Chapter 42: Face off
Saktong pagliko ni Mills sa pinakahuling pasilyo ay ang siyang paghinto ng kaniyang mga paa. Kaagad na pumasok sa kaniyang tainga ang mga maliliit na tunog na nagmumula sa kalangitan. Dulot ng pagtataka ay lumapit siya sa corridor at bahagyang tumingala nang sagayon ay makita niya kung ano na nga ba ang kasalukuyang nangyayari sa labas.
Sa pagtama ng kaniyang tingin sa itaas ay doon niya pa mas klarong nakita ang mga jetplanes na paikot-ikot sa kanilang eskwelahan. Kapansin-pansin din na mababa ang lipad ng mga iyon at naagaw din ng kaniyang pansin ang tila patulis na bagay na nasa gawing gilid ng magkabila nitong pakpak.
"Missile ba 'yan?" Hindi niya siguradong tanong saka pinaningkitan ng tingin ang bagay na iyon. Ngunit nang hindi pa rin niya makumpirma ang nakita ay doon na siya nagbaba ng tingin para muling magpatuloy sa paglalakad. Sa bawat paglayo ng kaniyang hakbang ay hindi niya maiwasang alalahanin ang ipinangako ni Earlyseven. Hindi na rin siya magawang makapag-antay pa na muling makasama ang mga naging kasangga niya sa outbreak na 'to. Umaasa rin siya na kung saka-sakali mang nakababa na nang ligtas at kompleto ang Aries, sana lang ay may makatagpo ang mga kasama ng rescuers.
May parte sa kaniya na gusto na niya talagang umalis lalo na at batid niya na rin na mayroon ng mga sundalo na nasa loob ng kanilang eskwelahan at kung tutuusin ay pwedeng-pwede na siyang sumama. Ngunit sadyang hindi niya lang talaga ugali ang mang-iwan.
"Hindi ako aalis ng Juanico High hangga't hindi ko nakukuha si Wren." Mahina niyang sambit sa sarili hanggang sa huminto ang kaniyang mga paa sa mismong tapat ng nakasaradong pinto. Sa loob ng ilang taong panananatili niya sa eskwelahang 'to at sa makailang ulit niyang paglabas-masok sa lab, ngayon lang siya nakaramdam ng kakaiba. Tila ba nagmukhang tarangkahan ng impyerno ang pinto sa kaniyang mga mata at ang nakakapanindig-balahibong awra na pinapakawalan ng pinto ang siyang mabilis na yumakap sa kaniyang balat.
Subalit sa halip na tumunganga sa labas, mas pinili niya pa ring pihitin ang seradora. Saktong pagbukas niya ng pinto ay ang siya namang pagsindi ng fluorescent sa loob ng silid na para bang inaanyayahan talaga siya nitong pumasok. Sandaling nilibot ni Mills ang loob ngunit gaya nga ng inaasahan ay puro mga libro at estante ng iba't-ibang science collection lamang ang nandito. Walang pasa-pasabi niyang hinakbang ang kaniyang mga paa papasok at maagap na nag-antay kung ano na ang susunod na mangyayari.
"May pa see you see you pa siyang nalalaman pero siya naman pala iyong wala rito. Gaguhan lang?" Hindi niya mapigilang reklamo at inabala muna ang sarili sa paglilibot sa loob para na rin maghanap kung mayroon pa bang ibang pintuan ang silid. Muli niya na namang naalala ang mga umugong na usapan bagupaman nangyari ang outbreak, at iyon ay ang nakakapagtakang pagkawala ni Chloe. Tandang-tanda niya pa kung paano nagsipalitan ng teorya ang kaniyang mga kaklase at kung tama ang pagkakatanda niya. May nabanggit si Ledger na baka may iba pang tagong pinto ang opisina ni Sir Winston. Bagay na gusto niyang kumpirmahin kung totoo ba o hindi ang tinuran ng kaklase.
Pinasadahang mabuti ni Mills ang loob at ni kahit isang bagay ay wala siyang pinaglapas. Dahan-dahan niyang nililipat ang kaniyang mata sa kagustuhang mahanap ang pakay.
