado 'tong area kaya papaano tayo makalalabas? We need someone who have enough knowledge about this place at siya lang ang nakikita kong makakatulong sa'tin ngayon." Depensa ng dalaga na siyang lihim na ikinamaktol ng kaniyang kapatid.

"Chloe..." tawag niya sa kaharap na agaran ding sinalubong ang kaniyang tingin. "Lead the way." Matapos niyang sabihin iyon ay kaagad na itong tumalima at nauna sa pagtakbo.

Hindi na nakareklamo pa ang kampo nila Yohan nang senyasan sila ni Kimber na kumilos. Labag sa kalooban nilang inihakbang ang mga paa para sundan ang kaklase.

Tahimik nilang binaybay ang napakakipot na daanan palabas at kung titignang maigi, kabisadong-kabisado ito ni Chloe. Walang humpay ang dalaga sa pagtakbo habang sila ay todo tanaw sa pwesto nito nang sagayon ay hindi ito mawala sa paningin nila.

"What are are trying to imply?" Usal ni Ledger na siyang naging mitsa kung bakit nilingon siya ng dalaga.

"Pardon?" Ani ni Chloe saka siya tinapunan ng nangunguwestiyong mga mata.

"You have mentioned earlier that you're not here as our opponent but an ally, haven't you?" Paglilinaw ng binata nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. "Diretsahin mo nga ako, may kinalaman ba si Sir Winston doon sa sinabi mo?"

Sandaling natahimik ang kausap na para bang pinag-iisapang maigi ang kaniyang isasagot. Hindi naglayon ay iginilid nito ang kaniyang ulo para tanawin ang pwesto niya.

"What if I say yes, anong gagawin mo?" Mapanghamon niyang sabi na siyang naging dahilan kung bakit hindi kaagad nakaimik ang binata.

Nang hindi nakasagot si Ledger ay tumagos ang titig ni Chloe sa iba pa nilang kaklase bago kumaway.

"We're getting closer to it's exit!" Imporma nito sa lahat at doon sumenyas na mas bilisan pa ang mga hakbang nang muli na namang magkaroon ng sandaling pagyanig ang lugar. Hindi maiwasan ng lahat ang mag-angat ng tingin lalo na't may mga debri silang kinakailangang iwasan. Napakadelikado ng kanilang dinadaanan ngayon at kung hindi sila mag-iingat, tiyak na buhay nila ang magiging kapalit.

Sa huling pagliko ni Chloe sa isang pasilyo ay natanaw na nila ang liwanag na nagmumula sa labasan, ilang hakbang na lang ang layo no'n mula sa kanilang pwesto ngayon kaya mas lalo lang silang naengganyo sa pagtakbo. Sunod-sunod silang nagsilabasan sa maliit na daraanan at sumalubong sa kanila ang maaliwalas at tahimik na lugar. Tila ba napakalayo na ng parteng 'to sa gulo, isang palatandaan na ligtas gawing pahingaan ang parteng ito ng Juanico High.

"Things are getting more complicated from now on, so I am expecting all of you to cooperate," panimula ng dalaga bago binali nang isa-isa ang cyclone para magkaroon sila ng daanan. "Kung hindi makakasunod iyong mga sundalong iyon dito, huwag niyo na silang antayin pa. Siguraduhin niyong makakaalis kayo sa Juanico High bago pa man lamunin ng mga bomba ang eskwelahang 'to."

Matapos siyang makagawa ng sapat na butas sa cyclone ay doon niya ito pwersahang hinati sa dalawa para makagawa ng butas na sapat lang na malulusutan ng isang tao.

"Hindi ka ba sasama sa'min, Chloe?" Tanong ni Cody na siyang sinagot lang nito ng tipid na ngiti.

"May dadaanan lang ako saglit."

***

"I want you to kill yourself." Utos ni Winston na siyang labag sa loob na sinunod ni Mills. Ramdam niyang nagsilabasan ang kaniyang pawis dahil sa pagpupumilit niyang pigilan ang katawan na kumilos nang hindi ayon sa kaniyang kagustuhan. Kitang-kita niya kung paano nanginig ang kaniyang kamay na may hawak pa rin na kutsilyo. Unti-unti itong lumalapit sa kaliwang parte ng kaniyang dibdib na tila gusto ng kaniyang katawan na diretsang ibaon ang patalim sa puso niya.

