Chapter 32: Imbestiga

Kasalukuyang nasa loob ng camp si Zigler kung saan patuloy pa ring ginagamot ng Military Nurse ang kaniyang mga natamong sugat. Hindi biro ang sinapit niya para lang makaalis mula sa Juanico High at mapa-hanggang ngayon ay hindi pa siya halos makapaniwala na tuluyan na nga siyang nakaligtas mula sa malagim na landas na pinagmulan niya. Kung hindi napadaan ang Black Mamba mula sa isang shop na pinagtaguan niya ay baka tuluyan na nga siyang nasama sa mga pagsabog na naganap sa siyudad.

"Ayos na 'tong sugat mo." Imporma ng nurse sa kaniyang tabi matapos nitong  mabendahan ang sugat sa kaniyang tuhod.

Hindi kumibo si Zigler bagkus ay tipid na tango lang ang kaniyang isinagot.

"May pagkain din diyan sa gilid kung saka-sakali mang gusto mong kumain," turo nito sa maliit na mesa hindi kalayuan sa kaniyang pwesto. "Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ang kahit sinong military men diyan sa labas. Aasikasuhin ko lang muna ang iba pang survivors."

Muli ay hindi siya umimik bagkus ay pinasadahan niya lang ng tingin ang pagkaing nakahain sa ibabaw ng mesa.

Tahimik na niligpit ng nars ang kaniyang mga gamit bago ito nagpasyang lumabas na siyang pinanood lang ni Zigler.

Muli ay naiwan siyang mag-isa sa loob, ngunit sa halip na maging kampante siya para sa lagay  niya, mas lalo lamang siyang inatake ng samut-saring emosyon na tila nagkukumahog na sa pag-labas.

"What have you done, Pa?" Wala sa wisyo  niyang tanong sa sarili habang nakapako ang tingin sa gawing bintana. Pinalandasan niya ng tingin ang bagong dating na military truck na may sakay na mga sibilyan. Huminto iyon sa harap ng gate saka sunod-sunod na bumusina. Ilang saglit pa ang lumipas at malayang nakita ng binata ang pagbagsak ng isang lalaki sa ibaba. Hindi iyon kaagad nakatayo bagkus ay para bang hinang-hina itong kumilos na siyang hindi na niya ikinapagtaka pa. Sa ilang araw niyang pakikipagsapalaran para lang mapanatiling buhay ang sarili ay hindi na bago sa kaniyang paningin ang makasaksi ng ganitong kaganapan. At nangyari nga ang kaniyang inaasahan, nag-umpisa ngang mag-seizure ang lalaki senyales na magiging isa na itong halimaw.

Kitang-kita ni Zigler kung paano iyon gumalaw na tila wala sa kontrol ngunit bago pa man iyon mabigyan ng tyansang makatayo ay mabilis na nakaresponde ang mga sundalong nasa pwesto upang paputukan iyon nang paulit-ulit hanggang sa hindi na nga nakagalaw pa. Umalingawngaw ang putok ng baril maging ang sigawan ng mga taong nasa loob din ng truck na siyang hindi nakaalapas sa pag-ooberba ng binata.

"You risked everything for me to stay alive," mahina niyang banggit saka nag-iwas ng tingin. "Sa kagustuhan mong mabuhay ako, sinakripisyo mo ang buhay ng lahat ng tao."

Dulot ng mga nangyari ay hindi niya rin mapigilang sisihin ang sarili kahit aminado siyang hindi niya kasalanan. Ngunit pilit na tinatatak ng kaniyang isipan na kung hindi lang dahil sa pinanganak siyang may dinadalang sakit, hindi sana sila aabot sa ganitong sitwasyon.

"Have you forgot what I've told you last time? That I don't fucking care if I'll suffer from this illness for life. Hindi ko kailangan iyong gamot na ginagawa mo para lang gumaling ako. What I needed the most is your love and care as my father. Atensyon mo lang naman sana iyong hiningi ko ah. Atensyon na ni minsan, hindi mo man lang magawang ibigay." Dagdag niya pa. Sa hindi na mabilang pang pagkakataon ay nakaramdam siya ng panghihina dulot ng mga emosyong tila nais siyang sakalin sa sobrang bigat. 

