Chapter 33: Plano

"Because I am Zigler Daniles, ang nag-iisang anak ng tinutukoy mong scientist," pag-amin  ni Zigler na siyang dahilan kung bakit binalot ng gulat ang buong mukha ng kasamang interrogator. Hindi ito kaagad nakapagsalita na tila ba nawalan na ito ng sasabihin. Kinuha na rin ni Zigler ang pagkakataong ito upang makapagpaliwanag nang sagayon ay malinawan ang kaharap.

"Senior High School lang si papa no'ng nagkaanak sila ni mama. My mother encountered a problem amidst her labor, hindi niya kinaya iyong panganganak sa'kin kaya namatay din siya pagkatapos," panimula ng binata habang maingat na  inaalala ang kwento ng kaniyang ama. "It was too hard for him, thinking that he lost his first partner and at the same time, his first love. Pero, hindi iyon naging rason para huminto siya sa pag-aaral. Instead of losing his self, he stood up and started to strive for more. Pinagsabay niya iyong pagpapaka-ama niya sa'kin at pagiging estudyante hanggang sa nakapagtapos nga siya ng high school."

"But kismet really loves to give him nonstop challenges..." pansamantala muna siyang huminto para salubungin ang nag-aantay na tingin ng Assistant Chief. "Because back when I was ten  years old, nagtataka na si papa dahil lagi akong maputla at hindi mawala-wala iyong paninilaw ng dulo ng kuko ko. Kaya para malinawan siya kung anong nangyayari sa'kin, he brought me to the hospital  to have my checkup. Then there he found out that I have hemolytic anemia. Isang uri ng sakit na kung saan nagiging extinct iyong red blood cells sa loob ng katawan ko. My memories seems vivid but somehow, I can still recall what the pediatrician have said. Ang sabi niya, namana ko raw ang sakit na 'to kay mama. It drives him to worry so bad since inherited hemolytic anemia is a long life condition, at pwede ko 'tong ikamatay sa oras na maging severe at hindi pa rin maagapan."

"Dahil doon, pinasok niya ang mundo ng science. Not because he wanted to become a scientist or such, but because of the fact that he became eager to find a cure for me." Mahaba-haba niyang paliwanag sa kasama. Dumapo ang tingin ni Suarez sa kaniyang nakapatong na kamay sa mesa para tignan kung naninilaw pa rin ba ang kuko nito, pero gaya ng inaasahan, tuluyan na nga itong nagamot ni Winston.

"Nabanggit mo na ang genetic material na tinurok ni Winston kay Chloe ang naging dahilan kung bakit siya naging zombie, hindi ba?" Agarang tanong nito na siyang sinagot lamang ni Zigler ng isang tipid na tango. "And that the same materials that you have mentioned earlier turned out to be your cure?"

"At kung tinurok nga ni Winston sa'yo iyon. Then is it possible to think that you also carry a zombie-like fea—"

"I am not a zombie," depensa niya sa sarili. "Thirteen days already passed yet I am still a human. My physical features spoke it all, Sir Suarez."

Saglit na natahimik ang interrogator na para bang nalunod na ito sa matinding pag-iisip. Hindi niya lubos-akalain na mas lalo pang magdudulot ng komplikasyon para sa utak niya ang mga impormasyong nalaman niya ngayon.

"In hemolytic anemia, the body will produce antibodies that attacks the red blood cells because they think that they are foreign or unwanted substances. But since the moment that my father injected that experimental cure, my red blood cells boast and became normal in numbers," mahinahon niyang pagpapaliwanag. "I admit that that thing also  crossed my mind, kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano mag-transform si Chloe from being a human into a zombie matapos siyang maturukan no'n kaya hindi ko rin maiwasang makaramdam ng takot no'ng iturok din ni papa sa'kin iyon. But instead of turning into one, my body remains the way like how a normal being used to be. And that's because my white blood cells became more active to fight the infectious substance from that vaccine."

"Ang sabi mo ay ikinulong ni Winston si Chloe sa loob ng Science Laboratory nitong school niyo, kaya papaano mo nakita iyong ginawa ng papa mo?" Kunot-noong tanong ni Suarez. "Nandoon ka ba no'ng mga panahong iyon?"

"No, Sir. My father recorded his experiment at pinakita niya iyon mismo sa'kin." Walang halong biro niyang sagot.