"Sarili ko lang yata niloloko ko." Wala sa wisyo niyang sabi nang wala talaga siyang pintong nakita. Bagsak ang balikat niyang tumigil sa ginagawa at mag-antay na lamang dito sa loob. Sa isip niya ay kung pakay talaga siya ng maestro, sigurado siyang miski ngayon ay pinapanood siya nito. Hindi niya nga lang magawang matiyempuhan kung saan lalo na't sa sobrang daming gamit dito sa Science Laboratory, aabutin pa siya ng siyam-siyam para makita ang hidden camera.
Kung titignang maigi ay napakaliit na ng room para magkaroon pa ng panibagong pasukan dito. Subalit ang hindi niya maintindihan, bakit dito pa napili ng maestro na makipagkita sa kaniya gayong base lamang sa naabot ng kaniyang mata, ay wala naman talagang kaespe-espesyal na makikita rito. Idagdag pa na wala sa loob si Wren kaya sigurado siyang hindi iyon dito.
"Kung bakit ba kasi hindi ko pa tinanong si Chloe kung may iba pa bang pinto sa lab. E 'di sana hindi ako nagmukhang tanga rito." May halong pagsisisi niyang sabi. Sa muling paghakbang ng kaniyang paa ay hindi niya sinasadyang masagi ang nakaharang na upuan na siyang dahilan kung bakit nawalan siya ng balanse. Dala ng pagkataranta ay kung saan-saan siya naghanap ng makakapitan hanggang sa nahagip ng kaniyang kamay ang kurtina sa bandang likod.
Nang maalis ang pagkakatakip ng kurtina ay doon bumungad sa kaniya ang lumang pinto. Wala itong anumang desinyo o kahit signage man lang na siyang labis na nakaagaw sa kaniyang pansin.
"Ito na kaya iyon?" Agaran niyang tanong sa sarili saka maingat na lumapit doon. Sandali niya pang tinitigan ang pintuan bago siya nagpasya na katukin iyon. Makailang beses niya pa iyong kinatok ngunit wala pa ring nangyayari, bagay na nagtulak sa kaniya para ikutin ang doorknob para pumasok. Umalingawngaw ang creaking sound nang itulak na ni Mills ang pinto at sumalubong sa kaniya ang madilim na silid. Halos kapahin na niya ang loob dahil wala talaga siyang kahit anong bagay na makita.
"Stock room yata to sa lab." Hindi niya siguradong konklusyon at bahagya pang nasira ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang nagsiliparan ang mga alikabok papunta sa kaniyang ilong.
Nangangapa siyang nagpatuloy sa paglalakad at sa hindi inaasahan ay may bigla siyang naramdaman sa hangin. Tila ba may isang bagay na papalapit sa kaniyang pwesto kaya dala ng adrenaline rush ay mabilis siyang gumilid at bahagyang tumihaya saka hinarang sa ere ang kamay para hulihin ang kung anumang paparating.
Nang saktong mapasakamay na niya iyon ay ang siya ring pagdausdos ng kaniyang dugo paibaba sa kaniyang palad. Ilang sandali pa ay lumukob sa silid ang mabagal na palakpak ng kung sino 'di kalayuan sa kaniyang pwesto. Kasunod ng kaganapang iyon ay ang pagsindi ng ilaw dito sa loob. Sandaling nanliit ang mata ni Mills nang tila nanibago ang kaniyang paningin sa labis na liwanag. Hindi niya rin mapigilang magkusot ng mata nang sagayon ay makaaninag siya nang maayos.
"As expected from you." Namamanghang tugon ng maestro bago nito binitawan ang hawak na remote. Isa itong uri ng controller mula sa isa sa mga pinakainiingat-ingatan niyang imbensyon.
Napaayos kaagad ng tayo si Mills bago tinignan ang may kaliitang bagay. Hugis baril ito ngunit sa halip na bala ang lumabas, talim ang pinapakawalan no'n at sa tulong ng night lens na nakapwesto sa gawing itaas ng bagay ay kaya nitong makakita kahit madilim.
Kinilatis iyon kaagad ng dalaga at miski siya ay hindi maiwasang maalerto lalo na't kung titignang mabuti, marami pang mga machine na nasa loob at wala pa siyang kahit katiting na idea kung ano pang kayang gawin ng mga iyon.
"Hindi nga talaga nagsisinungaling ang matandang iyon," panimula ng guro saka pinaikot ang inuupuang swivel chair. "You really have regenerative abilities in which it allows you to heal your wounds in no time."