Wala sa wisyo siyang napaiwas ng tingin at doon ikinalma ang sarili. Mahirap mang gawin ngunit kinakailangan niya munang isantabi ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa kaniya nang sagayon ay mabigyan niya rin ng oras ang sarili niya na makabawi.

"Nakapagpahinga ka ba nang maayos, hijo?" Kaagad siyang napaayos mula sa kaniyang pagkakaupo nang may marinig siyang nagsalita. Wala sa wisyong napatikhim si Zigler at doon mabilisang inayos ang sarili bago siya nagpasyang lumingon.

"Dinalhan na kita ng mga gamit para makapagpalit ka ng damit. Isuot mo na 'to kaagad para hindi ma-kontamina 'yang mga sugat mo sa katawan," sambit nito saka lumapit sa hospital bed na kinauupuan niya at doon nito pinatong ang isang paper bag. "Hindi ko alam kung kasya sa'yo ang gamit ng inaanak ko pero sana makatulong." Dagdag ng lalaki.

Hindi maiwasan ni Zigler na tignan ang kaharap. Base lamang sa suot nitong uniporme ay nakatitiyak siyang hindi lamang ito isang ordinaryong opisyal. Dumapo rin ang kaniyang mata sa balikat nito na kung saan nakadikit ang isang single golden star na siyang sumisimbolo sa ranggo nito sa lipunan. Hindi rin nakatakas sa kaniyang tingin ang lagpas sampu nitong mga badge sa gawing dibdib, senyales na napakarami na nitong napatunayan at halatang respetado ito sa loob ng kampong kinalalagyan niya ngayon.

Nagbaba ng tingin si Zigler at hindi man lang nag-abalang sagutin ang Assistant Chief. Hindi niya maitatanggi na nakakaramdam siya ng hiya at takot sa pagkakataong 'to lalo na't hindi basta-bastang tao ang kumakausap sa kaniya ngayon. Idagdag pa ang katotohanan na may malaki siyang koneksyon sa taong nagpasimuno ng napakalaking krisis na kasalukuyang kinakaharap ng siyudad.

Tahimik niyang kinuha ang paper bag at maingat niya iyong binuksan. Tumambad sa kaniya ang isang pares na damit, maingat niya iyong kinuha at doon mausisang tinignan. Naagaw naman kaagad ng kaniyang pansin ang naka-printa nitong desinyo dahilan kung bakit hindi niya maiwasan ang sarili na mapatitig. Sa hindi mawaring dahilan ay tila nakita na niya ito ngunit hindi niya lang matukoy kung saan.

"Lagi niyang sinusuot ang T-shirt na 'yan kaya siguro pamilyar sa'yo." Paliwanag ng kausap na siyang nakapagpabalik kay Zigler sa realidad. Patay-malisya niyang binitawan ang damit bago nagpasyang mag-angat ng tingin.

"Kagaya mo, sa Juanico High din siya nag-aaral. Sigurado rin ako na hindi nalalayo ang edad mo sa batang iyon."

"Where is he?" Biglaan niyang tanong dahilan kung bakit pilit na ngumiti ang kaharap.

"Magmula no'ng nagsimula ang outbreak na 'to, wala na akong balita pa sa kaniya dahil nga sa naputol lahat ng communication lines ng siyudad. Hindi ko alam kung na-trapped ba siya sa loob ng eskwelahan o  nakaligtas din ba siya tulad mo." Mahinahon  nitong sagot bago pagod na pagod na ngumiti. Base lamang sa inaakto nito ay muling hindi nakapagpigil si Zigler at palihim na kinuyom ang kaniyang kamao. Mas lalo lamang siyang kinakain ng kaniyang konsensya kahit wala naman siyang maling ginawa.

"I am sorry for asking, hindi ko po alam. Pasensya na." Madalian niyang paghingi ng paumanhin. Tipid lang siyang nginitian ng kausap tanda na hindi nito masyadong dinibdib ang kaniyang itinanong.

"But I admit that the shirt looks familiar, pero hindi ko lang masyadong matandaan kung sa'n ko ba 'to nakita. Ayos lang po bang itanong kung anong pangalan niya?"

"Pangalan ba kamo?" Turan ng lalaki. Nang tumango si Zigler ay doon na hinubad ng Assistant Chief ang kaniyang suot na peaked cap.  "Sa hula ko ay baka nga magkakilala kayo."