"If that's the case, then you are immune to this virus?"

"I am not that sure since I am never been bitten, kaya hindi ako ganoon ka sigurado kung immune nga ba talaga ako sa virus na 'to o hindi."

Hindi kaagad nakaimik ang kausap bagkus ay panay lamang ang hilot nito sa sentido. Bakas ang matinding kalituhan sa mukha nito waring mas nahihirapan pa ang lalaking isipin ang ganitong klaseng kaso kaysa sa mga krimeng nakakaharap niya no'ng araw.

"Chief, I don't know if my hunch is right or not, but..." bumakas ang determinasyon sa mukha ni Zigler saka niya muling sinalubong ang mata ng kaharap. "I am willing to offer myself just to test if the blood that running in my veins can be use as a cure. Handa kong akuin ang lahat ng 'to, Sir maibalik lang sa dati ang siyudad." 

"I don't see any reasons to refuse your offer, Zigler," diretsang sagot ng kausap na siyang ikinaaliwas ng mukha niya. "I am going to inform General Amoral about this, but rest assured that I am going to keep those informations that are quite too personal. Baka mapag-initan ka lalo at iyon ang iiwasan natin."

"Thank you so much, Sir Suarez." Nang tumayo ang opisyal ay inanyayahan siya nitong sumama palabas. Hindi naman nagdalawang-isip si Zigler bagkus ay sumunod din siya kaagad.

Sa mismong pagbukas ng pinto ay sinalubong sila ng mga nangungwestiyon na mga mata ng mga kasamahan ng Assistant Chief ngunit gaya nga ng inaasahan ay tikom ang bibig ng opisyal.

"Villanueva," tawag  niya sa batang opisyal na nagsisilbi niya ring kanang -kamay. "Ihatid mo na siya pabalik sa room niya." Matapos itong sumaludo ay kaagad naman itong tumalima upang lapitan ang binata.

Akmang magsisibalikan na ang lahat sa kaniya-kaniya nilang trabaho ngunit naagaw ng isang display worker ang kanilang pansin.

"Sir, we have received a message," diretso nitong imporma saka mabilisang inalis ang suot na dispatch headset upang lingunin si General Amoral.  Nagsilapitan naman ang lahat sa pwesto  ng dispatcher na ngayon ay kinakalikot ang kaharap nitong computer. Ilang saglit pa ay lumabas sa screen ang isang mensahe na nakasulat sa code.

"Decrypt the message," utos ng Heneral na mabilisan naman nitong sinunod. Inalisa ng lalaki ang mga numerong nakatatak sa screen hanggang sa kumuha ito ng papel at nagsimulang iguhit ang uri ng code na ginamit. Bago pa man lumipas ang isang minuto ay tuluyang nabuo ang mensaheng nais nitong ipaalam sa kanila.

User 1: 44 35 44 11 43 15 11 25 51 11 34 24 13 35 23 24 22 23 (SOS-Area-Juanico-High)

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagsibuhayang muli ang natutulog na pag-asa sa kani-kanilang dibdib. Ang mga hepe na nandito ay hindi mapigilang makaramdam ng awa at sa kaparehong pagkakataon ay tuwa dahil buong akala nila ay wala talagang nakaligtas sa loob ng eskwelahan maliban na lamang sa nasagip nilang binata.

Gumuhit ang simpleng ngiti sa labi ni Zigler kahit hindi siya sigurado kung sino nga ba ang taong nasa likod ng mensaheng ito. Ngunit mas nanaig sa kaniyang mumunting isipan ang mga partikular na pangalan ng mga taong hindi niya maitatangging gusto niya na ring makita.

"Permission to speak, General," usal ni Villafuerte bago nagpasyang lapitan ang kinatatayuan ng heneral. "We are still going to prioritize our current mission right, Sir?"

"Abort the mission," tipid na sagot ni General Amoral na siyang ikinagulat ng Chief.

"What? B-But Sir, I think it's not necessary if we are going to pull out our agents from this mission since the sake of our VIPs—"

"Are you trying to question my decision, Chief Villafuerte?" Hindi nakasagot ang kausap. Lihim itong napamura sa kaniyang isipan at pasimple na lamang na inurong ang dila dahil ayaw na niyang makipagtalo pa sa kaharap.

"N-No, Sir," tipid niyang sabi bago humakbang paatras bilang tanda na hindi na ito makikipagtalo pa.

