Chapter 35: Paniningil

Hindi na alam ni Willow kung anong oras na ba. Kanina pa siya nagpapaiba-iba ng pwesto dahil nga sa hindi siya makatulog. Kahit anong gawin niyang pagpigil na huwag munang umihi, ay hindi na niya talaga kinakaya. Nilingon niya ang pwesto ni Mills at halata na sa mukha ng kaibigan na nakakuha na ito ng pagkakataon na makapagpahinga, sunod naman niyang binalingan ng tingin si Meadow para sana gisingin ang kaklase ngunit nagpigil na lamang siya dahil ayaw niya rin itong istorbohin.

"Bwisit naman!" Mariin niyang mura sa isipan bago niya tinapik-tapik ang kaniyang tiyan.

"Iihi ba ako o hindi?" Naiiyak niyang tanong at muli na naman siyang nag-iba ng pwesto. Saglit pang nagtalo ang kaniyang isipan hanggang sa nakapagpasya siya na bumangon. Palihim siyang tumayo at maingat na inalis ang pagkakatalukbong ng tela sa kaniyang katawan nang sagayon ay hindi niya magising si Mills. Inayos niya muna ang kaniyang sarili bago minadaling isuot ang kaniyang sapatos, hindi pa man siya nakakalakad ay bigla na lamang siyang napapiksi nang may marinig siyang nagsalita.

"And where do you think you're going?" Biglaang tanong ni Wren. Mabilis na napalingon si Willow sa pwesto niya at doon niya nakita na nakapikit pa rin ang mga mata ng kaklase. Saglit siyang napahinto at pinakiramdaman kung may malay ba ito o nasa kasagsagan lang ng sleep talking. Inobserbahan niyang maigi ang dalaga at nang hindi na nga siya nakatiis ay nilapitan niya ang pwesto nito.

Dahan-dahang inilagay ni Willow ang kaniyang kamay sa ibabaw ni Wren upang kumpirmahin kung gising ba ito o tulog. Hindi niya pa man nasisimulang iwagayway ang kaniyang kamay pero mabilis na itong hinuli ng kaharap. Kaagad na nagdilat ng mata si Wren at blangko siya nitong ipinukol sa pwesto ng kaklase.

"Saan ka pupunta?" May kahinaan nitong tanong.

"Kagabi pa ako ihing-ihi, Wren. Pwede naman siguro akong lumabas, di'ba? Feel ko mawawasak na iyong pantog ko kapag 'di ko pa rin 'to ilalabas." Diretsa niyang pag-amin bago inipit ang kaniyang tiyan.

"What's the point of going out when you can just pee here?" Suhestiyon ng dalaga na siyang dahilan kung bakit naging dominante sa mukha ni Willow ang pandidiri.

"Ayaw ko nga!"

"Look, sobrang delikado kung bababa ka pa sa rooftop, Willow. T-"

"Kung may CR lang sana tayo rito sa taas e 'di sana hindi na ako aalis." Tugon niya bago binawi ang kamay mula sa kaklase.

"But you can just pee behind those boxes." Turo nito sa mga nagkumpulang mga kahon na siyang ikinangiwi lalo ni Willow.

"Just this once, Wren. Tsaka hindi rin naman ako magtatagal eh, babalik ako kaagad. I promise." Sinsero niyang sabi at hindi niya na pa inantay ang sasabihin pa ng kaharap at tuloy-tuloy na siyang naglakad palabas sa pinto. Pinindot niya ang button sa gawing gilid at nag-antay pa siya ng ilang segundo bago iyon tuluyang nagbukas.

"System opened successfully."

Nang sa wakas ay nagbukas na nga ang pinto ay doon na niya nilabas ang kaniyang cellphone at ini-on ang flashlight para kahit papaano ay magkaroon siya ng kahit katiting na ilaw.

Sinuri niya munang mabuti ang paligid para makasiguro siya kung ligtas na bang bumaba o hindi. Mariin din ang hawak niya sa tubong dala na siyang gagamitin niyang armas kung saka-sakali mang may makasalubong siyang zombie. Gustuhin man niyang magpasama ngayon ngunit mas pinili niya na lamang na lumakad mag-isa. Pangangatawanan na niya ang sinabi niyang pagbabago kay Mills at sisimulan na niya ito ngayon. Nang saktong maihakbang na niya ang kaniyang paa sa labas ng system door ay mabilis naman iyong nagsara.

