Chapter 41: Bioroid

"Kaya pala nagkaroon ng pambihirang lakas si Mills dahil isa siyang bioderm?" Gulat na konklusyon ni Corbin matapos marinig ang mahaba-habang paliwanag ni First. Ilang sandali pa ay lumipad ang mabigat na kamay ni Ryder sa kaniyang batok na siyang naging dahilan kung bakit napayuko ito sa sakit.

"Bioroid iyon, gago." Mariin nitong pagtatama bago sila nagsamaan ng tingin.

"But I don't get it..." nakakunot-noong tugon ni Ledger. "If she's living her life in an inhumane way after that transplant, then bakit bigla-bigla na lang siyang nagnonosebleed at nagsusuka ng dugo? As far as I know, a bioroid doesn't bleed."

Bakas sa mata ng binata na labis itong naguguluhan at nahalata rin ng mga kasama niya na naghahanap siya ng sagot.

"That's because the more she exceed her strength capacity, the more na mas nagiging active iyong biogenetic blood na nasa loob niya to the point na naco-consume nila iyong katawan ni Mills. At ang mangyayari, magkakaroon ng excretion process at doon na lalabas sa katawan  niya iyong dati niyang dugo." Panimula ni First na siyang mas lalong nagpagulo sa mga nandito. Pare-pareho silang natahimik senyales na inaantay pa nila ang mga susunod niyang paliwanag.

"Sa totoo lang, hindi naging madali iyong pagpayag ni Sister Rica na maoperahan si Mills dahil masyadong risky iyong mechanical heart ni Prof Soriano. Pero dahil nga sa wala silang makitang donors, wala siyang ibang nagawa kundi ang pumayag at kumapit sa nag-iisa nilang daan para lang  mabuhay ang kapatid ko," sandali siyang huminto para alalahaning mabuti ang mga memoryang nagiging malabo na sa kaniyang ala-ala dahil bata pa rin siya no'ng mga panahong iyon. "Patago nilang ginawa iyong transplant dahil sa sobrang known no'ng invention na iyon, alam ng mga taga-lab na maraming maghahabol sa mechanical heart at gamitin sa hindi tamang pamamaraan. At nagdecide rin ang mga surgeon na ilihim kung sino iyong batang ooperahan nila dahil sa oras na ma-leak iyong information na iyon, paniguradong mapapahamak si Mills."

"Para lumaki siyang normal gaya ng ibang bata, ibinilin ng Professor kay Loli na huwag i-overuse iyong lakas niya para hindi niya magamit iyong bioroid traits. Pero may mga pagkakataon lang talagang hindi niya kami sinusunod kaya siya nagkakaroon ng sumpong." Paglilinaw niya bago sumandal sa pader.

"Pero..." saglit na huminto si Cody at bahagyang nag-aalangan kung itutuloy niya ba ang kaniyang tanong o hindi. Ngunit nang senyasan siya ni First ay doon na siya naglakas-loob na tumuloy.  "Ano bang mangyayari kay Mills sa oras na ma-exhibit na niya iyong lahat ng necessary features sa pagiging isang bioroid?" Agaran niyang dugtong. Hindi maiwasan ni Cody ang magtaka lalo na at base lamang sa nangyari kanina no'ng nagkasagupa si Mills at si Quincy ay tila ba dumating na nga sa rurok ng kakayahan ang dalaga. Ngunit hindi nga lang niya magawang matukoy kung ano ba ang susunod na mangyayari sa naturang kaklase.

"She's going to be the very first bioroid who'll carry the mentality of a human." Diretsang sagot nito na siyang naging rason kung bakit muli na naman naagaw ni First ang atensyon  ng mga kasamang nandito.

"This... this is crazy." Sambit ni Dillon bago napahilamos ng mukha.

"Bago pa man mag-umpisa iyong operasyon niya, binalaan na kami ng mga surgeons na baka hindi na siya makakabalik sa dating siya sa oras na matapos iyong transplant, given the fact na mechanical heart iyong ililipat sa kaniya. Kahit alam nilang napakaimposibleng makaakto pa ng normal si Mills at may posibilad pang makalimutan niya kami sa oras na magawa iyong transplant, tinanggap pa rin nila Loli iyong paliwanag ng mga doctors at pumayag silang ituloy iyong operasyon, but..." muli ay huminto siya para tignan ang mga kasama, "their claims turned out to be erroneous assumptions because an unforeseen result showed up."