"I wonder if that ability of yours could still heal a serious and deep wound?" Kuryosado nitong tanong bago muling kumuha ng panibagong kutsilyo, ngunit sa pagkakataong 'to ay medyo mahaba ito kaysa kanina at halata rin kung gaano ito katalim base lamang sa porma. Isang bagay na nagpaalerto kay Mills at agarang pumwesto para kung saka-sakali mang may gagawin na naman itong hakbang ay makakapaghanda siya. Lalo na ngayon na nakita niya na umaatake patalikod ang kaharap.
"'Tong batang 'to talaga oh. Hindi ka naman mabiro, hija. Di'ba uso sa generation niyo ngayon 'yang jokes?" Natatawa nitong komento at walang pasa-pasabing hinagis ang hawak patungo sa pwesto ni Wren na nanatili pa ring nakaupo sa gawing gilid habang may duct tape ang bibig. Kitang-kita ni Mills kung paano dumaan ang kutsilyo sa ilalim ng buhok ng kaklase at saka iyon tumama diretso sa dingding.
"Ay sorry nadulas." Pabiro nitong panghingi ng paumanhin bago mag-isang humalakhak.
"Ano nga ulit iyong term niyong mga Generation Z sa mga biro-biro na 'yan?" Muli na naman niyang tanong subalit sa halip na sumagot ay mas pinili ng dalaga ang manahimik. "Ah tama, charot pala iyon." Natatawa nitong sabi nang tuluyan na niyang maalala ang salitang nais niyang banggitin.
"Diretsahin mo na ako." Hamon ni Mills sa kaniya nang hindi kababakasan ng kahit ano mang pagbibiro. Hindi maiwasan ni Wren ang kabahan sa kaniyang nakikita kaya kahit mahirap man ay sinubukan niya pa ring kumawala mula sa mga kadena sa kagustuhang makaalis.
"Hay, ganito na yata siguro ang mga kabataan ngayon..." may halong pagkadismaya niyang sabi. "Pinapairal ang katigasan ng ulo at nagpapadalus-dalos pa sa paggawa ng plano."
"Ano sa tingin mo, Mills?" Hirit niyang tanong sa dalaga saka nagpaikot ng ballpen sa kamay. "Ano sa palagay mo ang rason kung bakit pinapunta kita rito?"
"Gusto mo 'kong makuha, tama?" Hayag ng dalaga nang hindi inaalis ang mata sa kausap. "Nagkaroon ka ng interest sa'kin dahil sa mechanical heart na nasa loob ng katawan ko."
Gumuhit ang matagumpay na ngisi sa labi ni Winston bago inayos ang kaniyang suot na salamin.
"Well I guess, you already knew what or who are you," komento nito nang hindi siya tinitignan. "At tama ka, interesado nga ako sa iyo dahil sa mechanical heart na naka-infused sa katawan mo."
"Pero alam mo ba kung saan ka nagkamali?" Saglit siyang huminto para tumayo. Dahan-dahan itong naglakad patungo sa isang puting mesa at pinasadahan ng tingin ang iba't-ibang device at equipment na nakapatong sa ibabaw no'n. "At iyon ay ang nagdesisyon kang pumasok dito."
Nang bitawan niya ang mga katagang iyon ay tila napahinto si Mills sa kinatatayuan niya. Aminado siyang delikado siya sa lagay na 'to lalo na't alam niya na hindi niya teritoryo 'to, pero tila ba may gusto pang ipahiwatig ang mga salita ng guro na sa sobrang lalim ay hindi niya matukoy kung ano ba ang eksakto nitong pinupunto.
"Knowing your physical traits along with your strength is a must for you. And based on how you act, it is enough for me to conclude that you forgot to figure out about your weakness." Paunang sambit ni Winston bago dinampot ang panibagong control device.
"A bioroid is quite similar to artificial intelligence but seems to be much advance to efficient insensitive forms of a mechanical human," paliwanag niya na para bang nasa kagsagsagan na naman siya ng kaniyang panibagong leksyon. "Name all those advancement forms of a being if you want. But if you put your eyes closely to them, there you'll see that no matter what forms they have, they are still a robots."
"Pare-pareho lang sila na nangangailangan ng power para gumana. Pero, magkakaiba nga lang sila ng sources," sandali siyang huminto at itinagilid ang ulo para silipin ang gawi ni Mills. "Let's take you as an example, you cannot use your mechanical heart without the help of your biogenetic blood. At sa oras na magkaroon ng conflict ang pagdaloy ng blood substitute na 'yan sa mga ugat mo, paniguradong mamamatay ka."
