Chapter 39: Pagkalagas

Nang marinig ni Earlyseven ang papalayong yabag ni Mills ay doon niya pa pinakawalan ang luhang kanina niya pa pinipigilan. Taliwas sa kaniyang mga sinabi ang totoong nangyari sa kanila rito sa itaas. Pinili niyang pagtakpan ang kanilang lagay nang sagayon ay hindi na mag-alala pa ang kaibigan. Ayaw niya ring malagay sa panganib ang buhay ng dalaga lalo na't alam niyang magpupumilit itong gumawa ng paraan para lang maialis silang lahat dito, isang bagay na iniiwasan niya dahil ayaw niya rin itong mapahamak.

"P-patawarin mo'ko, Mills..." mahina niyang sambit saka humikbi. "Hindi ko intention na p-paasahin ka sa mga sinabi ko, pero kinakailangan ko iyong gawin para hindi ka na mag-alala."

"W-walang kasiguraduhan kung makakaalis pa ba kami rito o hindi na, kaya ako nag-decide na gawin iyon dahil g-gusto kong mabuhay ka." Pigil-hiningang nilibot ng binata ang kaniyang tingin at umaasang mahahagilap niya pa ang ibang mga kaibigan, ngunit dahil sa nahihirapan din siya sa kaniyang sitwasyon ay hindi siya makagalaw nang maayos. Tanging si Cody lang ang namataan niyang malapit sa kaniyang pwesto, maingat siyang gumalaw para kahit papaano ay masilip nang kahit kaunti ang lagay ng kaibigan. Doon niya lang din nakita na duguan ang binata at nahalata niya ring wala itong malay.

"C-Cody!" Malakas niyang sigaw at umaasang magigising ang kaklase.

"Tol, g-gumising ka." Bagsak-balikat niyang sabi nang sa ikalawang pagkakataon ay hindi pa rin ito nagigising. Napanghihinaan na siya ng loob dahil gustuhin man niyang tulungan ito, hindi niya magawa dahil naipit ang halos kalahati ng kaniyang katawan sa malaking tipak ng semento. Nakasandal siya ngayon sa likod ng System Door at inaantay na lang ang kapalaran kung hanggang saan na lang ba tatagal ang buhay niya.

"Earlyseven?" Kaagad na napaangat ng tingin ang binata nang marinig ang napakapamilyar na boses 'di kalayuan sa kaniyang kinauupuan. Saktong paglingon niya sa kanan ay nakita niya si Ledger na duguan ang gilid ng sentido. Hawak-hawak ng kaibigan ang lagi nitong suot na salamin na ngayon ay basag na.

Maingat na lumapit si Ledger sa pwesto niya at pinanatiling magaan ang kaniyang mga yabag nang sagayon ay hindi mawalan ng balanse ang rooftop.

"Shit, this fucking piece is quite huge," bungad nito nang makita kung gaano kalaki ang semento na halos humarang sa kaibigan. "Just stay there, I'll think some way to get you out of he-"

"Huwag na, Ledger..." mahina niyang tutol sa kaklase na siyang bahagyang nagdulot ng ibayong klaseng kaba sa mukha ng kausap. "Huwag mo ng sayangin ang lakas mo sa pag-iisip ng plano kung paano mo ako maiaalis dito."

"W-what the hell are you saying? Oh c'mon, this is not the right time for you to act stu-"

"Hindi mo ba nakikita, tol?" Madalian niyang sabad at doon sinalubong ang titig ng kaharap. "Sa oras na maalis 'tong sementong 'to sa katawan ko, dadausdos 'to paibaba. At alam mo naman siguro kung anong susunod na mangyayari kapag nangyari iyon, di'ba?"

Hindi kaagad nakasagot ang kaklase matapos nitong marinig ang kaniyang isinagot. Mapaghahalataan na sa sobrang pagka-okupado ng utak nito sa pag-aalala para sa lagay niya ay hindi na ito nakapag-isip pa nang matino.