"Kung gano'n ay sino po siya?"

Akmang sasagot na sana ang lalaki ngunit nahinto lamang iyon nang may kumatok sa pinto. Pareho silang napalingon sa gawing harap kung saan nakatayo na roon ang isang pulis na mabilis ding sumaludo bilang tanda ng pagbibigay galang.

"Permission to speak, Assistant Chief Suarez."

"Update?" Tugon ng lalaki na mabilis namang sinagot ng bagong dating.

"Hinahanap po kayo ni General, Sir. Inaantay ka na niya sa Conference Room kasama ang Chief of Police." Magalang nitong imporma. Hindi kaagad nakasagot ang lalaki matapos marinig ang balitang iyon. Sa isip niya ay marahil umabot na nga sa tainga ng Heneral ang mga ginagawa niyang pagsalungat sa mga desisyon ni Villafurte. Sa halip na mabahala, mas naging panatag lamang ang kaniyang loob lalo na at dumating na rin sa wakas ang tamang pagkakataon kung saan tatayo na siya at maninindigan.

Walang paalam siyang lumabas sa silid at sumunod naman kaagad ang kausap nitong pulis.

Naiwan muling mag-isa si Zigler sa loob kaya nagpasya siyang kunin na ang damit nang sagayon ay makapagpalit na siya. Maingat niyang hinubad ang suot niyang uniporme upang hindi mabinat ang kaniyang sugat. Pinagmasdan niyang saglit ang kaniyang katawan upang tignan kung may mali. Ngunit gaya ng inaasahan ay tuluyan na nga siyang naging normal. Hindi na siya maputla gaya no'ng dati at hindi na rin naninilaw ang dulo ng kaniyang mga kuko. Isang palatandaan na tuluyan na nga siyang gumaling mula sa kaniyang sakit at matagumpay na umepekto ang cure na binuo ng kaniyang papa.

Mabilis niyang isinuot ang nakuhang damit at nang tuluyan na siyang nakapag-ayos ay saka naman muling bumukas ang pinto. Sa pagkakataong 'to, ay panibagong pulis na naman ang bumungad sa kaniya. Diretso itong nakatingin sa kaniyang mata na walang takot niya namang sinalubong.

"Pinapapunta ka ng Chief of Police sa Interrogation Room. May mga katanungan ka lang na kinakailangan mong sagutin." Paliwanag nito sa kaniya. Akmang tatayo na sana siya para sumama nang matiwasay dito pero laking gulat na lamang niya nang bigla itong kumuha ng posas at isinuot iyon sa palapulsuhan niya. Gulat na napatingin si Zigler sa pulis na hindi man lang nag-abalang magsalita para malinawan siya kung anong nangyayari.

"You don't have to put a handcuff on me. Hindi ako kriminal para lagyan niyo ng posas." Kontra niya pero tila walang narinig ang pulis bagkus ay pwersahan siya nitong hinila waring pinapadali. Malakas din siya nitong itinulak palabas dahilan kung bakit nawalan siya kaagad ng balanse at humampas sa pader. Bakas ang gulat sa mga taong nasa labas at may iilan pang tao na nagbalak na tumulong ngunit hindi rin nakalapit lalo na at hinarangan ng ibang mga bantay. Wala na lamang pang nagawa ang iba kudi ang manahimik sa gilid at nagpapatay-malisya sa nakita.

Nang maramdaman ni Zigler ang malaking kamay ng lalaki na humila sa kaniyang suot na damit ay wala na lamang siyang nagawa pa kundi ang magpatianod na lang. Wala siyang kahit anong ideya kung bakit bigla na lang naging agresibo ang pagtrato nila sa kaniya gayong nakakasiguro siya na wala pang alam ang mga ito patungkol sa kaniyang katauhan. Gustuhin man niyang magtanong ngunit base sa inaakto ng kasama, malabo pa sa usok na sasagutin siya nito.

Saktong pagliko nila sa isang pasilyo ay napunta sila sa isang may kalakihang silid. Kitang-kita ng binata ang napakaraming computers at monitors sa loob dahil sa salamin nitong dingding. Nang buksan na nga ng iba pang mga pulis ang pinto ay nabaling ang tingin ng lahat sa kanilang pwesto. Sinalubong ni Zigler ang mga titig ng mga nandito nang hindi man lang kababakasan ng kahit katiting na takot.