"B-bakit hindi ko makontrol iyong katawan ko?"  Mahina niyang tanong sa sarili nang hindi pa rin inaalis ang mata sa dulo ng talim na ilang dangkal na lamang ang layo sa kaniyang dibdib.

"Do it." Muli na namang dugtong ng guro na tila ba atat na atat na itong makitang kitilin na ng kaniyang estudyante ang sarili nitong buhay.

"Tangina!"  Lihim niyang mura sa isipan saka marahang tinitigan ang kustilyo. Nagsilabasan na ang mga ugat niya sa kamay sa kagustuhang pigilan iyon ngunit wala pa ring nangyayari.

"What's taking it too slow? Oh come on, don't make me wait!" Pasigaw muling saad ni Winston at nang makitang hindi pa rin bumabaon ang kutsilyo sa katawan ng dalaga ay doon marahang nahagod ng maestro ang kaniyang buhok. Minadali niyang pinasadahan ng tingin ang mesang nasa kaniyang likod na para bang may bagay na hinahanap. Nang mahagip ng kaniyang mata ang pakay ay mabilis niya iyong dinampot at pinaglaruan sa kamay.

Saktong pagtama ng kaniyang hinlalaki sa kulay asul na push button ay ang siyang paglabas ng mga panibagong laser na higit na mas malaki ang hugis at linya kaysa sa kanina. Napansin ito kaagad ni Mills na siyang naging rason kung bakit muli niya na namang sinubukang bawiin ang kontrol ng kaniyang katawan. Base lamang sa kaniyang nakita ay tiyak na mas mapapahamak pa siya sa oras na dumapo ang mga laser beam na iyon sa pwesto niya.

Kusang hinayaan ng dalaga ang kutsilyo na tumama sa kaniyang dibdib na siyang labis na nagpagulat kay Wren. Kitang-kita niya mula sa kinalalagyan niya kung paano dumaloy paibaba ang malapot na dugo ng kaklase na siyang mabilis ding nagmantsa  sa suot nitong blusa. Akmang sisinghalan na niya ito pero sunod na lang niyang nasaksihan na tuluyan itong nakawala mula sa paralyzing laser ng guro.

Hindi nakaalpas sa kaniyang mata kung gaano kaliksi ang pagkilos ni Mills para lang maiwasan ang mga sumasayaw na narrow beam light sa ere. Saktong paglapag ng dalaga sa gawing sulok ng silid ay doon pa siya humawak sa pader nang sagayon ay maalalayan ang sarili.

"Escaping my paralyzing beams with pain huh. What a move!" Sandaling nawala ang pagkairita sa ekspresyon ng maestro at muli na naman itong binalot ng pagkamangha. Hindi pa man lumilipas ang panibagong minuto ngunit nahalata kaagad ng guro ang paghilom ng sugat sa bandang dibdib ng kaniyang estudyante dahil sa kataka-takang paghinto ng pagdaloy ng dugo.

"Do you wanna play a game, Mills?" Aya  niya saka gumuhit ang hindi kaaya-aya sa paningin na ngisi sa kaniyang labi. Hindi nakasagot kaagad ang dalaga lalo na't base lamang sa inaakto ng kaharap, halata na masyadong hindi na magiging maganda pa ang susunod na takbo ng sitwasyon.

Hindi pa man siya nakakasagot pero mabilis na lamang na bumilis ang kilos ng mga laser na nandito sa loob. Kung kanina ay para lang itong pagong kung kumilos, ngayon ay tila ba mga ibon na itong nabulabog na halos hindi magkamayaw sa paggalaw. Kaagad na naalerto si Mills at kahit paubos na ang kaniyang lakas dahil hindi pa siya tuluyang nakakabawi mula sa biglaang pagkaparalisa ay wala siyang ibang nagawa kundi ang umilag nang umilag sa laser nang sagayon ay hindi siya matamaan. Saksi ang kaniyang mga mata kung paano nasunog at nahahati sa dalawa ang nadadaanan ng beam of lights, bagay na mas lalong nagpabahala sa kaniya. Sa oras na magkamali siya sa pagkilos, alam na niya ang magiging kapalit no'n.

