Chapter 40: Gapos

Nang muling magkamalay si Wren ay kaagad niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Sumalubong sa kaniya ang napakaputing kisame at ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa mahabang fluorescent. Ngunit sa halip na mag-iwas ng tingin, mas pinili niyang titigan iyon nang sagayon ay magawa niyang maalala kung ano nga ba ang huling nangyari sa kaniya bago siya mawalan ng ulirat.

"How the hell did I ended up here?" Mahina niyang tanong sa sarili. Sigurado siya na hindi ito iyong binagsakan niya matapos siyang mahulog sa rooftop.

Tandang-tanda niya pa na tinangay ang katawan niya ng malaking tipak ng semento at bumagsak siya sa Comfort Room. Bahagyang nagsalubong ang kaniyang kilay nang muli niyang sinubukang alalahanin kung ano na nga ba ang sumunod na nangyari.

Akmang hihimasin na niya sana ang kaniyang ulo pero naramdaman niya na lang na may kung anong mahigpit na bagay na nakatali sa kaniyang magkabilang palapulsuhan. Wala sa wisyo siyang napatingin kaagad doon at nang sinubukan niyang galawin iyon ay mas lalo lang itong humigpit. Bagay na mas lalong nagpasira sa ekspresyon ng kaniyang mukha bunga ng matinding sakit na kaniyang naramdaman. Pinasadahan niya ang kabuuan ang kaniyang katawan, sinundan niya ang bawat sling legs ng kadenang nakapulupot ngayon sa kaniyang katawan na para bang sinadya itong ilagay nang sagayon ay hindi siya makawala.

"Fucking shit." Wala sa wisyo niyang mura nang mapagtantong hindi niya nga ito basta-bastang maialis sa kaniyang katawan.

"It's a good thing that my precious specie has finally awake." Umalingawngaw sa loob ng kwadradong silid ang napakapamilyar na boses ng isang lalaki.

Gustuhin man ni Wren na lumingon sa gilid para tignan ang paparating ngunit hindi niya na lamang iyon itinuloy pa dahil ngayon niya lang din napagtanto ang bakal na collar na nakalagay ngayon sa kaniyang leeg. Kaunting galaw niya lang ay paniguradong masasakal talaga siya nito.

Ilang sandali pa ay naririnig na niya ang papalapit nitong yabag ngunit nanatili siyang kalmado at alerto sa kung anumang mga bagay ang balak gawin ng nandito.

"What do you want?" Malamig na tanong ni Wren at mahahalatang wala talaga itong kainte-interest na magpaliguy-ligoy pa sa usapan.

Gumuhit ang ngisi sa labi ng lalaki bago ito humakbang papalapit sa hinihigaan ng dalaga.

"Is that how you greet your science teacher?" Salubong ng maestro saka siya tinitigan nang nakangiti.

Sinalubong ni Wren ang kaniyang mata bago blangkong sumagot. "Then is this how you treat your cognoscente student?"

Nang marinig ng guro ang kaniyang isinagot ay mabilis itong humalakhak na para bang aliw na aliw siyang makipagpalitan ng argumento sa dalagang kasama.

"This world is inconstant, my dear. Kung kahapon tinrato pa kitang estudyante ko, pwes hindi na sa pagkakataong 'to..." saglit itong huminto bago inayos ang suot niyang salamin. "Because from now on, you are my specie — my precious specie to be exact — that will bring power and overflowing respect to me."

"Ikaw..." pansamantala muna siyang huminto sa pagsasalita para ituro ang dalaga. "Ikaw at ang iba pang half-breeds ang tutulong sa'kin para iangat ang pangalan ko sa siyensiya."

"I am not obliged to follow what shit you like." Madaliang tutol ni Wren at para bang wala siyang pakialam kung dehado siya sa lagay niya. Sasabihin niya ang mga gusto niyang sabihin ikapahamak niya man o hindi. "Dahil hindi ako gamit sa Shopee na basta-basta na lang mina-mine kung gugustuhin."

"You cannot own me, Sir  because right from the first place. I aint yours." Walang preno niyang sabi nang hindi pa rin inaalis ang blangko niyang ekspresyon. Ngunit sa halip  na magalit ang kaharap sa kaniyang inaasal ay tila ba mas lalo pa itong natutuwa sa tibay ng kaniyang estudyante.