"Bakit niyo siya ipinosas?" Kaagad na nabaling ang tingin ng binata sa isang opisyal sa gawing harapan nang gulat itong napatayo.

Pasimple namang nilingon ni Zigler ang may hawak sa kaniya na hindi man lang siya tinignan bagkus ay itinulak lamang nito ang ulo niya na siyang hindi niya muling pinalagan.

"Chief," tawag ng opisyal sa isang lalaki. "I think it's not necessary for us to tie him up. He's just a kid. We don't need to treat him like a convict."

"At may problema ka ba sa patakaran ko ha, Villanueva?" Salubong ng Chief sa opisyal na siyang dahilan kung bakit muli na lamang itong nanahimik sa gilid. "He's the only City Highian survivor that we managed to rescue. At wala tayong kaalam-alam kung ano bang background ng batang 'to."

"Now tell me..." panghahamon nito kay Zigler saka dahan-dahang lumapit dito. "Paano nakatakas ang isang batang tulad mo palabas sa ground zerong iyon nang hindi man lang nahahawaan ng virus?"

Ang nang-iintimida nitong mga mata ay diretsong pumukol sa binata ngunit sa halip na mag-iwas ito ng tingin ay mas pinili pa nitong pantayan ang titig na natatanggap niya. Sa kaniyang ipinamalas na tapang ay hindi mapigilan ng iilang mga nandito ang mapakunot ng kilay sa kaniyang kalapastanganan. Walang sinumang tao sa loob ng opisinang ito ang nagtatangkang sumubok na hamunin ang Chief of Police lalo na at alam ng lahat ang kung ano ang kaya nitong gawin, ngunit tila hindi nasisindak si Zigler.

"I am not that stupid to give an informations without receiving a beneficial token in return." Madalian niyang sagot na siyang ikinangisi ng kaharap.

"Segurista ka pala bata." Umiiling nitong komento na siyang hindi niya pinansin. Pinanood niya itong lumayo sa kaniya bago siya kinukutyang tinignan.

"Ang lakas naman yata ng loob mong  maging mapusok at sa mismong harap ko pa talaga. Bakit, ano bang mga klaseng impormasyon 'yang alam mo?" Muli nitong tanong sa kaniya. Halos lahat ng nandito ngayon ay nasa dalawa ang mata. Masugid na nakaabang ang lahat sa mga sasabihin ng binata na pwedeng makapagbigay sa kanila ng mga kapaki-pakinabang na kaalaman patungkol sa kasalukuyang pangyayari.

"I am not going to answer your question, unless ─"  huminto muna siya saglit bago iniangat ang kaniyang kamay na nakaposas. "—you're going to remove this thing away from my hands." Mariin siyang tinitigan ng Chief of Police pero hindi pa rin nadadala si Zigler. Buong tapang pa rin siyang  tumindig na para bang wala na itong kinakatakutan.

"Yes, Sir. The choppers has been successfully deployed to roamed around the city."

"Good."

Kaagad na napatigil ang lahat nang bumukas ang pinto at sumalubong sa kanila ang isa sa napaka-importanteng tao na nandito ngayon kasama ang Assistant Chief na natuon kaagad ang buong atensyon sa binatang nakatayo sa gitna habang nakaposas.

"Anong nangyayari rito?" Ang baritonong boses ng Heneral ang siyang nakapagpatayo sa lahat. Sabay-sabay silang sumaludo sa kaharap at ni isa sa kanila ay wala talagang nagbalak na sumagot na parang isang malaking pagkakamali ang sagut-sagutin ang bagong dating lalo na sa pinakita nitong tono ng pananalita.

"Villafuerte?" Baling ng Heneral sa Chief na siyang alanganin namang  ngumiti.

"Everything is fine here, Sir. We are just doing a little chitchats so you don't have to worry."

"I've ordered you to talk to him in a friendly way, haven't I? So why did you cuffed him?" Pagpuna nito na siyang dahilan kung bakit pansamantala munang inalis ng lalaki ang kaniyang tingin sa binata.

"General Amoral, hindi namin intensyon na ituring na bandido ang bata. Naniniguro lang kami na kung saka-sakali mang infected siya, hindi siya makakakilos nang masama."