"Alam mo, hija? Sayang ka..." sambit ni Winston habang nakaupo ito sa swivel chair at sinusundan ng tingin ang kaniyang estudyante na pahirapan sa pag-iwas ng mga laser. "Ang laki-laki sana ng magiging ambag mo sa mga upcoming research ko eh, kaso hindi ka lang talaga marunong makipag-cooperate. Kung isinuko mo na lang sana sa'kin 'yang walang kwenta mong buhay, e 'di sana hindi na tayo aabot sa puntong 'to." Dagdag at sinadyang galawin ang laser machine.

Dulot ng kaniyang kapangahasan ay hindi nakapaghanda si Mills kaya diretsang tumama ang isang laser sa kaniyang balat na kaagad ding humiwa at nagdulot ng malaki at malalim na sugat sa bandang braso niya.

"Ahh!"

"Mills!" Sigaw ni Wren nang makita kung paano dinaanan ng usok ang balat ng kaklase. Ilang sandali lang ay mabilis itong nakatakbo at naglaho sa kawalan. Sunod niya na lang namalayan ang pagbalot ng kadiliman sa loob at tanging ang mga pulang ilaw na lamang sa ere ang natitira.

"Kaso hindi ko talaga hilig ang manggamit ng imbensyon ng iba na nagmana rin ang ugali sa gumawa, kaya wala akong ibang choice kundi ang tapusin ka." Muli nitong dugtong at buong lakas na tumawa.

Sandaling nagpalabas ng pagkaaliw ang maestro bago ito nagdesisyon na balingan ng tingin ang isa niya pang estudyante.

"Did you see that, my dear?" Baling ng guro kay Wren na halos mamula na ngayon dulot ng magkahalong emosyon. Hindi siya nilingon ng dalaga bagkus ay abala lamang ang buo nitong atensyon sa paghahanap sa kasama. "Walang binatbat ang gawa ng Lolo mo sa mga teknolohiya ko kaya manood ka!"

"Face here and see how am I going to end your grandfather's last and greatest invention!"

Halos habulin na ni Mills ang kaniyang hininga habang panay ang silip niya sa kaniyang braso. Nakatago siya ngayon sa likod ng aparador sa gawing sulok at abala sa pag-iipon ng sapat na enerhiya para makakilos siya nang naaayon.

"Anong gagawin ko?" Lihim niyang tanong sa sarili. Wala na siyang naiisip pang ideya kung paano niya malalagpasan ang bagay na 'to. Kung muli siyang sasabak nang walang sinusunod na plano ay tiyak na pareho sila ni Wren na malilibing dito. Gusto niya mang manghingi ng tulong pero wala siyang ibang malalapitan ngayon kundi ang sarili niya lang.

"Hindi ko kayang makipagsabayan sa mga machine na nandito sa lab, ni kahit isang armas nga wala akong dala." Dagdag niya bago nagpalinga-linga at umaasang may mahahagip ang mata niya na pwede niyang gamitin.

"Lumabas ka na, Mills. Hindi pa tapos iyong laro natin oh." Mapanudyong segunda ni Winston na siyang labis na nagpapawis sa dalaga. Tuluyan niya na ngang hindi nakikilala ang maestro, ibang-iba na ito sa Winston na nakikita niya sa araw-araw niyang paglalabas-masok ng Juanico High.

"Mag-isip ka, Mills. Mag-isip ka!" Pangungumbinsi niya sa sarili. Hindi nagtagal ang kaniyang pag-upo sa sulok nang may marinig na siyang mabagal na yabag kaya kahit nahihirapan man ay pinili niya pa ring sumilip sa maliit na butas para lang aninagin ang kasalukuyang sitwasyon.