"Then what's our new order, Sir?" banggit ni Suarez. Saglit munang tinitigan ng Heneral ang screen ng computer kung saan tinitipa na ng kanilang dispatcher ang response message bago sumagot.

"Conduct a search and rescue operation in Juanico High and I want you to lead this mission, Assistant Chief Suarez," utos nito sa kaniya na siyang ikinatiim-bagang ni Villafuerte.  Asar niyang tinignan ang pwesto ng hepe na ngayon ay buong respetong sumaludo sa kaharap na Heneral. Padabog siyang umalis sa loob ng Interrogation Room at tuluyan na ngang nawalan ng pakialam sa panibagong misyon na ibinigay ng kanilang head.

"Isang malaking pagkakamali na hinayaan ko sa mismong mga kamay mo ang San Juanico, Villafuerte. Nilagay mo lang sa alanganin ang buhay ng mga bata sa mismong siyudad na 'to. You disgraced my name!" pasigaw nitong puna dahilan kung bakit hindi na nga nakaimik pa ang opisyal na tinutukoy. "What's the point of saving those personage who only knows collecting money for the sake of their own life? We cannot afford to lose the only hope of our country. Ayaw kong umabot tayo sa punto na ang mga naghahariang mga putanginang iyon ang magpapakasasa sa yaman ng bayan natin, at isa ka na ro'n." 

"Viper," tawag ng Heneral sa binatang miyembro ng Black Mamba. Sumaludo ito sa kaniya kaagad at matiyagang inantay ang ibibigay nitong order. "Pull out your squad and standby. Wait for my next orders."

"Roger that, Sir!"

"The system are all set, General. Our team Alphas are now waiting in line," imporma ng isa pang dispatcher bago iniangat ang mic sa harap niya. Pansamantala muna siyang umalis mula sa kaniyang pagkakaupo upang bigyan ng pagkakataon ang Heneral na makapagsalita.

"Attention to all units. This is General Amoral. I am ordering all of you to abort your individual missions and go back to our base. I'll repeat, abort all your missions and go back to our base!"

Lihim silang tinitigan ni Zigler at ang mapag-obserba niyang mga mata ang umikot sa loob ng silid. Binantayan niya ang bawat galaw ng mga nandito at masasabi niya na hindi siya binigo ng mga taong kaniyang nilapitan.

"Our next step is to head our way in Juanico High ─ the ground zero for this outbreak," imporma ng kanilang head bago sila nilingon lahat.

"So I want all of you to brace yourselves, we are leaving by tomorrow."

***

Hindi na alam pa ni Shilloh kung gaano na ba siya katagal na nakahiga sa isang komportableng higaan. Kay tagal na niyang nagtitiis sa kaniyang sitwasyon at hindi niya lubos-akalain na makakatagal pa siya sa ganitong lagay. Bagsak na ang kaniyang katawan, gustuhin man niyang tumayo para kahit papaano ay makalakad ngunit hindi na niya talaga kaya.

"Hindi na ako papayag pa na tatanggi ka pa ring kumain, Shilloh," usal ng maestrang si Blaire habang hawak nito ang isang baso at kutsara. Kanina pa  hinahalo ng maestra ang instant noodles sa kagustuhang pakainin ang kaniyang estudyante. Puro processed food na lamang ang natitirang pwede nilang kainin dito sa loob, kung tutuusin ay swerte ang kinalalagyan nilang room dahil bukod sa hawak nila ang mga monitoring camera na nakatutok sa bawat sulok ng Juanico High, ay may nakaimbak pang supply sa loob na libre talagang nilang makakain.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ng guro ay muli na naman siyang tinanggihan ng kaniyang estudyante. Alam na niyang putol na ang dila at gayundin ang hinliliit nito sa kamay, at kung anuman ang naging dahilan no'n, iyon ang hindi alam ni Blaire. Tuluyan na niyang nagamot ang iba pang tinamong sugat ng dalaga, ngunit patuloy pa rin siyang dinudunggol ng kaba dahil aminin niya man o hindi, halata masyado sa estado ng dalaga na hindi na rin ito magtatagal pa.

"Nak, mas lalong babagsak ang katawan mo niyan kung hindi ka pa rin kakain," mahina niyang dugtong pero tanging pag-iyak at pag-hikbi lang ang narinig niya mula rito.