"Alam mong normal ang temperature check niya di'ba, kaya ano pa bang ikinakatakot mo? Pakawalan mo na ang bata," singit ni Suarez na siyang dahilan kung bakit mabilis siyang nilingon nito. "Wala sa usapan natin na ipoposas mo siya, Villafuerte. Estudyante 'yang kausap mo at hindi pugante."

"Susuwayin mo pa rin ba ako sa pagkakataong 'to, Suarez?" Tila nagpipigil nitong tanong. "Baka nagkakalimutan tayo kung sino ang mas mataas sa'ting dalawa? Assistant Chief lang kita at wala ka sa lugar para utos-utusan ako." Dagdag  nito pero hindi nakinig ang katunggali bagkus ay lakas-loob itong lumapit sa pwesto ni Zigler at akmang tatanggalin na sana nito ang posas pero dumiretso sa kaniyang sentido ang dulo ng kwarenta y sincong baril ni Villafuerte.

Ilang saglit pa ay nagkaniya-kaniya na ang lahat sa pagtutok ng baril. Tuluyang nahati ang grupo sa dalawa na tila ba sa isang iglap lang ay itinuring nilang kalaban ang minsan na rin nilang naging kakampi. Kapwa nagsitutukan ng baril ang kampo ng Assistant Chief at ng Chief of Police na siyang mas lalong hindi nagustuhan ng kanilang matinik na panauhin.

Umusbong na nga nang tuluyan ang tensyong kanina pa nila pinipigilang mangyari at ang pagkakamaling ito ay nasaksihan pa mismo ng Heneral.

"If you still want me to treat you as my head, then let the kid go." Mariing sagot ni Suarez na siyang nakapagpatiim-bagang sa kaharap. Nang nagbalak itong makipagsagutan sa kaniya ay doon na mabilis na nakasingit si General Amoral.

"Uncuff the kid, now!" Malakas nitong sigaw dahilan ng pagpiksi ng halos lahat ng mga tao rito sa loob. Umalingawngaw ang puro at buo nitong boses sa kwadradong silid na para bang isang kulog na kayang magpahinto sa kahit sinong gumagalaw. Wala na nga pang nagawa si Villafuerte kundi ang pakawalan si Zigler na kanina pa nananahimik. Asar niyang tinanggal ang posas at pabagsak niya iyong pinatong sa mesa.

"Proceed to Interrogation Room and bring the kid inside." Utos pa nito na kaagad namang sinunod ng lahat. Muling pumwesto ang mga display worker sa kaniya-kaniya nilang upuan upang atupagin ulit ang kani-kanilang mga computers.

"Pardon, Sir," usal ni Zigler bago lumingon sa pwesto ng Heneral. "I am willing to give you informations but the following info's which I knew are completely confidential so if it's okay with you, I am choosing Sir Suarez as my interrogator." Dire-diretsa niyang sambit. Bakas ang pagkadisgusto sa mukha ni Villafuerte nang marinig niya ang sinabi ng binata. Ngunit mas lalo lamang siyang nilamon ng pagkapikon nang payagan ito ng Heneral.

Naunang maglakad ang Assistant Chief at ito na ang nagkusang magbukas ng pinto para papasukin si Zigler sa loob ngunit bago pa man nito ihakbang ang paa papasok sa silid ay muli itong lumingon.

"And please, no cameras allowed." Panghuli niyang bilin na siyang naging mitsa kung bakit alanganing lumingon ang mga display workers sa pwesto ng Heneral para manghingi ng permiso. Nang sagutin sila nito ng tango ay doon nila pinatay nang sabay-sabay ang mga installed camera at iba pang listening devices sa loob.

Nang nagpasya na si Zigler na pumasok ay doon na niya palihim na nilibot ang kaniyang tingin para kumpirmahin kung meron pa bang  mga  camera na nakatutok sa pwesto nila. Ayaw niyang magpakampante kaya mas mabuti na para sa kaniya ang maging segurista. Nang makasigurong wala na nga ay doon pa siya lumapit sa pwesto ng Assistant Chief na ngayon ay prenteng nakaupo sa gawing gitna habang inaantay ang paglapit niya.