Doon niya nakita na nakapatay na ang laser ngunit nananatili pa ring naka-stand by ang mga laser machine na nasa ibabaw ng mesa.

"Pinapatagal mo lang ang paghihirap mo, hija kaya kung ako sa'yo, magpakita ka na." Gatong nito ulit. Sa halip na sumunod ay mas pinili ng dalaga na tahimik na gumapang at magkubli sa dilim. Kailangan niyang humanap ng tiyempo para mapakawalan si Wren lalo na ngayon na lumayo ang guro sa tabi ng kaklase kaya makakakuha siya ng pagkakataon kahit papaano. Sa isip niya ay saka niya na lang iisipin ang susunod niyang gagawin kapag nakalapit na siya.

Halos dumikit sa sahig ang bawat patak ng pawis niya dala ng magkahalong mga emosyon at pagod, pero tila hindi niya na iyon napagtuunan pa nang pansin sa tindi ng kaniyang nilalaan na pokus.

Saktong paglagpas niya sa aparador ay maingat siyang gumulong papunta sa likod ng bookshelf, kamuntik pang tumama ang likod niya sa estante pero nagawa niyang maitukod ang sugatang kamay sa ibaba kaya napigilan niya ang sariling bumangga. Kagat-labi niyang tiniis ang sakit dulot ng kaniyang hindi planadong galaw at sandaling tumigil para kahit papaano ay humupa ang kirot sa kaniyang braso.

"So you wanna play hide and seek?" Tila batang banggit ng guro at doon bahagyang pumalakpak. "Okay fine, game! This might be quite unfair on my side since you started the game without giving me hints but I am not a kill joy so I am still going to state my own made rules. But don't you worry, hindi naman mahirap iyong rules. Actually, madali lang naman siya." Mahinahon nitong litanya.

Sa huling estanteng nilampasan ni Mills ay doon na niya nasilip ang kinauupuan ni Wren na mabilis ding napatingin sa gawi niya. Wala sa wisyong napasenyas ang dalaga na huwag siyang tignan nang sagayon ay hindi makahalata ang maestro. Hindi naman nagmatigas ang kaklase at nagpatay-malisya rin itong hindi siya nakita.

"So here it goes..." pansamantala munang  huminto si Wnston at doon na niya nilibot ang tingin. Nang wala pa rin siyang makitang senyales kung nasaan ang kaniyang estudyante ay doon pa siya nagdesisyon na tumuloy sa pagsasalita.
"If you show yourself in a span of ten seconds, I am going to let Wren go."

Hindi tumalima ang dalaga bagkus ay tinuon niya ang pansin sa laser machine na may kaliitan ang laki, inusisa iyon kaagad ng kaniyang mata para alamin kung paano ba iyon gumagana. Ngunit nang bigo siyang maintindihan kung paano iyon gagamitin ay doon niya na iyon nilubayan ng tingin. Sa hindi inaasahan ay dumapo ang kaniyang mata sa tila laser pointer na nakapatong katabi lang ng machine. Napukaw kaagad ang interes niya kaya walang pasa-pasabi niya itong dinampot.

Mabilis siyang kumilos at patagong ginapang ang kinaroroonan ni Wren. Hindi man siya nililingon ng dalaga ngunit ramdam niyang alam nito na nasa likod lang siya. Tinitigan ni Mills kung paano niya ba maiaalis ang kaklase mula sa napakahigpit na posas at kadena na nakapalibot sa katawan nito.

"Tangina, ang dami. Paano ko ba 'to aalisin lahat?" Muli niyang tanong sa sarili saka sinundan ang bawat kadenang nakatali sa kaharap.

"At kung hindi ka makikinig sa kondisyon  ko at mas pipiliin mong magmatigas. Hindi na kayo makakalabas pa rito nang buhay." Dinig niyang segunda ng maestro pero hindi niya ito pinansin. Bagkus ay kinalikot niya nang kinalikot ang hawak na laser pen at umaasang mapapagana niya iyon. Halos baliktad-baliktarin niya na ang hawak makita lang kung may switch bang nakadikit dito o kahit anong pwede niyang magamit para mai-on ang laser subalit binigo siya ng tadhana. Wala siyang kahit anong nakita.