"Anong nangyari pagkatapos?" Atat na tanong ni Corbin.

"Dahil nang magising si Mills, nabigla na lang sila nang nakakaramdam pa rin siya ng emosyon at naaalala niya pa rin kami. We all knew that artificial intelligent systems do not have emotions, right? But she still can. Isang uri ng resulta na halos hindi nila inakala dahil hindi iyon iyong outcome na ini-expect nilang mangyayari," paliwanag ulit ng binata. "Hindi rin namin masabi na naka-program lang iyong emotions na pinapakita niya since wala namang chip na naka-insert sa katawan niya. Her emotions and feelings  remained pure."

"I-Impossible..." Nauutal na komento ni  Dillon matapos marinig ang mahaba-habang paliwanag ng kasama. Miski siya ay hindi rin makapaniwala sa lahat ng kaniyang mga narinig. Lalo na at sa tana ng buhay niya ay hindi niya magawang maisip na darating ang panahon sa punto na kayang-kayang buhayin ng siyensya at teknolohiya ang isang tao. Ngunit sapat na ang pagiging saksi ng mga kaklase ng kapatid ni First para patunayang totoo nga ang ipinagtapat nito.

Akmang magsasalita pa sana ang dalaga ngunit natagpuan niya na lamang ang sarili na napahinto nang bigla na lamang kumalabog ang pinto. Magkasabay silang lahat na napalingon sa naka-locked na pintuan bago sandaling nag-antay. Sa muling pagkalabog nito ay doon na nga nagsitumbahan ang mga upuang ginamit nilang pangharang, bagay na nakapagpaalerto sa kanilang lahat.

"W-what the hell was that?" Dumaan ang matinding takot sa mukha ni Dillon nang patuloy pa ring dumadagundong ang pinto.

"I knew that there are people inside. Open this door!" Utos ng isang baritonong boses na nagmumula sa labas at muli na namang naulit ang kalabog.

Walang pasa-pasabing tinakbo ni Cody ang pinto at agarang hinila ang patung-patong na mga upuan. Ilang sandali lang ay nagtulong-tulong na ang lahat sa paglipat ng mga silya para mabuksan iyon. Mabilis na pinihit ng binata ang seradora at saktong pagbukas niya ay sumalubong sa kaniya ang isang grupo ng mga sundalo.

"Serpent, Viper,  go and check their temperatures." Utos ng Captain na kaagad namang  sinunod ng dalawa.

"37.6° Celsius detected." Nang lampasan ni Serpent si Cody ay doon na siya gumilid para bigyan ng daan ang mga bagong dating nang sagayon ay makapasok sila sa loob ng kanilang kinukubliang silid.

"I assume na kayo iyong nagpadala ng mensahe sa base?" Tanong ng Captain saka sila tinignan isa-isa. Nang matuon ang atensyon ng lalaki sa gawing gitna kung saan kapwa nakatayo ang tatlong Seniors ay doon nito hininto ang kaniyang tingin.

"Yes, Sir.  Thank you so much for your quick response." Tugon ni Kimber matapos maialis sa kaniyang noo ang infrared thermometer.

"Quick amputa, eh halos dalawang linggo na nga iyong lumipas bago tayo napuntahan ng res—" kaagad na naputol ang winika ni Corbin nang sikuhin siya ni Yohan.

"Okay kids, I want all of you to listen." Pagkuha ng Captain sa kani-kanilang atensyon. Muling nilibot ng head ang kaniyang mata para tignan kung mayroon ba sa kanilang nandito ang may tinamong injury. "I want you guys to brace each of your selves because we are now taking all of you out of here. Kayo na lang ang natitirang survivors na na-detect ng system radar namin. Ibig sabihin, kayo na lang talaga ang natitirang survivors dito sa Juanico High."  Deklara nito na siyang naging dahilan kung bakit bumakas ang matinding pagtutol sa mukha ng Aries.

Gustuhin man nilang magsalita para sana mangatwiran na may mga kaklase pa silang wala ngunit hindi mahanap ng kanilang utak ang tamang mga salitang gagamitin lalo na't aminado silang purong tao lang ang nahahagilap ng radar. At kung ipagpipilitan pa nilang isingit ang kasalukuyang estado ng mga wala rito ay tiyak na magkakaroon ng komplikasyon sa kanilang paglikas.