"Nagmana ka talaga sa  Lolo mo, Wren. Kuhang-kuha mo talaga ang ugali no'ng matandang iyon." Puri niya bago pinindot ang maliit na green button sa gawing uluhan ng dalaga. Ilang saglit pa ay unti-unting gumalaw ang hinihigaan niya. Ang tunog ng umaandar na makina ang siyang nagbigay-buhay sa kaniyang kinalalagyan at hindi rin naglayon ay namalayan niya na lang ang sarili na naiba na ng posisyon. Kung kanina ay hugis higaan pa ang sinasandalan niya, ngayon ay para na rin itong isang upuan. Hindi na rin nagtaka si Wren kung paano ito nagkaroon ng ganitong klase ng gamit ang maestro dahil sa sobra-sobrang paglalaan nito ng oras sa agham at teknolohiya ay  hindi na siya magugulat pa kung mahihigitan nito ang imbensyon ng kaniyang Lolo.

"Tigasin, marunong manindigan, at higit sa lahat. Malawak ang kaalaman sa iba't-ibang bagay, lalo na sa usaping  siyensiya..." panimula nito saka pansamantalang tinungo ang maliit na mesa sa gawing gilid kung saan may nakapatong na tasa at kutsara. "He's the type of person that everyone looked up to the point na nakuha niya iyong respeto ng halos lahat ng tao sa San Juanico kahit hindi siya isang Corpuz."

"Professor Warlito Soriano became my inspiration to strive more and he's the one who helps me to unravel the mystery of science," tuloy niyabago  binuhusan ng mainit na tubig ang tinitimpla niyang kape.
"The moment I've decided to follow his steps, I left my college journey to accomplish an important matter and also to pursue my dream of becoming a scientist, like him."

"Important matter?" Takang tanong ng dalaga na tila ba tuluyan ng nakuha ni Winston ang kaniyang atensyon. Hindi muna ito sumagot at pansamantalang inabala ang sarili sa paghalo ng kaniyang mainit na inumin.

"It's about my son— Zigler..." mahina niyang dugtong bago hinigop ang kaniyang inuming kape. "He suffered from a rare inherited hemolytic anemia. A type of medical condition which his red cells got extinct inside his body. Isang uri ng kondisyon na habambuhay niyang pagdudusahan, at wala pang naiimbentong gamot na pwedeng makapagpagaling sa kaniya."

"At nagkataon naman na sa mga panahong iyon na naghahanap siya ng mga taong magtatrabaho sa loob ng Pharmaceutical, so I didn't think twice and decided to grab that chance. Because that's my only way to figure out if how am I going to make a cure for my one and only son." Dugtong niya bago hinila ang upuan at doon naupo. Nagpatuloy ulit siya sa paghalo ng kaniyang inumin nang hindi man lang binabalingan ng tingin ang nakikinig na si Wren.

"Hindi lang isang guro o head iyong ginampanan ni Prof Warlito sa'kin, Wren. Dahil tumayo rin siya bilang isang tatay ko. Sa unang limang taon ko sa loob, siya lang ang tumulong sa'kin para magkaroon ako ng malay sa agham. Honestly speaking, we had a good relationship before. Not until a sudden changes occurred." Matapos niyang sabihin ay kaagad na puminta ang kuryosadong ekspresyon sa mukha ng dalaga. At nang mapansin ng guro ang labis-labis na pagtataka sa estudyante ay doon na niya ito hinarap.
"Have you ever noticed that in every disaster movies begins with a scientist being ignored?" Biglaan nitong tanong na siyang dahilan kung bakit hindi nakasagot ang kausap.

"Back when I was still in the midst of doing my last research and  experiment inside the lab, nakabuo ako ng isang panibagong blood type na miski ako hindi nag-expect na posible palang mangyari. Kaya hindi na ako nagtagal sa lab room at ini-report ko iyon sa Lolo mo. But, do you know what's the most crummy thing that happened?" Mapakla siyang tumawa bago itinuloy ang kaniyang nais na sabihin. "And it's the fact that he rejected my labwork."