"Ten..."

"Wala naman palang kwenta 'tong putangi—" naputol ang pasekreto niyang pagmamaktol nang biglaang umilaw ang laser at sumakto iyon sa posas na nasa kanang palapulsuhan ni Wren. Agarang tumama ang ilaw sa bakal at hindi pa lumilipas ang segundo ay tuluyan itong nahati sa dalawa na siyang naging rason kung bakit libreng naigalaw ng kaklase ang kaniyang kamay. Bagupaman kumalansing sa ibaba ang posas ay sinalo ito ni Mills nang sagayon ay hindi sila mapansin. Muling binalingan ng dalaga ang tingin sa hawak na laser pointer para usisahin kung paano niya ito napagana gayong wala naman talaga siyang ginawa.

"Nine..."

Hindi sinasadyang napatingin siya sa gawing ibaba ng laser kung saan niya pinasok ang kaniyang hintuturo. Nang hugutin niya iyon ay bigla na lamang namatay ang ilaw. At nang muli niyang binalik ang kamay sa butas agaran din itong nagliwanag.

"Eight..."

"Deputa ka, ang dami-dami mong kaeng-engan eh ipapasok mo lang pala daliri mo rito para gumana." Tahimik niyang konklusyon saka muling inabala ang sarili sa pagle-laser ng kadena. Lihim na lamang siyang nagpapasalamat dahil hindi pa bumabalik ang maestro rito sa gawing harap kung saan niya iniwan si Wren. Idagdag pa na may kaliitan ang hugis ng hawak kaya hindi talaga ito nakakatawag nang pansin.

"Seven..."

Nang maaalis na niya ang posas sa kanan ay muli niya ulit itong sinalo saka itinabi. Maingat niyang nilapag iyon sa sahig nang sagayon ay hindi ito makagawa ng ingay. Sinunod niyang paglaanan ng atensyon ang mga kadena sa gawing braso ni Wren.

"Six..."

Nang matapos siya ay hindi pa rin umaalis si Wren bagkus ay maingat niya lang na ginalaw-galaw ang kaniyang dalawang kamay para kahit papaano ay lumuwag nang lumuwag ang mga kadena sa katawan niya.

"Five..."

Matapos makasiguro si Mills na makakawala na nang ilang sandali ang kaklase ay muli siyang kumilos pabalik sa pinanggalingan niya kanina. Isinawalambahala na niya kung ano na ang mangyayari sa susunod, dahil kahit wala pang kasiguraduhan, nakakatiyak na siya na paunti-unti na ngang umaayon sa kaniyang kamay ang kanilang sitwasyon.

"Four..."

Pinanatili niyang bukas ang tainga para bantayan ang countdown ng maestro kahit wala naman talaga siyang pakialam sa larong gusto nitong mangyari. Nais niya lang na sakyan ito pansamantala.

"Three..."

Nang makapwesto na siya sa gawing likod ng aparador kung saan siya nanatili kanina ay maingat niyang isinandal ang sarili. Muli niyang tinignan ang estado ng kaniyang braso subalit hindi pa rin talaga ito naghihilom, tila ba malalim nga ang natamo niyang sugat kaya kahit ang regenerative abilities niya ay natatagalan din sa pagpoproseso.

"Two..."

Nang makakuha siya ng panibagong tiyempo ay sumilip siyang ulit sa kinaroroonan ni Winston, may hawak pa rin itong control at dahil nga sa ginawa niyang hakbang ay wala na siyang ideya pa kung kaparehong remore pa rin ba iyon na nagpapagana sa paralyzing laser o mula na ba iyon sa iba pang machines na nandito.

"And one!" Pasigaw nitong sabi na siyang bahagya ring nagpagulat sa kaniya. Atat na atat nitong nilibot ang mata at nahalata kaagad ni Mills kung paano dumaan ang gigil sa mukha ng katunggali.

"Your time is up, Mills!" Dagdag pa nito na siyang nagtulak sa kaniya para lumabas.