 Wala na lamang pang nagawa ang maestra kundi ang ibaba ang hawak na baso at puno nang pag-aalalang tinignan ang lagay ng kasama.

"Alam kong nahihirapan ka na sa lagay mo, Shilloh. Kitang-kita ko sa mga mata mo na gustong-gusto mo na talagang mag-give up. But look at you..." sandali siyang huminto saka malamyos na tinignan ang dalaga. "You are still here, breathing and kicking."

Pansamantala siyang tumayo upang kumuha ng stool nang sagayon ay hindi siya mahirapan. Matapos niya iyong maipwesto ay doon siya muling nagsalita.

"I wonder if what things are lingering in your mind right now. But knowing you, I bet you're trying to wring your mind just to figure out if what's the reason why you are still alive. You haven't still figured out the reasons behind it, right?" tanong niya rito. Hindi man siya nakakuha ng sagot pero mas pinili niya pa ring magpatuloy sa pagsasalita. "Pero base lang sa mga alam ko, masasabi ko na nakuha ko na rin iyong rason kung bakit patuloy ka pa ring nabubuhay." 

Saglit na yumuko ang maestra upang dukutin ang kaniyang wallet. Maingat niya itong binuksan at doon tumambad sa kaniya ang class picture ng Aries na siyang kinunan noong nakaraang Teacher's Day. Tinitigan niyang maigi ang kompleto niyang mga estudyante na nasa litrato na siyang nagdala ng magkahalong emosyon sa mukha ni Blaire.

Si Shilloh na nagtataray sa harap ng camera. Si Meadow na nakatayo sa kaniyang  kanan at mahinhing nakangiti at abala ang dalawang kamay sa paghawak ng cake. Ang estudyante niyang si Ledger na nakapwesto sa kaniyang likod at halatang napilitan lang na makisali, katabi niya naman ang pinakamatalik na kaibigan na si Earlyseven na halos ipulupot ang kamay sa braso nito. Sunod dumapo ang tingin ni Ms. Blaire sa likod ni Meadow kung saan kapwa nakatayo si Willow at Alison na parehong naka-peace sign. Si Collins na nakangiti habang hawak ang braso ni Wren na halatang gusto ng umalis para hindi makuhanan ng litrato. Hindi rin nakaalpas sa kaniyang mata ang pwesto ni Ryder at Cody na parehong nakaakbay sa isa't-isa, katabi nila si Corbin na kwelyong nagpopogi-sign, at sa likod naman nila nakatayo si Quincy na naka rock-and-roll poise. Napatingin din siya sa gawi nila Yohan at Mills na hindi maipagkakailang nagtatalo pa habang pumapagitna sa kanila si Elsie na nakatutok pa ang dalawang daliri sa dalawa. At ang panghuli, ang pwesto  ni Chloe na siyang may hawak sa selfie stick.

Hindi mapigilan ng maestra ang muling alalahanin kung gaano katibay ang pinagsamahan ng advisory niya. Gustong-gusto niyang bumalik sa mga panahong 'to na kung saan hindi pa nagkakaroon ng lamat ang relasyon ng pinakakauna-unahan niyang mga estudyante. Aminado siya na hindi lang isang estudyante ang turing niya sa mga 'to kundi mga nakakabatang kapatid at anak. Ni hindi na niya halos napagtuunan pa ng pansin ang pagpapamilya dahil para sa kaniya, sapat na ang Aries sa buhay niya.

"Even if how many times you deny it, Shilloh. Nahahalata ko pa rin sa mga kilos mo na gusto mo ring mailapit ang loob mo sa mga kaklase mo pero napapangunahan ka lang ng takot dahil ayaw mong masira ka. Natatakot ka na baka pati ikaw, madamay sa mga taong tinatarget ni Lyndon kaya mas pinili mong sumama sa kabilang section kaysa sa pakisamahan sila," biglaang banggit ng guro na siyang bahagyang ikinagulat ng kaniyang estudyante. "You sometimes tried to get along with your classmates, right? Kahit alam mong medyo malayo iyong loob mo sa kanila, hindi ka pa rin nawalan ng pag-asa na sumubok. Na baka sa kabila ng pinapakita mong ugali sa mga kaklase mo, umaasa ka pa rin na sana tanggapin ka nila bilang ikaw at itrato rin na parang isang kaibigan."