Tahimik siyang lumapit dito saka maingat na hinila ang monoblock chair upang makaupo. Lihim siyang nag-obserba sa kaharap na ngayon ay hindi pa rin nagsasalita bagkus ay abala lamang sa pagsusuri ng mga hawak na mga papel.

"Hindi mo hahamunin nang gano'n si General Amoral kung hindi basta-bastang mga impormasyon ang hawak mo, hijo," paunang sambit nito bago inayos ang pagkakasunod-sunod ng mga hawak niyang papel. "Hindi kita pipiliting sabihin ang lahat ng mga bagay na alam mo kung hindi ka komportable."

"Do you swear that you are going to tell the truth, the whole truth, and nothing but the truth?"

"Yes, Sir. I declare that, to the best of my knowledge and belief, the information herein is factually true." Mahinahon niyang sagot na siyang sinuklian lang ng lalaki ng isang tipid na tango.

"Do you still remember if how this mess started inside your school? If you are not comfortable to answer this question we can a—"

"I could still clearly reminisce those moments if how this outbreak took place..." pagputol niya sa sinasabi ng kaharap. Hindi siya tumingin sa mata nito bagkus ay sa mesa niya tinuon ang atensyon na para bang inaalala niya talagang mabuti ang mga nangyari bago pa man balutin ng lagim ang kanilang siyudad. "It was Friday the 13th, alas nuwebe ng umaga at nasa loob kami ng room dahil class hours. I thought that that day will still end the way it used to be but I was wrong, because a sudden event happened which evoke a foreboding feeling not just inside me but to all of us."

Muli niyang binalik ang tingin sa kausap na ngayon ay seryoso ang ekspresyon habang nakikinig sa kaniyang sinasabi.

"Nakita ko si Chloe. Puno ng dugo iyong suot niyang uniform at para bang pinipilit niya na lang iyong sarili niyang maglakad para makabalik siya sa room nila. She's completely bleeding that time at lumalabas iyong dugo sa bibig at ilong niya." Paliwanag ni Zigler dahilan kung bakit tuluyan na nga niyang naagaw ang atensyon ng kasama.

"Sino 'tong sinasabi mong Chloe?" Agarang tanong ni Suarez matapos niyang masulat sa kaniyang hawak na notebook ang mga nakuha niyang impormasyon. 

"Chloe Montemayor is my batchmate. She's been known for being a persona non grata of Juanico High which causes her to suffer from enormous numbers of bullying," diretso niyang sagot. "October 12 ng hapon no'ng nabalitaan namin na nawawala siya. No one knows where did she went or kung saan ba siya naglagi. Sinubukan siyang hanapin ng mga kaklase niya at ng adviser nila pero hindi talaga nila nahanap si Chloe. It appeared that she went missing for almost half day and one whole night. At nakita na lang namin siya ulit kinaumagahan na puno na ng dugo at parang nawawala na  sa sarili." Pagpapatuloy ni Zigler.

"May alam ka bang mga tao na may persons of interest sa Chloeng 'to?"

"Yes, I do. One of my classmate is undeniably involved sa bullying cases ni Chloe." Agarang sagot ng binata dahilan kung bakit natuon ang mata ng  kaharap sa dalawang hawak na mga papel. Maingat nitong iniisa-isa ang mga dokumento na tila ba may hinahanap. Masugid namang nag-antay si Zigler sa kaniyang susunod na gagawin hanggang sa nakita niya na iniangat ng Chief sa ere ang dalawang papel na may naka-printang mukha ng dalawang napakapamilyar na tao sa kaniya.

"Sino sa kanila?"

"The left one, Sir." Madaliang turo ng binata. Muling iniharap ng lalaki ang litrato nang sagayon ay matignang maigi ang mukha ng tinutukoy na kaklase ng kaharap.

"Lyndon Aguilar, anak 'to ng business tycoon hindi ba?" Nang sagutin siya nito ng  tango ay doon na niya binaba ang papel.

"Naging biktima ni Lyndon si Chloe pero nahinto lang ang panti-trip ng kaklase ko sa kaniya dahil kay Quincy. Lyndon stepped his foot away from her and let his colleague do whatever he likes towards her because of his personal reasons." Muli  niyang pagpapaliwanag  bago tinuro ang papel na hawak ni Suarez sa gawing kanan.

"Quincy Corpuz, hmm. Parang pamilyar sa'kin 'tong batang 'to..." hinuha ng lalaki. "Anak siya ng Mayor tama?"