Hindi na nga siya nagsayang pa ng pagkakataon at maingat na naglakad sa sementadong sahig. Bawat nakatihayang zombies na nasa paligid ay iniilawan niya para lang siguraduhin kung buhay pa ba ang mga iyon o hindi na. Ayaw niyang magpakampante sa sitwasyong 'to lalo na't mag-isa lang siya.

Tahimik niyang binaybay ang kahabaan ng pasilyo habang ang tingin ay nanatili sa gawing itaas. Pinipilit niya ring tandaan kung saan ba nakapwesto ang Comfort Room ng building at dahil nga sa madilim ang paligid ay nahihirapan siya sa pagkilos.

"Saang banda na nga ba 'to?" Mahina niyang tanong bago nagpalinga-linga. Laking pasalamat niya na lang talaga na wala pa siyang zombie na nakakasalubong, dahil kung nagkataon baka kanina pa siya binawian ng buhay. Tanging malamig na temperatura lang ang sumasama sa kaniya ngayon at hindi niya na alam pa kung nagmumula ba 'to sa hangin o may mga dumidikit-dikit na sa kaniyang mga nilalang na hindi niya lang magawang makita.

"Putangina, nakaka-discourage i-on iyong flashlight baka 'pag nilipat ko 'to sa ibang pwesto, kaluluwa iyong sasalubong sa'kin. Gagi 'wag naman sana." Bulong niya sa sarili at pilit na nilalabanan ang takot na namumuo sa kaibuturan ng kaniyang sistema. Gustuhin man niyang patayin ang ilaw pero mas pinili niya na lang na pumirmi dahil baka maging mitsa pa ito ng pagkaligaw niya.

"Class 9-A... Class 9-B..." bulong niya sa hangin. "Punyeta asan na ba kasi iyong CR sa building na 'to?" Napipikon niyang tanong bago mahinang nagpadyak ng paa. Pakiramdam niya ay ilang minuto na lang ay bibigay na ang pantog niya. At kung hindi pa rin siya makakahanap ng banyo ay mapipilitan talaga siyang umihi sa kung saan.

Saktong pagliko niya ay bumungad sa kaniya ang napakaliwanag na corridor. Bahagya siyang nakaramdam ng kaunting kaginhawaan dahil hindi na niya kinakailangan pang magtiis sa kakarampot niyang ilaw. Idagdag pa na hindi na niya kinakailangan pang takutin ang sarili sa kung anumang klaseng multo ang bigla-bigla na lang na bubulaga sa harap niya sa gitna ng dilim. Pansamantala niya munang pinatay ang kaniyang flashlight at nagmadaling tunguhin ang pinakadulo.

"Comfort Room." Basa niya sa signage na nakadikit sa gawing ibabaw. Akmang tutuloy na sana siya sa loob pero natagpuan niya na lamang ang kamay na nakatapat sa seradora habang nakahinto iyon sa ere.

"Hindi naman siguro 'to third floor, di'ba?" Bulong niya sa sarili. Nang makalimutan niya kung anong palapag na ito ay dali-dali siyang lumapit sa bakal na siyang nagsisilbing harang sa corridor. Sumilip siya sa gawing ibaba bago niya iyon pinasadahan ng tingin.

"One...two..." palihim niyang bilang at nang sumakto na ang kaniyang tingin sa palapag na kinalalagyan niya ngayon ay mabilis siyang dinunggol ng kaba. Aminado si Willow na hindi siya matatakutin pero nang dahil sa mga kwento-kwentong laging bukam-bibig ng kaniyang mga naging kaklase ay tila naimpluwensiyahan na rin ang sarili niya. Idagdag pa ang katotohanan na madalas siyang manood ng mga nakakatakot na teleserye sa TV na siyang lubos niyang pinagsisisihan ngayon dahil hindi niya lubos inakala na pagdadaanan niya ang pinakaayaw niyang senaryo sa bawat horror movie. At iyon ay ang maiwang mag-isa sa third floor sa gitna ng nakakakilabot na atmospera.

"Tangina, naalala ko na naman iyong scene sa Eerie. Sana pala hindi na lang ako nanood ng horror movie!" Mariin niyang sermon sa sarili at hindi na siya nag-abala pang subukang buksan ang CR dahil dinudumog na siya ng mga senaryong hiniling niyang sana hindi niya na lang napanood. Palinga-linga siyang bumaba sa ikalawang palapag at hindi na rin siya halos magkandaugaga sa paghakbang dulot ng kaniyang labis na pagmamadali.