"Mawawalan ng balanse ang rooftop, Ledger. Naiintindihan mo ba ako? Mahuhulog tayong lahat sa oras na magpumilit ka!" Pasigaw niyang sabi saka naghabol ng hininga. Kaagad na puminta sa mukha ng kausap ang pagkalugmok nang mapagtanto na niya kung bakit tinanggihan ng kaibigan ang kaniyang alok na tulong. Dinudumog siya ng takot dahil kahit ayaw niya mang isipin, pilit na lumalabas sa kaniyang isipan ang mga negatibong mga posibilidad na hindi malabong magkatotoo.

"N-no, this is so fucking absurd," wala sa wisyo niyang wika bago marahang hinilot ang kaniyang sentido. "Y-you can't just die here, Seven. H-hindi ako papayag na hayaan kang mamatay dito ngayon."

Hindi sumagot ang kaibigan bagkus ay nanlulumo lamang siya nitong tinignan. Isang uri ng tingin na para bang pinapasa-Diyos na lamang nito ang lahat at nagagawa ng tanggapin ang katotohanang hindi niya kayang matignan.

"W-will you please stop doing this and think about surviving? A-ano ba, wala sa usapan natin na kakalas ka sa Aries, Agapito!" Mapakla niyang sabi bago ikinuyom ang kamao para kontrolin ang kaniyang nagbabadyang luha. "Dalawa na nga iyong nawala sa'tin oh, tapos ngayon balak mo pang s-sumunod?"

"May magagawa pa ba ako sa sitwasyon ko, tol? Nakikita mo iyong estado ko di'ba? B-bumagsak na ako."

"Fuck, you know what? Sa lahat ng mga sinabi mo sa'kin, dito lang ako p-pinakahindi natuwa." Mapait niyang amin saka hinayaang kumawala ang isang patak ng luha mula sa kaniyang kaliwang mata.

"Tingin mo ba naging madali para sa'kin na gawin 'tong desisyong 'to ha, Ledger?" Mapanghamon nitong tanong. "Sa tingin mo ba ayos lang para sa'kin na makitang magkakaroon kayo ng chance na makaligtas samantalang ako, maiiwan lang dito sa itaas?"

Hindi nakatugon kaagad ang kaharap bagkus ay napahilamos lamang ito ng mukha.

"Akala mo ba okay lang sa side ko na tanggaping hanggang dito na lang talaga iyong buhay ko?" Muli niyang dagdag nang hindi man lang nag-abalang punasan ang kaniyang mga luha na nag-uunahan na sa pagdaloy. "Hindi, tol. Dahil gaya niyo, gusto ko ring umuwi. G-gustong-gusto ko na ring makauwi. Pero tignan mo, tignan mo iyong lagay ko. Hindi ako makaalis, at kahit mawala man 'tong tanginang sementong 'to. Hindi na ako makakalakad pang ulit, baldado na ako tol. W-wala na akong silbi." Umiiyak niyang pag-amin na siyang nakapagpatahimik sa kaklase.

Hindi maiwasang masaktan ni Ledger para sa sinapit ng pinakamatalik niyang kaibigan. Ramdam na ramdam niya ang sakit sa likod ng mga katagang binibitawan ng kausap, na kahit miski siya ay nawawalan na ng ideya kung paano ito dadamayan. Ilang sandali pa ang lumipas at bigla na namang naulit ang pagguho, nagsigulong paibaba ang mga tipak ng sementong nakatuntong dito sa rooftop at ang iilang mga bahagi ng chopper ay tuloy-tuloy na bumulusok paibaba. Kamuntik pang sumunod ang katawan ni Cody sa pagdausdos pababa ngunit mabilis na naihakbang ni Ledger ang kaniyang mga paa para daluhan ang walang malay na kaibigan. Mariin niyang hinawakan ang manggas ng suot nitong uniporme saka pwersahang hinila pabalik.