"W-wala po ba talaga kayong nakitang ibang survivor bukod sa'min, Sir?" Tila naninigurong tanong ni Ryder nang hindi pa rin niya matanggap ang sinambit ng kaharap.

"Frankly saying, we encountered two more survivors on our way here, kaso nagkaroon ng problema kaya hindi namin sila naisalba." Nang bitawan ng Captain ang mga katagang iyon ay doon na alanganing nagkatinginan si Yohan at Cody. Bakas ang pag-aalala sa kanilang itsura at umaasa na sana mali ang iniisip nila.

"Pwede po bang malaman kung sino sila?" Dagdag ni Ryder na agad namang tinanguan nito.

"We've checked their IDs kaya na-verify namin kung sino sila. It was Blaire Garcia together with her student — Shilloh Ortega," dire-diretsang bigkas ng kaharap na siyang ikinagulat nilang lahat. "The last survivor that we've rescued before you guys was a junior student, identified as Willow Marasigan."

Tila nabunutan nang matinding tinik ang dibdib ni Ledger nang marinig na nagawang masagip ng mga rescuers ang kaklase. Ilang oras na siyang binabagabag ng mga hindi kaaya-ayang mga posibilidad na maaaring kahihitnan ng dalaga. At kahit papaano, nabawas-bawasan ang kaniyang mga pasanin. Ngunit hindi niya rin maiwasang makaramdam ng lungkot para sa nasawi niyang pinakapaburitong guro.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan ang loob ng silid matapos nilang marinig ang nangyari sa guro. Ni isa sa kanila ay walang nagbalak na magsalita bilang pagbibigay respeto sa haligi ng Aries at ganoon na rin sa pagkasawi ng kanilang isa pang kaklase.

"Captain, it's time." Singit ni Viper matapos nitong matignan ang kaniyang relo. Nang tanguan siya ng kaharap ay doon na ito tumalima saka sumenyas sa mga kasama nilang sundalo.

"Make sure to secure the kids. Move!" Panghuling utos ng kanilang Alpha bago nito muling hinanda ang hawak na baril.

Gustuhin man ni Yohan na mapag-iwan sana ngunit hindi siya makareklamo dahil hindi ang taong inaasahan niya ang dumating. Kung nandito lang sana ang hepe na labis niyang pinagkakatiwalaan ay baka kanina niya pa naibahagi ang mga bagay-bagay patungkol sa estado ng kaniyang mga kaklase.

"Are we avoiding something ba? Bakit parang nagmamadali yata tayo?" Nagtatakang tanong ni Dillon sa lalaking katabi niya na sa pagkakatanda niya ay Serpent ang codename.

"There are bombs planted all over the school, the general ordered us to gather all of the zombies in the city inside Juanico High dahil iyon na lang ang natitirang paraan para mapigilan ang mga halimaw na umabot sa kabilang siyudad," diretsang saad ng lalaki na siyang nakapagpagulat sa kaniya. "Hindi na kinakaya ng mga military men na labanan ang pwersa ng mga zombies kaya kinakailangan na ngang magsagawa ng wipe out operation."

Kabadong sinulyapan ng dalaga ang pwesto ni First at kahit nakatalikod ito sa kaniya, alam niyang narinig nito ang nabanggit ni Serpent.

Hindi pa man sila tuluyang nakakalayo mula sa building na pinagtaguan nila kanina ay doon na nila nakita ang napakaraming aircraft na paparoon at paparito. Umalingawngaw ang iba't-ibang tunog sa kalangitan at dala ng mga iyon ang mga bombang bibitawan ilang minuto na langmula ngayon.

"Fuck we're doomed." Lihim na banggit ni Dillon sa kaniyang isipan.

***

Naiwang nakatulala si Mills habang tinititigan niya ang magkabila niyang mga kamay. Hindi siya halos makapag-isip nang matino matapos niyang malaman ang katotohanan patungkol sa kaniyang pagkatao. May parte sa kaniya na hindi niya gustong maniwala lalo na't napakaimposibleng paniwalaan na kaya siyang buhayin ng isang uri ng teknolohiya. Ngunit kahit anong gawin niyang pagkumbinsi na hindi nga ito totoo, ang sarili na niyang pagbabago mismo ang siyang nag-iisa niyang ebidensya na hindi nga nagsisinungaling si Chloe.