Nang bitawan na niya ang mga katagang iyon ay doon puminta ang gulat sa mukha ni Mills. Pero may mga tanong pa rin na gumugulo sa kaniya dahil sa pananatili niya sa ganitong postura, hindi pa siya nakakaramdam ng kahit katiting na panghihina. Isang bagay na nagpabagabag sa kaniya lalo na't alam niyang posibleng may hangganan din ang paggamit niya sa kakayahan niyang ito.
Saktong pagpindot ng maestro sa remote niyang hawak ay doon umalingawngaw sa loob ang static sound na miski si Mills ay bahagya ring narindi dahil sa hindi kaaya-aya sa tainga nitong tunog. Ngunit ang mas naapketuhan nang todo no'n ay walang iba kundi si Wren na halos kumawala na sa kinauupuan niya para lang takpan ang kaniyang pandinig.
"AHH!" Malakas nitong sigaw na siyang naging rason kung bakit pati ang duct tape sa bibig ng dalaga ay unti-unti na ring natatanggal. Muli na naman siyang nagpumiglas ngunit sa halip na makawala ay mas lalo lamang na humigpit nang humigpit ang mga posas at kadena nito sa katawan.
"M-make it s-stop!" Pakiusap niya sa maestro na kaagad din namang hininto ang tunog. Saktong pagkawala ng static sound ay ang siyang pagbagsak ni Wren sa kaniyang kinauupuan na tila ba naubusan na ng lakas. Hindi nakatakas sa mata ni Mills ang napakaraming dugo na lumabas sa ilong at tainga ng kaklase na ngayon ay hindi na halos makagalaw pa.
"See?" Baling ng guro sa dalaga at doon nilapag muli sa mesa ang control. "She might possessed the advance form of a zombie, but she still have the same weakness as them."
"Naintindihan mo na ba?" Tanong nito na siyang hindi niya sinagot. "This might be sound too complicated to consume pero iyon talaga ang totoo."
"Lilinawin ko na sa'yo ang lahat, Mills..." umayos siya ng tayo at pinukol nang diretso ang mata sa pwesto ng kaniyang estudyante. "Nandito ka sa lab ko hindi para magkaroon ka ng karagdagan pang impormasyon tungkol diyan sa pagkatao mo kundi dahil sa nagiging sagabal ka na sa mga gagawin kong plano."
"Kasali pa rin ba si Zigler sa mga plano mo, Sir?" Biglaang tanong ng dalaga na siyang nakapagpahinto sa maestro. "Kasali pa rin ba ang anak mo sa mga susunod mo pang mga hakbang o nagiging makasarili ka na?" Sandaling natahimik ang guro na tila ba hindi nito inaasahan ang magiging tanong ng kaharap.
"This caught me off guard. A bioroid was supposed to act like a robot who cannot think outside the box, but look at you. Damn, things are really getting more and more exciting from now on..." namamangha niyang sambit bago maikling natawa. "Since you amazed me for this time. Pagbibigyan muna kitang habaan pa nang kaunti ang usapan natin."
"The moment I've entered this world full of systematize study of uncovering the general truth of this macrocosm, si Zigler na ang naging sentro ng pangarap kong maging successful na scientist. Siya ang naging lakas at inspirasyon ko sa loob ng mundong pinasok ko," kwento nito saka nilapitan si Wren. Akmang kikilos na sana si Mills dahil buong akala niya ay may gagawin na naman itong hindi maganda sa kaklase ngunit inalis lang pala nito ang collar sa bandang leeg ng dalaga. "Frankly saying, hindi ko naman talaga pinangarap na maging isang scientist. Ni minsan nga hindi pumasok sa isip ko na maging ganito ako kabaliw sa siyensiya. At mas lalong hindi ko nakita iyong sarili ko na magtatrabaho sa loob ng Pharmaceutical."
"Right from the first place, I dreamed about becoming a priest. Pero sadyang lapitin ako ng tukso kaya hindi natuloy ang pangarap kong iyon," dagdag niya pa. "Nakilala ko ang mama ni Zigler sa Cathedral, lector siya at sakristan naman ako no'ng mga panahong iyon. Ilang taon din kaming magkarelasyon hanggang sa nagbunga nga ang pagsasama naming dalawa kaya inalis ko na sa isip ko ang sakramento kong pagsisilbi dahil nagkapamilya na ako."