"Sige na, tol. Masyado ng delikado kung mananatili pa kayo rito sa rooftop, kailangan niyo ng umalis." Utos ni Earlyseven nang hindi man lang kababakasan ng pag-aalinlangan. Marahang nilingon ng kaibigan ang kaniyang gawi at bahagya ring nagdadalawang-isip sa kaniyang magiging pasya. Buong buhay niya ay ngayon niya lang naranasan magkaroon ng agam-agam sa kaniyang gagawing mga hakbang, at mahahalatang ipit na ipit siya sa pagkakataong 'to. Tila ba hindi kakayanin ng konsensiya niya ang mamili sa dalawa; ang isakripisyo ang buhay ni Earlyseven para sa ikabubuti nilang lahat o ang tulungan ito sa kahit anong paraan kahit alam niya pang buhay din nila ang magiging kapalit.

"Ipangako niyo sa'kin na m-mabubuhay kayo." Huli nitong bilin bago tinakpan ng sinserong ngiti ang labis-labis na pagkadurog ng kaniyang loob. Mahirap para sa kaniya ang bitawan ang mga katagang 'to dahil hindi niya inaasahan na ganito siya kaagang babawiin ng kapalaran. Ilang laban na ang pinagdaanan niya kasabay ng grupo at kahit hindi man niya sabihin nang direkta, nakikita niyang mas lumalim ang samahan ng Aries magmula no'ng nag-umpisa ang outbreak na 'to. Napakarami na rin niyang memoryang nabuo kasama ang mga kaibigang hindi niya maitatangging itinuring niya na ring isang pamilya. Ngunit tila hindi ba hindi na madudugtungan ng panibagong kabanata ang istorya ng Aries kasama siya dahil sa pagkakataong 'to, kinakailangan niya na ring lumisan.

Pikit-matang tumango si Ledger bago niya tinapik-tapik ng makailang ulit ang pisnge ni Cody para gisingin ang kaibigan. Hindi naglayon ay nagdilat ito ng tingin ngunit napapikit din kaagad dulot ng naramdaman niyang matinding pagkahilo. Sa muling pagdilat ng kaniyang mata ay una niyang namataan si Ledger na halatang nag-aalala para sa kaniyang lagay.

"Kaya mo bang tumayo?" Bungad nito sa kaniya at kahit umiikot-ikot pa ang kaniyang tingin ay mas pinili niya pa ring tumango. "I am sorry to say this but you really have to force yourself to stand up, Cody. Malapit ng bumagsak 'tong building kaya kinakailangan na nating gumawa ng paraan para makababa."

Walang salitang tumayo si Cody bago niya pinasadahan ng tingin ang gawing harapan. Doon niya lang din nakumpirma na hindi na nga maganda pa para sa kanila ang manatili rito sa rooftop. Akmang kikilos na sana siya para umpisahang hanapin ang iba pa nilang kaklase ngunit natagpuan niya na lang ang sarili na napahinto nang may bigla siyang naalala.

"Teka..." wala sa wisyo niyang sabi bago nilingon ang pwesto ni Ledger na nag-aantay lang din ng kaniyang susunod na sasabihin. "Nasaan si Wren?" Dugtong niya bago nagpalingon-lingon. Doon lang din naalala ng kausap na miski ang tinutukoy nitong dalaga ay hindi niya na rin mahagilap.

"Dito!" Sabay silang napalingon sa gawing kanan ng rooftop kung saan nakakatuntong ang dalawang siko ni Yohan sa rooftop bars habang nakahawak ang dalawang kamay nito sa hosepipe. Nagpaunahan sa paglapit ang dalawa para daluhan ang nakalambitin na kaibigan. Kamuntik pang mawalan ng balanse si Cody nang may masagi siya sa ibaba at nang balingan niya iyon ng tingin. Doon niya nakita si Ryder na naalimpungatan din sa kaniyang ginawa.

"Ryder!" Tawag niya sa pangalan ng kaibigan na mabilisan namang lumingon sa kaniyang pwesto. Hindi nakaalpas sa kaniyang mata ang putok na labi ng binata at ang bukol nito sa gilid ng kaniyang noo. Walang pasa-pasabing hinila patayo ni Cody ang kamay nito saka siya maingat na inalalayan patungo sa gawi ni Yohan.