Pabagsak siyang napaluhod sa sahig habang hawak-hawak ang duguan niya pa ring braso. Alam niyang papatayin pa rin naman siya nito kahit ano pang kondisyon ang gawin ng kaniyang guro kaya mas mabuti pa kung magpapakita siya nang harap-harapan. Sinalubong siya ng maestro nang may malawak na ngisi at sandaling pumalakpak.

"You failed," diretsa nitong sabi saka siya dinuro. "Narinig mo naman siguro ang rule, hindi ba? So might as well brace yourself."

Saktong pagpindot ng guro sa button ay muling lumukob sa sistema ni Mills ang napakapamilyar na pakiramdam. Kahit nakapikit siya ngayon ay ramdam niya kung paano muling naparalisa ang kaniyang katawan subalit aa halip na kabahan ay mas pinili niyang maging kalmado.

"Bioroid X..." nang tawagin ni Winston ang pagkakakilanlan ng kaniyang bioroid ay doon siya nagdilat ng mata. Sinalubong niya nang diretso ang tingin ng kaniyang guro nang walang bahid na pag-aalinlangan. Hindi na siya nakakaramdam pa ng agam-agam ngayon dahil sa puntong 'to, alam na niya ang gagawin.

"I want you to kill yourself." Kusang iniangat ni Mills ang kaniyang kamay at doon ipinatong ng guro ang panibago na namang kutsilyo sa kaniyang palad.

"Again, what is your number one rule?"

"My number one rule is..." sandali siyang huminto bago ininangat ang kamay na para bang nag-iipon na siya ng lakas para bumwelo. "To disobey your rule." Nang idugtong na niya iyon ay kinain nang gulat ang kaharap.

Hindi kaagad nakasagot ang maestro matapos marinig ang idinagdag niya. Nandoon ang magkahalong pagkalito, pagtataka at pagkabahala na siyang lihim na nagpangisi sa dalaga.

"W-what?"

"There is a one fact that you've forgot about her, Sir." Singit ni Wren at walang pasa-pasabing tumayo na siyang naging dahilan kung bakit nagsilaglagan ang mga kadena sa sahig. Mabilis na napalingon si Winston sa pwesto ng kaniyang isa pang estudyante at halos dumugin siya ng pagtataka kung paano ito nakawala.

"She was made by my great grandfather. Si Professor Warlito Soriano— ang haligi ng makabagong siyensiya," sugtong niya bago nagpagpag at inalis ang mga alikabok na dumikit sa kaniyang suot na uniporme. "She might be carrying a bioroid feature but he assured that she will grow as a  human and not as a robot."

"Hindi dinugtungan ni Lolo ang buhay ni Mills para i-claim siyang isa sa mga invention niya. At mas lalong hindi niya ginamit ang mechanical heart at biogenetic blood para palitan ang pagkakakilanlan ng kaklase ko. You cannot control her because she knew what she is," dire-diretsa niyang hayag. "Siya si Mills Santero at hindi si Bioroid X." Pagtatapos niya saka taas-noong hinarap ang maestro na ngayon ay hindi pa halos maproseso ang kasalukuyang nangyayari.

"N-no. This is so fucking r-ridiculous."

"This is not, Sir," madalian niyang sabat. "You are the one who is blinded by the wrong fact and not us."

"Fool, this is not tr—"

"So might as well accept the fact that you got dethrone again by another Soriano. Tanggapin mo na lang na napabagsak ka ng mga sarili mong estudyante." Huli niyang sabi na siyang naging rason kung bakit wala sa wisyong naisabunot ng kaharap ang kaniyang buhok at sunod-sunod na umatras na siyang naging rason kung bakit tumama ang likod nito sa mesa at doon nagsihulog ang iba't-iba niyang mga imbensyon.

"Mills..." tawag ni Wren sa dalaga na kaahad din namang sinalubong ang tingin niya.
"Shall we?" Aya niya saka inilahad ang kamay senyales na inaanyayahan niyang sumama ang kaklase sa kaniya.