"Imagine that I fucking spend my next five years just to form that project yet he did not accept my laboratory work. Hindi niya magawang tanggapin iyong gawa ko dahil napakaimposible na raw na may panibago pang blood structure na mag-eexist. He thought that it was just a pure bogus and too fictional to happe," mapait niyang sabi. "Tapos malalaman ko na lang na meron na pala siyang naimbentong machine na mas fictional pa sa ginawa ko."

"He was again recognized for being the best scientist and inventor because of his last project which he called as the advance mechanical heart," paliwanag nito saka lumapit sa pwesto ni Wren. Nanatili ang diretsong tingin ng maestro sa blangkong mga mata ng dalaga at doon sila nagsukatan ng tignin. "I felt betrayed that time at naisip ko na lang bigla na kaya niya tinurn-down iyong gawa ko dahil gusto niyang siya pa rin ang hiranging dakila sa San Juanico. That scenario pushed me to hold a grudge towards him and there I decided to left that Pharma and never show myself right in front of him again."

"After that news boomed, nagkaroon ng matinding komusyon sa pagitan ng Corpuz at Soriano. Nagalit si Governor Nicacio Corpuz ||| — ang Lolo ng kaklase mong si Quincy — nang mag-umpisang magsilipat ang mga doktor sa pinakakilalang hospital ng San Juanico na pagmamay-ari niya para lang pumasok sa loob ng Pharmaceutical. Hindi lang iyon dahil nakikita niya na rin na mas nakukuha na ng Professor ang respeto at atensyon ng mga Juanicoueño na dapat sana ay para sa kaniya. That's why he then planned to assassinate your grandfather which lead your family into a complete downfall." Kwento niya na siyang naging mitsa kung bakit unti-unti ng naipagtagpi-tagpi ni Wren ang mga pangyayari sa nakaraan.
"After his death, inakala ko na ibinaon na sa limot ang imbensyon niya dahil wala na akong balita na nakuha matapos siyang pumanaw, pero nagkamali pala ako. Dahil bago pa man siya pinatay, nagkaroon siya ng emergency operation sa loob ng specialized hospital room sa loob ng Pharma." Salaysay niya bago naglakad paikot sa kaniyang estudyante.

"Sampung taon na ang nakalipas magmula no'ng tinanggap ni Professor Warlito ang pakiusap ni Sister Rica na matulungan ang isang bata na nasa ilalim ng pangangalaga ng Miraculous Home," panimula nito na para bang nagsisimula itong magbahagi ng isang di-piksyong babasahin sa dalagang kausap. "That kid suffered from advanced heart failure at dahil sa ayaw ng madreng iyon na masawi ang bata, nagbakasakali siya na baka may magagawa ang Lolo mo. At hindi naman siya binigo, dahil ginamit niya ang kaniyang sariling imbensyon para madugtungan pa ang buhay ng paslit."

"He called all of his skillful doctors to conduct an emergency transplant. He infused that advance mechanical heart to that kid. At dahil sa hindi gagana ang bakal na pusong iyon kung gagamitin lamang ang normal na dugo ng isang tao, nagdesisyon siyang gamitin ang biogenetic blood na matagal na niyang nagawa bilang substitute," Tila namamangha  niyang dugtong. "It was a trial and error operation pero hindi nila inakala na magtatagumpay ang transplant na iyon."

"Can you guess what happened next?" Nang-iintriga nitong tanong na siyang hindi man lang sinagot ni Wren.
"That kid became the sole successful subject of him. The fact that two of his great inventions  were put together inside that young girl's body, a new traits of a human was made. In which it carries the basic forms of a mere human but possessed the strength of a robot. That invented advance mechanical heart allowed that kid to live in an inhumane way and because of that biogenetic blood running inside her veins, nagkaroon ng regenerative abilities ang bata. To sum it all, she turned into an immortal bioroid individual." Seryoso niyang dagdag saka huminto sa tapat ni Wren. "Isang uri ng tao na nabuo sa tulong ng siyensiya at teknolohiya."

"That story remained untold not until this outbreak started," nakangiti niyang tugon na para bang dito na niya sisimulan ang panibagong pahina ng kaniyang susunod na kwento. "Ever since I figured out about Chloe's peculiarity. I've been putting an eye on her. Dahil nga sa hindi kompleto iyong details na nakuha ko kung sino talaga iyong batang naoperahan ng Lolo mo. Inakala ko na siya na iyon. But I was wrong because that kid contains another form of blood traits na miski ako walang idea kung paano iyon nangyari o nabuo sa katawan niya."