"Nasaan ang iba?" Salubong nito sa kanila na siyang nagpaurong ng dila ni Ledger. Hindi niya alam kung papaano niya ipagtatapat sa kaharap ang lagay ni Earlyseven. Miski si Cody ay hindi rin nakasagot dahil lumilipad ang kaniyang utak sa pag-iisip kung nasaan na nga ba si Wren. May parte sa binata ngayon na hindi niya lubusang maipaliwanag. Tila ba kinakabahan siya sa lagay ng kaklase na siyang bahagyang nagpabahala sa kaniya lalo na't wala siyang katiting na ideya kung saan niya ito hahanapin matapos nitong mahulog.

"Sila na l-lang ang natirang ligtas sa rooftop, Yo." Ang mahina at naghihingalong boses ni Earlyseven ang siyang namutawi rito sa ibabaw. Iyon din ang naging rason kung bakit nabaling ang kanilang atensyon sa harap ng metal na pinto kung saan may nakadagan ditong napakalaking tipak ng semento. Sa likod no'n ay malaya niyang nakita ang katawan ng kaklase na hindi na nakakagalaw pa.

"Earlyseven?" Magkahalong gulat at pagkatarantang tawag ni Yohan nang marinig ang tinig ng kaibigan. "Ikaw ba 'yan, tol?"

"S-syempre ako 'to. Bakit, ilan ba kaming Earlyseven sa Aries?" Pabiro pa nitong sabi at saktong pagtawa niya ay bahagya pa itong nasamid dahil sa dugong rumagasa palabas ng kaniyang bibig. Nagbalak siya ulit na magsalita ngunit muli na namang naulit ang pagyanig at mas lalong tumagilid ang rooftop bagay na siyang naging rason kung bakit kamuntik nang mahulog sila Cody paibaba.

"Sige na. U-umalis na kayo, habang kaya pa ng katawan ko na pigilan 'tong s-semento." Nauutal niyang sambit bago niya hinigpitan ang pagkakahawak sa magkabilang gilid ng tipak.

"P-pero paano ka?" Puno nang pag-aalalang tanong ni Ryder.

"Huwag mo na akong intindihin, Ry. Ito na ang p-pinakahuling bagay na magagawa ko para sa Aries kaya i-ibigay niyo na sa'kin 'to." Nangungumbinsi niyang tugon nang walang halong pag-aalinlangan. Labag sa loob na sumunod ang mga kaklase sa kaniyang sinabi ngunit kababakasan pa rin ang matinding pagtutol ng mga 'to sa kagustuhang matulungan siya. Ngunit ang mismong binata na ang nagpaubaya, si Earlyseven na mismo ang nagpasyang iwan siya rito sa kagustuhang mailigtas sila.

Naunang lumapit si Ryder at maingat siyang lumambitin saka dahan-dahang ibinaba ang kaniyang sarili. Panay ang sulyap niya sa ibaba hanggang sa nahagip ng kaniyang mata ang pinakadulo ng hosepipe kung saan nandoon si Corbin at parang nag-aalangan pa ito kung tatalon na ba siya o hindi pa.

"Bilisan niyo!" Rinig niyang sigaw ni Yohan mula sa itaas bago dali-daling sumenyas. Hindi na nga siya umangal pa at mas binilisan ang pagbaba nang sagayon ay makasunod na sila Ledger.

"Susmaryusep, ang taas." Maktol ni Corbin bago niya marahang ipinikit ang kaniyang mga mata.

"Tangina tol, bilisan mo!" Singhal ni Ryder ngunit mas lalo lang na nagreklamo ang kaklase.

"Hindi ko nga kaya di'ba? Tsaka na-dislocate iyong ugat ko sa paa no'ng binalibag ako ni Quincy kaya baka hindi na ako makalakad kapag tumalon pa ako." Pagdadahilan ni Corbin bago tumingin sa ibabaw. Nang suklian siya ng kaibigan ng nagbabantang tingin ay doon na siya palihim na nagmura bago sumagot.