"You might not believe me, but this Winston that standing here right in front of you was quite different from the Winston that I was before," mahinahon nitong dugtong at kahit nakatalikod ito kay Mills ay nagawang matukoy ng dalaga na mapait itong nakangiti base lang sa paraan ng pagbitaw ng mga salitang iyon. "I've changed since the moment that my missis died after she gave birth to my son, at magmula ng pangyayaring iyon, nagbago ako. Hindi na ako iyong dating may mataas na pananampalataya sa Panginoon. Binago ng trahedyang iyon iyong buhay at paniniwala ko."
"Mag-isa kong pinalaki ang anak ko hanggang sa malaman ko na lang na may kondisyon siya, at iyon ang nagtulak sa'kin na pasukin ang siyensiya sa kagustuhan kong mabuhay siya. Si Zigler na lang ang natitira niyang ala-ala sa'kin kaya hindi na ako makakapayag pa na pati siya, mawala sa buhay ko..." sandali itong huminto para ituon ang pansin sa screens. "Minulat ako ng science, Mills. Pinakita nito sa'kin kung ano nga ba ang totoong mundo. Ang mundo sa labas ng mga walang katotohanang kasabihan at ang katotohanan mula sa baluktot nating paniniwala."
"Magmula no'ng nagtrabaho ako sa ilalim ni Professor Warlito, doon ko nakita na walang Diyos," seryoso niyang sabi. "There are no scientific experiments that prove the existence of God. Walang katiting na eksperimento na magpapatunay na totoo nga siya."
"And to answer your question..." pansamantala muna siyang huminto saka tinanggal ang suot na salamin para punasan. "Zigler is not a part of this anymore. He might be the reason why I chose this path, but all this stuff that happened during this outbreak, is not about him."
"I almost spend the half of my life finding cure for him, siguro naman oras na para sarili ko naman iyong isipin ko. Tapos na iyong pagiging ama ko sa kani—"
"Kailanman ay hindi natatapos ang role mo bilang tatay para kay Zigler, Sir," madaliang tutol ni Mills nang tuluyan na siyang nakahanap ng tiyempo para makasingit. "Hindi naman siguro por que gumaling na siya mula sa sakit na iyon ay basta-basta mo na lang siyang pababayaan, di'ba?"
"Ikaw na nga mismo ang nagsabi na ayaw mo siyang malayo sa'yo, tama? Pero bakit parang ikaw pa yata ang gumagawa ng paraan para mapalayo siya sa'yo?" Tila naguguluhang tanong ng dalaga. "Kaya niyo ho bang tiisin na mag-isa siya ngayon? Ni wala nga ho tayong balita kung nasaan siya o kung ligtas na ba siya. Wala ka ba talagang planong puntahan iyong anak niyo? Nilaan niyo na iyong buong buhay niyo sa paghahanap ng cure niya, kaya sigurado akong wala ka ng time para sa kaniya kaya ma—"
"Ano bang alam mo sa ganitong usapan ha, Mills?" Madaliang tutol ng maestro saka siya nilingon. "Ano bang alam mo sa pagiging ama ko sa kaniya? Kung tutuusin eh bata ka lang naman at pa—"
"Siguro nga ay bata nga lang talaga ako. Pero ramdam ko ho iyong feeling na wala akong tatay sa tabi ko, Sir..." diretsahan niyang sagot sa kausap. "Alam niyo bang isa sa mga insecurities ng isang anak ang makita niya iyong ibang bata na may tatay silang nakaka-bonding samantalang siya wala?"
Sa sinabi niyang iyon ay hindi kaagad nakapagsalita ang kaharap bagkus ay nakatingin lamang ito sa kaniya, sinamantala na rin ng dalaga ang pagkakataong iyon para makapagpatuloy sa pagsasalita.
"Medyo swerte nga pa nga ho ako kay Zigler, kung tutuusin. Kasi tanggap ko pa sa parte ko na kahit wala akong magulang, may Kuya at Loli naman ako. At least, kahit wala akong papa, may tao pa ring kumakalinga sa'kin. Pero alam niyo ho ba kung ano iyong mahirap para sa side niya?" Saglit siyang huminto na para bang inaabangan niya ang magiging reaskyon ng maestro. "Iyon ay ang may kasama nga siyang tatay pero wala namang pakialam sa kaniya."