"Paano mo nalaman ang lahat ng 'to?"

"Do you still remember the day that I've got lost?" Panimula nito bago inayos ang pagkakatali sa kaniyang natamong sugat. "Hindi ko alam kung hinanap niyo ba ako no'ng mga panahong iyon o kung napansin niyo ba na nawawala ako. But it was the same day that Sir Winston gave me that strange shot that made me turned into this. Akala ko drugs iyong tinurok niya sa'kin kasi iba iyong tama no'n sa katawan ko, pero hindi naman ako nag-expect na mas malala pa pala sa isang adik iyong mangyayari sa'kin."

"Bakit mo pa rin ginawa?" Biglaang tanong ni Mills na siyang dahilan kung bakit wala sa wisyong nabalik ni Chloe ang kaniyang tingin sa kausap. "Bakit mo tinuloy iyong alok niyang tulong? Binalaan ka na ni Wren na huwag mong tanggapin, di'ba?"

"Yes, she did. Pero anong magagawa ko? Alam mo namang hirap-hirap na ako sa pinagdadaanan ko no'ng mga oras na iyon, Mills. Alam kong labas ka sa gulo ng Aries, pero hindi ka naman siguro bulag para hindi makita iyong impyernong dinanas ko sa eskwelahang 'to, tama?" Mahina nitong banggit na siyang nakapagpatahimik sa dalaga. "Sa sobrang occupied ng utak ko at sa kagustuhan kong maging malaya, tinanggap ko iyong offer ni Sir Winston. Tinanggap ko iyong alok niya nang wala man lang akong kaide-ideya kung anong gagawin niya sa'kin. Kung naisip ko lang sana na tama si Wren na mapapahamak ako sa oras na ipaubaya ko iyong sarili ko sa teacher natin, sana pala hindi na lang ako tumuloy."

"Nagsisisi ka na?" Nang bitawan ng kausap ang mga katagang iyon ay saka pa siya napaisip.

"Honestly, may part sa'kin na nagsisisi ako sa ginawa ko, pero hindi ko naman mai-dedeny na mas nakatulong iyong pag-approach ko kay Sir para malaman iyong totoong katauhan ko," diretsa niyang sambit nang hindi talaga kababakasan ng kahit katiting na pag-aalinlangan. "I admit that I don't really have any idea if how am I going to embrace my flows knowing the fact na pati nga iyong sarili ko, hindi ko kilala."

"Hindi ko alam kung saan ako lulugar dahil nga sa naiiba ako, na kung titignan, hindi ako normal — which is really true because I am really not a mere human. At sa tulong no'ng genetic material na ginawa niya, natulungan niya akong makilala iyong sarili ko. At least ngayon, alam ko na kung saan ako lulugar," dagdag niya at kamuntik pang mawalan ng balanse nang may naapakan siyang maliit na kapiraso ng tubo. Akmang lalapit na sana si Mills para daluhan siya ngunit ito na mismo ang nagkusang lumayo para kahit papaano ay magkaroon sila ng kaunting distansya. "And if this not happened, hindi ko pa malalaman na may isa pa palang taong mas peculiar pa kaysa sa'kin."

Hindi sumagot si Mills lalo na at ramdam niyang siya ang tinutukoy ng kaklase.

"As you know, I was made not to start this outbreak or to become a walking cure for Zigler," pag-amin nito, "well maybe the latter were once a part of his goal but after he figured out about me? He became eager to turned me into this for you to show up." Makahulugan niyang pagkwento bago tinitigan nang diretso ang kaklase.

"I guess, na-developed mo na nga talaga nang husto iyong bioroid features mo. A type of scenario that he really wanted to see." Matapos niyang sambitin iyon ay doon na naalerto si Mills. Hindi niya maiwasang magduda sa kinikilos ng dalaga lalo na't kanina niya pa napapansin na tila gumagawa si Chloe ng distansya sa kanilang dalawa bagay na hindi niya maintindihan kung bakit. Idagdag pa ang mga huli nitong binitawang salita na siyang hindi niya mawari kung kakampi niya na nga ba ang kaklase o hindi.

"Hindi ako ang kalaban mo sa puntong 'to, Mills," agaran depensa ni Chloe nang makatunog sa inasal ng kasama. "Ang lahat ng mga impormasyong sinabi ko sa'yo ngayon ay galing kay Sir Winston. He got deceived by my own traits so he have thought that I am the bioroid that he was looking for so long. At dahil dito, he keeps throwing me stories about that genetic enhancement of humans like he was giving me ideas about it— without him knowing na hindi pala ako iyon, kundi ikaw."