"I conducted several tests and research about it pero wala akong makuhang result. So I was left with one choice and it's to figure things out all by myself," sandali siyang huminto para bumalik sa stool na inupuan niya kanina. "Kaya ang ginawa ko, hinalo ko iyong dugo ni Chloe sa sample blood ni Zigler for me to know kung ano bang mangyayari. The moment I place my eye to the lens of microscope, I was surprised. Because the blood was compatible enough to form the exact cure that I am looking for."

"At para makasiguro ako na tama at ligtas iyong  nabuo kong genetic blood structure, I injected that substance to my not so valuable white mice and to my astonishment. I come up with a surprising result. And do you know what is it?" Pabitin niyang tanong na muli ay hindi sinagot ng kausap. "That structure forced a being into a rapid form of evolution. The moment this virus begin to spread, the humanity was divided into two. Those who doesn't have enough strength to fight the virus inside a persons body turns out to be a brainless human eaters. And those few individuals who have a high tolerance who was still abled to control their own bodies became an immortal, kagaya mo, Wren."

"At no'ng nagsimula ang outbreak na 'to, doon ko pa lang mas klarong nakita kung sino sa inyo ang bioroid na matagal ko na ring hinahanap," muli siyang huminto bago ngumisi sa dalaga. "All thanks to my undying efforts, because that bioroid finally showed up and revealed itself."
Nang gumuhit ang malademonyong ngiti sa labi ng guro ay doon na sumama ang tingin ni Wren sa kaniya. Isang bagay na mas nagdulot pa ng tuwa sa kaniyang sarili.

"Don't you find it weird that you suddenly attacked her back when you guys are still in the rooftop?" Madalian niyang tanong na siyang bahagyang ikinagulat ng dalaga. Ilang sandali pa ay kinalikot ng maestro ang computer na nasa kabilang gilid hanggang sa lumitaw sa screen ang footage kung saan inatake niya nang biglaan si Mills. Hindi makapaniwala si Wren na pati ang bagay na 'to ay nakunan din ng camera, sa sobrang okupado ng kaniyang sarili ay hindi na niya nagawa pang ilibot ang kaniyang mata sa itaas ng rooftop para matignan kung may camera bang nakatutok sa kanila o wala.

"At hindi ka rin ba nagtataka na parang pinanggigigilan na ni Quincy iyong kaklase niyo no'ng nakita na niya iyong dugo niya?" Dagdag na naman nito. Sa pinakawalan niyang mga tanong ay hindi maiwasan ng dalaga ang mapaisip. Miski siya ay aminado na para bang kusa na lang gumalaw iyong katawan niya no'ng mga oras na iyon. No'ng mga kaganapang iyon, nakaramdam siya ng matinding pagkasakal sa presensiya ng kaklase na siyang naging rason kung bakit bigla na lang siyang nilamon ng kaniyang adrenaline saka umatake. At kung anuman ang rason sa likod ng pakiramdam na iyon, iyon ang hindi niya alam.

"That's because you and her blood have opposite traits. Have you ever forgot that in science,  opposite do attracks?" Makahulugan niyang sabi na siyang mabilisang tumatak sa isip ni Wren.

"Why did you brought me here?" Blangko niyang tanong nang tuluyan na niyang maalala kung paano siya napunta rito sa loob. Matapos siyang bumagsak sa Comfort Room at lumabas mula roon nang duguan ay sinalubong siya kaagad ng kaniyang maestro at sinamantala ang pagkakataong mahina pa siya. Gustuhin man niyang lumaban no'ng mga oras na iyon ngunit hindi kinaya ng kaniyang katawan ang labanan ang laser nitong hawak.

"What do you think?" Balik nitong tanong sa kaniya bago inayos ang kaniyang salamin. "Ano sa tingin mo ang rason kung bakit ikaw iyong dinala ko rito ngayon instead kay Chloe ha, Wren?"

"Alam kong wala akong mapapalang tulong sa'yo dahil aminado akong matigas 'yang ulo mo at may pagkatuso ka rin gaya no'ng Lolo mo. But I still chose to brought you here because I am going to use you  as my bait  to lure that bioroid." Dire-diretsa niyang sabi na siyang nagdulot ng inis sa mukha ng dalaga.