"Hindi mo ba ako narinig, hija?" Magkasalubong ang kilay niyang sabi. "Kasasabi ko nga lang na inaabala ko iyong sarili ko sa paghahanap ng gamot para sa kaniya, di'ba? Ano, mukha ba akong sirang plaka rito na kinakailangang magpaul—"
"Magkaiba ho iyong gumagawa ng paraan para sa ikabubuti ng anak sa naghahanap ng paraan para makapiling iyong anak, Sir," tuloy-tuloy niyang sabi nang hindi man lang nag-abalang patapusin muna ito sa pagsasalita. "Ni minsan ba tinanong mo si Zigler kung ano iyong eksaktong bagay na gusto niya? Hindi pa, tama? Kasi sa sobrang busy mo, paniguradong nakakalimutan mo na ring kamustahin siya."
Aminado siyang hindi sila gano'n kalapit ni Zigler lalo na at hindi rin naman niya ugali na makipagkaibigan sa hindi niya kaklase pero hindi naman siya bulag para hindi makita kung papaano ito napapasabit sa Bermuda Triangle.
"Hindi ho ba kayo nagtataka kung bakit lagi siyang sabit sa mga kalokohan nila Quincy?" Dagdag niya pa ngunit gaya ng inaasahan ay walang imik siyang tinignan ng kaharap. "Kung bakit halos buwan-buwan ka na lang naglalabas-masok sa Guidance Office para maabswelto siya sa sermon nong Guidance Counselor?"
"Kasi iyon na lang iyong nakikita niyang paraan para mapansin mo siya. Tatay iyong kailangan niya, Sir at hindi 'yang gamot." Sa huli niyang mga tinuran ay doon na nag-iwas ng tingin ang guro. Buong akala ni Mills ay matatauhan ito sa mga sinabi niya ngunit taliwas sa kaniyang inaakala ang sumunod na kaganapan.
"Do you know what's the thing that I really dislike the most?" Pag-iiba ng maestro sa usapan bago nag-iwas ng tingin. "And that's when someone is trying to change my perspective in life."
"At alam mo rin ba ang ginagawa ko sa mga taong nagmamagaling?" Muli niyang dugtong saka pinaglaruan ang panibagong remote. "Pinapatahimik ko." Nang bitawan na niya ang mga salitang iyon ay mabilis niyang pinindot ang kulay berdeng button.
Mabilis na nagsilabasan ang napakaraming lasers na nakatutok diretso sa pwesto ni Mills. Kung titignan ay para lamang itong normal na pulang ilaw ngunit hindi para sa dalaga, ibang-iba ang tama ng mga red beams na iyon sa mismong katawan niya.
Sa hindi malamang dahilan ay para bang naparilisa ang katawan niya kaya hindi siya makagalaw. Ni kahit anong pilit niyang kumilos ay hindi niya magawa sa hindi niya matukoy na rason.
"Bioroid X... you lend your ears on me." Biglaang tawag ng guro na siyang mabilis niyang nilingon. Isang bagay na hindi niya magawang intindihin dahil tila may kung anong bagay sa kaniyang loob na nagpupumilit siyang kontrolin.
"You are made to follow an order, right?" Nang saktong pakawalan na ni Winston ang mga salitang iyon ay doon niya hinagis sa pwesto ng kaniyang estudyante ang patalim na nasa mesa. "Then show it to your new master."
"Your first order is, I want you to kill yourself." Sa halip na umiwas ay mas pinili ng katawan ni Mills na saluhin ang paparating na kutsilyo. Bakas na bakas sa kaniyang mukha ang labis-labis na pagtutol ngunit kahit anumang paraan ang gawin niya ay hindi talaga siya makaalis. Tila ba tinatraydor na siya ngayon ng sarili niyang katawan.
"Again, what is your order?"
"Kill myself." Diretsa niyang sagot na siyang muli na namang nagpagulat sa kaniya. Hindi niya halos maintindihan ang nangyayari lalo na't tila may kung anong presensya na nag-uutos sa kaniya na gawin iyon at kung anuman ang rason sa likod nito, iyon ang hindi niya magawang matukoy.
"Then do it." Matapos iyong banggitin ng guro ay kusa na lamang na umangat ang kanang kamay ni Mills na may hawak na kutsilyo saka niya iyon itinutok nang diretso sa kaniyang mismong dibdib.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top