"Oo na, sandali lang! Bigyan mo naman ako ng time para makabwelo!" Ganti niya. Saktong pagbaba ng kaniyang tingin ay doon na siya nag-ipon ng lakas ng loob at nagbabakasakali na baka sa pagkakataong 'to ay kaya na niya. Ilang segundo niya pang tinantsa ang sarili ngunit muli na naman siyang binigo ng kaniyang loob.

"Pero hindi naman kasi kami pinapatalon nang ganito kataas kapag nagte-training kami sa Arnis, Ryder!"

"Wala akong pakialam. Talon!" Muli niyang sigaw kaya wala na itong nagawa pa kundi ang pikit-matang bumitaw.

"AHH! Tulungan niyo ako! Ayaw kong bumagsak! Marami pa akong pangarap sa bu-"

"Oa mo, nasa lupa ka na." Madaliang singit ni Ryder bago siya binatukan. Dahan-dahang dinilat ng binata ang kaniyang kaliwang mata saka inilibot ang tingin para kumpirmahin kung totoo nga bang nasa ibaba na siya. At nang makasiguro ay doon pa siya pilit na ngumiti bago nahihiyang nagkamot ng ulo.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nakalapag din nang ligtas si Ledger kasunod ni Yohan at Cody na halatang nababagabag pa rin ang sarili dahil kay Earlyseven.

"A-alis na tayo?" Alinlangang aya ni Ryder kay Yohan na hindi kaagad binawi ang tingin sa rooftop. Walang sagot na tumango ang kaibigan bago sila sinenyasan na magpatuloy sa pakikipagsapalaran.

Palihim na sinulyapan ni Corbin ang kaniyang mga kasama. Sa labing-anim nilang magkaklase, lima na lang silang natitira ngayon. Hindi na niya alam pa kung sino na lang sa mga nahiwalay niyang mga kaklase ang buhay o wala na sa mga oras na 'to. Makailang ulit na nilang napagtagumpayan ang pagsubok na binibigay ng kapalaran, ngunit tila ba sa bawat panalong nakukuha nila sa sitwasyong 'to ay buhay din ng mga kaklase nila ang kinakailangang masakripisyo. Isang bagay na bahagyang nagpahina sa kaniyang loob dahil hindi malabong isipin na mayroon na naman sa kanila ang susunod.

"Wait... do you guys hear what I heard?" Sabay-sabay silang napahinto sa paglalakad nang biglang itinaas ni Ledger ang kaniyang kanang kamay senyales na pinapahinto niya ang grupo. Dulot ng kaniyang sinabi ay doon pare-pareho nakiramdam ang mga kasama sa paligid at pilit na inaalam kung ano nga ba ang tinutukoy ng kaklase.

"There's something coming in our way." Dugtong pa ng binata at bago pa makabato ng tanong si Ryder ay kaagad na sumalubong sa kanilang harap ang napakaraming zombies na mabilisang tumatakbo patungo sa pwesto nila.

"Shit, it's a fucking horde. Run!" Dala nang matinding pagmamadali at pagkataranta ay magkasabay silang nagsitalikod para tumakbo. Hindi maiwasang mapamura ni Corbin lalo na't hindi niya inaasahan na susurpresahin sila nang ganito kabilis ng mga halimaw. Masakit man ang kaniyang paa ay hindi na siya nag-inarte pa at pinilit ang sarili na sabayan ang angking bilis at liksi ng kaniyang mga kasama.

Buong akala niya ay babalik ulit sila sa dating gawi na kinakailangan ulit nilang lumusot sa napakaraming pasilyo at magtago sa loob ng isang classroom. Ngunit tila hinulugan sila ng himala sa puntong 'to lalo na at bigla na lamang mabilis na nagsitumbahan ang mga zombies sa kanilang likuran. Isang pangyayari na kaagad na natunugan ni Cody.