"Hindi mo lang alam kung paano mo'ko pinasaya no'ng mga oras na iyon, Shell. Kasi miski ako, umaasa rin na sana umabot kayo sa puntong magsasama-sama kayo..." dagdag niya bago nilingon ang pwesto ng dalaga. Nanlalabo man ang mata ni Shilloh pero nagawa niya pa ring makita kung paano  namuo ang luha sa ibaba ng mata nito. "B-because I want my advisory to at least treat each other as a family and not as a competitor. Hindi lang sa pagiging academic achiever iyong gusto kong matutunan niyo bilang mga estudyante ko. Kundi g-gusto ko rin na tumatak sa isip niyo na may isang section kayong nadaanan na isang pamilya iyong turingan."

"But my hopes vanished when your heart suddenly covered with extreme anger and jealousy. Nang dahil sa pagtrato ng Aries kay Chloe, nagbago ka.Nagpabulag ka sa inggit, nak. Nagpalamon ka sa mga salita nila Lyndon kaya iyong mga taong minsan mo na ring pinangarap na maging kaibigan, tinalikuran mo." Mapaklang ngumiti si Ms. Garcia sa kaniya at hindi na nakatanggi pa si Shilloh dahil aminado siya na tama ito, na hinayaan niyang balutin ang puso niya ng galit at selos na siyang isa sa pinakamaling desisyong ginawa niya. "Hindi ako bulag para hindi makita kung paano mo sinimulan iyong apoy sa pagitan ninyo ni Chloe. Hindi ako bingi para hindi marinig iyong mga away at sumbong niyo, at mas lalong hindi ako tanga para hindi malaman na dinamay mo ang buong Aries sa laro ni Lyndon na ikaw mismo ang nagpasimuno." 

Nag-iwas ng tingin si Shilloh. Hindi na niya itatanggi pa na malaki nga ang naging kasalanan niya sa buhay ni Chloe, hindi lang sa kaniya kundi maging sa mga kaklase niya. Hindi maiwasan ng dalaga na ikuyom ang kaniyang palad nang muling lumabas sa kaniyang isipan ang mga kahayupang pinaggagawa niya bago pa man siya napunta sa sitwasyong 'to. Marami na siyang naging kasalanan, at hindi niya lubos akalain na patuloy pa rin itong nadadagdagan sa paglipas ng  panahon. Tuluyan na nga siyang nagkaroon ng malay mula sa napakatagal na pagkabulag sa inggit at galit. Naimulat na niya ang kaniyang mata at malaya na niyang pinagmasdan kung ano ang naging epekto ng mga kahayupang ginawa niya sa buhay ng mga kaklase niya. Hindi lang ang buhay niya ang nasira niya, kundi buhay nilang lahat.

"Pero kahit gano'n ang nangyari, hindi ako nagalit sa'yo, nak. Hindi ako kailanman nagtanim ng galit sa'yo, Shell dahil walang ina ang kayang tiisin ang kaniyang anak," sinserong bigkas ng guro na siyang dahilan kung bakit muling binalik ni Shilloh ang kaniyang tingin sa kausap. "Lumalaban pa ang katawan mo dahil may parte sa'yo na gusto mong magbago kaya nga pinipilit ko ang sarili ko na makagawa ng kahit anong paraan para lang mabuhay ka, pero hindi kita matutulungan kung mismong ikaw, ayaw magpatulong."

"Ms. Garcia..." lihim niyang tawag sa pangalan ng maestra. Hindi niya lubos inakala na makakatagpo siya ng isang tao na nakaya siyang intindihin at tanggapin sa kabila ng lahat ng kaniyang pinapakitang asal. Sa kagagawa niya ng paraan para makuha ang pansin ng lahat, nakalimutan na niyang pahalagahan ang kaniyang mismong sarili.

"Kaya kahit ngayon lang, nak. Kumain ka muna, aalis tayo rito sa oras na kaya mo na," muli nitong sabi saka kinuha ulit ang noodles bago lumapit sa pwesto niya. Wala na ngang nagawa pa si Shilloh kundi ang pilitin ang sarili na kumain. Sa narinig niya ngayon sa maestra ay hindi niya mapigilang mabuhayan ng loob. Kung gusto man niyang bumawi, sisimulan niya ito sa kasama.