Nagsubok ulit si Mills na lumapit sa pwesto ni Chloe ngunit gaya ng inaasahan niya ay humakbang ito muli paatras sa kaniya.

"As much as possible, I have to distant myself on you because of the fact that you and I have opposite traits," mahinahong paliwanag ng dalaga saka niya pinakita sa kaharap ang naglalabasan niyang itim na ugat. "The  moment my zombie-side got attached by someone who have the same strength as me, nagkakaroon ako ng instinct na umatake."

"All those living beings that I've met during this outbreak have shared the same smell, iyong tipo ng amoy na nakakagutom kapag umabot iyon sa ilong ko.  At ito lang talaga iyong unang beses na nakasalubong ako ng isang tao na hindi ako nagutom, kundi para akong sinasakal sa presensyang nagmumula sa kaharap ko, liban na lamang sa kaso ni Quincy dahil pareho kaming ganito," sandali siyang tumigil at doon na niya tinuro ang kaklase. "Your biogenetic blood boiled myself up to the point that it wants me to kill you."

Akmang magsasalita na sana si Mills pero naantala lang ang kanilang usapan nang umalingawngaw ang static sound sa corridor na kinalalagyan nila ngayon. Sunod niya na lang nakita ang hindi maipintang ekspresyon sa mukha ni Chloe na tila rinding-rindi ito sa naririnig niya. Naagaw din ng kaniyang mata ang mga itim nitong mga ugat na muling nagsi-unahan sa paglabas.

"Eyes on me." Nang saktong mawala ang static sound ay mabilis na pumalit ang boses ng isang lalaki na siyang nakaagaw ng kanilang pansin. Halos magkasabay silang dalawa na nag-angat ng tingin at hinanap kung saan nanggagaling iyong nagsalita.

"Look on your left, at the top left part of the corridor." Tila natutuwa nitong utos na siyang agaran din nilang sinunod.

"Sir Winston." Usal ni Mills saka mariing tinitigan ang maliit na pulang ilaw na nakakubli sa ilalim ng CCTV camera ng kanilang eskwelahan. Kung hindi mo talaga ito tititigang maigi ay baka aakalin mo lang na hindi ito hidden cam kundi parte pa rin ng system.

"As you guys know, I have a little present that awaits you in my office." Panimula nito na siyang naging rason kung bakit wala sa wisyong napalingon ang dalaga sa gawi ni Chloe na sinalubong din naman kaagad ang tingin niya.

"Magsalita ka naman para magkaroon sila ng idea kung ano iyong surprise ko." Dagdag pa nito at nasundan lamang iyon ng nakakabinging katahimikan. Miski silang dalawa na nakikinig ay hindi nag-abalang ialis ang tingin sa camera sa kagustuhang antayin kung ano nga ba ang susunod na mangyayari.

Ilang segundo pa ang lumipas at kumawala ang napakalakas na sigaw mula sa speaker na siyang nakapagpagulat sa kanila. Bakas ang matinding hirap at sakit sa likod ng palahaw ng babae na siyang nagpakaba sa kanilang nandito. Ang napakapamilyar nitong boses ay ang siyang nagpakaba sa sistema ni Mills lalo na at hindi niya inaasahan na hawak ito ng maestro. 

"Putanginang 'yan." Iritadong mura ni Chloe bago niya pinanlisikan ng mata ang camera.

"I am so sorry if it was too loud. Tumatanda na kasi ang Sir Winston niyo kaya medyo nalilito na ako sa mga pinipindot kong button." Paghihingi nito ng tawad saka sandaling natawa na para bang ikinatutuwa niya pa ang magkahalong ekspresyon na pinapakita nilang dalawa.

"Anyway, if you two still wants to see Wren alive. Then I want one of you to meet me at my office," tila nakikipagkasundo nitong banggit na siyang nagpakuyom sa kamao ni Mills. "At gusto kong ikaw ang pumunta sa Science Lab ko, Mills. Mills Santero."