"Opo, siya nga," magalang niyang pagtatapat. "Pero, sa kabila ng lahat ng iyon. Kilala ko pa rin ang dalawang 'yan personally, Sir kaya masasabi kong hindi sila involve sa pagkawala ni Chloe noong araw na iyon."

"How come? Sa'yo na nga mismo nanggaling na may mga motibo ang dalawang 'to sa dalagang tinutukoy mo, kaya papaano mo nasasabing wala nga silang kinalaman dito?"

"Simula no'ng nawalan ng pakialam si Lyndon kay Chloe ay hindi niya nga iyon pinagtuunan pa ng pansin. He didn't lay a single finger on her nor tried to pull a prank kaya masasabi kong labas na siya sa isyu ng pagkawala niya," muli niyang pangangatwiran bago sumandal sa upuan. "As for Quincy's side, intensyon niyang pahirapan si Chloe, oo. Pero ni minsan ay hindi iyon umabot sa puntong uuwi si Chloe nang duguan."

"How did you know all of these?" Pumukol ang nangunguwestiyon na mata ni Suarez sa kaniya na siyang walang takot namang sinalubong ni Zigler.

"Because I am also  involved in this matter, Sir. Hindi ko itatangging naging isa ako sa grupo nila ni Lyndon. Hindi bilang bully, kundi bilang taga hawak ng mga files at footage na kinukuhanan ng grupo," pag-amin niya. "Alam ko ang lahat ng galaw nila. Bawat plano, bawat aksyon, lahat lahat. Sinasabi ko 'to sa inyo para malinawan kayo na labas ang grupo namin sa nangyari sa kaniya, how?  Because when we are going to look closer into it, halata masyadong hindi na kayang gawin ng isang batang tulad namin ang nangyari sa kaniya."

"The moment she showed up, Chloe was rushed straight to the clinic at dahil sa wala pang available na doctor sa hospital, si Nurse Gwendyl lang daw iyong nag-asikaso sa kaniya," gatong niya at saglit munang huminto para ibsan ang panunuyo ng kaniyang lalamunan dahil sa tuloy-tuloy niyang pagsasalita. "Hindi rin nagtagal ang pananatili niya ro'n sa clinic dahil hindi man lang lumampas ang isang oras, tuluyan na nga pong nagkagulo ang lahat dahil sa outbreak."

"Vomiting of blood, alarming level of nosebleed, and paleness." Mahinang basa ni Suarez sa record na nagawang makuha  ng kanilang team. Base sa narinig niya mula kay Zigler ay nakumpirma niya na nga na sa dalagang nangangalang Chloe Montemayor, nagsimula ang pagkalat nitong hindi matukoy nilang sakit.

"I presume that you and your team are speculating that this happened because of a virus, then yes, it was. Pero kung kinakailangan niyong mag-conduct ng investigation and studies, magpasensyahan na po tayo pero hindi ko na po kayo matutulungan sa pagkakataong 'to. Ang Juanico High lang po ang makakasagot sa katanungan ng mga experts niyo."

Hindi sumagot ang Assistant Chief bagkus ay natuon ang mata niya sa isang papel na nakapwesto sa pinakailalim. Maingat niyang kinuha iyon saka pinagmasdan ang mukha ng nasa litrato. Miski si Zigler ay hindi maiwasang magtanong lalo na sa biglaang pananahimik ng kaharap. Hindi naman siya maaaring tumayo at makisilip lalo na at obligado siyang maupo lamang alinsunod sa mga alituntunin dito.

"Sino po siya?" Pagkuha ng binata sa atensyon ng kaharap. Bumuntong-hininga saglit ang lalaki bago niya iniabot ang papel sa binata na malugod naman nitong tinanggap gamit ang dalawa niyang kamay.

"Siya si Warlito Soriano, dating professional Professor na nag-quit sa pagtuturo dahil sa kagustuhan niyang maging isang scientist."

Pokus na pokus si Zigler sa pagtitig sa litrato partikular sa apilyedo ng matanda. Titig na titig siya sa itsura nitong mahahalata talaga ang tatak ng karangyaan sa buhay. Hindi rin nakatakas sa kaniyang tingin ang napakakapal nitong salamin waring naging hilig talaga nito ang pag-aaral.