Maingat nitong hinihipan ang sabaw para lang komportable niya itong makain. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muling tumakas sa kaniyang mata ang traydor niyang luha, ni minsan no'ng bata pa siya ay hindi niya man lang naranasang maalagaan nang ganito ng kaniyang mismong ina. Tanging ang maestra lang ang nagparamdam ng ganitong klaseng kalinga, at sa kaniya niya lang din naranasan ang pakiramdam kung gaano kakomportable mag-alaga ang isang ilaw ng tahanan.

"Magdamag tayong gising kaya mas mabuti pa siguro kung bumawi ka na muna ng tulog. Mag-aalas kwatro na ng umaga," bilin nito sa kaniya.

Pansamantalang pinikit ni Shilloh ang kaniyang mata ngunit pinanatili niyang nakabukas ang kaniyang tainga. Inantay niya lang na makahiga ang maestra sa lapag bago siya nagdilat ulit. Nilibot niya ang kaniyang tingin sa loob ng madilim na silid, napakatahimik ng lugar at ni kahit anong klaseng tunog, wala man lang siyang narinig. Bagay na mas lalo niyang ikinabahala dahil nakakaramdam ulit siya ng takot na baka muli siyang dalawin ng mga bangungot ng kahapong pilit niyang kinakalimutan.

Hindi na mabilang pa ni Shilloh kung gaano na nga ba siya katagal na dilat. Bumibigat man ang talukap ng kaniyang mata pero pinipilit niya ang sarili na manatiling gising. Dahil sa oras na magdedesisyon siyang matulog, bigla-bigla na lang na lalabas ang imahe ng dalawang taong pinagkaitan niya ng pagkakataong mabuhay.

"I'm sorry..." lihim niyang banggit. "I was too selfish that time that I couldn't think of other things aside from keeping myself safe."

"I am no longer a human since the day that I killed you, Alison," aniya bago mariing ikinuyom ang kamay nang kusang lumabas sa kaniyang isipan ang itsura ni Alison na naging isang zombie nang dahil sa kaniya. "I was so fucking careless. Ni hindi ko man lang inisip iyong actions ko the moment I decided to mix the zombie's blood in that bread."

"Sa kagustuhan kong alisin si Mills sa landas ko, nakagawa ako ng bagay na miski ako, hindi ko ini-expect na kaya ko pa lang gawin. I let my fucking brain to control myself which turned me into a goddam cutthroat," dugtong niya pa bago nagpasyang iangat ang kaniyang dalawang kamay. Tinitigan niya ang nanginginig niyang mga daliri dala ng labis na panghihina at takot. "I couldn't imagine what would happened to me kung si Mills pa ang nakakain no'n at hindi ikaw, Alison."

Mapakla siyang ngumiti saka pinunasan ang kaniyang mata. "Maybe they wouldn't let me live. Ikaw pa nga lang iyong nawala, hindi ko na ma-imagine iyong galit nila towards me. What more kung si Mills pa? Nawala nga si Chloe sa ilang sandali kong pakikisama sa kanila, pero pumalit naman si Mills. Si Mills na walang ibang inisip kundi ang sagipin ang grupo. Si Mills na laging nagpapaiwan para isalba ang Aries, si Mills na lang at lagi na lang siya. Napag-iwanan ako ulit."

"Kahit alam kong hindi mo na ako maririnig, I still want to say sorry for what I did," puno nang sinseridad niyang sabi. Ikinuyom ni Shilloh ang kaniyang dalawang kamay bago tinuon ang atensyon sa itaas.

"But the most crummy thing that happened was that I did that demonic move not just once but twice."  Mariin siyang pumikit nang napalitan ng panibagong imahe ang kaniyang isipan.

"Elsie..." puno nang emosyon niyang banggit. "You were the only pure person that I've met in my entire life. Ni kahit isang beses hindi ko man lang nabalitaan na may nakaaway ka, unlike me. If they would compare me to you? I am perfectly sure na ang layu-layo ko sa level mo. But because of my egocentric side, you died. You fucking died because of me." 

Ramdam na ng dalaga ang rumaragasa niyang emosyon nang banggitin niya ang mga katagang iyon. Sa tinagal-tagal niyang pagkimkim nito ay pakiramdam niya hindi na halos kinakaya pa ng puso niya ang namumuong matinding konsensiya. Konsensiyang hindi na siya pinapatulog.