"Sino ba kasi ang putanginang nag-imbento ng mga chismis na may mga estudyanteng nagpapakamatay sa third floor? E'di sana nakaihi na ako sa itaas, punyeta 'yan!" Naririndi niyang banggit at wala sa wisyo siyang napatakip ng bibig nang mapagtanto niyang napalakas pala ang kaniyang boses. Taranta siyang nagpalinga-linga upang siguraduhin kung may zombie bang papalapit sa kaniya ngunit sa ikalawang pagkakataon ay walang kahit anong senyales ng mga halimaw ang nasa pasilyong 'to.

Maingat ulit siyang naglakad habang mariin ang pagkakawak sa tubong dala. Pinaikot-ikot niya ito sa kaniyang kamay habang abala ang tingin sa paglilibot dito sa palapag kung nasaan siya. Tanging mahihina niyang yabag ang siyang maririnig sa parteng 'to at ni kahit isang tao ay wala talaga siyang nahagilap. Sumisilip din siya sa bawat classroom upang tignan kung may na-trapped bang survivor sa loob ngunit bigo lamang siyang napabuntong-hininga nang wala man lang siyang nakita.

"It looks like I am the only living person that left here." Hinuha niya bago muling nagpasya na tumuloy. Nang sumaktong nakarating siya sa dulo ay kaagad niyang nilapitan ang pinto. Makailang beses niyang pinihit ang doorknob ng Comfort Room ngunit hindi niya ito magawang mabuksan.

"Punyeta nga naman talaga oh!" Pikon na pikon niyang turan sa kaniyang isipan. Hirap na hirap siyang nagpatuloy sa pagbaba hanggang sa napunta siya sa ground floor. Muli niyang inilabas ang kaniyang cellphone para gawing pan-ilaw. Doon niya lang napagtanto na hindi pa pala nalalagyan ng fluorescent lamp ang gawing itaas kaya walang kahit katiting na ilaw dito sa ibaba. Saktong pagliko niya sa bandang kaliwa ay nagtalo pa ang isip niya kung tutuloy ba siya o hindi. Nagpapatay-sindi ang tubular electric lamp ng pasilyong kinaroroonan niya ngayon na siyang naging mitsa kung bakit ilang beses siyang napamura. Ngunit sa huli ay mas pinili niya pa ri ang sumulong sa kagustuhang ilabas ang bigat ng kaniyang dinadala.

Halos takbuhin na ni Willow ang pinakadulo lalo na at hindi na niya talaga magawang makatiis pa. Saktong paghinto ng kaniyang paa sa pinakadulo ng corridor ay nahagip ng kaniyang mata ang pinakahuling kubikulo ng gusaling ito. Mabilisan niyang inipit ang tubo sa magkabila niyang hita bago niya hinawakan ang seradora. Isang pihit niya lang ay kaagad iyong nagbukas bagay na kaniyang labis na ipinagpapasalamat. Wala na nga siyang inantay pang pagkakataon at dali-daling pumasok sa loob.

Kamuntik pa siyang madulas ngunit mabuti na lang at nakahawak siya sa isang drum kaya hindi siya tuluyang nawalan ng balanse. Nang makalapit na siya sa unang kubikel ay agaran niya itong binuksan. Hindi pa man siya tuluyang nakakapasok ngunit ang mapanghing amoy na nanggagaling sa loob ang siyang lumukob sa kaniyang ilong na siyang naging mitsa kung bakit muli niya itong isinara.

"Punyeta. Gagamit na nga lang ng CR hindi pa marunong mag-flush." Sermon niya at muling lumipat. Pare-parehong senaryo ang sumasalubong sa kaniya sa bawat kubeta kaya dumiretso na lamang siya sa pinakadulo. Sira ang seradora ng pinto pero hindi na siya nag-inarte pa. Mas mabuti na para sa kaniya ang umihi sa kyubikel na sira ang doorknob kaysa sa magtiis sa loob ng kubikulong pinamugaran na ng mga hindi kaaya-ayang amoy.

Matapos niyang maiharang ang isang balde sa pinto ay doon pa siya nagdesisyon na umihi.

"Thank you Lord, nakaihi rin sa wakas." Nakapikit niyang sabi na para bang tuluyan na siyang nakawala sa tinagal-tagal niyang pagtitiis. Nang matapos siya ay binuhusan niya iyon ng ilang tabong tubig. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago niya inayos ang dapat na ayusin.