Hindi pa man nakakasagot ang dalaga ngunit bigla na lamang nagkaroon ng pagyanig ang paligid. Isang senyales na may bago na namang bomba ang sumabog subalit sa puntong 'to ay malapit ito sa kanilang pwesto.

Walang alinlangang hinila ni Mills ang kamay ng kanilang guro saka niya iyon dahan-dahan na inalalayan palabas. Maingat niya rin itong pinayuko nang sagayon ay hindi ito matamaan ng mga nagsibagsakang tipak ng semento.

Hindi na rin nagulat pa si Wren sa inasal ng kaklase, likas na talaga sa personalidad ng kasama ang tumulong sa kahit sino at kahit pa sa taong may malaking atraso sa kanila. Saktong paglapit nila sa pinto ay nagrepresenta na itong siya ang magbukas no'n.

"J-just leave me here," bagsak-balikat na sambit ni Winston nang hindi man lang tinitignan ang estudyante. "Iwan mo na ako rito, Mills. H-hayaan niyo na ako ni Wren na mabulok sa lab ko. W-wala na akong mukhang maihaharap pa sa lahat kaya i—"

"Hindi ka namin iiwan dito, Sir," tutol niya. "Dahil gaya nga ng sinabi ko kanina, kailangan ka pa ni Zigler. Kinakailangan ka pa niya hindi bilang guro kundi bilang isang tatay."

"Kaya sana..." pansamantala siyang huminto para lingunin ang guro. "Ibigay mo na sa kaniya iyong atensyon at pagmamahal na hinihingi niya mula sa'yo. Huwag mo na sana siyang i-disappoint sa pagkakataong 'to."

Nang hindi ito nakasagot ay tinuon na ni Mills ang kaniyang atensyon sa pag-akay sa maestro habang sinusundan si Wren na siyang nangunguna sa pagtakbo.

Hindi maiwasan ni Winston na malumanay na tignan ang kaniyang estudyante, matagal niya na ring napapansin ang ugali nito ngunit dahil nga sa katotohanan na sa ibang bata siya nakatingin, nawalan siya ng pakialam kay Mills at hindi halos nasubaybayan kung paano ito hinubog nang hinubog ng Juanico High. Isang bagay na hindi niya maitatangging pinagsisihan niya dahil kung mas kinilala niya pa nang ganito kaaga ang bata, baka hindi pa siya umabot sa ganitong sitwasyon.

"Here!" Sa pinakadulo ng hallway sa gawing labasan ay doon nila natanaw ang dalagang bagong dating. Kumakaway ito sa kanilang pwesto hanggang sa unti-unti na nilang naaaninag ang napakapamilyar nitong pigura.

"Chloe!" Tawag ni Mills sa pangalan ng kaklase na siyang naging rason kung bakit hindi rin ito nakapag-antay sa dulo at sinalubong din sila. Saktong paglapit nito sa kanilang pwesto ay mabilis na dumapo ang tingin niya sa lalaking akay-akay ni Mills. Bakas ang kalituhan sa mukha nito ngunit mas pinili lamang niyang manahimik muna.

"Are we going home?" Kaswal na tanong ni Chloe sa kanila na siyang tinugunan lang ni Mills ng tipid na tango at ngiti.

"Oo, Chloe. Uuwi na tayo."

Akmang lalakad na sana sila ulit pero nahinto lamang iyon nang makita kung paano dumaan sa kanilang mismong ibabaw ng gusaling kinalalagyan nila ang isang jetplane at doon nito diretsong inihulog ang isang missile.

"Shit!" Mura ni Chloe matapos makita ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng bomba kaya naman ay madalian niyang nilingon ang pwesto nila Mills.

Hindi pa man nakakapagbitaw ng salita sila Wren ngunit agarang naitulak ni Mills ang katawan ng maestrosaka siya dagliang lumuhod upang protektahan ang katawan ng guro.

Ilang sandali pa ang lumipas at ramdam na nilang tatlo ang matinding pagyanig at sunod na lang nilang naramdaman ang pagbagsak ng naglalakihang tipak ng semento at mga bubog ng salamin na tumama sa kanila rito sa ibaba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top