"Natakot lang ako, Elsie. Natakot lang ako. I was so fucking scared to step my foot down knowing that I don't know how to fight those dimwits. Nagpakaduwag ako at wala akong ibang ginawa kundi ang mag-antay sa itaas at panoorin ka," saglit siyang huminto nang tila nauubusan na siya ng hangin. Naghahabol siya ng hininga at pinilit ang sarili na sumandal sa pader.  "Patawarin mo'ko, Elsie. Sana patawarin mo 'ko."

Akmang pupunasan niya na ulit ang kaniyang mata pero nahinto lamang iyon nang may nahagip siya sa screen ng computer. Dala ng matinding pagtataka ay maingat siyang bumangon. Halos maputol ang kaniyang hininga nang maitukod niya ang kaliwang kamay. Impit siyang tumili nang sumakit ang kaniyang hinliliit. Dulot ng kaniyang labis na pagmamadali ay nakalimutan na niyang may bali siya.

Saglit niyang sinilip niya ang pwesto ni Ms. Blaire upang tignan kung nagising niya ba ito pero gaya ng inaasahan, ay nahihimbing pa rin ang guro sa pagtulog.

Nang makampante ay doon pa siya nagpasyang bumaba. Tiniis niya ang nararamdamang pagkahilo malapitan lang ang kataka-takang mga ilaw na nakikita sa monitor. Lumipat ang tingin niya sa ibang screen para maghanap nang mas klarong footage pero wala pa rin siyang mahanap. Todo bantay ang kaniyang mata at nag-aantay siya ng tamang pagkakataon na makakita siya nang mas malinaw na kuha.

"What on Earth is this?"  mahina niyang tanong. Ilang saglit pa ay nakita niyang pumasok iyon sa isang corridor. Para bang nagsasayaw ang puting ilaw sa paligid bagay na mas ikinakunot ng kaniyang noo.

"Flashlights ba 'yan?"  Naguguluhan niyang tanong. Sa matiyaga niyang pag-aantay ay tuluyan na siyang nabigyan ng pagkakataon para maaninag nang mas klaro ang nasa screen. Kinalikot niya ang keyboard na nasa kaniyang harap hanggang sa nai-pause niya ang footage.

"Sila Yohan kaya 'to?  But where did they get that kind of flashlights? Ni hindi nga ganyan iyong portable-electric lights ng school. Unless..."  bago pa man siya makapagpatuloy sa pag-iisip ay naantala lang iyon nang may isang grupong nakapasok sa isang pathway. At dahil nga sa gumagana pa ang fluorescents ng school sa tulong ng mga generators, ay hindi nahirapan si Shilloh na aninagin ang mga taong iyon.

"Oh shit, can someone tell me that I ain't dreaming."  Napatayo siya sa kaniyang upuan nang bigla na lamang sinugod ng napakaraming  zombies ang grupo. Sunod niya na lang namalayan ang pag-angat ng mga hawak nitong de-kalibreng mga baril at ang pagbulagta ng mga katawan ng halimaw sa magulong sahig.

Magkahalong gulat at pagkatuwa ang naramdaman ni Shilloh matapos niyang matignan iyon kaya kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at minadaling gisingin ang nahihimbing pa ring maestra. Hindi siya halos magkandaugaga sa pagtapik ng balikat ni Ms. Blaire at dahil din sa marahan niyang pagkilos ay nagising ito kaagad.

Hindi pa man nakakapagtanong ang maestra ay minadaling itinuro ng dalaga ang computers. Paulit-ulit siyang sumenyas sa kaharap na tignan ang nasa footage. Nagugulumihang tumayo ang guro at puno nang kuryosidad na lumapit sa monitor para  tignan ang screen.

"T-Totoo ba 'to?" Nabubuhayan niyang tanong. Hindi maipaliwanag ng maestra ang umaapaw na emosyon sa kaniyang sarili ngayon. Alam ng Diyos kung ilang gabi at araw na siyang halos hindi makapag-isip nang matino dahil tinutuon niya ang atensyon sa pagrorosaryo. Paulit-ulit niyang pinapanalangin na sana magkaroon sila ng tiyansa na makaalis sa lugar na 'to. At ngayon, dininig na nga ng Panginoon ang matagal-tagal na niyang hinihiling.

"Shilloh..." tawag niya sa estudyante na mabilis naman siyang nilingon. "I will not let this chance to slip away, so prepare yourself."

"Ilalayo na kita rito."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top