"Chill, my dear. I don't have plans to kill you anyway. Ginapos lang kita para makasiguro ako na hindi ka makakatakas. Wala sa mga plano ko na ipahamak ang mga bago kong alaga." Dugtong nito bago muling hinarap ang computer. Inabala ng maestro ang kaniyang sarili sa pagtitipa at nagpatuloy sa pag-monitor ng mga kasalukuyang kaganapan. Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa may narinig silang pagsabog at bahagyang pagyanig ng paligid senyales na may panibago na namang parte ng eskwelahan ang itinumba ng bombang bitbit ng mga sundalo.

"How are you going to lure her given the fact that she doesn't have any idea that you kidnapped me and fucking tied me here?" Naninigurong tanong ni Wren. Miski siya ay hindi alam kung saang lupalop ng Juanico High siya dahil sa apat na taong pananatili niya sa loob ng eskwelahang 'to, ngayon lang siya nakapasok sa ganitong klaseng room.

"Hindi ako bobo para hindi maisip 'yan..." walang lingunan nitong sagot saka muling nagtipa. "Might as well set your eyes here and see how am I going to manipulate your not-so-close-friend."

Saglit itong tumayo at lumipat sa kabilang mesa kung saan nakapwesto ang napakaraming screens. Inayos muna ng maestro ang mic at bahagya pa itong gumawa ng static sound nang sinubukan niyang ginalaw-galaw iyon. Bagay na siyang nagdulot nang matinding pagkarindi kay Wren nang umalingawngaw sa kaniyang magkabilang tainga ang nakakabinging tunog mula sa mikropono. Doon muling naging dominante sa kaniyang balat ang napakaraming itim na ugat senyales na malapit na ulit magwala ang kaniyang katawan. Hindi niya rin mapigilang mapasigaw lalo na't tila sinasadya ng maestro na ikut-ikutin ang mic nang sagayon ay tumagal ang tunog ng static sound.

Sa huling pagpindot ng guro sa keyboard ay doon na lumabas sa lahat ng screen ang kinaroroonan nila Mills at Chloe. Nasa bakanteng koridor ang dalawa at hindi alam ni Wren kung nagtatalo ba ang mga 'to o hindi dahil magkaharap ang magkaklase at halatang nasa kalagitnaan  ng seryosong usapan. Kitang-kita ni Wren kung gaano na kadungis ang itsura ng dalawa at nahalata niya rin ang sunog na parte ng kanilang suot na uniform. Base lamang sa kaniyang nakita ay napagtanto niya kaagad na hindi malabong may kinalaman ang dalawang 'to sa pagsabog na nangyari kani-kanina lang.

"Eyes on me." Nang saktong magbitaw na ng salita ang guro ay doon sila nahinto sa ginagawa at halos magkasabay na nagpalinga-linga para hanapin kung saan nagmumula ang boses na iyon.

"Look on your left," mahinahong utos ng maestro. "At the top left part of the corridor." Nang eksaktong napatitig na ang dalawa sa pwesto kung saan nakapwesto ang camera ay doon na kumawala ang ngisi sa labi ni Winston.

"As you guys know, I have a little present that awaits you in my office..." panimula niya saka pasimpleng nilingon ang pwesto ni Wren. "Magsalita ka naman para magkaroon sila ng idea kung ano iyong surprise ko." Aya niya sa dalaga na sinuklian lamang siya ng matalim na titig.

Nang hindi nga ito nagsalita ay doon na niya pinindot ang hawak-hawak na remote. Matapos niyang pindutin ang pulang button na nasa magkabilang gilid ay mabilis na humigpit ang dalawang posas na nakasuot sa palapulsuhan ng kaniyang estudyante. Iyon din ang naging rason kung bakit umalingawngaw sa loob ng silid ang nakakabinging sigaw ni Wren na siyang mabilis na narinig ni Mills at Chloe.

"I am so sorry if it was too loud. Tumatanda na kasi ang Sir Winston ninyo kaya medyo nalilito na ako sa mga pinipindot kong button," panghihingi nito ng paumanhin bago nagkamot ng ulo.

"Anyways, if you two still wants to see Wren alive. Then I want one of you to meet me at my office."

"At gusto kong ikaw ang pumunta sa Science Lab ko, Mills. Mills Santero."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top