Mabilis siyang lumingon para tignan kung ano ba ang dahilan sa likod ng isa-isang pagbagsak ng mga halimaw. Sunod nahagip ng kaniyang mata ang tila lumilipad na mahaba at may kanipisang bagay sa ere na diretsong bumabagsak sa kanilang likuran. Dala ng pagtataka ay kaagad niyang itinuon ang atensyon sa itaas. Hinanap ng kaniyang tingin kung saan iyon nagmumula hanggang sa tuluyan na niyang mahagip kung kanino nga ba iyon galing.

Hindi nakaalpas sa kaniyang mata ang tumatakbong pigura ng dalawang tao na halos magkasabay na nagpapakawala ng atake mula sa ikalawang palapag. Hawak ng isang babae ang pana't palaso na halos minu-minuto nitong pinapakawalan. Kasunod niya ang isa ring babae na may hawak na dartpins sa magkabila nitong kamay at sunod-sunod na tumitira ng headshot. Bahagyang naningkit ang mga mata ni Cody nang tila pamilyar sa kaniya ang dalawang iyon. Saktong paglagpas nila sa gusaling iyon ay ang siya namang paglitaw ng isang binata sa kanilang harap habang hawak-hawak nito ang isang duguang baseball bat.

"Hindi nga ako nagkakamali. Sila nga." Tila nabubuhayan niyang sabi at mas binilisan pa ang paghakbang.

Nang kompleto silang nakarating sa gawing harapan ng lalaki ay ang siya ring pagbaba ng dalawang babae sa building para daluhan sila rito sa ibaba. Hindi na rin nagulat pa si Cody nang nagawa ng mga itong pabagsakin nang ganoon kabilis ang mga zombies na kanina lang ay hinahabol sila lalo na at isa siya sa naging saksi kung gaano kagaling ang kanilang Seniors pagdating sa usaping ito.

"Ate?" Gulantang na tawag ni Corbin sa dalagang nakatalikod mula sa kaniyang pwesto. Ang mahaba at manipis nitong buhok ay tila alon na tinatangay ng hangin, at nang saktong lumingon ito sa kaniyang gawi ay kumurba nang kaunti ang gilid ng labi nito.

"Putangina. Ikaw nga!" Akmang yayakapin na niya sana ito ngunit naramdaman niya na lang ang isang matigas na bagay na kaagad na tumaginting sa ibabaw ng kaniyang ulo.

"Aray ko!"

"I've told you not to cuss right in front of my face, haven't I? Pasaway ka talaga kahit kailan." Malamig nitong bungad na para bang walang kaso sa kaniya na tratuhin nang ganito ang kaniyang nakababatang kapatid sa mismong harap pa ng mga barkada nito.

"Oo na, tangina. Hindi ka pa rin nagbabago, sadista ka pa rin." Kakamot-kamot niyang tugon at nang akmang hahampasin siya ulit ng dalaga ngunit mabilis siyang nakailag at ginamit si Yohan bilang pangharang.

"Si Mills? Nasaan si Mills?" Salubong ni First sa binata na hindi kaagad nakasagot sa kaniyang itinanong. Sa sobrang dami ng kaniyang dapat na aminin sa nakakatandang kapatid ng dalaga na itinuring niya ring isang Kuya ay hindi na niya alam pa kung saan mag-uumpisa

"Nagkahiwalay po kami." Mahina niyang sabi saka yumuko. Kaagad na bumakas ang matinding pag-aalala sa mukha ng kaharap nang marinig ang kaniyang isinagot.

"Matapos mangyari iyong pagsabog sa rooftop kung saan kami nanatili kanina, nagkahiwa-hiwalay na kami, First. Tatlo sa grupo iyong nawawala at isa na naman sa Aries ang nalagas." Mahinahong sagot ni Ryder bago tinuro ang building kung saan sila galing. Nanatili ang tingin ni First sa nakayukong si Yohan at miski siya ay nagdadalawang-isip kung itutuloy niya ba ang namumuong tanong sa kaniyang isipan o kikimkimim niya muna ito at maghanap na lamang ng iba pang pagkakataon.