Saktong paghila niya sa pinto ay nahagip ng kaniyang ilaw ang isang pares ng paa na nakatayo mismo sa kaniyang harap.

"May paa?" Nilalamon man ng katiting na kaba ngunit mas pinili niya pa ring ilawan iyon. Dahan-dahan niyang iniangat ang ilaw sa nakatayong pigura ng tao. Hindi niya maiwasang mapalunok lalo na at mas lalo lamang siyang dinudumog ng takot. Gustuhin man niyang sumigaw pero hindi na niya nagawa waring hindi niya magawa pang hanapin ang kaniyang boses.

Kapansin-pansin ang napakaputla nitong balat maging ang mga bakas ng dugo na siyang nagmantsa sa napakaputing suot nitong blusa. Nang sumaktong magawi ang kaniyang ilaw sa mismong mukha ng kaharap ay kaagad na nablangko si Willow. Ni kahit isang salita ay wala siyang nabitawan dahil sa labis-labis na pagkukumahog ng kaniyang puso at pagdantay ng ibayong klaseng kaba at takot na siyang bumalot sa kaniyang sistema. Ang tanging nagawa niya lang ay ang tignan kung paano gumuhit ang napakatamis na ngiti sa labi ng kaharap na siyang nagbigay sa kaniya ng babala na hindi na nga magiging maganda ang susunod na mangyayari.

"It's been awhile. Did you missed me, Willow?" Salubong nito sa kaniya.

"C-Chloe?" Nahihintakutan niyang banggit sa pangalan ng kaharap.

Sumandal muna si Chloe sa pinto ng kubetang nakapwesto sa kaniyang likod bago sumagot.

"What's with the sudden stutter? Para namang hindi ka nasanay sa prensensiya ko." Tugon nito saka ipinagkrus ang dalawang braso. Kung titignan ay parang normal lang kung kumilos si Chloe, pero hindi tanga si Willow para hindi malaman kung paano ito nagbago. Hindi niya rin magawang makalimutan ang naikwento ni Yohan sa kanila sa kung paano siya gustong patayin ng dalaga. Idagdag pa ang nakakakilabot na teoryang nabuo ni Ledger patungkol sa walang kamatayan nitong katawan na siyang hindi niya naman lubos akalain na magkakatotoo. Dahil nandito mismo si Chloe sa harap niya at ni kahit isang galos ay walang tinamo.

"Wala ka man lang bang sasabihin sa'kin?" Hirit nitong tanong na tila ba may inaantay itong mga salita na gusto niyang marinig mula sa kaniyang mismong bibig. Ilang segundo pang nanahimik si Chloe at inobserbahang mabuti ang magiging kilos ni Willow ngunit ni isang pantig ay wala talaga siyang narinig.

"Kahit isa man lang sanang sorry wala talaga?" Dagdag niya pa na tila naiinip.

Sa binanggit niyang iyon ay doon pa nakatunog si Willow kung ano ang nais ipunto ng kaklase. Nanaig sa kaniyang mukha ang samut-saring emosyon at hindi na niya alam pa kung alin sa mga ito ang una niyang mararamdaman. Matatakot ba siya na nalaman na ng dalaga ang pinakainiingat-ingatan niyang sekreto? Dapat ba siyang masaktan dahil tiyak na hindi na siya ulit nito ituturing na isang kaibigan? O hindi kaya ay ang makaramdam ng labis na pagkabahala para sa kaniyang kapakanan lalo na't hindi na ito isang pangkaraniwang tao at pwedeng-pwede siya nitong tapusin kung kailan niya man gusto?

"I didn't mean to do it, Chlo-"

"But you still did it, Willow. A sin is still a sin, even if you mean it or not." Putol ng kaharap sa kaniyang sinasabi na siyang naging mitsa kung bakit lihim na lamang na nakagat ng dalaga ang kaniyang dila. Kinakain na siya ngayon ng magkahalong konsensiya at pagsisisi bagay na mas lalo niya lang na ikinalugmok.

"I thought you're just a walking unpretentious atheist who loves doing humoristic things with your circle of friends." Panimula ni Chloe bago ipinagkrus ang kaniyang braso. Muling hindi nakaimik si Willow mula sa narinig kaya naman ay kinuha na ng kaklase ang pagkakataong iyon upang magpatuloy sa pagsasalita.