"Naging guro ko siya no'ng araw sa kolehiyo at masasabi ko talagang mas naging malaki ang ambag niya sa siyensiya noong tinayo na niya at ng pamilya niya ang Pharmaceutical," kwento nito. "Sa pagbangon ng itinayo nilang kompanya ay marami siyang nahikayat na mga kabataang nasa kolehiyo na pumasok sa Pharma para doon  subukang magtrabaho."

"And you are one of those young adults na sumama sa kaniya, tama? Ikaw 'tong naka-polo sa picture di'ba?" Madaliang singit ng binata saka niya iniharap ang litrato at itinuro ang lalaking nakangiti at nakatayo sa pinakagilid. Sinagot niya si Zigler ng isang tipid na tango bago nagpasyang sumagot.

"Sa dinami-raming na-recruit ni Prof Warlito sa pharma, iilan lang silang nakatagal." Dugtong niya na siyang mas lalong nagpainteresado sa binata.

"One of them is from the science department, ang itinuturing na 'nimble-spectacle-guy' ng batch namin." Dagdag niya at doon niya itinuro ang nakatayong patpatin na binata katabi ng guro. Nakasuot ito ng salamin at hindi man lang nag-abalang ngumiti sa harap ng camera. Kung titignang maigi ay parang napilitan lang itong sumama para magpakuha ng litrato.

"Him?"

"Yes, at siya si Winston Daniles. Ang pinakapaboritong estudyante ni Prof." Matapos iyong sabihin ni Suarez ay doon na nilapag ng binata ang papel sa mesa bago siya umayos ng upo.

"Nang lumipas ang sampung taon ay nabalitaan ng mga ka-batch namin na iniwan niya ang pagiging scientist at umalis sa puder ng maestro para muling ipagpatuloy ang kurso niya. Hanggang sa nakita ko na lang siya kalaunan sa loob ng Juanico High bilang isa sa mga pinakarespetadong guro ng eskwelahan." Muli niyang dagdag at doon kinuhang muli ang litrato.

"He successfully fulfilled 5 years in Batchelor of Science in Biology, 6 years in Biochemistry, and 7 years in  Master of Science in Clinical Epidemiology. At panghuli, nakakuha  siya ng Master Degree in Science Education." Dugtong ni Zigler na siyang ikinagtaka ng kausap.

"Imposibleng makabisado mo ang record niya sa isang tinginan  lang kaya paa—"

"His curiosity in science and personal reasons pushed him to enter the pharma, and by the help of Professor Warlito Soriano, his knowledge became wide and made him understand about how the world really works." Prenteng paliwanag ng binata na tila ba siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya. Bagay na mas lalong ikinagulat ng kaharap.

"So care to share if why did you brought this topic up, Assistant Chief Suarez?" Tila nanghahamon niyang tanong.  "You're suspecting him, aren't you?"

Nang hindi ito sumagot ay bumuntong-hininga si Zigler. Saglit niyang hinagod ang kaniyang gulo-gulong buhok bago muling nagpasyang magsalita. "Sa pagpasok niya sa eskwelahan, pinagsabay niya ang pagiging guro at paghahanap ng cure para sa anak niya. He almost wring his brain for it. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nagbunga ang ginawa niyang eksperimento."

"A-ano t─"

"Kung iniisip mo na ang maestrong iyon ang nagpasimuno sa lahat ng 'to. Ngayon pa lang sinasabi ko na po sa inyo na tama ang hinala niyo," pagkumpirma niya. "He locked Chloe inside the Science Lab and used his experimented genetic material to her. Nang matagumpay niyang nagawa ang 'transduction process' ay tuluyan niya na ngang  nahanap ang gamot. But little did he know, hindi lang pala cure ang nagawa niya."

"Because Chloe's blood and that  genetic material perfectly matched to come up with another traits of a human being. A verson of human which carry an unidentified traits that made it more incredible and unique."

"P-paano mo nalaman ang lahat ng 'to?" Nauutal na tanong ni Suarez. Hindi kaagad sumagot si Zigler bagkus ay doon niya na nilapit ang sarili sa mesa saka ipinatong ang kaniyang dalawang braso.

"Because I am Zigler Daniles, ang nag-iisang anak ng tinutukoy mong scientist."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top