"Sana hindi mo i-blame si Yohan sa nangyari, tol. Dahil miski siya, hindi ginusto na mangyari ang lahat ng 'to." Dagdag ng binata bago inakbayan ang naturang kaklase.

"Patawarin mo'ko, Kuya..." biglaang sambit ni Yohan. "Sorry kung hindi naging sapat iyong mga ginawa ko para manatili si Mills sa tabi ko." Tuloy niya nang hindi pa rin nag-aangat ng tingin.

"Nangyari ba?" Pigil-hiningang tanong ni First na siyang nagpakuyom sa kamao ng binata. Umusbong ang pagtataka sa mukha ng mga nandito habang nakatingin sa kanilang pwesto. Wala silang kaide-ideya kung ano ba ang pinag-uusapan ng dalawa at kung bakit ganito na lamang ito kaseryoso.

"So it really happened?" Bakas ang labis-labis na pagkatalo at takot sa mukha ng lalaki matapos makita ang reaksyong puminta sa mukha ni Yohan. Hindi na niya alam pa kung ano ang kaniyang gagawin ngayon lalo na't nangyari ang isang bagay na pinakakinakatakutan niya para sa kaniyang nag-iisang kapatid.

"Kung may gusto man kayong pag-usapan. Huwag dito." Madaliang sita ni Kimber nang makatunog na siya na may panibago na namang horde na paparating. Minadali niyang sinenyasan si Dillon na kaagad namang naunawaan ang kaniyang gustong iparating.

Maingat nilang tinungo ang building na nasa kanilang gilid at nagpasyang pumasok sa isang bakanteng silid. Matapos nilang maisara ang mga bintana at maharangan ang pinto ay doon na sila hinarap ni Kimber gamit ang blangko nitong mukha at ang nangunguwestiyon nitong mga mata.

"Care to explain what you guys are talking about?" Diretsa niyang tanong bago isinukbit sa kaniyang katawan ang hawak na pana.

Sandaling nanahimik si First at binalanse ang sitwasyon kung ipagtatapat na niya ba ang isang lihim na halos isang dekada na ring itinago ng kanilang pamilya. Alam niyang napakadelikado kung sasabihin niya ito sa iba ngunit ngayong lumabas na sa katauhan ng kaniyang kapatid ang isang kaanyuan na ni minsan ay hindi nila inakalang mangyayari ay wala na siyang pagpipilian pa kundi ang ipagtapat talaga ito.

"It's..." pansamantala niyang pinutol ang kaniyang sasabihin saka tumikhim. "It's about my sister's condition."

Saglit siyang nanahimik at ibinaba ang hawak na baseball bat. Inayos niya ang kaniyang buhok bago siya wala sa wisyong napahilamos ng mukha.

"Some of you here already knew that I am being a protective older brother to her, right?" Panimula niya na siyang hindi na ikinagulat pa ng iilang nandito lalo na kay Ryder at Yohan. "Alam kong alam niyo na bantay sarado si Mills. Not because of the fact that half of her circle of friends are boys or she's a girl, but it's actually because of her physical state that we hide for almost decade."

Matapos niyang sabihin iyon ay doon na nga unti-unting nagkaroon ng ideya ang Aries kung ano nga ba ang patutunguhan nitong usapan. Tumatak sa kani-kanilang isipan ang kakayahan ni Mills na hindi nagagawa ng isang normal na tao lamang. Saksi sila sa ibang klase nitong kakayahan ngunit ang iilan sa kanila ay mahahahalatang naguguluhan pa rin kung ano nga ba ang rason sa likod nito.

"Pinagbabawalan ko siya na i-overuse iyong lakas niya dahil the more na napapasobra siya sa paggamit no'n, mas lalo lang siyang hindi nagiging normal." Dagdag ng binata na siyang bahagyang ikinagulat ni Dillon.

"Hindi nagiging normal?" Kunot-noong tanong ni Dillon. "What do you mean by it, First?"

"My sister... she's not a human."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top