"Hangang-hanga pa naman ako sa'yo, Willow. Siguro kung ipinangak lang akong lalaki, hindi talaga ako maghe-hesitate na pormahan ka," gatong niya. "But I just want to thanks God or whoever made me because they allowed me to see the world in a feminine way."

"Alam mo kung bakit?" Saglit muna siyang huminto saka humikab at nagkusot ng mata. "Dahil nagagawa kong makita kung paano nag-iiba ang attitude ng mga kapwa ko babae sa likod at harap ng camera."

Sandali nitong nilayo ang sarili sa sinasandalan bago muling nagpatuloy.

"Let's take Shilloh as an example. She's been known as the 'Cherubim of the North' because of her physical appearance that made her stood out among all of the youngsters in our city. Not just that, she also holds the title of being the 'Juanico High's Inner Light' since they assumed that she carry the divine presence of an angel," mahaba-haba niyang paliwanag. "Her oh-so-called-scpripted-acting made her popular to the point that every single pips come out with a conclusion that Shilloh is an approachable and sympathetic type of person. At dahil sa pagiging artistahin niya, wala man lang naniwala na siya ang isa sa Bermuda Triangle ng school natin." Bumakas ang inis sa boses ni Chloe nang muli na namang nanumbalik ang ibayong galit sa kaibuturan ng kaniyang puso. Kahit pa alam niyang nakaganti na siya sa naturang kaklase ay hindi pa rin siya nakakaramdam ng kahit katiting na pagkakuntento.

"They got persuaded by her graceful actions and blinded by her fake dramas. 'Cause the Shilloh Ortega that they've known was all a part of her indistinct figure," seryoso niyang dugtong. "All this time, she's a demon disguised as an angel to hide her ulterior motive. That girl is a fucking 'Charming Charlatan Queen' that killed several impecunious kids inside this school. At 'yan ang pinakainiingat-ingatan niyang sekreto sa loob ng Juanico High."

"If Lyndon was known for his dirty tactics, Quincy with his fiendish movements, then Shilloh was recognized for her clever-technique card. Mautak siya at kahit ano pang gawin mong atake, kayang-kaya niya pa ring baliktarin ang sitwasyon. The more that she uses her victim card, the more na nagkakaroon ng rason ang mga taong nandito para mahalin at ipaglaban siya," puno nang pagkamuhi niyang sabi. "Imagine how those peers praised her for being an angel without them knowing that she have grown a pair of horns above her head? Pathetic, isn't it?" Sarkastiko niyang sabi bago tumawa.

"We are all born with two face, Willow. The false visage, and the unseen mien. The front is the type of facade that we often wear in front of the crowd and the second one is the imperceptible surface which represents your real self that you usually show during the night." Makahulugan niyang paliwanag na para bang alam na alam niya ang lahat ng 'to.

Nang dahan-dahan siyang lumapit sa kausap ay paunti-unti ring umaatras ang kaharap waring naiintimida sa kaniyang presensiya. Ngunit bago pa man ito makalayo sa kaniya ay mabilisan niyang nahawakan ang necktie ng dalaga saka niya iyon mariing pinisil dahilan kung bakit hindi na muling nakahakbang pa ang kaklase.

Muling naging dominante sa mukha ni Willow ang takot nang masalubog niya sa ikalawang pagkakataon ang nakakapanindig-balahibong mata ni Chloe. Diretso na ito kung tumitig hindi gaya no'ng dati na halos hindi niya pa ito matignan sa mata dahil sa labis nitong pagkamahiyain. Kung noong una ay malumanay pa ito kung tumingin, ngayon ay para na itong tigre na nakahanda kang sakmalin sa oras na magkamali ka sa pagkilos. Hindi nga isang biro ang mga nalaman niya mula kay Yohan, aminado siyang nagkakaroon pa siya ng alinlangan sa mga narinig niyang salaysay ng kaklase patungkol sa dalaga dahil kilala niya si Chloe. Ngunit sadyang iba ang nagagawa ng galit at paghihiganti dahil tuluyan na nga itong naging parte sa panibago nitong pagkatao.

"Care to remove that false face of yours and show me the real you?" Pabulong nitong sabi. Nanginginig na napailing si Willow bago niya mariing ipinikit ang kaniyang mga mata. Hindi na kinakaya ng sistema niya ang mga rumaragasang emosyon sa kaniyang loob at pakiramdam niya ay malulunod na siya rito sa oras na hindi pa rin siya makakaalis.