Nang marinig ng dalaga ang pangalan niya ay doon muling nanumbalik ang lahat ng mga pinag-usapan nilang dalawa ni Chloe kani-kanina lang. Tila ba naging isang paalala ang mga katagang binitawan ng kaklase kung gaano katalino at katuso ang kaniyang taong kakaharapin. Ngunit hindi inalintana ni Mills ang panganib na kaniyang patutunguhan sa oras na umapak ang paa niya sa teritoryo ng kaniyang Science Teacher. Muling umiral ang kaniyang pagiging siya at mapanghamong tumitig sa hidden camera na para bang pinapakita niyang hindi siya nakakaramdam ng pagkabahala.

"Don't turn down my invitation, my dear. Your clock is ticking, don't let it slip. See you!" Huli nitong bilin at sa isang iglap lang ay naglaho ang pulang ilaw sa camera senyales na nakapatay na ito.

"Hindi mo gagawin 'to, Mills." Hindi pa man naihahakbang paalis ng dalaga ang kaniyang paa para sana umiba ng landas ngunit napahinto na lamang siya nang magsalita si Chloe.

"Ilalagay mo lang sa alanganin ang buhay mo sa oras na pumasok ka sa loob ng lab na iyon," Dagdag pa nito. Ngunit nang hindi pa rin siya nililingon ni Mills ay doon  na siya humakbang para hilahin ang braso ng kasama "Sigurado akong iipitin ka niya para lang mapasakamay niya 'yang mechanical heart sa loob mo. Don't you get my point? Gusto kang kunin ni Sir kaya sure akong ginagamit lang niya si Wren para bita—"

"Alam kong hindi ako kasintalino mo, Chloe," diretsang putol ng dalaga sa gustong ipunto ng kaharap. "Hindi ako kasingaling mo o ni Wren mag-isip ng strategy sa mga ganitong bagay. At mas lalong wala akong problem-solving skills na makakatulong sa'kin para gumawa ng detalyadong plano." Dagdag niya saka tinitigan nang diretso ang kaklase.

"Pero hindi ako duwag, Chloe. Hindi ako takot na makipagkita kay Sir Winston lalo na ngayon na wala talaga akong nakikitang rason para umatras dahil hawak niya si Wren."

"But what if it was just a recorded voice of her that he planned to do just to lure you th—"

"Hindi ako tanga," muli niyang tutol dito at kababakasan talaga na hindi siya kumbinsido sa teorya ng kaniyang kaklase. "Ni kahit isang beses hindi pa nga natin narinig na sumigaw si Wren kaya paano makakakuha ng tiyempo si Sir para maka-record?"

Kahit ano mang pilit niyang kumbinsihin ang kasama sa kaniyang magiging pasya ay hindi pa rin talaga ito sang-ayon sa kaniyang desisyon. Naiintindihan niya ang pinagmumulan ng pag-aalangan ni Chloe ngunit nakapagpasya na siya.

"Hindi kita masisisi kung nag-aalangan ka sa magiging desisyon ko, pero sinisiguro ko sa'yo na hindi niya ako makukuha," paniniguro ni Mills at doon  na niya binawi ang kaniyang kamay. Walang nagawa ang kaklase kundi ang panoorin siyang paunti-unting tumalikod. "Ilang beses na kaming sinalba ni Wren, Chloe kaya hindi ko siya bibiguin sa pagkakataong 'to. At alam kong alam mo rin na hindi titibay ang pader ng Aries kung wala siya, kung wala ang isang Wren Soriano." Huli niyang sabi na sapat lang na marinig ng kasama. Walang paalam siyang umalis at dire-diretso ang lakad patungo sa isang lugar kung saan doon lahat nagsimula.

Nanatiling nakasunod ang tingin ni Chloe sa papalayong pigura ni Mills. Ramdam na ramdam ng dalaga ang nag-uumapaw na determinasyon at tapang sa katauhan ng kaklase na siyang isa sa mga rason kung bakit isa ito sa mga taong pasimple niyang tinitingala rito.

"Wren might be the one who plays the leader thing in Aries, pero may isang bagay lang siyang hindi niya magawa pero kayang-kaya mong gawin..." wala sa wisyo niyang sambit sa ere nang hindi pa rin binabawi ang kaniyang mata sa koridor na dinaanan ng kaklase. "And it's the fact that you tend to use your heart and never think twice to go forward even if you knew that you are not skilled enough to handle this kind of huge situation."

"That's it, Mills. Show him how you are going to beat his brain with your heart."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top