Nang hindi siya nakasagot ay doon na gumapang ang kamay ni Chloe sa keeper loop ng kaniyang necktie. Pinaglaruan niya muna iyon gamit ang kaniyang daliri bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Alam mo ba kung ano ang pinakaayaw ko, Willow?" Malamyos niyang tanong sa kaharap na ngayon ay nawalan na ng lakas na salubungin ang mata niya. "And it's the moment that when I asked questions, I don't receive a response in return." Seryoso niyang sambit bago dahan-dahang hinigpitan ang necktie na siyang naging mitsa kung bakit mabilis na naiangat ng kaharap ang kaniyang ulo sa kadahilanang hindi na siya makahinga. Nanlalaki ang mata niyang napatingin kay Chloe habang paulit-ulit siyang nagpapakawala ng impit na tunog.

Ilang segundo pang pinanatili ng dalaga ang pagkakasakal sa kaklase hanggang sa nagpasya siyang bitawan muna ito. Halos bumagsak sa ibaba ang katawan ni Willow dulot ng panghihina. Mabibigat din ang kaniyang paghinga waring naghahabol pa rin ng hangin.

"Tapatin mo nga ako, Willow," bahagyang iniyuko ni Chloe ang kaniyang ulo para kahit papaano ay mapantayan niya ang kaklase. "What did you feel while editing that video?" Lumantay muli sa mukha ng dalaga ang gulat nang itanong ni Chloe iyon, rason kung bakit alanganin siyang nagtanong.

"H-how did you know?" Nauutal niyang baling na siyang naging mitsa kung bakit gumuhit ang pagkadisgustong ngiti sa labi ng kaharap.

"So if I did not bring that topic out, didikit-dikit ka ulit sa'kin at aakto na namang parang wala kang ginawang mali, gano'n ba?" Sarkastiko nitong tanong. "You also have the guts to associate yourself with the whole Aries without them knowing na ikaw pala iyong tumatraydor nang palihim sa grupo kaya mas lalo lang akong napapahamak sa kamay ni Quincy."

"Ano ka chameleon na dinidepende iyong color ng balat sa kung saang area ka napupunta?" Hirit na naman ni Chloe bagay na mas lalong nagpa-urong sa dila ni Willow. Hindi na niya alam pa kung papaano niya ito sasagutin gayong sa nakikita niya ay nalason na nga ni Quincy ang utak ng kaniyang kaharap. Isang bagay na kinakatakutan niyang mangyari lalo na at mahihirapan siyang magpapaliwanag. Papaano niya pa nga ba maipagtatanggol ang sarili kung sarado na ang isip nito? Hindi niya rin mapigilang mapapikit at pilit ding tinatakpan ang kaniyang tainga nang sagayon ay matakasan niya ang talim ng dila ng kausap.

"Traydor ka, Willow. Isa kang Hudas sa A-"

"Tama na!" Singhal niya bago isiniksik ang sarili sa gilid. Hindi na niya inalintana pa kung paano dinumog ng tubig ang suot niyang palda dulot ng kaniyang pagkakaupo sa sahig. Ang mahalaga sa kaniya ay putulin ang kung ano pang masasakit na salita na ayaw na niyang tanggapin.

"Y-you don't have to repeat those w-words in front of my face, Chloe," mahina niyang sabi na kahihimigan ng pakiki-usap. "Because I admit that I deserve to be blame for it. I deserve to be called manipulative slob. Kasalanan ko na kung bakit laging namimis-lead sila Meadow sa mga planong ginagawa ng Aries dahil sinusumbong ko iyon lahat kay Quincy. Kasalanan ko rin kung bakit nasira iyong buhay mo nang dahil sa deepfake na iyon." Namamaos niyang pag-amin.

"E 'di inamin mo rin." Seryosong puna ng kaharap.

"If you want to curse me to death, then go ahead. Even if you curse my whole existence just to ease the pain that you've shouldered for God knows how long, then so be it. Hindi ako magagalit," sambit ni Willow. "But have you ever asked yourself kung tama ba iyong mga kwentong narinig mo?" Biglaang tanong ni Willow na siyang nakapagpatigil sa kausap.

"Ni minsan ba naitanong mo sa sarili mo kung tama pa ba iyong pinaniniwalaan mong totoo?" Sandaling huminto ang dalaga para ikalma ang sarili. Hindi niya alam kung mababago niya pa ba ang pananaw ng kaharap ngunit susubok pa rin siya. Kung kinakailangan niyang sumugal, tataya siya.

"No'ng mga panahong nagagawa na ngang baliktarin nila Meadow ang mga laro ni Lyndon, hindi ka na niya pinakialaman pa dahil may deal sila ni Wren," panimula ni Willow na siyang nakakuha ng atensyon ni Chloe. "Idea ni Meadow na magkaroon ng deal ang Taurus at Aries sa kahit anong academic or sports competition. Ang usapan, kung matatalo ng section natin ang section nila Lyndon, titigil na siya sa pambubully sa'yo."

"Nagdesisyon si Meadow nang mag-isa at saka niya na kami sinabihan pagkatapos. Alam mo bang halos magkagulo ang buong Aries dahil sa naging desisyon niya? But Wren started to meddle kaya nakumbinsi niya kami na tama ang naging pasya ni Meadow until the majority accepted the deal kaya naging busy kaming lahat sa trainings during our school's big event. We spend our time doing practice to enhance each of our skills not to have those trophies and certificates but... to save you." Diretsang kwento ng dalaga na siyang nakapagpahinto sa kausap. Nakita niya kung papaano gumuhit ang gulat sa ekspresyon ni Chloe ngunit nangingibabaw pa rin doon ang pagdududa, rason kung bakit muli na naman siyang nagsalita nang sagayon ay dugtungan ang kaniyang pagpapaliwanag.

"Hindi kami bingi para hindi marinig iyong mga chismis na paulit-ulit kang napapahiya no'ng mga oras na wala kami sa tabi mo. But Wren ordered us not to stop nor quit our one week training dahil iyon na lang ang nakikita niyang paraan para maisalba ka." Sa narinig ni Chloe ay bigla na lamang siyang hindi nakaimik na para bang nabaon ang isipan niya sa matinding pag-iisip. Ang mga kinakalimutan niyang pangyayari ay muli na namang nagsibalikan sa kaniyang murang isipan.

Aminado siyang kilala ang Aries bilang mga kampeonato ng Juanico High kaya naisip niyang pinabayaan na lamang siya ng mga kaklase sa kagustuhang maipanalo ang patimpalak, ngunit taliwas pala sa kaniyang pinaniwalaan ang totoo nilang dahilan.

"Hindi naging madali para sa'min na makita kang umiiyak habang naglalakad ka sa corridor. Hindi okay sa side ko na hayaan kang mag-isa, but I was left with one choice and it's to continue my technical training and sundin iyong payo ni Wren na magpigil. Kinakailangan naming mag-stick sa goal dahil kapalit ng pagkapanalo namin iyong ilang taong kaligtasan mo," sinserong dugtong ni Willow nang hindi man lang kababakasan ng kahit anong pagsisinungaling. "At tama nga siya, dahil no'ng nakuha na ng Aries ang sunod-sunod na winning cards, inihinto na nga ni Lyndon iyong panti-trip niya sa'yo."

Matapos itong banggitin ng kaklase ay doon muling naalala ni Chloe ang mga binitawang salita ni Yohan no'ng huli silang nagkasagupa. Ito rin ang eksaktong binanggit ng binata ngunit dahil nga sa nagpadala siya sa emosyon, hindi niya ito pinakinggan.

"After Lyndon stepped his foot away from you, akala namin tapos na. Pero hindi iyon ang nangyari, because Quincy came in our way..." dagdag ni Willow bago nagpasyang tumayo. "Mas naging magulo na iyong takbo ng sitwasyon no'ng siya ang pumalit. Naging agresibo si Quincy sa pagtrato sa'yo dahil sa personal niyong issue."

"Sa kagustuhan niyang magdusa ka, inuna niya kami." Hayag muli ng kaklase na siyang naging mitsa kung bakit namuo sa mukha ni Chloe ang pagtataka. Sa halip na magtanong ay mas pinili niya na lang na manahimik muna at antayin ang paliwanag ng kausap.

"He knews Aries so well kaya alam na alam niya kung sino sa amin ang una niyang babaliin," segunda ng dalaga. "He tried to aim Wren but because of her tough side, hindi nagtagumpay si Quincy kaya iniba niya iyong plano. Instead of tearing our section apart, he then decided to use the new trend in which the new medias have brought to bring you down. At dahil doon, ako ang sunod niyang naging target." Wala sa wisyong napalunok ng laway ang dalaga dahil palapit na siya nang palapit sa usaping ayaw na niya sanang ibukambibig pa.

"He forced me to make a d-deepfake of yours." Maluha-luha niyang pagtatapat.
Tandang-tanda niya pa kung paano siya binantayan ng grupo nila Quincy habang naghahanap siya ng mga coitus clips na pwede niyang gamitin sa paggawa ng deepfake.

"Believe me, Chloe. I fought with all of my might para lang hindi matuloy iyong gusto nilang mangyari. But they o-offered me one last chance so that I can freely decide if I am going to do it or not. They let me choose between editing your deepfake or he'll going to r-rape you..." umiiyak niyang tugon bago napayuko. "A-at sa oras na hindi ako mamimili, ako iyong g-gagahasain nila."

Matapos marinig ang mga katagang iyon ay doon na nga bumigay si Chloe. Ramdam niya ang pagnginig ng kaniyang ibabang labi at ang pagdantay ng galit sa kaniyang mukha.

"Imagine my horror the moment they spit those choices? S-sobrang gulo ng utak ko no'n kaya hindi ako makapag-isip nang matino. Sa kagustuhan kong maging ligtas ka, mas pinili kong sirain iyong pagkatao mo kaysa sa m-mapagsamantalahan ka." Pagtapat ng kaklase at doon hinabol ang hininga.

Nanatiling tuod si Chloe sa kaniyang kintatayuan nang walang salitang binibitawan. Nakatingin lamang siya sa nakayukong si Willow na halos maligo na sa tubig at luha. Patuloy pa rin itong humihikbi habang paulit-ulit na humihingi ng kapatawaran sa kaniya. Aminado siyang natutuwa ang kaniyang loob kapag nakakarinig siya ng taong humihingi ng despensa sa kaniya gaya na lamang ng kung paano siya luhuran ni Shilloh, ngunit tila ba taliwas sa kaniyang inaasahan ang kaniyang naramramdaman ngayon. Sa halip na matuwa, mas nananaig ang awa at pagsisisi sa kaniyang loob.

"Sorry, Chloe. I-I'm sorry." Mahina nitong wika ngunit wala man lang siyang narinig na kahit isang salita mula sa kausap.

Nabaon si Chloe sa matinding pag-iisip at hindi na niya magawa pang pigilan ang mga samu't-saring tanong na siyang muling nagpagulo sa kaniyang isipan. Hindi na niya alam pa ang kaniyang gagawin ngayon, lahat ng mga taktikang plinano niya no'ng mga nakaraang araw na siyang magiging parte ng paghihiganti niya ay naglaho na. Tila ba napawi ang lahat ng kaniyang pinaghandaan sa mga katagang narinig sa dalagang kasama.

Hindi pa man naiaangat ni Willow ang kaniyang mata para sana tignan ang pwesto ng kaklase pero bigla niya na lamang niyang naramdaman ang tila matulis na bagay na siyang tumama diretso sa kaniyang likod at tumagos iyon kaagad sa kaniyang tiyan. Nanginginig itong tinignan ni Willow gamit ang hawak niya pa ring cellphone. At dahil sa ginawa niya ay nakuha niya rin ang atensyon ni Chloe. Gulat ang rumihestro sa kaniyang mukha nang makita kung paano dumaloy ang malapot na dugo sa gawing tiyan ng kaharap. Hindi rin nakatakas sa kaniyang tingin ang bagay na tumagos dito.

"W-what's this?" Nauutal na tanong ni Willow nang dumikit sa kaniyang daliri ang malapot na pulang likidong nagmumula sa kaniyang katawan.

"Nagka-outbreak na nga at lahat-lahat pero ako pa rin iyong pinag-uusapan niyo?" Salubong ng isang napakapamilyar na boses ng isang lalaki sa gawing labas ng banyo. Sabay na napalingon ang dalawang dalaga sa gawing likuran at doon nakatayo ang isang binatang hindi nila inaasahang makakadaupang-palad nila sa mismong gitna ng sitwasyong ito.

"It looks like destiny finally allowed our paths to cross again, Chloe." Mapaglaro nitong sabi bago inayos ang gulo-gulo niyang buhok. Ang gulat na ekspresyon sa mukha ni Chloe ay unti-unting napilitan ng madilim na awra. Mabilis niyang naikuyom ang kaniyang kamao na siyang naging hudyat kung bakit muling naging dominante ang mga nangingitim niyang ugat. Ramdam niya rin ang pag-itim ng kaniyang mata dulot ng walang kalalagyan niyang galit.

"Quincy..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top